You are on page 1of 55

PANANALIKSIK

PORMAT NA IMRAD
• ANG LAHAT NG NAKIKITA AT NARARANASAN
NATING PAGBABAGO O PAG-UNLAD SA
KASALUKUYAN AY BUNGA NG WALANG
HANGGANG PANANALIKSIK.SA PANAHON NG
IMPORMASYON, HIGIT SA ANUPAMANG
PANAHON, ANG PANANALIKSIK ANG
MAITUTURING NA PINAKAMAHALAGANG
KASANGKAPAN NA DAPAT MATUTUHAN NG
SINUMANG MAG-AARAL PARA MAPAUNLAD
ANG SARILI TUNGO SA ANUMANG
PROPESYONG KANIYANG HINAHANGAD.

18/09/2019 Assessment & Rating System : 2


Ayon kay Susan B. Neumann (1997), na binanggit nina
Evasco et al. (2011) sa aklat na “Saliksik:Gabay sa
Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at
Sining,”ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng
mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang
pananaliksik sa iba't ibang paksa at penomenon dahil
patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari at
pagbabago sa kaniyang paligid. Kasabay ng pag-unawa,
tumutuklas ang tao ng iba't ibang paraan kung paanong
mapapabuti ang kaniyang pamumuhay sa pamamagitan
ng iba't ibang imbensiyon at kaalaman.
Ayon naman kay Good,ang
pananaliksik ay “maingat, mapanuri,
disiplinadong pamamar
aan ayon sa kalakasan at kalagayan
ng suliranin na itinutuon para sa
kaliwanagan at kalutasan ng suliranin
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

Upang maging maayos at malinaw


ang gagawing pananaliksik, naririto
ang bahaging sinusunod sa pagbuo
ng isang sulating pananaliksik
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

• PANIMULA

Inilalahad dito ang mga


dahilan kung bakit kailangang
isagawa ang pag-aaral, bakit ito
napapanahon, at bakit kailangang
isagawa ang pag-aaral sa
panahong ito.
•Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
• Tumutukoy ito sa mga kaugnay na
aklat, ulat, sanaysay papel na binasa sa
panayam, komposisyon, pelikula,
programang pantelebisyon at
dokumentaryong maaaring isinasagawa
sa pag-aaral.
• Maaaring tukuyin ang mga
detalye na makakatulong sa ginagawang
pananaliksik.
Mga dapat tandaan sa pagkuha ng kaugnay na
literatura at pag-aaral
1. Kailangang matukoy ng mananaliksik ang
mga may-akda o taong pinagmulan ng mga
nakalap niyang datos.
2. Hangga't maaari ay ihiwalay ang mga lokal
na literatura sa banyagang literatura.
3. Paglalahad at pagtalakay sa mga
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga nakaraang
pag-aaral.
Batayang Teyoretikal
Ito ang saligan o teorya ang
batayan sa pag-aaral
• Konseptuwal na balangkas
Ito ang blue print ng pag-aaral.
Tutukuyin dito ang input (
pinagbatayang teorya sa pag-aaral)
proseso ( ang mga hakbang sa
isinasagawa sa pag-aaral at output(
produkto ng pag-aaral.
• Paglalahad ng Suliranin
Iniisa-isa ang mga
layunin o mga katanungan na
sasagutin sa pag-aaral.
Nal Hipotesis
0.05 level of significance
• Kahalagahan ng Pag-aaral
Tinutukoy dito ang mga
makikinabang sa pag-aaral at anu-ano ang
mga kapakinabangan nila rito.
Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral
Tumutukoy sa lawak at
hangganan ng saliksik. Halimbawa'y ang
bilang ng pinag-aaralan, tagpuan at
panahon ng pag-aaral at ang limitasyon ng
pag-aaral.
• Kahulugan ng Terminolohiya
Ang mga di- pamilyar na mga
salita ay mabigyan ng katumbas na
kahulugan.
• KABANATA 2
Metodolohiya
Sa kabanatang ito, ipinaliliwanag ng
mananaliksik ang pamamaraang ginagamit
sa pag-aaral. Tinatalakay dito ang mga
paraan sa pangangalap ng datos at ang mga
instrumentong ginagamit sa pagtatamo
nito. ( Aban at Cruz, 1998)
• Nahahati sa iba't ibang paraan at kategorya ang disenyo ng
pananaliksik batay na rin kung anong disiplina ito nakalinya.
Madalas na ginagamit bilang pangkalahatang distinksiyon ng
disenyo ang pagiging Kuwantitatibo o Kuwalitatibo
• Kuwantitatibo- Tumutukoy sa sistematiko at empirikal
na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong
panlipunan sa pamamagitan ng matematikal,
estadistikal at mga teknik na pamamaraan na
gumagamit ng kompyutasyon.
• Kuwalitatibo- Kinapapalooban ng mga uri ng
pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang
pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay nito.
• Bukod sa paghahating kuwantitatibo
at kuwalitatibo, maiklaklasipika rin
ang pananaliksikbatay sa
sumusunod na uri:
• Deskriptibo- Pinag-aaralan sa mga
palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa,
pamantayan at kalagayan.
Nagbibigay ito ng tugon sa mga
tanong na sino, ano , kailan at paano
na may kinalaman sa pag-aaral.
 Disenyong Action Research.
Kaiba sa deskriptibong
pananaliksik, inilalarawan at
tinatasa ng isang mananaliksik
ang isang tiyak na kalagayan,
modelo at polisiya at iba pa sa
layuning palitan ito ng mas
epektibong pananaliksik.
 Historikal. Ito ay gumagamit ng
iba't ibang pamamaraan ng
pangangalap ng datos upang
makabuo ng mga kongklusyon
hinggil sa nakaraan.
 Pag-aaral ng isang kaso/karanasan (
Case Study) Ang mga pananaliksik na
nasa ganitong disenyo ay naglalayong
malalimang unawain ang isang
partikular na kaso kaysa magbigay ng
pangkalahatang kongklusyon sa iba't
ibang paksa ng pag-aaral.
 Komparatibong Pananaliksik. Ito ay
naglalayong maghambing ng anomang
konsepto, kultura, bagay, pangyayari
• Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (
Normative Studies) Layunin nito ang
magbigay diin sa pagpapabuti o
pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan
batay sa mga tanggap na modelo o
pamantayan.
• Etnograpikong Pag-aaral. Ito ay isang uri ng
pananaliksik sa agham na nag-iimbestiga sa
kaugalian, pamumuhay at iba't ibang gawi
ng isang komunidad sa pamamagitan ng
pakikisalamuha rito.
• Metodolohiya ng Pananaliksik
Ang metodolohiya ay sistematikong kalipunan ng
mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na
ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
Nagmula ito sa mga katagang latin na methodus na
nangangahulugang patakaran o alituntunin at logia na
nangangahulugang larangan ng pag-aaral. Samakatuwid,
ang metodolohiya ay tumutukoy sa isang organisadong
larangan ng pag-aaral ng mga pamamaraan at tuntunin na
ginagamit sa pagtuklas ng bagong kaalaman. Ang metodo ay
tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas.
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Lilinawin sa bahaging ito ang disenyo ng
pananaliksik at ang mga pamamaraan kung
paano ito maisakatuparan.
a. Sarbey. Isang metodo na ginagamit upang
mangalap ng datos sa sistematikong
pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o
sampol ng pananaliksik.
b. Pakikipanayam o interbyu. Ito ay pagkuha
ng impormasyon sa isang kalahok na may
awtoridad o di kaya ay may personal na
pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik
• c. Dokumentaryong Pagsusuri. Ito ay isang
pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang
kumalap ng impormasyon na susuporta sa pananaliksik
na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na
susuporta at magpapatibay sa mga datos ng
pananalksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa
sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento
upang malutas ang suliranin.
• d. Nakabalangkas na Obserbasyon at
Pakikisalamuhang Obserbasyon.Ginagamit ito sa mga
uri ng pananaliksik na nangangailangan ng field study
gaya ng etnograpiya.
LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK
Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga
batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik. Kabilang dito sa
mga ito ay kung sino, tagasaan o kaya ay kung anong institusyon o
organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ibinibigay ang batayang
impormasyon gaya ng propesyon, edad at kasarian depende sa
pangangailangan ng pananaliksik. Ipinapaliwanag sa bahaging ito ang
proseso ng sampling na pinagdaanan at kung ano ang dahilan o
pinagbatayan ng pamimili ng kalahok. Ilalagay rin sa bahaging ito kung saan
gagawin ang pananaliksik.
Sa mga pananaliksik na walang kalahok at dokumento
ang pangunahing pagkukunan ng datos, maaaring hindi na isama ang
bahaging ito. Maaaring sa halip na batayang impormasyon ng kalahok ang
gamitin, ay talakayin na lamang sa bahaging ito kung anong uri ng
dokumento, panitikan o anomang pagmumulan ng pagsusuri ang gagamitin
sa pananaliksik.
• Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Sa bahaging ito ng metodolohiya ay ilalahad
ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin
upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik.
Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.
Halimbawa, kung magsagawa ng pakikipanayam,
kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga
tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang isang
talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat
bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay
questionnaire o talatanungan. Kailangang laging nasa
isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento
ang mga suliranin ng pananaliksik.
• Paraan ng Pagsusuri ng Datos
Kung kuwantitatibo ang pananaliksik,
nakapaloob sa bahaging ito ang iba't ibang estadistikal
na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng
datos. Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy
rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang mga
kategorya o maliit na paksa na magpapaliwanag sa mga
datos na nakalap. Ilalagay rin sa bahaging ito kung
paano ang gagawing sistematiko ang presentasyon ng
datos para sa mas madaling interpretasyon at
pagsusuri.
KABANATA III
Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
Maituturing na isa sa pinakamahalagang
bahagi ng pananaliksik ang paglalahad ng resulta at pagtalakay
nito. Ito ang pagpapakita ng kontribusyon ng mananaliksik sa
pag-unlad ng kaalaman sapagkat binibigyan niya ng panibagong
pagsusuri ang mga orihinal na datos na nalikom sa
pananaliksik.
Ayon kina Catherine Marshall at Gretchen
Rossman (1990) sa aklat na “Designing Qualitative Research”
ang pagsusuri ng datos ay binubuo ng pagsasaayos,
kategorisasyon at pagsisiyasat ng mga ebidensiya upang
mapatunayan o mapasubalian ang inisyal na mga proposisyon ng
pag-aaral.
• Presentasyon ng Datos
Bago ang presentasyon ng datos,
mahalagang gawin muna ang proseso o pagsasaayos ng
impormasyong nakalap. Pangunahing hakbang dito ang
paglikom at pagbilang ng mga bumalik na datos mula sa
ipinamahaging talatanungan, transkripsiyon ng
naganap na pakikipanayam o pagsasaayos ng mga tala
sa obserbasyon.Mula sa pagsasaayos, kailangang alisin
ang mga talatanungan na hindi maayos o may kulang
na sagot ng kalahok. Sa mga tala at transkripsiyon,
maaari nang alisin ang mga tugon na walang kabuluhan
sa magiging pagsusuri. Kailangang itala ng
mananaliksik
ang mga hakbang na ito. Kapag nasala na, maaari
nang simulan ang tallying sa pamamagitan ng
paglalapat ng datos sa working table o iba pang
paraan ng organisasyon batay sa pagsusuring
gagawin. Pagkatapos nito ay ginagawa ang pinal na
talahanayan, chart o anomang uri ng presentasyon ng
datos.
Ang talahanayan ay ang pinakasimpleng
paraan ng pagbubuod ng mga obserbasyon.
Naglalaman ito ng mga tiyak na datos gaya ng mga
numero, bahagdan at iba pa na maaaring pagmulan
ng kalakaran o paghahambing.
• Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos
Kapag naiayos na ang mga datos at
nakabuo ng mahahalagang impormasyon sa
pamamagitan ng sistematikong presentasyon, tutuloy
na ang proseso ng interpretasyon ng datos. Ayon kina
Graham Hitchcock at David Hughes (1995) sa aklat na “
-
Research and the Teacher: A Qualitative introduction to
School Based Research,” ang interpretasyon ay isang
paraan kung saan ang pananaliksik ay umuusad mula
sa deskripsiyon ng kung ano ang kaso tungo sa
pagpapaliwanag naging kaso ito.
KABANATA IV
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Ayon kina Aban at Cruz ( 1998). Ito ang
pinakamahalagang kabanata ng isang
pananaliksik dahil ipinahahayag dito
ang bunga o kinalabasan ng pag-aaral.
Buod ng kinalabasan
Pinagsama-sama ang mga datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik.
Kongklusyon
Mga hinuha, interpretasyon o mga paglalahat
batay sa mga napatunayan.
Rekomendasyon
Maaring magmungkahi ng pagpapatuloy sa
dati nang naisagawang pag-aaral.
• Bibliograpiya
Ang estilong APA ay kadalasang
ginagamit sa mga siyentipikong
pananaliksik sa larangan ng sikolohiya,
medisina, agham panlipunan at iba pang
mga teknolohikal na larangan.
GABAY SA PAGSULAT NG
BIBLIOGRAPIYA SA ESTILONG APA
1. Lahat ng linya pagkatapos ng unang
linya sa bawat sanggunian ay
nakapasok o indented na may
kalahating pulgadang sukat. Tinatawag
itong hanging indention.
2. Baligtad ang pagkasulat ng lahat ng
pangalan ng awtor ( apelyido muna
kasunod ang daglat ng unang pangalan)
Itinatala ang pangalan ng lahat ng awtor
hanggang pito, ngunit kapag ang akda ay
may awtor na sobra sa pito, ilista lamang
ang hanggang anim na awtor at gumamit
ng ellipses (...) pagkatapos ng ikaanim na
pangalan, ilista ang pinakahuling awtor
ng akda.
3. Kailangang alpabetikal ang
pagkakaayos ng mga sanggunian batay
sa apelyido ng unang awtor ng bawat
sanggunian.
4. Para sa higit sa isang artikulo na
isinulat ng iisang awtor, ilista ang mga
sanggunian sa kronolohiyang paraan,
mula sa pinakaluma hanggang
pinakabagong petsa ng publikasyon
http://cmapspublic.ihmc.us/rid=1GNBQC1LJ-JXH2SC-19BB/digestive%20system.cmap

5. Itala ang buong pangalan ng journal at


panatilihin ang orihinal na paraan ng pagbaybay,
paggamit ng maliit o malaking letra at bantas na
ginamit sa pamagat ng journal.
6. Isulat sa malaking letra ang lahat ng
pangunahing salita sa mga pamagat ng journal.
7. Kapag itinatala ang mga libro, kabanata,
artikulo o web page, isulat sa malaking letra ang
lahat lamang ng unang salita sa pamagat at
ikalawang pamagat ang unang salita pagkatapos
ng tutuldok (colon) at gitling, at lahat ng
pangalang pantangi na matatagpuan sa pamagat.
8. Isulat sa italics ang pamagat ng
mahahabang akda gaya ng pamagat ng
buong journal at libro.
9. Huwag isulat sa italics, salungguhitan o
o lagyan ng panipi ang mga pamagat ng
maikling akda gaya ng ng mga artikulo
o journal o sanaysay sa isang
koleksiyon.
TALAAN NG NILALAMAN
PAHINA NG PAMAGAT]DAHON NG PAGPAPATIBAY
PAGKILALA AT PASASALAMAT
PAGHAHANDOG
ABSTRAK
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata
1. SULIRANIN AT SALIGAN
PANIMULA
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
BATAYANG TEORETIKAL
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
NAL HIPOTESIS
KAHALGAHAN NG PAG-AARAL
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
KAHULUGAN NG TERINOLOHIYA

KABANATA II
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK
PARAAN NG PAGSUSURI NG DATOS
KASANGKAPAN NG PAGIKOM NG DATOS

18/09/2019 Assessment & Rating System : 40


KABANATA III
PAGLALAHAD NG PANANALIKSIK
PRESENTASYON NG DATOS
PAGSUSURI AT INTERPRETASYON
NG DATOS

18/09/2019 Assessment & Rating System : 41


KABANATA IV
BUOD NG KINALABASAN
KONGKLUSYON
REKOMENDASYON
BIBIOGRAPIYA
LIHAM PAHINTULOT
TALATANUNGAN
KURIKULUM BITA

18/09/2019 Assessment & Rating System : 42


18/09/2019 Assessment & Rating System : 43
18/09/2019 Assessment & Rating System : 44
18/09/2019 Assessment & Rating System : 45
18/09/2019 Assessment & Rating System : 46
18/09/2019 Assessment & Rating System : 47
18/09/2019 Assessment & Rating System : 48
18/09/2019 Assessment & Rating System : 49

You might also like