You are on page 1of 23

DISENYO

AT
PAMAMARAAN
NG
PANANALIKSIK
“Bilang - Pantig - Hula -
Salita”
Hulaan ang dalawang salitang
may kaugnayan sa
tatalakaying aralin sa
pamamagitan ng pag -
cocompute. Ang lumabas na
bawat bilang ay iugnay sa
bilang ng titik.
Unang Clue
Unang Pantig - 7x7 (dalawang titik)
Ikalawang Pantig - 9757x2 (tatlong titik)
Ikatlong Pantig - 503x5 (dalawang titik)
Ikalawang Clue
Unang Pantig - 7x23 (dalawang titik)
Ikalawang Pantig - 16.90x7.75 (dalawang titik)
Ikatlong Pantig - 65.5 x 2 (dalawang titik)
Ikaapat na Pantig - 90.5x2 (dalawang titik)
Ikalimang Pantig - 57x2 (dalawang titik)
- Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na
pinipili ng mananaliksik upang pagsama – samahin ang lahat ng bahagi
at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan.
- Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng pangongolekta,
presentasyon at pagsusuri ng datos.
- Ayon sa Business Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ay
detalyadong balangkas kung paano isinasagawa ang imbsetigasyon.
Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng
datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin ang napiling
instrumento at ang mga pamamaraan kung paano susuriin ang datos.
- Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtatakda ng disenyo ng
pananaliksik.
- Ang pangangalap ng datos ang tutugon sa suliranin ng pananaliksik ay
nangangailangan ng pagtitiyak ng uri ng ebidensiya at impormasyon
upang subukin ang mga teorya, tasahin ang programa o kaya’y
ilarawan ang ugnayan ng mga kalahok sa pananaliksik.
- Madalas na nagiging pagkakamali ng mananaliksik ang paglusong sa
imbestigasyon at pangangalap ng datos bago pa man kritikal na pag –
isipan kung anoman ang tiyak na impormasyon ang kailangan upang
tugunan ang suliranin sa pananaliksik.
Ayon kay David de Vaus (2011) kung mailalatag nang
maayos ng isang mananaliksik ang sistema at disenyo ng
pananaliksik, tiyak na makakamit ang mga sumusunod:
• Matutukoy nang maliwanag ang suliranin ng
pananaliksik at mapangangatuwiranan ang pagkakapili
nito;
• Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga
naunang pag – aaral na may kinalaman sa paksa at
suliranin ng ginagawang pananaliksik.
• Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na
kailangan sa pagsubok ng mga haypotesis at
maipaliliwanag kung paanong makakakalap ang mga
datos na ito.
• Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na
gagamitin upang alamin kung tama o mali ang
haypotesis.
Disenyo ng Pananaliksik
1. Kuwantitatibo - sistematiko at
empirikal na imbestigasyon ng iba't
ibang paksa at penomenong panlipunan
sa pamamagitan ng matematikal,
estadistikal mga teknik ng pamamaraan
na gumagamit ng kompyutasyon.
2. Kuwalitatibo - kinapapalooban ng mga
uri ng pagsiyasat na ang layunin ay
malalimang unawain ang pag - uugali at
ugnayan ng mga tao at dahilan na
gumagabay rito.
3. Deskriptibo - Pinag - aral sa mga
palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa,
pamantayan at kalagayan. Nagbibigay
ito ng tugon sa mga tanong na sino,
kailan,saan,paano na may kinalaman
sa paksa ng pag - aaral.
Hal.
Persepsiyon ng mga Piling Mag - aaral
ng QNHS sa Divorce Bill
4. Disenyong Action Research - kaiba sa
deskriptibong pananaliksik, inilalarawan at tinatasa
ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan,
pamamaraan, modelo, polisiya at iba pa sa layuning
palitan ito ng mas epektibong pamamaraan.
Kabisaan ng Outcome - Based Education (OBE) sa
mga Piling Mag - aaral sa Arkitektura ng Unibersidad
ng Pilipinas
5.Historikal - ang historikal na pananaliksik ay
gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng
pangangalap ng datos upang makabuo ng mga
kongklusyon hinggil sa nakaraan.
Pagsipat sa Pag - unlad ng General Education
Curriculum (GEC) sa Kolehiyo
6. Pag - aaral ng Isang Kaso/Karanasan
(Case Study) - ang pananaliksik na
nasa ganitong disenyo ay naglalayong
malalimang unawain ang isang
partikular na kaso kaysa magbigay ng
pangkalahatang kongklusyon sa iba't
ibang paksa ng pag - aaral.
Pagsipat sa Danas ng mga
Mangingisda sa Dalahican,
Lungsod ng Lucena
7. Komparatibong Pananaliksik - naglalayong
maghambing ng anomang konsepto, kultura,
bagay, pangyayari at iba pa.
Komparatibong Pagsusuri ng mga Panitikang
Pambata ng mga Tagalog at Bisaya
8. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan
( Normative Studies) - madalas na inihahanay
sa dekriptibong uri ng pananaliksik ang
disenyong normative dahil naglalayong itong
maglarawan ng anomang paksa.
Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga
Mag - aaral sa Magsaysay High School Batay sa
Itinakdang Kompetensi ng DepEd
9. Etnograpikong Pag - aaral - ang etnograpiya ay
isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na
nag - iimbestiga sa kaugaian, pamumuhay at iba't
ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan
ng pakikisalamuha rito.
Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong
Kilusan sa Banahaw
10. Disenyong Eksploratori - isinasagawa kung
wala gaanong naisagawa tungkol sa isang paksa o
suliranin.
Panimulang Pag - unawa sa Masaker sa
Mamasapano Kaugnay ng Usapang
Pangkapayapaan sa Mindanao
Metodolohiya ng Pananaliksik
1. Sarbey - sistematikong pamamaraan
sa isang tiyak na sampol.
2. Pakikipanayam o Interbyu
* Structured Interview o Nakabalangkas
na Pakikipanayam
* Semi - Structured Interview o
Pakikipanayam na Bahagyang
Nakabalangkas
* Unstructured o Walag estruktura
3. Dokumetaryong Pagsusuri -
analitikal na pagbasa sa mga
nasusulat na kominukasyon at
dokumento upang malutas ang
mga suliranin.
* Semiotics
* Content Analysis
*Discourse Analysis
*Interpretative Analysis
4. Nakabalangkas na Obserbasyon at
Pakikialamuhang Obserbasyon - ginagamit
sa field study gaya ng etnograpiya.
- ang nakabalangkas na obserbasyon ay
pagmamasid ng mananaliksik sa mga
kalahok na ang pokus ng pag - aaral habang
sistematikong itinatala ang kanilang
pagkilos, interaksyon at pag - uugali sa
pamamagitan ng gabay na obserbasyon.
- ang pakikisalamuhang obserbasyon naman
ay pag - aaral ng kilos, pag - uugali at
interaksyon ng mga kalahok sa isang likas
na kapaligiran.
Flash - Report!
Pagpapaliwanag ng nakatalagang
pinasuring titulo ng pananaliksik sa
bawat pangkat.
Pamantayan sa Pagbibigay ng
Puntos:
Nilalaman ng ulat - 15
Paraan ng Pag - uulat - 15
30pts
1- Antas ng Kaalaman ng mga Piling Mag -
aaral sa Baitang 11 sa Mitolohiyang Pilipino
ng Pambansang Mataas na Paaralan ng
Quezon

2- Danas ng mga Piling Manikyurista sa


Lungsod ng Lucena

3 - Pagsipat sa Paraan ng Panliligaw sa Piling


Gen Z at Millenial na mga Lucenahin
Ano ang
pagkakaiba ng
kuwalitatibo,
kuwantitatibo at
Mix - Method?
Quiz - Bee no.1
I. Panuto: Tukuyin kung anong angkop na
disenyo ng pananaliksik ang maaaring gamitin
batay sa inilalahad na paksa sa bawat bilang.
1. Nakasasabay ba ang mga mag - aaral sa
elementarya ng Don Juan Elementary School sa
itinakdang kakayahan ng DepEd sa Matematika
at Siyensiya?
Normative Studies
2.Kasaysayan ng Pista ng Nazareno
Historkal
3.Pag - aaral sa kaso ng isang mag - aaral na
sumali sa gang.
Case Study
4. Suliranin ng mga mag - aaral
na naninirahan sa dormitoryo.
Deskriptibo
5.Pagsusuri ng editorial
cartoon ng dalawang dyaryo:
Philippine Daily Inquirer at
Philippine Star.
Komparatibong Pananaliksik
6. Nakikisalamuha at
nakikisali sa karaniwang
mga proseso o pamumuhay
ng mga tao sa isang
komunindad ng
mananaliksik.
Etnograpiya
II. Tukuyin kung anong angkop na
pamamaraan ng pananaliksik ang maaaring
gamitin batay sa inilalahad na paksa sa
bawat bilang.
1. Pagmamasid ng kilos ng pag - uugali at
interaksyon ng mga kalahok sa isang likas
na kapaligiran.
Participant Observation
2. Ang tagumpay ay batay sa husay ng
sampling o pamimili ng representatib ng
isang tiyak na populasyon.
Sarbey
3. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng
mga kasunod at kaugnay na tanong.
Interview
4. Ang ilan sa mga ito ay pagsusuring
semyolohikal at pagsusuri sa nilalaman.
Documentary Analysis

You might also like