You are on page 1of 22

NOBELA SA KONTEMPORARYONG PANAHON

Katuturan

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na


binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-
1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at
naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan
may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng


mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na
ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng
bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan
sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod
ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -
kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.

Layunin ng Nobela

1. gumising sa diwa at damdamin


2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Uri ng Nobela

1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan


2. Kasaysayan – binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas
na.
3. Nobelang Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga
pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng
pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin – mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng
tao
6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng
pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng
ating buhay o sistema

[0]
MGA NOBELA SA KASALUKUYAN

LUHA NG BUWAYA
Ni Amado V. Hernandez
(SURING BASA)
I. Buod ng Nobela
Dumating si Bandong sa Sampilong upang humalili kay Mestro Putin
bilang isang pansamantalang punungguro. Naganap na ang paggapas ng
mga bukirin at nang ito’y matapos ay naging mahigpit kaysa dati si Donya
Leona sa paniningil ng utang. Ito’y ang dahilan kung bakit karamihan sa mga
kasamá ay dumaraing. Isa rito si Hulyan na nakiusap na kalahati muna ang
ibawas sa kanyang ani ‘pagkat may sakit ang kanyang asawa, ngunit ito’y
hindi pinahintulutan ng donya.
Dumating sina Ninet at Jun isang araw, at nagkaroon ng isang
malaking kasiyahan. Sa parehas na gabi’y nasangkot si Andres sa isang
kaguluhan at siya’y nakulong, ngunit siya’y pinalaya kalaunan.
Dumalaw sina Andres at Sedes, kasama si Ato, upang ipasok sa
unang baiting ang sampung gulang na anak. Siya’y tinanggap ni Bandong at
ipinangakong siya ang bahala sa gastos. Iminungkahi rin ni Bandong na
kanilang linisi’t ayusin ang lugar na tinitirhan upang pagtayuan ng industriyang
pambahay na makapagtitighaw sa kalagayan ng mga iskuwater. Ito naman ay
sinang-ayunan ni Andres.
Pagkalipas ng ilang araw pagkatapos ng anihan ay pumanaw si Sepa.
Ang lahat ng tagabaryo ay dumalo upang makiramay. Nagkuwento si Ba Inte
sa kanila tungkol sa mga buwayang nasa bayan nila. Ito ang dahilan upang
mamulat ang kanilang mga isipan at ang kaisahan ang naisip nilang solusyon.
Lumuwas ng Maynila sina Bandong at Andres, kasama sila Pina,
Sedes, at Dinong. Ang lakad nila’y may kinalaman sa kooperatiba ng mga
industriyang pambahay. Sila’y nagtungo ng Social Welfare Administration
upang makapangalap ng ulat ukol sa industriyang susunguin.
Nang maitatag ang kooperatiba ay lumabas ang isang lumang
dokumento, na nakasaad dito na kasama sa lupang pagmamay-ari ng mga
Grande ang dating talahibang kinatatayuan ng Bagong Nayon. Nagsampa
ang mga Grande laban sa mga iskuwater. Nagsanib ang unyon ng mga
magsasaka at ang kooperatiba sapagkat iisa lamang ang kanilang
ipinaglalaban. Sa tulong din ni Bandong ay nakahanap ng abugadong
makatutulong sa kanila upang ipaglaban ang hustisyang ipinagkait.
Kumalat sa buong nayon na namatay si Mestro Putin at naganap sa
libing ni Mestro Putin ang pagkikita nina Ba Inte at Andres. Dahil sa
pagtatagpo ay naisiwalat ang nakaraan na nagpapatunay na si Andres ang
eredero ng mga lupain ng nasirang Kabisang Resong.
Magbubukas na ang mga klase nang dumating ang papalit kay
Bandong upang humalili sa pagiging permanenteng prinsipal, dahil sa mga
isyung nasasangkot siya. Nagkaroon ng isang pagtatalo tungkol sa
pagpapagawa ng bakod sa paligid ng paaralan, na nagresulta upang
mamilipit ang dibdib ni Mang Pablo’t isugod siya ng ospital. Nang umagang
biglang pumanhik si Dislaw nang si Pina’y nag-iisa ay pinagtangkaan siyang
gahasain. Ngunit, dumating si Bandong at siya’y iniligtas. Dahil sa nangyari ay
pinaluwas ni Donya Leona si Dislaw sa Maynila.

[1]
Ilang mga gabi ang nagdaan, may malaking trak na pumapasok ng
kamalig upang palihim na inilalabas ang mga palay at bigas, at ito’y tutungo
ng kabisera upang ibenta sa Intsik. Isang araw na lang nang mabalitaan na
nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ito ang ginamit na dahilan ng mi ari
upang ibunton ang sisi sa mga magsasaka at iskuwater. Ang mayordomang si
Iska ay isiniwalat ang katotohanan kay Sedes dahil sa siya’y nagalit kay
Kosme, ang mismong inutusan ng may ari na sunugin ang kamalig, nang
isinama niya si Cely kaysa sa kanya sa Maynila. Ito naman ay ipinagbigay-
alam nila kay Bandong. Natamo nila ang pagpapalaya ng mga kasamahan,
sa kawalan ng sakdal ni katibayan, pagkatapos silang ikulong. Kasabay rin
ang paghabol ni Andres sa hukuman sa lupang dapat sa kanya na kinamkam
ng mga Grande. Sila ang nagwagi sa kaso dahilan sa pagkakabilad ng
katotohanan.
Samantala, nagharap si Bandong ng pagbibitiw sa pagka-guro at
nanumbalik sa pagsasaka. Ngunit ito’y hindi ibig ng tadhana dahil tiniyak ng
superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat
aalisin doon at ililipat sa ibang probinsiya si Danyos dahil sa ‘di makasundo
ng mga guro at magulang. Sa huli’y hiningi ni Nana Oris ang kamay ni Pina
para kay Bandong, na sinagot naman ni Mang Pablo na nasa dalawa na ang
desisyon.

II. Layunin ng Nobela


Si Ka Amado ay tinaguriang Ama ng mga Manggagawa sapagkat
lubos na inialay niya ang kanyang sarili para sa kapakanan ng mga mahihirap
na kanyang ipinakipaglaban sa kanyang mga sulatin. Ang ganitong layunin ay
tinataglay ng nobela sa pamamagitan ng mga tauhan, tulad ni Bandong at
ang mga magsasaka’t iskuwater, na nagkaisa upang makamit ang kalayaan
na inaasam. Bakas sa nobela ang mga kaisipan o ideyang nais ipahayag ng
may-akda sa katauhan ni Bandong, na naging isang instrumento upang
ipagtanggol ang mga api.

III. Kabuuang Detalye ng Nobela

A. Talambuhay ng May-Akda
Si Amado V. Hernandez ang bukod tanging makata at manunulat sa
Pilipino na nagtamo ng Republic Cultural Heritage Award for Literature at
Gantimpala ng Lungsod ng Maynila sa Kultura, ng dalawang Gantimpala ng
Commonwealth bago magkadigma, at ng apat na taong sunod na premyo sa
dula (1958-61) ng Palanca Memorial Literary Award, naging editor ng
“Mabuhay” at kolumnista ng “Taliba”, makalawang naging konsehal ng
Maynila, pambansang pangulo ng Congress of Labor Organizations, Major
ng Anderson Guerillas (kinilala ng gobyerno ng US at ng RP) at kagawad ng
International War Crimes Tribunal sa London at Stockholm. Kasapi sa Civil
Liberties Union of the Philippines at sa National Press Club. Makailan siyang
naglakbay sa daigdig, kabilang ang dalawang buwan sa China. Hinirang siya
ng Ateneo de Manila University na magturo ng “Advanced Tagalog” sapul sa
taong ito. Chairman din siya ng lupon sa Patnubay ng Kalinangan ng siyudad
ng Maynila.

[2]
B. Pagdulog na Ginamit ng Akda
Ang nobela ay kinakitaan ng pananaw Realismo. Masasabing ito’y
nagtataglay ng ganitong
pananaw sapagkat ito ay nagpapakita ng katotohanang kinahaharap ng
maraming Pilipino. Makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad ng mga
pangyayari na tila ba’y tumutulay sa mga mambabasa upang ipag-ugnay ang
agos ng kwento sa realidad.
“Kahit sa usaping sibil, mi mga abugadong tutulong nang walang
bayad,” tiniyak ng hukom. “Maraming mabuting tao sa propesyong
ito.”
Sa wakas, isinagot ni Andres na pagsisikapan nila at nagpapalipad-
hangin na “gayunma’y hindi kami umaasang papalaring makakuha
ng kasinghusay ng mga abugado ng mga Grande.

Base sa sipi na ito, inyong makikita na ang ganitong sitwasyon ay isa


lamang sa mga karaniwang nangyayari sa totoong buhay. Ang mga taong
hindi kayang kumuha ng isang abugado ay humihingi ng tulong mula sa mga
abugadong walang bayad ang pagtulong.
Ito rin ay nagtataglay ng pananaw Marxismo. Litaw na litaw kaagad sa
simula pa lang ng nobela ang tunggalian sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap. Ipinakita rito na ang mga taong inapi ay nagkaisa upang ipaglaban
ang kanilang mga karapatan at sa huli ay nalaman nila na ang lupang
pagmamay-ari ng mga Grande ay hindi talaga sa kanila kung ‘di ay kay
Andres.
“Meron nang mga taong lumipas,” paalala ni Ba Inte.
“Bahagi ng pambansang kalipunan,” dugtong ni Blas. “Ngunit dinurog
ng mga nasa poder. Natakot ang mga matatakutin at nagtaksil ang
ilan.”
Sa dalawang pananaw na inilahad, mas nangingibabaw ang pananaw
Marxismo ‘pagkat ang kabuuan ng nobela ay tungkol sa pagtutunggali ng
mayayaman at mahihirap.

IV. Sangkap ng Nobela

A. Tagpuan
1) Sampilong
Sa bayang ito, sa isang probinsya sa kalagitnaang Luson, halos
naganap ang mga pangyayari sa nobela. May nagsasabing ang
“Sampilong” ay nagmula sa pinaikling pangalan ni San Teofilo. Meron
din namang nagsasabi na ito’y mula sa “sampal o tampal sa ilong” ng
isang dalagang tagabaryo sa kurang banyaga.

a. Pagupitan ni Tinoy
Sa lugar na ito unang nadaan si Bandong nang siya’y
dumating. Dito rin tumatambay ang mga magsasaka habang
nagpapahinga.
b. Ang Kabukiran ng Sampilong
Dito idinaos ang paggapas ng mga ani, at ito ang dahilan
ng pagtutunggali ng mga tauhan.

[3]
c. Bahay na bato ng mga Grande
Dito nakatira ang mga Grande pati na rin ang mga
magsasakang naglilingkod sa kanila, ngunit hindi tumatanggap
si Donya Leona ng mga iskwater sa kanilang lupa. Dito din
idinaos ang handaan para sa pagdating nina Ninet at Jun.
d. Tahanan ni Nana Oris
Dito kasalukuyang naninirahan si Bandong at ang
kanyang tiya na si Nana Oris.
e. Bahay-Paaralan sa Sampilong
Dito nagtatrabaho si Bandong bilang isang guro at siya’y
lumalagi dito kahit ‘di pa pasukan. Ito ay natupok nang gamiting
himpilan ng mga Hapones na muling naipatayo pagkatapos ng
digmaan.
f. Tahanan ni Mang Pablo
Dito kalimitang bumibisita si Bandong upang makita si
Pina.
g. Tahanan ni Hulyan
Dito ibinurol ang bangkay ni Sepa, at dahil sa kanyang
pagkamatay ay nabuo ang unyon ng mga magsasaka.
h. Bagong Nayon
Dati itong tambakan na kung saan naninirahan si Andres
at ang ibang mga iskuwater. Ito’y nagbago dahil kanila itong
inayos at pinaganda para sa pagtatayo ng “cottage industry”.
2) Baguio
Dito nagtungo ang anim na magkakaibigan, Jun, Ninet, Pil,
Bining, Marybee, at Dan, upang magbakasyon, na ang kariktan ng
lungsod ay halos pangkaraniwan na dahilan sa malimit nila itong
tunguhin.
3) Maynila
Dito nagmula sina Andres at Sedes bago sumiklab ang
digmaan. Sa kabisera ring ito nagtungo sila Bandong, Pina, Dinong,
Andres, at Sedes upang humingi ng tulong sa isang abugadong
kakilala ni Bandong noong siya’y nag-aaral pa lamang.

B. Banghay ng mga Pangyayari


B.1. Simula
Ang mga magsasaka ay labis na dinadaya ng mga Grande at ang
mga iskuwater nama’y kung ituring ay parang basura sa tambakan.
B.2. Gitna
Namulat ang kanilang mga isipan, kung kaya’t bumuo ng unyon ang
mga magsasaka, at kanilang nilinis at binigyan ng bagong mukha ang
tambakan, na kalauna’y naging ‘Bagong Bayan’, at kanilang itinayo ang
kooperatiba. Dahil dito’y kinalaban sila ng mga Grande. Iba’t ibang
pamamaraan ang ginawa ng mi ari upang makubli ang kabuktutan.
B.3. Wakas
Naisiwalat na sa lahat ang katotohanang naikubli ng matagal na
panahon, at ang mga api dati’y nagsibangon, habang ang mga nang-
alipusta’y nalugmok.

[4]
C. Tauhan
C.1. Pangunahing Tauhan
1) MESTRO BANDONG CRUZ, isang gurong itinalagang
pansamantalang prinsipal sa isang paaralan sa Sampilong.
2) ANDRES, ang lider ng kooperatiba ng mga iskuwater sa
industriyang pantahanan. Siya ang natatanging tagapagmana ng
mga lupang inangkin ng mga Grande. Dating isang porman si
Andres sa isang samahan ng konstruksiyon nang sila’y nasa
Maynila pa.
3) PILIPINAS O “PINA”, ang pinakamagandang dalaga sa baryong
parehong iniibig nina Bandong at Dislaw at anak nina Mang Pablo
at Aling Sabel.
4) DISLAW, katiwala ng mga Grande at badigard ni Don Severo. Siya
rin ang ingat-yaman ng samahan ng mga magulang at guro. May
sabihang walang patibay ni Ba Inte na anak siya umano sa
pagkabinata ni Pare Pascual sa isang utusan ni Kapitan Melchor.
5) DONYA LEONA GRANDE, ang anak ni Kapitan Melchor na
namamahala sa malaking lupain sa Sampilong. Siya ang asawa ni
Don Severo na mukha naming bata kaysa gulang niyang apatnapu’t
siyam.
6) DON SEVERO GRANDE O “BERONG”, ang asawa ni Donya
Leona na mukhang matanda kaysa kanyang limampu’t dalawang
taong gulang.
C.2. Pangtulong na Tauhan
1) MESTRO PUTIN REYES, ang punongguro sa Sampilong na
kinailangang magbakasyon dahil sa sakit.
2) KAPITAN MELCHOR, ama ni Donya Leona na siyang nagpamana
ng malalawak na lupain.
3) ALING SABEL, ang asawa ni Mang Pablo at ina ni Pina.
4) TINOY, ang barberong unang nakausap ni Bandong nang siya’y
tumungtong sa Sampilong.
5) NINET, ang nag-iisang dalagang anak nina Don Severo at Donya
Leona. Siya’y mas bata kay Jun nang dalawang taon at isa nang
parmasyutika.
6) MANG PABLO, ang ama ni Pina at ang pangulo ng samahan ng
mga magulang at guro sa Sampilong.
7) BA INTE, ang hinalili ni Mang Pablo bilang sanggunian at takbuhan
ng mga tagabaryo sapagkat siya’y masasakitin. Siya rin ang
pinakamatandang magsasaka na malimit ireklamo ang kanyang
rayuma.
8) NANA ORIS, ang kapatid ng ama ni Bandong at ang siyang
kumupkop at nagpalaki kay Bandong nang ito’y maagang naulila.
9) JUNIOR O “JUN”, ang panganay na anak nina Don Severo at
Donya Leona at kapatid ni Ninet. Siya’y tumanggap ng diploma sa
medisina sa gulang na dalawampu’t anim na taon.
10) HULYAN, isa sa mga kasamá ng mga Grande na nakiusap kay
Donya Leona dahil may sakit ang kanyang asawa.
11) SEPA, ang asawa ni Hulyan na nakuha ang sakit sa mabigat na
gawain sa bukirin ni Donya Leona.

[5]
12) DINONG, ang kapatid ni Pina at bunsong anak nina Mang Pablo at
Aling Sabel.
13) BLAS, isa sa mga kasamá na nakipagtalo kay Donya Leona
tungkol sa pagbawas sa kanilang kita.
14) TASYO, isa sa mga kasamá na nakiusap kay Donya Leona
sapagkat may dalawang anak siyang pag-aaralin sa pasukan. Siya
ang hinirang na pinuno ng unyon ng mga magsasaka.
15) TUMAS, isa sa mga kasamá na nakiusap kay Donya Leona upang
kanyang makumpuni ang bahay nila bago dumating ang tag-ulan.
16) SIMON, isa sa mga kasamá ng mga Grande.
17) BETENG, isa sa mga kasamá ng mga Grande.
18) SEDES, ang asawa ni Andres. Dati siyang namamasukan sa isang
pabrika ng payong nang nasa Maynila pa sila. Siya’y ang puntahan
ni Iska kung ito’y may sama ng loob kay Kosme o Donya Leona.
19) KAPITANA BALTAZARA, ang ina ni Donya Leona kung saan
namana niya ang kanyang katapangan.
20) PARE PASCUAL, ang kapatid ni Leona na kura ng parokya ng
Sampilong.
21) KOSME, isa sa mga utusan ng mga Grande na kasama ni Dislaw
sa pagsunod sa mga utos. Siya’y may lihim na ugnayan kay Cely.
22) ATO, ang panganay na anak nina Andres at Sedes, na sampung
taong gulang na’t hindi pa nakakatuntong ng unang baiting.
23) ALKALDE BARTOLO, ang pinsang buo ni Don Severo at ang
meyor ng Sampilong.
24) HEPE HUGO, ang inaanak sa kasal ni Donya Leona. Siya ang
pinuno ng pulisya sa Sampilong.
25) MARYBEE, ang nobya ni Jun na anak ng mayamang Insik. Siya’y
nag-aaral ng karunungan sa bangko sa unibersidad ding
pinagtapusan ni Jun.
26) DAN, ang nobyo ni Ninet na malapit nang matapos ang abugasya.
27) ISKA, ang pinakamayordoma sa mga utusan ng mga Grande. Siya
ay may pag-ibig para kay Kosme at malapit rin siya kay Sedes.
28) COOKIE, ang mestisahing mang-aawit ng orkestra sa naytklab
kung saan pumupunta si Jun.
29) MARCELA O “CELY” O “CELING”, ang bunsong kapatid ni Dislaw
na nabalo kung kaya’t inampon siya ni Dislaw. Siya’y lihim na
kaulayaw ni Kosme.
30) BINING, isa sa mga kaibigan nina Ninet at Jun na magtatapos ng
karunungan sa pagtuturo. Kasintahan niya si Pil.
31) PIL, isa sa mga kaibigan nina Ninet at Jun na isa nang doctor,
kasabay ni Jun. Kasintahan niya si Bining.
32) NARDY, isa sa mga miyembro ng orchestra na kumuha ng antisipo
kay Donya Leona.
33) TATA IPE, ang kapatid ni Aling Sabel na pumigil sa pagbabasag-
ulo nina Bandong at Dislaw.
34) MARCOS, ang unang sumalubong kina Andres nang kanilang
inabot ang maburol na talahiban
35) INTANG, asawa ni Marcos.
36) KANOR, kapatid na binate ni Intang.
37) KIKO, isa sa mga iskuwater.

[6]
38) MAGDA, asawa ni Kiko.
39) ANG TININTE, ang upahan ng mga Grande.
40) MESTRANG EBENG, isa sa mga guro ng bahay-paaralan na
nabanggit ni Tinoy sa isang usapan.
41) ANG SUPERINTENDENTE, isang matandang pinunong may
mabuting kalooban at makatarungan.
42) MARTA, ang ina ni Andres at apo ni Kabisang Resong.
43) KABISANG RESONG, ang tunay na nagmamay-ari sa mga lupain
na inangking ng mga Grande.
44) ABUGADO REYES, ang tumulong sa mga panig na nasasakdal ng
mga tiwaling malalaki.
45) ANG HUKOM, ang sanggunian ng mga Grande sa batas.
46) ABUGADO AMARGOSO, isang abugado ng mga Grande.
47) MISTER HENRY DANYOS, siya ang ipinadala ng superintendente
upang pumalit bilang permanenteng prinsipal nang masangkot sa
paratang si Bandong.

D. Tema o Paksa
Ang tema ng nobela ay tumatalakay sa kasakiman ng mga Grande at
ang pagkakaisa ng mga magsasaka upang masugpo ito.
Ang pamagat ng nobelang “Luha ng Buwaya”, na “crocodile tear” sa
Ingles ay isang idyoma. Ito’y nangangahulugang “isang hindi totoo o hindi
matapat na pagpapakita ng damdamin.” Sa ating pakakahulugan, ang
buwaya ang sumisimbolo sa mga buktot na tao, at ito’y nasa katauhan ng
mga Grande. Makikita ang pagiging sakim ng mga ito sa lupa, na naging
rason upang ang mga api ay lalong maghirap. Maiuugnay ang pamagat sa
kuwento sa ilang pangyayari. Nang mamatay si Sepa ay nagpadala ng
abuloy si Donya Leona upang ipakita na sila’y nakikiramay sa sinapit ng
asawa ni Hulyan. Kung bakit natuluyan si Sepa ay sapagkat wala silang
maipambili ng gamot, dahilan sa hindi pagpayag ni Donya Leona upang
kalahati lang muna ang kaltasin sa mga naani. Isa pang pangyayari ay
kung saan tuwing Linggo’y parating dumadalo ng misa ang mi ari, ‘pagkat
naniniwala siyang “ang pagiging ‘mabuting Kristiyano’ ay ganap na
pumapahid sa ibang mga kapintasan o kasiraan, at para din naming sukat
ng magsimba, minsan sanlinggo upang ang isa’y maging ‘mabuting
Kristiyano’.”
Sa katauhan ni Bandong, siya ang naging tagapayo ng unyon ng mga
magsasaka at ang utak sa likod ng pagtatayo ng kooperatiba ng mga
iskuwater. Hayag sa kuwento ang pagkakaisa ng mga tauhan tungo sa
pagbabagong inaasam, at dahil dito’y nagawa nilang kalabanin at
mapagtagumpayan ang mga malalaking tao.

E. Istilo
Ang takbo ng kuwento ay nasa anyong tradisyunal sapagkat sa unang
kabanata pa lamang ay ipinaalam at tinalakay ang kasaysayan ng
pinakatagpuan sa kuwento sa mga mambabasa, ang Sampilong, kung
saan magaganap halos ang mga pangyayari. Sunod ay ipinakilala ng may-
akda ang mga tauhan bago ipahiwatig kung ano ang magiging
katungkulan nito sa kuwento. May pagkakataon din kung saan ang mga
pangtulong na tauhan ay ipinakilala sa pamamagitan ng kilos at gawa ng

[7]
mga ito, o kaya naman ay sa pagpapakilala ng ibang tauhan sa kanila.
Ang takbo ng mga pangyayari ay suwabeng naipahayag kahit na
mayroong mga pangyayaring lumilihis. Mababatid ding may mga
pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa nobela.

VI. Rekomendasyon

Dahil sa layunin ng may-akda ay maaari itong irekomenda sa lahat ng


tao, mapabata man o matanda, sapagkat ang aral na nakapaloob dito ay tiyak
na magagamit ng bawat isa sa atin. Ito rin ay tumatalakay sa buhay, kung
saan may mga sosyo-pulitikal na krisis na nangyayari sa Pilipinas noong
1930s hanggang sa 1950s.

VII. Talasanggunian
Hernandez, Amado V. Luha ng Buwaya. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press, 2006.
http://www.wattpad.com/17543717-luha-ng-buwaya-term-
paper?p=4#!p=1
https://www.academia.edu/24839994/Suring_Basa_ng_Nobelang_Luh
a_ng_Buwaya

GAPO
Ni Lualhati Bautista
(SURING BASA)
Pagkilala sa Awtor

Buong Pangalan: Lualhati Torres Bautista


Kapanganakan: Disyembre 2, 1946 sa Tondo, Maynila
Kasalukuyang Edad: 63 taong gulang
Ama: Esteban Bautista Sila ang naka-impluwensya kay
Lualhati na maging
manunulat dahil
Ina: Gloria Torres tinatangkilik nila ang composing,
pagkanta at pagsulat ng
mga tula.
Edukasyon: Emilio Elementary School (1958)
Torres High School (1962)
Lycum of the Philippines (1 taon lang sa kursong Journalism)
Trabaho: Nobelista; Manunulat sa pelikula at telibisyon
Karanasan: Siya ay naging bise presidente ng Screenwriters Guild of the
Philippines; pinuno ng Kapisanan
ng mga Manunulat ng Nobelang Popular; chair ng University
of the Philippines Creative Writing Center (1986)
Parangal: - Catholic Mass Media Award para sa Sakada (una niyang
screenplay noong 1976)
- Nominasyon sa Film Academy Awards para sa Kung Mahawi
Man ang Ulap (1984, ika-2 pelikula)
- Star Awards at Metro Manila Film Festival para sa Bulaklak ng
City Jail (1984,pinakamahusay)

[8]
- Don Carlos Palanca Memorial Award (grand prizes) noong 1980,
1983 at 1984 para sa mga nobelang Gapo, Dekada '70 at Bata,
Bata... Pa'no Ka Ginawa?
- Recognition Award mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong
1987
- Ateneo Library of Women’s Writings (ALIWW) noong Marso 10,
2004 habang idinaraos ang ika-8 Tanong Panayam sa Panitikang
Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika

Teoryang Pampanitikan:
Para sa akin ay iba’t ibang teorya ang maaaring iugnay sa nobelang
GAPO dahil na rin sa layunin nitong unti-unting gisingin ang kamalayan at
kaalaman ng mga mambabasa sa bawat kabanata na nagpapakita ng
magkakaibang katangian sa bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga nakita kong teoryang pampanitikan na
napapaloob sa nobela:

1. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao


ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

 Ang galing ni Mike sa pagtugtog ng gitara ay isa ng patunay dito. At sa


kabila ng masalimuot na pamumuhay sa Olonggapo at buhul-buhol na
kagaspangan ng ugali ng mga tagaroon dala na rin ng kahirapan ng buhay ay
may parte pa rin sa nobela na nagpapatunay na ang tao ay may itinatagong
kabaitan. Ang pagtulong ni Modesto kay Mike nang siya ay hinahabol sa
Jungle, ang pakikipagkapwa-tao at pakikipagkaibigan din ni William Smith kay
Modesto at miminsang tawanan at maayos na samahan nina Magda at Mike
sa Apartment ay ilan lamang halimbawa nito.

2. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid,
ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang
sinulat.

 Sa paunang salita ng may-akdang si Lualhati Bautista, kanyang ibinahagi


ang kanyang karanasan sa kanyang pananatili sa Olonggapo kasama ang
dalawang kapatid na sina Marie at Lumen at pinsang si Carding. Sa kanilang
pagpunta sa isang bar doon ay nakakuwentuhan nila ang iba pang
kasamahan ni Carding sa Base ukol sa ilang mga lihim at mapapait na
katotohan sa loob o labas man ng Olonggapo. Dito, mapapatunayan na ang
nobelang Gapo ay nabigyang-buhay ng karanasang iyon.

3. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga


kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at
ipinamamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

[9]
 Ang may-akda ay isang babae at isa sa mga pangunahing tauhan na si
Magdalena ay babae. Naipakita sa atin ni Lualhati na ang mga babaing tulad
ni Magda ay may mga pangarap din sa buhay, may dignidad na kadalasa’y
ipinagbabawalang-bahala na lang makamit lamang ang kaginhawaan. Sa
pagtatapos ng nobela ay napatunayan na si Magda ay isang babaing may
pagmamahal sa buhay ‘pagkat kanyang piniling huwag ipalaglag ang bata sa
kanyang sinapupunan. Bagkus kanya itong bubuhayin kasama ni Mike, siya
ay handing matuto at pinatutunayan ito ng kanyang handing pag-aaruga kay
Jeffrey habang nasa ospital pa si Ali.

4. Teoryang Arkitaypal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa
mga mambabasa.

 Napakaraming pangyayari sa nobela na sa unang basa’y hindi masasabing


isang simbolismo subalit sa iyong patuloy na pagbabasa hanggang sa huli ay
matatanto mong ang ilan sa mga ito ay may ipinahihiwatig na pangyayari sa
atin. Halimbawa ay ang pamimili ni Magda ng napakaraming produktong
stateside noong una at pagsasantabi ng mga produktong Pinoy. Subalit sa
huli’y kanyang piniling huwag kainin ang Baby Ruth, ito’y panahan ng
kanyang pagdadalantao at kanyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Mike
na kanyang tinawan lamang noon. Ngunit, makikita nating si Magda ay talaga
naming nagbago na ng pananaw sa buhay bunga na rin ng mapapait na
karanasan kina Sam at Steve.

5. Teoryang Historikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan


ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi
ng buhay ng tao at ng mundo.

 Sa nobela ay binigyang paliwanag ang ilan sa mga kadahilan ng bagay-


bagay at mahahalagang kasaysayan ng bansa. Isang halimbawa nito ay ang
kuwento ukol sa pagbomba sa Pearl Harbor at ang napakaraming kabuntot
na epekto nito sa ating bansa at ng bansang Amerika.

A.Talasalitaan
1. Bunny – mga babaing nagpo-‘pose’ ng nakasuot ng isang parang kuneho
sa mga babasahing panlalaki; kadalasang ginagawa sa ibang bansa; sa
nobela’y inaakala ng mga magulang na isa itong maayos na trabaho para sa
mga anak na babae, makarating lang sa ibang bansa
2. Parity Rights - Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Amerikano at
Pilipino na gumamit at linangin ang mga likas na yaman ng Pilipinas; ito ang
kapalit ng pagbibigay bayad-pinsala sa atin ng mga Amerikano matapos ang
World War II na nagkakahalagang anim na raan at dalawampung milyong
dolyar; naganap ang kasunduan sa pagitan nina dating President ng Pilipinas

[10]
na si Sergio Osmeña at dating Senador ng Estados Unidos na si Milliard
Tydings
3. Lay-off – ito ang pagkakatanggal sa trabaho ng mga waiter, hostess, at iba
pang nagtatrabaho sa mga club sa Gapo sa oras na umalis nang muli ang
barkong Kano sapagkat hihina na ang kanilang kita at uunti ang mga
parukyano kaya napipilitang magbawas ang kanilang Manager. Sila’y
makakabalik muli sa pagdating ng panibagong barkong Kano sakay-sakay
ang mga sundalong Amerikano na kinapapanabikan ng mga hostess
sa kadahilanang panibagong kita na naman at maaari matupad ang kanilang
pangarap na makapunta sa States.
4. Yardbird – ayon sa nobela, nakatuwaan umano ng mga Amerikanong
sundalo ang mga ibong sa tuwina’y dumadapo sa kanilang barko at kinakain
ang tinapay na kanilang inihahagis dito, kaya kanila itong tinawag na
‘yardbird.’ Subalit sa hindi malamang kadahilanan ay kanila itong ibinansag sa
mga Pilipinong nagtratrabaho sa base na ang ibig ipakahulugan ay ‘patay-
gutom.’ Ito ang palaging ipinang-aasar ni Johnson kay Modesto na pilit niyang
ipinagsasawalang-bahala at inilalabas na lamang ang lahat ng galit at tila
pagkababa ng kanyang pagkalalaki sa pamamagitan ng madalas na pag-
inom sa Freedom Pad.
5. Gardemet – ito ang palaging sinasabi ng sundalong Kano na si Johnson
kay Modesto sa loob ng base; sa ibang salita ay ‘ginagardemet’ o minumura
sa tuwina; pinaniniwalaang ito ay may pakahulugang ‘goddamnit’;
6. Collective Bargaining Agreement - Maaaring naging matagumpay ang
isang unyon na makamit ang isang benepisyo sa pamagitan ng sama-
samang tawaran (collective bargaining). Ngunit kahit ang isang benepisyo ay
nakalagay na sa collective bargaining agreement (CBA), kailangan pa rin ang
masusing pagbabantay ng unyon para matiyak ang lubusang pagtupad ng
manedsment sa benepisyong ito. Ang anumang kapabayaan sa panig ng mga
manggagawa ay maaring magbunga ng hindi kanais-nais na resulta. Ito ang
nangyari sa kaso ng mga manggagawang Pinoy sa base matapos na sila’y
’mag-ingay’ at naghinaing sa mga ‘Big Boss’ ng base ukol sa hindi patas na
pamamalakad sa loob tulad ng di pantay na suweldo. Bakit umano mas higit
na mataas ang suweldo ng mga Kano gayong parehas lang naman sila ng
bigat ng trabaho. Dahil dito, nagkasundong magkaroon ng ‘general foreman’
at ang tatayo sa puwestong ito ay isang Amerikano samantalang ang mga
Pinoy ay ‘foreman 1,’ ‘foreman 2’ at ‘foreman 3,’ ibig sabihin sila ay nasa ilalim
na ng pamumuno ngayon ng kapwa ka-baseng Kano.
7. Yankee – iba pang katawagan sa mga Amerikano o Kano
8. G.I. Baby – tawag sa isang batang anak ng Amerikano at isang Pilipino;
madalas na ibansag sa mga batang gaya ni Mike na kanyang pilit na
itinatanggi kahit na kitang-kita na siya nga ay isang G.I. Baby sa pisikal na
kaanyuaan. Ngunit, ang kanyang puso ay Pinoy na Pinoy.
9. Stateside – salitang slang para sa Estados Unidos; alinmang bagay na
galing sa Amerika tulad ng mga pagkaing stateside; iba pang salita para sa
‘imported’
10. Green Card – ibig sabihin ay permanenteng naninirahan sa Estados
Unidos; kapag umano’y tinanong ka sa US Embassy kung nasaan ang iyong
green card at sumagot kang nakalimutan mo ay goodbye Amerika ka na
sapagkat kung US Citizen ka talaga, hindi mo na kailangan ng green card.

[11]
B. Paksa/Tema
Ang obra maestra ni Lualhati Bautista na Gapo, bagama’t kanyang
pinaka-unang nobelang ginawa, ay talaga namang matagumpay na naihain
sa mambabasa ang pinakadiwa ng akda, ang mapait na katotohanan sa
matamis na pagsasamahan ng dalawang bansang naging magkaibigan
‘pagkat nagtulungan noon at matapos ang ikalawang pandaigdigang digmaan
– ang Estados Unidos at ang Pilipinas. Bata pa man tayo ay hindi
maitatatwang napakaganda na ng imahe sa atin ng alinmang bagay, produkto
o dili kaya’y tao basta galing Amerika ito. Subalit sa nobelang ito ay nabatid
natin ang ilan sa mga bagay na oo, kapansin-pansin, subalit bakit di batid ng
isa man sa atin. Sa sitwasyon ng mga pangunahing tauhan na sina Mike,
Magda, Modesto, Ali at nating mga Pilipino na di hamak na sangkot sa
istoryang ito ay tila may tumapik sa ating mga balikat, tila may kumurot sa
ating mga puso at ang ating dati’y tila napakatamis na panlasa’y tila pumait,
umalat. Oo, puro pala tayo tila, hindi naman pala tayo ganoon kasigurado
dahil ang alam lang natin ay tanggapin ang lahat ng sa ati’y isubo. Ke sang-
ayon ba tayo o hindi, ke makabubuti ba sa atin o makasasama, basta ang
alam natin, ‘sila’ ang mas may higit na karanasan, kaalaman at ‘karapatan’
dahil mga Pilipino ‘lang’ tayo at sila ang mga ‘dakilang nilalang’ sa mundo.

Sa mga karanasan ni Modesto sa loob ng Base na nakakasulasok


dahil sa tindi ng diskriminasyon na umabot sa puntong ang kanyang dignidad
at pagkalalaki ay naitapon na’t lahat-lahat, ay wala pa ring puknat sa
‘pakikipagkapwa’ ang mga sundalong Amerikano. Ang nakakarimarim na
kalagayan ng mga babaing hostess gaya ni Magda na isa lamang sa
sanlibong nangarap, naanakan, umasam at iniwan. Mga batang gaya ni Mike
na bunga ng mabulaklak na pananalita ng ating mga iniidolong Kano, ano
ngayon at tila insektong nagkalat sa bayan. Mga taong hindi mamatay-matay,
patuloy pa rin na nabubuhay sa kasalukuyan, pilit na kumakawala sa hagupit
ng malasakit ng Estados Unidos. Tayo lang naman ang
‘pinagmamalasakitan,’ sino tayo para tumanggi sa ‘grasya?’

C. Tagpuan

FREEDOM PAD
 Ito ang pangalan ng bar na pinagtatrabahuan nina Magda at Mike. Dito
rin sa bar na ito nagkakilala sina Modesto at Ali. Dito nakilala ni Magda
si Steve, dito nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga Kano at Pinoy at
marami pang iba na hanggang ang bandang dulong bahagi ng nobela
na maituturing na ‘pagkawala ng dambuhalang galit ni Mike sa mga

[12]
Kano’ ay dito naganap. .Ang Freedom Pad ang siyang naging piping
saksi sa iba’t ibang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing tauhan.

APARTMENT NINA MAGDA AT MIKE


 Ito ang bahay na pinagsaluhan nina Dolores at Magda kasama ang
noo’y maliit pang si Mike. Nang mamatay na si Dolores at binata na si
Mike, mababasa sa ikalawang kabanata ng nobela ang naging
pagtatalo nina Mike at Magda sa tuwina sapagkat hinihiling ng huli na
lumipat na si Mike ng ibang tirahan tutal ay matanda na siya at
nakatatayo na sa sariling mga paa. Ang tunay na dahilan nito ay dahil
nagiging sagabal si Mike sa ‘bisnes’ ni Magda, sa kanyang pag-uuwi
ng kostumer sa kanilang bahay at makikita si Mike ay inaayawan na
siya nito. Siyaempre, mayroon din namang masasayang pangyayari na
naganap dito na nagpapatunay na sina Magda at Mike ay may pag-
aalala din sa isa’t isa bilang magkasambahay at magkaibigan. Sa huli,
ang apartment na ito ay isa rin sa mahahalagang tagpuan ng Gapo.

BEACH SA OLONGAPO
 Dito nagpunta sina Modesto, Mike, Ali, Jeffrey at Igna bilang
paglilibang nila kay Jeffrey. Sa dagat ay nagkakatuwaan sina Modesto,
Jeffrey at Mike na animo isang masayang pamilya. Subalit si Ali ay
nagmukmok lang sa kanilang nirentahang kubo sapagkat siya ay
naghahanap ng isang lalaking kanyang mamahalin at handa rin naman
magmahal sa kanya. Nang malapit nang lumubog ang araw at habang
patuloy si Ali sa pagbuo ng kung anu-anong imahinasyon sa kanyang
sarili ukol sa kanyang ‘ideal boy’ ay biglang sulpot ang napakakisig na
Kano na nagpakilalang Richard Halloway. At dito nagsimula ang
‘matamis’ na pagmamahalan ng dalawa.

[13]
BASE NG MGA KANO SA OLONGAPO
 Lingid sa kaalaman ng kahit sino, matindi ang diskriminasyong
nararanasan ni Modesto sa loob ng Base kapiling ang mga
katrabahong mapang-alipusta tulad ni Johnson. Dito di lamang siya
binubulyawan, pinagpipiyestahan at kinakantiyawan ng mga sundalong
Kano, kundi natatapakan na rin ang kanyang dangal at pagkalalaki.
Mabuti na lamang ay may isang William Smith na sa katulad niyang
Pilipino ay marunong makisuyo, nakikipagkuwentuhan at nang-aalok
ng mansanas sa bawat makatrabaho. Ngunit isang karumal-dumal na
pangyayari ang dito ay naganap matapos ang ilang araw na
pananahimik ni Modesto mula malaman ng anak na si Jun ang
kanyang tunay na sitwasyon sa loob. Isang araw, hindi na natiis ni
Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong Amerikano sa
base militar. Nakipagsagutan siya kay Johnson at nauwi ito sa
suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga
kasamahan ng sundalong Puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni
William, napatay nila si Modesto.

BAHAY NI MODESTO
 Isang tagpo sa nobela ay ang pag-uwi ni Modesto sa kanyang tahanan
kung saan nagbunganga na naman ang kanyang asawa ukol sa
kanyang pagtatapon ng pera sa alak at bar sa halip na sa gastusing-
bahay kaya naman lubog na sila sa utang. Ibinalita rin sa kanya ni Jun
ang ukol sa tanggapan sa Base at ang kanyang interes na pumasok
dito. Tinutulan ito ni Modesto at sinabing baka isipin ng mga
kapitbahay ay masiyado silang abuso sa Base at nakakahiya. Subalit
ang totoo ay natatakot lamang siyang malaman ni Jun ang kanyang
kalagayan sa loob. Kaya naman nang nagpumilit si Jun ay napigti na
ang kanyang pasensiya at binulyawan ito ukol sa inuutos niya ritong
punuin ng tubig ang dram.

[14]
D. Mga Tauhan

1. Michael Taylor Jr. – Isang folk singer na G.I. Baby na magaling sumuri ng
tama at mali. Siya ay galit sa mga Kano dahil sa pagiging iresponsable ng
mga ito at dahil isa siya sa mga naging bunga ng pambibiktima ng mga Kano
sa mga Pilipina. Makabansa siya at pinagtatanggol niya ang ating bansa sa
kanyang sariling paraan.
2. Magdalena – Isang mabuting kaibigan kay Dolores. Isa sa mga babaing
nag-ambisyon na makarating sa Amerika. Naapektuhan ng kolonyalismo at
dahil dito ay tinatangkilik niya ang mga produktong Kano.
3. Alipio – Isang bakla na nagkagusto kay Modesto. Siya ang nag-alaga sa
kanyang pamangkin na si Jeffrey nang umalis ang kanyang kapatid na si
Alice. Mapagkalinga siya ngunit ang kanyang kahinaan ay ang maaaring hindi
magandang impluwensiya niya sa kanyang pamangkin dahil sa kanyang
kasarian. Kaya nang dumating si Richard Halloway ay agad siyang nahulog
sa bitag nito.
4. Modesto – Matatag na lalaki dahlil kinakaya niya ang masasakit na salita
ng mga Kano. Ngunit sa kabila ng katatagan niya ay mahina pa rin siya dahil
ginagawa niyang panlutas ng problema ang alak.
5. Dolores – Isang babaeng nang magutom ay nagbenta na pati ng katawan.
Nabuntis ni Michael Taylor Sr. ngunit di na siya binalikan nito. Sa kabila nito
ay nagpakatatag siya at isinilang si Michael Taylor Jr.
6. William Smith – Isang responsableng Kano na pinakasalan ang isang
Pilipina nang mabuntis niya. Palakaibigan siya at hindi nananapak ng ibang
tao. Siya ay piping tumututol sa mga kamalian ng kanyang mga kalahi.
7. Johnson – Isang mapanlait at marahas na Kano. Minamaliit niya ang
kakayahan ng mga Pilipino.
8. Richard Halloway –Palakaibigan na Kano subalit masasabi rin na
minamaliit niay ang kakayahan at katayuan sa buhay ng mga Pilipino dahil di
siya makapaniwala na mayaman ang amo ni Igna. Mapagsamantala din siya
dahil ginamit niya ang kahinaan ni Ali para makuha ang mga kayamanan nito.
9. Igna – Mabait at mapagmalasakit an katulong ni Ali sa unang bahagi ngunit
nakakapoot na siya ay nasilaw din sa kinang ng pera sa huli.
10. Jeffrey – Ang pamangkin ni Ali na lumaki sa ibang bansa. Dahil dito ay
naapektuhan din ng pamumuhay doon ang kanyang pag-uugali kaya naging
pasaway ito.
11. Jun – Anak ni Modesto na labis ang pagnanais na makapagtrabaho sa
Base. Siyang dahilan ng pagkapahiya ni Modesto kaya naubusan ng
pagtitimpi.
12. Steve Taylor – Maituturing na kakaiba sa lahat ng Kano dahil may pag-
aalala at respeto kay Magda kaya nakasundo niya si Mike. Ngunit sa huli ay
manloloko rin pala siya dahil di niya sinabi kaagad na mayroon siyang
naiwang pamilya at ninais pa niyang ipalaglag ang bata sa tiyan ni Magda.

E. Banghay
Blondeng diyos. Ito ang maikling diskripsiyon kay Michael Taylor Jr.,
dalawampung taong gulang, isang G.I. Baby na folk singer sa Freedom Pad
sa Olongapo na malaki ang galit sa mga Kano dahil sa ginawang pag-iwan ng
mga ito sa kanyang inang si Dolores kaya wala siyang kinalakhang ama.
Magdalena naman ang pangalan ng naging kaibigan ng kanyang ina na

[15]
kinalauna’y umaruga dito hanggang sa ito’y mamatay. Sila’y namuhay na
magkasama sa iisang bubong. At kabaligtaran ni Mike, si Magda na isa ring
hostess gaya ni Dolores ay malaki ang pagkahumaling sa mga produktong
Kano at sundalong Kano sa pag-asang makapunta sa Amerika upang
guminhawa ang buhay. Sa Freedom Pad, nagkatagpo sina Alipio at Modesto
na nauwi sa isang gabi ng romansa. Nagawa lamang ito ni Modesto dahil sa
kanyang mapapait na karanasan sa loob ng Base at tanging alak lamang ang
kanyang labasan ng sama ng loob. Si Ali naman, sa kanyang paghahanap ng
makakatuwang sa pag-aaruga kay Jeffrey na kanyang pamangkin, ay agad
na nahulog ang loob sa noo’y nagpakilalang si Richard Halloway nang sila ay
nasa beach. Nagpatuloy ang normal na pamumuhay ng mga tauhan sa
maingay na siyudad ng Olongapo hanggang sa makilala ni Magda si Steve
Taylor na maituturing na kaiba sa ibang Kano. Ngunit si Modesto na sa
tuwina’y mapagtimpi, ay sumabog na’t sinubukang lumaban sa mga
sundalong Kano matapos malaman ng anak ang kanyang tunay na
sitwasyon. Lamang sana siya ngunit siya’s pinagtulungan, at nasawing-palad.
Ang matamis naman na pag-iibigan nina Ali at Richard ay balat-kayo
lang pala ‘pagkat siya’y inisahan nina Richard at Igna, ang kanyang boy sa
bahay. Ninakaw ng mga ito ang kanyang pera at binugbog pa siya. Mabuti na
lamang ay nasakluluhan siya ni Mike. Samantala, masaya sana si Magda na
siya’y nagdadalang-tao na ngunit nang siya ay ayaw pananagutan ni Steve
dahil siya ay may pamilya na sa Amerika at nang malaman ito ni Mike, isang
paghulakbos ng damdamin ang naganap. Nang gabing iyon sa Freedom Pad,
matapos kausapin ni Steve si Mike at sabihing ipalaglag na lang ang bata,
nagbalik sa alaala ni Mike ang kalupitan ng mga Kano sa kanyang mga
kaibigang sina Modesto, Ali at Magda. Sa isang iglap, pinaghahampas niya
ng kanyang gitara ang ulo ni Steve hanggang sa ito’y mamatay.
Sa wakas ng nobela, nakulong si Mike at sa pagdalaw ni Magda sa
kanya sa kulungan ay matatantong, si Magda na dating nahuhumaling sa
mga Kano ay tuluyan nang nagbago. Ipinagbigay-alam niya kay Mike na
papangalanan niya ang kanyang anak na Michael Taylor III. Bilang
pagtanggap ni Mike na siya na ang tatayong ama ng bata, mahigpit niyang
ginagap ang kamay ni Magda sa rehas.

F. Paggamit ng Simbolismo
1. Pagsasabi ni Mike kay Magda na kapag may dinala pa siyang Kano sa
kanilang apartment ay babasagin niya sa ulo nito ang kanyang gitara.
 Ito ang nabanggit ni Mike sa unang bahagi ng nobela nang minsang
mag-away sila ni Magda dahil dinala niya si Sam, ang kanyang
kostumer sa kanilang apartment at sa sala pa napiling mag-‘milagro.’
Alam ni Mike na sinadya ito ni Magda upang inisin siya at nang tuluyan
na siyang umalis sa bahay nila. Ngunit ayaw talaga ni Mike magpatalo
dahil katwiran niya, kumikita naman siya at mahirap nang maghanap
ng bahay na malilipatan. Sa hulihang bahagi ng akda, tila nagdilang-
anghel si Mike sapagkat nagawa niya ngang ihampas ang kanyang
gitara sa isang Kano, at kay Steve pa na natutunan na sana niyang
tanggapin. Bunga na rin ito ng sunud-sunod na kawalanghiyaan ng
mga Kano sa atin. Una ay ang pagpatay kay Modesto, sunod ay ang
panloloko ni Richard Halloway at Igna kay Ali at ikatlo ay ang

[16]
pagtatapat sa kanya ni Steve at hiling nitong ipalaglag na lang ang
bata sa sinapupunan ni Magda. Nagipun-ipon ang lahat ng ito kaya
naman din na niya napigilan ang kanyang sarili. Napatay niya si Steve
at siya’s nakulong.

2. Pagkaputol ng isa sa mga kuwedras ng gitara habang tinutugtog ni


Mike ang kanyang ikatlong kanta.
 Ito ang isa pa sa mga nagbibigay senyales na may masamang
mangyayari nang gabing iyon. Noong una’y akala ni Mike ay simpleng
tampuhan lamang ang namamagitan sa dalawa. Noong una’y akala
niya ay maayos din kaagad ang lahat ngunit sa mga sinabi ni Steve na
si Magda ay isa lamang puta, na siya ay may naiwang pamilya sa
States at paninisi nito kay Magda dahil ito umano ang lumimot sa tunay
nilang sitwasyon na akala niya’y nauunawaan nito una pa lang. Lahat
ng ito ay tuluyang sumira na rin sa sumisibol na sanang konsiderasyon
ni Mike na hindi lahat ng Puti ay masama. Ngunit punung-puno na siya.
Napigtas na rin ang kanyang pasensiya, pananalig at pag-asa na may
mabubuti ring Kano.
3. Pagdating ng barkong Kano at pagkakagulo ng mga tao sa Olongapo
bilang paghahanda gaya ng mga hostess na kuntudo sa pagma-make-
up.
 Hindi ba’t sa tuwing darating ang mga sundalong Kano ay grabe ang
ginagawang paghahanda ng mga waiter, hostess, manager atbp. Aba’t
sulputan ang mga iba’t ibang pampaganda, ang mga beauty salon ay
nabubuhay at mabubuhay na namang muli ang pangarap ng mga
hostess na makarating sa ibang bansa. Pag-asa nga bang talaga ang
nais ipahiwatig nito sa atin? Mas maunlad na buhay nga ba ang sa ati’y
ihahain? Para sa akin ay nagsisimbulismo lamang ito ng ating maling
paniniwala na ang mga Kano ang siyang solusyon sa ating mga
problema’t kahirapan. Kung pakasusuriin ay hindi ba’t higit na
kaguluhan sa kapwa kababayan ang sa ati’y hatid ng ‘barkong’ ito.
Dahil sa mga Kano ay di bale nang maapi ang kapwa Pilipino
maipakita lang ang ating pagiging “hospitable.” Tsk. Tsk. Mga Pinoy
talaga.
4. Pagsasantabi ni Magda sa mga produktong Pinoy gaya ng Mang
Tomas, Bagoong Ilokano at Patis-Pambihira. Sa halip, inilagay niya sa
lalagyanan ang kanyang bagong biling inported na produkto gaya ng
Ruby Ruth, Corned Beef at Hersey atbp.
 Ipinahihiwatig nito ang pagtangkilik ni Magda sa mga imported na
produkto sa halip na sariling atin. Ipinapakita rin nito ang
pangkahalatang persepsiyon nating mga Pilipino na basta’t galing
ibang bansa ay swak na sa kalidad o lasa. Pati na rin ang ating
pananabik sa mga ito ay naipakita nang sabay-sabay kainin ni Magda
ang kanyang pinamili. Ngunit, ewan kung dahil sa sabay-sabay niya
itong kinain at naghalo ito sa kanyang tiyan, o siya’y naapektuhan sa
sinabi ni Mike ukol sa balita sa London kung saan ilang katao ang
sinugod sa ospital matapos kumain ng sardinas galing sa Amerika. O
dili kaya’y totoo ngang may diperensiya ang mga pagkain, biglang
nagsusuka si Magda sa lababo at inilabas ang lahat ng kanyang kakain
pa lang. Tsk. Tsk.

[17]
5. Paggagap ni Mike sa kamay ni Magda ng mahigpit sa dulong bahagi
ng nobela.
 Ito ay naganap noong nasa kulungan na si Mike matapos ang krimen
at siya’y dinalaw ni Magda. Tinanong ni Magda na kung maaari ay
pagtulungan nilang palakihin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ginagap ni Mike ang kamay ni Magda sa pagitan ng mga rehas, tunay
na nagpapahiwatig ng kanyang pagsang-ayon sa hamon ng pagiging
isang ama sa kabila ng kahirapan. Ang paggagap na ito ay
nangangahulugang magtutulungan sila ni Magda at magsusumikap na
maging isang masayang pamilya.
6. Pagdurog ni Magda ng tsokolateng Baby Ruth sa kanyang palad
habang nasa ilalim ng arko sa parke na may nakasulat na “To The
Lasting Friendship of Two Great Nations.”
 Nang mga panahong ito ay tila napagisip-isip ni Magda ang mga sinabi
sa kanya ni Mike noong marami siyang pinamiling pagkaing stateside
at sa mga nagyari sa kanila nitong mga nakaraang buwan at sa
kanyang pagbubuntis ay makikitang nagbago na ng pananaw si
Magda. Simula ngayon hindi na siya tatangkilik ng mga produktong
Kano at di na aasang makapapangsawa ng isang Kano. Ang lahat ng
ito ay malumanay niyang tinaggap sa kanyang sarili. At tulad ng isang
tsokolateng natunaw, hindi na ito maibabalik pa sa orihinal na hugis,
ang pananaw at desisyon ni Magda ay pinal na.

G. Paglalapat
Sa unang tingin, hindi mo aakalaing ang isang maliit at tila pipitsuging
librong Gapo ni Lualhati Bautista ay mayroong napakaraming bagay, aral,
katotohanan at kaisipan ang sa ating mambabasa’y ipapamana. Sa
katotohanan, hindi ko intensiyong magbasa ng isang nobelang Tagalog
noong una sapagkat nasanay na ako sa nobelang isinulat sa wikang Ingles.
Pero dahil kailangan, sinimulan kong basahin ang pabalat, sa harap at sa
likod. Hmmm.... Mukhang kakaiba ang tema nito ah. Sa isip ko. Kaya
pagbuklat ko sa unang pahina, tila ako namahika ‘pagkat di ko na natigilan
ang pagbabasa. Ang pangyayaring ito ay noong ako’y nasa ikatlong taon pa
sa sekondarya, noong nakaraang taon. Oo, inuna kong basahin ang Gapo sa
kadahilanang mas manipis ito. Ngunit, huwag ka. Nakaka-adik pala. Eh di
sinunod ko naman ang Dekada ’70. At wow! Grabe ang laki-laki pala talaga
ng librong ito. Naloko ako ah! Haha. Bago pa kung anu-anong sabihin ko dito
ay nais ko lang ibahagi ang ilan sa mga napulot ko’t ibinulsang aral sa
nobelang ito.
Nagising ang natutulog kong diwa, damdamin at espiritung pagka-
Pilipino. Mapapansin mo naman sa kabuuan ng pagsusuring ito ay tila
pinapatutsadahan ko ang bansang Amerika o ang Estados Unidos. Oo, totoo
yun, bakit? Sa mas sersoyosong usapan, naramdaman kong mahal ko pala
ang bansa ko, ang kapwa ko at ang sarili ko. Kasi dati, basta gawang ibang
bansa, pinapanginoon natin, pero dahil sa akdang ito, mas nabigyang liwanag
ang mga haka-haka. Oo, wala naman payak na patunay si Lualhati maliban
sa kanyang karanasan, sa eksperiyensa ng mga taong biktima ng ‘kanilang’
kabutihang-puso.
Kung ang epekto nito sa ating bayan, sa palagay ko ay wala hangga’t
hindi nakakapagbasa ng isang nobelang tulad ng Gapo. Marahil sa aming

[18]
mga mag-aaral na required na basahin ito ay mayroon. Sana lang mabuti ito
at magamit sa tamang paraan at hindi lamang nalaman at wala na, ibinaon na
sa kung saan.
Well, sino ako para diktahan kayo sa paniniwala niyo. Basta ako, yan
ang ilan sa pinaniniwalaan ng isang batang tulad ko.

H. Kaisipan/Aral
1. Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa bayan.
-- Para sa akin, sa kanilang simpleng pamamaraan, maituturing na bayani
sina Modesto, Mike, Magda dahil inialay nila ang buhay sa ating bansa. Hindi
man sa paraang pagpapakamatay, sa paraan ng pamumuhay ay naipakita
nila ang tunay na ugali ng Pilipino sa mga pagsubok ng buhay. Si Modesto na
pilit nagtimpi sa kabila ng mga pang-aapi, si Mike na Kano man ang panlabas
na kaanyuan ay Pinoy na Pinoy ang paninindigan at si Magda na natuto sa
kanyang mga pagkakamali at sa huli ay nagbao nang tuluyan. Nakakabilib
hindi ba?
2. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
-- Ito ang nangyari kay Modesto nang mapuno na siya sa mga pinaggagawa
sa kanya at higit na nang malaman ng kanyang anak ang kalagayan niya sa
loob ng base. Ilang araw siyang nawalan ng kibo at nanahimik, pero isang
araw bigla siyang sumabog at di na nakapagpigil. Kaya, dapat tayong mag-
ingat sa pakikitungo sa kapwa natin. Matutong makipagkapwa nang
maiwasan ang pagkakaroon ng kaaway at gulo.
3. Batong buhay ka man na sakdal ng tigas, sa patak ng tubig lamang
naagnas.
-- Masasalamin ito sa nagyari kay Mike na animo napakatatag sa kabila ng
mga kaguluhan sa Gapo at tila balewala na lang sa kanya ito. Nang sumapit
ang oras na ang mga kaibigan naman niya ang nalagay sa alanganin, hindi
siya nakapagpigil at bumigay ang matagal nang tinitimping galit. Parang sa
tao, kahit gaano tayo kalakas, lahat tayo ay may kahinaan. Maaaring mga
mahal sa buhay o mga bahay na mahalaga sa atin.
(Halaw sa https://www.scribd.com/doc/44756593/Pagsusuri-Ng-Nobela-Gapo-ni-Lualhati-
Bautista)

TUNDO MAN AY MAY LANGIT DIN


Ni Andres Cristobal Cruz
(SURING BASA)
I. Pagkilala sa may Akda
Sa mga nobela ni Andres Cristobal Cruz, malinaw ang mga karanasan
pagkatapos ng digmaan. Sa kanyang kwento ay ipinakikita ang paglaganap
ng diwang kolonyal sa iba’t ibang larangan ng pulitika, ekonomiya, edukasyon
at kultura. Bagama’t ginamit ang paksang pag-ibig, hindi ito lubusang
piagtuunan ng pansin ng akda ni Cruz. Sa kanyang mga akda ay makikita ang
pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapwa.
Naipakita ni Cruz na ang akda ay salamin ng tradisyon ng isang
lipunang nagluwal dito. Nagawa niyang masining ang akda nang kinakitaan
ito ng makatotohanang gawi, paniniwala at saloobin ng pangkat ng tao. Mula
sa isang tiyak na lugar, nagiging makabuluhan ang isang akda kung ito ay

[19]
maaaring mapaghanguan ng mga makatotohanang pangyayari na naganap
sa isang tiyak na panahon.
II. Uri ng Panitikan
Ang akda ay isang nobela at lipunan. Ang akda ay karaniwan ng
salamin ng tradisyon ng isang lipunang nagluwal dito. Masining ang akda
sapagkat kinakitaan ito ng makatotohanang gawain, paniniwala, at saloobin
ng mga tao. Naging makabuluhan ang akda nung ito ay napaghanguan ng
mga makatotohanang pangyayari na naganap sa isang tiyak na panahon.
III. Layunin ng Akda
Ang akda ay nanlilibang at nakwentotungkol sa mga pangkaraniwang
gingawa ng mga tao. Ipinapakita din nito ang mga kabutihan at
pagmamalasakit ng mga kamag-anak at pamilya. Nagpapakita ito ng
pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa. Pinapakita nito ang mga tiyak na
tradisyon at kaugalian. Inilarawan nito ang lipunan. Higit sa lahat ipinakita nito
ang tiyak na kaisipang Pilipino.
IV. Tema o Paksa ng Akda
Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Ang paksa ng teksto
ay maaaring alam ng madaming tao sapagkat karaniwan lang itong
nangyayari.
V. Mga Tauhan / Karakter sa Akda
· Victor
- Ang mapapangasawa ni Alma
· Alma
- Ang mapapangasawa ni Victor
· Lukas
- Nagbigay kay Victor at Alma ng aksesorya na binayadan niya
ng pang-isang taon
· Aling Sion
- Ina ni Victor
· Mag-asawang Fuentes
- Ama at ina ni Alma
· Monching
- Dating manliligaw ni Alma
· Paking, Tatong Bambang, Pawng Gasti, Pilo
- Pulitiko
VI. Tagpuan / Panahon
Ang tagpuan at panahon ay makatotohanan. Sa Tpndo ito naganap at
sa ibang lugar na matatagpuan o may kinalaman sa kasal nila. Naging
makabuluhan ang akda dahil napaghanguan dito ang isang tiyak na panahon
mula sa isang tiyak na lugar.
VII. Nilalaman / Balangkas ng mga Pangyayari
Hindi naging isang gasgas ng pangyayari ang inilahad sa akda.
Walang kakaiba sa nilalaman ng akda. Dati na ang mga pangyayaring may
bagong bihis, anyo, anggulo, at pananaw. Ang balangkas ay sinimulan sa
pagpaplano para sa kanilang kasal. May kaisahanang pagkakapit ng mga
pangyayari mula simula hanggang wakas.

VIII. Mga Kaisipan / Ideyang Taglay ng Akda


Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga
kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at

[20]
karanasan. Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang
unibersal, likas sa tao at lipunan.

IX. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda


Epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita. Angkop sa antas ng
pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda. May bias ang
istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda. Masining din ang pagkakagawa
ng akda. Ito’y may kahalagahang tumugon sa panlasa ng mambabasa at sa
katangian ng isang mahusay na akda.
X. Buod
Malapit nang ikasal si Victor at Alma. Pumunta ang pamilya ni Victor sa
bahay ni Alma. Pinag-uusapan ang tungkol sa nalalapit na kasal nilang
dalawa. Nang mapagkasunduan nila ang tungkol sa kasal ay napagpasiyahan
na ni Aling Sion na umuwi.
Bago ang kasal nilang dalawa, pumunta sila sa aksesorya kasama si
Lukas. Nagulat ang dalawa dahil binigyan sila nito ng aksesorya at bayad na
ng isang taon. Nagpasalamat na silang dalawa kay Victor.
Naging simple lang ang kanilang kasal. Nagkaroon lang din ng simpleng
handaan. Natapos din ang araw na kanilang pinakahihintay.
Naglambingan ang dalawang mag-asawa. At pagkaraan ng ilang
sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo ay sinimulang likhain, sa kabila ng
ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t
nagkakaugnay na pangarap ang isang bago’t matapang na daigdaig. Isang
daigdig na kaypalay may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.
(Halaw sa suring-basa isinagawa ni Angelica Marie Magante)

[21]

You might also like