You are on page 1of 7

Si Florentino Tansioco Collantes ay kilala sa tawag na ”kuntil-butil”, siya ay

isa sa mga magagaling namanunulat at makatang Pilipino, sa murang gulang palamang nito ay
nakapag ambag na ito ng mga akdang pampanitkan at nagging pangunahing katungali ni Jose
Corazon de Jesus sa larangan ng balagtasan. Ginamit niya ang tula sa mga political na kritisiso
noong panahon ng Amerikano.

Ang akdang “Ang Lumang Simbahan” ay sinulat sa anyong tulang pasalaysay


ito ay nag lalaman ng bakas ng kolonyalismo sa ating bansa mababasa rin nating sa akda ang
impluwensyang naiwan ng mga banyaga na kalaunan ay naging parte nan g pamumuhay ng
mga Pilipino.

Layunin ng akdang ito ang ipahayag sa bawat Pilipino na tayo ay wagas kung
mag mahal at likas na mapag dasal. Mababasa rin natin sa akdang ito ang mga ang mga
palatandaan ng mga imlpuwensyang ating nakuha sa mga dayuhang mananakop.

Tema: Ang tulang Ang Lumang Simban ay pumapaksa sa pag ibig at katatakutan.

Mga tauhan:

Ang mag kasintahan

- ( Ang Dalaga) Anak mayaman ngunit tapat ang pag sinta sa mag sasakang
binata.

- (Ang Binata) Isang mahira na mag sasaka.

Ang matandang nag mumulto

- Ito ay nag susuot ng puti at may apoy sa bibig na kung saan umano sa gabi
lamang namamalas

Mga tao sa bayan

-Takot na takot at pinangingilagan ang lumang simbahan.

Tagpuan/Panahon:

Sa lumang abandonadong simbahan sa isang maliit na bayan na balot na ng lumot ng


kapanahonan. Na kung saan pinangingilagan at kinakatakotan ng lahat ng tao sa naturang
bayan dahilan sa di umanoy may nagmomultong matanda.

Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda:

Ang akdang ito ay nag tataglay ng mga kaisipang hango sa mga totong pang yayari sa tunay na
buhay. Kung saan itinalakay ng may akda ang katatagan ng dalawang mag kasintahan na ipag
laban ang kanilang pag mamahalan kahit paman sa mga tutol sa kanilang pag iibigan at ang
kanilang matibay na pananalig Inang Berhen Maria. Itinalakay rin ng may akda ang mga
katatakutan di umano’y ng yayari sa naturang simbahan.

Istilo ng pag kakasulat ng akda:

Ang istilong ginamit sa pagsulat ng akda ay makatawag pansin. Ito ay madaling maintindihan
ng mga mambabasa, kahit paman may kalaliman ang ibang mga salitang ginamit sa akda.Ito ay
hindi naging hadlang upang madaling maunawaan at tangkilikin ng mga mambabasa. Ang
akdang ito ay hindi lamang naka sentro sa isang paksa na isa sa mga naging dahilan ng pag
kakaiba nito sa ibang mga akdang patula.

Buod:

Ipapahayag ng tulang ito ang wagas na pag mamahalan ng dalawang magkasintahan. Sa isang
abandonadong lumang simbahan, sa isang maliit na bayan na kung saan ito’y nalimot na ng
kapanahunan. Ang itsura nito’y waring libinagan dahil sa mga damong dito’y gumagapang. Sa
bandang silangan ng simbahan matatagpuan kampanang basag na nagmula pa sa
kapanahunan ng mga kastila. Ang sabi, nabasag raw ito sa kapanahunan ng digmaan,
bumagsak sa lupa kaya ito’y nabasag ito’y paniniwala ng mga matatanda.

Doon daw sa lumang simbahan ay may nakatagong isang matanda na sa tuwing gabi lamang
namamalas. Ito’y naglalakad at nakasuot ng puting damit na mayroong ilaw sa bibig ito’y
yaong nakabalot na hiwaga sa lumang simbahan. Na sa tuwing umaga na sisilipin ng mga tao
ang lumang simbahan ay walang matanda ang kanilang makikita. Kaya mula noon
kinatatakutan at pinangingilagan ang naturang simbahan. Minsan tumugtug ang kampanang
basag nakakakot ang yaong pangyayari. Kinabusan pa mayroong libingan sa harap ng altar.

Lumaki ang balitang nakakagimbal lalong pinangilagan ng taong bayan ang lumang simbahan
wala ng naglakas loob na pumasok dito at nang isang gabing payapa mayhinaing na
nanggagaling sa lumang simbahan na parng tanghoy ng isang may lubhang sakit ngunit isang
gabi may isang taong nagtapang-tapangan at mag isang pumasok sa lumang simbahan. hindi
pa nga ito nagtatagal sa loob ay dali dali itong lumabas at ang sabi niya’y mayroon siyang
nakitang multo na puti ang suot at binaril niya ngunit di ito natablan. Sa ganoong pangyayari
ay lalong pumutok sa taong bayan ang nakagigimbal na balita tungkul sa lumang simbahan.
mula noon kahit may taong dadaan sa simbahan ay di makuhang tumingin man lamang dito
kahit may birhen sa loob ay walang nanalangin kaya ang lumang simbahan ay naging parang
isang libingan.

Pero may isang gabi nagliwang ang simbahan mayroong magkasintahan na ayaw ipakasal ng
kaning magulang sila ay lumuhod sa harap ng altar at nanalangin at humingi ng tawad sa
kanilang binabalak na pagpapatiwakal sapagkat ang ama raw ng babae ay tutol sa kanilang
pag-iibigan dahil ang kanyang iniirog ay magsasaka lamang pero ang babae ay tapat sa
kanyang iniirog kaya sila’y nagsama at nagbalak na sabay magpatiwal upang sa kabilang buhay
doon nila’y ipagpapatuloy ang kanilang pagmamahalan.

Doon ay lubos silang nag-iyakan at sila’y nagyakapan sa kanilang gagawin pagpapatiwakal


gamit ang sandatang kanilang itutusok sa kanilang dibdib pero bago yun napag isip-isip ng
binata na bago nila tuluyang itusok ang sandata sa kanilang dibdib ay maghukay muna sila ng
malalim gamit ang pala ng sa ganoon magsasama silang babagsak sa hukay. Ngunit sa knilang
paghuhukay kanilang natagpuan ang napakaraming kayamanan kaya ang balak na pagtitiwakal
ay naudlok sa labis na kagalakan. Nagdasal sila at nagpasalamat sa birhen sila’y umuwi pasan
ng binata ang naturang kayamanan.

Simula noon ay pinaayos nila ang simbahan at pinagawa ang nasilang kampana at sila’y
nagdaos ng pista na kung saan sampung araw ang tagal ng tugtugan nawala ang takot ng taong
bayan sa lumang simbahan at doon unang nagpakasal sa simbahan ang magkasintahan. Ang
kayamanan palang yaon ay pagmamay-ari ng isang puno ng tulisan.
A. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA

Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa
wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa
pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.

Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C.


Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal.
Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik naK bilang kapalit ng C para sa kaniyang
panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral
sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa
Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang
paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900,
nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog,
katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahingSampaguita.
Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng
Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging
Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin
siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Sariling Buhay

Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon


sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali
ng buhay ay hinangad ni Santos na magingWikang Pambansa ang Wikang Tagalog.

Sa Larangan ng Politika

Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ngNueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya
bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.

Mga Nagawa

Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:

• Balarila ng Wikang Pambansa

• Banaag at Sikat, isang nobela

• Salawahang Pag-ibig

• Kandungan

• Batas ng Halalan

Mga Tula

• Pagtatapat

• Ako’y si Wika

• Puso at Diwa

• Nag-iisa Ako
• Ako’y si Bayan atbp….

B. ELEMENTO NG TULA

1. Tugma – ang tugma ay ang pagkakapareho sa mga huling salita sa isang taludtod. Sa
tulang ito ay mayroong mga tugmang nakapaloob. Mapapansin nating may pagkakapareha sa
bawat huling pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod.

2. Sukat – ang tulang ito ay may lalabing-dalawahin (12) na pantig. Ito ay tradisyonal na
anyo ng tula.

3. Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula - sa tulang ito, nagpapahiwatig ito ng pagtatapat ng


pag-ibig sa kanyang iniirog. Ipinapakita sa tula ang matinding pagmamahal sa kanyang iniirog.
Kahit anong mga pagsubok o suliranin ang dumating sa pagmamahalan ng dalawang tao ay
kapit-bisig nila itong harapin para pagtulungan upang ito’y malampasan at kahit ano man ang
mangyari ay dapat isentro ang Poong Maykapal sa isang relasyon upang ito’y mapagtibay.

4. Talinghaga – sa tula ay may mga salitang may matatagong kahulugan tulad ng:

a. Sa ulo mo’y ako ang buong masilid – iniisip o laman ng isipan

b. Ang labi ko’y siyang lumasap ng tamis – halikan

c. Bungang-tulog – panaginip

d. Kamanyang ko lamang ang naisusuob – ang aking pag-ibig ang iyong pipiliin

e. Tinik sa puso – problema o hinanakit

f. Aklat ng pagsinta – pagsuyo sa iniirog

g. Lantang bulaklak – puno ng kalungkutan

5. Imahen o Larawang-diwa – sa tulang ito, gumamit ito ng mga larawang-diwang altar,


bulaklak, tala, ulap, lupa, luha at tinik na nagtataglay ng mga kahulugan.

6. Aliw-iw – tradisyonal ang pagbigkas ng tulang ito, taglay ng tulang ito ang tamis at
maindayog na pagbigkas.

7. Persona – isang taong nagpapakita ng matinding pagmamahal sa kanyang iniirog. Kahit


anong mga pagsubok na darating sa kanilang pagmamahalan ay kaya-kaya nila itong harapin.
Isang taong mapagmahal at matatag sa kanilang pag-iibigan.
C. IMAHINISMO

Sa tulang ito, makikita natin ang mga iba’t-ibang imahinismong ginagamit ng may-akda
para irepresenta ang mga bagay-bagay. Gumagamit ang tula ng imaheng altar, bulaklak, tala,
ulap, lupa, luha at tinik na mayroong iba’t-ibang representasyon na nakatutulong sa pagsusuri
ng tula upang ito’y mas lalong maintindihan ng mga mambabasa o manunuri.

D. PANGKASAYSAYAN

Ang tulang ito ay may malaking ambag sa sangkatauhan sapagkat taglay nito ang
aspektong pagmamahal na isa sa pinakamahalagang sangkap tungo sa katagan at kapayapaan
ng sangkatauhan lalung-lalo na sa relasyon
AKOY SI DANGAL

Anong pakay ng marunong, anong nais ng mayaman,


Anong layon ng bayani’t anong hanap ng matapang
Ang iba naman ay salapi, ang iba’y kasiyahan,
Ang lahat na ang sa akin halos nagpapakamatay;
Pagka’t ako’y gantimpala ng talino’t kagitingan,
Ako’y yamang namamana ng sang-angkat sanlohika,
anong sa lipunan akoy tampok at panghuli sa lakaran,
Anong layon ng bayanit anong upong bukod na tanghali’t purihin ng
karamihan;
Ako’y dahon at bulaklak, gintot kasiyahan,batong makikinangang
na sa ulo pagkaputong ay nagiging kabantungan,
ang ngalan ko’t halimuyak, kagitingan, papawirin, alingawngaw,
na kung minsan, di-magkasya na buo mang santinakpan.
Ngunit, akoy palaging may isang Kaaway,
At may isang sakdal-samang tagapayo’t sanggunian,
kagitingan yan una’t itong huli’y kahambungan;
kapwa sila walang mithi kundi ako’y maihapay,
ang alin man sa dalawa at talagang nangatawan,
nakikitil ang buhay ko sa sangkisapmata lamang
madalas na kahit ako’y sa langit namuhay,
kaya, Tao: hindi pagkat may putong kang puri’t
dangal, maghahambog at akala’y marangal na habang-buhay
laking hirap, sakdal-luwat mag-impok ng karangalan.
28. Akoy si Dangal: Analisis Integrity Ang mabuting dangal ay pinaghihirapan Simbulo ng talinot
kagitinganAng mga taong nagiisip bago gumawa ng kani-kanilang mga desisyon ay mayroon
nitoGusto ito ng mga mayaman pero mahirap itong kunindahil kailangan ng mabubuting
asalDapat ingatan dahil madaling mawala.

You might also like