You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

FILIPINO BAITANG
Filipino sa Piling Larang
11/12
Akademik

LEARNING KUWARTER 4

MODULE LINGGO 2

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 1


MODYUL SA SHS
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK)

KUWARTER 4
LINGGO 2

PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

Development Team

Writer: Aprilyn R. Ramos

Editor: Genalyn P. Mariano

Reviewers: Zorayda S. Paguyo Aprilyn R. Ramos

Genalyn P. Mariano

Layout Artist: Aprilyn R. Ramos

Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Likas na taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu’t saring konsepto.


Marapat na ang makilalang kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga. Bago at
napapanahon ang kaalaman kung ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay impormasyong
magbibigay ng malawak na kabatiran at mahalaga sapagkat ang impormasyong ipinababatid
ay kapaki-pakinabang maging ito man ay pansarili, pampamilya, panlipunan, at pambansang
kapakinabangan.

Sa tulong ng modyul na ito ay higit mong mapadadalisay ang pag-unawa sa iba’t


ibang akademikong sulatin partikular na ang pagsulat ng katitikan ng pulong. Kaugnay
nito ang naunang modyul (Pagsulat ng Memorandum at Adyenda) na pawang tumalakay
sa dalawang elemento ng makabuluhang pagpupulong.

Bilang aralin sa Linggo 2 ng Ikaapat na Kuwarter, mapag-aaralan at mapagtitibay


mo ang iyong kaalaman sa kalikasan, layunin, hakbang at gabay sa pagsulat ng katitikan
ng pulong. Ito ay naglalayon ding sanayin ka sa pagsulat ng mga sulating lilinang sa iyong
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na diskurso gayundin
ang pagsasakatuparan ng mga gawaing nakabatay sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELC).

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo ang mga sumusunod:

1. matukoy ang katuturan at kalikasan ng katitikan ng pulong;


2. maiisa-isa ang layunin at paraan sa pagsulat ng katitikan ng pulong;
3. matukoy ang mahahalagang impormasyon sa halimbawang katitikan ng pulong upang
makabuo ng sintesis; at
4. mailapat ang mga natamong kabatiran sa pagsasagawa ng mga pagsasanay.

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit at ganap na mabatid ang mga inaasahan, sikaping isakatuparan ang
mga sumusunod:

 maglaan nang panahon sa pagbabasa, pag-unawa, at pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin;


 sagutin nang buong kahusayan ang mga pagsasanay o pagtataya na naibigay;
 magsaliksik ng iba pang sanggunian upang madagdagan at mapalawak ang kaalaman; at
 sundin o gawin ang mga panuntunan upang matamo ang kasanayang hinahangad.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 3


Isang mapagpalang araw! Binabati kita sa iyong
matagumpay na pag-aaral at pagsasakatuparan sa mga
gawain sa Modyul 1 (Pagsulat ng Memorandum at
Adyenda). Kaya naman natitiyak kong handang-handa
ka na sa pagdukal ng mga panibagong kaalaman at
karanasan dito sa Ikalawang Linggo. Tandaan,
kailangan mo itong matapos sa loob lamang ng isang
linggo kaya’t sikapin at gawin ang makakaya para ito’y
tapusin.

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
ALAMIN isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?

Pamantayang Pangnilalaman: Nagagamit ang angkop na pormat at teknik ng pagsulat


ng akademikong sulatin

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo


na nakabatay sa pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto: FA11/12PN-0j-i-92:


Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang
pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan

Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais kong


sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa akademikong
pagsulat sa pamamagitan ng Paunang Pagtataya. Sa ibaba
ay mayroong limang aytem na kailangan mong sagutin.
SUBUKIN Paghusayan Mo!

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung wasto ang
ideyang taglay nito, at MALI naman kung hindi ito wasto.

1. Tinatawag ang memorandum na opisyal na tala ng isang pulong.


2. Ang kalihim ng organisasyon ang naghahanda ng katitikan ng pulong.
3. Ang pagbasa at pagpapatibay ng katitikan ay bahagi ng isang pagpupulong.
4. Nauunang ilathala ang katitikan ng pulong bago ang pagtatakda ng adyenda.
5. Kapag napagtibay ang katitikan ng pulong ay nagsisilbi itong opisyal at legal
na kasulatan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 4


Tingnan mo ngayon sa pahina 14 kung tama ang mga sagot mo. Kung nakakuha ka ng
3-5 na iskor, aba’y marami ka nang alam tungkol sa ating mga aralin, kaya’t madali na lamang
para sa iyo ang mga susunod na pagsasanay o gawain. Kung mas mababa rito ang nakuha
mo, huwag kang mag-alala dahil tiyak na matututuhan mo ang lahat ng tungkol sa ating mga
paksa sa tulong ng modyul na ito.

Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa


linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang nakaraan, iugnay sa kasalukuyan at pagyamanin
BALIKAN sa kinabukasan ang mga konseptong iyo nang napag-aralan.

Tinalakay sa Modyul 1 ang dalawang mahahalagang elemento upang maging


maayos, organisado, at epektibo ang isang pulong. Ito ay ang memorandum at adyenda.

Nabatid mo na ang pagsulat ng memo ay maituturing na isang sining sapagkat


ito ay isa sa mga pinakagamiting anyo ng korespondensiya. Ito ay kadalasang maikli
dahil ang pangunahing layunin nito ay pakilusin ang isang indibidwal o grupo sa isang
tiyak na alituntuning dapat isakatuparan gaya ng pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa,
o pagsunod sa bagong sistema ng produksiyon o organisasyon. Sa modyul din na ito ay
nalaman mo na ang adyenda ay isinusulat upang bigyan ng impormasyon ang mga taong
kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng pansin at
pagtugon.

Sa mabisang paghahanda ng memorandum at adyenda, masisigurong tatakbo


nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok ay patungo sa iisang direksyon.

Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas


sa mga naunang aralin. Ngayon naman ay ating aalamin ang
isa pang akademikong sulatin. Tara, tuklasin, pagnilayan at
TUKLASIN unawain ang bago mong aralin!

Ang Katitikan ng Pulong ay ang tala ng mga usapan o bahaginan na ginagawa at


itinatago ng kalihim ng isang samahan o organisasyon, (Hill at Hill, 2005). Ito ay inihahanda
nang maayos upang ipabatid sa mga dadalo sa susunod na pulong ang resulta nang napag-
usapan, (Austero, et al., 2018).

Mahalaga ang pagsulat nito upang mabigyang-linaw, lalo na sa mga hindi nakadalo, sa
kung ano ba ang mga paksa, isyu o adyendang pinag-usapan sa nagdaang pulong. Ito rin ay
nagsisilbing gabay upang malinaw na makita kung ano na ang mga napag-usapan at hindi pa
napag-usapan upang maiwasan ang paulit-ulit na paksa sa mga pulong.

Samakatuwid, ang elementong ito ng pagpupulong ay maituturing na esensiyal dahil sa


pamamagitan nito ay naitatala ang mga mahahalagang diskusyon at napagpasiyahang mga
desisyon.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 5


Natitiyak ko ngayon na ikaw ay handa nang tumuklas at
SURIIN matuto ng mga panibagong kaalaman. Simulan na natin!

PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG (Minutes of the Meeting)

Nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay mula sa inilatag na adyenda ang


katitikan ng pulong. Ang ginawang adyenda ng isang pinuno o Tagapangulo ng isang kawani
o lupon ay ang batayan ng katitikan. Maaari din namang magtalakay ng iba pang bagay sa
susunod na pulong kung mababanggit at ilalagay sa katitikan.

Mahalaga ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at
isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli mula sa pagpupulong na naganap na. Dito
makikita ang mga pagpapasiya at mga usaping kailangan pang bigyang-pansin para sa susunod
na pulong. Kinakailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, at pook na pagdarausan ng pulong,
at maging ng tala ng mga dumalo at hindi nakadalo ang katitikan ng pulong (Mangahis,
Villanueva 2015). Lumalabas na ito ay nagsisilbing summary o pagbubuod ng mahahalagang
napag-usapan.

KAHALAGAHAN AT GAMIT NG KATITIKAN NG PULONG

Ang katitikan ng pulong ay itinuturing na isa sa mga anyo ng komunikasyong teknikal


na kinakailangang pag-aralan upang hihit na mapagbuti at mapagtibay ang kasanayan bilang
paghahanda sa buhay-propesyunal. Sa puntong ito ay mahalagang maunawaan mo kung ano-
ano ang pangunahing gampanin sa pagsulat ng komprehensibong katitikan ng pulong (Julian
at Lontoc, 2016).

1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.


2. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng
pulong.
3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang gawain na
nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang
gawain.
4. Nababatid din kung sino-sino ang aktibo at hindi aktibong dumadalo sa pulong.
5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.
6. Natitiyak na nasunod ang mga adyenda at walang nakalimutang paksang dapat pag-
usapan.

Ang isang organisasyon o institusyon na mahusay itong naisasagawa ay maituturing na


dinamikong samahan. Sa pamamagitan nito’y makikita ang kanilang pag-unlad at mababatid
na sila ay seryoso sa kanilang trabaho o anomang gawain. Masusukat din ang kredibilidad ng
isang samahan batay sa yaman ng kasaysayan ng kanilang katitikan ng pulong bilang
indikasyon ng pagkakaroon nila ng mayayamang talakayan at mga kapasyahan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 6


BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG (Aspuria, 2017)

May ilang kinakailangang sangkap ang isang katitikan ng pulong, pasulat man o pa-
elektroniko, upang ganap na maging repleksyon ito ng isang nagana na pagpupulong.
Mahalagang isaalang-alang ang mga bahagi nito bagaman pinatunayan ng ilang eksperto rito
na walang istandard o tiyak na pormat o pamantayang hulwaran (template).

Bahagi Deskripsyon
 Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan,
organisasyon o kagawaran.
1. Heading
 Makikita rito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras
ng pagsisimula ng pulong.
 Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy
ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga
2. Mga kalahok o dumalo dumalo kasama ang mga panauhin.
 Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay
nakatala rito.
 Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong
ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa
3. Pagbasa at pagpapatibay
mga ito.
ng nagdaang katitikan
 Iwinawasto sa katitikan ng nagdaang pulong ang mga
ng pulong
maling baybay ng mga salita, pangalan, mga pahayag na
sinabi, at paglilinaw.
 Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay.
4. Action items o usaping  Inilalagay sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna
napagkasunduan sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo
ukol dito.
 Ang maseselang isyu ay binibigyang-solusyon.
 Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit
kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga
5. Pabalita o patalastas
dumalo tulad ng mga suhestiyong adyenda para sa
susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod na  Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin
pulong ang susunod na pulong.
 Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas
ang pulong.
7. Pagtatapos
 Mahalaga ang resolusyon sa maseselang isyung
binibigyang-aksiyon.
 Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng
8. Lagda taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito
isinumite.

Ilang mga bagay na hindi na kailangan pang isama sa katitikan ng pulong ang mga sumusunod:
o Ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusugan.
o Ang mosyon para sa pagbabago na sinusugan, ngunit hindi sinang-ayunan.
o Ang mosyon para sa pagbabago ngunit hindi pinayagan ng opisyal na tagapamahala.
o Ang bilang ng boto ng sumang-ayon at di sumang-ayon sa isang mosyon.
o Ang pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang
kalahok na itala ang paraan ng kanyang pagboto.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 7


Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay maisulat. Ang
paraan ng pagsulat ay umiikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan,
maglahad, at mangatuwiran. Ang apat na pangunahing akademikong diskursong ito kadalasan
ay may pinagbabagayang disiplina o larangan ng akademikong sulatin. Ngunit, dapat tandaan
na nasa kakayahan pa rin ng manunulat na gamitin ang anomang paraan upang ipahayag ang
kaugnay na kaalaman.

Kung gayon, sa pagsulat ng katitikan ng pulong ay makabubuting ikonsidera ang iba’t


ibang mga gabay at panuntunan upang epektibo mo itong mabuo at maipamalas ang mga
kasanayang nililinang nito gaya ng pakikinig, pagpili o pagtitimbang ng mga impormasyon, at
maging ang kakayahan sa pagsulat.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN


(Lyn Gaertner-Johnson, 2006)

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo? (isama ito kung kinakailangan)
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kailan ito dapat maisagawa?
8. Mayroon bang kasunod na kaugnay (follow-up) na pulong? Kung mayroon, kailan, saan,
at bakit kailangan?

 Dapat isulat ang katitikan sa loob ng 48 oras upang maipabatid sa mga may
nakatalagang tungkulin ang kanilang mga gagawin, at upang malaman ng mga di-
nakadalo ang mga naganap.
 Dapat gumamit ng mga positibong salita at katotohanan lamang ang isusulat sa
katitikan.
 Maging alerto sa mga napag-usapan, mga napagkasunduan at hindi napagkasunduan
sa mga mahahalagang detalye.
 Kapag nagkataon na mayroong naunang pagpupulong, bago basahin ang adyenda ng
gaganaping pagpupulong, dapat munang ilahad ang katitikan ng nakaraang
pagpupulong.
 Huwag ng isama ang anomang impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa sinomang
kalahok (halimbawa: Nagsigawan sina Tan at Dem dahil sa magkasalungat na panig).

GABAY PARA SA MABISANG PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

1. Ihain ang mga usapin bago pa man simulan ang nakaiskeyul na pulong.
2. Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong.
3. Ilatag ang mga usapin o adyenda.
4. Piliin ang pinakamainam na metodo.
5. Siguraduhing handa ang lahat ng kinakailangan.
6. Maglaan ng espasyo sa pagkuha ng mga detalye.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 8


7. Itala ang lahat ng mga kalahok sa pulong.
8. Kilalanin ang lahat ng dadalo sa pulong, gayundin ang kanilang pangangailangan.
9. Bukod sa pangangailangan, mainam na gawing pamilyar ang sarili sa mga tanggapan na
kanilang kinakatawan.
10. Gumawa ng template ng katitikan upang mas mapabilis ang proseso ng pagtatala.
11. Makinig nang may pag-iingat upang walang makaligtaang detalye.
12. Itala lamang ang katotohanan at iwasan ang pagkuha sa mga opinyong walang tiyak na
batayan.
13. Gawing simple at malinaw ang pagkakasulat.
14. Maging tiyak.
15. Itala ang mga mahahalagang mosyon.
16. Itala rin ang mga hindi natapos na usapin, gayundin ang mga nabinbing talakayan.
17. Linawin ang iyong partisipasyon sa pulong.
18. Lagumin ang lahat ng mahahalagang detalye.
19. Sa oras na matapos ang pulong, gawin agad ang katitikan upang walang makaligtaang
datos.
20. Basahing mabuti ang katitikan bago ito ipamahagi. Mainam na tiyak at tumpak ang lahat
ng detalye gaya ng pangalan ng mga dumalo, pagpapasya at mga mosyon.
21. Hingin ang pagpapahintulot ng tagapamuno ng pulong bago ito ipamahagi.

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong.


Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis sa pagsulat, at linaw ng pag-iisip.

Karagdagang Kaalaman:

Halimbawa ng estruktura ng Ulat ng Kalihim:

KATITIKAN NG PULONG

I. PAGBUBUKAS NG KAPULUNGAN
a. Petsa, oras at lugar kung saan ginawa ang pagpupulong
b. Taong namuno sa pulong
c. Talaan ng mga nagsidalo sa pulong
d. Adyenda ng kapulungan/paksa na tatalakayin sa pulong

II. PAGLALAHAD NG MGA TINALAKAY SA PULONG AYON SA ADYENDA


a. Paglalahad ng mga tinalakay
1. Mga napagkasunduan
2. Mga hindi napagkasunduan
b. Mga insidente sa pulong na may kaugnayan sa pagpupulong

III. PAGTITINDIG NG KAPULUNGAN


a. Oras ng pagtatapos ng pulong
b. Lagda ng kalihim na gumawa ng katitikan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 9


HALIMBAWA NG KATITIKAN NG PULONG
Mula sa Ikaapat na edisyon ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyal nina Villanuea at Mangahas (2015), pahina 149-152
Link: https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Patnubay-sa-Korepondensiya-Opisyal_ikaapat-na-edisyon_ikalawang-
limbag.pdf

Pambansang Komite sa Wika at Salin


Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining

KATITIKAN NG BUWANANG PULONG


Gusali ng NCCA, Intramuros, Maynila
6 Disyembre 2004

Mga Dumalo:
Almario, Virgilio S. (Puno ng PKWS, Indibidwal)
Constantino, Pamela C. (Pangalawang Puno, Indibidwal)
Zafra, Galileo S. (Kalihim, Indibidwal)
Añonuevo, Roberto T. (Kagawad, UMPIL)
Balde, Abdon, Jr. (Kagawad, Indibidwal)
Baquiran, Romulo, Jr. (Kagawad, SANGFIL)
Barcenas, Lourdes U. (Kagawad, Indibidwal)
Capitan, Severino S. (Kagawad, SWF-UP Los Baños)
Coroza, Michael M. (Kagawad, SALIN)
Delima, Puriicacion (Kagawad, Cordillera Studies Center)
Naval, Jimmuel C. (Kagawad, Indibidwal)
Nicolas, Leuterio (Kagawad, FIT) Zilmar, Grace (PDO I, SCD) Odulio, Federico (PMD)

Mga Di-nakadalo:
Regala, Trinidad O. (Kagawad, Indibidwal)
Kinatawan ng Komisyon sa Wikang Filipino

1. Pagsisimula ng Pulong
Nagsimula ang pulong nang ika-12:30 ng hapon. Pinamahalaan ito ni Prop. Virgilio S. Almario,
Puno ng Pambansang Komite sa Wika at Salin (PKWS).

2. Pagpapatibay sa Panukalang Adyenda


Iminungkahi ni Dr. Severino Capitan na pagtibayin ang adyenda. Pinangalawahan ito ni Dr.
Pamela Constantino.

3. Pagbasa at Pagpapatibay sa Katitikan


Iminungkahi ni Dr. Capitan na pagtibayin ang katitikan ng pulong noong Oktubre 8, 2004.
Pinangalawahan ito ni Prop. Joey Baquiran.

4. Mga Dapat Pag-usapan Batay sa Nakaraang Katitikan

4.1 Seminar-Workshop sa Filipino ng Pambansang Samahan ng Wika (PSW)


Iniulat ni Dr. Constantino na matagumpay na naidaos ng PSW ang seminarworkshop sa wika
at panitikan sa Benguet State University. Dinaluhan ito ng higit sa 240 kalahok, kasama rito
ang mga mananaliksik-kawani ng KWF.

4.2 Oras ng mga Pulong


Laging ika-10 ng umaga na gaganapin ang regular na pulong ng Komite. Napagkasunduan
ito matapos konsultahin ang mga miyembro ng Komite na nanggagaling sa malayong lugar.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 10


4.3 Tugon sa Pagkilos Laban sa Wikang Filipino
Patapos na ang resolusyon at Kartilya ng Wikang Filipino. Maglalaan ng isang resolusyon ang
Komite na humihiling ng pondo sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
(PKKS) para sa reproduksiyon ng Kartilya. Limampung libo piso ang kailangan para sa
pagpapalimbag ng 100,000 kopya. Hihilingin din na ma-upload ang Kartilya sa website ng
PKKS. Titiyakin na mapalaganap nang husto ang Kartilya lalo sa mga paaralan.
Makikipagpulong din ang Komite sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Florencio Abad
para talakayin ang EO210 at personal na iabot ang resolusyon. Hihiling sa Sekretaryat na
isaayos ang pakikipagpulong sa Enero 20 o 27, 2004. Napagkasunduan ding isabay na sa araw
na ito ang regular na pulong ng Komite.

4.4 Forum sa Ispeling


Iniulat ni G. Abdon Balde, Jr., isa sa inatasang mangasiwa sa forum sa ispeling, na matapos
ang huling pulong ng Komite, dumeretso sila sa KWF para alamin ang saloobin nito sa
pagdaraos ng forum sa ispeling. Nakausap nila si Dr. Fe AldaveYap na nagpahayag naman ng
pagsang-ayon sa proyekto. Nangako pa ito sa magpapadala ng 50 kopya ng 2001 Revisyon
ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling. May isa pa silang nakausap sa KWF na nagbanggit na
hindi sila nakatatanggap ng paanyaya sa pulong ng Komite kung kaya hindi sila nagpapadala
ng kinatawan. Idinagdag ni Ginoong Balde na buo na ang programa at proposal para sa
proyekto. Hindi lamang ito napaabot sa PKKS dahil nagkalituhan ang mga tagapangasiwa
kung magiging proyekto pa nga ito ng Komite gayong nakatanggap ng abiso mula sa PKKS na
kanselado muna ang lahat ng forum. Nilinaw ni Propesor Almario na talagang proyekto ito
ng Komite. Ipaliliwanag na lang sa mga mag-aaproba ang kahalagahan ng proyekto.
Nangangako ang mga tagapangasiwa na ipaabot na sa PKKS ang proposal.

Ipinaalala ni Propesor Almario na hindi kailangang gawing malaki ang forum, at sa halip,
imbitahan lamang ang mga taong mahalaga sa usapin.

5. Pagtalakay sa mga Panukalang Proyekto

5.1 Paglilimbag ng Dila ng Bayan: Mga Sanaysay sa Filipino


Hindi tinatanggihan ang proyekto. Ipapasabi muna sa proponent na kailangan sa proyekto
ang isang mahusay na editor na magsasaayos ng koleksiyon at susulat ng introduksiyon na
magbibigay ng konseptuwal na balangkas para sa pagsasama-sama ng mga sanaysay.

5.2 Seminar-Workshop on Language Issues in Philippine Education and Development


Di-aprobado. Hindi naniniwala ang Komite sa multilingualism bilang opsiyon. Mas hinihikayat
din ang pagdaraos ng mga kumperensiya sa nasa wikang Filipino.

Gayunman, maaaring makipagdiyalogo sa Komite ang proponent kung nanaisin nilang


ipaliwanag pa ang kanilang proyekto.

Paglilimbag ng Filipino at Pagpaplanong Pangwika: Pangalawang Sourcebook ng SANGFIL,


1994–2001.

Aprobado. Gayunman, imumungkahi na isaalang-alang ang mga komentaryo ng mga referee


ng sourcebook. Kailangan ding ayusin ang gamit ng wika sa iba’t ibang sanaysay ayon sa
mapagkakasunduan sa forum sa ispeling.

5.3 Diskurso sa Lenguaheng Binisaya ng Imaheng Rehiyonal


Imumungkahing ibigay ang panukala sa Committee on Theater Arts o Literary Arts.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 11


5.4 Paglimbag muli ng Miirgu-irgo Atamo
Pinansin na maaaring kailangan nito ng rebisyon sa halip na reprinting lamang. Maaaring
hindi na tugma sa panahon ang nilalaman nito dahil matagal na itong unang nailathala.

Imumungkahing sa Summer Institute of Linguistics na humiling ng pondo dahil maliit lamang


naman ang kailangan para sa proyekto.

6. Iba Pang Pinag-usapan

6.1 Ibinahagi ng Sekretaryat ang istatus ng naaprobahan nang proyekto: Kapampangan


Dictionary at Development of a Teacher-Training Module for the Teaching of Filipino
Language and Culture to Second/Third Generations Overseas Filipinos. Patuloy ang
implementasyon ng dalawang proyekto.

6.2 Ipinaalam ni Dr. Constantino na may bago nang kinatawan ang PSW, si Dr. Jimmuel Naval.
Hinalinhan niya bilang Pangulo ng samahan si Dr. Lilia Antonio. Ngunit dahil dati nang bahagi
ng Komite si Dr. Naval bilang miyembrong indibidwal, may isang posisyon na mababakante.
Napagkasunduan na bumuo ng resolusyon ang Komite upang pormal na maipasok si Dr.
Teresita Fortunato upang di na siya makihati ng termino ng panunungkulan kay Atty. Lourdes
Barcenas. Hinilingan din ang PSW na sumulat sila para pormal na maipaalam ang pagpapalit
ng kinatawan sa Komite.

6.3 Nag-imbita sina G. Balde at G. Roberto Añonuevo sa paglulunsad ng kanilang aklat,


Hunyango sa Bato at Liyab sa Alaala, na inilimbag ng University of Santo Tomas Press.
Gaganapin ito sa Disyembre 11, 2004.

7. Pagtatapos ng Pulong

Natapos ang pulong nang 1:55 ng hapon.

Itinala ni

(Lgd.) DR. GALILEO S. ZAFRA


Kalihim, PKWS

Sa bahaging ito ay sikapin mong pagtibayin ang iyong


pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa. Sagutin
ang naihandang gawain para sa iyo. Alam kong kayang-
PAGYAMANIN kaya mo ito! Paghusayan mo!

Mapanuring Tama o Mali


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung wasto ang diwa nito
batay sa tinalakay na aralin at kung hindi naman ay isulat ang M at ibigay ang tamang sagot sa
nakalaang patlang bago ang bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Makikita ang mahahalagang tala o impormasyon hinggil sa mga paksang


tinalakay sa bahaging Action Items.
2. Ang adyenda ay batayan ng susulating katitikan ng pulong.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 12


3. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, hindi na kailangan pang lagdaan ng
gumawa nito.
4. Ang tagapamuno ng pulong ang siyang may responsibilidad sa pagsusulat
ng katitikan.
5. Hindi na iwinawasto sa katitikan ng nagdaang pulong ang mga maling
baybay ng mga salita, pangalan, mga pahayag na sinabi, at paglilinaw.

Narito ang ilang mga konsepto na kailangang isaisip upang


ISAISIP lubos na matalunton ang mga napag-aralan.

Sa modyul na ito ay iyong nabatid ang katitikan ng pulong bilang isang


akademikong sulatin. Nabatid mo ang kahalagahan o kapakinabangang naidudulot nito sa
isang organisasyon o institusyon sapagkat nagsisilbi itong opisyal na tala dokumento ng
anomang napag-usapan o napagpasyahan sa pulong.

Mahalagang tandaan o isaalang-alang ang mga sumusunod:


1. sinisimulan ang pulong sa pamamagitan ng maayos at masiglang pagbati sa lahat;
2. binabasang muli at nirerebisa ang dating katitikan ng nagdaang pulong;
3. iwinawasto sa katitikan ng nagdaang pulong ang rnga maling baybay ng mga salita,
pangalan, mga pahayag na sinabi, at paglilinaw;
4. ang maseselang isyu ay binibigyang-solusyon; at
5. ang resolusyon sa maseselang isyung binibigyang-aksiyon, upang makasulat ng
mahusay na katitikan ng pulong.

Ang akademikong sulatin din na ito ay nangangailangang matalas ang iyong


pandinig, mabilis ka sa pagsusulat, at malinaw ang pag-iisip upang matimbang o masala
ang mga detalyeng kailangan lamang sa pagsulat ng katitikan ng pulong.

Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan ang


kabuoan ng modyul na ito, kaya isang banat pa, kayang-kaya
ISAGAWA mo itong isagawa!

Panuto: Subukin ang iyong kakayahan. Ipaliwanag nang masinsinan ang iyong sagot sa tanong
na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 13


Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit
sa kabuoan ng aralin. Natitiyak kong masasagot mong lahat
TAYAHIN ang mga tanong. Hala, bira!

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung wasto ang
ideyang taglay nito, at MALI naman kung hindi ito wasto.

1. Tinatawag ang memorandum na opisyal na tala ng isang pulong.


2. Ang kalihim ng organisasyon ang naghahanda ng katitikan ng pulong.
3. Ang pagbasa at pagpapatibay ng katitikan ay bahagi ng isang pagpupulong.
4. Nauunang ilathala ang katitikan ng pulong bago ang pagtatakda ng adyenda.
5. Kapag napagtibay ang katitikan ng pulong ay nagsisilbi itong opisyal at legal
na kasulatan.

Sikapin mong isakatuparan ang gawain


upang lubos mong mataya at mailapat ang
iyong natamong kabatiran sa pag-unawa ng
mga aralin sa modyul na ito. Kayang-kaya
KABUOANG PAGSUSURI mo’to!

CLAIM-EVIDENCE-REASONING STRUCTURED CONSTRUCTED RESPONSE TEST


ITEM:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang


pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng katitikan ng pulong sa pahina 9-11.
Pagkatapos ay tukuyin ang mga mahahalagang impormasyon mula rito upang makabup ng sintesis.
Sumipi rin ng mga bahagi mula sa sulatin na magpapatunay sa iyong mga sagot sa bawat hanay.
TANONG (QUESTION): Ano-ano ang mga simbolong ginamit sa halimbawang katitikan ng
pulong? Mahalaga ba ang mga ito?
SAGOT (YOUR CLAIM):
Kopyahin mula sa artikulo ang dalawang ebidensyang magpapatunay sa iyong sagot:
EBIDENSYA 1:

EBIDENSYA 2:
Ipaliwanag kung paano sinusuportahan ng iyong mga ebidensya ang iyong sagot.:
PALIWANAG (REASONING):

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 14


SUSI SA PAGWAWASTO

TAMA 5. M – iwinawasto 5. TAMA 5.


MALI 4. M – kalihim/sekretarya 4. MALI 4.
TAMA 3. M – kailangan 3. TAMA 3.
TAMA 2. T 2. TAMA 2.
MALI 1. T 1. MALI 1.

SUBUKIN PAGYAMANIN TAYAHIN

*Ang sagot ng mga mag-aaral sa iba pang mga gawain o pagsasanay ay maaaring magkakaiba-iba.

SANGGUNIAN

- Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

AKLAT
Julian, A. B at Lontoc, N. S. (2016). Pinagyamang Pluma (K to 12): Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Santos, C. L at Concepcion, G. P (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik Kagamitan ng


Mag-aaral. Unang Edisyon. Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR).

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO:
Albatera, C. (August 2020). Katitikan ng Pulong, Memorandum, at Agenda. Mula sa
https://idoc.pub/download/katitikan-ng-pulong-at-memorandumagenda-wl12ev38w14j
Aspuria, P. (2017, September 13). Mga Bahagi ng Katitikan sa Pulong. Mula sa Scribd:
https://www.scribd.com/document/358820512/Mga-Bahagi-Ng-Katitikan-Sa-Pulong
Villanueva, L. B. at Mangahas, R. G (2015). Patnubay sa Korespondensiya Opisyal, Komisyon
sa Wikang Filipino, Manila.
Mula sa https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Patnubay-sa-Korepondensiya-
Opisyal_ikaapat-na-edisyon_ikalawang-limbag.pdf
https://www.studocu.com/en-us/document/asbury-university/biology/lecture-notes/piling-larang-
akademik-12-q1-mod4-pagsulat-ng-memorandum-adyenda-at-katitikan-ng-pulong-
ver3/12191048/view
https://www.studocu.com/ph/document/colegio-san-agustin-bacolod/basic-education/lecture-
notes/aralin-6-katitikan-ng-pulong/10968895/view

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 15


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11

You might also like