You are on page 1of 13

UNANG BAHAGI :

 Ano ang inyong mga natutuhan sa asignaturang Fil. Elect. 1- Malikhaing Pagsulat?
Marami ang napag-aralan sa asignaturang Malikhaing Pagsulat marami talaga akong
natutunan ,una na dito ay pagsusulat ay nagsisimula sa ‘wala’ bago ka makabuo pag-
iisipan mom una ang iyong tema at pamagat. Kapag sinabe kasing Malikhaing Pagsulat
ito ay maaring matukoy bilang anumang anyo ng pagsulat na kung saan nakasulat na may
pagkamalikhain, dapat ay magkaroon ng isang malawak na imahinasyon. Mabibilang sa
uri ng pagsulat na ito ang mga maikling kwento, tula, sanaysay , talumpati , at iba pa.
Natutuhan ko ang paggawa ng mga sanaysay, at bionote. Sa nagdaang semestre
maraming mga aralin ang natapos talakayin, marami akong natutunan sa akademikong
pagsulat. Dahil sa aking mga natutunan sa klase , hindi na naging lubusang mahirap para
sa akin ang pagsulat ng mga binote, sanaysay at talumpati na natatalakay din namin sa
ibang asignatura, kung sa tutuusin ay hindi naman gaanong mahirap sapagkat
kanakailangan lamang na ito ay intindihin ng mabuti. Ang pagsusulat ng mga
akademikong sulatin ay isa sa bagay na dapat intindihin at pag-isipang mabuti mayroon
din itong sinusundan na proseso at instruksyon. Natutunan ko din ang mga tamang
pamamaraan ng pagsulat ng mga ito. Nahahasa ang aking malikhaing pag-iisip. Dahil sa
asignaturang ito nalaman ko kung paano sumalat ng tama na naayon, nalaman ko rin ang
ibat-ibang uri at mga bahagi . Ang mga kaalamang ito ay hindi na mawawaglit sa aking
isip at akin parin itong magagamit sa aking patuloy na pag-aaral sapagkat ang pagbasa at
pagsulat ay hindi nawawala sa araw-araw na pamumuhay.

IKALAWANG BAHAGI :
 Talakayin at ipaliwanag nang mabuti ang mga sumusunod na tanong o aktibiti.

1.Yunit IV-C. Pagsulat ng Agenda at Katitikan ng Pulong


Ang Agenda
 Ito ay isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat
talakayin sa isang pagpupulong.
Mga Konsiderasyon sa Pagdisenyo ng Agenda
Ayon sa Artikulong “ How to Design an Agenda for an Effective Meeting” dapat
isaalang-alang ang sumusunod;
 Saloobin ng mga kasamahan at ang nais nilang matalakay.
 Paksang mahalaga sa buong grupo o organisasyon.
 Layunin ng bawat paksa.
 Oras na inilalaan sa bawat paksa.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Agenda
 Alamin ang layunin ng Pagpupulong.
 Isulat ang Agenda ilang araw bago ang pagpupulong.
 Simulan sa mga simpleng detalye.
 Magtalaga ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda.
 Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa.
 Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong.
Ang Pulong
- Mula sa isang maayos na agenda maisasagawa ang pulong. Ang pagpupulong ay
pagtitipon ng dalawa o higit pang indibidwal upang pag-usapan ang mga bagay
para sa pangkalahatang kapakanan ng organisasyon o grupong kinabibilangan nila.
Hakbang sa Paggawa ng Pulong
Ayon kay Walsh (1995) sa aklat niyang “The Meeting Manual”
 Dapat na opisyal na buksan ng chairperson ang pulong
 Basahin ng kalihim ang katitikan ng nakaraang pulong at ihayag ang adapsyon
o pagtanggap nito.
 Kung may paksang nais pag-usapan sa nakaraang katitikan, isinasama ito sa
agenda.
 Tatalakayin ang mga ulat, kung mayroong inihanda para sa pulong.
 Susundin ang pagkaka-ayos ng paksa ayon sa agenda.
 Maaaring talakayin ang ibang bagay na hindi nakasaad sa agenda kung para sa
mga kasapi’y mahalaga ito.
 Dapat maging opisyal din ang pagsasara ng pulong na isasagawa ng
chairperson.
Ang Katitikan ng Pulong
- Ayon kina Sylvester & CGA (2012), ito ang opisyal na rekord o tala ng pulong ng
isang organisasyon, korporasyon, o asosasyon. Tala ito ng mga napag-usapan,
napagdesisyunan at mga pahayag sa isang pulong.
- Hindi kailangang verbatim ang pagkakasulat ng katitikan ngunit dapat ang itinalang
aytem ay may sapat na deskripsyon upang madaling matukoy ang pinagmulan nito.
- Kung walang katitikan, ang mahahalagang tungkuling naiatang at kailangang
magawa ay posibleng hindi matupad dahil nakalimutan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan
Sa artikulong "Tips for Writing Meeting Minutes", inihayag ni Johnson (2016) ang mga
katanungang dapat masagot sa katitikan.
1. Kailan ang pagpupulong?
2. Sino-sino ang dumalo? Sino-sino ang hindi nakadalo?
3. Ano ang paksang tinalakay?
4. Ano ang napagpasyahan?
5. Ano ang mga napagkasunduan?
6. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kailan ito dapat maisagawa?
7. Mayroon bang pulong na follow up? Kung mayroon, saan, kailan, at bakit kailangan?

Pormat ng Katitikan ng Pulong


- Walang istandard na pormat sa pagsulat ng katitikan ng pulong pero dapat laging may
petsa, oras, lokasyon, aytem ng agenda, mga napagkasunduan, pangalan ng mga taong
nagtaas ng mosyon at mga sumusog.

2. Yunit IV-D. Pagbuo ng Portfolio ng mga Sulatin


A. Ang Portfolio
Sa pag-aaral ng Pagsulat, ang Portfolio ng mga sulatin ay isang koleksyon ng mga
komposisyon o awput. Layunin nitong ipakitaang pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa
pagsulat ng mag-aaral-manunulat sa loob ng isang termino o semestri. Simula noong
taong 1980, ang paggawa / pagpapagawa ng mga portfolio ay naging popular na anyo ng
assessment ng mga mag-aaral sa mga kurso sa pagsulat sa mga kolehiyo.
B. Mga Bahagi ng Portfolio
Para sa layunin ng asignaturang Filipino 211, iminumungkahi ng guro ang sumusunod na
bahagi na dapat matagpuan sa iyong gagawing portfolio:
1. Pamagat ng Pahina
2. Prologo
3. Talaan ng Nilalaman
4. Epilogo
5.Rubriks
6. Bionote
C. Ang Paggawa ng Portfolio
1. Pamagatan ang iyong Portfolio.
Mag-isip ng isa o ilang salitang iyong gagamiting pamagat ng iyong portfolio. Tiyaking
ang pamagat na mapipili ay kakatawan sa nilalaman ng iyong portfolio, sa iyong mga
karanasan sa pagsulat at maging sa iyong mga natutunan. Halimbawa, Likha: Isang
Portfolio ng mga Sulatin. Maaari ring gumamit ng mga salita mula sa alin man nating
wikain o kaya ay lumikha ng bagong salita.

2. Gawin ang Pamagating Pahina


. Ilagay sa pamagating pahina ang pamagat ng iyong portfolio, ang iyong pangalan at
kinabibilangan ng pangalan ng paaralan at school napabilang, pangalan ng iyong guro at
ang araw ng pagpapasa.
3. Isulat ang iyong Prologo.
Introduktoring talata. Ipaliwanag dito ang napili mong pamagat ng iyong portfolio, kung
bakit mo iyon napili. Ilarawan ang mga nilalaman ng iyong portfolio. Maaari ring
maglahad dito ng pag-aalay at pasasalamat. Iminumungkahing gumamit dito ng pananaw
sa ikatlong panauhan (Halimbawa: Ang may akda…, Ang manunulat…, Siya, Niya,
Kanya), sa halip na unang panauhan (Ako, Ko, Akin, Kami, Namin, Amin). Pansinin ang
kasunod na halimbawa ng Prologo .
4. Gawin ang Talaan ng Nilalaman.
Ihanay ang mga sulating iyong ginawa, ang anyo at pamagat ng bawat isa, mula una
hanggang huli. Tukuyin ang pahinang katatagpuan ng bawat isa. Unahin ang mga
komposisyon sundan sa mga analisis. Mauna ang orihinal at ilagay sa kaliwang bahagi at
ang pinaunlad na sulatin ay sa kanang bahagi ng portfolio ipasok.
5. Tipunin ang iyong mga Sulatin.
Ayusin ang mga sulatin ayon sa pagkakasunod-sunod. Isulat muli ang bawat isa o
ienkowd sa kompyuter at iprint. ( optional dahil sa covid 19). Tiyaking ang mga
pagkakamali ay iwasto. Gawin ang mga mungkahi ng inyong guro o ng kamag-aral sa
pagpapabuti ng bawat isa.
6. Isulat ang iyong Epilogo.
Sumulat ng isang replektibong talataan. Ilarawan ang iyong mga naging karanasan a
pagsulat ng mga sulatin at ang mahahalagang kaalamang iyong natutunan.
Iminumungkahi muli ang paggamit ditto ng pananaw sa ikatlong panauhan, sa halip na
unang panauhan.
7. Gawin ang pahina para sa Rubriks.
Ilagay dito ang pamantayan sa pagmamarka. Iminumungkahi ng mga may-akda ang
kasunod na rubriks.
Prologo 15%
Nilalaman / Mga Sulatin 50%
Epilogo 15%
Pagkamalikhain 20%
Kabuunan 100%
8. Isulat ang iyong Bionote.
Maikli lamang dapat ito. Gamitin muli ang ikatlong panauhan. Lakipan din ito ng iyong
larawan. Ilagay ito sa likod na pabalat. Pansinin ang kasunod na halimbawa. Si PINO,
RUVILYNG ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Batsilyer sa Pangsekondaryang
Edukasyon, medyor sa Filipino, sa JHCSC. Kasapi ng Samahang Filipinong
Tagapagtaguyod ng Wika sa nasabing paaraalan. Nagkamit ng mga medalya sa iba’t
ibang patimpalak sa mataas na paaralan. Nais niyang maging manunulat ng aklat sa
hinaharap at maging mahusay na tagapagsalita ng wikang Filipino at epektibong guro sa
hinaharap.
9. Palamutin ang iyong Portfolio.
Simulan ang pagpapalamuti sa pabalat. Ipagpapatuloy hanggang sa huling pahina.
Gumamit ng mga angkop na dekorasyon para sa bawat sulatin at iba pang pahina.
Sikaping isaalang-alang ang paksa ng bawat sulatin para sa layunin ng kaangkupan ng
palamuti. Halimbawa, huwag pamutiktikin ng mga bulaklak ang isang sulatin kung ang
paksa niyon ay wala namang kaugnayan sa bulaklak. Maaaring gumamit ng mga larawan.
Gawing makulay kung gusto mo. Sa madaling sabi, maging malikhain. Ang tangaing
limitasyon sa paggawa nito ay ang iyong imahinasyon.
10.Ipasa ang iyong Portfolio.
Itatakda ng inyong guro ang araw, oras at maging ang lugar ng pagpapasa. Ipasa ang
iyong ginawa sa takdang araw, oras at lugar.

3. Yunit V- Epektibong Pagsulat


Ang pagsulat ay isang paraan upang makapgahayag ang sinuman ng kanyang mga
nasasaisip at mga saloobin, mahalaga ang pagsulat sa bawat indibidwal maraming bagay
ang nais nating tukasin at isa ang pagsulat sa paraan upang mailathala an gating mga
natuklasan na makatutulong sa pag-unnlad, isa rin ito sa mahalagang sangkap ng
pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Tuklasin sa araling ito ang iba gamit ng
pagusulat sa pagpapahayag.
PAGPAPAHAYAG NA PASULAT
 Pagbabahagi ng mga saloobin, o mga pananaw maari itong isagawa nang pasalita o
pasulat
 Pagpapalitan ng makahulugang kuro-kuro kaugnay sa isang paksa
 Hangarin nito ang mag-ulat ng mga pangyayari, may tatlong mahahalagang
sangkap ang pinakabatayang proseso, ang manunulat, ang teksto at ang
mambabasa
 Paksa at Anyo dalawang bagay na nilalaman ng pagpapahayag na pasulat
Paksa- ideya o kaisipan tinatalakay Anyo- mga alintuntunin o patakaran sa pagsulat na
nagsisilbing gabay ng sinumang manunulat.
Kung ilalarawan ang pasulat na pagpapahayag, may tatlong mahahalagang sangkap ang
pinakabatayang proseso. Ang manunulat, ang teksto at ang mambabasa. Ang manunulat
ang nagpapadala ng mensahe na encoder kung tawagin. Ang teksto ang nakasatitik na
mensahe na pinuprodyus ng manunulat at ang mambabasa, ang nagbibigay interpretasyon
at ang umuunawa sa teksto tinatawag itong decoder.
POKUS ang tawag sa pinakasentro ng atensyon sa pagsulat ng manunulat, nahahati ito
tatlong kategorya, pokus sa paksa, pokus sa manunulat at pokus sa mambabasa.
Anyo ng Pagsulat Pokus sa Paksa
Edukado ang uri ng pasulat sa kategoryanng ito, sulating pang-akademya. Sa pagsulat,
pinakapipili ang paksa, sinisinop nang buong husay ang pananaliksik at malinaw na
ipinakikilala ang nilalaman ayon sa maingat na pagbabalangkas. Ang pangunahing
layunin sa pagsulat nito ay para maging kapani-paniwala sa mga mambabasa.kabilang sa
ilalim ng kategoryang ito ay ang paglalarawan, pagsasalaysay.

Anyong Paglalarawan na Pagpapahayag


 Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa
isang tao, sa hayop, sa isang bagay, isang pangyayari ng pamamagitan ng
makukulay at maanyong pagpapahayag
 Nagpapatalas ng isipan ng mga mambabasa sa pagbuo ng larawang diwang nais
ihatid ng manunulat
 Nagagawang nitong maipakita sa mambabasa ang mundo sa pamamagitan ng
paningin at pandama, nagagawang itong ipinta sa isipan ng mambabasa at gawing
konkreto sa kanilang balintataw ang mga imahe at pangyayaring ipinahihiwatig ng
manunulat.
Pagsulat ng Katha
Ang pagsulat ng isang kathang-isip na kwento ay isang mapangahas na gawain na
nagbibigay-daan sa iyong imahinasyon na tumakbo ligaw habang lumilikha ka ng mga
character at nagtatayo ng mga mundo. Habang walang tiyak na listahan ng mga patakaran
na dapat mong sundin para sa pagsulat ng kathang-isip, mayroong isang bilang ng mga
malawakang ginagamit na mga diskarte upang matulungan kang magsimulang magsulat,
magsulat ng mas mahusay, at gumawa ng isang mahusay na kuwento.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Paraan upang mapayaman ang Talasalitaan
1. Magkasing kahulugan at magkasalungat na mga salita
-magkasing kahulugan ang tawag sa pares ng salita kung iisa ang kanilang kahulugan o
parehas ang kanilang ibig sabihin.
Hal:
marikit-maganda
masarap-malinamnam
mabagal-makupad
masaya-maligaya
-magkasalungat naman ang tawag sa mga salitang hindi pareho o magkaiba ang
kahulugan o ibig sabihin.
Hal:
mainit-malamig
mabango-mabaho
makapal-manipis
2. Mga salita sa loob ng mamahabang salita
-pinagsasama-sama ang mga tunog sa isang mahabang salita para makabuo ng mga
bagong salita.
Hal:
Mahalaga= mahal=halaga=alaga
3. Mga Bagong Salita mula sa mga Salitang-ugat
-ang salitang-ugat ay ang pinakasimpleng anyo ng salita. Dito nag-uugat o nagsisimula
ang mga pinahabang salita. Ito rin ay tinatawag na payak na salita.
Paglinang sa Epektibong Manunulat
4. Yunit VI- Pagsulat ng Maikling Katha
Maikling Katha
- ay isang maikling salaysay hinggil sa mahahalagang pangyayari na may isa o ilang
mga tauhan na may iisang impression lamang. Ang mga maiikling kwento o katha
ay madalas na higit na nakatuon, dahil ang lahat ng mga elemento sa loob
balangkas, tauhan, paglalakad, istraktura ng kuwento, at iba pa ay dapat na
magtulungan patungo sa karaniwang hangarin na ito.
MAHAHALAGANG DAPAT MALAMAN SA PAGSISIMULA SA PAGSULAT
NG MAIKLING KATHA O KWENTO
1. Kailangang maging palamasid sa kanyang kapaligiran ang isang nagnanais na maging
manunulat. Hindi maikukubli na ang buhay sa paligid ang siyang pangunahing
pinagbubuhatan ng mga kaisipang gagamitin sa pagkatha.
2. Ang sinumang may layuning sumulat, lalo na ng maikling kuwento, ay nararapat
magsimula sa pamamagitan ng pagbabasa. Kailangang siyang maging palabasa ng mga
kuwento, magaganda o masasama man, nakakabagot o nakapagpapaliwanag ng isip.
Mahalaga ang pagbabanghay sa isang nagnanais na maging manunulat ng mga imahe,
karanasan, impresyon at iba't ibang konsepto na buhat sa mga kuwentista, bantog man o
hindi.
3. Sa nagsisimulang sumulat, malimit na ang umpisa ng unang katha ay ang sariling
karanasan. Maaaring ito ay tuwirang nangyayari sa kanya,o nasaksihan niyang nangyari
sa ibang tao, o di kaya'y nabasa niya na nagkaroon ng emosyunal at pang-isip na
kahalagahan sa kanya.
IBA’T IBANG PARAAN SA PAGSISIMULA NG MAIKLING PAKSA
1. Paglalarawan ng Tauhan
2. Pagsasalaysay
3.Paglalarawan ng Tagpuan
4. Usapan o Dayalogo
5. Mahalagang Kaisipan
6. Kagulat-gulat
MGA URI NG MAIKLING KATHA
1. PANGKATAHUAN
- Ang pinakamahalagang nangingibabaw sa katha ay ang katauhan.
MGA PARAAN SA PAGPAPALITAW NG KATAUHAN
A. Ang paglalarawan ng may-akda sa katauhan sa tulong ng pag-uugali, isipan,
mithiin at damdamin nito, gayon din sa kanyang panlabas na anyo.
B. Sa tulong ng pag-uusap ng ibang tauhan sa kwento tungkol sa kanya.
C. Sa pamamagitan na rin ng tauhan: sa kanyang paraan ng pagkilos at pagsasalita,
at higit sa lahat, sa kanyang reaksyon (sa kanyang Gawain o magiging damdamin) sa
isang tiyak na pangyayari.
KARIKATURA
Isang kahinaan sa paglalarawan ng katauhan. Kung hindi napakabuti ng isang tao (na
wala kahit kaunting kahinaan o karupukan), ito’y napakasama (na wala kahit kaunting
kabutihan o pag-asa). Parang isang “taong hindi humihinga”.
PICARESQUE
May pangunahing tauhang hindi kanais-nais. Halimbawa: “Tinong Kikil” – Mabini Rey
Centeno
2. MABANGHAY
- Ang mahalaga’y ang pagkabuo ng mga pangyayari.
3. PANGKAPALIGIRAN
- Ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani. Ito ang ginagamit
nating katumbas ng salitang Ingles na “atmosphere”.
4. PANGKATUTUBONG-KULAY
- Ang pamumuhay o kalakaran sa isang pook ang binibigyang-diin. Ang kaayusang
panlabas, pag-uugali, mga paniniwala, mithiin, kakanyahang pampook ay nagkakatulong-
tulong sa pagbubuo ng pangkatutubong-kulay.
IDIOSYNCRASIES
Kakanyahang pampook.
UNIVERSALITY
Pamantayang panlahat
5. PANGKAISIPAN
- Ang paksa, diwa o isipan nng isang katha ang pinakamahalaga. Ang kaisipan o
diwang ito ay hindi dapat ipagmalaki sa karaniwang aral ng karaniwang kwento.
MGA SANGKAP NG MAIKLING KATHA
Tauhan (character)
Tagpuan (setting)
Banghay (plot)
TUNGGALIAN O CONFLICT
- Ang naglalabang pwersa sa akda. Ang pangunahing tauhan ay kailangang
magkaroon ng mahalagang suliranin na pagsisikapan niyang lutasin sa kabila ng mga
sagabal. Ang mga sagabal na ito ang magiging dahilan ng pagtutunggali sa kuwento (ito
ay maaaring sa pangyayari, sa ibang tauhan o sa sarili na rin ng pangunahing tauhan).

MAHAHALAGANG PATNUBAY SA PAGSULAT NG MAIKLING


KATHA/KWENTO
1. ISANG MAHUSAY NA PAKSA O IDEYA
 Mag-obserba sa paligid
 Makipag-usap sa iba tungkol sa isang pangyayari sa buhay nila na kakaiba
 Kapupulutan ng aral
 Hindi nila malilimutan
2. MAKATOTOHANANG MGA TAUHAN
Makatotohanan ang mga tauhan, katulad ng tao sa iyong paligid na nagkakaroon ng
problema at suliranin. Tukuyin ang itsura at kalagayan sa buhay ng iyong tauhan.
3. ANGKOP NA TAGPUAN
 Oras
 Panahon
 Kalagayang ng lugar
4. URI NG PANINGING GAGAMITIN
 Unang Pangunahing Pananaw
(First Person Point of View)
 Ikatlong Pangunahing Pananaw
(Third Person Point of View)
 Mala-Diyos na Pananaw
(Omnipotent Point of View)
IKATLONG BAHAGI : REAKSYONG PAPEL
Ang pagsusulat ay hindi isang biro, hindi lamang ito simpleng pagkuha ng papel at
ballpen. Ang pagsusulat ay pinagpaplanuhan,pinag-iisipan,pinagtyatyagaan, binibigyan
ng oras ,at pinaghihirapan. Nakaranas na rin akong gumawa ng mga ito. Akala ko simple
lamang ang pagsulat ngunit hindi pala marami pala itong ibat-ibang uri , bahagi, layunin,
katangian, proseso , at marami pang iba. Ang natalakay sa loob ng isang semester ay
patungol sa Akademikong Pagsulat. Marami ang natalakay na Bahagi ng Akademikong
Pagsulat, ito ay ang mga sumusunod , Introduksyon sa Akademikong Pagsulat, Pagsulat
ng mga Karaniwang Sulating Akademiko, Pagsulat ng mga Personal na Sulating
Akademiko, Pagsulat ng Iba Pang Anyo ng Sulating Akademiko, Epektibong Pagsulat,
at panghuli ang Pagsulat ng Maikling Katha. Ang bawat paksang araling ito ay
napapalooban ng mga kahulugan, katangian, mga hakbangin, mga uri , mahahalagay
bagay na dapat tandaan sa pagsusulat , at mga elemento. Ang isang pangmalawakang
depinisyon para sa akademikong pagsulat ay anomang pagsulat na isinasagawa upang
makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito
ng ano mang itinatakdang gawaingpasulat sa isangsetting na akademiko. Ginagamit din
ang akademikong pagsulat parasa mga publikasyong binabasa ng mga guro at
mananaliksik o inilalahad sa mgkomperensya. Mabibigyang-kahulugan din ang
akademikong pagsulat bilang ano mang akdangtuluyan o prosa na nasa uring ekspositori
o argumentantibo ata ginagawa ng mmgamag-aaral, guro ko mananaliksik upang
mapahayag ng mga impormasyon tungkol saisang paksa. Sa pangkalahatan, inaasahang
ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal,impersonal at obhetibo. Sa pagsusulat ng mga
akademikong papel, kailangang tandaan ngsino mang mag-aaral ang kinalalagyang
akademikong komunidad na may malinaw nainaasahan o ekspektasyon kung paano
ginagawa ang akademikong pagsulat. Iba-ibaman ang ekspektasyon ng iba-ibang
komunidad, may ilang kalikasan ng akademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami.
Ito ay ang katotohanan, ebidensya, at balanse.
Natalakay na ang akademikong pagsulat ay nagtataglay ng kalikasangkatotohana,
katibayan at balanse. Sa isa namang kahulugang nauna ring tinalakay,binanggit na ang
ilan sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay ang pagigingtumpak, pormal,
impersonal at obhetibo nito. Ang akademikong pagsulat sa anumang wika aymay
tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambagsa
pangunahing linya ng argumento nang walang disgresyon o repetisyon. Ang layunin
nito’y magbigay impormasyon, sa halip na umaliw. Gumagamit din ito ng istandard
naporma ng pagsulat ng wika. Ang mga karaniwang layunin ng akademikong pagsulat ay
manghikayat, magsuriat/o magbigay-impormasyon na sa mga kasunod na talataan ay
ipinaliliwanag. May apat na tungkulin o gamit ang Akademikong Pagsulat, una dapat na
ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika, pangalawa ito ay dapat
na lumilinang ng mapanuring pag-iisip, ikatlong ito ay dpaat na limulinang ng mga
pagpapahalagang pantao, paghuli ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa
prosesyon. Maraming anyo ang akademikong pagsulat. Pinakapopular na marahil sa mga
ito ang reaction paper at term paper dahil sa dalas ng pagpapagawa ng mga ito mga mag-
aaral.

You might also like