You are on page 1of 12

Ang akademikong pagsulat o akademikong sulatin ay isang mahalagang bahagi

ng proseso ng edukasyon.
Ano nga ba ang akademikong pagsulat?
Ang Akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na nangangailangan ng isang
mataas na antas ng kaalamang pang-akademiko at kakayahan. Ang pangunahing
layunin nito ay upang magbigay ng maaasahang data. Puwede rin sabihing ito ay ang
pagsasalaysay ng mga karanasan na maaring galing sa kultura, opinyon o reaksyon na
maaaring nabigyan pansin ng manunulat.
Ang akademikong pagsulat ay hindi lang sa paaralan ginagawa ang akademikong
pagsulat, kung hindi pati na rin sa industriya o kumpanya. Mahalaga ang akademikong
pagsulat sapagkat ito ang magiging tulay o mabisang daluyan ng pagtatalakay at pag
unawa sa mga kaisipang intelektuwal na kabilang sa sulating akademiko. Ito ay
mahalaga sapagkat ito ay isa sa mga potensyal na tulay upang makumbinsi ang iba sa
iyong pagsusulat.
Ang akademikong sulatin ay isang masinop at sistematikong sulatin ukol sa isang
karanasang panlipunan na maari pang maging batayan ng marami pang pag aaral na
magagamit sa pagtaguyod ng lipunan. Ang karaniwang estrutura ng isang akademikong
sulatin ay may simula na naglalaman ng introduksyon, gitna na naglalaman ng
paliwanag at wakas na naglalaman ng resolusyon, konklusyon at rekomendasyon.
INTRODUKSYON AT
LAYUNIN NG ARALIN
Ang Pulong
Adyenda at Katitikan ng
Pulong
Introduksyon
Ang araling ito ay tungkol
sa pagpupulong. Ang mga
mag-aaral ay magkakaroon
ng kaalaman kaugnay
ng pagsasagawa ng pulong
at pagsulat ng katitikan ng
pulong. Tatalakayin sa
araling ito ang wasto at
oraganisadong pagsusulat
ng mga ito. Magpapatunay
sa pagkabisado ng paksa
ang magiging output na
adyenda. Sa pagtatapos ng
araling ito ay layuning
makasulat ang mga mag-
aaral ng orihinal na
katitikan batay sa
isinasagawang
pagpupulong.
INTRODUKSYON AT LAYUNIN NG ARALIN

Ang Pulong Adyenda at Katitikan ng Pulong Introduksyon

Ang araling ito ay tungkol sa pagpupulong. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kaalaman kaugnay ng
pagsasagawa ng pulong at pagsulat ng katitikan ng pulong. Tatalakayin sa araling ito ang wasto at
oraganisadong pagsusulat ng mga ito. Magpapatunay sa pagkabisado ng paksa ang magiging output na
adyenda.

Sa pagtatapos ng araling ito ay layuning makasulat ang mga mag-aaral ng orihinal na katitikan batay sa
isinasagawang pagpupulong. Layuning Pampagkatuto Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang
matutukoy ang mga mahahalagang impormasyong nabasa upang makabuo ng katitikan at makasusulat
ng organisado, malikhain at kapanipaniwalang sulatin tulad ng adyenda.

ARALIN 5 at 6: ANG PULONG (ADYENDA AT KATITIKAN)

Ang pagpupulong ay ang pagtitipon ng mga tao o kasapi ng isang organisasyon upang pag-usapan o
bigyang solusyon ang isang partikular na problema. Dito sinisiguro na ang lahat ng mga bagay na dapat
pag-usapan tungkol sa isasagawang gawain ay mapag-uusapan. Sa pagpaplano, masusing binubuo ang
layunin ng pulong. Dito itinatakda ang mga bagay na inaasahang makamit. Ang layunin ay dapat na
malinaw upang malaman ang kahalagahan ng pulong.

Isinasagawa ang pulong upang tugunan ang mga sumusunod na layunin:

1. Pagpaplano para sa organisasyon – kadalasang dahilan ng pagpupulong ay upang magplano at


magkaroon ng mga balakin ang isang organisasyon.

2. Pagbibigay-impormasyon – pagpapaalam ng mga mahahalagang impormasyon sa mga kasapi.

3. Pagkokonsulta – tuwing may kinakaharap na suliranin, nagpupulong upang magkaroon ng


konsultasyon. Mahalaga ang opinyon ng bawat isa sa isang organisasyon.

4. Paglutas ng problema – ang pagreresolba ng problema sa isang pulong ay pagpapatunay ng


pagkakaisa sa isang samahan.

5. Pagtatasa – isinasagawa upang matukoy ang kalakasan at kahinaan ng natapos na gawain. Mga taong
mahalaga sa pulong Bawat kasapi ng organisasyon ay may kanya-kanyang mga gampanin sa paghahanda:

1. Tagapangulo – sa kanya magmumula ang agenda. Siya ang magdidisenyo kung paano
patatakbuhin ang pulong at kung paano tatalakayin ang lahat ng isyu. Siya ang magsisilbing
mamumuno at tagapasiya sa pagpupulong.
2. Kalihim – kaiangan niyang ihanda ang katitikan ng pagpupulong o talaan noong nakaraang
pulong at iba apang mga ulat at kasulatan ng organisasyon. Tungkuling niyang ipaalala ang mga
paksa sa agenda upang masiguradong matatalakay lahat. Ito ang kasaping siya ring maghahanda
ng mga imbitasyon o paanyaya sa mga taong dapat pang dumalo sa mga pulong.
3. Iba pang kasapi sa pulong – kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga bagay na pag-
uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok. Proseso at Patakaran sa isang Pulong Quorum o
korum Tumutukoy ito sa bilang ng mga kasapi na dapat o inaasahang dumalo sa isang
pagpupulong. Nakasalalay sa mga dadalo ang pagpapatuloy ng isang pulong. Kung hindi nakamit
ang korum (katumbas ng 66%) hindi masasabing opisyal ang isigawang pagpupulong. Consensus
isang proseso ng pagdedesisyon kung saan tinitiyak na nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa
pulong sa anumang pasya. Simpleng Mayorya proseso ng pagdedesisyon kung saan
kinakailangan ang 50% +1 ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang
opisyal na pulong) Mayorya isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3
o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
Mahalagang malaman ng bawat organisasyon ang sinusunod na proseso sa isang pulong. Ang
mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagbubukas ng pulong – nakatala rito kung saan at kailang isasagawa ang pagpupulong
2. Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong – ang kalihim ng bawat
organisasyon ang may hawak ng lahat ng tala at dokumento ng kanilang pangkat. Siya rin ang
kadalasang naghahanda ng agenda. Ang pagbabasa muli ng katitikan nagdaang pulong ay
mahalaga at nararapat upang masariwa ang mga natapos na usapin at napagkasunduang aksyon.
3. Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa nakaraang pulong – ilalahad din sa pulong
kung mayroong naantalang gawain ang organisasyon 4. Pinakamahalagang pag-uusapan – dito
inilalahad ang pinakamahalagang paksa na karaniwang dahilan kung bakit isinasagawa ang
pulong

5. Iba pang paksa – ibang paksa na maaaring i-ugnay sa mahalagang paksa at nararapat na itala rin sa
katitikan ng pulong

6. Pagtatapos ng pulong – kung paano sinimulan ng maayos ang pulong ay gayundin ang pagtatapos

ANG ADYENDA Ang adyenda

ay tinatawag din na isang ma-etiketa o isang iskedyul. Ito ay isang listahan ng mga gawain na may
pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang sa pagpapaliban. Sa madaling salita, ang agenda ay ang
lahat ng paksang tatalakayin sa isang pagpupulong. Lahat ng pulong, saan mang paaralan o anumang
organisasyon, ay naghahanda ng agenda ng pulong. Sa isang adyenda, tumutulong sa paghahanda ang
lahat ng kasapi ng isang pangkat kung saan ito ay nagtataglay ng listaha ng mga aytem, malinaw na hanay
ng mga paksa, layunin at mga takdang oras na kinakailangan sa pagtalakay. Kahalagahan ng isang
Adyenda

1. Masisigurong tatakbo ng maayos ang isang pagpupulong

2. Nabibigyan nito ng direksyon ang isinasagawang pagpupulong

3. Natatapos sa itinakdang haba o ikli ang isang pagpupulong Nilalaman ng Adyenda o Pamagat ng
adyenda- payak lamang ang pagbuo nito. kung ano ang pinakapag-uusapan ay dapat makita na sa
adyenda o Mga layunin- ito ay tumutukoy sa kung ano ang inaasahang gawin, at matapos sa
pagpapaliban ng pulong o Petsa at oras- mahalaga na mailagay ang bahaging ito dahil ito ang
magsisilbing panakda sa kabuuan ng pulong. o Lokasyon- saan magaganap ang pulong. o Uri ng
magaganap na pagpupulong o Mga dadalo- sino ang mga taong inaasahang dadalo sa isang
pagpupulong.

ANG KATITIKAN NG PULONG Ang katitikan

ng pulong ay isang pagdodokumento ng mga mahahalagang datos, punto, mga desisyon at impormasyon
na pinagkasunduan ng tao o pangkat ng mga tao. Ang katitikan ng pulong ay isang opisyal na ulat ng
isang pagtatalakay. Ito rin ay isang batayan o basehan sa mga susunod pang mga talakayan.

Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3
(2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa
gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o
utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan
nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung
ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa
lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing
desisyon o proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi
isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang
isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa
isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito
rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o
pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga
kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga
colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod: 

Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon 


Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing
at accounting department.
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa
layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng
sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni
Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).

1. Makikita sa letterhead ang


logo at pangalan ng kompanya,
institusyon o organisasyon
gayundin ang
lugar kung saan matatagpuan ito at
minsan maging ang bilang numero
ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para
kay/Kina ay naglalaman ng
pangalan ng tao o mga tao, o kaya
naman ay
grupong pinag-uukulan ng memo.
Sa pormal na memo mahalagang
isulat ang buong pangalan ng
pinag-
uukulan nito. Kung ang tatanggap
ng memo ay kabilang sa ibang
departamento, makatulong kung
ilagay
rin ang pangalan ng departamento.
Hindi na rin kailangang lagyan ng
G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na
lamang na napakapormal ng
memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay
naglalaman ng pangalan ng
gumawa o nagpadala ng memo.
Isulat ang
buong
pangalan ng nagpadala kung
pormal ang ginawang memo.
Gayundin ,mahalagang ilagay ang
pangalan
ng departamento kung ang memo
ay galing sa ibang sekyon at
tanggapan. Hindi na rin kailangang
lagyan
ng G., Gng., Bb. , at iba pa
maliban na lamang na
nakapapormal ang memong
ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang
paggamit ng numero gaya ng
11/25/15 o 30/09/15. Sa halip,
isulat ang
buong pangalan ng buwan o ang
dinaglat na salita nito. Tulad
halimbawa ng Nobyembre o Nob.
Kasama
ang araw at taon upang maiwasan
ang pagkalito.
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng
telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya
naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang
departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong
ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng
memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin
,mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang
sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na
lamang na nakapapormal ang memong ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip,
isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng
Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito. 3
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng
memo ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapakita ng paggalang .
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw
ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay …

You might also like