You are on page 1of 6

Pena, Ashley Gabrielle C.

11 – St. Lawrence

PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay pagtuklasat pagsubok ng isang teorya para sa


paglutas ng isangsuliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan.

Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena,


ideya, konsepto, isyuat mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay
o pasubali.

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,


disiplinadong inquiry sapamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay
sa kalikasan at kalagayan ng natukoyna suliranin tungo sa klarifikasyon at/o
resolusyon nito.

Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong


definisyon. Ayon sa kanya,ang pananaliksik ay isang sistematikong
paghahanap sa mga mahahalagang impormasyonhinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin.

Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik


ay isang proseso ngpangangalap ng mga datos o informasyon upang
malutas ang isang partikular na suliraninsa isang syentipikong pamamaraan.

Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-


aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik.

Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W. Trece
(1973) na nagsasaad na ang pananaliksik… ay isang pagtatangka upang
makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay
isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa
layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
URI NG PANANALIKSIK
1. Panimulang Pananaliksik ( Basic Research)
 Ang layunin ng pananaliksik na ito ay magpaliwanag.
 Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng teorya o paliwanag
tungkol sa isang penomenon (pangyayari)
 At ito ay deskriptibo o naglalarawan.
 Basic ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito.
Makakatulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng
karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa
kasalukuyan.

Halimbawa ng basic research:


 •Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng
mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo
sa mga tao sa kanilang paligid. •Pananaliksik tungkol sa font na
ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila
• Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na
hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay.

2. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research)


 Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na
suliranin sa isang programa, organisasyon o ng isang komunidad.

 Ang kaibahan nito sa pagtugong pananaliksik ay mas payak ang


suliranin nito at ang pangonglekta ng mga datos ay impormal.

 Action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa


mga espesipikasyong problema o masagot ang mga
espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga
tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang
larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa
pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.

 Karinawan ang mananaliksik ay kabahagi o kasapi ng pinag-


aaralan.

 Ang ganitong uri ng pananaliksik ay mainam para sa mga mag-


aaral sa sekunderya gayundin sa mga kolehiyo

Halimbawa ng action research:


: •Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro
tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino
upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at
natututo sa mga gawain
•Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga eksta-
kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan
sa kanilang academic performance •Pananaliksik kung may
epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng
mga estudyante sa ikalabing-isang baiting sa inyong paaralan.

3. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)


 Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang
mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa
gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang
suliraning yaon.

 Sa madaling salita ito ay may layunin na solusyunan ang


suliranin ng tao at mga suliraning umiiral sa kanyang kapaligiran

 Applied Research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng


populasyon

Halimbawa ng basic research:


•Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang
paaralan
•Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap
ng mga mag-aaral sa isang baiting sa isang paaralan
•Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga
kabataan sa isang komunidad.

4. Pananaliksik na Nagtataya (Evaluation Research)


 Tumutukoy sa pag-aaral ng proseso at kinalabasan ng isang
solusyon

 Kung ito ay nasa anyong formative research , ito ay may


layuning pag-ibayuhin ang proseso kaugnay ng ilang kundisyon
gaya ng oras, gawain at mga taong sangkot

 Kung ito naman ay summative susukatin nito ang bisa ng isang


programa, polisiya o produkto

5. Makaagham o Siyentipiko
 Mahalagang aktuwal na makuha ang mga katunayan at aktibong
gumawa ng mga bagay-bagay na makakatulong sa pagtuklas sa
nais patunayan
 Dito ay kailangang may haypotesis ang nananaliksik at
masinsinang magtrabaho at gumawa ng eksperimento upang
patunayan o pabulaanan ito

 Ang gagamiting pamamaraan ay pabuod o indaktibo

6. Literari o Pampanitikan
 ng gagamiting pamamaraan ay pabuod o indaktibo
 Hindi kailangang mag-eksperimento sapagkat ang mga
gagamiting materyales ay yaong nasaliksik na rin ng iba
 Sa madaling sabi, handa na ang mga kakailanganin, kokolektahin
na lang ang mga ito, masusing pag-aaralan at kritikal na
pahalagahan

MGA URI NG PANANALIKSIK (Kinds of Research)


1. EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK (Experimental Research) - ginagamitan
ng laboratoryo para tuklasin ang kadalisayan at katotohanang bunga ng mga
datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at paksa.

2. PANANALIKSIK NA PALARAWAN (Descriptive Research) - pananaliksik at


pag-aaral ng kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa tao. Ang
mga mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay nagsasagawa ng mga
sarbey na nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa mga datos na nakalap.

3. PANGKASAYSAYANG PANANALIKSIK (Historical Research) - pag-aaral sa


mga bagay o isyu ng nakaraan. Kung may pagdududa sa isang pangyayari sa
nakaraan, maaaring pag-aralan ang mga pangyayari sa likod nito at sa mga
pangyayari na bumabalot dito.

4. MGA PAG-AARAL SA ISANG KASO (Case Studies) - usaping panghukuman


na naging lubhang kontrobersyal ang kalimitang pinag-aaralan dito. Inaalam
dito ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga pangyayari.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/509352#readmore

Disenyo ng Pananaliksik

You might also like