You are on page 1of 65

PAGHAHANDA SA UNANG

BAHAGI NG PANANALIKSIK
PAGPILI NG PAKSANG

PANANALIKSIK
Saan maaaring humanap ng paksang
sasaliksikin?
1. Balita
Makakukuha ng paksa sa balita
dahil dito ipinamahalaga pakikita
ang mga kaganapang at
napapanahon.
Sumangguni sa balita kung ikaw
ay naghahanap ng paksa para sa
mga pananaliksik tungkol sa agham,
politika atbp.
2. Sarbey
Isinasagawa sa pamamagitan
ng pangangalap ng impormasyon
mula sa malaking grupo ng tao
mula sa isang paksa.
Dito malalaman kung ano ang
saloobin o pulso ng madla.
3. Trending o Viral na Paksa
Isa ito sa pinakamadali,
mabilis, at malawak na paraan
ng paghahanap ng paksa.
Kapag trending ang paksa,
nangangahulugan na mainit at
pinag-uusapan ito ng maraming
tao.
4. Dalubhasa
Kung personal na may
kakilalang dalubhasa,
maaari kang sumangguni at
humungi ng payo kung
anong paksa ang mainam
na saliksikin.
Mga Dapat Isalang-alang sa Pagpili
ng Paksang Sasaliksikin
1. Kaalaman ng mananaliksik sa paksa
2. Interes at saloobin ng mananaliksik
sa paksa
3. Kahalagahan ng paksa
4. Pananaw ng publiko
5. Mapagkukuhanan ng impormasyon
6. Panahong gugugulin
7. Halaga at gastusin
1. Kaalaman ng mananaliksik sa
paksa
Makatutulong ang pagiging
maalam sa paksa ng
mananaliksik dahil higit
niyang masusuri ang resulta
ng datos na nakalap at
mabibigyan niya ito ng mas
malawak na paglalagom.
2. Interes at saloobin ng
mananaliksik sa paksa
Mas madaling
maisagawa ang
pananaliksik kung
interesado at naayon sa
saloobin ng mananaliksik
ang paksa.
3. Kahalagahan ng paksa
Kailangang isaalang-alang
ng mananaliksik kung sino
ba ang makikinabang sa
gagawin niyang pag-aaral at
kung may maiaambag ba ito
o maibibigay ng solusyon.
4. Pananaw ng publiko
Mainam na isaalang-
alang ng mananaliksik
ang saloobin ang madla
tungkol sa paksa.
5. Mapagkukunan ng impormasyon

Hindi maituturing na
makabuluhan ang
pananaliksik kung wala
naman itong sapat na
impormasyon.
6. Panahong gugugulin
May ibang pananaliksik
na kailangang tutukan at
paglaanan ng sapat na oras.
7. Halaga ng gastusin
Mainam na batid ng
mananaliksik kung gaano
kalaki ang kakailanganing
pondo sa pagkuha ng
impormasyon.
Pagbuo at Pag-aayos ng Pamagat

Tandaan na hindi dapat


mabulaklak at malikhain ang
pagsulat dahil hindi naman
ito isang akdang
pampanitikan.
Dapat malinaw at tiyak ang
pamagat.
Mga Halimbawa ng Malabong Paksa na
Isinaayos:
Kategorya Malabong Paksa Maayos na
Paksa

Panahon Kasaysayan ng Kasaysayan ng


Pilipinas Pilipinas sa Panahon
ng Pananakop ng
mga Amerikano
Edad Matagumpay na mga Matagumpay na mga
Negosyante sa Asya Batang Negosyante
sa Asya na nasa Edad
20-30 Taong Gulang
Kasarian Mga May-ari ng Mga Kababaihang
Malalaking Kompanya Nagmamay-ari ng
sa Europa Malalaking Kompanya
sa Europa
Lugar Mga Makasaysaysang Mga Makasaysaysang
Lugar Lugar sa Pilipinas

Anyo o Uri Pananaw ng Pananaw ng mga


Magulang sa Internet Magulang sa
Impluwensya ng
Social Media sa
Kabataan
Tiyak na Halimbawa, Epekto ng Droga sa Epekto ng Droga sa
Kaso, o Kinalalagyan Kabataan Kabataan: Pagsusuri
sa Kaso ng mga
Batang Lansangan sa
PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYENG
NAKALAP
Pangunahing Ideya
Ang pinakamahalagang paksa na
pinag-uusapan sa isang talata. Ang
pangunahing ideya ang nagsasabi kung
tungkol saan ang talata. Sa isang
kuwento, maaaring ang mensahe o aral
ang pangunahing ideya. Sa
pagkakataong ito, ang tumutukoy sa
paksa ng teksto.
Detalye
Tumutukoy sa mga pahayag o
halimbawang matatagpuan sa talata na
nakatutulong sa mambabasa upang
maunawaan ang pangunahing ideya.
Ito ay pahayag sa loob ng talata na
nagtataglay ng mahahalagang impormasyon
na sumusuporta sa pangunahing ideya.
Halimbawa:
Matatagpuan ang Bundok Apo sa Davao
na nasa Timog na bahagi ng Pilipinas.
Ito ang pinakamataas na bundok sa
ating bansa na may taas na 2,954
metro. Isa ring malaki at matarik na
bulkan ang Bundok Apo. Pinagkukunan
ng enerhiyang geothermal ang Bundok
Apo.
Pangunahing ideya: Paglalarawan
sa Bundok Apo

Mga Detalye:
Matatagpuan sa Davao na nasa
Timog na bahagi ng Pilipinas
Pinakamataas na bundok sa bansa
Mapagkukunan ng enerhiyang
geothermal
Katumpakan o Validad

Tumutukoy sa pagiging
lohikal, wasto, at totoo ng
isang teksto. Hango ang
salitang validad sa Latin na
Validus na ang ibig sabihin ay
“matatag.”
Kahusayan o Realibidad
Tumutukoy sa pagiging tumpak sa lahat ng
pagkakataon ng mga impormasyon o datos.
Matitiyak natin na mahusay at tama ang
nakuha nating impormasyon kung
magkakapareho ang resultang nakuha. Sa
pamamagitan ng realibilidad, matitiyak na
tama ang pananaliksik dahil kasang-ayon at
hindii pabago-bago ang impormasyon o datos
na nakalap.
PAGTUKOY NG OPINYON MULA SA
KATOTOHANAN
Makatotohanan o factual
Ang impormasyong
nakalap kung batay ito sa
unibersal na katotohanang
tanggap at kinikilala hindi
lamang ng mga dalubhasa
ngunit ng sangkatauhan.
Kasaysaysan Ang axis power ay
binubuo ng Alemanya,
Italya, at Hapon.

Sipnayan Kapag pinagsama ang


lima at sampu, ang
kabuuan nito at
labinlima.
Medisina Nakatutulong ang
bitamina D upang
tumibay ang ating
buto.
Opinyon
Tumutukoy ito sa
palagay o saloobin ng iba.
Bagaman interesante o
makabuluhan ang opinyon ng
iba, maaaring hindi ito wasto
sa lahat ng oras.
Kasaysaysan Si George Bush ang
pinakamahusay na
pangulo ng Estados
Unidos.
Sipnayan Madaling asignatura
ang Sipnayan.

Medisina Mas mainam na


gamitin ang halamang
gamut para gamutin
ang kanser dahil wala
itong side effect.
PAGBUO SA SULIRANING SUSURIIN
NG PANANALIKSIK
Pagtukoy sa Layunin ng Pananaliksik

Sa pamamagitan ng layunin,
natutukoy ng mananaliksik kung
bakit niya ginagawa ang
pananaliksik.
Sa bahagi naman ng mambabasa,
natutukoy niya mula sa layunin
kung ano ang maaasahan at dapat
na makita o mapatunayan ng
mananaliksik.
Pagtukoy sa Layunin ng Pananaliksik
Paksa: Pagpili ng kursong Kukunin sa
Kolehiyo
Layunin:
Naiisa-isa ang mga kursong pagpipilian ng
mga estudyante sa kolehiyo.
Natutukoy ang mga salik na
nakaiimpluwensiya sa pagpili ng kurso ng
mga estudyante sa kolehiyo.
Nabibigay ang mga hakbang na ginagawa
ng mga estudyante upang makuha ang
kursong nais sa kolehiyo.
Bilang gabay, maaaring gamitin
ang mga sumusunod na
pambungad upang makabuo ng
layunin:
• Natutuklasan ang…
• Natutukoy ang sanhi at epekto
ng…
• Nauunawaan ang…
• Nakapagbibigay ng…
• Nakagagawa ng…
Pagtukoy sa Layunin ng Pananaliksik

Sa pagbuo ng mga layunin,


kailangang isaalang-alang ng
mananaliksik ang disenyo ng
pananaliksik na gagamitin,
gayundin ang mga baryabol
(variables) na susuriin.
Mga karagdagang Gabay sa Pagbuo ng Maayos
na Layunin.

1. Kailangang tiyak ang layunin


tungkol sa nais nitong matamo
at sa tuon o pokus ng pag-
aaral.
2. Tukuyin nang malinaw kung
anong paksa (konsepto) ang
ibig sukatin, suriin, at hanapin
sa pag-aaral.
Mga karagdagang Gabay sa Pagbuo ng Maayos
na Layunin.

3. Umpisahan sa pandiwa ang


layunin upang maipakita ang
maaasahan sa pananaliksik at
kung paano ito tutugunan.
4. Isaalang-alang kung ang
layunin ba ay kayang
maisagawa o maisakatuparan.
Mga karagdagang Gabay sa Pagbuo ng Maayos
na Layunin.

5. Pag-isipan kung ang layunin


ba ay makatotohanan.
6. Bigyang-pansin kung
maisasagawa ba ng
mananaliksik ang layunin sa
loob ng takdang panahon at
kung ang oras ba ay sapat sa
paggawa nito.
Pagbuo ng Ipotesis o Palagay
Ipotesis
- Tumutukoy sa mga pahayag na
binubuo ng mananaliksik na
nagtataglay ng kaniyang mga
palagay na magsisilbing solusyon
sa suliraning tinutukoy sa pag-
aaral.
Alternatibong Ipotesis
- Nakasaad sa positibong anyo.
- Isinasaad ng mananaliksik na
mayroong mahalagang relasyon
ang dalawang bagay o mayroon
silang epekto sa isa’t isa.
Null na Ipotesis
- Nakasaad na salungat sa
alternatibong ipotesis.
- Ipinapakikita ng mananaliksik na
walang mahalagang relasyon ang
dalawang bagay o wala rin silang
epekto sa isa’t isa.
Paksa: Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo

H1: Mayroong ganap na relasyon ang


pagpili ng kurso sa kolehiyo sa
pinansiyal na katayuan ng mga
magulang.
H01: Walang ganap na relasyon ang
pagpili ng kurso sa kolehiyo sa
pinansiyal na katayuan ng mga
magulang.
Pagbuo ng Tekstong Pahayag
Pagbuo ng Tekstong Pahayag

Upang maging malinaw at


madaling maunawaan ang layunin,
hindi dapat mahaba ang
paglalahad nito. Kailangang
ipahayag ito sa isang linya lamang
at ipaliwanag kung para saan ang
pag-aaral at kung paano ito
gagawin. Ang tawag dito ay
Pagbuo ng Tekstong Pahayag
Ang tekstong pahayag ay
karaniwang nakasulat sa dulo ng
pambungad na talata. Ito ay
nagbibigay ng isang maiksing buod
ng mga pangunahing punto ng
sanaysay, research paper, at iba
pang sulatin.
Paksa: Pagpili ng kursong sa Kolehiyo

Tekstong Pahayag:
Ang pipiliing kurso sa kolehiyo ay
mainam na pag-isipang mabuti
upang makatiyak na magkakaroon
ng trabaho sa hinaharap na naaayon
sa kursong tinapos.
Paglalahad ng Kahalagahan ng
Pananaliksik
Paglalahad ng Kahalagahan ng
Pananaliksik
Sa bahaging ito, isinasaad kung bakit
mahalaga ang pananaliksik sa pagtuklas
ng kaalaman o impormasyon na sasagot
sa suliraning kinakaharap. Kailangang
matukoy ng mananaliksik kung sino ang
makikinabang sa pananaliksik at kung
paano ito makatutulong sa pagtugon sa
suliranin upang matiyak na mahusay
ang paglalahad ng kahalagahan.
Paglalahad ng Kahalagahan ng
Pananaliksik
- Mainam na mapangatwiran ng
mananaliksik kung gaano ito
kahalaga at nauugnay sa iba’t ibang
isyu.

- Dapat ding isaad ng mananaliksik


ang layunin kung bakit dapat itong
aralin.
Paglalahad ng Kahalagahan ng
Pananaliksik
Maaaring gawing gabay ang mga sumusunod
na tanong:
•Bakit mahalaga ang pananaliksik?
•Sino ang makikinabang nito?
•Anong suliranin o isyu ang matutugunan
nito?
•Anong solusyon ang maaari nitong
maibigay?
Saklaw at Limitasyon ng mga
Paksang Tatalakayin
Saklaw

- Tumutukoy sa mga paksang tatalakayin


na nakapaloob sa kabuuan ng
pananaliksik.
- Nagbibigay ng ideya sa mambabasa
kung ano ang nilalaman at hangganan ng
pananaliksik tungkol sa lugar, panahon,
paksa, at mga taong kasali sa pag-aaral.
Limitasyon

- Nililinaw ng mananaliksik ang mga


ideya na bagaman nauugnay sa
paksa ay hindi matatagpuan at
hindi saklaw ng pananaliksik.
Paksa: Pagpili ng kurso sa Kolehiyo

Layunin: Naiisa-isa ang mga kursong


maaaring pagpilian ng mga
estudyante sa kolehiyo.
Natutukoy ang mga salik na
nakaiimpluwensiya sa pagpili ng
kurso ng mga estudyante sa
kolehiyo.
Paksa: Pagpili ng kurso sa Kolehiyo

Kung gagamitin natin ang parehong paksa at


layunin, maaaring saklaw ng pananaliksik ang mga
sumusunod:
•Mga estudyante sa kolehiyo
•Mga salik na posibleng nakaimpluwensya sa
desisyon ng estudyante sa pagpili ng kurso tulad ng
kakayahang pinansyal ng mga magulang, mga
mungkahi o kagustuhan ng mga magulang batay sa
grading natamo, at interes ng estudyante sa kurso.
Paksa: Pagpili ng kurso sa Kolehiyo

Samantala ang maaaring maging


limitasyon ng pananaliksik ay ang
mga sumusunod:
•Di kasama ang mga mag-aaral sa
elementarya at hayskul
•Di kasama ang pagsusuri sa mga
akademikong programa
Kahulugan ng mga Terminolohiya
Kahulugan ng mga Terminolohiya

Sa bahaging ito, inilalagay ng


mananaliksik ang mahahalaganh
konsepto o terminolohiyang
ginamit sa pag-aaral at
binibigay ang kahulugan o
pagsasalarawan nito para sa
mas mahusay na pag-unawa ng
mga mambabasa.
Kahulugan ng mga Terminolohiya

- Nakabatay ang kahulugang ibinibigay


sa pagkakagamit nito sa pananaliksik
sa halip na sa kahulugan nito sa
diksiyonaryo.
- Nakabubuti ang pagbibigay ng
kahulugan ng mananaliksik bilang
paglilinaw dahil maaaring iba ang alam
na kahulugan ng mambabasa sa gamit
ng konsepto sa pananaliksik.
Kahulugan ng load sa diksiyonaryo

a. Karga o kargada
- Maari itong “bagay” na naikakarga
o nailululan
b. Bigat
c. Dalahin o pahirap
d. Yunit o bilang na napakarami
Kahulugan ng load sa pananaliksik

Ang load ay maaaring maging pang-uri.


Loaded –mucho dinero; isang taong
masalapi
Loaded with – mayaman
. Mas gusto ni Aling Gloria ang Promil
dahil loaded ito ng taurine at zinc na
wala sa ibang gatas.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay
sa impormasyon natutuhan. Magbigay ng
maikli ngunit malinaw na sagot sa loob ng
tatlong pangungusap.

1. Hindi kayo sang-ayon sa nabuong


suliraning magiging tuon ng binyong
pangkat sa pananaliksik. Paano ninyo
ibibigay ang inyong mungkahi na palitan
ito?
2. Sa inyong palagay, parati bang dapat
nakatuon ang pananaliksik sa kung ano
ang popular at alam ng nakararami?
Sanaysay: Batay sa talakayan, buuin ang mga sumusunod na unang
bahagi ng pananaliksik

Paksa: Pagbaba ng Kalidad ng Edukasyon


Pamagat:
Layunin:
Ipotesis
alternatibo:
null:
Tekstong pahayag:
Kahalagahan ng Pag-aaral:
Saklaw at limitasyon:

You might also like