You are on page 1of 10

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan- Modyul 5

Pagbuo ng Agenda

1
Layunin

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning activity Sheet-LAS) na ito ay


magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang panimulang kaalaman na kakailanganin
mo sa pagkatuto tungkol sa Pagbuo ng Agenda. Nakapaloob dito ang mga gawain, mga
pagsasanay na sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa
gawaing pampagkatuto na ito.

Ang modyul na ito ay naglalaman tungkol sa:


Aralin: nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika. (CS_FA11/12WG-0p-r-93)

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. naipapaliwanag ng mataman ang pagbuo ng isang ganap na agenda;
2. natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa pagbuo isang agenda;
3. nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.
(CS_FA11/12WG-0p-r-93)

2
Pag-aralan

Agenda

Kahulugan ng Agenda

Ang agenda ay ang listahan ng mga tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) sa isang


pormal na pagpupulong. Layunin ng dokumentong ito na bigyan ng ideya ang mga kalahok
sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensyon. Nakasaad
din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong. Kung
ibinigay ang agenda sa mga kalahok ilang araw bago ang pagpupulong, nagkakaroon ng
sapat na panahon ang bawat isa na paghandaan ang talakayan at nga desisyong
mangyayari sa pulong. Sa kabuuan, layunin ng agenda na mabigyan ng pokus ang
pagpupulong.

O ang(presidenta, CEO, director, tagapamahala, pinuno ng union, at iba pa) ang


responsable sa pagsulat ng agenda. Madalas silang nakikipagtulungan sa kanilang mga
kalihim sa paghahanda nito dahil ang mga kalihim din ang siyang responsible sa
pamamahagi ng mga agenda sa lahat ng lalahok sa pulong.

Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda

Bakit kailangan ang agenda? Ang pagkakaroon ng mahusay ng agenda ay magsisigurong


tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang
direksyon. Mas mabilis matatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na
pagdarusan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang talakayin, at ang
mga maaaring kalabasan ng pulong. Makatutulong din ang maayos na agenda sa
itinalagang kalihim sa kaniyang pagtatala ng mga nangyayari sa pulong.
Bagaman napabubuti ng malinaw na agenda ang pagiging epektibo at mabisa ng mga
pagpupulong, karaniwang hindi ito gaanong pinaglalaanan ng pansin. May mga

pagkakataong walang malinaw na agenda kaya nawawala sa pokus ang mga kalahok, na
nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong (na madalas ay wala naman talagang
nangyayari). Kung may malinawmang agenda, may mg apagkakataong hindi ito sinusunod
ng mga kalahok (kung ano-ano ang mga kanilang pin ag-uusapan na labas sa agenda) kaya

3
tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok. Isa sa
mga epekti nito ang umuunting bilang ng dumalo sa mga pagpupulong.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya (kung


kailangan)
Nilalaman ng Agenda

Ano-ano ang mga makikita mo sa isang agenda? Ang mga sumusunod ay ang karaniwang
nilalaman ng agenda at ang ilang bagay na kailngang isaalang-alang sa bawat bahagi.
Saan at kalian idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos?
Kailangan itong malaman ng mga kalahok upang makarating sila sa itinakdang oras at lugar
at upang makapagsimula na ang pulong sa lalong

1. madaling panahon. Bawat minuto ay mahalaga para sa mga kalahok, kaya


kailangang maisagawa ito nang mabilis.
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Sa bahaging ito
ng agenda, sinasagot ang tanong na”Bakit tayo magkakaroon ng
pagpupulong?” Maghahalal ban g mga bagong opisyal? Pagpaplanuhan ba
ang mga gawain ng organisasyon sa susunod na taon? Ito ba ay
konsultasyon para sa pinaplanong pagbabago sa polisiya sa kompanya?
Kailangang malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng bawat kalahok
ang mga mangyayari sa pulong.
3. Ano-anong mga paksa o usapin ang tatalakayin? Maaaring maikli lamang o
detalyado ang bahaging ito, depende sa pangangailangan. Minsan ay
ipinapaliwanag na ito sa kaugnay na e-mail, ngunit ang lahat ng bagay na
pag-uusapan sa pulong ay kailangang Makita sa agenda mismo. Ang mga
sumusunod ay mga paksang madalas tinatalakay sa isang pagpupulong na
balangkas din ng karaniwang agenda:
 Pag-apruba sa katitikan ng nakaraang pagpupulong o minutes of the
meeting
 Mga isyu o usapin sa katitikan ng nakaraang pagpupulong na
kailangang linawin o iwasto
 Regular na report
 Mga pangunahing puntong tatalakayin

4
 Iba pang bagay na nais pag-usapan
 Petsa ng susunod na pagpupulong
 Petsa ng susunod na pagpupulong
4. Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong? Tanging ang mga taong
agingang kailangang umupo sa pagpupulong ang dapat na nasa listahan.
Minsan, may mga inaanyayahang lumahok sa pulong at magugulat na
lamang sila sa oras ng pagpupulong na hindi naman pala talaga sila
kailangan doon. Huwag aksayahin ang kanilang panahon.

Isang halimbawa ng agenda:

PETSA: Ika- 15 ng Hulyo 2015

PARA SA: MGA RESIDENT FELLOW NG SMP

RE: BUWANANG PULONG

MULA KAY: DR. ROSARIO HERNANDEZ

Direktor

Mangyaring dumating sa ating pagpupulong sa Hulyo 22, ika- 12 ng tanghali sa SMP


Conference Room. Ang SMP na ang magdadala ng ating pananghalian.

AGENDA

1. Pagsisimula
2. Pag-apruba ng Agenda
3. Pag-apruba ng Katitikan ng Nakaraang Pulong

5
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1: Sagutan Mo, Tanong Ko!


Panuto: Basahin at unawain ang katanungang naibigay. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan at ipalinawag ang iyong sagot.

1.Ano ang kahalagahan ng paguslat ng isang mahusay at malinaw na agenda?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________

2. Ano ang katangian ng isang mahusay at malinaw na agenda?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________

3..Ano ang isalang-alang sa pagsulat ng isang agenda?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________

GAWAIN 2: Suriin mo!


Panuto: Bsahin at suriin ang agenda. Sagutan ang katanungan sa ibaba..

Petsa: Ikaw-27 ng Oktubre taong 2017


Oras: 3:00 n.h.
Tagapangasiwa: Punong Guro Letty Pascual

1. Introduksyon
2. Pagtala ng Bilang ng Dumalo
3. Pagpresenta at Pagtalakay sa Adyenda
4. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween
5. Skedyul ng klase
6. Balangkas ng programa
7. Listahan ng mga magpeperform

6
8. Pagpaplano sa pagdiriwang ng Pasko
9. Palamuti sa eskwelahan

10. Petsa ng Christmas Party


11. Karagdagang Impormasyon
12. Pangwakas na Salita

Katanungan:
1. Ano-ano ang mga pag-uusapan sa agenda?
2. Bakit magkakaroon ng pagpupulong ang mga guro? Mahalaga ba ito?
3. Makabuluhan ba ang pagdalo ng mga guro?

GAWAIN 3: Pagsulat!
Panuto: Gamit ang kaalamang natamo sa pag-aaral. Sumulat ng isang agenda na
nakaangkla sa ibinigay na rubriks.

Rubrik ng Sariling Pagtatasa ng Agenda

1 2 3 4 5
Hindi Hindi buong Natugunan Lumampas Sobra pang
natugunan natugunan pa nang natugunan
kaunti sa
Inaasahan
Nilalaman o Limitado sa Hindi May ugnayan May pokus Malinaw May
Ideya datos, walang malinaw. ang mga May mga pokus
tema Maraming ideya. May detalye nakatutulong
dapat sagutin ilang detalye ang mga
detalye

Organisasyon Magulo ang Di malinaw at Maayos May malakas Malakas ang


pagkasulat walang mga malinaw na simula. simula, gitna,
transisyon gitna, wakas wakas

Bokabularyo Di-angkop ang Di-konsistent Nakakukuha Makabuluhan Mabisa at


ginamit na sa gamit ng ng atensiyon ang ginamit angkop ang
mga salita salita ang mga na mga salita mga salitang
salitang ginamit
ginamit

Pananaw o Di-malinaw Di malinaw Malinaw ang Malinaw ang Mahusay ang


punto de-bista ang punto de kung sino ang pinatu- pakikipagko- pagkasulat
bista para pinatutung- tungkulang munika sa kung kaya’t
kanino? kulan ng akda mambabasa mambabasa nakakaug-
nay sa
mambabasa

Maraming May mga May ilan lang Tama ang Tama ang
Kumbensiyon maling baybay maling mali. May baybay at baybay,
at bahagi ng baybay at ugnayan ang gamit ng mga angkop at
panalita. bahagi ng mga bahagi bahagi ng malikhain ang
Walang pag- panalita ng pananalita pagkasulat
uugnay-ugnay pananalita.
ang mga

7
bahagi ng
panalita

20– 25 Napakahusay!
15 – 19 Mahusay!
10 – 14 Konting praktis pa!
5–9 Paghandaan at seryosohin!

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Pagbuo ng Agenda.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

8
Gawain 3
Ang sagot ay maaring magkaiba

Gawain 2
Ang sagot ay maaring magkaiba

Gawain 1
Ang sagot ay maaring magkaiba

9
Mga Sanggunian

Aklat:
Dela Cruz, Mark Anthony Simon. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik.
Makati City, Philippines: Diwa Learning System, INC.

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)

Manunulat : Nikhol Jhon S. Bernal


Editor : Klaim G. Dumaicos
Tagasuri : Filipina F. Meehleib
Alexander M. Dubduban
Fe M. Clerigo
Daisy M. Solante
Tagaguhit : Alexander M. Dubduban

Tagapamahala : Karen L. Galanida


Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Filipina F. Meehleib
Noemi D. Lim

Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden


Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City
Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

10

You might also like