You are on page 1of 41

FILIPINO SA IBA’T IBANG

DISIPLINA

G. Roy D. De Vera
Module 8:

Pagbabalangkas at Pagbuo
ng Konseptong Papel
Pagbabalangkas
I. Panimula
A. Panukalang Pahayag
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Kabuluhan ng Pananaliksik
D. Layunin ng Pananaliksik
E. Saklaw at Delimitasyon
F. Metodolohiya
II. Kahulugan ng mga Katawagan
Pagbabalangkas
III. Katawan
A. Intoduksyon sa Negosyo
B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas
C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
3. Ikatlong kapanayam
IV.Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam
V. Konklusyon
Pagbabalangkas
Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy
sa pinakamalawak na konsepto sa
pananaliksik.. Sa pangkalahatan., itinutukoy
itong introduksyon, katawanng pael at
pagkatapos/konklusyon ng pananaliksik.
Tatlong Uri ng Balangkas
1. Balangkas na Talata - ay
paghahanay nang isa – isang mga ideya.
Iniisa -isa lamang ang mga ideya at walang
pansing ibibigay sa ugnayan ng isang ideya
sa kasunod pa.
Tatlong Uri ng Balangkas
2. Balangkas na Paksa - ay
gumagamit ng karaniwang anyo ng
balangkas na nagpapakita ng antas at
sumusunod na ugnayan ng mga ideya.
Makikilala ito ito sa gamit ng mga salita o
parirala sa paghahanay ng mga datos at
konsepto.
Tatlong Uri ng Balangkas
3. Balangkas na Pangungusap - ay
gumagamit ng buong pangungusap sa
paghahanay ng mga datos at konsepto sa
balangkas. Maaaring gumamit ng
pangungusap na pasalaysay, kung tiyak na
ang datos na ilalagay o di kaya ay
pangungusap na patanong, kung nasa pa
lamang ng pagbuo ng mga datos nan ais
kalapin.
Konseptong Papel
ay tinatawag ding prospektus,
panimulang pag - aarl o panukalang
pananaliksik. Ipinapaliwanag, nililinaw at
inoorganisa rito ang mga ideya sa pagsulat.
Konseptong Papel
Pangunahing bahagi:
1. Tiyak na Paksa - Isa sa mga
tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel
ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o
larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.
Konseptong Papel
Pangunahing bahagi:
2. Rasyunal - Sa pagtitiyak ng mga paksang
nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng
paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay
ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa
pagtatangi ng napiling paksain. Ang dahilan sa
pagpili sa paksang pag-aaralan ang nakapaloob
sa bahaging ito. Tinatalakay na rin dito ang
magiging esensya ng pag-aaral sa mga tao, grupo
o institusyong pinatutungkulan nito.
Konseptong Papel
Pangunahing bahagi:
3. Layunin - ang pagtukoy ng layunin
ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa
pamamagitan ng isang katanungang
nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat. Dito
nakatala ang mga hangarin ng mananaliksik
sa pagsasagawa ng isang partikular na pag-
aaral.
Konseptong Papel
Pangunahing bahagi:
4. Panimulang Haka - Pagbuo ng
panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin
Hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay
pagtantiya lamang sa posibleng
kahihinatnan ng pagsisiyasat at
pananaliksik.
Konseptong Papel
Pangunahing bahagi:
5. Sarbey ng mga Sanggunian - Ang
panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na
pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng mga pag-
aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng
pagsisiyasat. Ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang
isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay
nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at
nakabatay sa mga kaalamang lalong
pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at
pananaliksik.
Konseptong Papel
Pangunahing bahagi:
6. Metodo o Pamamaraan ng Pananaliksik
- a pangkalahatan, maaaring uriin ang mga
metodo sa ilang pangunahing pamamaraang
ginagamit– ang pananaliksik sa mga aklatan at
arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-
eeksperimento sa laboratoryo o sa isang
kontroladong espasyo. Inilalahad sa bahaging ito
ang mga pamamaraan sa pangangalap ng datos o
kung paano bubuuin ang isang pag-aaral.
Module 9:

Mga Batayang kaalaman sa


Metodolohiya sa
Pananaliksik-Panlipunan
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
1. Etnograpiya- sa pamamaraan ng
pananaliksik na ito, ang mananaliksik o
etnographer ay nakikipamuhay sa
mismong komunidad na kanyang
sinasaliksik.
Schwandt (2015; sa Ravitch at Carl,
2016) - pinag-uugnay ng etnograpiya ang
mga proseso at produkto kasama ng mga
fieldwork at sulat na teksto.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
Fieldwork - ito ay isang proseso ng
pagkilala ng etnographer sa isang kultura at
ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pakikipamuhay at obserbasyon sa mga
kasangkot sa pag-aaral.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
Etnograpiko- pagsasabuhay sa
kultura.

Naval et al. (2010) ang etnograpiya ay


nakabatay sa isang ekstensibo at
detalyadong paglalarawan ng mga
pangyayari.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
2. Kuwentong-Buhay - kilalarin sa tawag na
narrative inquiry at maaring tumukoy sa
espesipikong metodo ma ginagamit sa
imbestigasyon ng isang penomenon.

Schwandt (2015) - ang narrative inquiry ay


kinasasangkutan ng interdisiplinaryong pag-aaral
ng mga gawaing tulad ng pagbuo at pag-analisa
ng karanasan sa buhay ng tao, at kalaunay
paguulat sa mga ito.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
3. Eksperimentasyon - proseso ng pag-
aaral ng dalawang baryabol. - Ang bisa ay
kontrolado o pinanatiling konstant at ang isa
naman ay nilalapatan ng interbensyon.

• Ang manipuladong baryabol ay tinatawag


ding eksperimental na grupo na nilalapatan
ng kaukulang tritment para tingnan ang
pagkakaiba nito sa kontroladong grupo.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
4. Aral-kaso - ang case study ay isang
metodo sa pananaliksik na mailalarawan sa
pamamagitan ng pag-aaral ng isang
napaanahong kaso o mga kaso ng tunay na
buhay.

Limitado ang kaso sa mga salik tulad ng


lugar at oras ( Yin, 2009).
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
• Ayon kay Stake (1995) - ang isang
mag-aaral ay maituturing na kaso. Ang guro
ay isa ring kaso subalit ang pagtuturo ng
guro ay di nagtataglay ng tinatawag niyang
specificity para maituring na isang kaso.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
5. Action Research - binigyang kahulugan
ito ni Stinger (2014) sa kanyang aklat na
Action Research bilang isang sistematikong
pag-iimbestiga upang makahanap ng
solusyon sa mga suliraning kinakaharap sa
pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

• Kadalasan lokalisado ang setting at


espesiko ang sitwasyon na ginagawan ng
action research.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
• Itinala nina Kemmis at McYoggart
(1992) ang mga yugto sa pagsasagawa ng
actio research. Kinabibilangan ito ng
pagpaplano, implementasyon, obserbasyon
at pagkumuni.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
A. Pagpaplano - sa yugtong ito tinatanong ng mga
mananaliksik sa kanilang sarili kung ano ang
realidad ng kalagayan ng tiyak na lunan na pinag-
aaralan at mula sa pagtatanong sa tiyak na estado
ng isang isyu o suliranin.

B. Implementasyon -sa yugtong ito susubukan


ang nabuong plano. Sinisikap na sagutin ang
planong isasakatuparan ang mga tinutukoy na
suliranin sa yugto ng pagpaplano.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
C. Obserbasyon -Habang isinasakatuparan ang
plano ay tinitipon ang mga mahahalagang datos
pamamagitan ng observasyon upang makita kung
saan mahinan o kung saan malakas o epektibo
ang haing solusyon.

D. Pagmumuni - nasasangkot ng yugtong ito sa


pag-analisa at pagmumuni sa mga pangyayari sa
implementasyon batay sa mga nakalap na datos
sa obserbasyon.
Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
6. Pagmamapa -ang mapping ay isang
rebyu, hindi ng mga resulta tulad ng rebyu
sa mga kaugnay na literatura, kung hindi ng
mga pagkakaugnay-ugnay o linkages.

• Tinitingnan sa proseso ng pagmamapa


ang pagtukoy sa kung saan ang lokasyon ng
pagaaral, kailan ito isinagawa, o kung ano
ang pokus ng pag-aaral ( Cooper, 2016).
Module 10:

Pamamaraan sa Pagtitipon
ng Datos
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
1. Video Documentation - ito ay isang
paraan para makaptyur at maiimbak ang
mga mahahalgang pangyayari sa proseso
ng pananaliksik. Maaring gawing tuluyan o
segmental ang video documentation.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
2. Literature Review - ang pagsusuri sa
mga kaugnay na literatura at pag-aaralay
tumutukoy sa pamamaraan ng paghahanap
ng mga nasusulat o nakatalang
impormasyon na may kinalaman sa nais
gawing pagaaral at pagsusuri.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
Sa pagsusuri sa mga ito, maaring gawin ang
pagsusuri batay sa tatlong pamamaraan:
Historikal, Lokalidad at Tematik.

a. Historikal - sa paraang ito, inaaral at


inilalaad ng mg nabasang literatura batay sa
timeline o panahon ng pagkakagawa ng
mga ito. Ginagamit ito upang ipakita ang
debelopment ng paksa.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
b. Lokalidad - sa pamamaraang ito sinusuri
ang mga sanggunian at ipinaghihiwalay ito
batay sa lokasyon ng pag-aaral. -hinahati ito
sa literaturang lokal at literaturang banyaga.

c. Tematik - bumubuo ng mga kategorya at


sa ilalim ng mga kategoryang ito tatalakayin
ang mga impormasyong nakuha sa mga
sanggunian.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
3. Interbyu - ang pakikipanayam sa isahang
pakikipag-usap ng mananaliksik sa kaniyang
impormante upang kumalap ng mga
mahahalagang impormasyon na
ipinapalagay ng mananaliksik na
pinakamahusay na maibibigay ng napiling
impormante.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
Sabi nga nina Holstein at Gobrium
(1995) -ito ay isang interaksyong panlilunan
sa pagitan ng tagapanayam ( interviewer) at
kinakapanayam ( interviewee) na kapwa
nagbibigay- kontribusyon sa proseso ng
paglikha ng mga kuwento at kahulugan.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
4. Focus Group discussion (FGD) - ito ay
isang pamamaraan ng elisitasyon ng
mahahalagang impormasyon, partikular ang
pananaw at imbak na karunungan, ng mga
piling indibidwal na may kaugnayan sa pag-
aaral.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
5. Obserbasyon at Participant Observation Ang
obserbasyon ay isang proseso ng pagmamasid at
pagtatala ng mananaliksik sa kanyang mga
nasaksihan sa loob ng isang partikular na lugar,
pangyayari, kaganapan, o sitwasyon.

Sa obserbasyon, may nakahanda nang


observation sheet na siyang gabay ng
mananaliksik sa mga tiyak na aspektong bibigyang
tuon sa kanang pagmamasid.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
6. Archival Reseach - Ito ay ang
pinakaunang paraan ng pagkalap ng
impormasyon para sa mga isinasagawang
pananaliksik.

• Kasama sa mga arkibyang sanggunian


ang mga manuskrito, dokumento, rekord na
elektroniko, materyales na awdyo-biswal at
iba pa.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
7. Pagsasagawa ng Sarbey Ang sarbey ay isang
proseso ng pagkalap ng impormasyon mula sa
inaasahang tagatugon sa pananaliksik sa
pamamagitan ng survey questionaires, checklist, o
iba pang anyo ng survey forms.

Sa tradisyonal na anyo, isinasagawa ito sa


pamamagitan ng mga printed forms, ngunit sa
kasalukuyana gumagamit na ng e survey forms
kung online ang paraan ng sarbey.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
8. Transkripsyon Isinasagawa ang prosesong ito
sa paglikha ng tekstuwal na anyo ng isang audio o
audio-visual na sanggunian.

• Kadalasang ginagawa ang pagtranskrayb sa mga


usapan o oral na mga pahayag mula sa mga
interbyu,focus group discussion, obserbasyon, at
audio o audio-video documentary o file.
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos
Sa transkripsyon, may tinatawag na raw
transcription na tumutukoy sa non-edited na
bersyon ng isang audio file.

Tinatawag namang polished transcription


ang isinasaayos na bersyon ng raw
transcription na siyang ginagamit para sa
pagaanalisa, paglalahad at paglilimbag.

You might also like