You are on page 1of 52

PANGKAT 2

Uri ng Pananaliksik (Kwantitatibo at Kwalitatibo)

ALEXA REALISAN JOHN AMARO


ASHLEY BENDOL JULIA ATIENZA
ASHLEY VILLAR KRYLLE CARTAS
CIARA TONGGA Charisse luna
GLORIANA ESGUERRA SEDAR DIN
ALEXANDER ESCOPETE TRISHa AYRAN
"PATALASAN NG
KAISIPAN"
CIARA DENISE
TONGGAARA
SJOHN LAWRENCE
AMARO
Hulaan ang Emoji
1.👋 + 🤒 =
2.❌+ PLORATORI =
3.💼 + 📝 =
Kahulugan mo, Iaakto ko!
Ang pananaliksik ay may dalawang kategorya ng metodolohiya :

KWANTITABO AT KWALITATIBO
Ang kwantitatibong pananaliksik ay naglalayong
sukatin at sukatin ang dami o antas ng isang
phenomenon, samantalang ang kwalitatibong
pananaliksik ay nakatuon sa pag-unawa ng
kahulugan at konteksto ng isang phenomenon. Sa
kwantitatibong pananaliksik, ginagamit ang
statistika at numerikal na data para sa pagsusuri.
Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa
sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't
ibang paksa at penomenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal- estadistikal- at mga
teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon, kadalasang ginagamitan din ito ng
mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa
pananaliksik gaya ng sarbey-eksperimentasyon- at
pagsusuring estadistikal.
Halimbawa:
Distansya ng tahanan ng mga estyudyante at ang
kanilang academikong performance sa paaralan ng
Pulot National High School.
Ang kwalitatibong pananaliksik, binibigyang-diin
ang pagsusuri ng mga katanungan at konsepto.
Pareho silang mahalaga sa iba't ibang larangan ng
pananaliksik, at maaaring gamitin ang parehong
pamamaraan sa isang comprehensive na pag-aaral.
Ang kwalitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng
mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang
unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang
dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay
pinapatnubayan ng
paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging
nakabatay sa mas malawak na kontekstong
pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad
gaya ng kultura-institusyon-at ugnayang pantao na hindi
maaaring mabilang o masukat.
Halimbawa:
Ang pagsasaalang alang ng mental health at kung
paano ito naaapektohan ang pang araw-araw na
buhay ng mga studyante.
DEBATE
Sedar
Gloriana

Ashley
Alexa
URI NG PANANALIKSIK
1.Panimulang Pananaliksik (Basic Research):
Ang panimulang pananaliksik o ang tinatawag na Basic Research
sa Ingles ay may layuning magpaliwanag ng isang paksa. Ito ay
nagbibigay o nagdadagdag ng impormasyon na maaari nating
magamit sa hinaharap.
Kahalagahan ng Panimulang Pananaliksik:
Ang panimulang pananaliksik ay mahalaga dahil ito ang
nagtatakda ng direksyon ng buong pagsasaliksik. Ito ang
naglalaman ng pahayag ng suliranin, layunin, at saklaw
ng pag-aaral na nagbibigay daan sa maayos na pagtutok
ng mananaliksik sa kanyang layunin. Bukod dito,
nagbibigay ito ng malinaw na gabay para sa buong
proseso ng pagsasaliksik.
Halimbawa ng Panimulang Pananaliksik:
Ang isang halimbawa ng Panimulang Pananaliksik ay
maaaring magsimula sa paglalahad ng konteksto ng
isang isyu o paksa, pagsusuri sa mga naunang pag-aaral
ukol dito, at paglalatag ng layunin ng iyong sariling
pananaliksik.
2. Pagkilos na Pananaliksik:
Ang "pagkilos na pananaliksik" ay gawain na isinasagawa ng
isang mananaliksik upang maabot ang layunin ng kanyang
pagsasaliksik. Ito ay maaaring maglaman ng pagsusuri ng mga
sanggunian, pagbuo ng disenyo ng eksperimento, pagkolekta ng
datos, pagsusuri ng mga resulta, at pagsulat ng ulat. Sa
pangkalahatan, ang pagkilos na ito ay naglalarawan kung paano
isinasagawa ang buong proseso ng pagsasaliksik mula sa
pagpaplano hanggang sa pagsusuri ng natamong impormasyon.
Kahalagahan ng Pagkilos na Pananaliksik:
Ang Pagkilos na Pananaliksik ay may kahalagahan dahil ito ang
nagbibigay daan sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t-ibang
aspeto ng lipunan. Ito’y naglalayong magbigay solusyon sa
mga suliranin, mapalalim ang kaalaman, at magtaguyod ng
masusing pagsusuri para sa ikabubuti ng komunidad.
Halimbawa ng Pagkilos na Pananaliksik:
Isang halimbawa ng Pagkilos na Pananaliksik ay ang
pagsasagawa ng survey sa komunidad upang malaman ang
antas ng kaalaman ng mga tao ukol sa isang environmental
issue.
3. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research) :
Ang pagtugong pananaliksik o applied research sa
Ingles ay may layuning matugunan ang suliranin ng
mga tao. Ito ay kadalasang ginagamit upang
maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin. Sa
paraang ito ay magkakaroon ng ideya ang mga tao
kung paano mabibigyan ng solusyon ang suliranin.
Halimbawa: Pag-aaral kung paano gagamutin ang
mga pasyenteng may insomnia
4. Aral Kaso o Case Study
Ito ay uri ng pananaliksik kung saan inoobserbahan ang
pagkilos ng isang tao sa isang sitwasyon.
Sinusuri rin dito ang mga sanhi nito at ang maaring
maging tugon ng isang tao sa panibagong kaligiran.
Halimbawa: Pag-oobserba sa kilos ng isang estudyante
sa loob ng silid-aralan
5.KOMPARISON/KOMPARATIBO
Dalawa o higit pang umiral na sitwason o subject
ang pinag-aaralan dito upang tukuyin ang kanilang
pagkakatulad at paqkakaiba
Halimbawa:
Paksa: Komparatibong paqsusuri ng mga panitikang
pambata ng mga tagalog at bisaya.
Ang paksa na ito ay isang halimbawa ng komparatibong
pag-aaral sapagkat tuon nito na alamin anq panitikan ng
dalawang magkaibang bayrabol, ito ay ang tagalog at
bisaya. Layunin nitong malaman kung anong pinagkaiba at
pinagkatulad ng panitikang tagalog at bisaya
6. DESKRIPTIBO
Pinag-aaralan sa pananaliksik na ito ang
pangkasalukuyang ginaqawa, pamantayan at
kalagayan. Ito'y tumutugon sa mga tanong na sino,
ano, kailan at paano na may kinalaman sa pag aaral.
Hindi ito sasagot sa tanong na "bakit" dahil ito ay
naglalarawan lamang.
Halimbawa:
Paksa: Persepsyon nq mqa mag-aaral sa divorce bill.

Ito ay maaring halimbawa ng deskriptibonq pananaliksik dahil


ang layunin lamang ng paq-aaral na ito ay malaman kung ano
anq pananaw nq ma mag-aaral sa Divorce bill. Ang maqiging
kasaqutan dito ay sasagot sa tanong na "ano" na isa sa mga
katanungang pinaggagamitan ng deskriptibong pananaliksik
7.Historikal
Historikal na pananaliksik ay ang pagsasaliksik ng
pinagmulan at pag-unawa sa nakaraan. Ito ang
nagsisiyasat sa mga nakakaraan na pangyayari, na
nagpapahiram ng impormasyon tungkol sa mga
sitwasyon, mga indibidwal, kaganapan, at
pangyayari sa nakaraan upang mas magkaroon ng
kaalaman kaugnay sa ating kasalukuyang panahon
at hinaharap.
Halimbawa:
Pag-unlad ng General Education
Curriculum sa Kolehiyo
( Ito ang isang maaring halimbawa ng historikal na
pananaliksik sapagkat ang datos na kinakailangan
sa pananaliksik na ito ay ang datos mula sa
nakaraan upang makuha kung ano ang pinagbago at pagbabago
ng General Education Curriculum sa
kolehiyo)
8. Nakabatay Sa Pamantayan (Normative Studies)

Ang nakabatay a pamantayan o normative study ay ang pag-aaral sa


pagtatakda ng pamantayan o patakaran sa loob ng isang larangan ng
kaalaman upang pagbasehan ang pagsusuri ng datos at gawaing
pananaliksik. Ito ay nakabatay sa mga prinsipyo at layunin sa
pananaliksik na nakalaan para sa mapabuti o mapaunlad ang mga
sistema, pagsusuri, at pamamahayag ng impormasyon.
Halimbawa:
Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng
Magsaysay High School batay sa intinakdang Kompetensinq
deEd
(Maaari itong halimbawa ng pananaliksik sa pamantayan
sapagkat ang ton ng pag-aaral na ito ay ang kakayahan na maroon
ang mga mag-aaral batay sa itinakdang kompetensi. Ang
itinakdang kompetensi ang nagsilbing pamantayan a pag-aaralan
sa pananaliksik na ito.)
9. Etnograpikong pag-aaral
Ito ay isang uring pananaliksik na nag-limbestiga sa ibat ibang
gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha
dito. Nakabatay ito sa panlipunang konteksto ng mga taong
naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang
mga pag papahalaga, pangangailangan, wika, kultura at iba pa.
Halimbawa ng paksa:

Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw (ito ay halimbawa ng


etnograpikong pag-aaral sapagkat ang tuon ng pananaliksik na ito ay alamin ang isang ideya
mula sa isang ispesipikong pangkat etniko. Sa pananaliksik na ito ang gustong alamin ay ang
pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Banahaw.)

Ang etnograpikong pag-aaral ay isang uri ng pananaliksik na naghahangad na masiguro ang


epektibong pagkakatugma ng isang produktong pangkultural sa mga taong kailangan nitong
abangan. Ito ay isang proseso ng pagsa-survey at pag-aaral sa isang partikular na kultura o
grupo ng tao upang maunawaan ang kanilang karanasan at mga kaugalian.
Sa ganitong uri ng pananaliksik, kadalasang binibilang ang mga teknik tulad ng
pagtatanong,talahanayan pag-oopera ng isang sistema, pagsulat ng paghamon,
pagtuturo, at pakikinig sa mga kwento ng mga tao para makuha ang kabuuang
larawan ng kanilang karanasan at mga kaugalian.

Ito ay ginagamit sa iba't ibang larangang pangkultura tulad ng antropolohiya,


pagsusuri ng panlipunan, etnolohiya, folklore, atbp. Sa pangkabatiran, ito ay
ginagamit upang makamit ang mga malalim at tiyak na kaalaman tungkol sa isang
partikular na kultura o lipunan.
Halimbawa ng etnograpikong pag aaral:

Etnograpikong pag-aaral sa ibat ibang uri ng grupo ng mga tao sa isang lugar o
komunidad - maaaring isagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng
pagtatanong o sa pakikinig ng mga kwento nila upang malaman ang mga kaugalian
at kulturang pangkalahatan nila sa isang lugar o komunidad.
10. Eksploratori
Isinasagawa ang pag-aaral na ito kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa
isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang
paksa na maaring magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
Halimbawa ng Paksa:
Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano kaugnay ng Usaping
Pangkapayapaan sa Mindanao (ito ay halimbawa ng pananaliksik na
eksploratori sapagkat ang tuon ng pag-aaral na ito ay ang isang bagong ideya na
pag-aaralan hinggil sa naganap na pangyayari. Ang masaker sa mamasapano ang
tuon ng pag-aaral na ito ngunit iuugnay sa bagong ideyang usaping
pangkapayapaan. Ito ay tutuklas ng kaugnayan ng dalawang baryabol.)
N D I
H I O L A
PA B
G P A
M A
MEKANI
Habang KS:
kinakanta niyo ang kantang Dati ni Sam Concepcion ay
pinapasa niyo rin ang bolang hawak niyo, ang ating host ay
magsasabi ng “Tigil” at kung kanino rin tumigil ang bola ay tatayo
upang sagutin ang mga katanungan. Ang mga katanungan ay may
patungkol sa Kwalitatibo at Kwantitatibo.
1.Numero
2.Makatotohanang pamamaraan
3.Persepsyon ng mga
estudyante sa mga guro sa
Senior High school
4.Paglikom ng survey ng iba't ibang
requirements tulad ng tabulation at
pagkalap ng datos
Paalala!

Kapag nag gigitara ka tapos


napagod ka na, you should
guitarist. 🫰🏻

You might also like