You are on page 1of 6

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (AKADEMIK)


ACTIVITY SHEET – Kwarter 2 Week 1

Pangalan: _________________________________ Baitang 11 _________________

Aralin 1: Katitikan ng Pulong

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang
makabuo ng sintesis sa napag-usapan.

Kasanayang Pampagkatuto
A. Nasusuri ang kalikasan at katangin ng Katitikan ng Pulong;
B. Napahahalagahan ang Katitikan ng Pulong bilang bahagi ng
akademikong sulatin;
C. Nakasusulat ng halimbawa ng Katitikan ng Pulong.

SUBUKIN NATIN
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang kahalagahan ng pagsulat ng mga
mahahalagang impormasyon sa isang usapan at paano ito nakakatulong sa iyo?

BALIKAN

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan
ang iyong natutunan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa particular na
tanong.

Tanong

1. Ano ang kahalagahan ng talumpati?

2. Paano nakatutulong ang talumpati sa mabisang pakikipagtalastasan?

TUKLASIN
KATITIKAN NG PULONG

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga


tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes
of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil

1
nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-
bagay.

MGA INIREREKORD SA KATITIKAN NG PULONG


Napagpasiyahang aksiyon
Rekomendasyon
Mahahalagang isyung lumutang sa pulong
Pagababago sa polisiya
Pagbibigay ng mga magandang balita

Kahalagahan ng Katitikan

1. Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong,


nakadalo o di nakadalo ang mga nangyari dito.
- Kailan at saan ito nangyari
- sinu-sino ang mga dumalo
-sinu-sino ang mga lumiban at kung ano ang kanilang mga dahilan
- ano ang pinag-usapan
- ano ang mga desisyon
2. Nagsisilbing permanenteng rekord
3. Sa pamamagitan ng katitikan, maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya
ng mga nangyaring komunikasyon.
4. Pagiging hanguan nito ng mga impormasyonpara sa mga susunod na pulong.
5. Magagamit bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o
higit pang indibidwal o grupo.
6. Ginagamit din upang ipaalaala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o
responsibilidad sa isang partikular na proyekto o gawain.

NAKATALA SA KATITIKAN ANG MGA SUMUSUNOD


-paksa
-petsa
-oras
-pook na pagdarausan ng pulong
-mga taong dumalo at di dumalo
-oras ng pagsisimula
-oras ng pagtatapos

Gabay sa pagsulat ng katitikan ng pulong

BAGO ANG PULONG

1. Ihanda ang sarili bilang tagatala


2. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat
3. Basahin na ang inihandang agenda upang mapadali na lamang sundan ang
magiging daloy ng mismong pulong
4. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop o tape recorder

HABANG NAGPULONG
1. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon.
2. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.

2
PAGKATAPOS NG NAGPULONG
1. Repasuhin ang isinulat.
2. Kung may mga bagay na di maintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos
ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang mga dumalo.
3. Kapag tapos ng isulat, ipabasa ito sa namuno sa pulong para sa mga hindi
wastong impormasyon.
4. Mas mainan na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang
madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.

SURIIN
Batay sa iyong binasa ano ang kahalagahan ng Katitikan ng Pulong?
1.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Paano nakatutulong ang Katitikan ng Pulong sa pinang-usapan sa pulong?

2.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGYAMANIN

Suring Pangkaisipan
Panuto: Ano ang mga dapat ihanda sa pagsasagawa ng Katitikan ng Pulong,
gamitin ang chart bilang gabay sa pagsagot.

PAGHAHANDA
NG KATITIKN
NG PULONG

3
ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng Katitikan ng Pulong na batay sa binigay na agenda.

Agenda ng Pulong

1. Pagtatapon ng Basura

2. Pagpapatupad ng Waste Segregation

3. Proyekyong “Basura mo Kapalit ay Bigas”

Pamantayan sa Paglikha ng Katitikan ng Pulong

1. Ang lilikhaing Katitikan ng Pulong ay maiksi lamang na naayon sa agenda na


ibinigay.

2. Gamitin bilang lunsaran ang Nakatala sa Katitikan ng Pulong.

3. Gawing Gabay ang halimbawa ng Katitikan ng Pulong.

Pamanatayan sa pagbibigay puntos

Pagsunod sa panuto 5pts


Tamang gamit ng salita at bantas 5pts
Nilalaman 10pts
Kalinisan sa paggawa 5pts
Kabuuan 25pts

ISAISIP

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang dapat taglayin ng isang tagasulat ng katitikan ng pulong?

2. Sa iyong pananaw, ano ang maaaring kahantungan ng isang pulong kung ito ay
walang katitikan ng Pulong?

4
TAYAHIN
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon


a. Liham b. Katitikan ng Pulong c. Lakbay salaysay d. Balita
2. Ito ay paglikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
3. Ito ay pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong,
sino na ang mga dumating, at iba pa.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
4. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
5. Repasuhin ang isinulat.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
6. Sa bahaging ito ng katitikan ng pulong inilalagay ang lugar ng pagpupulong.
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Petsa c. Lugar d. Agenda
7. Huling bahagi ng pulong na tumitindig na tapos na ang pagpupulong.
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Petsa c. Lugar d. Agenda
8. Dito nakalagay ang mga pag-uusapan sa pulong.
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Petsa c. Lugar d. Agenda
9. Talaan ng mga kasapi ng pulong
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Mga dumalo at di dumalo
c. Oras ng Panimula ng pulong d. Agenda
10. Isinusulat sa bahaging ito ang takdang oras sa pagsisimula ng pulong.
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Mga dumalo at di dumalo
c. Oras ng Panimula ng pulong d. Agenda

PAGNINILAY

Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal/kwaderno ng kanilang


repleksyon gamit ang sumusunod na pormat

Nauunawaan ko na ______________________________________________________________
Nabatid
na_______________________________________________________________________

5
Sanggunian

Villanueva Bandril (2016) Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ( Akademik at Sining),


Vibal Group Inc, Quezon City.

Corazon L. Santos, Ph.D (2016) Filipino sa Piling Larang ( Akademik), Department of


Education- Bureau of Learning Resources ( DepEd-BLR), Meralco Avenue, Pasig City.

Tamang Kasagutan

10. C
9. B
8. D
7. A
6. C
5. C
4. B
3. A
2. A
1. B
Tayahin

You might also like