You are on page 1of 11

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

MABALACAT CITY COLLEGE


Institute of Arts, Sciences, and Teacher Education
(IASTE)

MODULE 6
FILDIS
FILIPINO SA IBA'T IBANG
DISIPLINA

Gerone C. Malana
Instructors

Pangalan ng Mag-aaral:
Seksyon:

MODYUL 6: Batayang Kaalaman sa Metodolohiya (Pagtitipon,


Pagpoproseso at Pagsusuri ng Datos) sa Pananaliksik Panlipunan

1
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

Mga Pangunahing Metodo sa Pananaliksik-Panlipunan


1. Etnograpiya – sa pamamaraan ng pananaliksik na ito, ang mananaliksik o etnograper
ay nakikipamuhay sa mismong komunidad na kanyang sinasaliksik
Fieldwork – ito ay isang pagkilala ng etnograper sa isang kultura at ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipamuhay at
obserbasyon sa mga kasangkot sa pag-aaral.
Etnograpiko- pagsasabuhay sa kultura.
-naglalayong punahin ang mga di binibigyang pansin o
pinagwawalang bahalang konsepto at asumpsyong
sosyal, ekonomiko, political, kultural at iba pa.
2. Kuwentong-Buhay
-kilala rin sa tawag na narrative inquiry at maaring tumukoy sa espesipikong
metodo na ginagamit sa imbestigasyon ng isang phenomenon.
-ang narrative inquiry ay kinasasangkutan ng interdisiplinaryong pag-aaral ng
mga gawaing tulad ng pagbuo at pag-analisa ng karanasan sa buhay ng tao, at
kalaunay pag-uulat sa mga ito (Schwandt 2015).
- sa pagsusuri ng kuwentong-buhay, maaaring hanguin ang mga
impormasyon mula sa kasaysayan ng buhay, naratibong panayam, journal, diaries,
momoirs, awtobiograpiya, o biograpiya ng indibidwal.
3. Eksperimentasyon
-ang proseso ng pag-aaral ng dalawang baryabol.
-ang bias ay kontrolado o pinanatiling constant at ang isa naman ay
nilalapatan ng interbensyon.
-ang manipuladong baryabol ay tinatawag ding eksperimental na grupo na
nilalapatan ng kaukulang tritment para tingnan ang pagkakaiba nito sa kontroladong
grupo.
Naglahad sina Naval, et al. (2010) ng yugto sa pagsasagawa nito
Pagtukoy sa isyu o suliranin
Pormulasyon ng haypotesis, pagpapakahulugan sa termino at baryabol

2
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

Pagpili sa grupong eksperimental


Pagbuo sa isang planong eksperimento
Pagsasakatuparan sa eksperimento

4. Aral-Kaso
-ang case study ay isang metodo sa pananaliksik na mailalarawan sa pamamagitan
ng pag-aaral ng isang napapanahong kaso o mga kaso ng tunay na buhay. Limitado ang
kaso sa mga salik tulad ng lugar at oras (Yin, 2009)

-ayon kay Stake (1995) ang isang mag-aaral ay maituturing na kaso subalit ang
pagtuturo ng guro ay di nagtataglay ng tinatawag niyang specificity para maituring na isang
kaso.

-sa pagsasagawa ng isang case study, maaaring humango ng mga datos mula sa
tuwirang obserbasyon, interbyu, dokumento, artifacts at iba pa (Yin 2009)

5. Action Research
-binigyang kahulugan ito ni Stinger (2014) sa kaniyang aklat na Action Research
bilang isang sistematikong pag-iimbestiga upang makahanap ng solusyon sa mga
suliraning kinakaharap sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

-kadalasan lokalisado ang setting at espesipiko ang sitwasyon na ginagawan ng


action research.

Yugto sa Pagsasagawa ng Action Research

a. Pagpaplano - sa yugtong ito ng mga mananaliksik sa kanilang sarili kung ano ang
realidad ng kalagayan ng tiyak na lunan na pinag-aaralan at mula sa pagtatanong sa tiyak
na estado ng isang isyu o suliranin.

b. Implementasyon – sa yugtong ito susubukan ang nabuong plano. Sinisikap na sagutin


ang planong isasakatuparan ang mga tinutukoy na suliranin sa yugto ng pagpaplano.

c. Obserbasyon – habang isinasakatuparan ang plano ay tinitipon ang mga mahahalagang


datos pamamagitan ng obserbasyon upang makita kung saan mahina o kung saan malakas
o epektibo ang haing solusyon.

d. Pagmumuni – nasasangkot ng yugtong ito sa pag-analisa at pagmumuni sa mga


pangyayari sa implementasyon batay sa mga nakalap na datos sa obserbasyon.

3
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

6. Pagmamapa
-ang mapping isang rebyu, hindi ng mga resulta tulad ng rebyu sa mga kaugnay na
literatura, kung hindi ng mga pagkakaugnay-ugnay o linkages.

-tinitingnan sa proseso ng pagmamapa ang pagtukoy sa kung saan ang lokasyon ng


pag-aaral, kalian ito isinagawa, o kung ano ang pokus ng pag-aaral (Cooper, 2016)

-ang pagmamapa ay maaaring isagawa sa halos lahat ng paksang nais pag-aralan


tulad ng kultura, ekonomiya, politika, edukasyon at iba pa.

Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos

1. Video Documentation – isang paraan para makaptyur at maiimbak ang mga


mahahalagang pangyayari sa proseso ng pananaliksik. Maaaring gawing tuluyan o
segmental ang video documentation.
Tuluyang video documentation – tuloy-tuloy na pagkuha ng bidyo ng isang
pangyayari.
Segmental – tawag sa dokumentasyon ng mga maikling bahagi at kalauna’y
makakabuo ng isang mahusay na istorya

Ang video documentation, katulad ng audio recording ay isang mainam na


teknolohiya upang maitala ang mga mahahalagang pangyayaring mahirap makaptyur gamit
ang ibang pamamaraan. Ginagamit din ito sa etnograpiya, action research, eksperimental
na pananaliksik at iba pa.

2. Literature Review – ang pagsusuri sa mga kaugnay na literature at pag-aaral ay


tumutukoy sa pamamaraan ng paghahanap ng mga nasusulat o nakatalang impormasyon
na may kinalaman sa nais gawing pag-aaral at pagsusuri.

Sa pagpili ng mga literaturang susuriin, mahalagang isaalang-alang ang kalidad


kaysa sa kantitad. Sa pagsusuri sa mga ito, maaring gawin ang pagsusuri batay sa tatlong
pamamaraan:

a. Historikal – sa paraang ito, inaaral at inilalahad ng mga nabasang literature batay


sa timeline o panahon ng pagkakagawa ng mga ito. Ginagamit ito upang ipakita ang
debelopment ng paksa.

b. Lokalidad – sa pamamaraang ito sinusuri ang mga sanggunian at ipinaghihiwalay


ito batay sa lokasyon ng pag-aaral. Hinahati ito sa literaturang local at literaturang banyaga.

4
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

c. Tematik – bumubuo ng mga kategorya at sa ilalim ng mga kategoryang ito


tatalakayin ang mga impormasyong nakuha sa mga sanggunian.

3. Interbyu – ang pakikipanayam sa isahang pakikipag-usap ng mananaliksik sa kaniyang


impormante upang kumalap ng mga mahahalagang impormasyon na ipinapalagay ng
mananaliksik na pinakamahusay na maibigay ng napiling impormante. Sabi nga nina
Holstein at Gobrium (1995), ito ay isang interaksyong panlipunan sa pagitan ng
tagapanayam (interviewer) at kinakapanayam (interviewee) na kapwa nagbibigay-
kontribusyon sa proseso ng paglikaha ng mga kuwento at kahulugan.

a. Experience and behavior questions- nakataya rin sa mga nagawa na ginawa o


gagawin pa lamang ng kinakapanayam.

b. Opinion and values question- mga katanungang nakapokus sa pananaw at


paniniwala ng kinakapanayam ukol sa isang paksa, karanasan, phenomenon, kaganapan,
at kung paano niya pinapahalagahan ito.

c. Feelings question- tinutuong sa kasalukuyang pakiramdam sa isang karanasan ng


kinakapanayam.

d. Knowledge question – mga katanungang humahango ng mga impormasyon at


kaalamang taglay ng kinakapanayam ukol sa paksang pinag-aaralan.

e. Background/Demographic questions – mga katanungang sinasagot ng lokasyon,


identidad at iba pa.

4. Focus Group Discussion (FGD)


- ito ay isang pamamaraan ng elisitasyon ng mahahalagang impormasyon, particular
ang pananaw at imbak na karunungan, ng mga piling indibidwal na may kaugnayan sa pag-
aaral. Ginagamit ito upang masuri kung paano nabubuo, nadedebelop, at umiiral ang isang
ideya o kaalaman sa loob ng isang kontekstong kultural o panlipunan.

5. Obserbasyon at Participant Observation


-ang obserbasyon ay isang proseso ng pagmamasid at pagtatala ng mananaliksik sa
kanyang mga nasaksihan sa loob ng isang particular na lugar, pangyayari, kaganapan, o
sitwasyon. Sa obserbasyon, may nakahanda nang observation sheet na siyang gabay ng
mananaliksik sa mga tiyak na aspektong bibigyang tuon sa kanyang pagmamasid. Ang
prosesong ito ay tinatawag na passive, sapagkat limitado lamang ang interaksyon ng
obserber sa kontekstong pinag-aralan.

5
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

Nagbigay sina Hammersiey at Atkinson (2007) ng mga dapat tandaan ng mananaliksik sa


paggawa ng participant observation.

a. Hanapin ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa sentral na diwa ng


paksang pinag-aaralan ngunit dapat nakabase sa mga umiiral na prinsipyo at teorya;

b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto kasama na ang mga
hindi gaanong pansin na datos kung walang pokus at intensyonal na obserbasyon; at

c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan ang ano mang uri ng
personal biases at prejudices.

6. Archival Research
-ito ay ang pinakaunang paraan ng pagkalap ng impormasyon para sa mga
isinasagawang pananaliksik.

7. Pagsasagawa ng Sarbey
- isang proseso ng pagkalap ng impormasyon mula sa inaasahang tagatugon sa
pananaliksik sa pamamagitan ng survey questionaires, checklist, o iba pang anyo ng survey
forms. Sa tradisyonal na anyo, isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga printed forms,
ngunit sa kasalukuyan gumagamit nan g e-survey forms kung online ang paraan ng sarbey.

Ang isang talatanungan ay maaaring maglaman ng:


- datos ng pagkakakilanlan
- pahayag ng paghingi ng kooperasyon
- mga panuto o direksyong sa dapat na gawin ng tagatugon
- ang mga impormasyong kailangang ibigay ng tagatugon na may direktang
kinalaman sa pag-aaral.

Sa paglikha ng isang questionnaire mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:


- gawing simple at malinaw ang mga tanong
- gawin ding maikli ang mismong kabuuan ng survey form
- dapat hindi opensibo ang mga katanungan
- gawing lohikal ang pagkakaayos ng mga hinihinging datos, at
- iwasan ang paghingi ng masyadong mahahabang kasagutan mula sa tagatugon

8. Transkripsyon

6
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

- Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstuwal na anyo ng isang audio o


audio-visual na sanggunian.
- kadalasang ginagawa ang pagtranskrayb sa mga usapan o oral na mga pahayag
mula sa mga interbyu, focus group discussion, obserbasyon, at audio o audio-video
documentary o file. Sa transcription na tumutukoy sa non-edited na bersyon ng isang audio
file.
- tinatawag naming polished transcription ang isinasaayos na bersyon ng raw
transcription na siyang ginagamit para sa pag-aanalisa, paglalahad at paglilimbang.

Pamamaraan sa Pagsusuri ng Datos

1. SWOT Analysis
- ang Strengths, Weaknesses, Opportunities and Threats analysis ay isang
pamamaraan sa pagtukoy sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at mga bantang maiuugnay
sa isang proyekto, polisiya at iba pang gawain.

2. Discourse analysis
- ang pagsusuri sa mga diskurso ay nakatuon sa proseso ng pagsusuri sa paggamit
ng wika sa loob ng panlipunang konteksto.
- Wika at konteksto ang dalawang mahahalagang element sa pagsusuri ng diskurso.

3. Document Analysis at Content Analysis


- ayon kay Bowen (2009), ang document analysis o pagsusuri sa dokumento ay
isang proseso sa pagsusuri sa anyo, estruktura at nilalaman ng mga dokumento ay isang
proseso upang makapagbigay ng tinig at kahulugan sa isang paksa.

4. Comparative Analysis
- isang paraan ng pagsusuring detalyadong nagtatala sa pagkakatulad at/o
pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem

PAGSAGOT SA MGA KATANUNGAN! 5 puntos


1. Bakit mahalagang malaman ang mga batayang kaalaman sa Metodolohiya sa pananaliksik
panlipunan?
2. Ano-ano ang mga pangunahing metodo sa pananaliksik? Ibigay ang kahulugan ng bawat isa.

7
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

Etnograpiya – sa pamamaraan ng pananaliksik na ito, ang mananaliksik o etnograper ay


nakikipamuhay sa mismong komunidad na kanyang sinasaliksik
Kuwentong-Buhay
-kilala rin sa tawag na narrative inquiry at maaring tumukoy sa espesipikong
metodo na ginagamit sa imbestigasyon ng isang phenomenon.
-ang narrative inquiry ay kinasasangkutan ng interdisiplinaryong pag-aaral ng
mga gawaing tulad ng pagbuo at pag-analisa ng karanasan sa buhay ng tao, at
kalaunay pag-uulat sa mga ito (Schwandt 2015).
- sa pagsusuri ng kuwentong-buhay, maaaring hanguin ang mga
impormasyon mula sa kasaysayan ng buhay, naratibong panayam, journal, diaries,
momoirs, awtobiograpiya, o biograpiya ng indibidwal.
Eksperimentasyon
-ang proseso ng pag-aaral ng dalawang baryabol.
-ang bias ay kontrolado o pinanatiling constant at ang isa naman ay
nilalapatan ng interbensyon.
Aral-Kaso
-ang case study ay isang metodo sa pananaliksik na mailalarawan sa pamamagitan
ng pag-aaral ng isang napapanahong kaso o mga kaso ng tunay na buhay. Limitado ang
kaso sa mga salik tulad ng lugar at oras (Yin, 2009)

-ayon kay Stake (1995) ang isang mag-aaral ay maituturing na kaso subalit ang
pagtuturo ng guro ay di nagtataglay ng tinatawag niyang specificity para maituring na isang
kaso.

-sa pagsasagawa ng isang case study, maaaring humango ng mga datos mula sa
tuwirang obserbasyon, interbyu, dokumento, artifacts at iba pa (Yin 2009)

Action Research
-binigyang kahulugan ito ni Stinger (2014) sa kaniyang aklat na Action Research
bilang isang sistematikong pag-iimbestiga upang makahanap ng solusyon sa mga
suliraning kinakaharap sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Pagmamapa
-ang mapping isang rebyu, hindi ng mga resulta tulad ng rebyu sa mga kaugnay na
literatura, kung hindi ng mga pagkakaugnay-ugnay o linkages.
8
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

-tinitingnan sa proseso ng pagmamapa ang pagtukoy sa kung saan ang lokasyon ng


pag-aaral, kalian ito isinagawa, o kung ano ang pokus ng pag-aaral (Cooper, 2016)

-ang pagmamapa ay maaaring isagawa sa halos lahat ng paksang nais pag-aralan


tulad ng kultura, ekonomiya, politika, edukasyon at iba pa.
Archival Research
-ito ay ang pinakaunang paraan ng pagkalap ng impormasyon para sa mga
isinasagawang pananaliksik.

Pagsasagawa ng Sarbey
- isang proseso ng pagkalap ng impormasyon mula sa inaasahang tagatugon sa
pananaliksik sa pamamagitan ng survey questionaires, checklist, o iba pang anyo ng survey
forms. Sa tradisyonal na anyo, isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga printed forms,
ngunit sa kasalukuyan gumagamit nan g e-survey forms kung online ang paraan ng sarbey.

Transkripsyon
- Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstuwal na anyo ng isang audio o
audio-visual na sanggunian.
- kadalasang ginagawa ang pagtranskrayb sa mga usapan o oral na mga pahayag
mula sa mga interbyu, focus group discussion, obserbasyon, at audio o audio-video
documentary o file. Sa transcription na tumutukoy sa non-edited na bersyon ng isang audio
file.
- tinatawag naming polished transcription ang isinasaayos na bersyon ng raw
transcription na siyang ginagamit para sa pag-aanalisa, paglalahad at paglilimbang.

3. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng questionnaire.


a. gumamit ng payak na salita
b. tiyaking organisado and ideyang ilalahad
c. alamin ang layunin ng isusulat

PAGNILAYAN NATIN 10 puntos


Sa isinulat na Metodolohiya at Pagdalumat sa Pananaliksik ni Rhoderick Nuncio,
ibigay ang pagkakaiba ng mga salitang nasa kahon.

9
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

 Ito ay ang pamamaraan ng pagkalap ng mga datos o


impormasyon sa pananaliksik na kailangang masagot
upang maging reliable, valid at kaaya-aya ang resulta
ng isang pananaliksik.

Metodolohiya

tumutukoysa mga tiyak na teknik ng pagtitipon atpagsusuri ng datos


upang makabuo ng mgakonklusyong mapaninindigan (reliable). Ito
angpinakamahalagang bahagi ng pananaliksik nakailangang itakda sa
pasimula pa lamang ngpag-iisip ng paksa.Walliman (2011)

Metodo

SANGGUNIAN:

https://www.scribd.com/presentation/424061118/Mga-Batayang-Kaalaman-Sa-
Metodolohiya-Sa-Pananaliksik-Panlipunanhttps://www.elcomblus.com/ang-wikang-
filipino-sa-ibat-ibang-larangan/

10
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA FILDIS

DISCLAIMER

It is not the intention of the author/s nor the publisher of this module to have monetary
gain in using the textual information, imageries, and other references used in its production.
This module is only for the exclusive use of a bona fide student of Mabalacat City College.
In addition, this module or no part of it thereof may be reproduced, stored in a retrieval
system, or transmitted, in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying,
and/or otherwise, without the prior permission of Mabalacat City College.

11

You might also like