You are on page 1of 4

PPTP

 Pananaliksik
- Ito ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at pagtuklas sa isang suliranin.

 Paglilimita ng Paksa
1. Pangkalahatang Paksa
- Ang Saloobin ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo Hinggil sa Pag-aaral ng Filipino 1 at 2

2. Higit Pang Nilimitahang Paksa


- Ang Saloobin ng mga Mag-aaral na Inhinyero sa Kolehiyo Ukol sa Pag-aaral ng Filipino 1 at 2 sa New Era
University.
- 20 na salita lamang.

3. Nilimitahang Paksa
- Ang Saloobin ng mga Mag-aaral na Inhinyero sa Kolehiyo Ukol sa Pag-aaral ng Filipino 1 at 2.

 Konseptong Papel
- Isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin o tukuyin.

 Bahagi ng Konseptong Papel


 Rasyunal/Panimula
- Pagpapakilala ng napiling paksa.
- Maaaring simulan ang pangungusap sa:
a. Pagbibigay ng sipi mula sa ibang sanggunian
b. Pagbibigay depinisyon
c. Paglalahad ng kasaysayan.

 Layunin
- Ito ang motibo kung bakit nais pag-aralan ang napiling paksa.
a. Pangkalahatang Layunin
b. Tiyak na Layunin

 Metodolohiya
- Ito ay sumasagot sa tanong na paano kung saan inilalahad ang kaparaanang gagamitin sa pananaliksik.
a. Disenyo ng Pananaliksik
b. Kalahok ng Pananaliksik
c. Instrumento ng Pananaliksik

 Inaasahang Resulta
- Dito inilalahad ang maaaring kalabasan ng pananaliksik.

 Disenyo ng Pananaliksik
- Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama- samahin
ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na masagot ng
pananaliksik ang suliranin at matutupad ang layunin na itinakda nito.
- Ang disenyong pananaliksik ang detalyadong balangkas kung paano isinasagawa ang imbestigasyon. Kadalasang
nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin ang napiling
instrumento,at ang mga pamamaraan kung paanong susuriin ang datos.
- Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtakda sa uri ng disenyong gagamitin ng mananaliksik. Karaniwang ang suliranin
ng pananaliksik ay nagpapakita kung anong larang ang paksa ng pag-aaral. Bawat larang o disiplina ay may naaangkop
na disenyong maaaring gamitin.
- Kailangang tiyakin na ang kabuoang disenyo ay lohikal na sasagot sa mahalagang tanong ng pananaliksik.

 David De Vaus
- Kung mailatag ng maayos ng isang mananaliksik ang sistema at at disenyo ng pananaliksik, tiyak na makakamit nito
ang sumusunod:”
a. Matutukoy ng malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mangangatuwiran ang pagkakapili nito.
b. Madaling makabuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng
ginawang pananaliksik.
c. Malinaw at tiyak na matukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral.
d. Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga haypotesis at maipaliliwanag
kung paanong makakalap ang mga datos na ito.
e. Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali ang mga
haypotesis.

 Kwantitatibo
- Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at
penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon.
- Kadalasang ginagamit din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey,
ekperimentasyon, at pagsusuring estadistikal. Mula sa kanyang pangalan na kwantitatibo (quantitative), ang ganintong
disenyo ay nakapokus sa mahalagang bilang o numero.
- Nakabatay ang resulta ng pananaliksik at ang kongklusyon nito batay sa datos na makukuha mula sa bilang ng mga
mahahalagang aspekto kaugnay ng pag-aaral.

 Kwalitatibo
- Ang kwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang
unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
- Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay lagging nakabatay sa mas malawak
na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, intitusyon, at ugnayan pantao na
hindi maaaring mabilang o masukat.
- Ang ganitong uri ng disenyo ay nakapokus sa pag-uusisa at eksploratori. Kung ikukumpara natin ito sa kwantitatibo,
higit na mas malawak ang unang nabanggit kaysa sa kwalitatibo dahil mas personal ang dulog ng disenyong ito.
- Madalas na gumagamit ng pamamaraang participatory observation ang mananaliksik upang mas maunawaan niya ang
saklaw ng kanyang pag-aaral. Hindi makapagbibigay ng pinal at panlahat na kongklusyon dahil ang layunin nito ay
magbigay ng inisyal na panuntunan tungkol sa paksa.
- Perspektibo ng Pakikiuso sa mga Materyal na Bagay ng mga Kabataan sa Generation – Z, Karanasan ng Batang Ina,
Miskonsepsyon ng mga Matatanda tungkol sa Bakuna kontra COVID 19

 Iba Pang Disenyo ng Pananaliksik


1. Deskriptibo
- Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan.
Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
- Hindi ito makakatugon sa tanong na “bakit" sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon
ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
- Sa paggamit ng ganitong disenyo, maaaring maging abstract o concrete ang paglalarawan.
A. Concrete ito kung makikita mismo sa mga datos kaugnay ng pag-aaral ang tiyakang paksa ng pag-aaral katulad ng
pagkakahati ng mga pangkat sa isang tribo ng piling komunidad o kaya'y resulta sa paggamit pesticides sa sektor
ng agrikultura.
B. Abstract naman ito kung walang tiyakang sagot sa mga suliranin ng paksa. Ito ang mga pag-aaral na maaaring
magbago ang mga inaasahang tugon katulad ng: Persepsyon ng mga Matatanda sa Same Sex Marriage, Pag-aalis
ng Stigma tungkol sa Mental Health, Antas na paggamit ng PVMO ng SASP ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

2. Action Research
- Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa
sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng
mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon.
- Kailangan din ang mga serye ng ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput. Sa maikling paraan ng
pagpapaliwanag, ang ganitong disenyo ay swak sa mga paksang pagbibigay ng solusyon sa isang problema sa
pamamagitan ng paggamit at pagmomodipika rito.
- Epektibo ba ang paggamit ng zoom para sa online class?
- Ano ang pinakaepektibong bakuna kontra Covid-19?

3. Historikal
- Ang historikal na pananaliksik ay gumaganit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuong
mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung
paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay.
- At ang panagdaang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan. Ito ay isang uri ng disenyo na may
kinalaman sa mga mahahalagang datos at pag-unlad sa mga makasaysayang pangyayari. Higit na pinahahala-gahan
ang mga mahalagang pagbabago buhat sa mag pangayayari sa isang panahon.
- Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, Pagbabago sa Kurikulum ng Edukasyon sa Bansa

4. Case Study
- Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa
magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba't ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang piliting maging
ispesipiko, o kaya'y pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
- Pag-aaral sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Grade 11, Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,
Kaso ng Isang Senior Citizen na Takot Magpabakuna Kontra COVID 19.

5. Komparatibo
- Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at
iba pa. Madalas na ginagamit sa mga cross-national na pag-aaral ng ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga
pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon.
- Komparatibong Pagsusuri sa mga Programang NAS Daily at Project Night Fall hinggil sa Isyu ng Pambansang
Kultura
- Komparatibong Pagsusuri sa mga Cryptocurrency Online Games Katulad ng Axie Infinity at Binnemon
6. Normative Study
- Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyo ng normative dahil naglalayon itong
maglarawan ng anumang paksa. Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito dahil hindi lamang simpleng deskripsyon ang
layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapa-unlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga
tanggap na modelo o pamantayan.
- Pag-aaral sa antas ng kakayahan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino kaugnay ng mga MELC sa Kurikulum
- Pagsusuri sa Pagbaba ng Antas ng Kakayahan sa Matematika Kaunay ng MTB-MLE sa Primary

7. Etnograpikong Pag-aaral
a. Etnograpiya
- ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba't ibang
gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
- Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan
nga pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, at iba pa. Madalas na ginagamitan ito ng
participatory observation katulad ng pakikipanayam, pakikisalamuha sa kanila, imersyon at pakikipamuhay ng
parang ikaw ay kasapi nila.
- Kultura at Tradisyon ng mga Manobo sa Siyudad. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpapahalaga ng mga Aeta sa
Zambales

8. Eksploratori
- Isinasagawa ang disenyong eksplorati kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o
suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay
daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
- Pag-aaral tungkol sa Mental Health Stigma sa mga Kalalakihan kaugnay sa Pandemiya
- Pagsusuri sa Antas ng Kakayahan sa Matematika ng mga Axie Infinity Cryptocurruency Online Gamer

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
Pananaliksik- Ito ay ang pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutas sa isang suliranin. Ito ay isang
masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, isyu, tao at iba pang nais bigyang linaw, patunayan o
pasubalian.
Ayon kay Good, ang pananaliksik ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng
sliranin para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin.
E. at J. W Trece- ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon.
Parel- ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang
katanungan ng pananaliksik.

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
MAINGAT- Ang mga salitang gagamitin ay pili ayon sa hinihingi ng paksa.
MASUSI- bawat detayle, datos, pahayag o katwiran ay nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng anumang pasya.
SISTEMATIKO- batayan o proseso
MAPANURI- ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, sinusuri, at tinataya.
KONTROLADO- Walang puwang ang mga gawaing likhang isip at mga panghuhula.
TIYAK- kailangang patunayan ang mga nosyon, palagay, haka-haka o paniniwala sa paraang sigurado at mapagbabatayan.

IBA’T IBANG SANGGUNIAN


Sarili
Internet- pinakamadali at malawak sa pagkalap ng paksa.
Aklatan- tradisyonal na sanggunian
Dyaryo- pinagkukuhaan ng napapanahong isyu.
Mga Awtoridad, kapwa at guro- sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong sa iba maaaring makakuha ng ideya upang
mapaghanguan ng paksang pampananaliksik.
Ensayklopedia,aklat sa medisina at sikolohiya ay ang angkop na gamiting sanggunian sa pangangalap ng datos

KARD KATALOG
KARD NG PAKSA Ito ay uri ng kard katalog na kung saan ay malinaw sa mananaliksik ang kanyang paksang tatalakayin.
KARD NG AWTOR kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor sa kanyang paksa.
BAHAGI NG PANANALIKSIK
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
PANIMULA
KALIGIRANG KASAYSAYAN
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
SAKLAW AT LIMITASYON
KATUTURAN NG TALAKAY
KABANATA II: KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
KAUGNAY NA PAG-AARAL
BANYAGANG PAG-AARAL
LOKAL NA PAG-AARAL
KAUGNAY NA LITERATURA
BANYAGANG LITERATURA
LOKAL NA LITERATURA
BALANGKAS KONSEPTWAL
BALANGKAS TEORETIKAL
KABANATA III: METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
PAMAMARAANG GINAMIT
POPULASYON
DESKRIPSYON NG RESPONDENTE
INSTRUMENTO
URI NG ESTADISTIKA
KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS
KABANATA V: PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

You might also like