You are on page 1of 26

Intensyon

at
Konteksto
• Sa pagsasalin ng tula, ang malayang salin ay nahahawig sa
tinatawag na imitations ni Robert Lowell. Ito ang pagsalin ng
orihinal na tula gamit ang lisensyang pangmakata (pakikialam
pangmakata).

• Kasangkot sa pagsasalin ang wika at ang wika ay produkto ng


lipunan

• Tulay ang pagsasalin sa paglalakbay at paglaganap ng mga


mapagbagong kultura at sibilisasyon.
Kasangkot sa Pagsasalin ang wika at ang wika ay produkto ng
isang lipunan. Sabi nga ni Franz Fanon, “Ang pagsasalita ng isang
wika ay pagpasok sa isang daigdig, isang kultura.” Ang wika ay
hindi mahihiwalay sa “daigdig” at sa kultura na pinag-ugatan nito
at nagbibigay-buhay dito.
Mahalaga samakatuwid na isaisip lagi ng tagasalin ang
“kontekstong panlipunan” (“daigdig at kultura”) ng tekstong isasalin
niya upang patuloy itong mapatibok sa wikang pagsasalinan
Ibang kultura, Ibang Wika. Gayunman malaking bagahe ang
“konteksto” para sa tagasalin. Tulad ng wika, may iba’t ibang
katangian ang mga kultura’t lipunan. Dahil halimbawa sa
geograpiya, limitado ang bokabularyo ng mga tribung tagabundok
tungkol sa pangingisda at paglalakbay-dagat. Samantala, kakaunti
ang salita ng mga tribung mangingisda tungkol sa kagubatan at
pangangaso. Walang katutubong salita ang Filipinas tungkol sa
niyebe at iba’t ibang katangian nito. Walang katumbas sa
alinmang wika sa Filipinas ang Fjord ng Norway.
Kailangan hiramin ng Filipino ang arina at flour sapagkat hindi
nagtatanim ng trigo saanmang dako ng kapuluan. Kailangan ding
hiramin ang hotdog at pizza sapagkat walang ganitong pagkain
ang mga Filipino. Ngunit mayaman ang karanasan ng Filipino
tungkol sa rice lamang sa Ingles.

I plant some rice


Nagtanim ako ng palay.

I cook some rice


Nagluto ako ng bigas (Mas idyomatiko: Nagsaing ako.)
I eat some rice.
Kumain ako ng kanin.

At ang cooked rice ay marami pang salimuot at katawagan.


Kapag lumamig, “bahaw”, kapag may sabaw, “lugaw”, kapag niluto
sa mantika, “sinangag”, kapag lugaw na may tsokolate,
“sampurado” o “tsampurado”, kapag nilagyan ng gata ng niyog,
“ginataan”; kapag ibinalot sa dahon, “suman.” At marami pang
tawag sa mga uri ng suman. Gaya rin ng pangyayari na may iba’t
ibang pangkat ng katawagan para sa mga naturan ang iba’t ibang
wika sa Filipinas.
Nasasangkalan din sa “konteksto” ang katangian at nilalaman ng
kultura ng isang bansa. Magkaiba ang materyales at arkitektura
ng cottage at ng “kubo”. Hindi basta “awit” ang cancion geste sa
Espanyol. Hindi basta “pana” ang crossbow. Bukod sa paghiram
sa “demokrasya at federal,” kailangang, ipaliwanag ang mga ito
para maintindihan sa Filipino.
TUNGKULIN NG
TAGASALIN
Ang trabaho ng tagasalin ay maaaring ungkatin sa pinagmulan ng salitang
katumbas nito sa kanluran. Sa Ingles, translation ito na mula sa latin na
translatio. Ngunit ayon sa saliksik ni Willis Barnstone (1993). Ang ugat nito’y
nasa Griyegong: metaøopa na kung baybayin sa alpabetong Romano ay
metafora. Taglay ang salitang metafora ang tatlong kahulugan. Una, metapora
o paraan ng paghahambing sa malikhaing wika. Ikalawa, transportasyon o
sasakyan para ilipat ang isang bagay. Ikatlo, translatio o pagsasalin. Taglay ng
metafora ang tatlong kahulugan sapagkat sa unang retorika ng Gresya ito ay
hindi lamang nangangahulugan ng paglilipat kung hindi pagbabago rin ng isang
salita tungo sa ibang kahulugan.
Makabuluhan ang tatlong-sangang kahulugan ng orihinal na salitang metafora
sa Griyego upang malimi ang problema sa pagsasalin at ang kaugnayan nito
sa gawaing pampanitikan. Sabi nga ni Barnstone, nakapaloob sa gawain ng
metapora ang pagsasalin gaya rin ng pangyayari na nakapaloob sa gawain ng
pagsasalin ang metapora.
Kung may tumbasang A = B sa paglikha ng metapora,
maaaring baligtarin ang tumbasan at maging B = A para
ipahayag ang panukala na ang pagsasalin ay metapora.
Ngunit laging may nawawala sa “paglilipat.” Kaya imposible
ang ideal na tumbasang A = A. Wika nga ni Werner Winters: “
Ang Sistema ng anyo at kahulugan ng wika A ay maaaring
kahawig ng wika B, ngunit hindi kailanman kakambal ng
ikalawa.”
Dahil dito, unang-unang hinihingi sa isang tagasalin ang
kadalubhasaan sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
IPINALIWANAG NI MILDRED L. LARSON ANG PROSESO NG
PAGSASALIN
Ipinahihiwatig ng magkaibang hugis na anyo ng simulaang lengguwahe
at ng tunguhang lengguwahe ang katotohanan hinggil sa di-
pagkakawangki ng alinmang dalawang wika.
Ang unang tungkulin ng tagasalin sa gayon ay basahing mabuti ang
tekstong isasalin at unawain ito. Ito ang tinatawag ni Larson na pagtuklas
sa kahulugan. Nagagagap ng tagasalin ang tumpak na kahulugan ng
bawat salita, pangungusap , at talata sa tekstong isinasalin kung tunay na
alam niya ang wikang ginamit sa teksto.

Ang simpleng pahayag na “Tengo sueno” sa Espanyol ay posibleng


magkaroon ng maling salin kapag hinanap lamang sa diksyonaryo ang
kahulugan. Ang tengo ay anyo sa unang panauhan ng pandiwang tener
(mayroon) at ang sueño ay nangangahulugan ng “pagtulog.” Batay sa
ganitong mababaw na pagtuklas, ang pangungusap ay maisasaling “May
pagtulog ako” o “Mayroon akong pagtulog.” Na katawa-tawa, sapagkat
ang totoong katapat nito sa Filipino ay “Inaantok na ako” o ibig ko nang
matulog.”
MGA SIMULAIN NG PAGSASALIN

Anyo at Nilalaman. Kahit natuklasan nang husto ang kahulugan sa


tekstong isasalin, kasunod na tungkulin ng tagasalin ang paghanap ng
tumpak na anyo upang muli itong maipahayag sa tunguhang lengguwahe.

Sa isang polyetong pangkabuhayan, may lumitaw na ganitong


pangungusap: "Malaking bahagi ng lupain sa Pampanga ang dating
taniman ng bigas at asukal." Salin ito ng orihinal na teksto sa Ingles na: "A
big portion of land in Pampanga used to be planted with rice and
sugar." Hindi nag-ingat ang tagasalin. Tinapatan lamang niya ng "bigas at
asukal" ang rice and sugar. Hindi niya naisip ang mayamang leksikon ng
Filipino tungkol sa naturang mga pananim, na dapat sanang tinukoy bilang
"palay at tubo." Sa saling nakalimbag sa polyeto, lalanggamin lagi ang
bukirin ng Pampanga.
Upang tunay na madestrungka o matuklas ang
kahulugan ng tekstong isinasalin, ikalawang hinihingi
sa tagasalin ang sapat na kaalaman sa paksa o
nilalaman ng tekstong isinasalin.
Napakahalagang magtaglay ang tagasalin ng sapat at angkop na
kaalaman sa disiplina o larangang isinasalin. Noong ikasiyam at
ikasampung dantaon, ang Baghdad ang sentro ng malaking
proyekto sa pagsasalin. Pinakasikat sa mga tagasalin ang Baghdad
si Hunayn ibn Ishaq (809-75), kilala rin sa kanyang pangalang Latin
na Johannitius, dahil sa kanyang mga isinalin mulang Griyego
tungong Arabe na mga tekstong siyentipiko. Si Hunayn ay isang
doktor manggagamot. Sinasabing ang mataas na kalidad ng wikang
siyentipiko sa salin ni Hunayn ay bunga na rin ng kanyang pagiging
eksperto sa medisina.
Isang tagasalin ng propagandang panteknolohiya
ang nagsalin sa tilapia culture bilang "kultura ng
tilapya." Hindi alam ng taga salin ang gamit ng
culture sa pangisdaan, na iba sa gamit nito sa sining
at sa agham panlipunan. Sa ikalawang edisyon ng
naturang materyales, iwinasto ang salin sa tilapia
culture at naging pag- aalaga ng tilapya."
Ang tekstong isinasalin ay may kaugnay na iba pang
tekstong dapat ding basahin at unawain. Kailangan
samakatwid dito ang saliksik. Kailangang hanapin ang
reperensiya o kaugnay na teksto upang higit na maging
tumpak at lapat ang muling pagpapahayag ng kahulugan
sa tunguhang lengguwahe.
Isinalin ni John Felstiner ang maraming tula ng makatang
German na si Paul Celan. Isang pandulong taludtod ni Celan
ang ganito: "Ziw, jenes Licht." Sa Ingles, isinalin itong “Ziw,
that light” ni Felstiner. Bakit hindi niya isinalin ang "Ziw“ Isang
mahabang paliwanag ang isinulat ni Felstiner kung paano niya
tinuklas ang kahulugan ng “Ziw" sa tula ni Celan. Una, hindi ito
salitang German; sa halip, Hebrew. Dito kailangang
maunawaan na si Celan ay may dugong Jew at pinaslang ng
mga Nazi ang kanyang mga magulang. Natuklasan ni Felstiner
na ang "Ziw"ay posibleng napulot ni Celan sa isang awiting
bayan ng mga Jew.
Nangunguhulugan ang salita ng "liwanag." Sa loob ng tula, may mga
pahayag si Celan hinggil sa paghahanap ng "Hellwort" (makinang na
salita), na waring karugtong din ng damdaming apuhapin ang kanyang
ugat na espiritwal. Anupa't sa pagkatuklas ni Felstiner, ang "Ziw" ay
isang simbolikong yugto sa tula, na hindi dapat ihanap ng katapat na
salin sapagkat iyon mismo ang ibig sabihin ni Celan.
Pagtanggap ng Babasa. Hinihingi rin sa tagasalin ang pagsasaalang-
alang sa kanyang mambabasa. Tinutukoy nito ang pag-intindi ng
tagasalin sa konteksto ng kanyang tunguhang lengguwahe ang
tradisyon, kultura, at kasalukuyang kalagayan ng lipunang tatanggap sa
kanyang salin.
Noong ika-12 siglo, nang maging sentro ng pagsasalin ang Toledo,
Espanya, mulang Arabe tungong Latin ang proyekto ng mga iskolar na
gaya nina Adelard ng Bath at Gerard ng Cremona. Layunin lamang nila
noon na gamitin ang pagsasalin para magka- palitan ng impormasyon
ang mga iskolar sa halip na tumulong sa popularisasyon ng kaalaman.
Nagbago ito sa sumunod na siglo. Una, dahil sa atas ni Haring Alfonso X
na gamitin ang wika ng Castilla para sa teksto ng marurunong. Ikalawa,
dahil din sa pagpipilit ni Alfonso na ang teksto ay llanos de entender
(madaling maunawaan). Sa ganito napanday ang Espanyol bilang
tinggalan ng karunungang pan- daigdig, Bukod dito, nabuksan din ang
kaban ng kaalaman para sa higit na malaking sirkulo ng mambabasa.
Sa Filipino, maraming implikasyon ang pagsasaalang-alang sa
tatanggap ng pagsasalin. Magdudulot ito ng problema kahit
sa pagpili lamang ng salita na higit na mabilis maintindihan
ng mambabasa. Alin ba ang higit na gamitin sa ordinaryong
usapan? Kailan dapat humiram sa Espanyol? Kailan naman
dapat kunin na lamang ang ginagamit nang Ingles? Sapagkat
nasa anyong pasulat ang salin, kailan pinanatili ang orihinal
na baybay ng hiram na salita? Kailan naman binabaybay
sang-ayon sa tuntunin ng ispeling sa Filipino?
Dahil naman sa kontekstong panlipunan, may mga salita sa
Ingles na kailangang gamitan ng eufemismo o pahibas na
paraan sa Filipino para maiwasan ang anumang sigalot. Sa
sex halimbawa at pagpaplanong pampamilya, mahirap
tahasang banggitin ang mga aring sexual at mga bagay na
wika nga'y naririnig lamang sa silid-tulugan. Inimbento pa
halimbawa ang "unod" para sa male organ upang hindi
pagmulan ng kontrobersiya sa pagtuturo ng birth control.
May mga salitang "bastos" na puwedeng ilathala sa tabloyd
ngunit hindi maaaring ipasok sa aklat pampaaralan.
May panahon na hindi ipinababasa sa mga paaralang Katoliko ang salin
ng Noli at El Fili ni Rizal dahil sa mga tuligsa niya sa Simbahan noong
panahon ng Espanyol. Dahil sa Batas Rizal, napilitan ang awtoridad ng
mga paaralang Katoliko na ipabasa ang mga nobela ni Rizal, ngunit sa
"nilinis" o expurgated na bersiyon. Bahagi ng pagbabago ng panahon ang
pangyayari na ngayo'y malaya nang binabasa ang mga nobela ni Rizal, sa
anumang paraan ng salin o halaw, kahit sa mga paaralang pribado at
Katoliko.
Ang nagbabagong konteksto ay nangangahulugan lagi ng pagbabago sa wika.
Kailangan, samakatwid, na may kamalayan ang tagasalin sa anumang naganap
at nagaganap na pagbabago sa kanyang wikang ginagamit. Ang Filipino,
halimbawa, bilang buháy na wika ay patuloy na nagbabago sa ispeling, bigkas,
bokabularyo, at kahit sa gramatika. May mga salita na biglang lumilitaw at
bigla ring nawawala. May mga salita namang nagbabago ng kahulugan.
Espanyol ang batayang hiramang wika ng mga wika sa Filipinas hanggang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig; sa ngayon, Ingles ang pangunahing dulangan
ng Filipino para sa modernisasyon.
Kailangan gagap ng tagasalin ang buong kasaysayan at kapangyarihan ng wika
upang ganap niyang makasangkapan tungo sa malusog, malikhain, at malinaw
na pagsasalin.
MARAMING
SALAMAT! 

You might also like