You are on page 1of 3

KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO

1. Maikli at kayang tapusin sa isang upuan lamang.

2. Kakaunti ang tagpauan at mga tauhang gumaganap kompara sa ibang anyo ng panitikan.

3. Mabilis ang galaw ng mga pangyayaring umaabot sa kasukdulan at nagtatapos sa isang kakintalan.

TEMA NG MAIKLING KWENTO

 Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento.


At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring
maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan,
obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o
pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng
pagkakasulat ng may-akda.

 Maaari rin itong ma-refer sa bilang paksa o paksa. Gayundin, maaari mong tukuyin ito bilang
ideya na lumilitaw o nangyayari at recurs sa isang gawa ng panitikan o sining. Ito ay isang
mahalagang ideya na tumatakbo sa pamamagitan ng piraso ng pahayag, pagsulat, o talakayan.
Ang manunulat o tagalikha ng nilalaman ay dapat mapanatili ang kurso ng trabaho upang
matiyak na sila ay nagpapaliwanag sa ideya, bumuo ito sa anumang paraan na itinuturing nilang
angkop, at ulitin ito sa buong panahon.

MENSAHE O MORAL NG MAIKLING KWENTO

 Ang moral ay isang aral na ang isang piraso ng art consumer ay inaasahan na makuha mula sa
kuwento o karanasan na ang isang character sa trabaho napupunta sa pamamagitan ng. Ito rin
ay isang mensahe na inaasahan ng isang tao mula sa bawat pagsulat, kumilos, o anumang iba
pang piraso ng sining na kanilang ubusin.

 Ang mensahe ay isang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.


HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

Ang Mga Munting Hiling Ni Kiko Sa Pasko

Mahirap ang pamilya ng batang si Kiko. Isang barker sa sakayan ng dyip ang ama niyang si Pablo habang
labandera naman ang ina niya si Thelma. Panganay na anak ng mag-asawa si Kiko, ang bunso ay si Rico.

Dahil sa hirap ng buhay, kadalasan ay pumupunta ng paaralan ang magkapatid na walang laman ang
tiyan at bulsa. Subalit, sa kabila ng hirap ng kanilang pamumuhay, parehong pursigido sa pag-aaral sina
Kiko at Rico.

“Paglaki ko, magiging doktor ako. Ako na ang gagamot kina Tatay at Nanay,” laging sinasabi ni Kiko sa
klase.

Isang araw, may isang grupo ng mga negosyante ang pumunta sa paaralan nina Kiko at Rico. Nais nilang
ipatupad ang adbokasiya nilang #PaskoMoSagotKo. Namili sila ng sampung bata na dadalhin nila sa mall
at ipagbibili ng mga gusto nito.

Isa si Kiko sa mga napili ng mga negosyante. Dinala sila sa pinakamagarang shopping mall sa bayan.
Pagdating doon, lahat ng mga kasama ni Kiko ay pumunta kung saan nandoon ang mga laruan.

Bawat isa sa kanila ay masayang namili ng laruan maliban kay Kiko. Napansin ni Mr. Cruz na mukhang
malungkot si Kiko. Tinanong niya ang bata na agad namang sumagot kahit kitang-kita na nahihiya ito

Gusto ko po sana ibili si Tatay ng bagong tsinelas at ibili ng damit si Nanay,” sagot ni Kiko sa isa sa mga
negosyante.

Sinamahan at tinulungan ni Mr. Cruz si Kiko na mamili ng mga sapatos at mga damit para sa mga
magulang niya. Pagkatapos noon, tinanong ulit siya ng negosyante.

“E, ikaw? Anong gusto mo para sa sarili mo? Bilhin natin. Bili tayo ng mga laruan,”yaya ni Mr. Cruz kay
Kiko.

umunta sila sa hanay ng mga laruan at agad namang nakapagpili ang bata ng isang robot. Tinanong siya
ng negosyante bakit isa lang ang kinuha niya.

“O, bakit isa lang yan? Ang daming laruan pili ka pa. May kapatid ka? Pumili ka rin ng para sa
kanya,” sabi ng negosyante.

“Opo, may kapatid pa po ako si Rico po. Para sa kanya po ito. Okay na po ito ang mahalaga po makita
kong masaya sina Tatay, Nanay, at Rico po mamaya. Sabik na po akong makita ang reaksyon nila,”sabi ng
bata.
Napaluha si Mr. Cruz sa narinig niya mula kay Kiko. ‘Di niya inakala na sa murang edad nito ay tanging
ang kasiyahan ng pamilya niya ang nasa isip niya. Hindi niya napilit si Kiko na kumuha pa ng mga nais
nitong bilhin kung kaya’t nagbayad na siya.

Pag-uwi nila, patagong nilagyan ni Mr. Cruz ng pera ang plastic na nilagyan ng mga damit, sapatos, at
laruan na ipinamili nila. Nais niyang mas maging maligaya si Kiko at ang pamilya niya sa darating na
Pasko.

Hangang-hanga ang negosyante sa pagiging maaalalahanin at mapagmahal ni Kiko sa pamilya niya.

You might also like