You are on page 1of 132

Hari Manawari

German Villanueva Gervacio

1 ng 126

Hari Manawari

i.

Dalawang Bugtong

ii.

Isang Kahilingan

iii.

Lupain ng mga Higante

iv.

Awit ng Sirena

v.

Mga Amoy at Panimdim

vi.

Tatlong Haragan, Isang Sugatan

vii.

Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa

viii.

Alam Mo Ba Na Ang Tawag Sa Alitaptap Dito Ay Aninipot?

ix.

Mga Sumpa

x.

Ang Rebelasyon

Epilog: Sic Itur Ad Astra

2 ng 126

Isang sanggol ang ipinaghehele ng yayat at kulubot na bisig:

Ako ay nagtanim
Kapirasong luya
Nang tumuboy gabi
Namunga ng mangga
Nang pipitasin ko
Hinog na papaya
Lumagpak sa lupa
Magandang Dalaga

Sa paglaki ng sanggol, maniniwala ito sa pag-ibig


At kababalaghan.

I. Dalawang Bugtong

3 ng 126

Sa pulo ng Mnaiwantiwan, isang dalaga ang aakyat sa bahay na yari sa


kapis upang magpakulo ng halamang-dagat. Magsasayaw ang hagdan.
Magigiba ang bubong ng lutuan. Madudurog ang kalan.

Sa katunayan, ang ganda ng Laguindingan ang pumatay kay Prinsipe


Manawari.

Inagaw ng paligid ang kanyang iniisip. Galing siya sa Pulo ng


Laguindingan subalit ngayon lang niya namalas ang tunay nitong ganda.
Mula sa kinalululanang Magik Malong ay sinuyod niya ang angkin nitong
halina. Pinababa niya kaysa karaniwan ang lipad ng Magik Malong.

Sa

tanglaw ng buwan, ay tila ulap ang labusaw ng dagat. Mistulang sariwang


cauliflower ang pulo sa gitna ng sariwa ring tubig. Subalit sa sandaling ito
ay ang hagdan-hagdang palayan ang nakanakaw ng pansin ni Prinsipe
Manwari. Obra-maestra ng isang manlililok ang mga payaw. O Mistulang
piraso ng jamon na inilatag ng isang henyong

kusinero.

Nakaramdam

tuloy ng gutom ang prinsipe maging ang tatlong hayop na lulan ng Magik
Malong.
Subalit mas may gutom pa pala sa kanila. Mula sa kanilang likuran ay
umatake ang mabangis na berkakan.

Ang hampas ng buntot nito ang

nagpagewang sa Magik Malong na ikinahulog naman ni Prinsipe Manawari.


Bumagsak siya sa bunganga ng dambuhalang isda.

4 ng 126

Sinalo ang kanyang

katawan ng sagpang ng matatalim na pangil nito. Hinila siya pababa, sa


lalim ng dagat ng mabangis na berkakan.

Nagpupuyos ang galit ng

dambuhalang isda at hinalihaw ang prinsipe sa matatalim na korales.


Kumayod ang kanyang mga brasot binti sa mga korales at ngumudngod
ang mukhang ngayoy nabubuan ng dugo. Sa bawat paggiyagis ng pangil
sa nawawakawak niyang mga laman ay may tila sumusundot na kuryente
sa kanyang isipan.

Nagsalimbayan sa humuhulagpos niyang kamalayan

ang mga sandali ng pinagdaanang buhay. Manhid na ang pakiramdam ni


Prinsipe Manawari at anumang sandaliy tanto niyang iiwan siya ng huling
pusikit sa kanyang nanlalabong mga mata.

Sa isang mariing sakmal ng

berkakan at paghambalos ng ulo niya sa korales, ay inangkin siya ng di


maipaliwanag na kagaangan. Matapos ay ang walang hanggang dilim.

Payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na kaharian.


Bilog na bilog ang maliwanag na buwan.
sa labas ng balkon.

Nakatindig si Prinsipe Manawari

Tinatanaw niya ang latag ng kabundukang tila

nahihimbing na mayuming dalaga.

Naiisip niya kung ilang mga bundok,

patag at dagat pa ang nasa likuran nito. Saang bundok, patag o dagat doon
nagkukubli ang katuparan ng kanyang mga pangarap?
Mamaya ang simula ng kanyang paglalakbay. Ang akala niyay ang
kanilang kaharian lamang ang kanyang lilibutin. Hindi bat ito ang ihinayag

5 ng 126

ng bolang kristal ni Merlin? Siya, si Prinsipe Manawari, ang pinakamakisig


at nag-iisang prinsipe, ay makatatagpo ng dalagang kanyang mamahalin.
Isang dalagang bigla na lamang susulpot sa inihandang masigabong
kasiyahan ng kanyang Amang Haring Bacocos at Inang Reyna Bicuda
Nakasakay ang dalaga sa karwaheng hila-hila ng makikisig na kabayo.
Kitang-kita niya sa bolang kristal ang dalagang iyon. Ang balingkinitang
pangangatawan.

Ang kulay-niyebeng kaputian.

Ang nakapusod na

ginintuang buhok. Ang mga matang tila diamante. At isasayaw niya ang
dalagang ito sa saliw ng waltz.
nasa kanilang paligid.

At maglalaho ang kaharian at anumang

Sila na lamang dalawa at sa pagitan nilay ang

dumadapong pag-ibig. Subalit kasinghiwaga ng pag-ibig na ito ang dalaga.


Maglalaho ito sa hudyat ng hatinggabi at iiwanan siya ng isang makinang
na alaala at malamlam na anino ng panghihinayang.
mag-aalala.
buong

Ito rin ang sinasabi ng bolang kristal.

kaharian

at

pasasaan

man

ay

Subalit hindi siya


Susuyurin niya ang

matatagpuan

din

niya

ang

mahiwagang dalaga. At muling sasabog sa galak ang buong kaharian sa


kanilang pag-iisang dibdib.
Subalit tumatanda na nga bang talaga si Merlin at lumalabo na ang
bolang kristal nito? Bakit isang mahiwagang dalaga lamang ang lumitaw sa
bolang kristal? Bakit hindi nahagip ng mga tarot kard ang pagdatal din ng
isa pang mahiwagang dalaga?

Dahil noong gabi ngang iyon, matapos

tumalilis ang unang mahiwagang dalagay may natanaw sila mula sa


papawirin.

Ang akala nilay ang ikapat lang ng nagtatanod na buwan.

6 ng 126

Ngunit habang papalapit nang papalapit ay napagsino nilang isa palang


napakalaking barko! Mistula itong isang islang lumilipad. At sa paglapag
nito ay napuno ang kaharian ng simoy ng aromang tila nagmumula sa
ibang daigdig. Iniluwa nito ang isang may kaliitang dalaga. Kulay-lupa ang
balat nito at kaygandang pagmasdan. Umaalong itim na dagat ang buhok
nito na ultimo ang liwanag ng buwan ay hindi makalagos. Ang mga mata
ng dalagay pares ng mutiang pinagyaman sa pinakamalalim na karagatan.
Muntik na niyang mabitiwan at mabasag ang tangang salaming sapatos sa
pagkakatigalgal.
Mas mahiwaga ang ikalawang dalaga kaysa una. Hindi man lang niya
ito nakadaupang palad dahil umimbay itong mag-isa sa saliw ng di niya
mawawaang musika na nagmumula sa mahiwagang barko.
tumititig sa kanya habang umiimbay.

Hindi rin ito

Ang mga mata nitoy lagi nang

nakatutok sa lupa o dili kayay sa kalangitan. Waring hinahalukay nito ang


lihim ng lalim at sinusungkit ang hiwaga ng kalawakan.

Alitaptap na

dumadapo sa kanyang mga mata ang gintong kalumbigat pulseras sa


brasot bukong-bukong ng dalaga habang isinasayaw ng hangin ang
sarikulay na sedang kasuutan nito.

Isang kaanyuang ngayon lang

nasilayan ng buong kaharian. Isang kagandahang hindi niya mawari kung


ang mga mata niya ang naglalarawan o ang kaibuturan ng kanyang
kaakuhan. Muli, ang naramdaman niya sa unang mahiwagang dalaga ay
muli niyang naramdaman. At tila higit pa. Dahil habang pinagmamasdan
niya ang ritmo ng mga paang iyon na walang sapin ay parang ang dibdib

7 ng 126

niya ang kumakabog sa halip na ang sa lupa. Walang sapin ang maliliit na
paang ito at kulay-lupa subalit sa pananaw niyay tila mas makinang ito
kaysa salaming sapatos ng naunang dalaga. At sa yugtong iyon na wariy
nakapag-ipon siya ng lakas ng loob para lapitan ang dalaga ay bigla itong
tumalilis katulad ng unang dalaga. Wala siyang nagawa kundi ang tanawin
ang kinalulanang barko nito papalayo, papataas sa kung saan mang bituin
galing ang kagandahang iyon. Nakangangang sugat ang kanyang mukha at
unat pataas ang kanyang bukas-palad na mga kamay na wariy nais
higupin pabalik ang dalaga.

Sa halip, isang panyo mula sa itaas ang

lumapag sa nangungulila niyang palad.


Salaming sapatos.

Mahiwagang panyo. Hindi na ba naubusan ng

bugtong ang pag-ibig? At ang Unang Bugtong ang pinilit ipatugon sa kanya
ng Amang Hari.
buong kaharian.
tadhana?

Ito rin ang nabanaag niya sa umaasang mga mata ng


At hindi nga bat ito naman ang inihihimatong ng

Ito ang bukas na pinatototohanan ng bolang kristal?

Ito ang

bukas na maghahatid sa kanya at sa kanila sa walang hanggang


kaligayahan.
Subalit ngayon ngang payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa
galak na kaharian na naging saksi sa kanilang pag-iisang-dibdib, may
naghuhumiyaw namang lungkot sa kanyang kaluluwa. Hindi niya napigil
ang pagsilip ng luha sa kanyang mga mata hanggang sa manlabo ang
kanyang paninginang bilog na bilog na buwan ay naging barko sa dagat
na papawirin.

Ang latag ng bundok na tila mayuming dalagang

8 ng 126

nahihimbing ay waring tumindig at lumulan sa buwang barko. Papalapit sa


kanya ang barko.

Papalapit sa kanya ang dalaga. Nahintakutan siya sa

waring nakikitat naiisip.

Nagpasya na lamang siyang pumasok na sa

kuwarto nilang magsing-irog.


Marahil ay nahapo kaya nahimbing. Payapa na ang kaninay-halossumabog-sa-galak na mukha ng prinsesa.

Bagamat tila hindi naalagaan

ang ginintuang buhok ay may kintab itong banayad sa mata. Umupo ang
prinsipe sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang buhok ng prinsesa. Sinalo
ng daliri ang nakasaboy sa may patilyat pisngi at iniipit sa likod ng tainga.
Tumambad tuloy ang nanghihigop na uli-uli sa pisngi. Napansin niyang sa
pagkakapikit ay lalong pumilantik ang mga pilikmata ng marikit na
prinsesa.

Tinangka niyang hagkan ang mga pilikmatang tila laging

nagkakanlong

ng

mamasa-masang

luha.

Hindi

niya

itinuloy

ang

pagtatangka.
Idinako niya ang wariy lumilikot na mga mata sa mahaba at bilugang
leeg ng prinsesang kabiyak.

Sa tamang-tamang umbok ng dibdib ng

kabiyak. Sa kurbadang baiwang at humpak na puson ng kabiyak. Sa hitat


binti ng kabiyak.

Sa maliliit na paat hubog-kandilang mga daliri..

Sa

kabuuan ng kabiyak, at tila may nabibiyak din sa kanyang kaluluwa Ang


nangungurog na ngayong kamay na kaninay nagtangkang humawak sa
kabuuan ng kabiyak, ay natagpuan niya ngayong dinarama sa halip ang
palad nito.

9 ng 126

Tinatalo siya ng paggalang?

O binabagabag siya ng napipintong

pagtataksil?
Kinudlitan niya ng halik sa noo ang nahihimbing na prinsesa. Dahandahan siyang bumitiw sa palad nito at hinubad ang nakatulugan nang pares
ng salaming sapatos ng kanyang prinsesang nahihimbing. Parang kaybigat
ikilos ng kanyang mga bisig. Kaygaan ng sapatos subalit parang kaybigat
ng kanyang ginagawa. Hindi lamang niya matiyak kung dahil ito sa takot at
kalungkutang kanyang nadarama.

Dinala siya sa harap ng antigong

aparador ng kimkim niya ngayong takot at kalungkutan. Marahan niyang


binuksan at ang malakas-lakas na kreeek ng nabuksang pinto ay hindi
nakagambala sa nahihimbing. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang
damputin ang isang baulito na napapalamutian ng binuhanging ginto at
lantay ng diamante, ruby at jade.

Marahan niyang binuksan ito at unti-

unting nakatakas ang ningning at liwanag na nakabilanggo sa loob ng


baulito. Tumambad sa kanya ang panyong may intrikadong gantsilyo. Ang
mahiwagang panyong hindi niya matiyak kung sadyang ihinulog ng
mahiwagang dalaga.

Kinuha niya ito at inihalili sa baulito ang pares ng

sapatos ng kabiyak.

At saka siya muling nagpasya.

Kailangan niyang

tugunin ang Ikalawang Bugtong ng Pag-ibig.


Sakay siya ng kanyang matikas na puting kabayo at tinatanaw ang tila
nunal na lamang na kaharian sa nguso ng malawak na lupain. Nagtago na
ang buwan nang maulinigan ang pag-anggi ng niyebe.
tanaw ng

Napabaling ang

prinsipe sa kakahuyan habang nalalambungan ito ng puting

10 ng 126

niyebe. Nakagaan ng bahagya sa kanyang pakiramdam ang tanawing ito at


magpapasya sana siyang magpahinga muna sandali. Subalit humalinghing
ang kanyang matikas na kabayo upang ipaalalang hindi saklaw ng kanilang
kamaharlikaan ang ganitong uri ng pag-aaliw. Ipinasya niyang ipagpatuloy
ang paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang dalagang may ari ng
mahiwagang panyong isiniksik niya sa kanyang marangya ring pananamit,
sa tapat ng kanyang nasasabik-nag-aalalang dibdib.

II. Isang Kahilingan

Bumulagta na lamang bigla ang kanyang dating matikas na puting


kabayo na ngayon ay tila parilya ng isang gumuhong tore. Sa pagsasara
niya ng mga mata nito ay naaninaw pa niya ang waring paghingi ng
paumanhin dahil hindi nito nagampanan ang kanyang silbi sa among
prinsipe.

Nanlumo si Prinsipe Manawari sa sinapit ng nasirang hayop at

nakaramdam ng bahagyang pagkakonsensya at nadamay ito sa kanyang

11 ng 126

kahibangan. Halos nakakatatlong palit na ng buwan at patuloy pa rin silang


naglalakbay. At ngayon ngay sumuko na ang kawawang alalay matapos
na matawid nila ang ilang bundok at ilang disyertong katulad ng katatapos
lang nilang mabagtas. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil ngayon
pa ito tinakasan ng hininga gayong tanaw na niya di-kalayuan ang isang
punungkahoy na sa pagkakaluhod ay tila hinahagkan ang mga paa ng Dios.
Inubos niya ang natitira pang lakas sa paghila sa wala nang hiningang
kabayo palapit sa punungkahoy.
natanaw.

Isang Punong Higera pala ang kanyang

Napakalapad ng punong ito na kakailanganin siguro ang

dalawampung gladiator na magkakapit-bisig para para mayakap ang


katawan ng dambuhalang puno. Dinala niya sa likod ng Punong Higera ang
kabayo at nangalap ng mga tuyong dahon at yabat na ipantatabon dito.
Wala na siyang lakas para gumawa ng hukay na paglilibingan nito. Ang tila
nakadipang-krus na puno ang magiging tanda ng pagpanaw ng kanyang
matapat na alalay.
Matapos siyang umusal ng dasal ay sumalampak siya nang pasandal
sa katawan ng malapad na puno. Ngayon niya naramdaman ang matinding
hapo, uhaw at gutom. Inilabas niya ang pilak na kanister ng tubig. Sinalo
ng kanyang nanunuyong dila ang huling tatlong patak ng tubig. Inilabas
niya mula sa lukbutan ang kahuli-hulihang piraso ng tinapay na ipinabaon
ni Merlin.

Akmang kakagatin na niya ang tinapay nang may mapansin

siyang isang usang tumatakam at nakatanghod sa kanya. Piniraso niya ang


katlong bahagi ng tinapay at isinubo sa mabilis namang tumalilis na usa.

12 ng 126

Isusubo na sana niya ang natirang tinapay nang may maramdaman siyang
marahang tapik sa kanyang balikat at maulinigang tila nangangalos na
tinig.
Amang, maari bang mabahaginan mo ako ng iyong pagkain?
Nang lingunin niya ang may-ari ng tinig ay tumambad sa kanya ang
isang gusgusin at butuhang matandang babaeng pulubi na tila isang
tungkod na lamang sa loob ng isang nangangarilong na kumot.
Ito na po ang huling piraso ng aking pagkain. Kung hindi nga lang po
ako nagugutom din ay ibibigay ko na sa inyo lahat. Pero kung inyo pong
ipagpapatawad, hahatiin ko po ito para sa ating dalawa.
Salamat Amang. Ilang araw na rin po kasi akong hundi kumakain.
Kung gayoy pagdamutan po ninyo itong kapirasong tinapay.
Salamat. Pagpalain ka sana ni Bathala.
Ngingitian sana niya ang matanda upang sabihin na walang anuman
nang biglang may nakasisilaw na liwanag na bumalot dito. Napapikit ang
prinsipe sa sobrang liwanag at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay
hindi na ang gusgusing matanda ang kanyang nasa harapan. Kaharap niya
ngayon ang isang dalagitang ang walang saping mga paa ay nakalutang sa
lupa.

Nababalutan ito ng kulay dilaw-na-gintong liwanag.

Hindi niya

maaninag ang mukha nito sa tindi ng liwanag na nakapalibot. Hinugot niya


at iniumang ang kanyang espada pero paatras ang kanyang katawan.
Tinangka niyang tumakbo subalit wala na siyang mahugot na lakas.

13 ng 126

Huwag kang matakot, Prinsipe Manawari.

Ako ang diwata ng

kagubatang ito at nasaksihan ko ang iyong pagpapala sa mga hayop at


paggalang sa mga punungkahoy. Naramdaman ko rin ang kadalisayan ng
iyong puso sa pagtulong sa mga nangangailangan. Bilang gantimpala ay
bibigyan kita ng isang kahilingan.
Mangha ang prinsipe dahil kilala siya nito subalit alam niyang
pangkaraniwan naman ang ganitong mga nilalang.

Maging sa kanilang

kaharian ay mayroong tulad nito. Ang kinagugulumihanan niya ngayon ay


ang gantimpalang nais ipagkaloob nito.

Dahil nga rin siguro sa

desperasyon kaya nais niyang kustyunin kung bakit isang kahilingan


lamang ang ibibigay sa kanya.

Ayaw niyang manghula ng sagot kaya

bagamat nag-aalangan ay itinanong na rin niya.


Maraming salamat po at malugod kong tinatanggap ang inyong
gantimpala.

Subalit kung inyo pong mamarapatin ay mayroon po sana

akong nais na malaman.


Magpatuloy ka, ano ang iyong katanungan?
A, e Hindi po ba na ang karaniwang ibinibigay na kahilingan ng mga
tulad ninyo ay tatlo?

Bakit po isang kahilingan lamang ang maari kong

hilingin?
Kaydali mo yatang makalimot. Hindi bat katlong bahagi lamang ng
tinapay ang ibinigay mo sa akin? Kung gayoy isang kahilingan lamang ang
laan sa iyo.

14 ng 126

Napakamot ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe. Nagpatuloy ang


Diwata ng Kagubatan.
Subalit ano ba ang bale kung isang kahilingan lamang? Kung ikaw
naman ay tusot matalas, mahihiling mo ang naisin sa isa lamang
kahilingan.
Napaisip ang prinsipe at napangisi siya nang may biglang
bumumbilyang ideya sa kanyang utak.
Kung ganon po, Mahal na Diwata. Ang una ko pong hiling ay bigyan
nyo ako ng tatlong kahilingan!
Ang Mahal na Diwata naman ang napakamot sa di-naman-makatingulo. Subalit mangingiti lamang ito at
Kung iyan ang nais moy matutupad.

Ibibigay ko ang iyong

kahilingan.
Kwwwtxxxx.zzzzzzz Kwwwtxxxx.zzzzzzz
Biglang wariy lumakas ang prinsipe at sabik na pinagkiskis ang
kanyang dalawang palad.
kahilingan.

Handa na siya sa

natawarang tatlong

Subalit naiwang nakanganga ang kanyang bibig nang may

ipahabol ang Diwata.


Tandaan mo lamang na ang iyong hihilingin ay may kinalaman sa
iyong pakay subalit hindi ang mismong katuparan ng pakay na iyon.

At

anumang iyong hihilingin ay ikapitong beses mong isipin dahil hindi mo na


ito mababago. Nagkakaunawaan ba tayo?

15 ng 126

Malinaw na po sa akin ang lahat. Kung gayon poy maaari na po ba


akong humiling?
Sige, ano ang iyong kahilingan?
Bigyan nyo po ako ng kasama sa aking paglalakbay. Kahit ano pong
makatutulong sa paghahanap ko sa aking pakay.
Ipinadyak ng Diwata sa hangin ang mga paa nitong walang sapin at
biglang may sumulpot sa harapan nilang isang tisikong asong putol ang
buntot at alimbyuging manok na may napakahabang buntot at lunting
palong na tila dahon ng kaktus. Napalitan ng pagtataka ang gulat ng
prinsipe.
Paano naman po makatutulong ang aso at manok na iyan sa aking
paglalakbay?
Hinihiling mo bang ihayag ko sa iyo kung paano ka matutulungan ng
asong iyan?
Siempre naman po,
At gusto mo ring malaman ang silbi ng manok?
Opo rin po.
Kung ganon. Para sa iyong ikalawang kahilingan
Teka, teka lang poBakit po ikalawa nang kahilingan?
Hindi bat sinabi mong hinihiling mo na sabihin ko sa iyo ang halaga
ng dalawang hayop na iyan? Nakangising paliwanag ng Diwata. Kung
gayon, ito na ang iyong ikalawang kahilingan...

16 ng 126

Napailing at napakamot na naman ng di-naman-makating-ulo ang


prinsipe pero hindi na siya nakipagtalo pa sa Diwata.

Nagpatuloy ang

Diwata para tuparin ang kanyang susunod na kahilingan.


Aalulong ang asong ito kapag may mga espiritu at lamanlupang
nakikita o dili kayay may panganib na nagbabadya.

Kung nais mo ring

makita ang nakikita ng aso, ipahid mo ang muta nito sa iyong mga mata.
Sa pagtulog mo naman ay dadalawin ka ng masasamang panaginip. Kung
ayaw mong magkatotoo ito, ikuwento mo sa manok ang iyong mga
bangungot at matapos ay kagatin mo ang lunting palong nito. Sige,
humayo ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.
Pagkasabi niyon ay akmang paglalahuin na ng Diwata ang sarili nito.
Subalit napatayo na ang prinsipe para habulin ang ikatlo pa niyang
kahilingan.
Teka lang po, Mahal na Diwata. May natitira pa po yata akong isang
kahilingan?
Hindi yata tayo nagkakaunawaan?
Hindi nga po yata Medyo yamot na ang prinsipe.
Ang isang kahilingan moy ang makakatuwang mo sa paglalakbay.
Nariyan na ang aso at manok. Hiniling mo na sabihin ko sa iyo kung paano
mo magagamit ang aso at manok. Sinabi ko sa iyo ang silbi ng aso at silbi
ng manok, isa na namang kahilingan
Kung ganon man poy dalawa pa lamang ang aking nahihiling.

17 ng 126

Ang aga mo yatang nag-ulyanin. Hindi bat nung unay humiling ka


na bigyan kita ng tatlong kahilingan?

Isang kahilingan din iyon.

Kung

ganoon ay tatlong kahilingan mo na ang aking natupad.


Tumangu-tango na lamang ang prinsipe bagamat nagsasalubong na
ang kanyang kilay. Bagamat sa pagsusuma ay napagtanto rin niyang wala
naman siyang dapat ikatampo sa tila naglalarong dalagitang Diwata.
Bagamat nga rin na malungkot-ang-mukhang nagpaalam na siya sa Diwata.
Ang Diwata naman ang pumigil sa kanya.
Teka lang.

Masyado ka namang matampuhin.

Dahil madali ka

namang kausap, may pabuya ka sa akin.


Nasabik ang prinsipe. Ang Diwata naman ay pumailanlang patungo sa
dulo ng Punong Higera at may kinuha sa dahon nito. Nang lumapag itoy
may dala-dala nang isang singsing-ita.

Binulungan ito ng Diwata at ang

itim na singsing-ita ay nagkulay-ginto.


Mahiwaga ang singsing-ita na ito. Nagpapalipat-lipat ito sa daliri ng
kung sino mang may suot nito. Ibibigay ko ito sa iyo. Kapag ibinulong mo
rito na kailangan mo ako ay bigla akong susulpot sa iyong harapan, kahit
nasaan ka man.

Subalit tiyakin mo lang na bago ka bumulong ay nasa

palasingsingan ang singsing na ito.

Hindi ako magpapakita kung nasa

ibang daliri ito sa halip na nasa palasingsingan. Tiyakin mo ring bubulong


ka lamang kung kailangang-kailangan mo na ako, dahil iyon na ang ating
magiging huling pagkikita natin at huling pagtulong ko sa iyo. Nauunawaan
mo ba, Prinsipe Manawari?

18 ng 126

Bagamat hindi niya masyadong masakyan ang Diwata ay tumango na


rin ang prinsipe.
Tanggapin mo rin ang Magik Malong na ito...
Alam ko na! Singit ng prinsipe. Magagamit ko ang malong na iyan
para maging imbisibol ako! Sabik na bulalas ng prinsipe.
Hindi. Maginaw kasi rito sa kagubatan at medyo malamok. Baka mamalaria ka. Puwede mo itong gamitin sa iyong pagtulog.
Akala ko po bay may magik ang malong na ito?
Oo nga. Hindi ito dumudumi kaya puwede mo nang hindi labhan. At
kung

mabubutas

man

ay

nasusulsihan

nito

ang

kanyang

sarili.

Hahandugan din kita ng isang


Water Buffalo?! Gulat at nagtatakang naisigaw ng prinsipe nang
biglang may sumulpot na tabogol na putim na hayop sa kanyang harapan.
Hindi yan Bulalo.
Buffalo po ang sabi ko.
Ke Bulalo, ke Bupalo, parehong mali. Kabaw iyan. Tawagin mo siyang
Kalabawbibaw. Nakita kong namatay na ang iyong kabayo. Kakailanganin
mo si Kalabawbibaw sa iyong paglalakbay.

Ngayoy maari ka nang

humayo.
Teka lang po.

Mukhang hindi naman tatagal ang kabaw na yan.

Tingnan ninyo ang mga paa, parang pinitpit na luya.


Magdahan-dahan ka, binata. Baka ang pinitpit na luyang iyan pa ang
makatulong sa pagbabalik ng iyong buhay.

19 ng 126

Ano po ang ibig ninyong sabihin?


Ang tanda, Prinsipe Manawari. Ang tanda.
Hindi ko po maunawaan. Ano pong tanda?
Naaaninag ko sa iyong pilikmata. Ang pagsayaw ng hagdan. Ang
paggiba ng bubong ng lutuan. Ang pagkadurog ng kalan
Ano pong?
Mapanganib ang gagawin mong paglalakbay. Ngayon pa lang ay
masanay ka nang magtiwala. Pagkasabi nito ay may itatanong pa sana
ang prinsipe subalit bumalik na sa dating anyo ang Diwata ng Kagubatan.
Muli itong naging tila tungkod sa loob ng nangangarilong na kumot.
Nagpasya ang prinsipeng itanong na rin sa matandang pulubi ang
itatanong sana niya sa Diwata.
Paano po ako makararating sa aking paroroonan? Tanong niya sa
gusgusing matanda.
Huwag mo lang kalimutang lumingon sa iyong pinanggalingan
Amang, sagot ng butuhang matanda at matapos ay naglaho na lamang
itong parang bula. Isinampay ng prinsipe ang kanyang lukbutan sa balikat
ng kalabaw at sinapinan ng malong ang likod nito.

Sumakay na siya at

nagpatuloy sa paglalakbay. Umiinday-inday ang tabogol na kabaw na may


mga paang parang pinitpit na luya at kasunod na nila ang kuma-kaw!
kaw! na tisikong aso at kumo-korokokok na alimbyuging manok.

20 ng 126

III. Lupain ng mga Higante

Hindi lamang siya lumingon kundi bumalik na sa kanyang


pinanggalingan. Tahimik ang kaharian tulad ng gabing lisanin niya ito. Una
niyang pinuntahan ang nilisang kabiyak. Payapa itong natutulog tulad ng
gabing iwan niya. Ganoong-ganoon ang ayos ng prinsesa maliban sa suot
nito ang salaming sapatos na hinubad niya at itinago sa baulito bago siya
umalis at naglayag. Umupo siya sa gilid ng kama at hahagkan sana sa noo
ang kabiyak na prinsesa nang may bigla siyang napansin sa noo nito.
Kaytagal na ba niyang nawala at may gatla na ang noo ng kanyang kaawaawang asawa? Subalit tila yata may pilantik ng buhok ang gatla nito sa
noo? Hahaplusin dapat niya ang gatla nang biglang bumukas ito. Hindi
siya makapaniwala ngunit mata ba ang nakikita niyang nasa noo ng
kabiyak?

Kumurap-kurap ang matang iyon at nang mapansin siya ay

tinitigan siya nito nang masama. Parang titig ng pusang nasa hapag.
Napaatras ang prinsipe at napahandusay sa sahig. Biglang bumangon ang
kabiyak na prinsesa. Pikit ang dalawang mata nito maliban sa mata ngang
nakadilat

na

nasa

noo.

Galit

ang

matang

iyon.

At

mula

sa

pagkakahandusay niyay tila lumalaki ang tingin niya sa kabiyak. Lumaki


ito nang lumaki hanggang sa umumpog na sa kisame ng kanilang kuwarto.
Nagpatuloy ito sa paglaki hanggang sa mabutas na at gumuho ang

21 ng 126

kanilang bubungan. Sumayaw ang hagdan. Nagiba rin ang bubong lutuan.
Nadurog ang kalan

Iniangat ng prinsesa ang kanang paa nito na ngayon

ay halos kasinglaki na ng prinsipe.

Nakita niya ang repleksyon ng

nahihintakutang sarili sa talampakan ng salaming sapatos. Yayapakan siya


at pipisakin ng kanyang pinagtaksilang kabiyak. Napakatulis na tila
dambuhalang balaraw ang takong ng salaming sapatos na padikit na sa
kanyang namumutlang mukha. Naisip ng prinsipeng magpasaklolo sa
Diwata ng Kagubatan.

Bubulungan na dapat niya ang suot na gintong

singsing-ita subalit sa hinlalato niya ito nakapulupot. Iginalaw-galaw niya


ang kanyang mga daliri sa pagbabakasakaling lumipat ang singsing sa
kabilang daliri, sa palasingsingan. Subalit tulog-suka ang singsing. Walang
nagawa si Prinsipe Manawari kundi umusal ng dasal na sana manawariy
napatawad siya ng kabiyak na prinsesa bago lamang siya patayin nito.
Napapikit na lamang ang prinsipe. Handa niyang tanggapin ang kanyang
kaparusahan. Una niyang naramdamang tumusok ang matulis na takong
sa kanyang pisngi. Sunud-sunod ang tusok nito at napaungol siya. Isa pang
mariing pagtusok at napadilat siya. Nagisnan niya ang alimbyuging manok
na tinutuka ang kanyang pisngi.
Matapos mapayapa ang sasal ng kanyang dibdib at mahabol ang tila
tumakas nang hininga ay ikinuwento niya sa manok ang napakasamang
panaginip katulad ng bilin ng Diwata ng Kagubatan.
nakinig ang alimbyuging manok.

Mataman namang

Nang matapos siyang magkuwento ay

ihinilig ng manok ang ulo nito sa kanyang braso.

22 ng 126

Natuwa siya sa

ipinakitang simpatiya at pag-alo ng manok sa kanya.

Hinagod niya ang

lunting palong nito upang ipahiwatig ang kanyang pasasalamat. Bagamat


parang ikinasiya naman ng manok ang kanyang ginawa, hindi ito tumigil sa
paghilig ng ulo nito sa kanyang mga palad. Parang may nais itong ipagawa
pa sa kanya subalit hindi na niya iyon inintindi dahil lumipad na ang isip
niya sa napaginipang kabiyak.

Nakaramdam na naman siya ng di

mawaring kalungkutan.
Gising na rin ang tisikong aso at tabogol na kabaw. Iniligpit niya ang
nakalatag na malong at isinapin ito sa likod ng kabaw.

Puputok na ang

araw at handa na muli silang maglakbay.


Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ng prinsipe ang napanaginipan kaya
hindi niya napansing kakaiba na ang simoy ng hangin. Bumalik na lamang
ang kanyang ulirat nang mapansing tila nasa ibang kagubatan na sila.
Naglalakihan at nagtatayugan ang mga puno rito.

Mas malalapad ang

puno rito kaysa Puno ng Higerang tinigilan niya kahapon at halos


singtatayog ng tore ng kanilang kaharian.

Maya-mayay tumigil si

Kalabawbibaw sa gilid ng isang puno. Tinahul-tahulan naman ang puno ng


aso at ang tila yata matamlay ngayong manok na may napakahabang
buntot ay lumipad sa may tuktok nito.

Napansin niya ang dinapuan ng

manok na tila isang bagay na sa kataasan ay hindi niya mapagtanto kung


ano. Bastat ang nasisiguro niyay hindi ito sanga o bahagi man ng puno.
Ikinaway ng manok ang pakpak at napakahabang buntot nito na parang
niyayaya si Prinsipe Manawaring umakyat sa kinadadapuan.

23 ng 126

Naalala ng

prinsipe ang kuwento ni Merlin tungkol sa Magoyoda Selegen. Isang lugar


daw ito sa pagitan ng langit at lupa. Dito raw iniimbak ang mga sandata at
kagamitang hindi ginagamit. Pinasya ng prinsipeng umakyat sa puno sa
pamamagitan ng mga baging na nakapulupot dito. Isa palang lumang baul
ang kinadadapuan ng manok. Lumipat ang manok sa sanga at binuksan ng
prinsipe ang baul. Nanlumo siya nang malamang hindi mga sandata ang
nakaimbak dito kundi mga lumang gamit lamangtatlong piye ng
nangungutim nang lubid, dalawang dipa ng malapad na goma, isang
malaking kabibeng hugis tambuli, isang lumang agong at isang malaking
palakol ngunit walang hawakan. Pag-angat niya ng palakol ay may nakita
siyang kanister ng tubig sa ilalim nito. Dinampot niya ito at inalog-alog.
May laman.

Sa isip niyay ito lamang ang kanyang mapakikinabangan.

Bababa na sana siya subalit nagtitilaok ang manok at dumapo ito sa


naiwang mga kagamitan at kinala-kalahig ang mga iyon na para bang
iniuutos sa prinsipe na kunin ang mga lumang gamit na iyon. Nakatingala
naman si Kalabawbibaw at tahol nang tahol ang tisikong aso.

Bagamat

natitiyak ng prinsipeng hindi naman niya ito magagamit sa paglalakbay,


may kung anong puwersang nagtulak sa kanya para kunin na lang din ang
mga natirang lumang gamit.

Inihulog niya ang baul at muntik nang

mabagsakan ang dalawang hayop sa ibaba.

Bumaba na rin siya

pagkatapos at lumipad na rin pababa ang masigla na ngayong manok.


Iba na nga ang simoy ng hangin sa kagubatang ito. Nakaramdam ng
banas ang prinsipe at tumatagaktak ang pawis sa kanyang noot katawan.

24 ng 126

Hindi siya sanay sa ganitong klaseng init. Nagpasya siyang magpahinga


muna sila. Bumaba siya sa kabaw at naupo pasandal sa isang puno.
Lumagok siya ng kaunting tubig at pinainom din niya ang tatlong kasamang
tila hindi naman nakararamdam ng pagod. Tumatagiktik pa rin ang pawis
niya sa noo.

Naalala niya ang panyong nasa may dibdib.

Matapos

magpunas ng pawis ay tinitigan niya ang panyo at napatapik siya sa


kanyang noo nang may maalala. Bakit nga pala hindi niya ito naipakita sa
Diwata ng Kagubatan at bakasakaling mabigyan siya ng impormasyon
tungkol dito o sa may-ari ng panyo? Nakaramdam siya ng panghihinayang.
Sumunod, ng gutom.

Subalit alam niyang wala na siyang

natirang

pagkain. Ang huling piraso ng tinapay ay pinagsaluhan nila ng Diwatang


nagpanggap na matandang pulubi. Dadaanin na lang niya sa tulog. Wala
pang

ilang

sandali

ay

naghihilik

na

ang

prinsipe.

Naaawang

pinagmamasdan lamang siya ng tatlong hayop niyang kasama.


Naalimpungatan siya sa tila alulong ng aso. Tuluyan na siyang dumilat
nang mapansing takipsilim na pala. Ganoon ba siya katagal nahimbing?
May parang dalawang pusang nagkakalmutan sa kanyang sikmura. Pinilit
niyang huwag na lang itong pansinin.

Bakit kasi walang puno ng kahit

anong prutas sa kagubatang ito? O kung may puno man ng prutas ay bakit
wala siyang makita ni isang bunga? Ang ibang mga puno nga ay putolputol na waring natigpas ng kidlat.

Nasa ganoon siyang kontemplasyon

nang muli niyang marinig ang alulong ng aso. Nasa di kalayuan ito, tantiya
niya base sa di gaanong lakas ng alulong niyang naririnig. Napabalikwas

25 ng 126

siya hindi dahil wala rin sa tabi niya ang manok at kabaw kundi naalala niya
ang paalala ng Diwata kapag umalulong ang aso.

Mayroon ba itong

nakikitang espiritu? O lamanlupa kaya? May nakaamba bang panganib?


Mabilis siyang napatayo para hanapin ang kanyang mga kasama lalo na
ang umaalulong na aso.

Madali naman niyang natagpuan ang mga ito.

Umaalulong pa rin ang aso habang nagkukutkot ng lupa at nakatanghod sa


kinukutkot nito ang manok at kabaw. Palinga-lingang lumapit sa tatlo ang
prinsipe.

Parang may hinahanap siyang ayaw niyang makita.

Tulad ng

masasamang espiritung sinabi ng diwata o mga lamanlupa. Nasaan ang


panganib? Dahan-dahan niyang hinaltak ang katawan ng nagkukutkot na
aso.

Kailangan niyang kumuha ng muta nito at ipahid sa kanyang mga

mata gaya ng bilin ng Diwata.

Mahirap kalabanin kung saka-sakali ang

kaaway na hindi nakikita. Subalit pumapalag ang aso. Waring ayaw itong
papigil sa ginagawa.

Makahuhulagpos ito sa kanya at magpapatuloy sa

pagkukutkot. Huhulihin niya muli at magpapambuno pa nga sila.

Sa

kapipilit ay nagpaubaya na rin ang aso pero umuungol-ungol ito na para


bang naiinis na sa kanyang bagong amo. Nadakma ng prinsipe ang ulo nito
at umukit ng konting muta mula sa umiiwas na mata ng aso.

Bagamat

nandidiri ay nagawa niyang ipahid ito sa magkabila niyang mata. Medyo


mahapdi at tila baga lalong lumabo ang kanyang mga mata.

Ikinurap-

kurap niya ito habang iginagala sa paligid. Maya-maya pay luminaw na


ang kanyang paningin. Nakatunganga naman sa kanya ang tatlo at takangtaka sa kanyang ikinikilos. Hawak ang espada sa kanang kamay at balaraw

26 ng 126

sa kaliwa, inikot-ikot ng prinsipe ang bahagi ng kagubatang iyon at inilibot


ang mata sa lahat ng maaabot ng pananaw nito. Sa mga puno. Sa gilidgilid ng mga puno. Sa mga sala-salabat na sanga at malalagong dahon. Sa
taas at dumidilim nang kalangitan.

Sa mga puno uli.

Sa gilid-gilid.

Sa

lupa. Sa matataas na gubat-damo sa paligid. Maging ang tatlong hayop na


kasa-kasama niya ay tinitigan niya at baka nagkatawang-hayop pala ang
mga espiritu at lamanlupa.

Natunaw na lang yata ang muta ng aso sa

kanyang mga mata ngunit wala siyang nabanaag man lang na espiritu at
lamanlupa. Walang bakas ng panganib. Samantalay ipinagpatuloy na ng
aso ang naabala nitong ginagawa. Napasandal na lang muli ang prinsipe
sa isang puno sabay bitiw sa kanyang mga sandata. Sa pagsalampak ay
kumalansing ang mga pilak sa bulsitong nakatali sa kanyang baiwang.
Ngunit ano nga ba ang halaga ng mga pilak na ito sa ganitong lugar?
Lalong tumindi ang gutom na kanyang dinaramdam. Wala siyang magawa
kundi isubsob ang mukha sa nanginginig niyang mga palad. Gusto niyang
maghuhumiyaw dahil bukod sa gutom, pakiramdam niyay pinaglaruan
lamang siya ng maypagkapilyang Diwata. Sumuko na ang aandap-andap
na liwanag sa dilim. Gabi na. Mukhang maiidlip na naman siya sa ganoong
ayos.

Subalit hindi matutuloy ang kanyang pag-idlip dahil sabay-sabay

niyang maririnig ang tahol ng aso, tilaok ng manok at ungol ng kabaw.


Marahan niyang iniangat ang kanyang ulo upang tuklasin kung ano na
namang walang saysay ang gingawa ng tatlo. Nakita niyang tulung-tulong
na ang mga ito sa paghukay sa sinimulang kutkuting lupa ng aso. Kahit

27 ng 126

malayu-layo siya sa tatlo at tanaw niyang may kalaliman na ang nahukay


ng mga ito.

Hindi na niya matanaw ang manok at putol na buntot na

lamang ng aso ang kanyang naaaninag. Hindi na rin niya kita ang ulo ni
Kalabawbibaw na tila may sinusungkit sa nalikhang hukay. Nang iahon ng
kabaw ang ulo mula sa hukay ay may napansin siyang nakatusok sa
kaliwang sungay nito. Lumapit siya para usyosohin ang pinagkakaabalahan
ng tatlo.
Natawa siyat napailing at biglang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili
at sa tatlong kasama. Kaya pala umaalulong ang aso kanina. Totoo palang
may nakikita itong hindi niya nakikita.

Totoo palang may nakikita itong

lamanlupa. At napakaraming lamanlupa. Ang lalaki pat ang tataba. Ang


lalaki at ang tatabang lamanlupa! Ang lalaki at ang tatabang kamote at
gabi! Napakamot siya at tuluyang naggabi na.
Nakakailang dighay na ang prinsipe subalit parang hindi nabawasan
ang inaning lamanlupa ng tatlong itinuturing na niya ngayong mga
kaibigan.

Parang inantok na naman siya ngayon sa kabunsulan. Iidlip na

sana siyang muli nang may maramdaman siyang marahang tapik sa


kanyang balikat at makaulinig ng tila nagpupugay na tinig.
Kapatid, purihin ang Buhay na Panginoon. Bati ng lalaki at itinaas
ang kaninay kilik-kilik na surat. Salamat nang walang hoyang sa iyo Dios
kong maalam at ito ngang librong mahal tinulutang ilimbag. Nang kaming
mga binyagan may basahin gabi at araw.

28 ng 126

Pinag-angatan niya ng mukha ang nagsalita at bahagya siyang nagulat


sa tumambad sa kanya.

Isang lalaki itong nasa kalagitnaan ang edad.

Kakaiba

na

ang

bihis

nito

tila

hinabing

sinulid

ng

pinya.

May

iwinawagayway itong itim na surat at may dalang maliit na supot na


bughaw. Sa likuran nitoy may pitumput pitong puting payat na tupa.
Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? Naitanong ng prinsipe nang
matiyak niyang malayong maging pulubi ang lalaki dahil mukha namang
malakas ang pangangatawan nito. Tuwid na tuwid din ang piston ng suot
nitong pantalon at kaykintab ng itim na katad na sapatos. Tila mayulap ito
sa buhok. May bituin ang ngiti. May apoy sa tuktok. At may tinig itong tila
nanggagaling sa langit.

Naalala niya ang Diwata ng Kagubatan.

Isa na

naman ba itong paglalaro sa kanya? Subalit hindi naman masama kung


magagantimpalaan na naman siya ng kahilingan. Gayunpamay inalok pa
rin niya ito ng kamote at gabi.
Huwag ka nang mag-abala pa, kapatid. Naririto ako para sa iyong
kaligtasan. Para sa kaligtasan ng lahat. Purihin ang Buhay na Panginoon!
Kung ganooy ano pa po ang maari kong maipaglingkod sa inyo?
Lubhang napakahirap po kasi ng gawain kong pamamastol ng tupa.
Napakagastos pong talaga sa panahon at gugulin. Kanina poy may narinig
akong kalansing ng mga pilak. Maari po bang mabahaginan nyo ako kahit
ilang piraso man lamang?
Napaisip siya kung ano na namang laro itong naisipan ng Diwata. May
dalawampung piraso siya ng pilak sa kanyang bulsito. Maaring magamit

29 ng 126

niya ito sa kanyang malayo pang lalakbayin subalit nagpasya siyang ibigay
ang tatlong pirasong pilak sa duda niyang Diwatang nagpapanggap naman
ngayong pastol. Tatlong pirasong pilak. Sa isip-isip niyay walang dudang
katumbas ito ng tatlong kahilingan! Halos daklutin ng pastol sa palad ng
prinsipe ang tatlong pirasong pilak sabay hulog sa supot nitong bughaw.
Subalit parang hindi ito nakuntento sa kanyang ibinigay.

Subalit hindi

naman ito nagpumilit na dagdagan pa iyon ng prinsipe. Nagpasaring nga


lamang ito.
Salamat kapatid. Sanay tinatandaan din nating hindi tinitingnan ng
Buhay na Amang nasa Langit kung magkano ang ating ibinibigay para sa
kanya, kundi ang tinitignan niya ay ang halagang iniiwan natin sa bulsa.
Mangangatwiran sana ang prinsipe na maaring kailanganin din niya
ang mga pilak sa kanyang paglalakbay, subalit nagpasya siyang huwag na
lang patulan ang laro ng pinagsususpetsahang Diwata.
Akoy yayao na, kapatid, at bahala na ang Nasa Itaas na gumanti sa
iyo. At akmang tatalikod na nga at yayayain na ng pastol ang kanyang
mga payatot na tupa.
Sandali lang po, ka-ka-kapatid. Mayroon po yata kayong nalimutan?
Paalala ni Prinsipe Manawari para idiing hindi pa siya nabibiyayaan ng
kahilingan.
Ay, oo nga pala.
Lumapit ang pastol sa nakaupong prinsipe at ipinatong ang kaliwang
kamay nito sa ulo niya at itinaas sa hangin ang kanang kamay na parang

30 ng 126

nagpapanatang makabayan. Nanonood lamang ang tila ngumingising mga


hayop sa kanila. Nakapikit ang pastol at nanginginig-nginig pang umusal
ng mga katagang tunog-pinaghalong Intsik at Latin.

Naguguluhang

matawa-tawa na rin ang prinsipe sa antic ng pastol na natitiyak na niya


ngayong walang iba kundi ang maypagkapilya talagang Diwata ng
Kagubatan. May iba na naman itong paraan ng pagbibigay ng kahilingan,
naisip niya. Maya-mayay binitawan na ng pastol ang ulo ng prinsipe at
muling nagpaalam.
Ngayoy tutuloy na akong talaga, kapatid, at maraming salamat.
Magbabaon na rin ako ng ilang pirasong kamote at gabi na inaalok mo sa
akin kanina kung iyong mamarapatin.
Hindi na hinintay ng lalaki kung mamarapatin nga ng prinsipe at
dumampot na ito ng ilang pirasong kamote at gabi.

Nagmamadaling

lumisan ang pastol kasunod ang pitumput pitong puting payatot na tupa at
nawala na lamang ang mga ito sa kasukalan. Nabura ang ngiti sa mukha
ng prinsipe nang lumipas pa ang ilang sandali ay walang sumusulpot na
Diwatang kanyang inaasahan. Napakamot siya sa ulo nang mapagtantong
mukhang nakikilan lamang siya ng pastol ng tatlong pirasong pilak at ilang
pirasong kamote at gabi. Pigil na naghahagikgikan ang tatlong hayop sa
tabi niya na tumigil lamang nang tapunan niya ng nananaway na sulyap.
Napabuntunghininga ang prinsipe at sa malalim na hugot ng hininga ay di
naiwasang lumabas at tumunog ang hangin mula sa kanyang puwit.
Umepekto na ang musical root.

Hindi na napigil ng tatlong hayop ang

31 ng 126

paghagikgik.

Nakihagikgik na rin ang prinsipe.

Naghahagikgikan silang

nagpatuloy sa paglalakbay.

Umaga na. Matapos maghilamos ay pinuno ni Prinsipe Manawari ang


kanister ng tubig. Dito na sila nakatulog sa tabi ng ilog na natagpuan nila
kagabi. Nakabanaag ng bahagyang pag-asa si Prinsipe Manawari pagkakita
sa ilog. Isa lang ang ibig sabihin nito. Malapit na sila sa dagat. Iyon din
ang sinabi sa kanya ni Merlin.

Lahat ng ilog ay pauwi sa dagat.

At

malamang na sa tabi ng dagat niya matatagpuan ang mahiwagang


dalagang nakalulan sa mahiwagang barko. Iginala ng prinsipe ang kanyang
paningin sa paligid. Hindi niya ito masyadong namasdan kagabi. Kakaiba
ang

kagubatang

ito

kaysa

kanilang

pinanggalingan.

Bagamat

nagtatayugan din ang mga puno rito, may mga bunga naman ito hindi
tulad ng pinanggalingang kagubatan. May nakita siyang puno ng lanzones,
makopa, kaymito, mangga, rambutan, langka, durian at marami pang iba.
Ngayon lang siya nakakita ng mga prutas na ganito.
namumutiktik sa bunga.

At ang mga itoy

Nakatingala ang prinsipe sa higanteng Punong

Duhat. Ang kumpul-kumpol na mga bunga nitoy tila mga palayok na itim
na bibitin-bitin. Tinantiya ng prinsipe kung maaakyat niya ito. Mukhang
kaya naman niya.

Ihahakbang na niya ang kanyang isang paa paakyat

nang biglang gumalabog ang lupa. Kagabi pa niya naririnig na tila may
kumakaluskos sa ilalim ng lupa.

Subalit ito ngay hindi lamag kaluskos

kundi napakalakas ngang galabog. Napabalikwas pati ang tatlong hayop

32 ng 126

na natutulog.

Hindi makatingin sa kanya nang diretso ang tisikong aso.

Aminadong pumalpak ito sa di pagbibigay ng babala sa panganib na


darating.

Papalakas nang papalakas ang galabog ng lupa. Parang may

nagbabayo ng bigas sa ilalim nito.

Napayakap ang prinsipe sa Puno ng

Duhat habang hinahanap kung ano o sino ang may kagagawan ng


paggalabog na iyon.

Mula sa di-kalayuan ay napansin niyang parang

hinahawi ng buhawi ang nagtatayugang mga puno.

May kadiliman sa

bahaging iyon ng gubat kung saan nakatanaw siya ng tila katawan ng puno
subalit sa tingin niyay gumagalaw ito.

Ngayoy natitiyak niyang

gumagalaw nga ang punong ito at papalapit sa kinaroroonan nila. Kinagatpahila ng aso ang kamay ng prinsipeng nakayakap sa puno. Niyayaya na
nito ang amo na tumakbo o magtago.

Napasunod naman ang prinsipe

dahil kung hindiy tiyak na masusugatan ang kanyang kamay sa kagat ng


aso. Dinala siya ng aso sa isang malaking kuweba sa tabi ng ilog. Papasok
na sila sa bunganga nito nang salubungin sila ng kawan ng libo-libong
nabulabaog na Ibong Tabon. Naging para itong lambong ng ulap sa
papawirin.
madilim

Nadatnan na nila sa loob ang kabaw at manok.

sa

loob

ng

kuweba,

banaag

ni

Prinsipe

Bagamat

Manawari

ang

nakasalansang kalansay at bungo ng mga taot hayop. Inisyoso niya ang


ilan at napansin niyang ang ibang bungo ng tao ay may mga gintong
ngipin. Ang ilan naman ay may nakabaon ding ginto sa mismong bungo.
Nakiramdam sila sa nangyayari sa labas. Papalakas pa rin nang palakas
ang galabog.

Maya-mayay bigla na lang itong tumigil.

33 ng 126

Mula sa

kinatataguang yungib ay sumilip ang prinsipe. Muntik nang lumuwa ang


kanyang mga mata pagkakita sa nanginginain ng duhat.
Isang babaeng higante!
Sumalampak ang higante paharap sa yungib na kinatataguan nina
Prinsipe Manawari. May kalayuan din ang kinalalagyan nito ngunit dahil sa
sobrang laki ay parang nasa harapan lamang niya. Iisa ang mata nitong
nasa gitna ng noo. Naalala niya ang napanaginipan. Anot nagkatotoo ang
kanyang panaginip samantalang sinunod naman niya ang bilin ng Diwata
na ikuwento ito sa manok at naalala niya ang nakaligtaan niyang gawin.
Sinulyapan niya ang alimbyuging manok at nakasulyap din ito sa kanya na
para bang sinasabing Ikaw kasi e, no? Hindi mo kasi kinagat ang palong
ko. Napapalatak na lang ang prinsipe at ibinaling niya muli ang paningin
sa babaeng higante.

Iisa lang din ang tenga nitong tulad ng sa kuneho at

para lang ihinugpong sa kanang bahagi ng ulo. Hindi tuloy nito naririnig ang
anumang nasa kaliwa. Para namang mga kuwebang umuusok ang tatlong
butas ng busalsal nitong ilong.

Sobrang luwang din ang bunganga na

umukopa halos sa kalahati ng mukha.

Para iyong balong malalim na

punung-puno ng maduduming patalim. Ngumangasab-ngasab pa rin ito ng


duhat. Kung makasubo itoy parang mauubusan gayong wala naman itong
kasalo.

Sa paghabhab ay halos masungalngal na sa buong mukha ang

prutas. Nang mabunsol ay dumighay ito nang singlakas ng dagundong ng


kulog. Minasdan ni Prinsipe Manawari ang babaeng higante pagtayo nito
papunta sa kalapit-ilog. Maiikli ang biyas nito at kung hindi nga lamang ito

34 ng 126

higante at kasinglaki lang ng tao ay lalabas pa ngang pungok ito.


Sumalampak na naman ito sa tabing-ilog.

Kinalag nito ang lukbutang

nakatali sa may beywang at may dinukot na tila tinik ng katawan ng pating.


Sumungaw ito sa tubig para manalamin at manuklay. Napansin nito ang
isang duhat na dumikit sa kaliwang pisngi. Iginalaw-galaw nito ang mukha,
pakanan-pakaliwa at nang mapagkuru-kurong mukha namang maganda
ang epekto ng duhat sa kaliwang pisngi ay hinayaan na lang ito doon.
Matapos makapanuklay ay muling isinilid ang tinik ng pating sa lukbutan.
Tumayo na rin ito at tatalikod na sana nang biglang matigilan.

Naging

magalaw ang mata nito at sumisinghapsinghap ang umuusok na ilong.


Tao!
Napaatras si Prinsipe Manawari lalo na nang makitang papunta sa
direksyon nila ang babaeng higante.
May tao akong naaamoy. Hhwaaahhh. Matagal na rin akong hindi
nakakakain ng tao. Sinasambit ito ng higante sa sarili habang hinahawihawi ang mga puno at inaangat-angat ang malalaking tipak ng bato sa
tabing-ilog. Napadako ang mata ng higante sa yungib na pinagtataguan
nina Prinsipe Manawari.

Sunud-sunod ang pagsinghap ng ilong nito na

wariy natitiyak nang galing sa yungib na iyon ang amoy-tao. Hindi naman
malaman ni Prinsipe Manawari kung ano ang gagawin.
singsing-ita!

Ang gintong

Tiningnan niya ito subalit sa hinlalaki niya ito nakapulupot.

Ginalaw-galaw niya ang mga daliri at gumalaw naman ang singsing at


lumipat sa kanyang palasingsingan. Natuwa ang prinsipe at bubulungan na

35 ng 126

sana niya ito nang bigla na namang gumalaw ang singsing at lumipat sa
kanyang hinliliit. Iginalaw niyang muli ang mga daliri. Hindi natinag ang
singsing. Kinurot-kurot niya ito pero nakapagkit na itong parang linta sa
kanyang hinliliit.
yungib.

Papalapit na ang babaeng higante sa bunganga ng

Alam naman ng prinsipeng hindi ito makapapasok sa loob pero

maaabot naman sila ng kamay kahit na maypagkaikli ang mga biyas nito.
Samantalay kinakagat pahila ng aso ang lukbutang nakasalampay sa
batok ni Kalabawbibaw. Nahila naman ito ng aso at sumambulat ang mga
lumang kagamitang nakuha ng prinsipe sa Magoyoda Selegen. Kinagat nito
ang kabibe at dinala kay Prinsipe Manawari. Hindi naman maintindihan ng
prinsipe kung ano ang gamit ng kabibeng hugis tambuli sa pagkakataong
ganito at kung ano ang gustong ipagawa ng aso.

Tinanggal niya ang

kabibe sa pagkakakagat ng aso at ihinagis pabalik sa kalat ng mga lumang


gamit. Binalikan naman ito ng aso at tumahol sa tapat ng mas makipot na
dulo ng kabibe. Umalingawngaw ang KAW! KAW! nito at halos mabingi
ang prinsipe.

Napaatras naman ang higante pagkarinig nito.

Bigla na

namang may bumumbilyang ideya sa isip ni Prinsipe Manawari. Dali-dali


niyang kinuha ang kabibeng hugis tambuli at pumunta sa may bukana ng
yungib na hindi pa rin tanaw ng higante. Papalapit nang muli ang higante.
Hanggang diyan ka na lang kaibigan.! Pigil ng prinsipe. Nagulat
naman at napatigil ang higante nang marinig ang malakas na tinig na
nanggagaling sa yungib.

36 ng 126

Sino ka? Tanong ng higante habang inaaninaw kung kanino galing


ang mala-higanteng tinig na iyon.
Akoy isa ring higanteng tulad mo.

Nagpapahinga ako rito at

ayokong-ayokong may gumagambala sa aking pamamahinga. Panlalansi


ng prinsipe.
Mwaahaha! Higante? Ako lang ang higante sa lupaing ito, no?.
Huwag mo akong linlangin kung sino ka man!
Iyan ang akala mo. Ikaw, sino ka naman, babaeng pungok?
Sinong pungok? Pikon na ang babae.Ako yata ang lakan dito, no?
Akin ang lupaing ito
Mala-lakan yang pananalita mo subalit pano ka naging lakan? Sa
katunayan nga, kaninang nakasalampak ka sa may ilog, ang akala koy isa
ka lang labandera. Pang-aasar pa ng prinsipe. Lalo namang umusok ang
mas lumaki ngayong mga butas ng ilong ng babaeng higante.
Huwag mo akong galitin at baka hindi mo alam ang kaya kong gawin
sa iyo.
Puwes, ano ang kaya mong gawin sa akin gayong mas malaki ako sa
iyo?
Anong mas malaki? Ako yata ang pinakamalaki dito, no? At pag
nahuli kita, tingnan lang natin kung hindi kita tatadtarin nang pinong pino!
Sige,

subukan mo. Pag tinadtad mo ako ay dadami ako.

Pagtutulungan kita! Hahaha!


Napaisip ang babaeng higante.

37 ng 126

Kung gayoy idadarang na lang kita sa apoy!


Sige, idarang mo ako sa apoy para pumula ako. Mas gaganda ang
kutis ko sa iyo.
Napaisip na naman at napairap ang banidosang higante.
Alam ko na. Ihahagis na lang kita sa ilog!
Bopol ka talaga. Sinabi ko na ngang mas malaki ako sa iyo. Pano mo
ako maihahagis, aber?
Hindi nga ako naniniwalang mas malaki ka kaysa akin. Ako lang sabi
ang higante dito, no? At akma nang susugod ang bugnot na bugnot nang
higante sa kinatataguan ng prinsipe.

Kinabahan naman ang prinsipe at

nag-isip ng susunod na gagawin. Nasulyapan niya ang tatlong hayop na


tila pinapapansin sa kanya ang mga nagkalat na lumang gamit. Inisa-isa
ito ni Prinsipe Manawari at may bigla na naman siyang naisip na solusyon.
Kinuha niya ang malapad at mahabang goma at dali-dali niyang itinali ang
magkabilang dulo nito sa magkabilang sungay ni Kalabawbibaw. Matapos
ay dinampot niya muli ang kabibe at agong. Namulot din siya ng isang
pirasong tadyang sa salansan ng mga kalansay. Bumalik siya sa bukana ng
yungib. Malapit na malapit na sa kanila ang babaeng higante.
Sandali lang sabi, Kapatid.
Walang kapa-kapatid sa akin at walang kai-kaibigan. Wag mo akong
subukan at talagang malilintikan ka na ngayon.
Kung gayoy talaga ring hinahamon mo ako, ha?! Nananakot na rin
ang prinsipe.

Pero ayaw ko nga ng away at sinabi ko na ngang

38 ng 126

namamahinga lang ako dito.

Kung ang problema mo ay hindi ka

naniniwalang higante rin akong tulad mo. Patutunayan ko sa iyo.


Napatigil ang higante at napaisip na naman.
Puwes, patunayan mo! Lumabas ka dito para mapitik kitang parang
langaw!
Kool ka lang. Hindi ako makakalabas diyan. Pakinggan mo na lang
ang pintig ng aking puso. Sabay hataw ng tadyang sa agong. DUM! DUM!
DUM!
Medyo nabagabag ang higante pero hindi ito nagpahalata. Ibinaling
nito ang ulo sa bandang kanan upang marinig mabuti ang pinanggalingan
ng tunog.
M-m-malay ko ba kung me dala ka lang t-tambol diyan, n-no?
Ha-ha-ha! Dinaan sa tawa ng prinsipe ang kaba at baka nabuking na
siya ng higante. Pero hindi rin siya nagpahalata. Tambol? Eto ang tambol.
Ang aking tiyan, dahil katatapos ko lang manghimagas ng mga ito
Dumampot si Prinsipe Manawari ng tatlong bungo at ibinala ito sa gomang
nakatali sa sungay ni Kalabawbibaw.

Bininit niya ang goma estilong-

tirador at umilanlang ang mga bungo at bumagsak sa may paanan ng


babaeng higante. Kinakabahan na ngayon ang babaeng higante pero
kahiya-hiya na kung ngayon pa siya tatakbo.
Hindi pa rin ako naniniwala. Maaring isa ka lang kanibal, no?
A, kanibal pala ha? Tingnan mo kung may kanibal na ganito kahaba
ang pilikmata!

Sabay tirador ng prinsipe sa nangungutim na lubid. At

39 ng 126

may ganito kalaking ipin!

Ang palakol na walang hawakan naman ang

pumailanlang. Lumagpak sa palad ng higante ang pilikmata. Napamulagat


ito. Ang ipin naman ay diretso sa kaliwang pisngi nito at nahagip at nahati
ang nunal na duhat na duhat ng higante. Nanlaki ang nag-iisang mata nito
sa pagkakita sa nakabaong ipin sa pisngi.

Nanlatoy bigla ang tuhod ng

babaeng higante pero nakapagpasya pa rin itong tumakbo.


Nang matiyak ni Prinsipe Manawaring wala na ang higante, lumabas na
rin sila ng yungib.

Maya-mayay nakaramdam na naman sila ng parang

kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Ilang sandali pay nakita nilang umangat


ang malaking bahagi ng balat ng lupa. Mula ritoy may sumulpot na tao.
Sinundan ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa hindi na halos mahulugan ng
karayom ang nagkalupumpung tao sa kanilang harapan. Nalaman nilang
ang mga taong ito ang tunay na mayari ng lupaing iyon na kung tawagin
ay Tribu Maliputu.. Napilitan silang magtago at manirahan sa ilalim ng lupa
nang mabalitaang doon na nga papunta ang babaeng higante, matapos
nitong maubos at masalanta ang iba pang kagubatan. Hindi matapos-tapos
ang pasasalamat nila kay Prinsipe Manawari. Inalok ng pinuno ang prinsipe
at mga kasama nito na doon na manirahan subalit tumanggi naman ang
prinsipe at idinahilan ang kanyang hinahanap. Subalit pinaunlakan naman
niya ang imbitasyon nito para sa isang masigabong pagdiriwang. Matapos
ang masaganang hapunan, inihandog ng pinuno kay Prinsipe Manawari ang
Patola Kaorayan. Isa raw itong pulang magik sinturon na kapag ibinigkis
mo sa iyong noo ay mapoproteksyunan ka sa anumang labanan.

40 ng 126

Makararamdam ka rin ng higit at kakaibang lakas at hindi ka manghihina sa


pakikipaglaban. Malugod itong tinanggap ng prinsipe at bilang ganti naman
daw ay ibibigay na lang niya sa anak ng pinuno ang tisikong asong
gusgusin nay putol pa ang buntot.

Ngumuyngoy sa pagtatampo ang

asong pumalpak sa paghuhudyat ng panganib sa prinsipe at tuwang-tuwa


naman ang anak ng pinuno. Ginulo ng prinsipe ang buhok ng bata at sinabi
ritong biro lang ang pagbibigay niya rito ng aso. Sa halip, ibinigay niya rito
ang mga lumang gamit na galing sa Magoyoda Selegen at itinuro niya sa
bata kung paano ang gagawin sakasakaling may maligaw uling higante sa
kanilang tribu. Galak na galak ang bata at tumakbo na ito papalayo para
ipagmagaling sa mga kalaro ang bigay ng prinsipe. Muli namang
nagpasalamat ang pinuno sa ihinandog ni Prinsipe Manawari sa anak nito at
matapos ay pinitik nito nang tatlong beses ang kaliwang tenga ng prinsipe.
Tinanong ng prinsipe kung para saan ang tatlong pitik na iyon.

Sinabi

naman ng pinuno na parusa iyon sa pagkakabasag ng tatlong bungo ng


kanilang mga ninuno na ibinala sa tirador ng prinsipe. Nagpaalam na sila
matapos ihimatong ng pinuno ang pinakamalapit na daan papunta sa
dagat. Sakay ng kabaw sa likod ang prinsipe at nakadapo sa may puwitan
nito ang alimbyuging manok.

Ang tisikong aso naman ay masiglang-

masigla at nagpapatiuna pa habang kinakampay-kampay ang putol na


buntot.

41 ng 126

IV. Awit ng Sirena

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling dagat,


Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina


Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating dagat na sinilangan,


Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang anak, wala nang tahana't walang nagmamahal.

42 ng 126

Maulap ang umagang iyon. May nagbabantang bagong bagyo.


Sumisigid sa kalamnan ni Prinsipe Manawari ang nakapangingilabot na
lamig subalit mas nakapaninindig ng kanyang balahibo ang awit. Kagabi pa
niya naririnig ang awit na iyon na waring nagmumula sa pusod ng
karagatan. Nooy madalas ikuwento sa kanya ni Merlin ang Alamat ng mga
Sirena. Ang mga kuwento ni Merlin ay nagpapahiwatig na ang mga sirena
na ang pinakamalungkot na nilalang sa daigdig.

Singlungkot marahil ng

naririnig niya ngayong awit. Bagamat nangangaligkig pa sa ginaw ay pinilit


bumangon ng prinsipe.

Madilim man at may nagbabantang bagyo ay

kailangan na nilang ipagpatuloy ang paglalakbay.

Ngayong umaga niya

binalak tawirin na ang dagat. Muli niyang pinagmasdan ang dagat na iyon.
Nalulula siya sa lawak nito.

Ang mapayapang pintig ng dibdib nitoy

nagbabadya ng angkin nitong kalaliman.

Subalit nakapagpasya na siya.

Hinila niya sa tulong ng kabaw ang tatlong araw niyang ginawang balsa
mula sa pagdadatig-datig ng malalaking sanga ng puno at pagbigkis nito
ng baging. Nang maiguyod nila ito sa dila ng dagat ay nilulan na nila ang
kanilang mga gamit at pagkain, lumulan na rin silang silang apat at iginaod
ng prinsipe ang balsa. Hindi pa sila nakalalayo ay siya namang pagbagsak
ng ulan na tila nag-uunahang sibat ng langit. Nag-aalimpuyo ang hangin at
kumulong parang dugo ang kaninang payapang kadagatan. Isang haplit ng
malakas na hangin ay parang tuyong dahong tinangay pabalik sa
dalampasigan ang kanilang kalas-kalas at bali-baling balsa.

43 ng 126

Tumilapon

silang parang mga ipa ng binabayong bigas.

Nalamog ang baon nilang

mga prutas na binalot nila ng malong. Sinaktan ng balakang ang kabaw.


Nabali naman ang dulo ng mahabang buntot ng manok.

Namutla ang

kayumangging aso. Halos mawalan ang tatlo ng malay-hayop.


magkalasug-lasog naman ang buto ni Prinsipe Manawari.

Halos

Napahandusay

na lamang siya at ang mga luha niyay nagsumbong sa puting buhangin ng


pasigan. Hindi malaman ng tatlong hayop kung paano aaluin ang kanilang
amo-kaibigan.
Maya-mayay biglang nagtatakbo si Kalabawbibaw papunta sa loob ng
gubat na nasa tapat ng kadagatan.

Pagbalik nito ay may dala-dalang

halamang sili na binunot kung saan.

Pinagmasdan lamang ni Prinsipe

Manawari kung ano ang ginagawa ng hayop na tila baga nasiraan na ng


ulo. Pinitas-pitas ng kabaw ang mapupulang sili at isinubo ito nang sabaysabay.

Umusok ang tengat ilong ng kabaw sa sobrang anghang at

nagkulay bughaw ang katawan nito.

Napatayo si Prinsipe Manawari.

Nagpaikot-ikot ang kabaw sa buhanginan na para bang nasusunog ang


buong katawan.

Maging ang dalawang sungay nito ay umikot-ikot na

parang ipoipo.. Hindi malaman ng prinsipe ang gagawin. Nakatunganga


naman ang aso at manok sa di-pangkaraniwang nangyayari sa kapwahayop.

Bagamat nag-aalangan ay nilapitan ni Prinsipe Manawari si

Kalabawbibaw at hinimas-himas ang bughaw na katawan nito na tila dagat.


Parang nahimasmasan naman ang kabaw.

Pero bigla na namang

nagtatakbo ito at pumunta sa dila ng dagat. Ikinaway nito ang buntot na

44 ng 126

tila niyayaya na ang mga kasama. Nagtataka namang tumalima ang tatlo.
Kinumbatan sila ni Kalabawbibaw na sumakay na sa likod nito. Pinagbigyan
naman nila ang napapraning na yatang hayop. Muli nilang inilulan sa likod
ng kabaw ang mga gamit at pagkain. Pagkalulan nilang tatlo ay lumusong
na sa tubig ang kabaw. Ang katawan nitong bughaw ay tila sumasanib sa
dagat. Umiikot-ikot din ang dalwang sungay nito na para ngang uliuling
humahalukay sa tubig.

Hindi makapaniwala si Prinsipe Manawari subalit

tunay ngang umaandar na sila. Humaplit na naman ang pagkalakas-lakas


na hangin subalit hindi na nito kayang itaob ang mabigat na katawan ng
tabogol na hayop. Maging ang nangangalmot na higanteng alon ay hindi
ininda ng tila sinapiang kabaw. Tuloy ang kanilang paglalakbay, may bagyo
man at ang umagay nginangatngat ng dilim.
Muli ay narinig ni Prinsipe Manawari ang awit na iyon.

Habang

papalapit sila sa pusod ng dagat ay mas lumilinaw at lumalakas ang tinig.


Halos makakaisang palit na ng buwan mula nang magsimula silang
maglayag sa dagat na ito. Bumabagal na nga ang andar ni Kalabawbibaw
at bumabalik na sa dati ang kulay nito. Sa tagal nilang nawala sa lupa ay
saka nagkulay-lupa ang balat ng prinsipe. Humaba na ang kanyang buhok
at nang manalamin siya sa tubig ay hindi na niya nakilala pa ang sarili.
Anino na lamang siya ng dating matikas na prinsipe. Nakaramdam ng
gutom ang prinsipe subalit ubos na rin ang mga prutas na ipinabaon ng
pinuno ng Tribu Maliputu. Nalagok na rin niya ang huling patak ng tubig sa
kanyang

sisidlan.

Nahiga

ang

prinsipe

45 ng 126

sa

likod

ng

kalabaw

at

nakikipagtitigan siya sa araw. Hindi lang humahalik ang araw sa dagat na


ito kundi nangangagat pa. Sa pakiwari ni Prinsipe Manawari ay tinutuya
siya nito. Nagsimulang manlabo ang paningin ng prinsipe at huli niyang
namasdan ang araw na tila sumasayaw.

Tuluyan na siyang nawalan ng

ulirat.
Una niyang naramdamang sumayad ang tubig sa kanyang mga labi.
Hirap may pilit niyang ibinuka nang bahagya ang namumutok na labi.
Lumagos sa tuyot niyang lalamunan ang malamig na tubig mula sa kabibe.
Nang idilat niya ang mga matay wala na ang nagsasayaw na araw. Ang
bumati sa kanyay isang maamong mukha ng may-ari ng malabughaw na
buhok na isinasayaw ng banayad na hanging amihan.
Mabuti naman at nagkamalay ka na. Ako si Zephyra.
Prinsipe Manawari.

Habang nakikipagkilalay ibinaling-baling ng

prinsipe ang paningin niya sa paligid. Nahulaan naman ng babae ang mga
tanong na naglalaro sa kanyang isipan.
Narito kayo sa Pulo ng Maniwantiwan sa pusod ng kadagatan. Ang
iyong mga kasamay sumakay sa kabayong dagat at gumala sa lalim.
Tatlong araw ka na ring walang malay.
Napansin ni Prinsipe Manawaring walang saplot ang dibdib ng
babaeng kinakakandungan niya.

Siya ang bahagyang napahiya at tuloy

napabangon.
Huwag ka munang masyadong magkikilos at baka makasama sa iyo.
Hindi, kaya ko namaraming salamat.

46 ng 126

Doon lang din muling namasdan ng prinsipe ang kanyang kausap. Ang
maamong mukha nito.

Ang mga matang mutia.

Ang mamasa-masang

pilikmata. Ang manipis at tikom na tikom na mga labi na tulad ng isang


ayaw bumukang talaba.

Ang napakahabang buhok na mangasul-ngasul

tulad ng dagat. Hindi sinasadyang muling napadako ang mga mata ng


prinsipe sa walang saplot na dibdib ng babae. Para itong maputlang mga
ulo ng sanggol na pugita. May biglang kumislot sa pagitan ng mga hita ng
prinsipe. Hindi na inalala ng prinsipe ang hiya at dagling dinukot niya ang
kumikislot sa pagitan ng hita.

Halos mapisak sa palad niya ang may

kalakihang isdang bolinao na nakapasok pala sa kanyang karsunsilyo.


Napangiti ang babae. Ngingiti na rin sana ang prinsipe nang mapansin niya
ang ibabang bahagi ng babae. Pagkakinis-kinis nito. Pagkakinis-kinis na
buntot ng isda!
Ngayon ka lang ba nakakita ng tulad ko?
Alanganin ang tango ni Prinsipe Manawari na waring hindi pa
nakababawi sa pagkakatigalgal.

Hindi pala alamat lamang ang mga

kuwento ni Merlin, naisip niya.


Huwag kang magimbal, pang-aalo ng sirena. Ako man datiy hindi
naniniwalang may taong katulad mo. Subalit hindi nga bat ganito talaga
ang ating daigdig?
Ikaw yung naririnig naming umaawit?
Tumango ang sirena.
Kaylungkot naman ng iyong awit.

47 ng 126

Dahil siguroy iyon ang laman ng aking puso.


At ikinuwento ni Zephyra kay Prinsipe Manawari ang dahilan ng
kalungkutang iyon.

Hindi sinasadyang napaibig siya sa isang syokoy na

may paa. Nagalit ang Bathala ng Pag-ibig-Dagat sa pagsalangsang nila sa


batas ng pagmamahalan sa kanilang daigdig. Siya at ang kanyang banang
si Ukuy-Ukuy ay ipinatapon sa Pulo nga ng Maniwantiwan sa pusod ng
dagat na iyon.

Sila ang inatasang magtanod sa Dagat-Maniwantiwan.

Noong unay napakapayapa at masaganang masagana ang yamang dagat.


Ang Maniwantiwan ang kanilang naging paraiso.

Ang kanilang naging

tanging kaligayahan kapalit ng pagkakalayo sa kanilang mga kaanak at


kaibigan.. Dito na rin nagluwal si Zephyra. Ang Paraisoy tila naging Langit
na nga yata sa pagdatal ng kanilang anak.

Hanggang sa isang araw ay

may dumating na isang dambuhalang buwayang may kambal na buntot.


Pinangakuan sila nitong tutulungan sa pagtatanod ng kadagatan. Noong
unay parang gayon nga subalit nang lumaon ay natuklasan nilang
ninanakaw ng buwaya ang yamang dagat at dinadala sa lupain sa kabilang
dagat. Hindi nakapagpigil si Ukuy-Ukuy nang matuklasan ang pananraydor
ng buwaya.

Sinugod nito ang dating kaibigan at nagpambuno sila ng

pitong araw at pitong gabi sa ibabaw at ilalim ng dagat.

Subalit hindi

napantayan ni Ukuy-Ukuy ang lakas ng dambuhalang buwaya at waratwarat ang katawang umilandang ito sa kung saan sa hampas ng kambal na
buntot ng buwaya. Hindi na natagpuan ni Zephyra ni bakas ng bangkay ng
bana. Tinangay rin ng buwaya ang sanggol nilang si Astra at mula noon ay

48 ng 126

hindi na nakita pa ni Zephyra ang anak. Ang balita niya sa mga Isdang
Alapaap ay ibinigay ito ng buwaya sa Kambal-Ulong Higanteng Buwitreng
Bumubuga ng Apoy. Marahil ay dalagita na ngayon ang kanyang si Astra,
naisp ni Zephyra at lalong kumirot ang kanyang puso. Hanggang ngayon
ay hindi pa rin tumitigil ang dambuhalang buwaya sa pananalasa ng
yamang dagat. Sumusulpot ito sa may Pulo ng Maniwantiwan tuwing kulay
kahel ang buwan. At ngayong gabi ngay kulay kahel ang bilog na bilog na
buwan sa likuran ng ulilang bahay na iyon na yari sa kapis .
Samantalay nakabalik na ang tatlong hayop na lulan ng Kabayong
Dagat.

Tuwang-tuwa ang mga ito nang makitang may malay na ang

prinsipe. Subalit saglit lang ang kanilang kasiyahan.

Mula sa likuran ng

prinsipe ay may nabanaag silang parang pahabang pulong papalapit. Ang


dambuhalang buwayang may kambal na buntot! Habang papalapit ito sa
Pulo ng Maniwantiwan ay hinahampas-hampas nito ang kambal na buntot
sa tubig.

Parang pagsabog ng dinamita ang nalilikhang ingay ng

ihinahampas na buntot. Sa bawat paghampas ay naglulutangan ang mga


namamatay na isda na karamihan ay maliliit pa at nababasag ang mga
korales sa lalim. Biglang nag-init ang ulo ni Prinsipe Manawari. Subalit alam
naman niyang wala siyang magagawa.

Ano nga ba ang laban ng isang

taong tulad niya sa buwayang ito na bukod sa dambuhala na, ang buntot
ay dalawa pa? Hinugot niya ang kanyang balaraw bagamat alam niyang
wala namang gamit ito. Kuminang ang talim ng balaraw sa tama ng kahel
na buwan at napansin iyon ng buwaya. Waring ang dambuhala naman ang

49 ng 126

uminit ang ulo pagkakita kay Prinsipe Manawari. Pasugod na ang buwaya
at handa nang manlapa.
mamatay.

Si Prinsipe Manawariy tila handa namang

Mabuti na lamang at kahit tuluyan na niyang nalimutan ang

gintong sing-sing-ita ay naalala naman niya ang diumanoy Magik Sinturon


daw na handog ng mga taga-Tribu Maliputu. Ibinigkis ni Prinsipe Manawari
ang Patola Kaorayan sa kanyang noo.

Dumagundong ang mga kulog at

gumiyagis ang mga kidlat sa kalangitan.

May kung anong puwersang

nanuot sa kalamnan at mga buto ng prinsipe mula ulo pababa hanggang sa


pinakadulo ng daliri sa paa. Nakaramdam siya ng tila ugat ng higanteng
punong nilalala sa kanyang mga himaymay. May tila bakal na pinapanday
sa unod ng kanyang buto. May kuryenteng dumuduro sa bawat pintig ng
kanyang pulso.

At may biglang humiwang kidlat galing sa kanyang

mabalasik na mga mata. Sumugod na ang prinsipe at tila may bagwis ang
kanyang mga paa.

Nagpanagpo sila sa ere ng dambuhalang buwaya at

kaagad siyang hinalihaw ng kambal nitong buntot. Talsik ang prinsipe sa


dalampasigang pinanggalingan nila.

Kinaon naman siya ng mga Isdang

Alapaap at inilipad pabalik sa Pulo ng Maniwantiwan.


pakikihamok sa buwaya si Prinsipe Manawari.

Nagpatuloy sa

Nadakma ng prinsipe

Manawari ang buntot ng dambuhalang buwaya at iwinasiwasiwas ito at


ihinagis sa kabilang pangpang.

Mabilis namang nakalangoy pabalik ang

buwaya at sinakmal ang prinsipe. Nakailag ang prinsipe at nakalundag siya


sa leeg ng buwaya. Nagpambuno silang dalawa. Minsay napapailalim siya
sa buwaya at minsan namay nakukubabawan niya ito. Minsang mapadako

50 ng 126

sila sa pampang at magpagulong-gulong at kung minsan naman ay sa lalim


ng dagat at magpabali-baligtad.

Kapwa ayaw magpatalo ng isat isa.

Apatnapung araw at apatnapung gabi na silang nagpapambuno subalit


wala pa ring sumusuko.

Walang gustong sumuko.

tulad ng gayon ay kailangang may magwagi.

Subalit sa labanang
Hanggang sa parang

tinatakasan na ng lakas ang dambuhalang buwaya at nakapag-ipon naman


ng panibago si Prinsipe Manawari. Itinikom niya nang mariin ang kamao at
lumagutok ang nagngangalit na buto.

Isinalin ni Prinsipe Manawari ang

lahat ng natitira pa niyang lakas sa kanyang bisig at ibinuga ito sa dulo ng


kamao. Dumapo sa maganit na panga ng dambuhalang buwaya ang isang
maliit na kamaong tila may lulang poot ng isang bulkan.

At ang dating

mabalasik na dambuhalang buwaya ay naging hilong talilong na walang


masilungan.

Nang matiyak na ang pagkagapi ng kalaban, sumisid si

Prinsipe Manawari sa lalim at kumuha ng mahabang baging-dagat.


Iginapos ng prinsipe ang leeg at unahang paa ng dambuhalang buwayang
sa pagkakataong iyoy hindi na makapalag pa. Iniahon ng prinsipe sa pulo
ang dambuhalang buwaya na laslas ang tiyan at lalamunan.

Bagamat

punit-punit ang kasuotan ni Prinsipe Manawari, nagtamo lamang ito ng


kaunting gasgas sa braso. Hindi magkamayaw ang mga nakasaksi lalo na
nang putulin ni Prinsipe Manawari ang kambal na buntot ng dambuhalang
buwaya at iwagayway ito bilang tropeo ng napagtagumapayang labanan.
Naging simbolo ang kambal na buntot ng nangangakong kapayapaan sa
dagat na iyon na hinahalikan ng araw.

51 ng 126

Walang paglagyan ang kasiyahan ni Zephyra. Bilang pasasalamat ay


hahandugan niya ng bagong bihis ang bayaning prinsipe kapalit ng napunit
nitong kasuotan. Pumutol siya ng bahagi ng kanyang mahabang buhok at
humabi siya ng baluti mula rito. Ang baluting ito na yari sa kanyang buhok
at itinubog sa alat ng dagat ay hindi tinatablan ng init o apoy. Kinuha rin ng
sirena ang Magik Malong ng prinsipe at ang laylayan nito ay sinulsihan ng
palikpik ng Isdang Alapaap.

Mula sa kung saan ay may lumitaw na

pagkalaki-laking gintong barko na nalululanan ng mga mutia at sarisaring


alahas. Inihandog niya ito sa prinsipe. Puwedeng turuan sa isip lamang ang
barkong ito at nakapaglalayag mag-isa.

Nagpaalam na sina Prinsipe

Manawari at nangako ang prinsipe sa sirena na ibabalik niya ang dinukot na


anak nitong si Astra.

Bago sila magpaalam ay

ikinuwento ni Prinsipe

Manawari ang tungkol sa mahiwagang dalagang kanyang hinahanap.


Ipinakita rin niya kay Zephyra ang mahiwagang panyong pag-ari ng dalaga.
Mosala Nausal ng sirena pagkakita sa panyo. Sinabi ng sirena na
ang Mosala ay hinahabi lamang ng pitong magkakapatid na Haori.

Ang

mga diwatang ito ay bumababa lamang sa Talon ng Tinago para maligo


tuwing bughaw ang buwan.

Itinuro ng sirena sa prinsipe kung saan

matatagpuan ang Talon ng Tinago. Magbubukangliwayway at nagpaalam


na sina Prinsipe Manawari, lulan ng lumilipad na ngayong Magik Malong.
Inutusan

naman

ng

prinsipe

ang

napakalaking

barko

puno

ng

mahahalagang hiyas na pumasok muna sa isang malaking yungib sa may


pangpang. Mula sa itaas ay tanaw nila ang kumukutitap na ngiti ni Zephyra

52 ng 126

at bagamat may sumusungaw pang lungkot sa mata dala ng pag-aasam sa


anak, umaasa silang hindi na nila muling maririnig na ganoon kalungkot
ang awit na dala ng banayad na hanging amihan..

V. Mga Amoy at Panimdim

Nanghuhuli ang tatlong hayop ng mga tutubing asul ang katawan, pula
ang buntot, dilaw ang ulo at itim ang pakpak. Nakadapa sa isang malaking

53 ng 126

bato sa gitna ng dibdib ng talon si Prinsipe Manawari at pinagmamasdan


ang repleksyon ng buwan sa walang kulay na tubig.
araw bago nila matagpuan ang Talon ng Tinago.

Makalabingwalong

Naliligiran ito ng mga

bundok na perpekto ang paltok. Ikawalong araw at ikapitong gabi na nila


sa talon subalit hindi pa rin sumusungaw ang bughaw na buwan.

Isang

tutubi ang dumapo sa tubig sa gitna ng repleksyon ng buwang tinititigan ni


Prinsipe Manawari.

Nilundag ito ni Kalabawbibaw at nabasag ang

repleksyon ng buwan sa tubig. Nakaramdam ng bahagyang pagkainis ang


prinsipe subalit hindi niya inialis ang paningin sa tubig. Nang makaahon si
Kalabawbibaw, dakma ang bakas ng nakaalpas ding tutubi ay unti-unting
nabuong muli ang nabuak na repleksyon ng buwan.

Waring nakasilip si

Prinsipe Manawari sa isang kaleidoscope. Sa paghupa ng dibdib ng walang


kulay na tubig ay tumingkad ang bagong hilamos na bughaw na buwan.
Napabalikwas

ang

prinsipe

at

tiningala

kung

pinaglalaruan ng tubig o ng kanyang paningin.

hindi

lamang

siya

At naroroon ngat

nakatalalan sa papawirin ang pagkalaki-laki at bilog na bilog na bughaw na


buwan.
Natigil sa panghahabol ng tutubi ang tatlong hayop. Nagsiksik ang
mga ito sa likuran ni Prinsipe Manawari.

May naamoy silang kakaibang

sangsang. Mistulang halimuyak ng nabubulok na mga bulaklak. Umalulong


ang tisikong aso at ihinilig ang mukha nito sa braso ng Prinsipe. Nahulaan
naman ng prinsipe ang nais ipagawa nito. Umukit siya ng kaunting muta at
ipinahid sa mga mata.

Ipinikit-pikit niya ito hanggang sa luminaw ang

54 ng 126

kanyang paningin at napatda sa kanyang nasaksihan. Mula sa bughaw na


buwan ay may bumababang pitong babaeng nakalutang sa hangin. Ito na
siguro ang magkakapatid na Haori, naisip ng prinsipe. Walang saplot ang
mangasul-ngasul nitong kabuuan maliban sa umaalimbukay na mahabang
buhok na panaka-nakang tumatabing sa maseselang bahagi ng mga
katawan nito.

Asul din ang mga pakpak nitong tulad ng sa tutubi.

Iisa

halos ang itsura ng pito. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa uri at disenyo
ng mga bulaklak na nakaputong sa ulo.

Habang papalapag ang pitong

diwata sa walang kulay na tubig, ay lalong sumisigid ang halimuyak ng tila


nabubulok na mga bulaklak. Natitiyak ng prinsipeng galing sa mga diwata
ang di-kanais-nais na amoy na iyon.

Nagtago sila sa likod ng isang

malaking bato at pinagmasdan ang naliligo na ngayong magkakapatid. Sa


bawat paglulunoy ay kumukupas ang pangangasul ng katawan ng mga ito
at humahawa sa kaninay walang kulay na tubig. Sa bawat paglulunoy rin
ay naiibsan ang sangsang na nalalanghap nina Prinsipe Manawari. Ilang
sandali pay umahon na ang pitong magkakapatid na Haori at kumikinang
na ngayon ang kanilang kabuuan dahil sa busilak na kaputian. Ang Talon
ng Tinago naman na kanilang pinagliguan na kaninay walang kulay ay
nagkulay-bughaw.

Naglaho na rin ang masamang amoy sa paligid at

nahalinhan ito ng halimuyak ng kabubukang mga bulaklak.


Naghanda na sa muling paglipad ang mga diwata kaya napilitan si
Prinsipe Manawaring lumabas na sa kinatataguan. Nagulat ang mga diwata
pagkakita sa kanya subalit saglit lang din dahil napansin nila ang panyong

55 ng 126

Mosala na iwinawagayway ng prinsipe.

Isinalaysay ng prinsipe ang

kuwento sa likod ng panyong iyon at humingi ng tulong kung paano niya


matatagpuan kung sino man ang may ari ng Mosala. Sinabi ng panganay
na diwata na sila nga ang humabi ng panyong iyon at hinandog nila iyon sa
isang sanggol na babaeng pinuspos sa talon ding ito, labingwalong bughaw
na buwan na ang nakararaan. Ang sanggol na iyon ay anak nina Datu Puti
at Bai Anko ng Pulo ng Laguindingan, ayon naman sa bunsong diwata.
Itinuro din ng mga diwata kung saan matatagpuan ang Pulo ng
Laguindingan.

Malapit lamang daw ito sa Talon ng Tinago at tatlong

bundok na lang ang kanilang tatawirin.

Ito lamang ang tanging pulo sa

daigdig na sinisikatan at nilulubugan ng araw. Lubos na nagpasalamat si


Prinsipe Manawari at nagpaalam na rin ang magkakapatid na Haori.
Lumipad na ang mga ito pailanlang sa bughaw na buwan at maya-maya
pay ang bughaw na buwan ay bumalik na sa dati nitong kulay. Sabik na
sabik naman si Prinsipe Manawari sa nakuhang balita at hindi na niya
nagawang makatulog pa.

Iyon ding sandaling iyon ay naglakbay na sila

sakay ng Magik Malong patungo sa Pulo ng Laguindingan, ang tanging


pulong sinisikatan at nilulubugan ng araw. Ang pulong tahanan ng kanyang
mahiwagang dalaga.
Hindi pa man lumalapag ang Magik Malong ay napansin na ni Prinsipe
Manawari ang kaibang simoy ng hangin. Amoy patay na daga ang paligid
at tila naninikit ito sa kanyang ilong. Lumapag sina Prinsipe Manawari sa
isang burol na tanaw ang isang pulo. Payapa ang kadagatang nakapalibot

56 ng 126

dito. Paputok pa lamang ang araw sa silangan. Ang gintong silahis nitoy
unang humalik at tuluyan nang yumakap sa naturang pulo. Isa na lamang
ang dapat tiyakin ng prinsipe. Dito rin ba lulubog ang Haring Araw? Ito na
ba ang Pulo ng Laguindingan? Pinasya ng prinsipeng magpalipas doon ng
maghapon upang matiyak kung doon nga rin lulubog ang araw. Lumipad
ang isip niya sa iniwang kaharian. Sa mga mahal sa buhay na natitiyak
nang nag-aalala ngayon.

Sa Amang Haring Bacocos at Inang Reynang

Bicuda. Sa kanyang iniwan at pinagtaksilang kabiyak. Ayaw niyang isipin


kung paano pinapatay ang mga ito ng panghuhula sa kanyang biglang
pagkawala.

Tanging sila ni Merlin ang nakaaalam ng hibang niyang

paglalakbay. At muli siyang nakadama ng matinding panimdim.

Nang

mapagod ang isipay ipinasya muna niyang humimbing. Itinalukbong niya


ang malong upang huwag malanghap ang masangsang na amoy na sa wari
niyay nanggagaling sa pulong iyon.
madali siyang nakatulog.
pangarap.
mawawaan.

Dala na rin ng puyat at pagod ay

Sa panaginip ay dinalaw siya ng kanyang

Siya at ang mahiwagang dalaga sa isang planetang di niya


Sa ibat ibang dako at ibat ibang kaanyuan.

Minsay sa

sepiang sapa at silay mga palaka. Minsay sa lilac na layak at silay mga
bayawak. Kung hindi namay sa pulang parang at silay mga balang. Sa
ibat ibang dako at ibat ibang kaanyuan. Ngunit iisang damdamin. Iisang
pintig ng pagniniig.

At sa lahat ng dako at kaanyuang iyon ay siya ang

bihasa. Siya ang Guro. Siya ang Lalaki. Mga palaka sila ngunit ililipad niya
sa langit ang kaniig. Mga bayawak sila ngunit mapapakokak sa lualhati ang

57 ng 126

kanyang minimithi. Mga balang sila ngunit magpipingkian ang malalamig


nilang pusod at kuyukot. Sa lahat ng dako at ibat ibang kaanyuan. Laging
julio at tag-ulan. Laging tag-ulan ng ligaya. Subalit matapos ang pagniniig
ay madudurog sa paanan nila ang mga luha. Mabubulok ang mga balat
nilat laman at mangangamoy patay na daga.

Babalutin sila ng itim na

panindim. Ang mahiwagang dalagay huhulagpos na parang usok. Pipigilin


niya ito subalit mabibigo siya. Tatastasin niya ang laylayan ng malong at
itatali niya ang sarili at ang dalaga. Subalit makatatakas pa rin ito. Subalit
mangangako itong babalik kapag siya, ang Guro at ang Lalaki ay maalam
nang makipagtalik tulad ng isang tao. At siyay mangangako rin.
Hindi niya ikukuwento sa alimbyuging manok ang panaginip.

Mataas pa rin ang araw nang magising si Prinsipe Manawari. Muli


niyang minasdan ang pinaghihinalaang Pulo ng Laguindingan.
burol na kinatatyuan ay mistula itong tumpok ng putik.

Mula sa

Wala siyang

maaninaw ni isang punong nakatindig. Kaya rin siguro ganito na lamang


kasangsang

ang

hanging

nagmumula

rito.

Nakaramdam

siya

ng

kalungkutan at panghihinayang para sa pulong ito.


Humapon ang alimbyuging manok sa sanga ng punong kinahihiligan ni
Prinsipe Manawari.

Mahaba at malamlam ang anino ng tumitilaok na

manok. Palubog na ang araw.

Lumakad sa dalisdis ng burol si Prinsipe

Manawari. Dooy tanaw na niya ang kahel na araw na lumulubog sa dagat


sa likod ng pulo.

Walang ingay at kalatis ang paglubog nito.

58 ng 126

Bago

magpaalam ang mga silahis nitoy nagbahid muna ng sari-saring kulay sa


ulap.

Tila ito isang pinsel sa maingat na kamay ng isang dibuhista.

Magkahalong tuwa at lungkot ang idinulot ng pamamaalam na iyon ng araw


sa puso ni Prinsipe Manawari. Ito na ang wakas ng kanyang paghahanap
subalit simula rin nga kaya ng kinatatakutang panimdim? Bukas ng umaga
niya binalak harapin ang kasagutan.
Humahangos papasok sa torogan ni Datu Puti ang kakamot-kamot na
bantay.
Mahal na Datu! Mahal na Datu! May dayuhan sa labas at dala-dala
ang Mosala ni Prinsesa Ganda!
Napabalikwas sa pagkakahiga ang nanghihinang si Datu Puti. Inutusan
nito ang bantay na papasukin ang dayuhan. Kagyat namang tumalima ang
inutusan.

Naiwan sa labas ng torogan ang tatlong hayop.

Hinubad ni

Prinsipe Manawari ang kanyang sapin at sumunod na pumasok sa torogan


ng datu.

Sinalubong siya ng matinding amoy at muntik na siyang

maduwal. Inabutan ng prinsipe ang datu na tumatayo mula sa higaan at


umupo sa maharlikang trono nito. May bigla siyang naalala pagkakita sa
datu subalit hindi lang niya mapagwari kung sino. Maputlang-maputla ang
datu at tadtad ng sugat ang mukha nitot mga braso.
inaagusan

ng

tila-dagtang

natitiyak

na

ngayon

ng

Mga sugat na
prinsipe

na

pinanggagalingan ng masangsang na amoy.


Isang malugod na umaga po, Datu Puti. Pagpupugay ni Prinsipe
Manawari.

59 ng 126

Ihayag mo binata, kung sino ka? Saang kaharian ka nagmula at ano


ang iyong pakay? Bagamat hirap ay pinilit magsalita ang datu.
Nagpupugay po sa inyo si Prinsipe Manawari ng Kaharian ng Hansen.
Nilakbay po namin ang ilang bundok at kadagatan sa pagbabakasakaling
matagpuan namin ang may-ari ng Mosalang ito. Pagpapakilala ng prinsipe
kasabay ng pag-aabot sa datu ng mahiwagang panyo.

Lumiwanag ang

mukha ng datu nang mamasdan ang Mosalang inabot ng prinsipe subalit


bigla uli itong lumamlam nang may sumagi sa isipan nitong nagdulot ng
matinding pag-aalala.
Ganda... Pabulong na nausal ng datu sa sarili. Subalit pabulong man
iyon ay nahagip ng pandinig ni Prinsipe Manawari.
G-Ganda?
Ang kaisa-isa naming anak. Ang kaisa-isa naming anak na babae.
Sumasal ang tibok ng dibdib ni Prinsipe Manawari. Ganda. Ngayoy
may ngalan na ang mahiwagang dalaga. Ganda. Kaytamis nito sa kanyang
pandinig.

Kaytamis nito sa kanyang damdamin. Nais na niyang tapusin

ang pananabik.
Kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Datu. Maari ko po bang
masilayan ang inyong anak?
Hindi umimik si Datu Puti at wariy nilunod na ito ng nadaramang
kalungkutan.
Kung nalalaman nyo po lamang ang aking nilakbay. Hindi nyo po
ipagkakait sa a

60 ng 126

Wala siya rito. Putol ng datu sa nag-aatubiling prinsipe.


Para namang nabagsakan ng bundok si Prinsipe Manawari sa narinig.
Nagmamakaawa ang mga mata nitong nagtatanong.
Pinatakas namin siya sa Laguindingan mula nang lumaganap ang
mahiwagang sakit na ito. Lulan siya ng Rinamentaw Mapalaw.
Rinamentaw Mapa
Rinamentaw Mapalaw. Ang mahikal na barko ng pulo.
Ang dambuhalang barkong may kakaibang aroma?
Tumango ang datu. Ito naman ang naging interesado.
Alam mo kung nasaan ang barkong iyon? Alam mo kung nasaan ang
aking anak?

Ang mahal naming Ganda?

Sunud-sunod na tanong ng

datung nalipos ng pananabik.


Abot-tanaw ko lamang siya. Abot-tanaw atatbiglang nawala.
Usal ng prinsipe na para bang nangangarap.
Nawala?
Nagsasayaw siya. Walang sapin. Ang buhok. Ang mata
Nagsasayaw?
Nagsasayaw at biglang nawala. Ganda pala ang ngalan niya
Nagsasayaw. Nawala. Nasaan siya? Bakit nasa iyo ang kanyang
Mosala?
Parang awa nyo na po Mahal na Datu. Gusto ko pong masilayan si
Ganda. Nasaan po ang inyong anak?

61 ng 126

Hindi ka ba nakikinig, binata? Wala rito si Ganda. Ikaw kamo ang


nakakita sa kanya.

Saan mo siya nakita?

Bakit nasa iyo ang kanyang

Mosala?
Ang Mosala. Oo, ang Mosala. Ito lamang ang iniwan niyang alaala
nang sumulpot siya at biglang maglaho matapos sumayaw sa aming
kaharian.
Kung ganooy hindi mo rin alam kung nasaan si Prinsesa Ganda?
Marahang tumango ang prinsipe.
Mabuti pay magpahinga ka muna at mukhang malayo ang iyong
nilakbay. Mamaya natin ipagpatuloy ang pag-uusap.
Babalik pa po ba si Prinsesa Ganda? Magkikita po ba kami?
Ang

Rinamentaw Mapalaw lamang ang makapagpapasya non.

Binilinan ko ito na ibalik lamang sa Pulo ng Laguindingan ang prinsesa


kapag wala na ang pesteng sakit na ito.
Hahanapin ko po ang inyong anak. Ituro nyo po kung saan ko siya
matatagpuan.
Umiling-iling si Datu Puti.
Mas makabubuting magpahinga ka muna, binata.
Tumayo nang muli ang datu sa kinauupuan at inot-inot itong bumalik
sa higaan. Tila lalong nakaragdag sa karamdaman nito ang balitang dala
ng dayuhang prinsipe. Wala namang nagawa si Prinsipe Manawari kundi
sumama na sa nagkakakalkal na ngayong bantay at lumabas ng torogan.
Paglabas niyay naroon ang tatlong hayop na kaibigan.

62 ng 126

Matapat na

naghihintay kay Prinsipe Manawari. Sa prinsipeng sa tindi ng panimdim ay


tila isang saranggolang sumabit sa matutulis na sanga.

VI. Tatlong Haragan, Isang Sugatan

Datiy mistulang Paraiso ang Pulo ng Laguindingan.

Kung tatanawin

sa malayo ay para itong sariwang cauliflower na nakalutang sa sariwa ring


tubig. Malulusog ang nasasakupan ni Datu Puti. Malalakas ang mga kawal
nito na laging handang magtanggol sa kaaway ng pulo. Namumutiktik sa
ginto ang lupain.

Ang mga kababaihan, sa pangunguna ni Bai Anko ay

matagumpay sa pagtatanim at pagpapalago ng mga bulaklak at halamanggamot. Naging matagumpay rin ang mga kalalakihan sa pangangasawa.
Napakabilis

lumawak

kanilang yaman

ng

kanilang

nasasakupan.

Nag-uumapaw

at wala silang paglagyan ng kaligayahan.

wala nang katupasan ang lahat.

ang

Para ngang

Hanggang sa dumating ang Tatlong

Maputlang Haragan. Unay isa-isang sinubok ng tatlo na paibigin ang kaisaisang anak na babae ng Datu at ng Bai. Subalit dahil sa magagaspang na
ugali nitoy walang mapusuan sa mga ito si Prinsesa Ganda. Subalit hindi

63 ng 126

naman talaga ang prinsesa lamang ang pakay ng Tatlong Haragan. Higit,
ay ang birheng kagubatan ng Pulo ng Laguindingan at ang mga ginto nito
ang puntirya ng tatlo. Nang hindi sila umubra sa prinsesa, ang datu ang
kanilang dinigahan. Simulay pinuri nila ang datu sa angking kayamanan at
kapangyarihan. Matapos ay unti-unting tinuya. Bakit daw Datu Puti ang
tawag dito samantalang kulay ebak naman ang balat? May alam daw ang
mga itong pampaputi. Dagta ng puno.

Ito raw ang ginagamit nila para

pumuti. Sa madaling salitay nauto nila ang datu. Na sa katotohanan, ay


kaya naman mapuputi ang tatlo ay galing ito sa lupaing laging nakalubog
ang araw. Nagpagawa ang datu ng isang napakalaking hukay at pinapuno
iyon ng dagta ng mga puno. Samantalay ang mga pinuputol na punong
pinangangasiwaan ng Tatlong Haragan ay kinukulimbat ng mga ito at
dinadala

sa kanilang lupain.

Sabay sa pagkapuno ng dagta

ng

napakalaking hukay ang pagkaubos ng puno sa kagubatan ng Pulo ng


Laguindingan.

Ipinag-utos naman ni Datu Puti na lahat ng kanyang

nasasakupan ay kailangang maglunoy sa Ilog ng Dagta sa pangunguna


niya upang ang lahat ng tao sa pulo ay mangagsiputian.
nagkasundo si Datu Puti at Bai Anko.

Dito hindi

Hindi ito pumayag maglunoy sa

dagta at maging si Prinsesa Ganda ay hindi nito hinayaang pumuti.


Itinakas ni Bai Anko ang kaisa-isang anak na babae palayo sa tila inaalihan
ng Yawang bana.

Noong unay natikis ni Datu Puti ang mag-ina lalo na

nang umani sila ng papuri sa mga dayuhang napapadpad sa Pulo ng


Laguindingan pagkakita sa kanilang malalabanos na kutis. Subalit sandali

64 ng 126

lamang ang kaligayahang iyon. Unti-unti, ang kanilang mapuputing kutis


ay nagkabitak-bitak dahil sa hindi na masalang sikat ng araw. Ang bitak ay
naging nakangangang sugat na nilalabasan ng tila kinakalawang na
dagtang pinanggalingan ng malansang amoy. Ito raw ang huling ganti ng
mga naghingalong punungkahoy.

Maging ang lupain ng pulo

ay

nagmistulang kayumangging disyerto ng kahungkagan. Wala na ni isang


punong tumubo pa, maliban sa Binansot na Baliteng may kahel na dahon
na handog ng mga anito kay Datu Puti noong itoy puspusin.

Halos

maubos ang kayamanan ng Laguindingan sa pagtuklas ng lunas sa


misteryosong sakit na lumaganap, hindi lamang sa lahat ng tao kundi sa
buong lupain. Isang malagim na sumpa ng kalikasan! Ang Tatlong Haragan
naman na nagsimula ng lagim na ito ay bigla na lamang naglaho sa pulo.
Huli man, ay nagawa pa ring magsisi ni Datu Puti.

Kagyat niyang

pinahanap ang mag-ina subalit si Prinsesa Ganda na lamang ang naiuwi ng


Rinamentaw Mapalaw. Namatay sa labis na pagdadalamhati ang Bai Anko.
Sakmal man ng matinding pangungulila sa mga mahal sa buhay ay tiniis ni
Datu Puting huwag nang patungtungin si Prinsesa Ganda sa pulo at
inatasan nga nito ang mahiwagang barko na itakas muna pansamantala
ang prinsesa hanggang hindi humuhupa ang sakit. Ang prinsesa na lamang
ang natitirang yaman ng datu.

Maging ang magigiting na anak ng

Laguindingan ay hindi na nakabalik matapos hanapin ang Ibong Aninipot na


ang awit ay pinaniniwalaang makapaghihilom sa Laguindingan.

65 ng 126

Matapos magsalaysay ng kakamot-kamot na bantay ay saka pa lamang


nito napunang tulog na ang kainuman. Halos maubos ni Prinsipe Manawari
ang tatlong buhong kawayan ng basi.

Subalit ang katawan lamang ng

prinsipe ang sumuko. Nakaukit sa isipan niya ang kaliit-liitang detalye ng


kuwento ng nangangating bantay.
Kinaumagahan ay muling nakipagharap si Prinsipe Manawari kay Datu
Puti.

Ihinayag din niya ang banal na pakay kay Prinsesa Ganda.

Wala

namang pagtutol sa parte ng datu maliban sa kailangang sumunod ni


Prinsipe Manawari sa kostumbre ng pulo.

Kailangang matugunan ng

prinsipe ang doteng hihingin ng pangkalahatang datu at ng iba pang


pinuno ng Laguindingan.

Una nilang hiningi ang labindalawang libong

alipin. Ang isang pinunoy humingi ng pitong baul ng mamahaling hiyas.


Naalala ni Prinsipe Manawari ang gintong barkong handog ni Zephyra na
punung-puno ng mamahaling hiyas. Sa pamamagitan ng kanyang isip ay
nagawang utusan ng prinsipe ang turuang barko na maglayag papunta sa
Pulo ng Laguindingan.

Anong manghat anong tuwa ng buong kapuluan

nang makita ang paparating na gintong barkong may lulang mamahaling


hiyas. Ang isang pinunong may pagtingin kay Prinsesa Ganda ay humiling
sa prinsipe ng isang imposibleng bagay. Hiniling nitong patumbalikin ang
agos ng tubig sa ilog.

Binalaan ng prinsipeng maaring hindi maging

maganda ang resulta nito kung magkakagayon man. Subalit mapilit ang
kanyang karibal sa paniniwalang hindi dapat matugunan ng prinsipe ang
dote para hindi mapasakamay nito ang hinahangad din nitong prinsesa.

66 ng 126

Walang nagawa si Prinsipe Manawari kundi pagbigyan ang hiling ng


pinunong karibal.

Hiningi niya ang tulong ni Kalabawbibaw para

maisagawa ang pagpapatumbalik sa agos ng tubig sa ilog.

Tumalima

naman ang kaibigang hayop at lumulon ito ng sampung kaing na sili.


Matapos ay pumuwesto ito sa gitna ng Ilog-Agko at sa pamamagitan ng
mga sungay na nag-alimpuyong parang ipo-ipoy napatumbalik nito ang
agos sa ilog. Subalit dahil sa sobrang anghang ng sampung kaing na siling
nakain, bumilis ng sampung ulit ang pag-ikot ng sungay nito na lumikha din
ng sampung higanteng ipo-ipo.
natangay.

Ang mga bahay sa Laguindingan ay

Kung hindi pa nagmakaawa ang hambugerong pinunong

humiling ng imposible ay hindi patitigilin ni Prinsipe Manawari ang kabaw.


Ang babaeng pinuno naman ay humiling ng 7,100 Makahiyang hindi
nakatiklop ang dahon. Ang isay humiling ng 50 kalapating mula sa langit.
Ang isa namay sarikulay na tela bilang pamalit sa mga dahon ng puno.
Hiningi naman ng batang-batang pinuno ang Patola Kaorayan ng prinsipe.
Sinabi ng prinsipeng humiling na lamang ng iba dahil hindi niya maaring
ibigay sa iba ang anumang bagay na handog lamang din sa kanya. Subalit
mapilit ang batang pinuno. Hinablot nito ang Magik Sinturon na nakabigkis
sa noo ng prinsipe at dagling ibinigkis sa sarili nitong noo. Maya-mayay
dumaing ang batang pinuno na masakit ang kanyang ulo. Nataranta ang
lahat nang makitang naging sawa ang sinturon at nilingkis ang ulo ng
batang pinuno. Humigpit nang humigpit ang pagkakalingkis hanggang sa
para

nang

mapipisak

ang

ulo

ng

bata.

67 ng 126

Nagngangangawa

itong

nagpasaklolo kay Prinsipe Manawari at dagli namang hinaltak ng prinsipe


ang nakalingkis na sawang bigla namang bumalik sa pagiging sinturon sa
kamay ng may-aring prinsipe.
humiling ng iba pa.

Matapos ang mga itoy tila ayaw nang

Pinalabas muna ni Datu Puti sa torogan si Prinsipe

Manawari at pinulong ang kanyang mga pinuno. Nagkaroon ng mainitang


pagtatato sa loob ng torogan.

Panaka-nakay nakaririnig si Prinsipe

Manawari ng mga sigawan. Sa bandang huliy nangibabaw na ang malakas


at matatag na tinig ni Datu Puti. Maya-mayay lumabas na sa torogan ang
mga pinunong sambakol ang mukha.

Naiwan sa torogan si Datu Puti.

Pinapasok si Prinsipe manawari sa torogan at sila na lamang ng

tiim-

bagang na datu ang magkaharap sa loob.


Buhay at kasaysayan ang pinuhunan namin sa lupaing ito, Prinsipe
Manawari.

Itinatag namin ito sa giya ng aming mga kostumbret

paniniwala. Subalit higit, sa pananalig.


Bagamat natatalinghagaan ang prinsipey mataman siyang nakinig sa
datu.
Masdan mo ang buong kapuluan. Ni anino ng naglahong paraisoy
hindi mo na mababakas. Ako na ang nagpasya. Mahihiling namin sa iyo
ang kahit ano kapalit ni Prinsesa Ganda.

Mga kahilingang alam naming

hindi mo lahat matutupad. Ngayoy handa akong salangsangin ang aming


kaugalian.

68 ng 126

Hindi malaman ng prinsipe kung matutuwa o matatakot sa naririnig.


Bakas na bakas niya ang katiiman ng mga katagang iyon sa matatag na
panga ng datu.
Kalimutan mo na lahat ang mga hiningi naming dote. Maging ang
gintong barko ng mamahaling hiyas ay ibabalik ko na sa iyo. Ano pa nga
ba ang halaga noon sa amin o sa layaw ng aming katawan kung maging
ang sarili naming balat ay amin nang ikinahihiya?
Humugot ng isang malalim na hininga si Datu Puti at tumitig nang
diretso sa mga mata ni Prinsipe Manawari.
Isa lang ang hihilingin ko sa iyo, Prinsipe Manawari Hindi na tinig
iyon

ng

isang

nag-uutos

humihiling,

kundi

higit,

ng

isang

nagmamakaawa. Dalhin mo sa amin ang Mahiwagang Ibong Aninipot.


Nang mapansing parang natigilan ang prinsipey idinagdag pa nitong:
Maging ang buong Lupain ng Laguindingay ipagkakaloob ko sa iyo.
Iligtas mo lamang ang aking nasasakupan. Iligtas mo lamang kami.
Hindi malaman ni Prinsipe Manawari kung anong damdamin ang dapat
niyang maramdaman. Bastat ang alam niyay nilulunod ng nangingilid na
luha ng datu ang kanyang kaluluwa. Sinasakal siya ng nag-iigting na litid
sa leeg ng pinuno.

Niyayanig ang kanyang buong pagkatao ng

gumagaralgal na tinig ni Datu Puti.

Nagawa rin niyang maisatinig ang

kanyang agam-agam.
Kung kaya ko nga lang po, Mahal na Datu.
Hindi inaalis ng datu ang pagkakatitig sa mga mata ng prinsipe.

69 ng 126

Noong unay naniniwala kaming sa lupaing ito rin manggagaling ang


aming katubusan. Subalit naubos na yatang lahat ang aming mga anak ay
wala pa kaming pag-asang matanaw.

Ni isa sa mga naghanap sa

Mahiwagang Ibon ay walang nakabalik.

Ngayoy narito ka na bagamat

isang dayuhan ay
Subalit hindi ko po maipangangako ang inyong hinihiling.
Hindi mo kailangang mangako. Ang mahalagay ang pagpayag mo sa
nag-iisa naming kahilingan.
Kung ganoon poy pumapayag na ako. Kung ito ang paraan para
mapatunayan ko ang dalisay kong pag-ibig kay Prinsesa Ganda, nakahanda
akong makipagsapalaran sa pagdakip sa Ibong Aninipot. Para ito sa inyong
anak, Mahal na Datu. Para sa inyong anak.
Napayakap ang datu sa prinsipe at tinapik-tapik nito ang likuran niya .
At para sa Laguindingan, anakPara sa Laguindingan.
Bago muling maglakbay sina Prinsipe Manawari para hanapin ang
Mahiwagang Ibong Aninipot ay muling ipinatawag ng datu ang prinsipe sa
torogan nito. Ipinabaon ng datu sa prinsipe ang Binansot na Baliteng may
kahel na mga dahon.

Binilinan ni Datu Puti si Prinsipe Manawari na

kailangang makabalik ito sa Pulo ng Laguindingan bago malagas lahat ang


dahon ng balite. Muliy namasdan ng prinsipe ang mga sugat sa balat ng
mahinang-mahina nang datu.

Subalit may mas higit siyang sugat na

naaaninaw sa malalamlam nitong mga mata.

70 ng 126

71 ng 126

Ang mundo ay isang komedya sa mga nag-iisip, trahedya sa mga


dumarama

VII. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa

72 ng 126

Nakatulungko si Prinsipe Manawari sa ilalim ng Puno ng Bayabas.


Pinagmamasdan niya ang Binansot na Balite.

Isang kahel na dahon na

naman ang nalagas dito. Papaikli na nang papaikli ang taning niya at hindi
pa niya natatagpuan ang Ibong Aninipot. Ni wala nga siyang ideya kung
saang lupalop ng daigdig ito humahapon.

Noon lang din niya muling

napansin ang gintong singsing-itang ibinigay ng Diwata ng Kagubatan.


Kailanmay hindi pa niya ito napakikinabangan.

Gusto na niyang

maniwalang biniro lang talaga siya ng diwata. Ni minsay hindi naman niya
ito nakitang nakapulupot sa kanyang palasingsingan. Ngayon nga, katulad
ng lumipas na ilang mga araw, ay sa hintuturo niya ito laging nakapulupot.
Napangalumbaba ang prinsipe at naibulong niyang sanay kahit maituro
man lang nito kung saan matatagpuan ang Mahiwagang Ibon. Pagkausal
nitoy biglang kumalawa ang gintong singsing-ita sa kanyang hintuturo.
Nalaglag ito sa lupa at biglang naging isang dambuhalang sawa.
Ano ang maari kong ituro sa inyo, Mahal na Prinsipe.
Matapos ang lahat ng naging karanasan sa paglalakbay at samut
saring nasaksihang kababalaghan, hindi na nagugulat pa ang prinsipe.
Ituro mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang Mahiwagang Ibong
Aninipot.
Madali po iyon. Humahapon po ito sa Punong Aninipot.
Saan ko naman matatagpuan ang Puno ng Aninipot?

73 ng 126

Naisin ko man, ay tunay ngang hindi ko alam. Subalit maari kong


ituro sa inyo kung sino ang maaring makapagturo sa inyo ng inyong
hinahanap.
Kung ganooy sino ang makapagtuturo sa akin?
Ang Prinsesang Nakaupo sa Tasa.
Nakaupo saan?
Sa Tasa po, Mahal na Prinsipe.
T-tasa? Bagamat nalilitoy nagpatuloy ang prinsipe. Saan ko
matatagpuan ang prinsesang sinasabi mo?
Matatagpuan nyo siya sa Hinulugang Taktak.
Hinulugang Taktak?
Doon po sumasangguni ang lahat ng tao sa lahat ng panahon tungkol
sa anumang problemang hindi nila madesisyunan o masolusyunan.
Paano ako makararating sa Hinulugang Taktak?
Pumikit po kayo, Mahal na Prinsipe.
Sumunod naman si Prinsipe Manawari ngunit dagli din itong dumilat.
Itatanong dapat niyang O, Ngayon? nang mapansing nasa ibang lugar na
siya. Nasa isang maliit siyang tila pulo na napapaikutan ng di-kataasang
talon. Nadilatan ni Prinsipe Manawari ang mga taong nakapila na ibat iba
ang kasuotan at paraan ng pananalita. Ang pilay nagwawakas sa harap ng
isang parang dalagitang, parang batang, di lang niya matiyak. Nakaupo ito
sa gilid ng isang malaking tasa. Sa magkabilang tagliran nito ay may
nakatayong dalawang tanod na mukhang uod.

74 ng 126

Nakipila si Prinsipe

Manawari. Ito na siguro ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasang


sinasabi ng gintong singsing-itang naging higante ngang sawa. Sa harap
ngayon ng prinsesay may dalawang babaeng may dalang isang sanggol.
Kunot ang noo ng prinsesang sa malapitan pala ay pakiwari ni Prinsipe
Manawari ay mukhang lolang katatapos lang magnganga.
Ano ang inyong problema?
Ang akin pong sanggol ay gusto niyang agawin. Anang nasa kaliwa.
Subalit Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na itoy ako ang nagluwal.
Anang nasa kanan.
Sino ba talaga ang ina ng sanggol na ito?
Ako po. Anang dalawa.
Hindi puwede ang sinungaling dito. Alam nyo ang kaparusahan.
Kanino talagang anak ang sanggol na ito?
Ako pong talaga, Mahal na Prinsesa. Anang dalawa pa rin.
Napabuntunghininga ang prinsesa at matamang nag-isip kung paano
lulutasin ang problemang ito.
Ikaw? Tanong niya sa babae sa kaliwa. Anong pangalan mo?
Ana po.
Ikaw naman?
Ana rin po.
Parehong Ana ang pangalan nyo?
Opo. Anang dalawa sabay tango.

75 ng 126

Ganito na lang ang gawin natin.

Yaman din lamang na pareho

ninyong pinangangatawanan na sa inyo ang sanggol na ito, na imposibleng


mangyari dahil hindi maaring sa dalawang ina manggaling ang isang
sanggol, eto ang aking solusyon...
Sabik na naghihintay ng desisyon ng prinsesa ang dalawang Ana.
Hatiin natin ang sanggol na ito at paghatian ninyong dalawa para
parehas at walang away.
Napaisip ang dalawang ina.
Payag ba kayong hatiin natin ang sanggol?
Nagkatinginan ang dalawa at sabay pang sumagot.
Opo, Mahal na Prinsesa. Payag po kami.
Unti nang mahulog sa kinauupuang gilid ng tasa ang paham na
prinsesa. Nang makapanimbang ay inagaw niya sa dalawa ang sanggol at
inutusan ang dalawang tanod na gawaran ng parusa ang dalawang babae.
Medyo namroblema naman ang prinsesa sa sanggol na magiging kargo pa
yata niya ngayon. Mabuti na lamang at ang anim na lalaki palang kasunod
sa pila ang mga ama ng sanggol.
Itatanong ko rin sa inyo ang itinanong ko kanina, at alam kong payag
din kayong anim na hatiin itong sanggol na ito.
Pero, Mahal na Prinsesa, anang anim na lalaki. Hindi po kami
pumapayag na hatiin sa amin ang sanggol.
Pero imposible ngang kayong anim ang ama nito! Sumisigaw na ang
prinsesa.

76 ng 126

Pero ako po talaga ang ama ng sanggol na iyan! Sabay-sabay ang


anim at sumisigaw na rin.
Napangalung-noo ang prinsesa at matamang nag-isip. Unay naisip ng
prinsesang hingan kaya ng birth certificate ang anim pero maging itoy
hindi garantiya dahil puwede namang pekehin ang ganitong mga sertipiko.
Tiningnan nito ang mukha ng sanggol at ang mukha ng anim na ama at
tiningnan kung sino ang kamukha ng sanggol. Ang bawat isa naman ay
may katangiang makikita sa sanggol.

Nang wala na talagang maisip na

solusyon ang prinsesa ay may kinuha ito sa loob ng tasa. Naglabas ito ng
baraha.
Daanin na lang natin sa Pusoy Dos.
Nagtatakang nagkatinginan ang anim.
Kung sino sa inyo ang magwawagi sa laro ay sa kanya mapupunta
ang sanggol. Marunong ba kayong mag-Pusoy Dos?
Tumango ang anim.
Kung gayoy doon kayo sa isang tabi at simulan nyo na ang
pagsusugal. O, yung sunod

Utos ng prinsesa sa anim at matapos ay

tinawag na niya ang susunod sa pila. Pupuwesto na sa isang tabi, sa likod


ng tasa ang anim na lalaki para mag-Pusoy Dos.

Hindi pa nakapag-

uumpisang magbaraha ang anim ay bumalik na ang isang lalaki sa harap


ng prinsesa.
O, ano naman ngayon?
Iginagalang ko po ang inyong naging desisyon, Mahal na Prinsesa.

77 ng 126

So?
Kung sinuman sa amin ang tunay na ama ng sanggol ay sino nga ba
ang nakaaalam? Puwede ko po itong ipakipagsapalaran sa Pusoy Dos at
sinusumpa ko sa inyong ako ang magwawagi
Matamang nakikinig ang prinsesa at nagpatuloy naman ang lalaki.
Dangan nga lamang na naipangako ko sa sarili na hindi na ako muli
pang magsusugal.

Ang aming yaman, ang aking asawat iba pang mga

anak ay nawala sa akin dahil sa sugalcara y cruz, sabong, jai-alai,


jueteng, karera, lotto, endingUltimo kung matitiis ko bang hindi magsugal
o hindi ay pinakipagpustahan ko.
Ano ngayon ang gusto mong mangyari?
Hindi po ako sasali sa Pusoy Dos. Hihilingin ko lang pong mahagkan ko
at mayakap ang aking anak bago man lang ako lumisan.
Halos madurog ang puso ng prinsesa at mapuno ng kanyang luha ang
malaking tasa sa pagkarinig ng tinuran ng lalaki.
Ano ba ang iyong pangalan, lalaki?
Tana po.
Kung gayon, Tana. Narito ang iyong anak. Umuwi na kayo.
Subalit, maaring nagsisinungaling lamang ako at hindi ako ang tunay
na ama ng batang ito?
Hindi na mahalaga kung ikaw man ang tunay na ama ng sanggol o
hindi. Nakapagpasya na ako. Ikaw lamang sa anim na nagke-claim ang
puwedeng asahan ng sanggol na iyan. Paano magiging responsableng ama

78 ng 126

ang isang sugarol? Subalit ipangako mong hinding-hindi ka na magsusugal,


Tana.
Tumango ang lalaki at tuwang-tuwang nagpaalam na.

Bago siya

umalis ay may pahabol na tanong ang prinsesa.


Teka nga. Bakit nyo ba pinag-aagawan ang sanggol na iyan?
Maniwala po kayo at sa hindi, Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na ito
ay umiihi ng langis at gasolina.
Napakunot ang noo ng prinsesa subalit hindi na niya pinansin ang tila
naging weird na lalaki. Kinurot na lang niya ang pisngi ng sanggol.
At ano naman ang pangalan ni beybi?
Spratlys po, Mahal na Prinsesa. Pagkasabi ay dali-dali nang lumisan
ang exayted na ama ng sanggol na umiihi ng langis at gasolina.
Samantalay inip na inip na si Prinsipe Manawari.

Bukod sa hindi niya

mawawaan ang nagaganap at naririnig ay nag-aalala siya sa nasasayang


na panahon. Naiisip niya ang Binansot na Balite. Ilang kahel na dahon na
naman kaya ang nalagas dito? May tatlo pa sa unahan bago siya. Sa likod
niyay lalong humahaba ang pila. Subalit wala na siyang pakialam sa mga
ito. Matapos siyay dagli na siyang tatalilis.

Hindi niya maunawaan ang

lugar na ito. Umabante naman sa pila ang dalawang lalaking ang amoy ay
tila galing sa ilalim ng lupa. Isang babae na lang at siya na. Nakabawas ito
sa pag-aalala at pagkainip ng prinsipe.
Nakaupo sa Tasa ang susunod na sesyon.

79 ng 126

Sinimulan na ng Prinsesang

Ano naman ang problema nyong dalawa? Sino ba kayo at mukha


yatang amoy-patay na kayo? San ba kayo galing?
Ako poy galing sa Libingan ng mga Bayani. Tila nagmamagaling na
sabi ng isa.
Ako naman poy mula sa Libingan ng mga Tunay na Bayani.
Pagmamayabang naman ng isa.
Kung gayoy mga self-proclaimed bayani pala kayo. Bakit naman kayo
naging bayani, aber?
Isa po yata akong Pambansang Alagad ng Sining, Mahal na Prinsesa.
Ako po namay Pambansang Alagad ng Tunay na Sining, Kamahalan.
At bakit naman kayo naging Pamba-Pambansang-Ek-Ek?
Ako po yata ang sumulat ng Doktrinang Anakpawis.
Pero ako naman ang nagsapraktika ng Doktrinang iyon.
PraktikaInggit ka lang.
InggitBaka ikaw?
Gusto mo, square na lang tayo! Sabay pa ang dalawa at nagtikomkamao para sa first round ng boxing. Pero inawat sila ng prinsesa.
Pag-uuntugin ko kayong dalawa, e. Ano ba talaga problema nyo at
mukha yatang maging sa kabilang-buhay ay nagtatalo pa kayo?
Siya po kasiy ayaw maniwala sa aking mas masarap yung ano.
Mas masarap naman kasi talaga yung ano kaysa ano, e.
Teka lang. Ano ba yung mas masarap na pinagtatalunan nyo? Kung
mas masarap mabuhay o mamatay para sa bayan?

80 ng 126

Umiling ang dalawa.


E ano nga?
Kung mas masarap ang Nilupak kaysa Espasol? Duet ng dalawa.
Ang problema nyoy kung ano ang mas masarap? Kung yung Nilupak
ba o Espasol?
Tumango ang dalawa.
Kung gayoy, next
kasunod sa pila.

At tinawag na ng prinsesa ang babaeng

Subalit ayaw pa ring umalis sa harapan ng dalawang

bayani.
Pero hindi nyo pa po nasosolusyunan ang aming problema. Solo ng
isa.
Hindi nyo pa po nasasabi kung sino ang tama sa amin.

Solo ng isa

pa.
Kung ano nga ba ang mas masarap. Nilupak o Espasol? Duet uli sila.
Tinastas ng prinsesa ang huling hibla ng kanyang pasensya.
Wala akong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang problema nyo.
Mabuti pay umalis na kayo sa aking harapan bago ko kayo mapatay!
Pero patay na po kami.
Tanoood!
Habang binibiyabit ng tanod ang dalawa ay bumubulung-bulong ang
mga ito na hindi naiintindihan ng prinsesa ang kanilang problema. Subalit
nagpasya na rin silang tanggapin ang pasya ng paham na prinsesa dahil ika

81 ng 126

nga nilay Talaga namang walang nakauunawa sa mga bayani sa sariling


bayan.
Sa puntong iyoy gusto nang sisihin ni Prinsipe Manawari ang singsingitang naging higanteng sawa.

Mas mapapadali pa siguro ang kanyang

paghahanap kung hindi siya nagpatulong o nagpaturo rito.

Buwisit na

buwisit na siya sa kanyang kinasadlakan at inaalala nga niya ang


tumatakbong mga sandali.
nandito ang panahon.

Parang wala namang halaga sa mga taong

Para nga lang naglalaro ang mga tao rito. At naisip

na naman niyang isa na naman kaya ito sa paglalaro sa kanya ng Diwata


ng Kagubatan?

Subalit mas masasayang ang panahon niya kung ngayon

pa siya aatras.

Masyado nang malaking panahon ang kinain ng kanyang

paghihintay sa pila.

At malapit na naman talaga siya.

Ito na nga lang

babae at siya na.

Kanina pa niya napapansin ang babae sa kanyang

harapan. Parang pamilyar ito. Hindi lamang niya matandaan kung kilala
niya ito o hindi.

Marami naman kasing ganitong itsura ng babae sa

Kaharian ng Hansen. Ang balingkinitang pangangatawan. Ang pagkaputiputing kutis na tila niyebe.

Ang banayad na paggalaw na parang

lumulutang sa hangin kung maglakad.

Ang garbosang pananamit na

parang laging may dadaluhang marangyang pagdiriwang.

Lubha ngang

kayganda sa paningin ng babae. Ano kaya ang maaring maging problema


ng kagandahang ito?

82 ng 126

Nakatulog si Prinsipe Manawari sa paghihintay sa pag-uusap ng


dalawang babae. Naalimpungatan siya nang maulinigang nagpapaalam na
ang magandang dilag sa munting prinsesa.
! Sa wakas! Naisigaw na may kahalong buntunghininga ng isipan ng
prinsipe. Lalapit na sana si Prinsipe Manawari sa Prinsesang Nakaupo sa
Tasa nang may biglang sumingit na lalaking singkit mula sa likod ng tasa.
Namukhaan ito ng prinsipe. Isa ito sa anim na lalaki kaninang nagke-claim
ng sanggol na umiihi ng langis at gasolina.

Halos nagtatatalon ito at

nagsisisigaw hawak sa kamay ang winning cards.


Bwa-haha! Ako ang nagwagi! Im the King of the World!. Bulalas ng
parang napapraning na lalaki. Ako ang nanalo sa Pusoy Dos, Mahala na
Prinsesa! Akin na ang anak ko, akin na ang anak ko!
Tinuktukan ito ng kawayan sa ulo ng prinsesa at kinumbatan ang tanod
na gawaran na ito ng parusa.
habang biya-biyabit na ito

Takang-taka naman ang lalaking singkit

sa magkabilang bisig ng mga tanod.

harapan na ngayon ng prinsesa si Prinsipe Manawari.

Nasa

Nagpalinga-linga

muna siya para tiyaking wala nang eeksena at oras na talaga niya para sa
kanyang sariling problema. Kinalimutan niya ang pagka-asar at nagpugay
sa paham.
Magandang umaga, Mahal na Prinsesa. Ako po si Prin
Prinsipe Manawari. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?
Bakit nyo po ako kilala? Pagtataka ng prinsipe dahil sa mga nauna
sa kanyay walang kilala ang prinsesa.

83 ng 126

Ayan, o, sabay hablot ng prinsesa sa nakabigkis na sinturon sa noo


ng prinsipe. Nakaburda yang pangalan mo.
Ngayon lang niya napansin at totoong nakaburda pala ang pangalan
niya sa Patola Kaorayan.

Binawi niya sa prinsesa ang Magik Sinturon at

nagpatuloy.
Nagsadya po ako rito para malaman kung saan ko matatagpuan si
Prinsesa Ganda ng Pulong Laguindingan.

Hayag ng prinsipe habang

dinudukot sa may dibdib ang Mosala.


Bago sumagot ang prinsesa ay may kinuha itong dahon. May binasa
ito sa dahon na para bang may tinitiyak. Matapos ay tumitig nang parang
may inaarok sa mga mata ng prinsipe.
Pero ayon dito sa mensahe ng gintong singsing-ita ay magpapaturo ka
lang kung saan matatagpuan ang Punong Aninipot?

Walang nabanggit

ditong Prinse-prinsesa Ganda. Niloloko mo ba ako?


Hindi po, Mahal na Prinsesa, parang napahiyang nasabi ng prinsipe.
Isa rin po iyon sa gusto kong malaman.
Puwes, ipagpaumanhin mo subalit kung ano lamang ang nasa dahong
ito, ay iyon lamang ang maituturo ko sa iyo.
Hindi na pumasok pa sa isip ng prinsipe na makipagtalo sa prinsesa.
Ibinalik na lamang niya ang Mosala sa may dibdib.
Kung ganoon poy maari bang ituro nyo sa akin kung saan ko
matatagpuan ang Punong Aninipot?
Mula sa loob ng tasay naglabas ng tila garapon ang prinsesa.

84 ng 126

Tatlong pilak.
Para saan po ang tatlong pilak?
Para ituro ko sa iyo ang puno.
Subalit kaninay hindi nyo naman sila siningil?
Iba naman ang sadya nila. Ikaw ay nagpapaturo. Hindi mo ba alam
kung gaano kahirap magturo, Prinsipe Manawari?
Iiling-iling na kumuha sa bulsito niya ng tatlong pirasong pilak si
Prinsipe Manawari at ihinulog sa inilabas na tila garapon ng prinsesa.
Kumalansing ito kasama ng ilan pang pilak sa halos mangangalahati pa
lamang na lalagyan.
Ngayon poy maari nyo na po bang ituro?
Huwag ka munang magmadali. Kailangan mo munang masagot ang
dalawa sa tatlong tanong na ibibigay ko.
Gusto nang maglulupasay sa lupa ni Prinsipe Manawari subalit
tinatagan niya ang kanyang loob.
Sige po. Ano ang inyong katanungan?
Konting bugtong lang naman ito at palaisipan.
Ano nga po iyon?
Teka, galit ka ba?
Hindi po.
Galit ka e.
Hindi nga po.
Asar?

85 ng 126

Hindi po.
Asar ka yata, e
Umiling na lang si Prinsipe Manawari.

Di na niya mapilit

magsinungaling ang dila.


Tandaan mo. Dalawa ang kailangan mong masagot nang tumpak
bago ko ituro ang kinaroroonan ng Punong Aninipot.

May tatlumpung

segundo ka para sagutin ang mga tanong.


Tinantiya ni Prinsipe Manawari kung kaya niyang ihagis ang Munting
Prinsesa. Mukhang sa liit nitoy kayang-kaya naman niya kahit hindi niya
suot ang Magik Sinturon.

Subalit siempre, sa halip na ihagis ang nasa

harapan, pinili niyang pigilin na lang ang panginginig ng laman.


Tatlumpung segundo lang?
Oo. Pagkasagot moy puwede mong pahintuin ang oras. Puwede ka
ring magpass kung hindi mo alam ang sagot. Pag me natira ka pang oras
ay babalik tayo sa hindi mo nasagot na tanong. Game ka na ba?
Hindi pa po.
Bakit?
Kung masagot ko po ang tatlong tanong?
Hindi mo masasagot.
Pano nyo naman nalaman? Pano kung masagot ko nga po?
Basta, huwag kang mag-alala. Hindi mo masasagot. Maniwala ka.
E kung masagot ko nga po e.
E hindi nyo nga po masasagot e. Ginagad pa siya ng prinsesa.

86 ng 126

Sige po, ano ang tanong?


Eto ang tanong...
Eto ang sagot
Wala pang tanong.
Wala pa rin namang sagot .
Inis si Prinsipe Manwari dahil parang nahahawa na siya sa kakulitan ng
mga tao rito. Pinagtaasan naman siya ng isang kilay ng prinsesa.
Narito ang una mong tanong.

Kung ang isang electric train ay

tumatakbo pa-Timog sa bilis na 100 milya per hora at bigla itong lumiko sa
kanan at bumagal ang takbo sa 75 milya per hora. Ano ang direksyon ng
usok ng train? Timer starts now!
halos ibagok ni Prinsipe Manawari ang ulo sa labi ng tasa. Hindi niya
masyadong mawawaan ang tanong.

Basta ang alam niyay may

tumatakbo, may usok, may lumiko, saan papunta usokWala siyang


mahagilap na sagot. Tumatakbo ang segundo. Ayaw niyang magpass kaya
nanghula na lamang siya.
Papunta ang usok sa Hilaga? Stop the clock!
Walong segundo ang nakain sa tatlumpung segundo niya.
Mali.
Silangan?
Isang beses ka lang puwedeng sumagot. Pero mali din naman.
Kung gayoy sa Kanluran o sa Timog din papunta ang usok.
Mali. Mali. Mali.

87 ng 126

E nasabi ko na ang lahat ng direksyon. Ano po ang sagot?


Wala. Wala namang usok ang electric train, e.
Napaisip at napakamot sa ulo si Prinsipe Manawari. Kinabahan siya
dahil kailangang masagot na niya pareho ang huling dalawang tanong.
Tuso ang kanyang kaharap, naisip niya.
May natira kang dalawamput dalawang segundo para sa dalawang
katanungan.

Narito ang susunod na tanong.

Hulaan mo kung ano ito:

Baboy ko sa Maliputo, Mga balahiboy pako.


Pagkarinig sa bugtong at sa Maliputo ay biglang lumipad ang isip ni
Prinsipe Manawari sa Tribu Maliputu. Wala siyang natatandaang nakitang
baboy doon na may balahibong pako.

Maging ang pinuno ng tribu na

bagamat mukhang baboy ay wala namang balahibong pako. Ni wala nga


yatang hayop sa kagubatan ng Maliputu. Ang marami doon ay prutas.
Prutas! Biglang may naalala si Prinsipe Manawari at sa isip niya ay hinagod
ang mga prutas na nakita niya sa tribu lanzones, makopa, kaymito,
mangga, rambutan, langka, durianat biglang kumislap ang mga mata
niya at dagling sumagot.
Durian! Stop the clock!
M-m sasabihin na dapat na Mali ng nakangisi nang prinsesa
subalit nagdalawang-isip nang rumehistro sa utak nito
prutas ng prinsipe.

ang isinagot na

Saglit itong napaisip at para hindi mapahiyay sa

nauntol na sasabihin ay:


M-mMagaling! Tumpak! Durian nga.

88 ng 126

Napatalon si Prinsipe Manawari.


Subalit bago ka matuwa ay gusto kong malaman mong isang segundo
na lamang ang natira sa oras mo.
Isang segundo? Ang bilis naman po yata? Hindi bat
Hindi bat ang tagal mong sumagot at lumipad yata kung saang tribu
ang isipan mo kanina? Huwag kang mag-alala. Ke bigyan pa kita uli ng
tatlumpung segundo ay bale wala rin.

Wala pang nakakasagot sa

katanungan kong ito. O, handa ka na?


Tumango na lang si Prinsipe Manawari. Sa isip niyay alam na niya ang
gagawin sa gintong singsing-ita pagbalik niya.
Para sa iyong huling palaisipan. May isang segundo ka, tandaan mo,
mas ay pang-iinis iyon kaysa paalala sa prinsipe. Mas nilakasan din nito
ang boses na parang ipinaririnig sa lahat nang nakapila Ano itong apat sa
uma
Tao! Sagot ni Prinsipe Manawari bago pa man matapos ng Munting
Prinsesa ang tanong.
Tigalgal ang prinsesa.
Tao. Apat sa umaga, dalawa sa tanghali at tatlo sa gabi. Tao ang
sagot sa palaisipan nyo, Mahal na Prinsesa. Ang tao kapag sanggol pa ay
gumagapang.

Sa paglaki ay naglalakad at kapag tumanda na ay

nakatungkod. Paniniyak ng prinsipe.


Di nakaimik ang prinsesa.
Pano mo natsambahan? Ayaw pa rin nitong bumilib sa prinsipe.

89 ng 126

Pagpaumanhin ninyo, Mahal na Prinsesa. Subalit nabasa ko na ito sa


mga libro. Maari nyo na bang ituro sa akin ang kinaroroonan ng Punong
Aninipot? Kailangang-kailangan ko lang po talagang malaman. Kailangan
kong madakip ang Mahiwagang Ibong Aninipot na humahapon sa punong
ito.

Seryoso na ang prinsipe at sumeryoso na rin ang humahanga na

ngayong prinsesa . Subalit biglang sumanib sa bulalas ng paghanga ang


pinalungkot nitong mukha.
Ipagpaumanhin nyo rin po, Mahal na Prinsipe. Subalit hindi ko alam
ang kinaroroonan ng inyong hinahanap. Hindi ko rin po kasi inaasahang
masasagot ninyo ang aking mga tanong.
Parang binagsakan ng mundo ang prinsipe.
magagawa niya?

Subalit ano pa ang

Baka nga siya naman ang talagang may diprensya?

Bakit nga ba hindi niya agad naisip? O kung naisip man niya ay kung bakit
pinaniwala niya ang sarili na hindi nga ganoon?
talagang katotohanan.
lamang.

Baka nga ito na ang

Baka nga ang lahat ng ito ay pawang mga laro

At siya ay isang napakamasunuring laruan!

maglulupasay at bumunghalit ng iyak.

Gusto niyang

Biglang nakaramdam siya ng

pagnanais na bumalik sa Kaharian ng Hansen at humagulgol na lamang sa


kandungan ng Inang Reyna Bicuda. O kayay sa kandungan ng kanyang
kabiyak. Hindi bat doon talaga siya nabibilang? Bakit niya ginagawa ito sa
kanila? Bakit niya ito ginagawa sa sarili?

90 ng 126

Ang prinsesa naman na nakaramdam ng pagkaawa sa prinsipe ay


nagsikap humagilap ng mga katagang kakalamay sa damdamin ng
prinsipe.
Huwag kang mag-alala, may paraan pa.
Pumailanlang ang huwad na halakhak ng prinsipe. Oo, may paraan pa.
May paraan pa. Para siyang masisiraan ng bait. Kung magkaganoon may
hindi niya binalak na dito takasan ng sanidad.
Kung ganoon poy kapwa-tawad tayo, Mahal na Prinsesa.
Magpapaalam na po ako at may naghihintay pa sa aking mga kasama. Sa
katunayay isang naghihingalong pulo ang umaasa sa akin.

Parang

nangongonsyensyang nasambit ng prinsipe.


Idinadalangin kong sanay magtagumpay ka sa iyong misyon, Prinsipe
Manawari. Isang paalala na lamang. Huwag mong hayaang mawala ang
pag-asa sa iyong puso.

At huwag mong paniwalaan ang lahat ng iyong

nakikitat naririnig. Mapanlinlang ang daigdig na ito.


Hindi malaman ng prinsipe kung matatawa o mabubugnot na naman.
Humirit pa ng isa ang prinsesa.
Huwag mong masyadong seryosohin ang buhay. Gaanan mo lang ang
iyong puso tulad ng nasaksihan ko sa iyo.
A gaanan pala, ha? Biglang kambyo ng mood ang prinsipe.
Matanong ko nga po pala, Mahal na prinsesa.

Saan nyo po ba

gagamitin ang mga pilak na ito? sabay turo ng prinsipe sa tila garapon ng
pilak ng prinsesa. Humilig sa kanya ang prinsesa at may ibinulong.

91 ng 126

Madalas kasi ang pagdalaw ko sa babaylan. Inaabala ako nitong


almoranas ko. Ikaw ba naman ang umupo sa gilid ng tasang ito sa loob ng
eksaktong Nag-isip sandali ang prinsesa, anim na bilyon, limandaang
milyon at apatnaput tatlong daang taon at dalawamput isang arawe
ewan ko lang kung hindi sumakit ang puwit mo. Mahal na magpagamot
ngayon
Kung iyon lang ang problema nyoy, mayroon akong suhestyon.
Sabik na naghihintay ang prinsesa sa suhestyon ng prinsipe. Pinalapit
ng prinsipe ang dalawang tanod na mukhang uod at ipinabuhat ang
prinsesa pababa sa gilid ng tasa.

Matapos ay inutusan ng prinsipe ang

tanod na baligtarin ang tasa. Pagkabaligtad ay pinaupo muli ang prinsesa.


O, ano po ang pakiramdam? Hindi bat mas kumportable?
Dinama ng prinsesa ang lapat na niya ngayong inuupuang puwitan ng
tasa. Nakaramdam siya ng ginhawa at abot-abot ang pasasalamat niya sa
mala-henyong idea ng prinsipe.

Nangiti na rin si Prinsipe Manawari.

Kailangan na talaga niiyang magpaalam. Muli, ay tinitigan niya sa mata


ang Munting Prinsesang Nakaupo sa baligtad na ngayong Tasa. Nasalamin
niya sa mga mata nito ang kislap na tila baga kailanmay di dumapo sa
kanyang mga mata. Munti nga ang prinsesang ito at para ritoy laro lang
ang buhay. Siya, na matanda nay mahirap maunawaan ito. Subalit aminin
man niya o hindi, ay nais niyang magpasalamat sa prinsesa sa saglit
paghahatid sa kanya nito sa daigdig ng mga bata.
naman ng taoy minsang naging bata?

92 ng 126

Hindi nga bat lahat

Hindi nga kaya ang suliranin ay

sumulpot sa daigdig dahil nalimutan na ng tao kung paano maging bata?


Bigla ay nakaramdam ng inggit si Prinsipe Manawari sa Munting Prinsesang
Nakaupo sa Baligtad na Tasa.
pagkabata.

Subalit huli na para bumalik siya sa

Sunog na ang tulay na nagdudugtong sa mga yugtong ito.

Wala na nga siyang matandaan sa kanyang kabataan.


bang talaga siya sa pagkabata?

O nagdaan nga

Bakit parang ang pahina ng kanyang

buhay ay nagsimula na binata na siya kaagad? Isang binatang naghahanap


ng

makakaisang-dibdib.

Isang

binatang

may

kakambal

agad

na

problemang pangmatanda. Nakalilitot nakangangalos isipin. Bastat ang


nauunawaan niyay sino man ang Dakilang Awtor ng kanyang buhay ay
kailangan niyang sundin.

Ito ang papel niya sa panulat nito. Kailangan

niyang bumalik sa mga pahina ng tunay niyang daigdig.


Hinagkan niya sa noo ang Munting Prinsesa at nagpaalam na.
Pagbitiw ng kanyang labi sa noo nito ay tinitigan siya sa mata ng prinsesa.
May puwing ka yata sa pilikmata, Mahal na Prinsipe. Pumikit kat
tatanggalin ko.
Pumikit si Prinsipe Manawari at naramdaman niya ang pagdampi ng
munting daliri ng prinsesa sa kanyang pilikmata.

Nang dumilat siya ay

halos mahalikan na niya ang mamasa-masang nguso ni Kalabawbibaw. Sa


magkabila niyang tagliran ay naroon ang alimbyuging manok at tisikong
aso. Gabi na naman pala. Sinulyapan niya ang Binansot na Balite. Iilan na
lang ang dahong kahel nito. Tinabig niya ang malaking ulo ng tabogol na
kabaw at hindi siya makapaniwala sa nakitang tanawing natabingan ng

93 ng 126

hayop kanina. Sa di-kalayuan ay isang higanteng punong tila nagriringas


sa gitna ng dilim.

Dali-dali itong nilapitan ni Prinsipe Manawari at

natuklasan niya ang dahilan ng pagdingas ng puno. Napapalibutan ito ng


milyon-milyong alitaptap! Ito na ba ang Puno ng Aninipot?
Bigla niyang naalala ang Munting Prinsesang Nakaupo Na Ngayon sa
Binaligtad Niyang Tasa. May kumislap na ngiti sa sulok ng kanyang mata.

VIII. Alam Mo Ba Na Ang Tawag Sa Alitaptap Dito Ay Aninipot?

Kailangang tandaan ni Prinsipe Manawari ang bilin ng kakamot-kamot


na bantay ng Laguindingan. Sa sandaling humapon ang Mahiwagang Ibong
Aninipot sa sanga ng Punong Aninipot ay magsisimula na itong umawit para
magpaantok. May lamyos ang tinig nitong tila pinanday sa pinakamalalim
na pusod ng kadagatan. Subalit katulad ng lalim ay mapanganib raw ang
tinig na ito. Ang sinumang mabibighani ng mapanghalinang tinig ay tiyak
na makakatulog din.

Ito ang hindi dapat hayaang mangyari ni Prinsipe

Manawari. Dahil sa sandaling makatulog siya ay iiputan siya sa ulo ng ibon


Ang sinumang maiputan ng Mahiwagang Ibong Aninipot ay magiging buto.

94 ng 126

Baka bato? Tanong ng prinsipe.


Hindi bato, buto! Pagdidiin ng bantay. Parang ningas ang ipot ng
ibon at naaagnas ang balat at lamang mahulugan nito.

Kaya buto na

lamang ang matitira sa iyo. Sagot ng bantay.


Muling nangilabot ang prinsipe nang maalala ang pinag-usapan nila
noon ng kinakating bantay.

Subalit baka naman hindi ito totoo.

Marami

na rin silang nainom noon ng bantay at baka iyon ay usapang-lasing na.


Subalit mahirap ding magbakasakali.

Kailangan ngayong mapigilan ng

prinsipe ang antok para huwag maiputan at maging buto.

Matapos

namang umawit at umipot ng Ibong Aninipot ay makakatulog na ito nang


sakdal himbing.

Ito na ang tanging pagkakataon para kay Prinsipe

Manawari na dakpin ang nasabing ibon.


Samantalay nakapuwesto na si Prinsipe Manawari at ang tatlong
hayop sa ilalim ng Higanteng Punong Aninipot. Nakaririmarim ang salansan
ng bungot buto ng tao sa ilalim ng higanteng puno. Ganito na ba karami
ang biktima ng Ibong Aninipot? Saan dito ang kalansay ng mga anak ng
Laguindingan?

O ang lahat ng mga itoy butot bungo ng mga kinapos ang

kapalarang sakop ni Datu Puti?

Nanghilakbot si Prinsipe Manawari sa

isiping maaring mamaya lang ay nakasalansan na rin dito ang kanyang


mga butot bungo. Lumalalim na ang gabi subalit wala pa silang
namamataang ibong humahapon sa puno. Ang mga mata nilay inaaliw ng
nagpapalibot-libot na alitaptap sa mga sangat dahon ng higanteng puno.
Namumutiktik sa liwanag ng lampara sa puwitan ng mga insekto ang

95 ng 126

palibot nito. Parang dinudumog ng mumunting bituin ang puno.


mayay may narinig silang malakas na pagaspas ng mga pakpak.

MayaMula sa

madilim na kalawakan ay paparating ang isang mangasul-ngasul na ibong


kaykintab ng balahibong tila kaliskis ng isda. Mistula rin itong bituing
nanaog mula sa langit.
paghahapunan.
ng ibon.

Pumili ito ng isang manipis na sangang

Napahanga si Prinsipe Manawari sa kagandahang taglay

Pagkalapag ng ibon sa napiling sanga ay itiniklop na nito ang

malalapad na pakpak at ipinaloob ang ulo sa dibdib at sandaling di tuminag


na para bang namamahinga o umuusal ng dasal. Maya-mayay tumuka ito
ng isang dahon at

nagsimulang humimig.

Sumisigid sa kaibuturan ng

kaluluwa ni Prinsipe Manawari ang musikang nalilikha ng ibon sa


pamamagitan ng dahon. Minsan na siyang nakarinig ng ganoong katimyas
at kalungkot na himig. Inugoy-ugoy ng ibon ang sangang kinadadapuan na
tila baga ipinaghehele ang sarili.

Maya-maya pay iniluwa na nito ang

dahon at nagsimulang umawit:

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay

96 ng 126

Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal


Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing


Ang bantay ko'y tala
Ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay
Sana narito ka Inay

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Parang pinipiga ang puso ni Prinsipe Manawari sa naririnig at


nasasaksihan.

Hindi niya maarok ang lungkot na bumabalot sa ibon at sa

awit nito. Hinayaan niyang maglandas sa kanyang mga pisngi ang luha.
Ito ba ang ibong kanyang dadakpin?

Subalit mapanlinlang nga raw ang

daigdig ayon sa Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa.

97 ng 126

Huwag daw

paniwalaan ang lahat ng nakikitat naririnig.

Hindi nga bat nasa

kagandahan ang paglililot pagtataksil? Sino nga ba ang mag-aakalang ang


ibong ito ang may kagagawan ng nakasalansang bungot buto sa ilalim ng
higanteng puno na ngayon ngay kanila ring kinatatayuan?
Mula sa pagkakatayot pagkakatingalay
Manawari.

napaupo si Prinsipe

Tinatangay ng awit ang lakas ng kanyang mga tuhod.

Naramdaman niya ang pamimigat ng kanyang kalooban. Halos kasabay rin


nito ang pamimigat ng talukap ng mga mata. Nag-apuhap ng makakapitan
ang kanyang malay at kamay.

Ang malay niyay naglagalag sa iniwang

kaharian. Ang kamay niyay sinuyod ang mga makahiya sa damuhan. Ang
malay niyay nakatagpo ng mga alaalang pagduduyanan. Ang mga daliri
niyay napakukupkop sa nagtiklop na mga damong-halaman. Ang kaninang
kapamigatan ay naging kagaanan. Hanggang sa ang katawan niyat isip ay
lumulan

sa

ritmong

pumapailanlang.

Ang

tusok

ng

sungay

ni

Kalabawbibaw sa kanyang tagliran at pagdila-dila ng aso ang nagpabalik sa


kanya sa pandamdam. Ipinilig-pilig ni Prinsipe Manawari ang namigat na
namang ulo. Nakalulan pa rin sa hangin ang himig ng Mahiwagang Ibon.
Hinugot ng prinsipe ang balaraw sa suksukan. Handa niyang sugatan ang
sariling braso upang mapaglabanan man lang ang antok na dumadagan.
Subalit bago niya nagawang hiwaan ang sariliy inagaw ng alimbyuging
manok ang balaraw sa kanyang kamay. Matapos ay lumipad ito papunta sa
kung saan. Pagbalik nitoy sakmal sa mga kuko ang isang bunga ng bulak.
Tinuka-tuka nito ang bulak hanggang sa lumabas ang busilak na kaputian.

98 ng 126

Kumurot ito ng kapirasong bulak at ibinara sa kaliwang tainga ni Prinsipe


Manawari. Nahulaan na ng prinsipe ang nais gawin ng manok. Siya na ang
nagkusang lagyan ng bulak ang kanang tainga at saka niya naisip ngayong
itakip pa ang mga palad sa magkabilang tainga.
Nang tanggalin niya ang mga palad at bulak sa magkabilang tainga ay
tahimik na ang paligid. Wala nang katinag-tinag ang Ibong Aninipot at ang
ulo nitot tuka ay nakabaon na sa dibdib. Tiklop na rin ang mga pakpak.
Lumulan si Prinsipe Manawari sa Magik Malong at marahan itong lumipad
papalapit sa nahihimbing na ibon. Noon lang namasdan nang malapitan ng
prinsipe ang ibon. May kalakihan ito tulad ng isang pabo. Dahan-dahan
niyang dinakma ang katawan nito, sapu-sapo ang pakpak. Naihilig niya ito
sa kanyang mga bisig at dibdib tulad nang isang nahihimbing na sanggol.
Bukas pa, pagputok ng araw ang gising nito ayon sa bantay ng
Laguindingan.

Minasdan

niyang

muli

ang

maamong

mukha

ng

nahihimbing. Paano kung hindi naman totoong ito ang makapaghihilom sa


Pulo ng Laguindingan?

Paano kung hindi naman ito ang may kagagawan

ng mga butot bungong nakasalansan?

Anong lupit ngayon ang

iginagawad niya sa walang muwang na ibong ito na anak ng kalikasan?


Nakaramdam ng pagkakonsyensya ang prinsipe.

Bakit nga ba siya ang

kailangang maging instrumento sa pagputol ng kalayaan nito? Sapat na ba


ang pagkahibang niya kay Prinsesa Ganda para pangatwiranan ang
kalupitang ito? At muli niyang naalalang likha nga lang pala siya ng isang
Dakilang Awtor. Bagamat may halong pagtatampoy napahanga siya kung

99 ng 126

sino man ang Dakilang Awtor na ito. Siya, bilang tauhan o tau-tauhan ay
napakikilos sa anumang naisin nito. Ang lahat ng kanyang mga ginawa at
gagawin pa.

Labag man sa loob ay siyang mangyayari.

matalino ang manlilikhang iyon.

Tunay ngang

Lahat ng itoy kanyang sinusunod dahil

una pa lang ay alam na ng Dakilang Awtor kung paano siya mapasusunod.


Una pa lang. Una pa lang, ay tinuruan na siya nitong umibig. Sa lahat ng
dako at sa lahat ng panahon. Ibat-iba man ang mukha, iba-iba man ang
pangalan.

Iisa ang kislap ng pagmamahal.

Iisa rin ang kislap ng

kahibangan.

IX. Mga Sumpa

Ikinulong ni Prinsipe Manawari ang Mahiwagang Ibong Aninipot sa


gintong hawlang inumit niya mula sa mahigpit na pagkakakapit ng isang
nakatalungkong kalansay sa salansan ng butot bungo sa ilalim ng
higanteng puno. Wala na silang inaksayang panahon at nagbasta na sila

100 ng 126

pabalik sa Pulo ng Laguindingan. Hindi pa sila nakakalayo ay humaplit ang


pabugsu-bugsong napakalakas na hangin.
direksyon nila.

Isang bugso ang naligaw sa

Nahagip ng haplit ang Binansot na Balite at naiwanan

lamang ito ng isang dahong tatawing-tawing sa marupok nang sanga.


Maliwanag naman ang kalawakan at walang tanda ng namumuong bagyo.
Mula sa lumilipad na malong ay natanaw ni Prinsipe Manawari ang tila
nabulabog na mga alitaptap.

Sabay-sabay itong lumipad papataas,

papalayo sa Higanteng Puno ng Aninipot. Para itong mumunting bituin na


pabalik na sa kalawakan. Kung ano ang dahilan ng pagkabulabog ng mga
itoy palaisipan pa rin sa prinsipe.

Nagmistulang higanteng kalansay na

itim ang puno sa paglisan ng mga alitaptap.


Bumubulusok ang Magik Malong na tila nakatuklas ng panibagong
lakas ang mga palikpik ng Isdang Alapaap na nakalala rito. Hinihinuha ng
prinsipe ang tuwang maibibigay niya sa datu sa pagkahuli ng ibon.
Nakikini-kinita niya ang ligayang babalot sa katauhan ng pinuno.

Subalit

ang hindi alam ng prinsipey nasa gitna ngayon ng bangungot ang datu at
dinalaw ito ng nililimot na nakaraan.
Ang Pulo ng Laguindingan noong una, ay isa lamang lawak ng
kasukalan.

Hiniling ni Datu Puti sa mga anito na ibigay sa kanya ang

lupaing ito at sumumpang itataguyod ito hanggang sa maging isang


napakamakapangyarihang

imperyo.

Sa

tulong

ng

mga

anito

at

pagpupunyagi ni Datu Putiy naitaguyod naman niya ito hanggang sa


maging mistula itong paraiso bago nga dumating ang Tatlong Haragan.

101 ng 126

Ang Laguindingan ay naging simbolo ng isang matagumpay na pamumuno.


Liyad ang dibdib namang tinatanggap ni Datu Puti ang mga papuring iyon.
Dahil tunay ngang ang Laguindingan ay si Datu Puti at si Datu Puti ay ang
Laguindingan. Kanya ang Imperyong itong ang mga sarili niyang kamay
ang pangunahin at patuloy na lumilikha. Buong buhay niyay naialay niya
sa pulong ito.

Nasa kalagitnaan na nga siya ng kanyang gulang nang

mapagbigyan niya ang asawang magkaroon na sila ng supling. Araw-gabiy


nagsasayaw sila sa Isla-Ubando. Hindi rin sila nakakalimot manalangin at
mag-alay kay Apo Buros para mabiyayaan sila ng sanggol kahit sa gulang
nilang iyon. At talagang malakas siya kay Bathala at sa mga anito.

At

lalong umapaw ang kanyang kaligayahan nang gabing iyon ay ibalita sa


kanya ni Bai Anko na nagdadalantao na ito. Mabubuo na ang kanyang
pamilya at ang Laguindingan ang kanilang magiging habangbuhay na
paraiso.

Nasasabik siyang tinugon ang pagtulog noong gabing iyon na

nangangako ng isang napakagandang panaginip.

Subalit, sa halip ay

dinalaw siya ng isang bangungot. Bakit tila isang binata ang nagtataguyod
ngayon ng Kapuluan? Hindi siya iyon subalit parang siya? Nasaan siya?
Sino ang binatang ito? Hindi bat siya at ang Laguindingan ay iisa? Ang
Laguindingan at siya ay iisa? At siya lamang ang kailangang mangalaga sa
lupaing walang ibat siya nga rin ang lumikha. Bakit ito ngayong binatang
ito ang sinusunod ng kanyang nasasakupan? Nasaan siya? At naglakbay
ang kanyang diwa at hinanap ang sarili niya. Natagpuan niya ang sarili na
nakaratay sa banig ng karamdaman. Mistula siyang tumpok na kalansay

102 ng 126

na

sumisinghap-singhap.

Nagising

siya

sa

panaginip

na

iyon

at

nanghilakbot. Sino ang binatang iyon sa kanyang panaginip? Sino itong


nangahas pamunuan ang Laguindingan at palitan siya?

Noon din ay

ipinatawag niya ang kanyang kakambal na Catalonan. Binagabag si Datu


Puti ng nakitang bisyon ng kapatid. Ang binata sa kanyang panaginip ay
walang iba kundi ang kanyang anak. Ang hahalili sa kanya bilang pinuno
ng

Laguindingan.

Ang

kinasasabikang

pagbubuntis

ng

asawa

ay

nahalinhan ng pangamba. Gumawa siya ng paraan upang hindi matuloy


ang pagbubuntis ng asawa. Pinagawa niya ang kapatid na Catalonan ng
mga halamang-gamot na maglalaglag sa buhay na nasa sinapupunan ni
Bai Anko. Bagamat napipilitan ay sumunod ang kakambal. Alam nitong
walang makasasalangsang sa utos ng kapatid na pinuno. Isa pay utang
nito kay Datu Puti ang angking kapangyarihan. Ang datu ang humiling sa
mga anito na bigyan ng kapangyarihan ang kakambal.

Subalit sadyang

mas makapangyarihan ang kalikasan. Nagpatuloy sa paglaki ang tiyan ng


Bai.

Inalo na lamang ng Catalonan ang datu na huwag munang

mangamba dahil hindi pa naman sila nakatitiyak na lalaki ang kanyang


magiging panganay. Isa pay maaring kabaligtaran ang kanyang panaginip.
Dumating ang araw ng pagsisilang ni Bai Anko. Ang mag-asawa lamang
ang nasa torogan at ang kakambal ng datung Catalonan na magpapaanak
sa Bai.

Abot-abot ang panalangin ng datu sa mga anito.

Harinaway

babae nga sana ang isilang ng kanyang kabiyak. Magkahalong pananabik


at pangamba ang naramdaman ni Datu Puti nang hilahin na ng kakambal

103 ng 126

ang ulo ng sanggol palabas. Dahil sa hirap at sakit ay nawalan ng malay si


BaI Anko paglabas ng sanggol. Isang napakagandang sanggol na babae
ang isinilang nito.

Nag-umapaw ang kaligayahan sa puso ni Datu Puti.

Kagyat na naglaho ang kanyang pangamba at dagling niyakap ang anak.


Nangako siya sa sariling ito na ang magiging huli at katangi-tangi niyang
anak. Isang buo na silang pamilya at wala nang kulang sa kanilang paraiso.
Subalit ang kaligayahang iyon ng datu ay nahalinhan muli ng agam-agam.
Anot tila yata may hinuhugot pa ang kanyang kakambal sa sinapupunan
ng asawa? Ang kanyang agam-agam ay napalitan ng kaba nang mapansin
niya ang maliit na ulong sapu-sapo ng kapatid. Para siyang pinagtakluban
ng langit nang hawakan sa paa ng kakambal ang paa ng ikalawang sanggol
at itiwarik sa hangin.

Iyon na ang pinakamaliit na lawit na nagbigay sa

kanya ng pinakamlaking takot. Kailangan niyang mag-isip nang mabilisan.


At nagpasya siya.

BInilinan ni Datu Puti ang kakambal na Catalonan na

ilihim sa lahat lalo na sa asawa ang sanggol na lalaki. Inutusan niya ang
kapatid na palihim na itakas ang sanggol palayo sa Pulo ng Laguindingan.
Dalhin ito sa ibang lupain at doon patayin. Nabagabag ang Catalonan sa
inaalihan ng yawang kapatid. Papatay siya ng anak dahil lamang sa ayaw
bitiwang kapangyarihan. Magkahalong awa at takot ang naramdaman ng
Catalonan sa kakambal. Awa dahil nakita nito sa mga mata ng datu ang
balasik na ngumangatngat sa sarili nito dahil sa hibang na pag-ibig sa
kapangyarihan.

Takot dahil bakas din sa mga mata nito ang aanihing lupit

sa sinumang sasalangsang.

Iyong gabi ring iyon, matapos manumpa sa

104 ng 126

kapatid na babaunin ang lihim na ito sa hukay at ipatutupad ang nais ng


datu, ay itinakas papalayo ng Catalonan ang pamangkin.

Ang walang

kamuwang-muwang na sanggol na sanay magpapatuloy sa pagtataguyod


ng Paraisong Pulo ng Laguindingan.

Ikasiyam na araw nila sa gubat at

ikasampung gabi nang sunod-sunod na bangungutin ang Catalonan.


Nginitian pa siya ng sanggol ng iangat niya sa hangin ang balaraw na
pinakislap ng pupungas-pungas pang araw.

Ginising ng kakamot-kamot na bantay ang umuungol na datu. Sabik


nitong ibinalita na bumalik na si Prinsipe Manawari at dala na nito ang
Mahiwagang Ibong Aninipot. Nahalinhan ng tuwat pananabik ang hilakbot
na nararamdaman ni Datu Puti. Para itong nasalinan ng bagong lakas at
sinikap na makalabas ng torogan. Nayakap nito ang prinsipe pagkakita sa
ibong nasa hawlang gintong tangan ng prinsipe.

Agad-agad nitong

inutusan ang Ibong Aninipot na umawit na upang maumpisahan ang


paghilom sa kanyang nasasakupan.

Subalit hiniling muna ng ibon na

makapag-usap sila ng sarilinan ng datu.

Kinuha ng datu ang hawla at

ipinasok sa kanyang torogan.


Ano ang nais mong ating pag-usapan?
Hindi magiging madali ang paghilom ng inyong lupain, Mahal na Datu.
May iba pang pangangailangan bago ko masimulan ang paghihilom.
Tulad ng ano?

105 ng 126

Kailangang isalaysay nyo muna sa akin ang kasaysayan ng Lupain ng


Laguindingan.

Ang kasaysayan ng inyong bayan na aking isasaawit ang

tanging makapaghihilom dito.


Kung iyan ang kinakailangan ay matutupad.
At sinimulang isalaysay ng datu ang kasaysayan ng kanilang lupain.
Walang ibat ang kasaysayang siya lamang ang higit na nakababatid. Ang
mga hirap at pasakit.

Ang mga kabiguan at mga tagumpay.

pananakop at pagtatanggol.
pangamba.

Ang mga

Maging ang kanyang mga agam-agam at

Maging ang kanyang pinakatagu-tagong lihim. Ang kanyang

mga mali at pagsisisi.

Ang nag-iisa niyang hiling na masilayang lumaya

ang bayang ito sa sarili nitong sakit. Mataman namang nakikinig ang ibon
na tila baga isinasapuso ang lahat ng isinasalaysay ng datu.
niyaya na nito ang datu na lumabas ng torogan.

Matapos ay

Hiniling din nito na

pawalan siya sa hawlang ginto upang masimulan na niya ang pag-awit at


paghilom sa Laguindingan.
Paano kami makatitiyak na hindi ka tatakas?
Hindi ako ang makasasagot ng inyong alinlangan.
Walang nagawa ang datu kundi pawalan sa hawlang ginto ang ibon.
Ikinampay nito ang malalapad na pakpak at pumailanlang palibot sa Pulo
ng Laguindingan habang umaawit.

Nakapangingilabot ang tinig nitong

sumisigid sa kaluluwa ng mga taga-Laguindingan kasama na si Prinsipe


Manawari. At kakaiba ang awit na iyon. Sa halip na antukin at makatulog
ang mga nakaririnig ay tila lalo yatang nagigising ang kanilang damdamin.

106 ng 126

Sa yugtong iyon ay binalot ng malamyos na tinig ng Ibong Aninipot ang


buong kapuluan. Tinangay ng hangin sa paligid ang malayang himig. At
hindi namamalayan ni Datu Puti na sumasabay na siya sa awit ng Ibong
Aninipot. Maging si Prinsipe Manawriy napapahimig na rin. Nakiawit na rin
ang mga pinuno ng Laguindingan at hanggang sa ang lahat ng sakop ay
nagpailanlang na ng kanilang mga tinig.

Lumakas nang lumakas ang tinig

nila sa pagsabay sa awiting ang titik ay tila idinidikta ng kanilang kaluluwa:

Ang bayan kong Laguindingan


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Laguindingan kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita

107 ng 126

Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Nagpatuloy ang himig. Paulit-ulit. Huminto na ang Ibong Aninipot sa


pag-awit

subalit

hindi,

ang

mga

taga-Laguindingan.

Patuloy

na

pumailanlang sa hangin ang awit at narating nito ang kasuluk-sulukan ng


pulo.

Ang Ibong Aninipot naman ay muling lumibot sa kapuluan at

nagsimulang umipot. Ang bawat maiputan nito ay himalang nagbabagonganyo.

Ang mga kalansay ng patay na puno ay inusbungan ng bagong

dahon at ugat. Ang bitak-bitak na lupay naghugpong at naging mamasamasa. Ang mga ilog ay muling luminaw. Ang tuyot na bukirin ay natighaw
at umusbong ang malulusog na uhay. Unti-unting nanariwa ang simoy ng
hangin.

Lumipad

kapagdaka

ang

Ibong

Aninipot

sa

ulunan

ng

nagkalupumpong mamamayan ng Laguindingan. Nagsipulasan ng mga tao


sa takot na silay maiputan at maging mga butot bungo. Ngunit dahil hindi
napansin ng bantay ang ibon sa kanyang ulunan dahil inabala ito ng
pagkakalkal ay naiputan ito ng ibon sa buong katawan.

Nag-aalalang

minasdan siya ng mga kababayan at hinintay na maging buto.

Subalit

laking mangha nila nang masaksihang sa halip na maagnas, ang mga sugat
ng bantay ay unti-unting naghihilom. Ang maputlang kulay nitoy muling
naging kayumanggi. Matapos masaksihan ang nangyari sa bantay ay naguunahan naman sila ngayong saluhin ang babagsak na ipot ng ibon.
Maging si Datu Putiy nag-abang na rin at tunay ngang sa pagbagsak ng

108 ng 126

ipot sa datu ay nagbalik ito sa dati nitong kulay at naghilom ang sariwa
nitong

mga

sugat.

Hindi

makapaniwala

si

Prinsipe

Manawari

sa

nasasaksihang himala. Nang matiyak ng Ibong Aninipot na nagampanan


na niya ang iniatang sa kanyang tungkulin ay lumipad na ito pababa at
nagbalik sa pinagkulungang hawlang ginto. Mistula itong sugatang kawal
na mula sa digmaan. Nangangalos ito sa kabayanihang ginampanan. Mula
naman sa gitna ng di-magkamayaw sa kaligayahang mamamayan ng
Laguindingan ay maagap na lumapit si Datu Puti sa hawlang ginto at
dagling pinawalan ang mahinang-mahina nang ibon. Nag-alala ang datu sa
kalagayan ng ibon subalit huwag daw itong mag-alala dahil nakatalaga na
talagang ipalit ng ibon ang sarili nito sa anumang ginampanan.

Si

Prinsipe Manawari namay may nais pang malaman sa Mahiwagang Ibon.


Subalit ang salansan ng bungot buto sa ilalim ng Punong Aninipot?
Hindi bat ikaw rin ang may kagagawan noon?
Di yatat may pag-aalinlangan ka pa rin sa akin, Mahal na Prinsipe.
Kung hindi ikaw ay sino?
Halos gabi-gabiy iniiputan ko ang salansan ng mga kalansay na iyon
upang ibalik ang kanilang buhay. Ngunit gabi-gabi rin ay dumarating ang
Kambal-Ulong Buwitre at binubugahan ng apoy ang mga taong iyon
hanggang sa maging butot bungo muli.
Kambal-Ulong Buwitre? Naalala ng prinsipe ang ikinukuwento ng mga
Isdang Alapaap na nagbabantay sa anak ni Zephyra.
Oo. Ang Higanteng Kambal-Ulong Buwitreng Bumubuga ng Apoy.

109 ng 126

Saan naman nanggaling ang halimaw na ito?


Ito ay isa sa tatlong haragang isinumpa ng Diwata ng Kalikasan.
Nakisingit si datu Puti nang marinig ang tatlong haragan. May galit na
sumanib sa mga panga nito.
Tatlong Haragan ba kamo?
Opo, Mahal na Datu. Isinumpa ng diwata ang tatlong haragan nang
matuklasan ang pananalasa ng mga ito sa mga kagubatan. Ang haragang
naging buwitre ang pumatay sa inyong mga sakop na nagtangkang hulihin
ako.

Ang dalawang haragan ay ipinatapon sa dagat.

Ang isay naging

Mabangis na Berkakan at ang isa namay naging Dambuhalang Buwaya.


Subalit dahil nga sa ipinagbili na ng tatlong haragan ang mga kaluluwa nito
sa mga espiritu sa lalim ng lupa, ay nagkaroon pa rin ito ng lakas at
kapangyarihan.
Ang sinasabi mo bang dambuhalang buwaya ay yaong may kambal
na buntot? Tanong ni Prinsipe Manawari.
Oo, iyon din ang pumaslang sa aking ama at dumukot sa akin.
Dumukot sa iyo?
Noong akoy sanggol pa lamang.
Sa Pulo ng Maniwantiwan?
Muling nagbalik sa Mahiwagang Ibon ang malamlam na alaala mula sa
pulong binanggit ng prinsipe. Marahan itong tumango.
A-Astra?

110 ng 126

Ang ibon naman ang nagulat. Bahagyang nakaramdam ito ng


panibagong lakas. Tinitigan nito ang prinsipe nang may halong pagtataka
at pananabik.
Ikaw ang anak ni Zephyra? Pero bakit?
Kilala mo si Ina? Alam mo kung nasaan siya?
Tumango ang prinsipe.
Maari kitang dalhin sa kanya subalit Hindi itinuloy ng prinsipe ang
kanyang

sasabihin.

Ang

ipinag-aalala

niyay

kung

paano

niya

mapaniniwala si Zephyra na itong ibon na ito ang dinukot na anak.


Oo. Isinumpa rin ako ng buwitre kaya ganito ang aking anyo.
May paraan pa ba para magbalik ka sa dati mong anyo?
Ang mutia.
Mutia? Saan ito matatagpuan?
Ang mutia. Nakabaon ito sa atay ng Higanteng Buwitre.
Sa atay? Baka sa puso?
Sa atay. Walang puso ang buwitreng iyon.
Kung gayon ay kailangang hanapin natin at mapatay ang buwitre.
Saan natin ito matatagpuan?
Sa Higanteng Puno ng Aninipot. Doon din sa pinaghulihan mo sa
akin.
At ngayon naalala ni Prinsipe Manawari ang dahilan ng malakas na
hangin at pagkabulabog ng mga alitaptap noong gabing paalis na sila sa
kinahulihan ng ibon.

111 ng 126

Sumumpa ako sa iyong ina na ibabalik ka sa kandungan niya.


Kailangang mapatay ko ang buwitreng iyon! Higit ay sa sarili sinasabi ni
Prinsipe Manawari ang mga katagang iyon.
At ang mga kalansay ng aking sakop? Muling sumingit si Datu Puti.
Huwag kayong mag-aalala, Mahal na Datu.

Ibabalik namin ang

magigiting na anak ng Laguindingan.


Muling niyakap ng datu ang prinsipe. At muli rin niyang ihinayag dito
ang pangakong ibibigay nito ang Laguindingan sa prinsipe kapalit ng
pagdadala niya ng Ibong Aninipot.

Subalit

muli ring tinanggihan ng

prinsipe ang alok ng datu. Kinamayan ni Datu Puti si Prinsipe Manawari,


tanda ng paggalang at paghanga na rin.

Isinumpa nitong tutuparin ang

kanilang

Ngayong

pinagkasunduan

ng

binata.

naghilom

na

ang

Laguindingan at ni bakas ng anino ng pesteng sakit ay wala na, wala nang


dahilan para hindi bumalik ni Prinsesa Ganda.

Nangako pa ang datu ng

isang pinakamasigabo at pinakamahabang pagdiriwang sa pag-iisangdibdib nina Prinsipe Manawari at Prinsesa Ganda. Ngayon pa lamang ay
nag-uumapaw na ang dibdib sa galak ng bayani na ngayong prinsipe.
Subalit maging ang iyon ay makapaghihintay.

Muling nagpaalam ang

prinsipe upang tupdin ang isa pang sinumpaan. Kailangang maibalik niya
si Astra kay Zephyra. Subalit iyon ay kung mapagtatagumpayan nila ang
pagpatay sa buwitreng may hawak ng mutiang magpapalaya sa sumpa kay
Astra. Nais pa sanang pigilin ng datu ang prinsipe para sa isang
masigabong pagdiriwang subalit ayaw nang sayangin ng prinsipe ang

112 ng 126

panahon. Nais niyang bago bumalik si Prinsesa Ganda sa Laguindingan ay


wala na siyang iba pang iintindihin. Walang nagawa ang datu kundi hayaan
ang prinsipe sa anumang desisyon nito. Hinandog na lamang ng datu sa
prinsipe ang isang kampilang pinanday ng talim ng kidlat at itinubog sa
kumukulong dugo ng bulkan.. Handog ito sa datu ng ninunong si Agyu at
sa katwiran niyay dapat na mapunta ito sa prinsipeng nagligtas sa kanila.
Magagamit raw ito ng prinsipe sa pagpaslang sa Dambuhalang Buwitre. At
muling nagyakap ang dalawang malapit nang maging magbiyenan.
Nakasakay na sa Magik Malong sina Prinsipe Manawari nang may
namataan

silang

isang

puting

ibong

tila

hinang-hina

sa

paglipad.

Lumagpak na lamang ito sa kanilang paanan at nagkikisay.


Ang Nori! Bulalas ni Datu Puti.
Ang Nori ang mensaherang ibon ni Prinsesa Ganda. Tiyak na may
mensahe ito para kay Datu Puti. Dali-dali namang pinakuha ng datu ang
kanyang bantay ng tubig mula sa Ilog-Himasmas. Kapagkuway binuhusan
ng

tubig-ilog

ang

nawalan

ng

malay

na

ibon.

Matapos

itong

mahimasmasan ay ibinigay na nito sa datu ang mensaheng mula kay


Prinsesa Ganda.

Galing daw ang Nori sa napakahabng paglalakbay.

Dalawandaan tatlumput apat na araw itong walang tigil sa pagkampay.


Maikli lamang ang mensahe ng Nori.
napakalayong lupain.

Si Prinsesa Ganda raw ay nasa

Nasa mabuti naman daw itong kalagayan.

Sa

katunayan ay nakatagpo na ito ng makakaisang-dibdib at anumang


sandaliy maaring magpakasal na.

113 ng 126

Ang dapat sanang mas lumigayang datu ay parang sinilaban ng


lungkot.

Hindi para sa kanya kundi para kay Prinsipe Manawari na

kaninang pinangangakuan niya ng masigabong kasal ay hindi niya


mailarawan ang tuwang nagsasayaw sa mukha nito. Tahimik ang lahat at
nakatitig lamang kay Prinsipe Manawari.

Wala silang mahagilap na salita

na maaring makapagpakalamay sa kalooban nito.

Subalit wala silang

mabanaag na lungkot sa mukha ng prinsipe. Walang makapanghula kung


ano ang laman ng isip nitot kalooban. Walang anu-anong tumitig lamang
ito sa kawalan. Tumanaw sa malayo at tumitig sa kawalan.
Walang nagawa ang lahat kundi ang makititig sa inaabot ng tanaw ng
prinsipe.
ulap.

At may nahagip ang mga mata nilang tila isang dambuhalang

Putim itong tila nakikidalamhati sa naunsyaming kapalaran ng

prinsipe.

At hindi nagkasya ang ulap nito sa pangulimlim at tila nais pa

nitong lapitan at yakapin ang prinsipe. Dinadaya ba sila ng kanilang mga


mata? Anot tila nga bumubulusok pababa ang ulap? Subalit anong ulap
ito na tila yata may kumakampay na pakpak!?

At may ulap bang may

kuko? At bakit umaalulong ang tisikong aso?


Ang Kambal-Ulong Higanteng Buwitre!
Nagpulasan ang mga tao subalit hindi para magtago. Pagbalik ng mga
itoy may kanya-kanya nang mga sandata. Papadagit ang buwitre habang
bumubuga-buga ng apoy.

Pagtapat nito kina Datu Puti ay inilaglag ang

malaking lambat na yari sa baging.

Kumalat ang mga butot

bungong

laman nito. Nag-init ang punong-tainga ni Datu Puti sa paglapastangan ng

114 ng 126

buwitre sa kalansay ng kanyang mga sakop. Idagdag pa na ang buwitreng


ito ay siya ring isa sa mga haragang lumansi sa kanya. Inagaw ni Datu
Puti ang hinandog nang kampilan kay Prinsipe Manawari at maliksi nitong
sinugod ang nasa ereng buwitre. Tila lawin ang datung pumailanlang dala
ng kapangyarihan ng kampilan.

Hindi naman nakakilos agad ang

nagulantang na buwitre at sa isang tigpas ay gumulong ang isang ulo nito


sa lupa tulad ng isang sinungkit na buko. Nakabuga naman ng apoy ang
isa pang ulo ng buwitre at nahagip ang hindi agad nakailag na datu.
Nahulog ang datu at nag-aapoy ang bisig nitong may tangang kampilan.
Agad na sumaklolo si Prinsipe Manawari at kinuha niya sa kamay ng datu
ang kampilan.

Lumulan siya sa Magik Malong at pumailanlang para

makipagtunggali sa Higanteng Buwitreng iisa na ngayon ang ulo. Ang mga


mamamayan naman ng Laguindingan ay nakaabang sa ibaba, handa na
ang mga sandata. Panaka-nakay binubugahan ng apoy ng buwitre ang
mga ito at di iilan ang nasunog at nasugatan. Subalit walang umaatras.
Lahat ay handang magpakamatay sa pagtatanggol sa kahihilom lang na
bayan.

Umaatikabong bakbakan ang naganap sa pagitan ni Prinsipe

Manawari at Higanteng Buwitre.

Dahil hindi makalapit sa buwitre ang

handang lumabang mamamayan ng Laguindingan ay nagsilbing tagapugay


ang mga ito ng prinsipe. Nakamata lamang ang sugatang datu subalit sa
bawat pag-unday ng kampilan ng prinsipe ay ramdam niyang siya na rin
ang nasa katauhan ng prinsipe. Magkahalong pangamba at pananabik ang
nadarama ng bawat isa.

Isang binata ang biglang umakyat sa atip ng

115 ng 126

torogan ni Datu Puti at kinalas ang bandila ng Laguindingan. Mabilis itong


bumaba at sumakay kay Kalabawbibaw.
habang

taas

noong

iwinawagayway

Pinalibot-libot nito ang kabaw

ang

bandila

ng

Laguindingan.

Namataan ito ng buwitre at lalong bumalasik ang mga mata nito sa galit.
Saglit na iniwan nito ang katunggaling prinsipe at lumipad sa direksyon ng
binatang nagwawagayway ng bandila. Sa isang halihaw ng matutulis na
kuko nito ay nahagip ang kanang braso ng binatang may hawak na bandila.
Namula ang kayumangging lupang binagsakan ng putol na bisig ng
binatang may tangan pa ring bandila. Mabilis ang pangyayari at hindi agad
nakasaklolo si Prinsipe Manawari. Hindi naman bumakas ang hilakbot sa
mukha ng binata at para ngang wala namang nangyari. Dagli pa nga itong
bumaba ng kabaw at pinulot nito ng kaliwang kamay ang bandila. Dagli rin
itong sumakay muli sa kabaw at ipinagpatuloy ang pagwawagayway.
Nakaramdam ng panliliit si Prinsipe Manawari sa ipinamalas na katapangan
ng binata. Lalo namang nagalit ang buwitre sa inasta ng binata at handa
na nitong daluhungin ito at gawaran ng kamatayan.

Subalit mabilis na

humarang ang nag-aapoy na rin sa galit na prinsipe. Inundayan niya ng


ubod-lakas na tigbas ang buwitre at nahagip ito sa kanang pakpak.
Gumaspang ang lipad ng dambuhala ngunit nakapaninimbang pa rin ito
nang maayos. Dinaluhong nito si Prinsipe Manawari sabay buga ng apoy.
Nahagip ang prinsipe subalit hindi siya nasunog dahil sa suot na baluting
yari sa buhok ni Zephyra.

Ang Magik Malong ang nadilaan ng apoy.

Nagpagewang-gewang ang lipad nito subalit saglit lang dahil madali naman

116 ng 126

nitong nasulsihan ang sariling binutas ng dila ng apoy.

Humanda ang

prinsipe sa panibagong pagsalakay. Nakatalalan sa hangin ang nakaamba


nitong kampilan. Wala na siyang balak patagalin ang labang ito tulad ng
pagtutunggali nila ng Dambuhalang Buwaya sa Dagat ng Maniwantiwan.
Ngayon pang handa na siyang mamatay dahil ano nga ba ang halaga ng
buhay gayong hindi na mapapasakamay niya si Prinsesa Ganda, ang
kanyang pinakamamahal? Hindi na siya nagtatanggol na lamang kundi siya
na ang handang sumila. Ang mga tulad ng kalaban niyang ito ang sumisira
sa buhay nila.
tanong.

Siya o ang buwitre?

Ito lamang ngayon ang

nag-iisang

At handa na niyang tuklasin kung ano man ang sagot.

Nag-

aabang naman ang handang-handa ring buwitre sa kanya. Mula sa


kalangitan ay gumuhit ang isang napakatalim na kidlat. Lumandas ito sa
talim ng kampilan. Nakamulagat ang lahat at nag-aabang sa manyayari.
Tanging ang mga dibdib ng mga ito ang pumipintig. Maging ang hangin ay
tila inimpit ang paghinga.
palipad

si

Prinsipe

Mula sa kinalululanang malong ay lumundag

Manawari.

Sinalubong

siya

ng

daluhong

ng

Dambuhalang Buwitre. Sa kanilang pinagtagpuan ay nagpingkian ang mga


kukot kampilan.

Nasaksihan ang bilis ng mga kilos at pag-ilag.

Nagsalpukan ang mga lakas at kapangyarihan. Hanggang sa balutin ang


dalawang mandirigma ng makapal na usok ng labanan. Biglang tumigil ang
lahat.

Maging ang kaninang pintig sa dibdib ng mga saksi ay hindi na

mararamdaman. Tuluyan nang tumigil ang hangin sa paghinga.

117 ng 126

Mula sa nalikhang usok ng labanan ay may nalaglag na pahabang


telang isinayaw muna ng manipis na hangin bago lumapag sa lupa. Ang
Patola Kaorayan! Kasunod nito ay humaginit pababa ang isang katawan.
Mabilis naman itong nakabangon kahit laylay ang duguang bisig. Kasunod
nitoy ang malakas na galabog. Nayanig ng tila lindol ang lupa sa pagsalo
sa ulong pugot ng buwitre at wala nang buhay nitong katawan. Sa dibdib
ng dambuhala ay nakatarak ang taas-noong kampilan! Saka pa lang
nakahinga ang hangin at umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng
tagumpay.
Inot-inot na gumapang si Prinsipe Manawari sa kinatimbuwangan ng
Dambuhalang Buwitreng Wala Na Ngayong Ulo.
nakaumbok na pitso nito.

Inakyat niya ang

Tinantiya niya kung saang bahagi nito

matatagpuan ang atay na kinababaunan ng mutiang magpapalaya sa


sumpa sa Ibong Aninipot. Hinugot niya ang nakatarak na kampilan. Inubos
niya ang natitirang lakas at muling ibinaon ang humahaginit na kampilan.
Nakangingilo ang nawawakawak na balat at laman ng patay nang
dambuhala. Ibinaon ni Prinsipe Manawari ang brasot kamay sa nawakwak
na dibdib ng buwitre. Nang iahon niya ang duguang kamay ay may bilog
na kuminang sa dulo ng kanyang mga daliri.

Muli na namang

umalingawngaw ang sigawan sa pagkabawi ng prinsipe sa mutia.


Malugod na inihandog ni Prinsipe Manawari ang mutia sa Ibong
Aninipot.

Subalit bago nito lulunin ang mutia upang magbalik na ito sa

dating-anyo, ay sinikap nitong makalipad sa nagkalat na butot bungo ng

118 ng 126

magigiting na anak ng Laguindingan. Humugot ito ng malalim na hininga


at sinimulang humimig ng isang awit.

Subalit dahil siguro sa matinding

panghihina ay wala nang lumabas na tinig sa ibon. Nagkakandaluha na ito


ngunit mga paos na ik-ik na lamang ang nalilikha ng lalamunan. Tuluyan
nang napahagulgol ang ibon sa kabiguan nitong mabigyang-buhay ang
mga kalansay.

Nahahabag namang nilapitan ni Datu Puti ang ibon.

Hinagod-hagod ito sa likod upang ipadamang labis-labis na ang nagawa


nito para sa Laguindingan.

Sinabi pa ng datung hindi kabawasan ng

kabayanihan ng mga ito ang naging kamatayan ni ang pagkabigong


madala sa lupain ang ibong magiging lunas. Ipinag-utos na lamang ng datu
na imisin na ang mga kalansay at bibigyan nila ito ng marangyang libing.
Iniutos din nitong gamutin na ang mga tulad niyang sugatan.
Muling inabot ni Prinsipe Manawari sa ibon ang mutia. Tinanggap na
ito ng ibon at dahan-dahang nilunok.

Hindi makapaniwala ang lahat sa

nasaksihan. May dumapong kung anong liwanag sa ibon matapos nitong


malunok ang mutia. Unti-unti, ay nagbago ang anyo ng ibon. Nawala ang
mga pakpak at pumalit ay mga bisig.
napakahabang buhok.

Ang balahibo sa uloy naging

Nalagas ang mga balahibo sa katawan at naging

napakakinis na kutis. Lumubog ang tuka at bumadha ang may bahagyang


kakapalang rosas na labi. Mula ulo pababa ay unti-unting nag-anyong tao
ang ibon.

Subalit ang hinihintay ni Prinsipe Manawari ay hindi naganap.

Ang inaasahan niyang maninipis na binti ng ibon na magiging buntot ng


isda, ay sa halip ay naging hitat binti at maliliit na paa. At tumambad sa

119 ng 126

kanila ang isang kagandahang kaiinggitan ng nakatanghod na mga bituin.


Parang nabatobalani si Prinsipe Manawari at di namalayang kaharap na
pala niya si Astra at nakangiting nagpapasalamat sa kanya. May nais
sumungaw na kislap sa mga mata niya subalit may kung anong panimdim
na humila rito paloob.

X. Ang Rebelasyon

Walang mga taot hayop sa lahat ng tahanan sa Pulo ng laguindingan.


Ang lahat ay nagkalupumpon sa may pangpang.

120 ng 126

Lahat ay nais

makadaupang-palad ang mga lilisan. Magkahalong lungkot at ligaya ang


nadarama ng bawat isa.

Muling niyakap ni Datu Puti ang prinsipeng

itinuturing na niyang anak ng Laguindingan.

Muli niyang inulit ang alok

ditong mamuno sa pulo. Muli namang tumanggi si Prinsipe Manawari. Sa


katunayan ay isinoli niya sa datu ang makapangyarihang kampilan ni Agyu
sa pag-aalalang hindi pa tapos ang panganib na nagbabanta sa pulo. May
isa pang haragang hindi napapatay. Hindi rin naman niya magagamit pa
ang kampilan dahil matapos maihatid si Astra kay Zephyra ay babalik na
rin siya sa Kaharian ng Hansen. Susubukan niyang dugtungan ang pinutol
niyang relasyon sa kabiyak.

Muling humingi ng paumanhin ang datu sa

hindi niya sa hindi niya inaasahang pag-aasawa ni Prinsesa Ganda.


Tinugon lamang ito ng matipid na ngiti ni Prinsipe Manawari. Bago umalis
ay iginala ni Prinsipe Manawari ang mga mata sa paligid. Sa mga taong
bagamat ang karamihan ay hindi pa nakakatakas sa nagdaang hilakbot, ay
maaaninawan naman ng matatag na pananalig.
binatang may benda ang putol na kanang braso.

Napansin niya ang


Natuwa siya dahil

hanggang ngayon ay tangan pa rin nito ang bandila ng Laguindingan.


Nilapitan niya ang binata.

Hinubad niya sa pagkakabigkis sa noo ang

Patola Kaorayan at ibinigkis ito sa noo ng matapang na binata. Saka niya


ito kinamayan.
Magbubukangliwayway at pumailanlang na sina Prinsipe Manawari
patungo sa Pulo ng Maniwantiwan.

Mula sa kinalululanang malong,

tinapunan ng prinsipe ng huling sulyap ang Pulo ng Laguindingan. Tila ito

121 ng 126

maliit na nunal sa nguso ng dagat na dinadampian na ng halik ng Haring


Araw.
Magbubukangliwayway nang lumisan sila sa Pulo ng Laguindingan.
Papalubog naman ngayon ang araw nang matanaw na nila ang Pulo ng
Maniwantiwan. Minasdan ni Prinsipe Manawari si Astra. Bakas sa mukha
nito ang pananabik tulad ng sanggol na kinakaon ng ina sa duyan.
Isinasayaw ng hanging amihan ang mangasul-ngasul nitong buhok na tulad
ng sa ina.

Ang mga mata nitong tila mutia ay may linaw at kislap na

banayad sa sinumang tumitingin. Napansin ng babae na nakatitig sa kanya


ang prinsipe. Nginitian niya ito at nanghigop ang dalawang ipo-ipo nito sa
pisngi.

May gusto na namang sumungaw na kislap sa mga mata ng

prinsipe.

Sinaway ito ng prinsipe sa pamamagitan ng pagbabaling ng

atensyon sa tatlong hayop pa nilang kasama. Hinagod-hagod kunwari ang


sungay ng kabaw, inayos ang pagkakasalabid ng pakpak ng manok at
pinunasan ng Mosala ang muta ng aso. Nagulat ang prinsipe sa kanyang
ikinilos. Ano ba ito at pati ang tinatangi kong Mosala ay naipampunas ko
ng muta?

Nasabi niya sa isip. Si Astra naman ang parang napahiya at

idinako na lang din ang tanaw sa lumilinaw nang guhit ng pulo.

Ilang

sandali pay lalapag na sila sa kanyang kinawalayang sinilangan.


Buong-akala ni Prinsipe Manawariy nakita na niya ang pinakamatayog
na kaligayahan sa mamamayan ng Pulo ng Laguindingan.

Subalit nang

masaksihan niya ang pagyayakapan ng mag-inang muling nagtagpo, ang


sapantaha niyay napasubalian. Maging ang tatlong hayop ay nadama ang

122 ng 126

dumapong kaligayahang iyon.


pamamaalam.

Ang sumunod ay ang malungkot namang

Bago lumisan ay may inilabas si Zephyrang damit.

Sinulsihan pala niya ang nagkapunit-punit na damit ni Prinsipe Manawari


noong itoy napalaban sa dambuhalang buwaya.

Ibinigay ito ni Zephyra

para madala ng prinsipe sa pagbalik nito sa Kaharian ng Hansen. Subalit


nagpasya na rin ang prinsipeng isuot na ito.

Hinubad niya ang baluting

handog ni Zephyra. Ayaw sana itong ipahubad ng sirena subalit sinabi ng


prinsipeng hindi na niya ito gagamitin. Matapos ang lahat ay babalik na
siya sa kaharian upang hindi na muling lumisan pa. Wakas na ng kanyang
paglalakbay. Wakas na ng kanyang pagkahibang.
Hinimok ni Astra si Prinsipe Manawari na doon na magpalipas ng
magdamag at kinabukasan na ng umaga ipagpatuloy ang paglalakbay.
May bahagi man sa katauhan ni Prinsipe Manawaring nais pagbigyan ang
dalaga ay tinatalo ito ng isang katwirang siya lamang ang nakababatid.
May sumungaw na lungkot sa kaninang pagkasaya-sayang mga mata ng
dalaga.

Lumulukob ang dilim at nagsimula na namang kumampay ang

mga palikpik ng Isdang Alapaap sa laylayan ng Magik Malong. Ibinigay na


ng mga ito ang lahat ng lakas para sa inaasahan nilang huli nang
paglalakbay. Lumiit nang lumiit ang pulo sa paningin ni Prinsipe Manawari.
May malamlam na kislap sa pinakamadilim na bahagi nito.

Pusikit kaya

iyon ng mutiang mata ni Astra? Kung panibago man iyong Bugtong ng PagIbig ay ayaw na niyang tugunin pa.

123 ng 126

Kudlit na nunal na lamang ang Pulo ng Maniwantiwan sa malapad na


mukha ng dagat. Walang nakaaalam sa iniisip ni Prinsipe Manawari subalit
malinaw na ngayon na ang kanyang mga matay naakit ng mga tanawin
nang muli nilang madaanan ang Pulo ng Laguindingan. Nasa ganito siyang
pagkamangha ng salakayin ng dambuhalang berkakan.
Hindi malaman ng tatlong hayop kung anong lintik ang tumama sa
kanilang amo-kaibigan.

Sa isang iglap ay lumubog ito kasama ng

sumakmal na halimaw.

Lumapag ang Magik Malong sa pampang at

inantabayanan ng tatlong hayop ang paglutang ng prinsipe. Makalipas ang


ilang sandali, ang warat-warat lamang na

kasuotan ng prinsipe

ang

iniluwa ng dagat.
Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga hayop. Kinagat ng tisikong aso
ang isang daliri ng kabaw na parang pinitpit na luya.

Kinalahig ng

alimbyuging manok ang buhangin sa pampang at ihinulog ng mga ito ang


daliring parang luya at saka tinabunan.

Lumusong si Kalabawbibaw at

lumagok ng tubig-dagat. Ibinuga nito ang tubig sa pinagtaniman ng piraso


ng kanyang daliri sa paa. Maya-maya pay may tumubong halamang gabi
sa kanilang pinagtaniman.

Ilang saglit pay namunga naman ito ng

mangga. Nang pipitasin na nila itoy naging hinog na papaya. Bigla itong
lumagpak sa lupa at naging isang napakagandang dalaga!
Hindi nag-aksaya ng panahon ang dalaga at sumisid ito sa dagat.
Makalipas ang mga sandaliy umahon ito dala ang pira-pirasong buto ni
Prinsipe Manawari. Ikinumot ng dalaga ang Magik Malong sa mga buto ng

124 ng 126

prinsipe at dagling tumalikod ang babae at biglang naglaho. Tumilaok ang


alimbyuging manok at gumalaw ang mga buto. Ang tisikong aso naman ay
tumahol nang dalawang ulit saka nito kinahig ang mga buto.
Anong sarap ng tulog ko. Bulalas ni Prinsipe Manawari matapos
hawiin ang Magik Malong at bumangon.
Parang wala namang nangyaring nagpatiuna na ang tatlong hayop sa
pagsakay sa malong dahil alam ng mga itong kailangan ng

prinsipeng

magpatuloy sa paglalakbay-pauwi.

Ganito ring oras nang lisanin niya ang Kaharian ng Hansen. Sa balkon
ng kanilang kuwarto niya pinalapag ang Magik Malong.

Maingat siyang

pumasok sa kuwarto at nadatnang nahihimbing pa rin ang iniwang kabiyak.


Ganitong-ganito pa rin ang ayos nito katulad nang kanyang iwan. Hindi
tulad sa masama niyang panaginip, hindi nga nito suot ang salaming
sapatos. Subalit baka naman hindi talaga siya lumisan at ang lahat ng iyon
ay isang napakasamang panaginip lang?

Gusto na sanang maniwala ng

prinsipeng ganoon nga subalit nasulyapan niya ang nakadungaw na kabaw,


aso at manok sa labas. Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang
kabiyak.

Halos nakapitong pagpapalit ng buwan siyang nawala ngunit

walang pinag-iba ang prinsesa. Tinangka niyang hagkan ito sa noo at ilulan
sa halik na iyon ang kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad.

Subalit

ngayon siya nakadama ng matinding agam-agam. Isinapo na lang niya ang


palad sa pisngi ng kabiyak at hinagod ng hinlalaki ang mamasa-masang

125 ng 126

pilikmata nito. Naalimpungatan ang prinsesa at nagtangkang tumalilis ang


prinsipe. Ngunit huli na. Nagising na at bigla itong napabalikwas pagkakita
sa kanya. Hindi siya makatitig ng tuwid sa pinagkasalaang kabiyak subalit
nahagip niya ang matinding pananabik sa mga mata nito.
Alam kong babalik ka. Babalikan mo ako.
Parang dinudurog siya ng mga katagang iyon.

Nais man niyang

isatinig ang pagsisisit paghingi ng tawad ay walang mahagilap na kataga


ang kanyang dila. Pinilit niyang ipatalastas sa mata ang hindi masabi ng
kanyang dila.

Wala namang bahid ng paninisi sa parte ng kabiyak ni

paninikis kaya. At tila baga may bahagi rin itong kasalanang iniinda.
Kasalanan ko rin, aking mahal. Maluha-luhang nasambit ng prinsesa.
Nabahiran naman ng pagtataka ang prinsipe. Hinawakan niya sa baba
ang kabiyak at inangat ang nakatungong ulo nito at ihinarap sa kanya.
Tuluyan nang humagulgol ang kabiyak. Wala sa loob ng prinsipeng nahugot
ang Mosala sa dibdib at ipinampahid sa naglalandas na luha ng kabiyak.
Inagaw ng kabiyak ang Mosala sa kamay niya at bagamat hilam sa luha
ang mga matay pinilit itong ititig nang tuwid sa mga mata ng prinsipe.
May kailangan kang malaman, aking mahal.
Nagugulumihanan pa ring pinagmasdan ng prinsipe ang kabiyak
habang tangan nito ang Mosala at tila binabasa ang intrikadong gantsilyo
ng panyo. Ang mga sumunod na tagpoy nakapagpanindig ng balahibo ng
prinsipe. Mula sa Mosala ay may bumukal na matinding liwanag. Binalot
ng liwanag na iyon ang kabiyak.

Iniangat ng liwanag ang prinsesa sa

126 ng 126

hangin.
kama.

Napakapit nang mahigpit si Prinsipe Manawari sa kinauupuang


Sa harap niya ay ang nakalutang na prinsesang balot-balot ng

mahiwagang liwanag.

Muli niyang napagmasdan ang kabuuan nito. Ang

balingkinitang pangangatawan.

Ang kulay-niyebeng kaputian.

Ang

nakapusod na ginintuang buhok. Ang mga matang tila diamante. Subalit


sa isang sambulat muli ng liwanag mula sa Mosala ay masasaksihan ng
prinsipe ang isang kagilagilalas na pagbabago sa nakalutang na kabiyak.
Ang balingkinitang pangangatawan ay ganoon pa rin subalit ang kulayniyebeng kaputian ay naging kayumangging aligatan. Ang nakapusod na
ginintuang buhok ay nalugay at umalong tila dagat na itim.

Ang mga

matang diamante ay naging mutia ng kailaliman. At dahan-dahan. Ang


walang saping paa ay banayad na lumapag sa sahig. Naglaho ang liwanag
na bumabalot sa prinsesa at nilulukob ito ngayon ng pag-aalala kung ano
ang magiging reaksyon ng kabiyak na prinsipe. Ang tatlong hayop naman
na kaninay nag-uusyoso lang ay nanghahahaba ngayon ang leeg at
nandididilat ang mata. Umurong naman yata ang dila ng prinsipe.
P-Prinsesa G-Gan-da?
Tumango ang kabiyak.
Akala ko kasiy hindi mo ako maiibig sa ganitong anyo. Na kailangan
ko pang magbalat
Pinigil ng prinsipe ang ano pa mang sasabihin nito. Niyakap nito nang
sakdal higpit ang kabiyak na parang dinarama ang kanyang kabuuan o
kapunuan sa piling nito. Kung may nakakikilala man ng salitang ligaya, ay

127 ng 126

tiyak na si Prinsipe Manawari na iyon.

Subalit hindi. Hindi ligaya. Ang

ligaya ay isa lamang ordinaryong damdamin.

Ang nadarama ni Prinsipe

Manawari ay higit pa sa damdaming iyon. Higit pa sa lahat ng damdaming


nakikilala ng daigdig.

Isang damdaming abot-abot kung saan at tunay

ngang magpahanggang kailan pa man.

At walang paglagyan ang

damdaming ito at kailangan niyang isalin sa iba.

Sino ang unang dapat

makahati sa kanyang nadarama? Naisip niya ang Amang Haring Bacocos


at Inang Reyna Bicuda. Subalit bukod sa ayaw muna niyang abalahin ang
mga magulang ay hindi pa niya alam kung paano tatanggapin ng mga ito
ang mabilis at mahiwagang pangyayari.

Naisip niya si Merlin.

Kung

mayroon man sa kaharian na makauunawa sa pangyayaring iyon, ito ay


walang iba kundi si Merlin. Hihilahin na sana ni Prinsipe Manawari ang
kabiyak para dalhin kay Merlin subalit hindi na pala kailangan. Narito na ito
at nakatitig sa kanilang dalawa. Tuwang-tuwang niyakap ng prinsipe ang
itinuturing na ring matalik na kaibigan. Hindi nga bat mula pagkabatay si
Merlin na ang kanyang kasa-kasama?

Ito ang nagturo sa kanyang

bumasat magsulat. Umakyat sa puno at humawak ng espada. Ito rin ang


tanging nakababatid ng kanyang katatapos na paglalakbay. At ito rin dapat
ang una niyang maging kahati sa tagumpay.

Tinanggap ni Merlin ang

mahigpit na yakap ng prinsipe. Subalit hindi upang makihati sa nadarama


nitong kaligayahan.

Mahigpit din nitong niyakap ang prinsipe dahil sa

nagbabadya na naman ditong pasakit at kalungkutan.

Niyakap niya ito

tulad ng pagyakap kapag itoy nadadapa at nasusugatan.

128 ng 126

Katulad ng

pagyakap nang magpaalam ito sa kanya sa binabalak na paglalakbay.


Katulad ng pagyakap noong sanggol pa ito at itinatakas niya sa inaalihan
ng yawang amang datu. Katulad ng pagyakap sa madidilim na gabi nila sa
kagubatan. Katulad ng pagyakap matapos mabitiwin ng nanginginig niyang
kamay ang balaraw na itatarak sana sa nakangiting sanggol.

Katulad ng

pagyakap nang matagpuan sila at bihagin ng mga kawal ng Haring


Bacocos. Katulad ng pagyakap nang araw na pumayag siyang ampunin ito
ng di magkaanak na hari at reyna. Katulad ng pagyakap ng may hawak ng
katotohanang patalim na puputol sa kayilap na kaligayang nadarama
ngayon ng niyayakap.

Kailangan niyang yakapin nang ganoon ang

pamangkin dahil alam niyang ang katotohanan ay hindi lagi nang


nagpapalaya.

Kung minsan, ang katotohanan ay ngumangatngat ng

kaluluwa.

129 ng 126

Epilog: Sic Itur Ad Astra

Mabituing-mabituin ang gabi. Bughaw at putim ang kalawakan.


Malamlam ang anino ng mga burol.

Natutulog na ang mga daffodils.

Pinagmamasdan ni Prinsipe Manawari mula sa kinalululanang Rinamentaw


Mapalaw ang isinaboy na mga bituin. Ngayon ay nauunawaan na niya kung
ano ang gustong sabihin ng mga ito sa kanya. Kung paanong ang mga itoy
nagtitiis sa kanilang katinuan.

Kung paanong sinusubok ng mga itong

palayain siya. Subalit hindi siya nakikinig. Hindi siya nakikinig dahil hindi
niya alam kung paano. Maaring ngayoy makinig na siya. Naramdaman
niya ang marahang dampi ng palad ni Prinsesa Ganda sa kanyang balikat.
Kinuha niya ang palad nito at pinisil. Nagpakawala ng maramot na ngiti
ang kakambal.

Kailangan niyang suklian ang ngiting iyon.

Hindi siya

maaring magmagaling sa kalungkutan. Ang prinsesa may nawakwakan din


ng kaluluwa. At ngayon nila kailangan muling humalukay ng tatag ng loob.
Dahil sa uuwian nilang bayang sinilangan ay may nilalandi ang hangin.
Dinampi-dampi ng hangin ang malamig nitong labi sa pisngi ng tatawingtawing na ulilang kahel na dahon ng Binansot na Balite. Kinilig ang dahon
at nadupilas sa kinatitindigang manipis na sanga. Isinayaw muna ito ng

130 ng 126

hangin bago lumapag sa malamig na labi ng datu. Natakpan ng dahong


kahel ang mapayapang ngiti ng pamamaalam.
Nakailang palit na ng buwan mula noon. Nasa dila ng pangpang si Hari
Manawari. Katatapos lang pag-isahing-dibdib ni Merlin sina Prinsesa Ganda
at ng binatang isa ring bayani ng Laguindingan.

Sa binatang putol ang

kanang braso at nakapatay sa Dambuhalang Berkakang sumalakay sa pulo


kamakailan

lamang.

Tinakasan

sumandali

ni

Hari

Manawari

ang

masigabong pagdiriwang. May makati sa isip niyat dibdib.


Nilalanghap ng hari ang hanging amihang hatid ng payapang dagat.
Napatitig siya sa pusikit ng ulilang bituing nakahiwalay sa pumpon ng
nagniningningang mga tala sa kalawakan. Tila ito nagpapakupkop sa kanya.
Natakpan ang panginoring iyon ng isang di niya mawaring bagay na
lumilipad.

Papalapit ito sa kanya.

Lumukso ang kanyang puso nang

mapagsino ang papalapit. Ang Magik Malong! Lulan nito si Kalabawbibaw,


ang alimbyuging manok na may napakahabang buntot at ang tisikong aso.
Hindi na pinalapag ng mga ito ang Magik Malong sa halip ay kinumbatan si
Hari Manawari na lumulan na. Pagkasakay na pagkasakay ng bagong hari
ng Laguindingan ay tila kidlat na pumagaspas ang mga palikpik ng Isdang
Alapaap.
Sa isang iglap ay tanaw na ni Hari Manawari ang pamilyar na pulo sa
pusod ng Dagat Maniwantiwan. May malamlam na kislap sa pinakamadilim
na bahagi nito. Pusikit kaya iyon ng mutiang mata ni Astra? May biglang
nais sumungaw na kislap sa mga mata ng hari. Hindi na niya ito ito hinila

131 ng 126

paloob. Napahalik na lamang siya sa kanyang kamao. Nasalat ng kanyang


nasasabik na labi ang isang matigas na bagay sa kanyang daliri.

Ang

gintong singsing-ita! Napatingin si Hari Manawari sa singsing at sa kaunaunahang pagkakataon ay nakita


palasingsingan.

niya

itong

nakapirmi

sa

kanyang

Lumilinaw na ang guhit ng pulo at tumitingkad ang

kaninay malamlam na kislap na natatanaw ni Hari Manawari. Hinugot niya


ang singsing sa daliri at ihinagis sa dagat. Takang-taka ang tatlong hayop
sa ginawa ng hari.
Walang

bakas

ng

Nakangiti lamang ang nasasabik na Hari Manawari.


panghihinayang

sa

huling

kahilingang

maaring

mapasakanya. Humugot lamang siya ng malalim na hininga at tumingala


sa mabituing kalangitan. Subalit humiling na rin siya.

Harinaway makaya

niyang sungkiting mag-isa ang bituing maykislap ng mutia ang mata.

132 ng 126

You might also like