You are on page 1of 10

WEEK 7

Ano ang dapat tandaan sa pagbigkas ng talumpati?


Tikas at tindig
Kumpas
Galaw at kilos
Tinig
Wasto at malinaw ang bigkas ng salita

Pagsulat para sa Pagtatrabaho


Isang uri ng propesyunal na komunikasyon. Gagawin mo ito kapag
magpapahayag ka ng mensahe sa mga tao sa loob ng organisasyon o kaya
naman sa iba pang organisasyon, sa mga kliyente, at iba pang indibidwal o
grupong may kinalaman sa inyong organisasyon.
Ginagamit ang ganitong sulatin ng mga empleyado, namamahala, at may-ari ng
kompanya at ng mga manggagawa sa pamahalaan.

Halimbawa ng dokumentong pantrabaho


Resume
Korespondensiya Opisyal
Agenda
Panukalang Proyekto
Liham-aplikasyon
Katitikan ng Pulong
Press Release

Layunin sa Pagsulat para sa Pagtatrabaho


1. Ipaliwanag o ipagtanggol ang isinagawa o isasagawang aksyon.
2. Magbahagi ng impormasyon, katulad ng sa report ng isinagawang pananaliksik,
o promulgasyon ng mga bagong posisyon sa kompanya.
3. Maimpluwensiyahan ang sinumang tatanggap ng mensahe na gumawa ng
aksyon.
4. Pag-utos sa tumatanggap sa mensahe.
5. Maghatid ng magaganda o masasamang balita.

Mga Prinsipyo
1. Alamin kung bakit ka magsusulat at kung ano ang inaasahang resulta.
2. Ang pagpapahayag ng malinaw na mensahe ang pangunahing layunin ng lahat
ng komunikasyon, at sa pagsulat para sa pagtatrabaho, ito ang magiging
batayan kung nagtagumpay o hindi ang layunin.
3. Gumamit ng mga simple at karaniwang salita.
4. Gumamit ng maikli at deklaratibong pahayag.
5. Kailangang panatilihin pa rin ang propesyunal na tono sa lahat ng isusulat.

Agenda
Layunin sa pagsulat ng Agenda
Dapat tandaan sa pagsulat ng agenda
Halimbawa ng agenda at ang balangkas nito

AGENDA
Talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong. (Marielle Rafanan,
2017)
Binibigyang halaga rin dito ang rekomendasyon na lulutas sa isang isyu.

Agenda
Kailangang maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot sa pulong bago pa
dumating ang takdang panahon ng pagpupulong
Mahalagang kasangkot sa paggawa ng agenda ang kalihim, habang ang
kalimitang nagpapatawag naman ng pulong ay ang mga opisyal.

Layunin sa pagsulat ng Agenda


Bigyan ng ideya ng mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensiyon.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng agenda


Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda.
Bigyang halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at ang oras kung kailan ito
magsisimula at matatapos.
Bigyang halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng pagpupulong.
Bigyang pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong.
Mga hakbang sa pagbuo ng Agenda
Alamin ang layunin ng pagpupulong.
Isulat ang agenda ilang araw bago ang pagpupulong.
Simulan sa mga simpleng detalye.
Magtalaga ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda.
Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa.
Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong.

Halimbawa ng balangkas ng karaniwang agenda


1. Panalangin
2. Muling pagbasa ng nakaraang katitikan ng pulong at pagrerebisa
3. Pagwawasto sa ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay linaw sa isyu kung
mayroon pa
4. Pagsang-ayon sa nakaraang katitikan ng pulong
5. Regular na report
6. Mga pangunahing puntong pag-uusapan
7. Iba pang bagay na nais pag-usapan
8. Muling pagtatakda sa araw ng pulong (petsa)
9. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat dumalo
sa pagpupulong.
WEEK 8
Katitikan ng Pulong

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng


mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong
nailahad sa isang pagpupulong.

MGA INEREREKORD SA KATITIKAN NG PULONG


Napagpasiyahang aksiyon
Rekomendasyon
Pagbabago sa polisiya
Mahahalagang isyung lumutang sa pulong
Pagbibigay ng mga magagandang balita

Kahalagahan ng katitikan
Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong,
nakadalo o di nakadalo ang mga nangyari dito.
Sa pamamagitan ng katitikan, maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya ng
mga nangyaring komunikasyon.
Ginagamit din upang ipaalaala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o
responsibilidad sa isang partikular na proyekto o gawain.

Gabay sa pagsulat ng katitikan ng pulong


Bago ang Pulong
1. Ihanda ang sarili bilang tagatala.
2. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
3. Basahin na ang inihandang agenda upang mapadali na lamang sundan ang
magiging daloy ng mismong pulong.
Habang Nagpulong
1. Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon.
Pagkatapos ng Pagpupulong
1. Repasuhin ang isinulat.
2. Kung may mga bagay na di maintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos
ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang mga dumalo.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng pulong
1. Kailan ang pagpupulong?
2. Sino-sino ang dumalo? Sino-sino ang hindi nakadalo?
3. Ano ang paksang tinalakay?
4. Ano ang napagpasyahan?
5. Ano ang mga napagkasunduan?
6. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kailan ito dapat
maisagawa?
7. Mayroon bang pulong na follow up? Kung mayroon, saan, kailan, at bakit
kailangan?

Hakbang sa Pagsasagawa ng Pulong


Ayon kay Walsh (1995) sa aklat niyang
"The Meeting Manual"
• Dapat opisyal na buksan ng chairperson ang pulong
• Babasahin ng kalihim ang katitikan ng nakaraang pulong at ihahayag ang
adapsyon o pagtanggap nito.
• Kung may paksang nais pag-usapan mula sa nakaraang katitikan, isasama ito sa
agenda.
• Tatalakayin ang mga ulat, kung mayroong inihanda para sa pulong.
• Susundin ang pagkakaayos ng mga paksa ayon sa agenda.
• Maaaring talakayin ang ibang bagay na hindi nakasaad sa agenda kung para sa
mga kasapi'y mahalaga ito.
• Dapat maging opisyal din ang pagsasara ng pulong na isasagawa ng
chairperson.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng katitikan ng pulong


1. Pag-uusapan/ tatalakayin (Agenda of the meeting)
2. Pagbubukas ng pulong (date, day, and place of the meeting)
3. Pagbabasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong (reading the
minutes of the previous meeting)
4. Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa nakaraang pulong (Pending
Matters)
5. Pinakamahalagang pag-uusapan (business/agenda of the day)
Mga dapat iwasan sa pulong
1. Malabong layunin sa pulong
2. Bara-bara sa pulong
3. Patalakay sa napakaraming bagay
4. Pag-atake sa indibidwal
5. Pag-iwas sa problema
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa
7. Masamang kapaligiran ng pulong
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong

WEEK 9
LIHAM

Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa


isang tao patungo sa isa pang tao o grupo.

Bahagi ng Liham
Pamuhatan
Bating Panimula
Katawan ng Liham
Bating Pangwakas
Lagda
 Pamuhatan
Ang parte na ito ay tumutukoy sa kung saan nanggaling ang sulat at kailan ito
isinulat.

 Bating Panimula
Ang bahagi na ito ay nagsasaad kung ano ang pangalan ng sinusulatan.

 Katawan ng Liham
Ang parte na ito ay nagpapakita kung ano ang mensahe ng liham.

 Bating Pangwakas
Isinasaad sa bahaging ito ang huling pagbati ng sumulat o ang relasyon ng taong
sumulat sa sinusulatan.

 Lagda
Ang bahaging ito ay nagsasasad ng pangalan at lagda kung sino ang sumulat.

Uri ng Liham
Liham Pangkaibigan
Ito ay liham na karaniwang nagbabalitaan, nangungumusta, nag-aanyaya,
bumabati sa isang nagwagi o may kaarawan at nakikiramay sa isang namatayan.
Liham ng Pagbabalita
Ito ay uri ng liham na pinakamadalas sulatin. Sa liham na ito ay ating
ipinababatid sa mga kaibigan o mahal sa buhay ang mga balita, o anumang
pangyayaring nais nilang malaman tungkol sa atin.
Liham Paanyaya
Liham na nagsasaad ng paanyaya sa isang mahalagang okasyon o pagtitipon.
Nakalahad sa liham ang mahahalagang detalye ng okasyon tulad ng kung ano
ito, kailann at saan magaganap.
Liham Pagtanggap
Isang mabuting kaugalian ang pagpapadala ng ganitong uri ng liham upang
matiyak ng pag-aanyaya kung ilang bisita ang aasahan niya sa pagtitipon.
Liham Pagtanggi
Isa ring kabutihang-asal ang pagpapahayag ng pagtanggi sa isang paanyaya
kung sadyang hindi makadadalo upang hindi umasa ang nag-anyaya na dadalo
ang inaanyayahan.
Liham Pakikiramay
Liham na nagsasaad ng pakikiisa sa kalungkutan o nararamdaman ng
sinusulatan.
Liham Paumanhin
Liham na nagsasaad ng paghingi ng tawad o dispensa sa pagkakamaling
nagawa sinasadya man o hindi.
Liham Pangangalakal
Ito ay sinusulat upang makapag-ugnayan sa mga tanggapan o opisina.
Gumagamit ng papel na legal size.
Liham Pagpapakilala
Isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang
bagay/produkto na iniendorso.

Liham ng Aplikasyon
Isinusulat upang humanap ng trabaho. Ang liham na ito ay isinusulat upang
isumete sa mga “employer” o kompanya para sila ay makakakuha ng interest na
kunin ka sa trabahao.
Liham Pamimili
Isinusulat upang bumili ng paninda na ipinadadala sa koreo.
Liham ng Subskripsyon
Isinusulat upang maglahad ng intension sa subskripsyon ng pahayagan,
magasin, at iba pang babasahin.
Liham na Nagrereklamo
Isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinanaing.
Liham na Nagtatanong
Ito ay nagsasad ng pagtatanong at inaasahan na magkakaroon ng sagot.

Format sa paggawa ng Liham

You might also like