You are on page 1of 1

Tangguid, Lyndon C.

BSE-2 Sanaysay at Talumpati


GAWAIN 1

 Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ipaliwanag ang talumpati sa iyong sariling pagkaunawa.
 Ang talumpati ay malayang pagpapayahag ng damdamin o ideya sa entablado na naglalayong
manghikayat, mangatwiran o makapagbigay ng kaalaman sa mga tagapakinig.
2. Anu-ano ang kahalagahan ng talumpati?
 Ang kahalagahan ng talumpati ay mahahasa ang kahusayan ng tagapagsalita sa paghikayat upang
paniwalaan ang pangangatwiran sa paksang tinatalakay at maging ang kanyang malinaw at maayos
na pagbigkas ng mga salita kahit sa harap ng maraming tao.
3. Paano isinasagawa ang talumpati?
 Isinasagawa ang talumpati sa pamamagitan masusing paghahanda mula sa pagpali ng
paksa,pagkalap ng materyales at kaalaman,paghati sa paksa sa tatlong bahagi, hanggang sa linaw
ng pagbigkas ng mga salita, lakas ng boses,maayos na tindig at kilos at maging ang kumpas ng mga
kamay bago isagawa ang pagtatalumpati.s
4. Paano maging isang epektibong mananalumpati?
 Magiging isang epektibong mananalumpati ang isang tao kung magagawa niyang maging mahusay
sa pagbigkas ng mga salita at maging pormal ang tindig at kung paano kumilos sa entablado para
makahikayat ng mga taga pakinig.
5. Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagtatalumpati?
 Ang mga dapat tandaan sa pagtatalumpati ay dapat wasto at malinaw na ang pagbigkas ng mga
salita. huwag masyadong malakas o mahina ang boses. Ibatay ang lakas ng boses sa damdaming
ipapahayag,ayusin ang tindig.Kumilos ng angkop sa sinasabi,Iangkop ang ekspresyon ng
mukha,iwasang magkamot ng ulo. At ayusin ang kumpas ng kamay.
6. Anu-ano ang mga paghahanda sa pagtatalumpati?
 Sa paghahanda ng talumpati ay maghanap o pumili muna ng gagawing paksa, siguraduhing ang
paksang napili ay angkop sa interes ng mga tagapakinig. Pagkatapos makapili ng paksa ay magtipon
ng materyales at karagdagang mga kaalaman tungkol sa napiling paksa upang mas maging hitik sa
kaalaman ang gagawing talumpati.Pagkatapos isulat ang gagawing talumpati ay hatiin ito sa tatlong
bahagi ang simula kung saan ilalahad ang layunin ng paksa upang makuha ang atensyon ng
tagapakinig, ang katawan o gitna kung saan ilalahad ang paksang tinatalakay at katupusan o wakas
na kung saan ilalahad ang buod ng paksang tatalakayin at mga katibayan,katwiran at paniniwala
para makontento ang mga tagapakinig.

GAWAIN 2

 Punan ang bawat kolumn ayon sa bawat katangian ng isang mahusay na mananalumpati ayon sa
iyong sariling salita.

kahandaan Kaalaman sa paksa Kahusayan sa pagsasalita


Nakaka-inganyong pakinggan Malinaw ang pagdedetalye sa Malinaw ang pagbigkas ng mga
ang paksa paksa salita
May sapat na impormasyon sa Maayos ang pagkasunod-sunod Angkop ang lakas ng boses sa
paksang tinatalakay ng mga impormasyon sa paksa damdaming ipinapahayag
Pormal ang kasuotan at kung Kompleto ang mga Gumamit ng mga magagalang
paano gumalaw sa entablado impormasyon sa paksang na salita
tinatalakay

You might also like