You are on page 1of 9

PANANALIKSIK

Ang lahat na nakikita at nararanasan nating pagbabago o pag-unlad sa kasalukuyan ay bunga ng


walang hanggang pananaliksik.
Mga Hakbang ng Pananaliksik Para sa Papel Pananaliksik Pananaliksik
Sa panahon ng impormasyon, higit sa ano pa mang panahon, ang pananaliksik ang maituturing
na pinakamahalagang kasangkapan na dapat matutuhan ng sinumang mag-aaral para mapaunlad
ang sarili tungo sa anumang propesyong kanyang hinahangad.
PANANALIKSIK: Katuturan, Katangian at Layunin
KATUTURAN at KATANGIAN
Ang pananaliksik ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutas sa isang
suliranin. Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, isyu,
tao at iba pang nais bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
Isinasaayos at inoorganisa sa isang makaagham na pamamaraan na ang bawat hakbang ay
nakaplano. Ang mga interpretasyon o pagpapakahulugan ay binabatay sa paghahanay, pagtataya
at pagsusuri ng mga datos na nakalap.
Katangian
Mayaman sa mga ginagamit na datos
Hindi kailangang makuntento sa isa o dalawang sanggunian. Bigyang kasiyahan ang gawang
pananaliksik sa tulong ng mga mapapanaligang mga impormasyon. Lahat ng mga posibleng
pagkunan maging ito man ay nakasulat sa wikang banyaga ay tanggapin kung mga datos ay
nakatutulong ng malaki para magamit sa pananaliksik.

Angkop na pamamaraan o metodolohiya


Ang tagumpay ng isang pananaliksik ay nakasalalay sa pamamaraan o metodolohiya. Sa
bahaging ito ipinaliliwanag ang particular na instrumentong ginamit na makatutulong sa
ikahuhusay na sulating pananaliksik.
Dokumentado-Ang mga patotoo at ang validity ng sulating pananaliksik ay nakasalalay sa
mga ihaharap na mga materyales bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.
Sumusunod sa tamang proseso ng pagsulat
Ang sistematikong pananaliksik ay dumaraan sa masalimuot na yugto ng pagsulat.

✔ Nagsisimula sa pagtukoy ng suliranin

✔ Pag-uugnay ng suliranin sa mga umiiral na teorya

✔ Pangangalap ng mga datos

✔ Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga datos

✔ Pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon


Masuri o kritikal
Magiging balido lamang ang isang pananaliksik kung ang mga inilahad na ideya ay
mapapanaligan at mapapatotohanan sa tulong ng mga ginamit na mga datos.
LAYUNIN
Sa tulong ng mga gawaing pananaliksik, higit na lumalawak ang kakayahan at kasanayan ng tao
upang magamit ang kanyang mga natutuhan sa isang makabuluhang pag-aaral.
Higit sa anupaman, ang gawaing pananaliksik ay nakatutulong sa mga mag-aaral na:
 Makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto at impormasyon.
 Makapagbigay ng mga interpretasyon o pagpapakahulugan sa dati nang ideya.
 . Makapaglinaw sa isang usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy makapagbigay ng
inaakalang solusyon sa problema.
 Makapagpatotoo o makapagpangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga
materyales o dokumento hinggil sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw.
 Makapgbigay ng mga ideya o suhestiyon batay sa historical na perspektibo para sa isang
pangyayari. Hal. Ang pagtalakay sa ibubunga ng pagbabago ng Sistema ng pamahalaan.
Ang Tungkulin at Resposibilidad ng Mananaliksik
Ang pananaliksik ay isang unibersal na Gawain. Hindi ito kailangang mahadlangan ng
anumang wikang magpapahina sa hangaring makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at
kamalayan ng sangkatauhan. May mga pagpapahalaga at konsiderasyong dapat malaman at
mabigyang halaga ng mga mananaliksik.
1. Pagkamatiyaga – Ang pakikipagbuno sa iba’t ibang napagkukunang impormasyon mula
sa iba’t ibang sanggunian ang hahanapin ng isang mananaliksik.
2. Pagkamapamaraan – Magkakaiba ang istilo ng mananaliksik sa paghahanap ng mga
kinakailangang impormasyon. Mapalad ang isang mananaliksik na may kompletong
kagamitan na mapaghahanapan ng mga datos subalit hindi ito dapat ikabahala ng walang
kakayahang bumili ng mga mamahaling kagamitan para makapagsaliksik lamang.
3. Pagkamasistema sa Gawain – Hindi lahat ng mga nababasa, nakikita o naririnig ay
kailangang tanggapin. Kung nakababasa tayo ng mga artikulo, akda o mga babasahing
may kaugnayan sa isinusulat nating paksa, dapat na suriin at tingnan ang kaugnayan nito
sa hinahandang pag-aaral. Tingnan ang implikasyon, pinagmulan at kabuluhan nito sa
ginagawang pananaliksik.
4. Pagkamatapat - May kasabihan, “Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat,”
“Ang mandaraya ay kapatid ng magnanakaw.”
5. Maging Responsible - Tungkulin ng isang mananaliksik na maging matapat at
makatarungan sa pagpapahayag ng mga isinusulat. Isaalang-alang ang tunay na hangarin
ng pinaghanguang impormasyon. Huwag ilihis ang tunay na pakay ng orihinal na sipi
kung ang hangarin lamang ay angkinin ang isang kaalaman. Isaisip ang batas ukol sa
reserbasyon ng karapatan.
Mga Hakbang at Kasanayan sa Pananaliksik
Ang tagumpay at kabiguan ng anumang gawaing pananaliksik ay nakasalalay sa napiling paksa.
Hindi mahirap humanap ng paksang susulatin, sapagkat nasa ating paligid lamang ito. Kailangan
lamang na bukas ang ating kamalayan upang Makita ito. Ito ay kailangang piliin at limitahan.
Pagpili at Paglilimita ng Paksa
Mga Paghahanguan ng Paksa
Sarili
Nagmumula sa mga karanasan na maaaring nakuha sa pagbabasa, napakinggan, napag- aralan o
natutuhan sa klase.
Pahayagan, magasin at kaugnay na sanggunian
Sagana sa balita at isyu ang mga babasahin gaya ng diyaryo o magasin. May mga paksa na
maaaring magamit na kadalasang ay paulit- ulit na ibinabalita, gaya ng:
 Pagpapalit ng Gobyerno
 Pag-aabusong sekswal sa mga kabataan
 Patuloy na paglobo ng populasyon
 Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
 Patuloy na korapsyon sa gobyerno
 Ang kalagayan ng mga OFW sa ibang bansa
 Mga Pilipinong kinilala sa larangan ng isports, sining at kultura
Telebisyon at Radyo
Mga programang edukasyonal, intertaynment, isports, balita o talk shows.
 Internet
 Aklatan o Laybrari
 Mga Awtoridad/kakilala/guro
Batayan ng Pagpili ng Paksa
Sakop ng Panahon
Ang pagtiyak sa sakop na panahon ng paksa ay nakapagpapadali sa isinasagawang pag-aaral.
 Pangkalahatang Paksa: Ang Kalagayan ng Industriya ng Drama sa Radyo sa panahon
ng Martial Law.
 Nilimitang Paksa: Ang Kalagayan ng Industriya ng Drama sa Radyo noong dekada 70.
 Higit pang Nilimitang Paksa: Ang Kalagayan ng Industeiya ng Drama sa Radyo: 1972-
1986.
Sakop na Edad
Higit na makatawag pansin ang paksang natutukoy agad ang edad o kaya’y ayon sa partikular na
gulang mismo.
Pangkalahatang Paksa: Ang kalagayan ng mga Batang Maagang Nagtatrabaho at ang kanilang
Magiging Kinabukasan sa Hinaharap.
Nilimitang Paksa: Ang Kalagayan at Kahihinatnan ng mga Batang Maagang Pinagtatrabaho.
Higit pang Nilimitang Paksa: Ang Pagtatrabaho ng mga Batang Nasa Edad 10 15: Kalagayan a
Kahihinatnan.
Sakop ng Kasarian
Ang tiyak na kasarian ay higit na malinaw kaysa sa masaklaw na paglalarawan.
Pangkalahatang Paksa: Ang mga naging Tungkulin at Gampanin ng mga Babaeng Katipunero
sa Tagumpay ng Kilusang K.K.K.
Nilimitang Paksa: Mga Tungkulin at Gawain ng mga Katipunero sa Tagumpay ng Katipunan
Sakop ng Propesyon o Grupong Kinabibilangan
Maaaring maging batayan sa paglilimita ang mga trabaho o Grupong sosyal, etnolinggwistiko o
pampropesyonal.
Pangkalahatang Paksa: Ang mga Wikang Ginagamit ng mga “Third Sex”.
Nilimitang Paksa: Pag-aaral sa Wikang Gamit ng mga “Third Sex”.
Higit pang Nilimitang Paksa: Pag-aaral sa Wikang Gamit ng mga “Third Sex sa larangan ng
Showbiz”.
Sakop ng Anyo o Uri
Maaaring magamit ang Anyo, Kalagayan sa lipunan, Pigura o Istruktura.
Pangkalahatang Paksa: Pag-aangkop ng mga Kababaihang Muslim sa Gawi, Saloobin at
Pananamit ng mga Mag-aaral sa Kristiyano.
Nilimitang Paksa: Pag-aangkop ng mga Babaeng Muslim sa Kulturang Gawi ng mga
Kristiyanong Mag-aaral.

PAGPAPAKA HULUGAN SA PANANALIKSIK


GOOD (1963)
Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong INQUIRY sa pamamagitan ng iba’t-
ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at resolusyon nito.
AQUINO (1974)
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
MANUEL AT MEDEL (1976)
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas
ang isang particular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.
PAREL (1966)
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa mga
layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
E. Trece at J.W. Trece (1973)
Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin,
dagdag pa nito ang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa
prediksyon at eksplenasyon.
MGA LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito.
Wika nga nina Good at Scates (1972). “The purpose of research is to serve man and the goal is
the good life.”
AYON KINA CALDERON AT GONZALES (1993) ANG MGA TIYAK NG
PANANALIKSIK AY ILAN SA MGA SUMUSUNOD:
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito.
A.Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
B. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral
na metodo at impormasyon
c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrument o produkto.
D. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance at elements.
E. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
F. Makakalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa Kalakalan, Industriya, edukasyon,
Pamahalaan at Iba pang larangan.
G. Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik.
H. Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.
MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK
Sistematik
May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng
mga katotohanan, solusyon ng suliranin o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
Kontrolado
Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
Empirikal
Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik
maging ang mga datos na nakalap.
Mapanuri
Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin ng kritikal upang hindi
magkamali sa paglapat na interpretasyon sa mga datos na nakalap.
Objektib, Lohikal at walang pagkiling
Lahat ng tuklas o findings at mga konklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga
empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.
Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatikal na metodo
Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at maduri sa pamamagitan ng
istatikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
Orihinal na akda.
Maliban sa historical na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang
tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.
Isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa ng tumpak o akyureyt na ang
tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga siyentipikong paglalahad.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS
A. FLY LEAF 1
Ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito.
B. PAMAGATING PAHINA
Ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din ditto kung kanino iniharap
o ipinasa ang papel,
E. TALAAN NG NILALAMAN
Nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
F. TALAAN NG TALAHANAYAN O GRAF
Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong- papel at ang
bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
C. DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng
guro ng pamanahong- papel.
D. PASASALAMAT O PAGKILALA
Tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik
gayo’y nararapat na pasalamatan
G. FLY LEAF 2
Isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
KABANATA I – ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A.PANIMULA O INTRODUKSYON
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
D. SAKLAW AT LIMITASYON
E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
KABANATA II – MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA.
Tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
 Tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
 Gumamit ng pag-aaral at literaturang local at dayuhan.
KABANATA III – DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. RESPONDENTE
C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
D. TRITMENT NG MGA DATOS.
KABANATA IV – PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng
tekstwal at tabular o graphic na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.

KABANATA V – LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


A. LAGOM – Dito binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na
komprehensibong tinatalakay sa kabanata III
B. KONKLUSYON – Ito ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng
mananaliksik.
KABANATA V – LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
REKOMENDASYON- Ito ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
MGA PANGHULING PAHINA
Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala nh lahat ng mga hanguan o sources na
ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahog- Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga
liham, formularyo ng ebalwasyon , transkripsiyon ng intervyu, sampol ng sarvey- kwestyoneyr,
bio- data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu- ano pa.

INIHANDA NI:
Ginoong: Romeo F. Ortinez Jr II
Guro sa Filipino

You might also like