You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

GRADE
FILIPINO 11

4
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 1

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 1


MODYUL SA SHS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK

KUWARTER 4
LINGGO 1

Konsepto ng Pananaliksik
at
Pagpili ng Paksa
Development Team

Writer: Anna Lyn A. Mangibunong


Editor: Antonio Q. Albis Jr.
Reviewers: Zorayda S. Paguyo Antonio Q. Albis Jr.
Rosario Claudia A. Corcuera
Lay-out Artist: Antonio Q. Albis Jr.
Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang pampagtuturo sa


ikatatamo ng mas mataas na antas na karunungan lalo na sa larang ng edukasyon.
Magsisilbing kasangkapan ito sa pagkatuto sa buhay ng bawat mag-aaral upang lalong
makaagapay sa mabilis na pag-indayog at pagbulusok ng pagbabago sa modernong panahon
sa makabagong milenyo at upang lalong umunlad ang sibilisasyong kinabibilangan ng bawat
indibidwal tungo sa tugatog ng tagumpay.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman
sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga
modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para
unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong
mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging mahusay na mananaliksik sa pamamagitan


ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang
pananaliksik.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:


1. matukoy ang kahalagahan ng pananaliksik;
2. Matukoy ang tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik;
3. mabatid ang mga katangian at paghahanguan ng paksa ng pananaliksik; at
4. matukoy ang mga patnubay o konsiderasyon sa pagpili ng paksa at mga
hakbang sa pagpili ng pananaliksik.

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit ang mga inaasahan, isakatuparan ang mga sumusunod:


1. basahin at unawain nang mabuti ang naihandang aralin sa linggong ito;
2. sundin ang bawat panuto na inilakip sa bawat gawain at pagsasanay; at
3. sagutin ang lahat ng mga gawain at pagsasanay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 3


Magandang buhay! Maligayang pagdating sa
ikaapat na kuwarter ng pag-aaral! Bago natin simulan
ang modyul na ito, nais kong kompletuhin mo muna ang
impormasyong hinahanap sa kahon sa ibaba. Isulat ang
mga impormasyon sa MALALAKING LETRA para
madaling mabasa at makita. Isa pang paalala,
kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa loob
lamang ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin ang
makakaya para tapusin ito.

Pangalan: ________________________________ Strand/Seksyon: _______________


Paaralan: _____________________________________________________________
Guro: ___________________________ CP no. ng Magulang: ___________________

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?
ALAMIN

Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng


masinop na pananaliksik

Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa


Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin,
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto: F11PB-IVab-100


Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa
pananaliksik

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 4


Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais
kong sukatin muna ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
Paunang Pagtataya. Sa ibaba ay mayroong 5 aytem na
kailangan mong sagutin. Paghusayan mo!
SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Itala ang titik ng iyong
tugon sa sagutang papel.

1. Ito ay isang paraan ng pagnanakaw, kung saan ang isang tao ay gumamit o nanghiram ng
ideya o gawa at hindi inilagay ang pinagkunan.
A. Plagiarism C. Robbery
B. Paraphrasing D. Intelectual property law
2. Ano ang unang hakbang sa pagpili ng paksa?
A. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa
B. Alamin kung anong inaasahan o layunin ng susulatin.
C. Pagbuo ng tentatibong paksa
D. Paglilimita sa paksa
3. Anong katangian ng mananaliksik kung siya ay tumatanggap ng mga suhestiyon at puna?
A. Responsable C. May paggalang sa intelektuwal na pag-aaral
B. Obhetibo D. Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng tama?
A. Naaaksaya ang oras at salapi kung ang gagawin ay nasa tamang proseso.
B. Ang pananaliksik ay kailangang madaliin.
C. Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa sa gagawing pananaliksik
D. Maituturing na hindi krimen ang pagmanipula sa resulta ng pananaliksik.
5. Ito ang pinakamadali ng hanguan ng paksa, malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap
ng paksa.
A. Aklatan C. Magazine
B. Sarili D. Internet

Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa


linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang lilim ng iyong isipan baka kung sakaling iyo
nang naulinigan ang mga konseptong pag-aaralan.
BALIKAN

Naalala mo pa ba ang huling paksa na pinag-aralan mo sa mga naunang aralin?


Ang tungkol sa kahulugan ng pananaliksik, katangian, mga uri nito at hakbang sa
pananaliksik? Kung naaalala mo, makatutulong ito sa iyo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 5


Sa huling modyul, natutuhan mo ang pagsusuri at pagsulat ng iba’t ibang teksto.
Ano-ano na nga ang mga ito? Hindi ba’t napakagandang aralin ang tekstong
impormatibo, deskriptibo, persuweysib, naratibo, argumentatibo at prosidyural. Sigurado
akong nahasa ang iyong kakayahan sa pagsulat sa mga tekstong nabanggit. Binabati kita
kung gayon sapagkat magagamit mo ito sa ating kasalukuyang aralin.

Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas


sa naunang aralin kaya ngayon naman ay makakaya mong
TUKLASIN tuklasin, pagnilayan at unawain ang panibagong aralin!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga salita sa ibaba.


1. Computer Games 6. Pamilya
2. Kapaligiran 7. Teknolohiya
3. Bullying 8. Kultura
4. Paaralan 9. Paninigarilyo
5. Covid-19 10. Social Networking Sites
A

Ang mga nabanggit na salita sa itaas ay maaaring maging paksa sa isang pananaliksik.
Ang pagpili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng pananaliksik.
Sinasabing ang mabuting pananalikisk ay nagsisimula sa mahusay na paksa.

Halina’t dagdagan pa natin ang iyong kaalaman at


palalimin ang iyong pag-unawa tungkol sa konsepto ng
pananaliksik at pagpili ng paksa. Tara, basahin at
unawain nating mabuti ang mga impormasyong
SURIIN nakalahad sa ibaba.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

1. Nagpapayaman ng kaisipan – Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa


walang humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
2. Lumalawak ang karanasan – napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo
ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos,
pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura.
3. Nalilinang ang tiwala sa sarili – tumataas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at
matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.
4. Nadaragdagan ang kaalaman – ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman
kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 6


TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

May mga bagay na dapat isaalang-alang ang mga mag-aaral na mananaliksik na tulad
mo na nakatutulong upang higit na maging maayos ang gagawing pananaliksik.

• Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik. Halimbawa nito ay ang


matapat na pangangalap at pag-uulat ng mga datos. Hindi maaaring mag-imbento ng mga
datos. Kadalasan, bahagi ng pananaliksik ng mga mag-aaral ang magpasya(sagot ng
sarbey; inaasahan na ang sarbey ay “sadyang” pinasagutan sa mga respondent at kung
anuman ang kinalabasan ng sarbey na ito ay ang siyang dapat na iulat.
• Obhetibo. Inilalayo ang iyong personal na hangarin o intensiyon sa paksa o isyung
sinasaliksik. Ang mananaliksik ay walang pagkiling sa resulta ng kanyang pag-aaral. May
mga pagkakataon na taliwas ang resulta ng pag-aaral sa inaasahan. Kung magkaganito
man, hindi ito dapat manipulahin.
• Maingat sa anumang pagkakamali at malayo sa kapabayaan. Kinikilatis nang mabuti
ang mga nabuong gawain. Tinitingnan kung wasto ang mga nailipat na datos. Kinikilala
ang mga may-akda na pinagkunan ng impormasyon. Malinis at maayos ang pagkakasulat
ng mga salita at impormasyon, kung kaya’t mahalaga ang paulit-ulit na pagbabasa
(proofreading) upang maiayos ang kahinaan ng pananaliksik na papel.
• Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya. Ang mga mag-aaral na mananaliksik
ay tumatanggap ng mga suhestiyon at puna. Para sa kanila, ito ay magpapaganda at
magpapabuti pa ng ginawang pananaliksik.
• May paggalang sa Intelektuwal na pag-aari kung kaya’t kinikilala ang awtor o sumulat
ng impormasyon at ideya. Ito ay binabanggit ayon sa pangangailangan. Hindi inaangkin
ang gawa ng iba at hindi tahasang kumokopya.
• Mapagkakatiwalaan ang mananaliksik sa mga kasunduan. Halimbawa, kapag ibinilin
ng respondent na itago ang kanyang katauhan, ito ay dapat sundin at igalang. Gayundin
ang iba pang bagay na hiniling sa mananaliksik na maging confidential.
• May paggalang sa mga kasamahan. Karaniwan ang pangkatang gawain sa pagbuo ng
pananaliksik. Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon upang mapag-
usapan ang isyu na kinahaharap. Tanggapin ang gawa ng iba lalo na kung ito ay kapaki-
pakinabang. Kung hindi naman, daanin sa maayos na usapan. Alamin at pagtulungang
ayusin ang kahinaan sa output ng kasamahan.
• Responsable sa lipunan. Tandaan na ang pananaliksik ay may layuning magdulot ng
kabutihan. lwasan ang mga isyung sisira sa imahen ng isang tao, samahan, o institusyon.
Kung hindi naman maiwasan ang paglalahad ng negatibong isyu, maging obhetibo at
responsable sa paglalahad.
• Hindi nagtatangi ng mga kasamahan o kamag-aral, ni ng kasarian, relihiyon, kultura, lahi,
at iba pang salik na maaaring sumira sa kahusayan at integridad ng ginagawang
pananaliksik.
• May kahusayan. Inaasahan na ang mananaliksik ay hindi eksperto sa pagsulat at pagbuo
ng pananaliksik kung kayat naroon ang paggabay ng guro. Gayumpaman, inaasahan na
aayusin at pagbubutihin niya ang gawa. Tandaan, ang anumang pagsisikap na ibinibigay
sa pananaliksik ay magdudulot ng positibong bunga.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 7


Etika ng Pananaliksik
Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-iingat sa plagiarism o
pangongopya ng gawa ng iba. Samakatuwid, kailangan niyang maging matapat sa kanyang
isinusulat at mapaninindigan niya ang anumang kinalabasan ng produktong ginawa niya sa
lahat ng oras.

Malawak na ang daan ng komunikasyon dahil sa teknolohiya. Bukas na ang pinto sa


lahat ng sources o sanggunian. Gayunpaman, kailangan pa rin ng isang mananaliksik na
ipakilala at ipabatid sa kanyang mga mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng anumang
datos na isinama niya sa kanyang ginawang pananaliksik.

Matapos maaprobahan ang batas kaugnay ng Intellectual Property Rights, mahalaga


ang mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at
kriminal na maaaring kahantungan ng isang mananaliksik.

Narito ang ilang matatawag na Etika ng Mananalisik.

• Paggalang sa karapatan ng iba. Kung gagamitin bilang respondent ang isang


pangkat ng mga tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang
kaukulang paggalang, o respeto sa kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin
ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang pahintulot. Kung gagamit naman ng
hayop sa pag-aaral lalo na sa larangan ng agham, kailangang iwasang sila ay
masaktan o mamatay.
• Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang “confidential”. Kinakailangang tratuhin
ang lahat ng datos at detalye na nakuha mula sa sarbey, interbyu, o anumang paraan
na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng mananaliskik kung paano niya
ilalahad ang kabuuan ng mga detalyeng ito.

• Pagiging matapat sa bawat pahayag. Nararapat na matapat at naaayon sa


pamantayan ng pagsulat ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating pananaliksik.
Hindi maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang
pansariling interes o pangangailangan ng ilang tao. Hindi maaaring gumawa at
gumamit ng mga pekeng datos.
• Pagiging obhetibo at walang kinikilingan. Dapat ay walang kinikilingan ang
isang mananaliksik. Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang
pananaliksik nang walang pagkiling sa sinuman. Dapat ay maging obhetibo siya sa
lahat. Kinakailangang maibigay kung ano talaga ang nararapat para sa isang tao,
pangkat ng mga tao, institusyon, at iba pa na sangkot sa kanyang ginawang sulating
pananaliksik.

Mga Paghahanguan (Paghahanapan) at Pagpipilian ng Paksa


✓ Sarili – maaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa napakinggan
napag aralan at natutunan.
✓ Dyaryo at magazine – maaaring panghanguan ng paksa ang mga napanahong isyu sa mga
pamukhang pahina ng mga dyaryo at magazine o sa mga kolum, liham sa editor at ibang
seksyon ng mga dyaryo at magazine tulad ng local na balita,bisnes,entertainment at isports.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 8


✓ Radyo, tv at cable tv – maraming uri ng programa sa radio at tv ang mapagkukunan ng
paksa mas maraming programa sa cable dahil sa 24 na oras na balita, isports at mga
programang edukasyonal.
✓ Mga awtoridad kaibigan at guro – sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong sa ibang tao,
maaaring makalikha ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang pampananaliksik.
Makatulong ito upang makakuha ng paksang hindi lamang napapanahon kundi kawiwilhan
din ng ibang tao.
✓ Internet – ito ang pinakamadali ng hanguan ng paksa, malawak at sopistikadong paraan
ng paghahanap ng paksa. Maraming websites sa internet na tumutugon sa iba’t ibang
interes at pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao.
✓ Aklatan – Bagama’t tradisyunal ng pagkukuha ng hanguan o paksa. Sa aklatan, maaring
magtagpuan ng iba’t ibang paksang nauugnay sa ano mag larangang pang-akademya.
Mga Patnubay/Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa
✓ Kasapatan ng Datos – kailangan may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin.
✓ Limitasyon ng Panahon – Tandaan ang kursong ito ay para sa isa o dalawang markahan
lamang. May mga paksa na mangangailangan ng mahabang panahon , higit pa sa dalawang
markahan , upang maisakatuparan.
✓ Kakayahang Pinansyal – May mga paksang mangangailangan ng maraming gastusin.
Kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik.
✓ Kabuluhan ng Paksa – Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang
kabuluhan ay kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon , kundi maari ring
pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao.
✓ Interes ng Mananaliksik – Magiging madali ito para sa isang mananaliksik sa pagkukuha
ng datos kung ang paksa niya ay naayon sa kanyang kawilihan.
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa susulating pananaliksik
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
✓ Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
✓ Bakit ka interesado dito?
✓ Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap na ito ng kasagutan?
✓ Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak
ang iyong kaalaman?
✓ Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
✓ Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?Alin naman ang
masyadong limitado o maliit ang sakop?
✓ Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
5. Paglilimita sa paksa
Matapos makapili ng paksa, kailangan iyong ilimita upang maiwasan ang masaklaw na
pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa , mabibigyan ng direksyon at pokus ang
pananaliksik at maiiwasan ang padampot- dampot o sabog na pagtalakay sa paksa.Maaaring

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 9


gamiting batayan sa paglilimita ng paksa ang mga sumusunod: Panahon, Edad, Kasarian,
Perspektibo, Lugar, Propesyon o Grupong Kinabibilangan, Anyo o uri at Partikular na
Halimbawa o Kaso. Makikita sa ibaba ang halimbawa ng paglilimita sa isang malawak o
pangkalahatang paksa.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


-Persepsyon sa mga taong may tattoo sa katawan
Nilimitahang Paksa:
- Persepsyon ng Kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan.
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
- Persepsyon ng Kabataang nasa edad 13 -15 ng Lungsod Laoag sa mga taong may
tattoo sa katawan

Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha naman itong limitado na halos
wala ka nang pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik. Kung
Masyadong limitado ang paksa ay maaaring nagkulang ang mga gamit na kakailanganin mo
para rito. Dito mangangailangan ka ng modipikasyon o bahagyang pagpapalawak sa iyong
paksa upang maging mas makabuluhan ang kalalabasan ng iyong pag-aaral.
Kung tutuusin, ang mga konsiderasyon sa paglilimita ng paksa ay maari ring isaalang-
alang sa pagdidisenyo ng pamagat upang iyo’y maging malinaw,tuwiran at tiyak. Kung
tutuusin din, ang nalimitang paksa, maliban sa kaunting pag-aayos, ay maaari na ring gamitin
bilang pamagat pananaliksik

Sa bahaging ito ay sisikapin mong pagtibayin ang iyong


pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa.
Sagutin ang mga naihandang gawain para sa iyo. Alam
PAGYAMANIN kong kayang-kaya mo ito! Paghusayan mo!

Panuto: Kompletuhin ang mga kahon para mabuo ang tungkulin o responsibilidad ng isang
mananaliksik.

1. o e t

a i t
2.

a t p
3.

m p g k l n
4.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 10


r p s e
5.

Kagila-gilalas! Narito ang ilang mga konsepto na


kailangang isaisip upang lubos na matalunton ang mga
ISAISIP napag-aralan.

Ang pananaliksik ay maituturing na pangunahing dapat matutuhan ng


sinumang mag-aaral upang mapaunlad ang sarili, kapuwa, pamayanan, lipunan at lalo
na ang bayan. Dahil sa pananaliksik tinutulungang bumilis ang takbo ng ating buhay
dahil gumagaan ang dating mabibigat na gawain. Higit sa lahat, magkakaroon ng
pagbabago na nakabubuti sa ating pamumuhay.
Kinakailangan din na isaalang-alang ang tungkulin at responsibiladad at etika
ng isang mananaliksik upang mapagtagumpayan ang mga layunin sa pananaliksik.
Maaaring paghanguan at pagpilian ng paksa ang sarili, dyaryo, magazine,
radyo, telebisyon, mga awtoridad, kaibigan, guro, internet at aklatan.

Ang mga patnubay o konsiderasyon sa pagpili ng paksa ay ang kasapatan ng


datos, limitasyon ng panahon, kakayahang pinasyal, kabuluhan ng paksa at interes ng
mananaliksik.

Kinakailangan din na isalang-alang ang mga hakbang sa pagpili ng paksa,


Matapos makapili ng paksa, kailangang ilimita upang maiwasan ang masaklaw na pag-
aaral. Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa, mabibigyan ng direksyon at pokus ang
pananaliksik at maiiwasan ang padampot-dampot o sabog na pagtalakay sa paksa.
Kung tutuusin, ang mga konsiderasyon sa paglilimita ng paksa ay maaari ding
isaalang-alang sa pagdidisenyo ng pamagat upang ito’y maging malinaw, tuwiran at
tiyak. Kung tutuusin din, ang nalimitang paksa, maliban sa kaunting pag-aayos, ay
maaari na ring gamitin bilang pamagat pananaliksik.

Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan


ang kabuuan ng modyul na ito, kaya isang banat pa,
ISAGAWA kayang-kaya mo itong isagawa!

Panuto: Tukuyin at itala ang ilang pangunahing suliraning napapansin mo sa kasalukuyan


kaugnay ng sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.

Kalusugan Politika Ekonomiya Edukasyon

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 11


Ibigay ang sariling reaksyon sa mga naitalang suliranin . Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling


pagsusulit sa kabuuan ng aralin. Natitiyak kong masasagot
TAYAHIN mong lahat ang mga tanong. Hala, bira!

PANGWAKAS PAGTATAYA

1. Ito ay isang paraan ng pagnanakaw, kung saan ang isang tao ay gumamit o nanghiram ng
ideya o gawa at hindi inilagay ang pinagkunan.
A. Plagiarism C. Robbery
B. Paraphrasing D. Intelectual property law
2. Ano ang unang hakbang sa pagpili ng paksa?
A. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa
B. Alamin kung anong inaasahan o layunin ng susulatin.
C. Pagbuo ng tentatibong paksa
D. Paglilimita sa paksa
3. Anong katangian ng mananaliksik kung siya ay tumatanggap ng mga suhestiyon at puna?
A. Responsable C. May paggalang sa intelektuwal na pag-aaral
B. Obhetibo D. Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng tama ?
A. Naaaksaya ang oras at salapi kung ang gagawin ay nasa tamang proseso.
B. Ang pananaliksik ay kailangang madaliin.
C. Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa sa gagawing pananaliksik
D. Maituturing na hindi krimen ang pagmanipula sa resulta ng pananaliksik.
5. Ito ang pinakamadali ng hanguan ng paksa, malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap
ng paksa.
A. Aklatan C. Magazine
B. Sarili D. Internet

Kumusta? Siguro nasagot mo nang tama ang bawat tanong. Kung ganoon, binabati
kita dahil sa wakas ay malapit mo nang matapos ang modyul na ito at tiyak na naintindihan
mo nang maigi ang iyong aralin. Sana ay magamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay ang
iyong mga napag-aralan sa modyul na ito.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 12


Bilang pagtatapos sa linggong ito,
kinakailangan mong mapagtagumpayan ang
huling pagtataya na inilaan para sa iyo.
Naniniwala akong kayang-kaya mo ito.
KABUUANG PAGSUSURI Paghusayan!

WRITTEN WORK
CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE TEST ITEM
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etnika sa pananaliksik.

SITUATION: Bilang guro sa pananaliksik, ikaw ay naimbitahan bilang reactor sa


presentasyon sa isinagawang pananaliksik ng mga mag-aaral. Sa naunang nagpresenta ng
kanilang pananaliksik, ito ang kanilang naging layunin sa pag-aaral:
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang masuri ang sanhi at epekto ng internet
at mobile games sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa kabuuan, ang layunin ng pag-aaral na
ito ay matukoy ang epekto ng internet o social network at mobile games sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga mag-aaral na tumatangkilik nito, at maipabatid sa kanila ang mga
epekto nito. (1) Bakit nahuhumaling ang mga estudyante sa internet at mobile games?
(2) Ano-ano ang mga negatibong salik ng mobile games sa pag-aaral ng isang estudyante?
(3) Ano-ano ang mga positibong salik ng internet sa pag-aaral ng isang estudyante?
Susuriin mo ngayon kung mahusay ba ang pagkakabuo ng layunin ng pag-aaral at ano ang
maaaring nag-udyok sa mananaliksik upang isagawa ang pag-aaral batay sa isinulat na
layunin.

QUESTION AND CREATIVE WRITTEN OUTPUT: Batay sa iyong pagsusuri sa


halimbawang layunin ng pananaliksik sa tingin mo, mahusay ba ang pagkakabuo nito? At
ano ang maaaring nag-udyok sa mananaliksik upang isagawa ang nasabing pag-aaral. Upang
masuri ito nang lubusan, ikaw ay gagawa ng reaksyong papel.

SAMPLE PROMPTS/OUTLINE: Suriin ang sitwasyon na nailahad at lakipan ng mga


pansuportang detalye ang kaisipang ilalatag. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na
hudyat:
1. Batay sa layunin ng pananaliksik __________________ masasabi kong…
2. Patunay rito ang…
3. Sa pangkalahatan...
STUDENT’S WRITTEN OUTPUT: kopya ng reaksyong papel (Online), Pasulat na report
ng reaksyong papel (Modular)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 13


RUBRIK SA PAGTATAYA NG GAWAIN:
RATING DESCRIPTION
4 Ang sagot ay wasto at sapat ang detalye. Akma ang mga kaisipang inilahad sa
kasanayang pampagkatuto (competency).
3 Ang sagot ay wasto. Akma ang mga kaisipang inilahad sa kasanayang
pampagkatuto.
2 Ang sagot sa ilang bahagi ay may kamalian. Bahagyang akma ang mga
kaisipang inilahad sa kasanayang pampagkatuto.
1 Ang sagot ay mas marami ang kamalian. Hindi lubusang akma ang mga
kaisipang inilahad sa kasanayang pampagkatuto.

SUSI SA PAGWAWASTO

SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN

1. A 2. B 3. D 4. C. 5. D

PAGYAMANIN

1. Obhetibo 2. Maingat 3. Matapat 4. Mapagkakatiwalaan 5. Responsable

TAYAHIN

1. A 2. B 3. D 4. C. 5. D

*Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga gawain sa iba pang bahagi ay maaaring magkakaiba-iba.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 14


SANGGUNIAN

- Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

AKLAT

Bandril Lolita T., Alma Tang-Bautista, Diana F. Palmes at Voltaire M. Villanueva.


2016.Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.Quezon City: Vival Group Inc.
Bernales Rolando A., Leticia M. Lopez, Maria B. Sarte , Ligaya Z, Del Rosario, Edna P.
Martinez, Ma. Lourdes R. Quijano. Jovert R. Balunsay at Susan M.
Tindugan.2016.Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Dayag Alma M., at Mary Grace G. Del Rosario 2016. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quezon Ave, Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
Bitmoji.com
https://www.123rf.com/clipart-
vector/middle_school.html?sti=lvj9eom9vi3pwvvyu2|&mediapopup=41741867
https://www.123rf.com/photo_81304793_stock-vector-student-stress-icon.html
https://webstockreview.net/image/why-clipart/21648.html
http://www.priscillaloebenberg.com/random-house-expands/
https://www.sachinrekhi.com/how-to-find-your-ideal-customer
https://www.123rf.com/photo_35969895_black-head-with-group-of-colorful-question-mark-
icon-in-brain-isolated-on-white-background.html
https://www.dreamstime.com/image-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-
wearing-glasses-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-image134074704
https://www.kissclipart.com/psychologist-clipart-psychology-psychologist-clip-q3z9nj/
https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-mwyrb
https://spirit-riding-free-fan.fandom.com/wiki/Oliver
https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png-clipart-bqyeo
https://wikiclipart.com/testing-clipart_7483/
https://www.clipartmax.com/so/spotlight-clipart/2/
https://www.brandeps.com/icon/K/Key-03
https://tenor.com/view/walk-man-books-study-gif-15377165

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 15


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)

Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900


Contact Number: (077)771-3678

Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Pahina | 16

You might also like