You are on page 1of 6

ARALIN 1-2 Konsepto ng Pananaliksik:

Kalikasan, Kahulugan,
Layunin, Gamit at Uri

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo at etika sa pananaliksik. (F11PB-IVab- 100)
Nabibigyang -kahulugan ang konsepto ng pananaliksik ayon sa kahulugan at kalikasan nito.
(F11PT - IVcd – 89)

PANIMULANG GAWAIN

Istap, Luk at Tel!

Tingnan ang larawan at suriin itong mabuti. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

https://www.freepik.com/free-vectors/icons

1.Ano-ano ang mga makikitang mong bagay sa larawan?


2.Maiuugnay mo ba sa akademikong sulatin na Papel Pampananaliksik ang mga nasa larawan?
Oo o hindi.? Ipaliwanag.
3.Mahalaga ba ng pananaliksik sa tao? Pangatwiranan ang iyong sagot.
4.Bumuo ng sariling kahulugan ng pananaliksik, batay sa interpretasyon mo sa larawan.
ALAMIN
Pananaliksik
Kahulugan
Sa pinakapayak na kahulugan, ang saliksik, pananaliksik o pagsasaliksik ay paraan ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kanyang lipunan
o kapaligiran (Neuman, 1997)
Anomang bagay na mahalaga sa isang indibidwal o grupo, mula sa pinaka-abtrakto, gaya
ng mga paniniwala at kamalayan hanggang sa pinakakongkretong gaya ng epekto ng bacteria sa
kalusugan ng tao: mula sa pinakapersonal at pribado gaya ng pagkatao o seksuwalidad ng mga
Pilipino hanggang sa pinakapolitikal at publiko, gaya ng impluwensiya ng Estados Unidos sa
ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya-ay posibleng saliksikin. Samakatuwid,
napakasaklaw ng mga pagpipiliang paksa.
Iba pang kahulugan ng pananaliksik mula sa iba’t ibang awtor o manunulat:
➢ Clarke at Clarke (2005) Isang maingat , masistematiko at obhetibong imbestigasyon na
isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo ng kongklusyon at
makalikha ng ng mga simulating kaugnay ng tinukoy na suliranin sa ilang larangan ng
karunungan.
➢ John W. Best (2002), ang pananaliksik ay isang sistematiko at obhetibong pag-aanalisa at
pagtatala ng mga kontroladong obserbasyon na maaaring tumungo sa paglalahat, simulain,
teorya, at mga konsepto na magbubunga ng prediksiyon sa pagkilala at posibleng kontrol
sa mga pangyayari.
➢ Mouly ( 1964) ang pananaliksik ay proseso ng pagkakaroon ng mapanghahawakang
solusyon sa problema sa pamamagitan ng planado at sistematikong pangangalap, pag-
aanalisa at interpretasyon ng mga datos.
➢ Nuncio et al. (2013) ito ay isang lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong
ng mananaliksik na nakabatay sa problema at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon
ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at
lipunan.
Kung lalagumin natin ang ibinigay na mga kahulugan ng pananaliksik, nagkakaisa ang
mga awtor sa pagsasabi na ang pananaliksik ay sistematiko at obhetibong pag-aanalisa na
humahantong sa paglalahat at kongklusyon.

Kabuluhan at Layunin

Ang mananaliksik mismo ang nagtatakda ng kahalagahan o kabuluhan ng pananaliksik


depende sa kaniyang layunin o perspektiba. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
• Maglarawan ng isang penomenon. Kung ninanais o tinatangka ng mananaliksik na
maging pamilyar sa mga batayang kaalaman ukol sa isang paksa at makabuo ng
pangkalahatang larawan o konteksto sa nangyayari, sinasagot niya ang mga batayang
tanong na “ano”, “saan” o “sino”.
Hal. Ano ang COVID 19? Saan ito nagmula o nakukuha? Sino ang mga posibleng
makakuha nito?

• Magpaliwanag ng sanhi o dahilan ng mga pangyayari. Ginagalugad dito ang lahat ng


posibilidad para maipaliwanag ang mga dahilan sa nasabing penomeno. Maaaring
magsagawa ng sarbey upang mataya ang saklaw nito. At mula rito ay magsasagawa ng
malalimang pakikipanayan sa ilang piling impormante.
Hal. Bakit nalululong ang kabataan sa online games?
Paano naging lungsod ang isang bayan?

• Magtasa o magsagawa ng ebalwasyon. Tinatasa ang kabisaan ng isang gawain o proyekto


upang sa gayon ay maging kapaki-pakinabang para sa lahat at magdudulot ng kabutihan sa
nakararami.
Hal. Bago ipalabas o maging ganap na batas ang mga panukala ukol sa panahong may
pandemya, ito ay sinusuring mabuti upang mabatid kung mabisa o hindi bago ang
implementasyon.

• Magtaya (predict) ng mangyayari. Ito ay gawain ng Social Weather Station o Pulse Asia.
Nagsasagawa sila ng sarbey upang makapagbigay ng mga kabatirang maaaring ikonsidera
ng mga tao sa kanilang pagpapasya sa panahon ng eleksyon. “Informed decision” ang
tawag sa ganong pagpapasya.
Gamit
Pangunahin at pinakakaraniwan sa lahat ay ang mga akademiko: estudyante at guro.
Ginagawa ito ng mga estudyante upang tugunan ang kahilingan ng isang asignatura. Isang
mahigpit na pangangailangan para makapagtapos ng isang kurso ang paggawa ng tesis sa
batsilyerato at masteradong antas o di naman kaya ay sa disertasyon sa doktorado. At kahit pa nga
minsan nakapgtapos na ay nangangailangan pa rin bumuo o sumulat ng isang pananaliksik para sa
pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Nanaliksik din ang mga lingkod-bayan o opisyal ng gobyerno, intistuyong pribado o di-
gobyerno gaya ng simbahan at mga tinataag na non-governmental organizations (NGOs), at mga
negosyante.
Uri ng Pananaliksik

• Batayang Pananaliksik (Basic Research)- tinatawag na tradisyonal o kumbensiyonal na


pananaliksik. Karaniwang isinasagawa ng mga akademiko sa pamantasan o sa iba’t ibang
larangan o disiplina ng pag-aaral. Sa agham panlipunan, humanidades, agham
pangkalikasan at iba pang larangan. Layon nitong makakalap ng kaalaman upang
mapalawak o mapalalim ang pagkaunawa sa isang bagay o penomemon. .Nagsisimula ito
sa tanong ng mananaliksik tungkol sa kultura at lipunang ginagalawan ng tao.
Dalawang posibilidad sa likod ng batayang pananaliksik
1. pagtibayin ang mga nabuong teorya o paliwanag ukol sa isang paksa
2. pasubalian at ipawalang-bisa ng mga ito upang lumikha ng bagong pananaw o paradigma

• Isinapraktikang Pananaliksik (Applied Research)- pangunahin nitong layunin ang


lutasin ang mga problemang may kinalaman sa mga espesipikong patakaran o polisiya
( Finsterbusch at Motz 1980).Binibigyan kagyat ng solusyon ang isang espisipikong
problema.
Hal. Mababawasan kaya ang mga drop-out sa hayskul ngayong panahon na may
pandemya?
Hindi na nga ba magkakaroon ng COVID 19 ang mga nabakunahan na?

Tatlong Pangunahing uri ng Isinapraktikang Pananaliksik


1.Action Research-pananaliksik na naglalayon ng pagkilos
2.Social Impact Assessment-pananaliksik na nagtatasa ng mga epekto sa lipunan kapaligiran
3. Evaluation Research-pananaliksik na pang-ebalwasyon

Paghahambing at Pagtatambis sa Batayan at Isinapraktikang Pananaliksik


Batayan Isinapraktika
Malayang pinipili ang paksang gagawan Limitado ang paksa sa hinihingi ng
ng pananaliksik isponsor o nagpapagawa ng pananaliksik
Nakapailalim ang pananaliksik sa mga Nakadepende ang pamantayan sa
itinakdang rigor at pamantayan ng paggagamitan ng resulta ng pananaliksik
akademya
Pangunahing isinasaalang-alang ang Pangunahing isinasalang-alang ang
internal na lohika at kapantasan ng kakayanan nitong makabuo ng mga
disenyo ng pananaliksik. pangkalahatang impormasyon sa mga
paksang itinakda ng isponsor.
Pangunahing layuning makaambag sa Pangunahing layuning magamit sa mga
batayang teoretikal na kaalaman. espesipikong problema ng lipunan.
Sinusukat ang tagumpay kung Matagumpay kung magagamit ng mga
mailalathala sa kilalang diyornal o kung isponsor sa paggawa nila ng desisyon at
magkakaroon ng malakas na dagundong patakaran.
sa akademya.

Etika ng Pananaliksik

Ayon sa artikulo ni Ferriols (1997), nagmula ang etika sa katagang Griyego na ethike na
nakaugat sa ethos na nangangahulugan ng “ nakaugaliang pamamalakad sa buhay” o “ugali”. Sa
karaniwang gamit, binibigyang-kahulugan ang etika bilang kaisipang kaugnay ng mga kuro-kuro
o pala-palagay tungkol sa kung ano ang dapat at hindi dapat, mabuti at masama, o kaya ay
tama at mali.
Tumutukoy ang etika sa kung anong pagkilos ng tao ang makatao at hindi makatao,
makatuwiran at hindi makatuwiran, makatarungan at hindi makatarungan, o kaya ay marangal at
hindi marangal ayon sa konteksto ng pakikipagkapwa-tao at mga pantaong pagpapahalaga.

Mga dapat isaalang- alang para sa Etikal na Pananaliksik

1.Pagbanggit at Pagkilala- banggitin at kilalanin ang orihinal na may-akda o pinagkunan ng mga


datos o ideyang ginamit sa pananaliksik. Itala ito sa talababa, sanggunian o bibliograpiya.
2.Pagpapahintulot nang may malayang pagpapasya- humingi ng pahintulot sa para sa mga
materyal na kinakailangan ng permiso.
3.Pagkakumpidensiyal at Pagkapribado-maging reyalistiko at sensitibo sa pagkakumpidensiyal
at pagkapribado ng ilang makukuhang datos/ideya mula sa mga kalahok.
4.Pagtataguyod ng kagalingan, kapakan, at karapatan ng mga kalahok- unahin ang kagalingan,
kapakanan at karapatan ng mga kalahok kaysa sa interes sa proseso ng pananaliksik at
paggamit ng resulta ng pananaliksik na hango sa mga kalahok.
5. Pakikiugali sa mga pamantayang kultural, legal at moral-kilalanin ang mga pamantayang
kultural, legal at moral ng mga pook na sinasaliksikan gaya ng aklatan, sinupan o larangan.

Plagyarismo at Tungkulin ng Mananaliksik

Isa sa mga pangunahing paksaing kaugnay ng paglabag sa panuntunan sa etikal na pananaliksik


ang plagyarismo. Ayon sa pahayag ng American Historical Association (AHA) ( 1987), mula ang
plagyarismo sa mga katagang Latin na plagiarius na nangangahulugang “abdaktor” at plagiare na
nangangahulugan naman na pagnanakaw. At batay sa gabay ng American Psychological Association (APA)
(2002), maituturing na pag-aangkin ng mga bahagi ng pananaliksik ng ibang mananaliksik ang plagyarismo.
Sa pangkalahatan, tumutukoy ito sa pang-aangkin, panggagaya o pangongopya ng mga kataga, datos, ideya,
proseso at resulta ng gawa o ginamit ng iba nang walang kaukulang pagkilala.

Mga Anyo ng Plagiarism

1.Minimalistic Plagiarism. Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan ang mga ideya o konsepto
na nakuha o nabasa mo mula sa kanilang sources ay kanilang ginamit pero sarili nilang salita o
paraphrasing.

2.Full Plagiarism.Ito ay karaniwang tumutukoy sa iyong ginawa na parehong-pareho mula sa


iyong pinagkunan. Bawat salita, parirala o talata ay gayang-gaya mula sa pinagkunan.

3.Partial Plagiarism. Ito ay may dalawa o mahigit pa ang iyong pinagkunan at kombinasyon ng
mga ito ang kinalabasan ng iyong ginawa. Dito nangyayari ang rephrasing o pagbabago ng ilang
salita.

4.Source Citation. Ito ay tumutukoy sa uri ng plagiarism kung saan maaring binigay ang pangalan
ng may-akda o pinagkunan pero hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat ang
impormasyon na binigay. Minsan naman ay mali ang ibinibigay na pinanggalingan ng
impormasyon o pinagsasama ang ilang sariling sinulat sa akda ng iba. Ang isang ‘ghostwriter’ ang
matatawag na isang ganap na plagiarist dahil gawain nila ang sumulat ng mga sulatin na ginawa
ng iba at inaako na parang sila ang gumawa.

5.Self-Plagiarism. Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan inilathala mo ang isang materyal na
nalathala na pero sa ibang medium. Maaring sa iyong ginawang artikulo, libro at iba ay may katulad
o sadyang ginaya at hindi mo tinukoy kung saan mo ito kinuha o ginaya. Ito ay kilala din bilang
“recycling fraud”.

Intellectual Property Law. Ang Intellectual Property Law ay uri ng batas kung saan ang mga
nag-imbentong mga manunulat, artist at iba pa. ay binibigyan ng ‘exclusive property rights’ o sila
ang kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang ginawa. Dahil sa exclusive property rights na ito, hindi
natin basta-bastang magagamit o makikita ang bagay na kanyang ginawa o naimbento hanggang
hindi niya pinapayagan. Sa Lehislatura ng Pilipinas kinikilala ito bilang Republic Act No. 8293 o
Intellectual Property Code of the Philippines. Ilan sa uri ng intellectual property rights ay
copyrights, trademarks, patents, industrial design rights and trade secrets.
Sources: Plagiarism. (n.d.). Wikipedia Retrieved November 29, 2010.

Tungkulin ng mananaliksik ang sumagot sa sarili niyang katanungan at patunayan sa sarili


ang kaniyang mga pag-aakala at pananaw nito. Dapat ding isaalang-alang ng mananaliksik ang
paggalang sa mga datos na nakalap, sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa intellectual property at
mga taong kakapanayamin. Lalong-lalo na mahalaga ang kredibilidad ng isang mananaliksik. Ang
pagiging orihinal sa ginawang papel pananaliksik na magtatakda ng kahusayan sa pagtuklas ng
kaalaman.

Gawain

Panuto: Suriin ang konseptong papel na inyong nabuo sa nakaraang Kwarter. Alamin at pag-aralan ang
paksa upang mabatid ang uri ng pananaliksik na kinabibilangan nito kung ito ay ganap nang isasagawa
bilang isang papel pampananaliksik. Maghanda sa pag-uulat nito.

You might also like