You are on page 1of 33

BATAYANG KAALAMAN

SA METODOLOHIYA SA
PANANALIKSIK-
PANLIPUNAN
Ang metodolohiya ay tumutukoy sa sistematikong
paglutas sa mga suliranin/tanong/layunin ng
pannaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at
pagsusuri ng datos/impormasyon.

Ayon kay William (2011), isa sa pinakakilalang


manunulat hinggil sa praktika ng pananaliksik, ang mga
metodo ng pananaliksik ay tumutukoy sa mga tiyak na
teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang
makabuo ng mga konklusyong
napapanindigan(reliable).
WALONG PROSESO NA M AAARING ISAGAWA SA
PANANALIKSIK

1. Pagkakategorya o Kategorisasyon
2. Paglarawan o Deskripsyon
3. Pagpapaliwanag
4. Pagtataya o Ebalwasyon
5. Paghahambing o Pagkukumpara
6. Paglalahad/ Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o
Korelasyon
7. Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon
8. Pagtatakda ng Control
SAMPUNG DISENYO NG PANANALIKSIK

1. Historikal
2. Deskriptibo
3. Korelasyon
4. Komparatibo
5. Eksperimental
6. Simulasyon
7. Ebalwasyon
8. Aksyon
9. Etnolohikal
10.Kultural
ETNOGRAPIYA

Ayon kay Genzuk (2003) ay nakasandig sa


“malapitan, personal na karanasan at posibleng
partisipasyon,hindi lamang obserbasyon ng mga
mananaliksik” na karaniwang nagsasagawa ng pag-
aaral sa mga pangkat na multidisiplinari.

HALIMBAWA:
SA PAGTATAGPO NG BATA AT LANSANGAN SA
SANGANDAAN: ETNOGRAPIYANG BISWAL SA MUNDO
NG MGA BATANG CROSSING ni Carlota B. Francisco
sa Katipunan (2017)
PAG-OOSERBA, PAKIKIPAMUHAY,
PARTICIPANT OBSERVATION O
NAKIKIUGALING PAGMAMASID
 Ang pagmamasid ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng
pananaliksik, sa natural na kapaligiran o setting ng kaniyang buhay at/o
trabaho.
 Sa pakikipamuhay, ang mananaliksik ang aktwal na “nakikiranas”sa pang
araw araw na buhay ng mga taong kaniyang pinapaksa
 Ang participant observation naman ay isang uri ng etnograpiya na
karaniwang ginagamit sa larangan ng anthropolohiya at sosyolohiya.
 Ayon kay Bennagen (1985), mahalaga sa nakikiugaling pagmamasid ang
pagyakap sa paguugali at paraan ng pamumuhay ng pinag- aaralang
komunidad at ang pagkakaroon ng bukas na pagiisip na nakahandang
unawain ang komunidad na iyon.
HALIMBAWA:
 ANG DAMI – DAMI KONG PERA, ATBP.: MGA METAPORA NG MGA
MIGRANTENG PILIPINANG INA SA AUSTRALIA ni Pia Anna Perfecto – Ramos
(2009)
 EKSPOSYUR: TATLUMPUNG DAGLI NG PAKIKIPAMUHAY ni Marlon Lester
Gueta (2013)
KUWENTONG – BUHAY

Ang kuwentong – buhay (life story) ay malikhaing


pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay
ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng
pananaliksik.

HALIMBAWA:
MGA NARATIBO NG INSEGURIDAD: PANIMULANG
PAGSUSURI SA SISTEMA NG ENDO SA PILIPINAS ni
John Kelvin Briones (2015)
(INI)LIHIM SA DAGAT: MGA SALAYSAY NG PAGSUBOK
AT PAKIKIBAKA NG MGA PILIPINONG SEAMAN ni
Joanne Manzano
PAG – IINYERBYU,FOCUS GROUP DISCUSSION
(FGD), AT PAGTATANONG – TANONG

 Ang pag-iinterbyu ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong


taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito. Ang
interbyu ay maaaring structured o non-structured.
 Ang Focus Group Discussion ay katulad din ng pag- interbyu ,kung
saan sa interbyu ay isa lamang ang kinakapanayam sa bawat
pagkakataon, sa FGD ay dalawa o higit pa ang kinakapanayam.
 Ayon kay Pe-Pua (1989), Isang porma rin ng interbyu ang
pagtatanong – tanong na may
APAT NA PANGUNAHING KATANGIAN:
1. It is participatory in nature.
2. The researcher and the informant are equal in status.
3. It is appropriate and adaptive to the conditions of the group of
informants in that it conforms to existing group norms.
4. It is integrated with other indigenous research methods.
HALIMBAWA:
PAMAHIIN NILA NOON, BUHAY PA BA NGAYON?:
PAGSUSURI SA MGA PAMAHIING NANANATILI MULA
NOON HANGGANG NGAYON ni Reshel Madel Lopez, et
al. (c. 2015)
UTANG NA LOOB PARA SA MGA KABATAAN NGAYON:
ISANG PAGTATAYA nina Lucy Mary M. Navarro at
Rowena G. Fernandez (2013)
VIDEO DOCUMENTATION

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagrerekord ng


mga imahe at tunog gamit ang video recorder.

HALIMBAWA:
LILA: A DOCUMENTARY ON A MOTHER RAISING A
CHILD WITH AUTISM ni C.S Ustaris (2014)
WORKING WHILE IN CLASS ni Maevelyn Calapardo
(2011)
WHITE PAPER O PANUKALA

Tumutukoy ito sa isang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng


gobyerno,opisyal ng gobyerno,think tank,akademikong
departamento, o eksperto na naglalahad ng makabuluhang
impormasyon at/o mga panukala kaugnay ng isang
napapanahong isyu na nakakaapekto sa maraming mamamayan
o sa isang particular na komunidad.

HALIMBAWA:
ANG UGNAYAN NG WIKA,PANANALIKSIK, AT
INTERNASYONALISASYONG AKADEMIKO ni Feorillo Demeterio III
at Joshua Mariz B. Felicilda sa Malay (2015)
BANGA, BANGKA,BANGKAY!!!: ISANG PANUKALANG GAMIT NG
ARKEOLOHIYA SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN AT
KASAYSAYAN NG PILIPINAS ni Michael Charleston “Xiao” B. Chua
DEKSRIPTIBONG PANANALIKSIK

Tumutukoy ito sa deksriptibo o palarawang


paglalahad ng mga katangian ng isang tao, grupo,
sitwasyon, bagay, phenomenon, at iba pa na
sinusuri/ pinag-aaralan.

HALIMBAWA:
PANANAW NG MGA KALALAKIHAN SA KONSEPTO NG
SEENZONE nina Jethro Laput at Ma. Fatima Bullecer
sa The Bedan Journal of Psychology (2016)
KOMPARATIBONG PANANALIKSIK

Tumutukoy ito sa deksriptibo o palarawang


paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad
at pagkakaiba ng dalawang
tao,grupo,sitwasyon,bagay,phenomenon, at iba.

HALIMBAWA:
KOMPARATIBONG ANALISIS NG AKTUWAL NA GAMIT
NG WIKA AT MGA PILING PAMANTAYAN SA
GRAMATIKA AT ORTOGRAPIYA SA FILIPINO,
SEBWANO – BISAYA, AT ILOKANO: LAPIT BATAY SA
KORPUS ni Joel P. Ilao sa Daluyan (2012)
CASE STUDY

Tumutukoy ito sa detalyadong paglalarawan sa


sitwasyon ng isang
tao,bagay,lugar,pangyayari,phenomenon,at iba pa.
bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod pang
pag-aaral sa mga kahawig na kaso.

HALIMBAWA:
ISANG KRITIKAL NA PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG
MALAWAKANG PAGPAPALIT – GAMIT NG LUPA SA
KITA AT PANG –EKONOMIKONG KASIGURUHAN NG
MGA PESANTE SA BARANGAY SANTIAGO NG GENERAL
TRIAS,CAVITE ni Kaye Melody M. Reyes (2010)
PAGSUSURING TEMATIKO AT PAGSUSURI
NG NILALAMAN
 Ang pagsusuring tematiko ay tumutukoy sa pamamaraan ng
pagtukoy,pagsusuri at pagtatala sa mga tema o padron ng
naratibo sa loob ng isang teksto.
 Ang pagsusuri ng nilalaman o content analysis ay tumutukoy
sa paglalarawan at/o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto.

HALIMBAWA:
 PAGTUNGO SA MGA KATUTUBONG KOMUNIDAD: ISANG
PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL SA KARANASAN NG
PROGRAMANG PANTAWID PAMILYA ni Christian Ranche
(2017)
 MGA PILING TALUMPATI NG IBA’T IBANG PANGULO NG
PILIPINAS: ISANG PAGSUSURI ni Rechelle Almendral , et al.
(2013)
SECONDARY DATA ANALYSIS

Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag – uugnay – ugnay


sa mga umiiral na datos at estadistika,tungo sa
layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o
makabuo ng mga bagong konklusyon na angkop sa
kasalukuyang sitwasyon.

HALIMBAWA:
COUNTRY ANALYSIS OF AIDS IN THE PHILIPPINES:
GENDER AND AGE SITUATION AND RESPONSE NG
NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT
AUTHORITY/NEDA AT UNITED NATIONS CHILDREN’S
FUND/UNICEF (2011)
PAGBUBUO NG GLOSARYO/PANANALIKSIK NA
LEKSIKOGRAPIKO

Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng


pagtatala ng depinisyon ng mga termino alinsunod
sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang
partikular na larangan.

HALIMBAWA:
GLOSARYO NG MGA TERMINO SA PANITIKAN ni David
Michael San Juan (2010)
PAGBUBUO AT BALIDASYON NG
MATERYALES NA PANTURO

Tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso ng


pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba
pa.materyales na panturo na kaiba sa karaniwang
umiiral o kaya’y naka-angkla sa panibagong
pamamaraan o dulog sa pagtuturo.

HALIMBAWA:
DEBELOPMENT AT BALIDASYON NG MODYUL SA
FILIPINO I PARA SA MGA DAYUHANG MAG-AARAL SA
ANTAS TERSYARYA ni Arlene M. Soliman (2007)
PAGSUSURI SA DISKURSO

Tumutukoy sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag


at/o mensaheng nangingibabaw sa
teksto,awit,video,pelikula, at iba pang materyales.

HALIMBAWA:
ISANG PAGSUSURI NG DISKURSO NG USAPANG
BAKLA SA MGA CHATROOM ni Rowell D. Madula sa
Malay (2010)
SWOT ANALYSIS

Tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan (strengths)


at kahinaan (weaknesses) ng isang programa/plano,
at mga oportunidad (oppurtunities) o bagay na
makatutulong sa implementasyon at mga banta
(threat) o bagay na maaaring makahadlang sa
implementasyon ng programa/plano.

HALIMBAWA:
ASPIRATIONS AND CHALLENGES FOR ECONOMIC AND
SOCIAL DEVELOPMENT IN THE PHILIPPINES TOWARDS
2030 nina Josef T. Yap and Ruperto P. Majuca (2013)
KRITIKAL NA PAGSUSURING
PANGKURIKULUM/ PAMPROGRAMA
Tumutukoy sa pagsusuri sa mga negatibong aspekto ng
isang kurikulum/programa tungo sa layuning baguhin /
linangin pa ito.

HALIMBAWA:
REVIEW OF PHILIPPINE MIGRATION LAWS AND
REGULATIONS: GAINS, GAPS, PROSPECTS nina Julyn S.
Ambito and Melissa Suzette L. Banzon (2011)
THE PHILIPPINE MINING ACT OF 1995: IS THE LAW
SUFFICIENT IN ACHIEVING THE GOALS OF OUTPUT
GROWTH, ATTRACTING FOREIGN INVESTMENT,
ENVIRONMENTAL PROTECTION AND PRESERVING
SOVEREIGNTY? Ni Roberto B. Raymundo (2014)
PAGSUSURING ETIMOLOHIKAL

Tungkol ito sa mga pinagmulan ng kahulugan ng


mga salita , orihinal na konteksto at iba pang
kaugnay na detalye na mahalaga sa pag-unawa sa
kasalukuyang gamit at konteksto nito.

HALIMBAWA:
ISANG PAGSUSURI NG TOPONOMIYA SA BAYAN NG
LUCBAN, QUEZON ni Cyril Jude M. Cornelio et al.
(2016)
ACTION RESEARCH

Tumutukoy ito sa pananaliksik na nakatuon sa


paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid
aralan, o kaya’y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa
isang partikular na sitwasyon.

HALIMBAWA:
APPLE O ATIS: ISANG PAG-AARAL SA K-2 ni Eleanor
Eme E. Hermosa sa Alipato (2006)
PAGSASAGAWA NG SARBEY

Ang sarbey ay isinasagawa sa pamamagitan ng


pagsasagot ng talatanungan o questionnaire sa mga
taong makapagbibigay ng saloobin, opinyon o
impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik.

HALIMBAWA:
MAY PERANG DUMADAAN LANG SA PALAD, MERONG
PADALA, AT MAY PADULAS DIN: PANINIWALA’T
PANANAW SA PERA AT PALAGAY SA
PANDAIGDIGANG KRISI PAMPINANSIYA ni Roberto
Javier Jr. sa Malay (2011)
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Tumutukoy ito sa pagkalap ng at pagsusuri sa


impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik, mula
sa mga umiiral na sanggunian at pananaliksik.

HALIMBAWA:
WEB USABILITY: A LITERATURE REVIEW nina Giselle
Joy Esmeria at Rosemary R. Seva (2017)
THE POOR IN THE PHILIPPINES: SOME INSIGHTS
FROM PSYCHOLOGICAL RESEARCH ni Ma. Teresa
Tuason sa Psychology and Developing Societies
(2010)
DOCUMENTARY O TEXT ANALYSIS

Tumutukoy ito sa paghihimay – himay sa


nilalaman,konteksto, at kabuluhan ng tekstong
sinusuri.

HALIMBAWA:
MGA TIWALA SA DAANG MATUWID’ AT ANG MGA
TALINGHAGA’T TEMA SA TALUMPATI NI P- NOY ni
Roberto Javier, Jr. sa Malay (2012)
PAGPAPABIDA SA KONTRABIDA: ISANG
PAGHAHANAP AT PAGSUSURI SA KONSTRUKSYON AT
DISKURSO NG KONTRABIDA SA TELESERYENG
WALANG HANGGAN nu Louise Anne Oblena (2014)
EKSPERIMENTASYON/PANANALIKSIK NA
EKSPERIMENTAL
 Tumutukoy ito sa pananaliksik na nakatuon sa pag-
eeksperimento o proseso ng paghahambing sa resulta ng
pagmanipula sa isang variable na kasangkot ang dalawang
grupo o mga subject ng pananaliksik.

UNANG GRUPO – GRUPONG KONTROLADO (CONTROL GROUP)


 Hindi nilalapatan ng pagmanipula sa variable
IKALAWANG GRUPO
 Nilalapatan ng pagmanipula sa variable.

HALIMBAWA:
 ANG PAG-IIMBESTIGA NG BISA NG LAGUNDI SYRUP SA PAG-
GAMOT NG UBO
PAGTUKOY SA SANHI AT BUNGA

Tumutukoy sa pananaliksik na nakatuon sa mga


sanhi at bunga ng isang
pangyayari,phenomenon,programa/proyekto,patakar
an at iba pa.

HALIMBAWA:
DESKRIPTIBONG PAGAARAL SA SANHI AT EPEKTO NG
STRESS SA MGA MAGAARAL SA IKAAPAT NA ANTAS
NG HRM SA PAMANTASANG DE LA SALLE
DASMARINAS ni Gizelle Vergara et. Al (c2013)
HISTORIKAL NA PANANALIKSIK

 Tumutukoy ito sa pananaliksik na nakatuon sa pagtukoy sa


pinagmulan / kasaysayan/ mga makabuluhang pangyayari kaugnay
ng isang phenomenon, programs/proyekto, patakaran, at iba pa.

HALIMBAWA:
 KASARIAN AT KABUHAYAN: ILANG TALA SA KASAYSAYANG
DEMOGRAPIKAL NG PAGGAWA AT PASAHOD SA PILIPINAS,1903 –
1948 ni Francis Gealogo sa Philippine Social Sciences Review
(1995)
 HISTORIKAL NA PANANALIKSIK HINGGIL SA AGAWAN NG LUPA SA
BARANGAY PATUNGAN, MARAGONDON, CAVITE ni Graciel Ann
Bermudez et.al (2016)
 KASAYSAYANG PASALITA: ANG KULTURANG PILIPINO AT
KARANASAN NG MGA FILIPINONG MANANALIKSIK SA LARANGANG
PASALITA = ORAL HISTORY ni Nancy Kimuell – Gabriel sa Malay
(2011)
TRANSLATION PROCESS STUDY

Nakapokus ang ganitong pananaliksik sa pagtalakay sa


mga obserbasyon,natutuhan, praktikal na aral, at iba pa
na nakuha o nakalap ng mananaliksik habang
nagsasalin ng isang akda.

HALIMBAWA:
ANG PAGSASALING TEKNIKAL: PAGSIPAT SA PRAKTIKAL
AT PAGPAPAHALAGA ni Raquel Sison- Buban sa Malay
(2014)
PATIKIM SA MALINAMNAM NA PANULAAN NG TINAPAY:
MGA TALA SA PAGSASALIN SA FILIPINO MULA INGLES NG
ILANG PILING TULA NI PABLO NERUDA ni David Michael
M. San Juan (2008)
CULTURAL MAPPING

 Ayon kina Moore at Borrup (2008), ito ay tumutukoy sa “proseso


ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang
pangkultura na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko,
sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo”.

HALIMBAWA:
 PAGMAMAPA NG PAGBABAGONG HEOGRAPIKAL,HISTORIKAL AT
KULTURAL NG QUIAPO ni Jema Pamintuan sa Plaridel Journal
(2006)
 PANGASINAN KUNG PAANO NAIMAPA ANG LALAWIGAN MULA SA
MATANDANG DIKOTOMIYA NG BAYBAY- ALOG (PANAG-’ASINAN’-
CABOLOAN) ni Marot Nelmida Flores sa Philippine Social
Sciences Review (c2007)
TREND STUDIES

Tumutukoy ito sa pananaliksik na nag-iimbentaryo o


nagsusuri sa trend ng mga pananaliksik sa isang
larangan, bilang gabay sa mga susunod pang
mananaliksik.

HALIMBAWA:
PHILIPPINE STUDIES/ARALING PILIPINO/PILIPINOLOHIYA
SA WIKANG FILIPINO: PAGPOPOOK AT PAGDADALUMAT
SA LOOB NG KAPANTASANG PILIPINO ni Mary Jane B.
Rodriguez – Tatel sa Humanities Diliman (2015)
DIREKSIYONG HISTORIKAL NG MGA PAG-AARAL
PANGGRAMAR NG MGA WIKANG TIMOG BISAYA ni
Francisco B. Bautista, Jr. sa Daluyan (2015)
PANANALIKSIK SA ARKIBO/ARCHIVAL
RESEARCH
Tumutukoy ito sa porma na historikal na nakatuon
sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo (archives)
gaya ng mga lumang manuskrito, dyaryo at iba pa.

HALIMBAWA:
JOURNALISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO
FILIPINO (1910-1913) PAGBIBINHI SA MAKABAYANG
SANAYSAY SA PANITIKAN NG PILIPINAS ni Nicanor
Tiongson sa Plaridel (2013)

You might also like