You are on page 1of 45

Ano nga ba

ang pagsulat?
Ang pagsulat ay artikulasyon
ng mga ideya, konsepto,
paniniwala at nararamdaman
na ipinahahayag sa paraang
pasulat, limbag at elektroniko
(sa kompyuter).
Yugtong
Pangkognitibo
nasa isip lahat
natin ang ating
mga isusulat
nagkakaroon ng artikulasyon ang mga
Ideya
paniniwala at iba pa
sa dahilang masusing dumaraan ito sa
isipan ng tao
napag-isipan, naisapuso o naunawaan
bago naisulat
Proseso ng
pagsulat
nagkakaroon ng hulma at tiyak
na hugis ang mga ideya at
konseptong nasa isipan ng tao
habang unti-unting naisusulat
ito sa papel
nagkakaroon ng
kaganapan ang
yugtong pangkognitibo
sa pagsulat na mismo
Yugtong Proseso ng
Kognitibo pagsulat
magkasama o
magkakambal
IBA’T IBANG URI
NG PAGSULAT
Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at
ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong
pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod
na proseso ang pagsulat at laging gingamit dito
ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto.
Karaniwang mga halimbawa nito ang
akademikong pagsulat ng sanaysay,
pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang mga
salitang ginagamit sa pagsulat ng mga sulating

PORMAL
pormal.
Ito ay mga sulatin na malaya ang
pagtalakay sa paksa, magaan ang
pananalita, masaya at may
pagkapersonal na parang nakikipag-usap
lamang sa mga mambabasa. Ang ilang
halimbawa nito ay di-pormal na
sanaysay, talaarawan, kwento at iba pa.
DI-PORMAL
kumbinasyon ng
pormal at di-pormal na
uri ng pagsulat
KUMBENSYON
ANYO NG
PAGSULAT AYON
SA LAYUNIN
Tinatawag din itong pagpapaliwanag
na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa
mga pangyayari, sanhi at bunga, at
magkakaugnay na mga ideya at
pagbibigay ng mga halimbawa.

PAGLALAHAD
Nakapokus ito sa kronolohikal o
pagkakasunud-sunod na daloy ng
pangyayaring aktwal na naganap. Isa pa ring
pokus ang lohikal na pagsulat. Nakasalalay sa
may-akda ng maikling kwento o nobela ang
mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng
salaysay. Gumagamit ng iba’t ibang istilo o
istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga
manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.

PAGSASALAYSAY
Ipinapahayag dito ang
katwiran, opinyon o
argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyu na
nakahain sa manunulat.
PANGANGATWIRAN
Isinasaad sa panulat na ito ang
obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil
sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.

PAGLALARAWAN
PROSESO NG
PAGSULAT
Pagtatanong
at Pag-uusisa
Nabubuo rito ang paksa ng sulatin.
Hindi ganap ang pagtatanong lamang
kung kaya’t ang mausisang isipan ang
nagbibigay-daan para makahanap ng
sagot sa tanong.Ang pag-uusisa ang
pangunahing simula ng isang masinop
na pananaliksik / sulatin.
Pala-palagay
Mga posibleng haka-haka sa isang paksang
susulatin. Iniisa-isa ang sanhi at bunga ng
pangyayari habang nag-iisip kung paano
bubuuin ang balangkas ng paksa.
Pinakamahabang bahagi ng proseso ng
pagsulat sapagkat sa yugtong ito ang
manunulat ay naghahanap ng sagot at
maaaring magpatuloy sa pagsulat ng iba pang
mga tanong.
Tinatawag ng ilan ang yugtong ito bilang
incubation period.
Inisyal na
pagtatangka
Sa bahaging ito, kailangang maipokus
ng manunulat ang saklaw ng
pananaliksik na gagawin. Ito ang
yugto na tatangkain ng manunulat na
ayusin ang panimulang datos, pala-
palagay at iba pang impormasyon
para makabuo ng balangkas.
Pagsulat ng
unang borador
Kung handa na ang lahat ng
sanggunian at maayos na ang daloy
ng paksa at detalye ng paksa ayon sa
balangkas nito, maaring sulatin na ang
unang borador. Dito na ibubuhos ng
manunulat ang kanyang kasanayan,
kaalaman at kakayahan upang
mabuo ang papel.
Pagpapakinis ng
papel
Kung tapos na ang unang borador,
muli’t mulingbabasahin ito para
makita ang pagkakamali sa
ispeling, paggamit ng salita,
gramatika at ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at
katwirang nakapaloob sa
komposisyon.
Pinal na papel
Kapag nasuyod nang
mabuti ang teknikal na
bahagi at nilalaman ng
papel, pwede nang ipasa at
ipabasa ito sa guro o sa iba
pang babasa’t susuri nito.
PROSESO NG
PAGSULAT
Titulo o Pamagat
Naglalaman ito ng titulo o pamagat
ng papel; pangalan ng sumulat,
petsa ng pagkasulat o pagpasa, at
iba pang impormasyon na
maaaring tukuyin ng guro.
Introduksyon o
Panimula
Karaniwang isinasaad dito ang
paksa, kahalagahan ng paksa,
dahilan ng pagsulat ng paksa at
pambungad na talakay sa daloy ng
papel.
Katawan
Dito matatagpuan ang mga
pangunahing pagtalakay sa
paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag,
pagsasalaysay, paglalarawan
at paglalahad ay matatagpuan
sa bahaging ito.
Kongklusyon
Dito nilalagom ang mga
mahahalagang puntos ng papel.
Isinasaad din sa bahaging ito ang
napatunayan o napag-alaman batay
sa paglalahad at pagsusuri ng mga
impormasyong ginamit sa papel o sa
pananaliksik.

You might also like