You are on page 1of 30

EL FILIBUSTERISMO BILANG EHEMPLO SA PRINSIPYO NG PAMUMUNO NG

MGA MAG-AARAL SA IKA-11 BAITANG NG SANTA ROSA SCIENCE AND


TECHNOLOGY HIGH SCHOOL S.Y. 2017-2018

Isang Papel ng Pananaliksik

Iprinisenta sa mga Guro ng


Santa Rosa Science and Technology High School

Para sa Kabuuang Katuparan ng mga Pangangailangan sa


Pagbasa at Pagsuri

Ipinasa nina:
Acda, Ron Michael V.
Barnuevo, Eleazar Jose A.
Beato, Allen B.
Doros, Joshua Lloyd SA.
Pascual, Arvi Charlize R.
Santos, Raya Louise D.
Vargas, Francis Louie N.

Ipinasa kay:
Mr. Ernesto M. Baldoza
Guro sa Pananaliksik

Oktubre 2017
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Isa sa mga tinatangkilik na libro ni Dr. Jose Rizal ay ang El Filibusterismo. Ang El

Filibusterismo ay kilala sa pagpapakita ng nasyonalismo at pagmamahal sa sariling

bansa. Makikita sa libro si Simoun, noon ay si Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere,

ay nagbabalik sa bayan ng San Diego upang mabigyang katarungan ang maling ginawa

sa kanya ng mga prayle. Iba’t-ibang katangian ang nakapaloob sa bawat karakter na

maaaring magsilbing gabay sa paghubog ng prinsipyo sa pamumuno. Sa tulong ng

librong ito, namumulat ang mga mata ng mga kabataan sa mga isyu at sa mga paraan

ng pamumuno na maaaring tignan bilang nararapat o hindi bantay sa prinsipyo at

pananaw ng bawat isa. Ang El Filibusterismo ay itinuturo sa ika-sampung baitang sa

mga mag-aaral ng Santa Rosa Science and Technology High School.

Sa pag-aaral na ito, siniyasat ang mga respondent gamit ang mga talatanugang

sumasagot sa mga katanungang ipinipresinta ng mga mananaliksik. Ipinipahayag ng

mga resulta nito kung may epekto ba ang El Filibusterismo sa kanilang pamumuno at

kung nagagamit ba ng mga mag-aaral ang mga ito sa kanilang mga buhay base sa iba’t

ibang aspeto ng lipunan.

Lugar ng Pananaliksik

Ginanap ang pag-aaral sa Santa Rosa Science and Technology High School. Isa

itong sekondaryong paaralan na matatagpuan sa bayan ng Santa Rosa, Laguna. Ang

Batas Republika 9083 na nilagdaan ni dating pangulo Gloria-Macapagal Arroyo ay

1
naisapatupad noong taong 2002-2003 sa kagustuhan at tulong pinansyal ni local na

pamahalaan ng Santa Rosa sa pamamahala ng dating Mayor Leon Arcillas.

Ang mga respondents ng pag-aaral ay nagmula sa ika-11 baitang ng paaralan.

Ito ay binubuo ng 100 respondentsna sumagot sa mga talatunugan.

Balangkas Konseptwal

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa epekto ng El Filibusterismo sa pananaw ng

mga kabataan sa panlipunang pamumuno, partikular na sa pamilya, paaralan,

pamahalaan at simbahan. Sakop din ng pag-aaral na ito kung nagiging ehemplo ba ang

mga karakter sa El Filibusterismo, mapaniil man o matuwid, sa kabataan ngayon.

May mga katanungang sasagutin ang mga mag-aaral sa sarbey. Sa tulong ng

mga datos na makukuha sa mga sarbey na isasagawa, ay bubuo ng pangkalahatang

konsepto ang mga mananaliksik na magsisilbing gabay sa pagbuo ng kongklusyon

kung naging mabuting ehemplo ba ang El Filibusterismo sa pagbuo ng prinsipyo ng

pamumunong panlipunan sa kabataan.

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay matukoy ang kaangkupan ng El

Filibusterismo at ang epekto nito sa pananaw ng kabataan sa iba’t ibang aspeto ng

pamumuno.

Upang makamit ang layuning ito, kinakailangang masagot ang mga ispesipikong

tanong na ito:

2
1. Nakaaapekto ba ang El Filibusterismo sa pananaw ng ika-11 na baitang ng

Santa Rosa Science and Technology High School S.Y. 2017-2018 sa prinsipyo

ng pamumuno?

2. Nagsisilbing ehemplo ba sa kabataan ang mga karakter sa El Filibusterismo sa

iba’t ibang aspeto ng lipunan, partikular na sa pamamalakad sa:

a. pamilya?

b. paaralan?

c. pamahalaan?

d. simbahan?

Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa El Filibusterismo bilang modelo/ehemplo

sa prinsipyo ng pamumuno ng mag-aaral sa ika-11 baitang ng Santa Rosa Science and

Technology High School S.Y. 2017-2018. Layunin nitong maunawaan ang malaking

papel ng ikalawang nobela ni Rizal sa pagpukaw ng nasyonalismo, damdaming

makabayan, at prinsipyo sa pamumuno ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay

ginawa noong buwan ng Oktubre taong 2017.

Sa pagkalap ng datos mula sa mga mag-aaral, gumamit ang mga mananaliksik

ng pamamaraan kung saan sila ay bibigyan ng mga saguting papel o sarbey at bibigyan

ng pagsusuri at analysis ang mga datos na makakalap mula rito. Sa isinasagawang

sarbey, 100 estudyante ang tumugon. Ang mga estudyanteng ito ay mula sa iba't ibang

pangkat ng baitang 11 na nakapagtapos ng Junior High sa Santa Rosa Science and

Technology High School.

3
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagaaral na ito ay maaring makatulong at makapagdagdag ng impormasyon sa

mga sumusunod.

Mga Guro. Maiayon at mapapaunlad ang impormasyon na maaring ituro sa mga

estudyante sa ika-sampung baitang.

Ang Kagawaran ng Edukasyon. Makakapagbahagi ito ng impormasyon para

sa pagpapalawig at pagpapaganda ng pamamaraan o nilalaman ng curriculum ng ika-

sampung baitang.

Ang Pamayanan. Ang impormasyon na nakapaloob sa pag-aaral na ito ay

maaring magamit sa pagsasaliksik sa pananaw ng kabataan sa modernong panahon sa

repleksyon ng literatura.

Katuturan ng Katawagan

Aspeto ng Lipunan – sa konteksto ng saliksik na ito ay binubuo ng pamilya,

paaralan, pamahalaan at simbahan ang lipunan.

Ehemplo – modelo o nagsisilbing gabay ng mga kabataan patungkol sa

pamumuno

El Filibusterismo – ang ginawang modelo o batayan ng mga mananaliksik sa

pagbuo ng mga ideya ng kabataan patungkol sa pamumuno sa lipunan

Kanser ng Lipunan – sa konteksto ng saliksik na ito, ang kanser ng lipunan ay

nangangahulugang mga katiwalian, inhustisya at kawalan ng pagkakaisa sa lipunan.

4
Prinsipyo ng Pamumuno – tinutukoy sa saliksik na ito na ang prinsipyo ng

pamumuno ay ang pangkalahatang ideya at skema ng isang indibidwal patungkol sa

pamumuno.

5
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT PAMPANITIKANG PANANAW

A. Pampanitikang Pananaw

Sa Pilipinas

PAMILYA

Mababasa sa isang web post sa joserizal.ph na ang nobelang "El

Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong

pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at

nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na

kalayaan at karapatan ang bayan.

Ang lahat ng pahayag na nakasaad sa pampanitikang pananaw sa Pilipinas ay

nagmula sa aklat ng El Filibusterismo na pinagaan nina Lorna T. Reyes, Constancia

A. Solani at Zenaida S. Badua

A. PAMILYA

Sa pahayag na ito ng ika-apat na kabanata ay ipinamalas ang kakayahan ni

Kabesang Tales na pamunuan ang kanyang pamilya para protektahan ito.

“Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo –

kanyang asawa at 3 anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan

ng bayan sapagkat akala nila’y wala naman itong may-ari at sa pangyayaring ito

namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong

6
umpisa walang pumapansin sa kanila ngunit nang aani na sila sa unang

pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-

bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila.

Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na

20 o 30 piso.

Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at

ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki

sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang nagpupuno dito galing sa

kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na

tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag

araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.”

Sa bahagi namang ito ng nobela ay naipakita ang pagsasakripisyo ni Huli ng

kanyang buhay at dignidad para sa kanyang pamilya at minamahal.

“Sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga

abogado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa

hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang

mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at

tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si

Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.”

Ang ginawa namang pagdedesisyon ng ina ni Placido Penitente na manatili

ito sa eskwela para sa kanyang mabuting kinabukasan ay naipamalas sa bahagi ng

nobelang ito.

7
“Hayaan mon a ang liksyon. Mag-dia pichido tayo” ang wika ni Juanito. Ang

dia pichido ay ang araw na naipit sa daslawang kapistahan na karaniwan nang

kinatatamarang pasukan ng mga estudyante. Natitiyak ni Placidong dahil dalawa

lamang sila wala sa sandaa’t limampung magaaral hindi titigil ang klase. Naisip din

niya ang mga pagtitiis ng kanyang ina upang siya’y makapagaral.

Sa pagkakataon naman sa kabanatang ito ay nasubukan ang lakas ng loob

na mayroon si Tandang Selo laban sa gobyerno.

“Nang mga-ikawalo ng gabi, nabalitaang pitong prayle na nanggaling sa mga

karatig bayan ang nangagtipun-tipon sa kumbeto upang magpulong. Nang sumuno

na araw ay tuluyan nang awala si Tandang Selo. Taglay niya ang kayang sibat sa

pangangaso”

Ang pagtanggi ni Ginoong Pasta sa mga ideolohiya ni Isagani upang

maprotektahan ang reputation at yaman ng kanilang pamilya ay nasa pahayag ng

ika-labing limang kabanata.

“Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani

upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung

sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang

abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan. Masyadong maselan dahil

tungkol ito sa nalalapit na pagpapalit ng pangalan ni Ginoong Pasta sa ibang bansa.

Pinapasok niya si Isagani sa kanyang bahay ngunit ayaw ni Isagani dahil malaki ang

problema nito sa buhay.”

8
B. PAARALAN

Ang ipinapakitang lakas ng loob ni Isagani na magsalita laban sa katiwalian

ay talagang naipamalas sa buong nobela kaya’t isa lamang ito sa mga

pagkakataong nailahad sa aklat.

“Hindi po totoo iyan, Padre. Kung ano kami, kayo ang may gawa. Ang bayang

sinisiil ay natututong magkunwari. Ang pinagkakaitan ng katotohanan ay nagiging

sinungaling at ang pang-aalipin ay lumikha ng mga alipin. Kung kaming mga

estudyante ay mahina ang loob at walang marangal na asal, sino ang may sala?

Kami o yaong nagtuturo sa amin nang may tatlong daang siglo? Kung pagkatapos

ng panahong iyan ay walang nagawa ang isang eskultor kundi isang pangit na

estatwa o larawan, napakatunggak niya!” – Isagani

Ang dedikasyon ni Basilio sa kanyang mga ginagawa ay bumubuo sa

malaking bahagi ng aklat. Ito ay kanyang naipakita sa bawat isa sa bahagi ng

lipunan at ang paaralan ay isa na dito.

“Sa kabila ng mga suliranin, naisasaula ni Basilio ang kanyang mga liksyon

kahit hindi niya nauunawaan ang karamihan doon. Pati kuwit ay hindi niya

nakakaligtaan. Nasanay na rin siya sa pagpapaumanhin. Napansin niya na may

apatnapu lamang ang mag-aaral na natatawag dahil sa kanilang kakisigan,

kaharutan o pagkagiliw sa kanila ng gurong nagtatanong. Samantala, natutuwa

naman at nagpapasalamat ang mga hindi natatanong sapagkat hindi na kailangang

magpakapagod para sa pag-aaral. Bakit nga naman mag-aaral kung hindi naman

natatanong? Pumapasok sa kolehiyo hindi upang mag-aral at matuto kundi upang

9
makapasa sa iksamen. Sa pagsasaulo ay maipapasa o matatapos ang isang taong-

pag-aaral.”

“Sampu-sampu kung sila’y litisin sa pagsusulit upang matapos agad ang

iksamen. Si Basilio ang tanging maluwalhating nakasulit. Ang kaisa-isang tanong sa

kanya ay nasagot niya nang walang kagatulgatol, parang makina. Hindi siya

humihinto ni humihinga. Nakamit ni Basilio ang notang aprobado. Ang siyam niyang

kasamahan ay naatasang umulit ng isang taon.”

Ang pagiging mapag-uyam ni Padre Millon sa kanyang mga estudyante ay

isa sa mga nagpamulat sa kanyang mga estudyante tulad ni Placido Penitente na

tumayo at lumaban sa mga katiwaliang nagaganap sa loob ng kanilang silid-aralan.

“Padre, kung lalagyan po ninyo ako ng marka sa pagkukulang ko sa aralin,

dapat alisin ninyo ang marka sa ‘di ko pagpasok ngayon,” ang wika ni Placido na

nagtitimpi.

Bigla tinawag ni Padre Millon ang isang estudyante. “Hoy, ikaw antukin! Hindi

mo alam ang liksyon, ano?”

Sanay na ang mga mag-aaral sa ganitong pangungutaya araw-araw. Kaya

hindi na nahihiya o nagdaramdam. Sa halip, nagtatawanan pa. Ngunit ang antukin

ay hindi natawa. Bigla itong tumayo habang nagkukuskos pa ng mga mata at parang

ponograpong umandar.

10
C. PAMAHALAAN

Ang pagiging mapagmalabis ni Simoun sa kanyang posisyon bilang

tagapagpayo sa Gobernador Heneral ay maaaring matawag na tama o mali

depende sa sitwasyon at intension. Ito ay mtutunghayan sa mga sumusunod na

pahayag.

“Nangalakal siya at nakidigma sa Cuba. Doon niya nakilala ang Kapitan-

Heneral na noon ay komandante pa lamang. Nangungutang ito sa kanya kaya niya

nakilala at naging kaibigan. Alam niya ang mga kataksilan nito. Nagawa ni Simoun

na maidestino sa Pilipinas ang Heneral. Dahil sa kasakiman nito sa salapi, pumayag

itong maging kasangkapan niya sa paghihiganti.”

Ang kakayahan ng Mataas na Kawani na magsalita at pansinin ang mga

katiwaliang ginagawa ng mga nakatataas ay isa ring asal na dapat tularan ng mga

mambabasa na makikita sa mga sumusunod na bahagi.

“Pasintabi po sa inyong Kamahalan, ang binata pong iyan ay estudynate ng

medisina at puringpuri ng mga guro niya. Magtatapos na po siya ngayong taong ito

at saying naman ang kaniyang isang taon kung hindi siya palalayain.”

Ang pagkukunwaring paninilbihan at pagbibigay pabor lamang sa sarili ng

Kapitan Heneral o nakatataas ay isa rin sa mga kanser ng lipunang ating

ikinakaharap. Ang masamang balaking ito ay napatunayan ng mga sumusunod na

bahagi.

11
“May panahon pang pag-usapan ang mga bagay na dapat pagpasyahan. Isa

na rito ay ang pagbabawal ng armas de salon. Tinutulan ito ng mataas na kawani

sapagkat ipinahihintulot ang armas de salon kahit saang panig ng daigdig.”

Ang pagiging pasensosyo ni Kabesang Tales sa kanyang pinamumunuan ay

isang asal na dapat mayroon sa bawat pinuno. Ito ang magbibigay ng positibong

pananaw sa bawat isa. Si Kabesang Tales ay napatunayan ito sa sumusuod na

pahayag:

“Nasa loob ng hangganan ng korporasyon ang lupang nililinis at tinamnan

nila. Iniyuko ni Tales ang ulo bilang pagsang-ayon at nakiusap na payagan siyang

ituloy ang pagbubungkal. Pumayag ang mga kura sa kondisyong pagbabayarin siya

ng tatlumpung piso bilang renta. Lumipas ang isang taon, maitutuloy lng daw ni

Tales ang pagbubungkal sa taniman kung magbibigay ito ng singkwenta pesos na

karagdagan na rentang dati’y napagkasunduan. Tumaas pa hanggang sa maging

dalawangdaang pisong hindi na niya makaya kaya siya ay nagprotesta na.”

D. SIMBAHAN

Ang pagpapakitang pagmamalasakit ng isang pari ay isa sa mga inaasahang

asal sa namumuno sa simbahan. Ito ay nagampanan ni Padre Florentino sa

tinutugis na Simoun sa huling kabanata ng nobela. Ang sumusunod ay bahagi ng

nasabing kabanata.

“Dahil sa katutubong kagandahang asal ng mga Pilipino na ipagkaloob sa

panauhin ang lalong masarap na pagkain, ang pinakamainam na silid at

12
pinakamaginhawang hihigan sa loob ng tahanan, si Simoun ay nasa silid ni Padre

Florentino.”

Ang pang-aabuso ni Padre Camorra sa mga kababaihan sa pamamagitan ng

posisyon niya bilang prayle ng Tiani ay indikasyon ng tiwaling pamamahala sa

simbahan. Ito ay nailahad sa maraming bahagi ng nobela. Isa lamang ang

sumusunod sa mga pagkakataong iyon.

“Hindi naniniwala si Hermana Bali na gagawa ng kapangahasan si Padre

Camorra sa harap niya at si Huli’y isang mahirap na tagabukid lamang.

Kinagabihan, napag-usapan ang pagtalon ng isang dalaga mula sa bintana ng

kumbento. Bumagsak ito sa batuhan at namatay. Halos kasabay noon ang paglabas

ng isang babaeng nagsisisigaw na parang baliw. Ayaw bumanggit ng pangalan ang

taongbayan.”

Sa Ibang Bansa

Ayon kay M.A. Orthofer (2011), ang kaharasan ay hindi pinapaborang

solusyon at habang ang pagbabago ay kinakailangan, ito ay dapat dumating nang

payapa. Idinagdag niya pa na ang hinagpis ni Simoun (Karakter sa El Filibusterismo)

ay laban sa mahigpit na sistema ng bansa kung saan ang kaunti lamang ang may

kapangyarihan at ginagamit ito upang kontrolin ang mga mamamayan. Edukasyon,

kung saan ang kaunti lamang ang nakikinabang at kung saan ang pang-aabuso ang

ginagawang kasangkapan sa pagpapasunod nakikinabang nito, – at proklamasyon

ng moral na awtoridad, ay ilan sa pamamaraan ng mga prayle at mga elitista ng

bayan upang panatilihin ang kapangyarihan. Kinakailangan natin ang lalo pang

pagpapa-igting ng ating pagpapasakop sa kaisipan ng kasarinlan at nasyonalismo

13
na nagbunsod ng pagkamatay ng ating mga bayani. Bilang pagbibigay pugay sa

ating mga bayani, partikular na kay Dr. Jose P. Rizal, naaalala natin nang may

buong paggalang ang kanilang buhay at nilikhang gawain na tumulong sa paghubog

ng kanilang katangian.

B. Kaugnay sa Pag-aaral

Sa Ibang Bansa

Mahigit sa isang siglo na ang nakalipas, ang pambansang bayani na si Dr.

Jose Rizal ay sinubukang ilabas ang tinatago ng mga Espanyol. Habang nasa

Europa, sumulat si Rizal ng dalawang nobela, ang Noli Me Tangere at El

Filibusterismo, kung saan kanyang naipakita ang kanyang mga pannaw sa kolonyal

at relihiyosong pang-aapi, ang kanyang pag-asa para sa kanyang bayan sa

sumunod na rebolusyon dahil sa kanyang obra. Habang inaaabot ang tagumpay sa

Europa, ang Noli, pagtatagumpay sa pangungutya, ay nagkaroon ng limitadong

epekto sa Pilipinas nang ito ay ilabas noong 18/84, na ikinadismaya ni Rizal. Ang

Noli ay ang dahilan upang tawagin siyang filibustero at naging isa sa mga

binantayan sa kanyang pagbalik ngunit hindi naging mahalaga sa mga tuntunin ng

pagtataas ng kamalayang pampulitika. Walang reporma ang nangyari. Bumalik si

Rizal sa Europa at isinulat ang karugtong. Ito’y mapangkutya pa rin sa politika. Ang

El Filibusterismo ay may mga nakatatawang mga karakter at mga sitwasyon ngunit

may madilim na katatawanan at mas bayolenteng resolusyon, sinasalamin ang

huling pagkilala kay Rizal ng kawalang halaga ng kanyang papel bilang manunulat.

14
Sa Pilipinas

Ayon sa ginawang pagsusuri ng estudyante ni Bb. Flora Navarro ng Alcoy

National High School, may nais sabihin si Jose Rizal sa kanyang akda. Ito ay

maaaring paglalantad ng isang sistema o pagpapahayag ng nais na mangyari.

Mayaman ang El Filibusterismo ni Rizal sa mga karunungang nagsasaad ng

katotohanang kalagayan ng kanyang panahon at ang panahon sa kasalukuyan. Ang

kanyang mga pahayag tungkol sa pamahalaan, edukasyon, lipunan, teknolohiya,

wika at iba pa ay pahayag ng katotohanan.

C. Kaugnay na Pagbabasa

Ayon sa Batas Republika 1425 na pinangunahan ni dating pangulo Jose P.

Laurel noong Hunyo 12, 1956, si Dr. Jose P. Rizal ay maaaring magsilbing

inspirasyon sa atin, lalo na sa mga kabataang Pilipino. Ang pangunahing layunin ng

batas na ito ay muling pag-alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na

henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsama sa kurikulum ng lahat ng

paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa

at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me

Tangere at El Filibusterismo. Sa DepEd order no 6, s. 1995 (Feb 6, 1995) naman

isinaad ang muling pagbibigay diin sa implementasyon ng nasabing batas republika

sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag o photocopy at

pamamahagi ng sipi ng mga nobela ni Rizal. Binigyang diin din ang pagrerequire sa

pagbabasa ng El Filibusterismo sa ikaapat na taon ng sekondaryang lebel ng

paraalan.

15
KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN

Palarawang pananaliksik ang disenyong ginamit ng mga mananaliksik dahil

sistematiko nitong inilalarawan ang ang sitwasyon at kondisyon nang buong katiyakan

sa tulong ng mga sarbey.

Gumawa ng talatanugang-tseklist ang mga mananaliksik upang ipasagot sa mga

mag-aaral ng ika-11 na baitang ng Santa Rosa Science and Technology High School

S.Y. 2017-2018.

Narito ang nilalaman ng mga talatanugan:

1. Nakaaapekto ba ang El Filibusterismo sa pananaw ng ika-11 na baiting ng Santa

Rosa Science and Technology High School S.Y. 2017-2018 sa prinsipyo ng

pamumuno?

Bunga ng pagbabasa at 4 3 2 1

malalim na pag-aaral ng El Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Filibusterismo: sumasang- ayon sumasang- hindi

ayon ayon sumasang-

ayon

Namulat ka ba sa mga kanser

ng ating lipunan?

Nagkaroon ka ba ng kaalaman

tungkol sa mga simbolismong

16
nakatago sa nobela?

Naging bahagi ba ang

nobelang ito upang mabago

ang iyong pananaw sa iba't

ibang aspeto ng pamumunong

panlipunan?

Nakaapekto ba ang nobelang

ito sa iyong paraan ng pag-

iisip o pagdedesisyon?

Nai-aapply mo ba sa iyong

buhay ang mga natutunan mo

sa nobelang ito?

2. Nagsisilbing ehemplo ba sa kabataan ang mga karakter sa El Filibusterismo sa

iba’t ibang aspeto ng lipunan, partikular na sa pamamalakad sa:

a. pamilya?

b. paaralan?

c. pamahalaan?

d. simbahan?

17
KATANGIAN OO HINDI

A. PAMILYA

1. Kakayahan ni Kabesang Tales na pamunuan ang kanyang

pamilya para protektahan ito.

2. Ang pagsasakripisyo ni Huli ng kanyang buhay at dignidad

para sa kanyang pamilya at minamahal.

3. Ang lakas ng loob na mayroon si Tandang Selo laban sa

gobyerno.

4. Ang ginawang pagdedesisyon ng ina ni Placido Penitente na

manatili ito sa eskwela para sa kanyang mabuting

kinabukasan.

5. Ang pagtanggi ni Ginoong Pasta sa mga idolohiya ni Isagani

upang maprotektahan ang reputasyon at yaman ng kanyang

pamilya.

B. PAARALAN

1. Ang ipinakikitang lakas ng loob ni Isagani na magsalita

laban sa katiwalian.

2. Mayroong dedikasyong taglay tulad ni Basilio.

3. May pagtitimpi gaya na lamang ni Placido Penitente.

4. Ang pagiging mapag-uyam ni Padre Millon sa kanyang mga

estudyante.

C. PAMAHALAAN

1. Ang pagiging mapagmalabis ni Simoun sa kanyang

18
posisyon bilang tagpagpayo sa Gobernador Heneral.

2. Kakayahang magsalita laban sa katiwalian na ipinakita ng

Mataas na Kawani.

3. Pagkukunwaring paninilbihan ng Kapitan Heneralpara sa

mga indio ngunit mas pinapaboran ang kanyang sarili.

4. Ang pagiging pasensyoso ni Kabesang Tales

D. SIMBAHAN

1. Ang pagpapakitang pagmamalasakit ni Padre Florentino sa

tinutugis na si Simoun.

2. Ang pang-aabuso ni Padre Camorra sa mga kababaihan sa

pamamagitan ng posisyon niya bilang prayle ng Tiyani.

19
KABANATA IV

RESULTA AT PAGTATALAKAY

Ang mga nakalap na datos ay sinuri at inilagay sa akmang talahanayan ng mga

mananaliksik upang mabigyang linaw ang interpretasyon.

Ang paggamit ng mga bahagdan ay kinakailangan. Batay sa mga nakalap na

datos, nakuha ang mga sumusunod:

Talahanayan 1. Antas ng epekto ng El Filibusterismo sa mga respondents.

ANTAS Mean
TANONG Bilang
4 3 2 1

A 76 19 5 0 3.71

B 74 24 2 0 3.72

C 47 43 10 0 100 3.37

D 30 55 14 1 3.14

E 26 58 14 2 3.08

Antas ng epekto 3.40

Bahagdan 85.1%

Mga Katanungan:

A - Namulat ka ba sa mga kanser ng ating lipunan?

B - Nagkaroon ka ba ng kaalaman tungkol sa mga simbolismong nakatago sa

nobela?

20
C - Naging bahagi ba ang nobelang ito upang mabago ang iyong pananaw sa

iba't ibang aspeto ng pamumunong panlipunan?

D - Nakaapekto ba ang nobelang ito sa iyong paraan ng pag-iisip o

pagdedesisyon?

E - Nai-aapply mo ba sa iyong buhay ang mga natutunan mo sa nobelang ito?

Base sa nakalap na datos, ang kabuuang antas ng epekto ng pag-aaral ng El

Filibusterismo sa pananaw sa panlipunang pamumuno ng mga mag-aaral ng Baitang

11 ng Santa Rosa Science and Technology High School ay nasa 3.40, katumbas ng

85.1%. Dahil mataas ang bahagdang ito, masasabi na naging epektibo ang El

Filibusterismo sa pag-impluwensiya sa pananaw ng mga kabataan sa

pampamahalaang pamumuno.

Makikita na ang antas ng epektibiti ng El FIlibusterismo sa pagmulat sa kabataan

sa mga kanser ng ating lipunan ay 3.71, isang patiyak na epektib ang El Filibusterismo

sa aspetong ito.

Naging maalam din ang mga mag-aaral ng Baitang 11 ng Santa Rosa Science

and Technology High School sa mga simbolismong nakapaloob sa El FIlibusterismo (na

may antas na 3.72) na maaaring dulot ng epektibong pagtuturo nito sa kabataan.

Mahalaga ang mga simbolismong ito sa mas malalim na pag-unawa sa nobela.

Naging epektibo rin ang El Filibusterismo sa paghubog ng pananaw ng mga kabataan

sa panlipunang pamumuno. Patunay dito ang mataas na antas na 3.37. Bagamat sa

pangkabuuan ay naging epektibo ang El Filibusterismo sa pag-impluwensiya sa

prinsipyo ng mga kabataan sa panlipunang pamamahala, makikita na pinakamababa

21
ang antas ng epekto ng El Fili sa paggawa ng desisyon at pag-apply ng mga natutunan

sa totoong buhay (3.14 at 3.08).

Talahanayan 2.Mga karakter sa El Filibusterismo na nagsisilbing ehemplo sa

kabataan sa pamamalakad ng lipunan

Ehemplo ba BAHAGDAN
ASPETO NG
KARAKTER sa kabataan? BILANG (%)
LIPUNAN
OO HINDI OO HINDI

Kabesang Tales 86 14 86 14

Huli 73 27 73 27
PAMILYA 100
Tandang Selo 69 31 69 31

Placido Penitente 73 27 73 27

KABUUANG BAHAGDAN 75.25 24.75

Isagani 81 19 81 19

PAARALAN Basilio 83 17 100 83 17

Placido Penitente 74 26 74 26

KABUUANG BAHAGDAN 79.33 20.66

Mataas na Kawani 79 21 79 21
PAMAHALAAN 100
Kabesang Tales 93 7 93 7

KABUUANG BAHAGDAN 86.00 14.00

SIMBAHAN Padre Florentino 92 8 100 92 8

KABUUANG BAHAGDAN 92.00 8.00

Commented [EJB1]:

22
Makikita sa talahanayan sa itaas na naging ehemplo ng karamihan ng kabataan

ang mga tauhang ito ng El Filibusterismo, patunay na mas mataas sa 50% bahagdan

ang pagsang-ayon sa kada karakter.

Ipinapakita na ang mga katangian nina Kabesang Tales, Huli, Tandang Selo at

Placido Penitente tungkol sa konsepto ng pamilya ay katanggap-tanggap, patunay ng

75.25% na pagsang-ayon.

Ipinapakita na ang mga katangian nina Isagani, Basilio at Placido Penitente

tungkol sa konsepto ng paaralan ay katanggap-tanggap sa mga mag-aaral, patunay ng

79.33% na pagsang-ayon.

Sa konsepto naman ng pamahalaan, naging lubos na katanggap-tanggap at

ehemplo ng mga mag-aaral ang mga ikinilos ng Mataas na Kawani at Kabesang Tales,

patunay ang 86.00% na pagsang-ayon.

Naging modelo naman si Padre Florentino at ang kaniyang pamamaraan sa

pamamalakad sa simbahan, patunay ang 92.00% ng pagsang-ayon.

Talahanayan 3. Mga karakter sa El Filibusterismo na nagsisilbing ehemplo sa

kabataan sa pamamalakad ng lipunan

Pansinin na nakabukod ang mga karakter na ito sa Talahanayan 2 dahil ayon sa

mga respondents ay hindi katanggap-tangap ang kanilang inasal, kung kaya’t

nagkaroon ng hiwalay na pagsusuri.

23
Ehemplo ba BAHAGDAN
ASPETO NG
KARAKTER sa kabataan? BILANG (%)
LIPUNAN
OO HINDI OO HINDI

PAMILYA Ginoong Pasta 32 68 100 32 68

KABUUANG BAHAGDAN 32.00 68.00

PAARALAN Padre Millon 11 89 100 11 89

KABUUANG BAHAGDAN 11.00 89.00

PAMAHALAAN Simoun 19 81 19 81
100
Gobernador Heneral 9 91 9 91

KABUUANG BAHAGDAN 14.00 86.00

SIMBAHAN Padre Camorra 5 95 100 5 95

KABUUANG BAHAGDAN 5.00 95.00

Kung ikukumpara sa naging resulta ng Talahanayan 2, makikita rito na hindi

katanggap-tanggap at hindi ehemplo ng mga kabataan ang mga ipinresentang karakter

at ang sitwasyong kinabibilangan nila sa panlipunang pamumuno, patunay sa mataas

na bahagdan ng hindi pagsang-ayon sa kanilang ginawa.

Hindi naging modelo si Ginoong Pasta sa mga kabataan sa aspeto ng pamilya,

patunay ang 68.00% na hindi pagsang-ayon.

24
Hindi rin naging ehemplo si Padre Millon sa mga kabataan sa aspeto ng

paaralan. Patunay dito ang 89.00% na hindi pagsang-ayon.

Sa aspeto naman ng pamahalaan, hindi rin naging katanggap-tanggap sina

Simoun at ang Gobernador Heneral. Patunay ang 86.00% na hindi pagsang-ayon.

Hindi rin naging ehemplo si Padre Camorra sa pamamalakad niya sa simbahan,

patunay ang 95.00% na hindi pagsang-ayon.

25
KABANATA V

BUOD AT REKOMENDASYON

BUOD

Ang kabuuan ng pagsasaliksik sa impluwensya ng mga karakter sa aklat ni Dr.

Jose Rizal na El Filibusterismo ay masasabing naging positibo sa pananaw ng mga

estudyante, mas nakikita nila ang kabutihan at kaangkupan ng kanilang mga kinikilos

batay sa sitwasyon ng mga karakter kaysa sa mga negatibong pagtugon sa mga

sitwasyon. Batay sa ginawang pagsarbey sa mga respondents, lumalabas na maganda

ang epekto ng literatura ni Dr. Jose Rizal sa pananaw nang mga estudyante sa

paaralan pamahalaan, pamilya at sa simbahan, patunay dito ang nakompyut na

bahagdan na 85.1% bilang antas ng epektibiti ng El Filibusterismo sa pananaw sa

panlipunang pamamahala ng mga estudyante.Masasabing may mangilanngilan na

negatibo ang naging pagtugon ngunit hindi ito sapat para masabing negatibo ang

epekto nang libro sa nakakarami.

REKOMENDASYON

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na mas palawakin pa ang riserts na ito sa

pamamagitan ng pagsasama ng mga estudyante ng ika-labing isang baitang ng ibang

paaralan upang magkaroon ng comparative analysis at tunay na matukoy kung

nakaapekto ba talaga ang El Filibusterismo sa radikal na pananaw ng kabataan. Ang

magiging resulta sa pananaliksik ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang pamamaraan

ng pagtuturo ng mga guro, kultura na umiiral at ang kapaligiran sa loob ng silid aralan

sa iba pang paaralan.

26
Kung gugustuhin pang lalong palawakin, maaaring bigyan ng sarbey ang mga

mag-aaral sa ika-labing siyam na baitang na mayroong mga sitwasyong maiuugnay sa

mga aral na mapupulot sa nasabing nobela. Kanila muling sasagutan ang sarbey upang

makita kung may nagbago ba sa kanilang pananaw patungkol sa pamumuno ng iba’t

ibang bahagi ng lipunan.

27
APENDIKS

Paghahanap ng paksang gagamitin at pagsisimula ng konseptong papel

Pagsasagawa ng sarbey sa mga napiling katugon

Pagbibilang ng mga sagot sa sarbey na isinagawa

Pagtutuloy ng papel at pag-interpreta ng mga resulta

28
BIBLIYOGRAPIYA

Badua, Z. S., Reyes, L. T., Solano, C. A., (1998). El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

Manila, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

DepEd Order No. 33, s. 1996 (Mayo 13, 1996). Reiterating the Implementation of

Republic Act No. 1425 Mandating the Inclusion of “Rizal's Life, Works, Writings,

Teachings and Virtues” as a Course.

El Filibusterismo: Mga Tauhan (walang petsa). Kinuha noong Oktubre 2, 2017 sa

http://www.joserizal.ph/fi02.html

El Filibusterismo ni Dr. José Rizal: Book Notes/Summary in Tagalog (walang petsa).

Kinuha noong Setyembre 25, 2017 sa

http://www.kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-works-by-dr-

jose-rizal_203.html

Mercado, L. (2013). Ang Batas Rizal. Kinuha noong Oktubre 9, 2017 sa

https://angtagapagmulat.wordpress.com/2013/06/19/ang-batas-rizal-ra-1425/

Republic Act No. 1425 (Hunyo 12, 1956). Official Gazette, Vol. 52, No. 6, p. 2971 ng

Hunyo 1956.

Suring Basa sa Nobelang El Filibusterismo (walang petsa). Kinuha noong Oktubre 2,

2017 sa http://www.ruffomedico.yolasite.com

Watson, C. W. (1998). Satire and Political Purpose in the Novels of Jose Rizal.

29

You might also like