Professional Documents
Culture Documents
I. Pagkilala sa May-akda
6. Asawa ni Aling Marta - Matiyagang naghahanap buhay para sa kanyang pamilya. Siya ay
mahilig manigarilyo at siyang kumuha sa kalupi ni Aling Marta ng walang paalam kaya nito
ito nalimutan.
VI. Buod
Sa nayon ng Sampilong, doon nakatira sina Bandong, Andres at higit sa lahat ang
mayamang pamilya na nagmamay-ari ng pinakamalawak na lupang sakahan sa kanilang
nayon, ang pamilya Grande. Si Andres ay isa sa mga eskuwater na nakatira sa nayon. Si
Bandong naman ang guro sa Sampilong at tinagubilinan na manuparang pansamantalang
prinsipal. Isang araw, napag-isipan ni Bandong na tulungan sina Andres at ang iba pang
eskuwater sa pamamagitan ng pagtayo ng cottage industries na nagdala sa pagkabuo ng
kanilang samahan at si Bandong ang tagapayo nito. Nang may nakaalam ukol sa nabuong
samahan ng mga magsasaka(mga eskuwater) at kay Bandong. Agad na ibinalita iyon ni Dislaw,
ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Iyon ay
ikinagalit ni donya Leona Grande lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga
kahilingan ng mga magsasaka. Hindi tinanggap ni donya Leona ang kanilang kahilingan at
hindi rin pumayag ang mga magsasaka na gumawa sa kanilang mga saka. Ang Bagong Nayon
na itinayo nila Andres at Bandong atbp. kanayon ay nagsimulang kamkamin ng donya. Ilang
araw ang lumipas, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa
kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga, nagisnan na
lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog
ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng
mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay
nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig,
dahil hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat
ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Bandong.
Nahuli si Kosme at umamin rin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa hukuman
sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Sinabi kasi ni Ba Inten na ang lupang kinamkam ng
mga Grande ay lupa ng kanyang yumaong nuno at siya’y apo sa tuhod ng yumaong mabait na
Kabisang Resong. Nagawa kasi ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang
Resong ang lupa bago namatay. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga Grande sa
Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, nagkasakit ng alta presyon si
donya Leona at naparalisado nang maataki at si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding
insomya. Nagpahiwatig naman ang kanayon ni Bandong na siya’y ikakandidato pang-alkalde sa
susunod na halalan.
B. Bisa sa Damdamin
Kahit hindi ako ang nasa ganung sitwasyon ng mga eskuwater pero ramdam ko
naman ang paghihinagpis na naramdaman ng mga taga Sampilong sa ilalim ng mga Grande.
Upang hindi madaig, kailangan talagang pairalin ang pagiging matapang at pagiging
positibo.
C. Bisa sa Kaasalan
Huwag mag-akusa sa kapwa ng wala kang sapat at matibay na ebidensiya na siya
talaga ay may sala. Isipin muna natin kung ano ang di-mabuting maiduduot ng pagbibintang
para hindi tayo magsisi sa bandang huli.
PROYEKTO SA FILIPINO 9
Pagsusuri sa nobelang
“LALAKI SA DILIM” ni
Benjamin P. Pascual
Ipinasa ni:
Juan Dela Cruz
9–7
Ipinasa kay:
Gng. Nova A. Colibao
Guro