You are on page 1of 6

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


Sa kabanatang ito, ang konklusyon ay nagmumula base sa naging resulta ng pag-aaral at
mga interpretasyon nito tungkol sa kahulugan ng "Sana All" bilang Indirektibo batay sa
pananaw, motibo, at implikasyon nito sa mga Generation Z. Nakasaad din dito ang
rekomendasyon base sa resulta ng pananaliksik, konklusyon, at limitasyon ng pag-aaral.

Pangkalahatang Ideya(Overview) ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptiv at kontekstuwal na Kuwalitatibong pananaliksik.
Ang mga mananaliksik ay ginamit ang mga layunin ng pag-aaral na ito upang sistematikong
mailahad ang mga natuklasan at interpretasyon. Nagsagawa ng panayam at nagbigay ng open-
ended questions sa labinlimang (15) mag-aaral na Unibersidad ng Quirino partikular sa BSED-
1B. Inalisa ang mga nalikom na impormasyon sa pag-aaral gamit ang Tematikong Pag-aanalisa.

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng co-coder at parehong ang co-coder at ang mga
mananaliksik ay nagsagawa ng independent analysis. Ang co-coder at mga mananaliksik ay
nagsagawa ng birtuwal na talakayan upang bigyang linaw ang pagkakaiba at tukuyin ang mga
pagkakatulad sa nagawang pag-aanalisa. Pagkatapos, ang mga temang nabuo mula sa datos ay
binigyan ng interpretasyon at pinagtibay ng kaugnay na pag-aaral at literatura. Ang kredebilidad
ng mga datos ay isinasaalang-alang at ang etikal na responsibilad ng pag-aaral (Lincola at Guba,
1985).

Ang mga resulta at rekomendasyon na inilahad sa ibaba ay nakasentro sa mga pananaw


ng mga kabataan, ang layunin ng pananaliksik, at mga temang nabuo mula sa pag-aanalisa ng
mga datos. Ang mga katanungan sa pananaliksik ay inilahad:
- Ano ang ibig ipahiwatig ng "Sana All" sa ugnayang Komunikasyon ng mga GenZers?

- Bakit ginagamit ang "Sana All" bilang Indirektibo sa pagpapahiwatig ng mensahe?

- Paano mailalarawan ang posibleng kahihinatnan ng paggamit ng Indirektobong


pariralang "Sana All" sa proseso ng Komunikasyon?

Paglalagom ng mga Datos


Ang mga resulta ay tinalakay batay sa siyam (9) na temang nabuo mula sa datus:
TEMA 1. Interpersonal
TEMA 2. Intrapersonal
TEMA 3. Pagpapakumbaba
TEMA 4. Pantawa
TEMA 5. Pagtanggi
TEMA 6. Paghingi ng Pabor
TEMA 7. Pagkakaiba ng Interes
TEMA 8. Kalituhan
TEMA 9. Paglalahat

UNANG LAYUNIN. MALAMAN ANG IBIG IPAHIWATIG NG "SANA ALL" MULA


SA SPEAKER.

Tema 1. Interpesonal – Ito ay tungkol sa karanasan sa interakasyon ng partisipante sa ibang tao


kung saan naiimpluwensiyahan ng lipunan o ng ibang tao ang kanilang pananaw sa paggamit ng
indirektibong balbal na “Sana All”. Nakasaad dito ang benign na inggit at paghanga ng kabataan
bilang isang positibong motibasyon sa kanila (Van De Ven, 2015) at ang impormal na register ng
isang tao na nagpapahiwatig ng “Sana All”.
Tema 2. Intrapersonal – Natuklasan sa pag-aaral ang salik na dahilan ng paggamit nito base sa
panloob na interaksyon o kaisipan ng nagpapahiwatig. Ang “Sana All” sa intrapersonal na
pananaw ay tumutukoy sa bisyon at pagtingin ng kabataan sa isang tao bilang mas nakakahigit o
mas lamang, kumpara sa kakayahan ng nagpapahiwatig.

IKALAWANG LAYUNIN. PAGTUKOY SA MGA MOTIBO NG PAGSAMBIT NG


"SANA ALL" BILANG ISANG INDIREKTOBONG KOMUNIKASYON NG
KABATAAN.

Tema 3. Pagpapakumbaba – Ang isa sa implisit na kahulugan ng “Sana All” ay dulot ng


pakiramdam na mas higit ang karamihan kaysa sa nagpapahiwatig nito. Nakabatay dito ang
paniniwalang mas higit na alam ng isang indibidwal ang kanyang sarili kaya nito sinasambit ang
“Sana all” bilang positibo at indirektibong ipahayag nito ang kanyang pagpapakumbaba.
Tema 4. Pantawa – Ayon kay Davies (2003) ang Pantawa ay makatutulong upang mabawasan
ang tensyon at hindi pagkakaunawaan at mabawasan ang paghihiwalay ng magkakaibigan o
grupo. Nakita sa mga naging kasagutan ng mga partisipante ang pagiging natural nito sa isang
nakaka-aliw na usapan at ang aspeto ng kaswal na register sa pagitan ng magkakaibigan. Ang
intensyon ditto ay magbigay ng bagong paraan ng nakaka-aliw na daloy ng komunikasyon.
Tema 5. Pagtanggi – Natukoy ng mga mananaliksik ang isang salik sa paggamit ng “Sana All”,
ang intensyon ng pagtanggi sa paraang walang lohikal na pagpapaliwanag. Makikita dito ang
pag-uugali ng mga kabataan pagdating sa pagpapahayag ng indirektibo gamit ang konteksto ng
“Sana All” at mas pinipili nila magpahiwatig kaysa magpaliwanag.
Tema 6. Paghingi ng Pabor - ito ay nagpapakita ng pasaring sa paraang namimilit upang
pagbigyan ang isang hiling. Masasabing may negatibong pamamaraan ng pakikipag-usap dahil
taliwas ito sa layunin ng tamang pautod na pahayag. Ngunit kapansin-pansin na nagiging normal
na ito sa mga kabataan ngayon batay sa naging karanasan ng mga partsipante.

IKATLONG LAYUNIN. NAILALAHAD ANG IMPLIKASYON NG PAGGAMIT NG


"SANA ALL" SA LAGAY NG KOMUNIKASYON.

Tema 7. Pagkakaiba ng interes – Isang negatibong implikayon sa pamprosesong komunikasyon


ang hindi pagtutugma ng interes ng interlokyutors. Base sa naging karanasan ng mga partsipante,
ang paggamit ng “Sana All” sa isang diskurso ay maaaring napapahiwatig ng hindi pagsang-ayon
o kawalan ng ugnayan sa paksang tinatalakay.
Tema 8. Kalituhan - Nakita rin ng mga mananaliksik ang pangunahing epekto ng paggamit ng
Indirektibo sa komunikasyon. Ang hindi pagtutugma ng naihayag na indirektibo at ang
interpretasyon ng resiber ay salik na negatibong implikasyon sa hindi pagkakaunawaan ng mga
interlokyutors. Ang “ Sana All” ay nagdudulot ng potensyal ng kalituhan dahil nagiging maikli
ang talakayan.
Tema 9. Paglalahat – Batay mismo sa salitang Ingles na “All” sa “Sana All”, ang salitang
nagpapahiwatig na “Nawa’y ang lahat”. Ang paglalahat ay maaring positbo at negatibong
implikasyon, base sa naging karanasan ng mga partisipante, depende sa sirkumstansiya ang
magiging implikasyon ng paglalahat.

Konklusyon
Ang pag-aaral na ito ay natumbok ang mga layunin ukol sa paggamit ng Indirektobong
balbal na "Sana All" ng mga Generation Z. Ang unang layunin kung saan ang pananaw sa
paggamit ng "Sana All" ay may temang interpesonal at intrapersonal ng nagpapakita ng
interaksyon ng mga kabataan sa kanilang pakikipag-komunikasyon. Ang motibo naman ay may
temang pagpapakumbaba, pantawa, pagtanggi, at paghingi ng pabor ay malinaw na inilalahad
ang kaugalian ng mga Generation Z kung saan ang balbal na ito ay ginagamit sa pagpapahiwatig
ng kanilang saloobin sa iba. At ang implikasyon kung saan nakapokus ito sa kalagayang
pangkomunikasyon ng kasalukuyang kabataan ay may temang pagkakaiba ng interes, kalituhan,
at paglalahat, napatunayan ng pag-aaral na ito ang negatibong kahihinatnan ng indirektibong
salita ngunit hindi mabigat ang impak nito sa proseso ng komunikasyon base sa naging
karanasan ng mga partisipante. Ang ibig sabihin nito ay ang balbal at indirektibo ay parehong
parte ng norms at pagpapahalaga ng kasalukuyang panahon (Befu, 2001).

Sa konteksto ng pananalitang indirektibo, malinaw na may tatlong (3) perspektibo ang


mai-uugnay sa naging resulta at interpretasyon. Una, perspektibo ayon sa interaksyon, naging
salik na dahilan ang relasyon sa iba ng mga kabataan sa paggamit ng "Sana All" dahil
tumatalakay ito sa nararamdaman nilang inggit, paghanga, at ang impormal na register. Ang
mga napapansin o nakikita nila sa ibang tao kaya nagdudulot ito ng positibong kaisipan sa
pagpapahiwatig ng kanilang paghanga at (benign) inggit (Van de Ven, 2015) sa paraang
impormal. Pangalawa ay ang perspektibo ayon sa pag-uugali, kapansin-pansin na ang mga
temang nakapaloob sa motibo ng paggamit ng "Sana All" ay nagrereplek sa kanilang kaugalian
dahil na rin sa kagustuhan nilang ipahiwatig ito sa kontekstong impormal kaysa sa ipahayag ng
diretso ang kanilang saloobin.

Ang panghuling perspektibo ayon sa komunikasyon hinggil sa negatibong implikasyon


ng Indirektobon sa komunikasyon. Ito ay ang pagkakaiba ng interes, kalituhan sa naihayag at
naipahiwatig na mensahe, at paglalahat ay nagsasaad ng balakid sa epektibong komunikasyon.
Ang Indirektibo ay isa lamang kakulangan sa linaw at kakulangan sa lohikal na balangkas (Befu,
2001:37). Lalong lalo na sa pagpapahiwatig ng pagkakaiba ng interes, ang paggamit ng
Indirektibo ay makakaapekto sa pagkakaiba ng interes, ang paggamit ng Indirektibo ay
makakaapekto sa pagpapahayag ng eksplisit na opinyon, kung papairalin sa hindi tamang
pagkakataon, ito ay hindi epektibo sa mas malalim na diskusyon na kinakailangan ng sapat at
komprehensibong impormasyon. Ang kalituhan ay salik na nagpapakita ng limitasyon ng
Indirektibong “Sana All” sapagkat walang pagtutugma sa naipahiwatig at interpreatsyon ng mga
interlokyutors at ang hindi pagtutugma ng saloobin at pahayag. Ang paglalahat ay isang isyu sa
social communication na nagpapakita ng negatibo at positibong kaugalian sa paglalahat ng
partikular na karanasan at pananaw. Ibig sabihin, ang mga Generation Z ay may balbal man na
ginagamit tulad ng "Sana All" bilang pagiging isang Indirektibong indibidwal, makikita rito ang
pagbabago sa kaisipan at istilo ng pakikipag-usap ng mga Pilipinong kabataan. Napapansin man
nila ang mga implikasyong ito ngunit bilang isang ekspresyon ay hindi maiiwasan ang paggamit
nito sa interaksyon, pagpapakita ng pag-uugali, at silbi nito sa komunikasyon.

Rekomendasyon
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na it, iminumungkahi ang mga sumusunod.
 Ang pagpapahiwatig ng “Sana All” ng inggit at paghanga ay dapat gawing positibo sa
kaisipan at gawin itong motibasyon.
 Gamitin ang “Sana All” sa isang impormal at kaswal na register lamang hindi sa malalim
na diskurso kung saan kinakailangan ng direkatang impormasyon lalong lalo na sa
pagbabahagi ng interes.

 Maaaring normal ang “Sana all” sa pagpapahiwatig ng pagtanggi at saloobin, ngunit


samahan din dapat ito ng eksplanasyon o pagsasaad ng lohikal na kadahilanan upang
walang kalituhan.

 Dapat na malinaw ang pagpapahiwatig, lalo na sa paghingi ng pabor, dapat na maging


maunawaain ang mga kabataan kaysa idaan sa pagpapasaring ng layaw.

 Ang paglalahat ng isang perspektibo ay dapat sa positibong aspeto lamang at kailangan


na unawain na ang bawat tao ay magkakaiba ng buhay at kaisipan, hindi dapat nilalahat
ang isang negatibong karansan.

 Kailangan na may kamalayan ang bawat isa lalo na sa mga kabataan hinggil sa konsepto
ng Indirektibong “Sana All”. Sa pamamagitan ng akdemikong papel na ito ay maaring
magsilbing gabay sa mambabasa upang malaman ang pananaw, motibo, implikasyon
nito.

 Para sa mga hinaharap na mananaliksik:

- Ang pananaliksik na ito ay paunang pagtatangka sa kahulugan ng “Sana All”


bilang isang umiiral na Indirektibo ng mga kabataan. Maaaring may iba pang
tema ang mabubuo bukod sa tinalakay ng pag-aaral na ito, kung ang saklaw at
delimatasyon ng pag-aaral ay mag-iiba.
- Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay ng mga hinaharap na mananaliksik
sa pagtuklas ng iba pang Indirektibong balbal.
- Bukod sa slang na “Sana All”, marami pang mga balbal ang umiiral sa
kasalukuyan. Kaya kailangan ng inklusyon ng ibang balbal na Indirektibo upang
mas madiskubre pa ang mga kahulugan nito at mailarawan ang silbi ng balbal
bilang isang Indirektibo.
- Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang disenyo ng pananaliksik na
Descriptive Quantitative na pananaliksik upang matukoy ang mga balbal na
umiiral ngayon kung isa itong indirektibo at mailarawan ang mga dahilan o salik
ng paggamit ng mga indirektibong balbal sa pamamagitan empirikal na pagsusuri.
- Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive
Phenomenological na disenyo ng pananaliksik, tulad ng ginamit sap ag-aaral na
ito, kung isang partikular na Indirektibong balbal ang pag-aaralan upang mas
mailarawan ang mga kahulugan base sa karanasan ng mga napiling partisipante.

You might also like