You are on page 1of 39

PAUL JOHN A.

MARIANO, LPT
Ano nga ba ang
akademikong pagsulat?
Paano nga ba ito
mabibigyang-kahulugan?

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
KAHULUGAN
Mahirap lapatan ng isang
simpleng depenisyon ang
terminong akademikong pagsulat
dahil tumutukoy ito sa pagsulat na
isinasagawa para sa maraming
kadahilanan. Mayroon ding iba-
ibang anyo ang akademikong
pagsulat, at bawat isa sa mga iyon
ay may kalikasang ikinaiiba sa iba.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
KAHULUGAN
Kinapapalooban ito ng ano
mang itinakdang gawaing pasulat
sa isang setting na akademiko.
Ginagamit din ang akademikong
pagsulat para sa mga
publikasyong binabasa ng mga
guro at mananaliksik o inilalahad
sa mga komperensya
(http://grammar.yourdictionary.com).
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
KAHULUGAN AT KALIKASAN
Ano mang akdang tuluyan o
prosa na nasa uring ekspositori o
argumentatibo at ginagawa ng mga
mag-aaral, guro o mananaliksik
upang magpahayag ng mga
impormasyong tungkol sa isang
paksa.
Inaasahang ang pagsulat na ito
ay tumpak, pormal, impersonal at
obhetibo.(http://grammar.about.com).
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
KALIKASAN
Ayon kina Fulwiler at Hayakawa
(2003)

KATOTOHANAN
EBIDENSYA
BALANSE

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


KATOTOHANAN
Ang isang mahusay na akademikong
papel ay nagpapakita na ang
manunulat ay nakagagamit ng
kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


EBIDENSYA

Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina


ay gumagamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensya
upang suportahan ang katotohanang
kanilang inilalahad.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


BALANSE
Nagkakasundo ang halos lahat ng
akademya na sa paglalahad ng mga
haka, opinyon at argumento ay
kailangang gumamit ng wikang
walang pagkiling, seryoso at di-
emosyonal nang maging makatwiran
sa mga nagsasalungatang pananaw.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
KATANGIAN
Ayon sa http://www.uefap.com, ang
akademikong pagsulat sa wikang Ingles ay
linear. Walang dahilan upang hindi mailapat
ang gayong obserbasyon sa wikang Filipino o
sa iba pang wika.
Ang akademikong pagsulat sa ano
mang wika ay may tinutumbok na isang
sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi
ay nag-aambag sa pangunahing linya ng
argumento nang walang digresyon o
repetisyon.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
KATANGIAN
Ayon sa http://www.uefap.com, ang iba
pang katangian ng akademikong pagsulat ay
ang mga ss.
KOMPLEKS
PORMAL
TUMPAK
OBHETIBO
EKSPLISIT
WASTO
RESPONSABLE

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


KOMPLEKS
Ang pasulat na wika ay mas kompleks
kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika
ay may higit na mahahabang salita, mas
mayaman sa leksikon at bokabularyo.
Maidaragdag pa rito ang kompleksidad
ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa
ano mang pasulat na gawain.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


OBHETIBO
Ang akademikong pagsulat ay obhetibo sa
halip na personal. Ang kadalasang pokus nito ay
ang impormasyong ibinigay at ang mga
argumentong nais gawin, sa halip na ang
manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.

EKSPLISIT
Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa
ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng
manunulat na gawing malinaw sa mambabasa
kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay
nauugnay sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang signaling words sa teksto.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
PORMAL
Higit na pormal ang akademikong
pagsulat kaysa sa iba pang sangay ng
pagsulat. Hindi angkop dito ang mga
kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.

TUMPAK
Sa akademikong pagsulat, ang mga
datos tulad ng facts and figures ay inilalahad
ng tumpak o walang labis at walamg kulang.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


WASTO
Ang akademiko ay gumagamit nang wastong
mga bokabularyo o salita. Maingat dapat ang
manunulat sa paggamit ng mga salitang madalas
katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang
manunulat.

RESPONSABLE
Ang manunulat ay kailangang maging
responsable sa paglalahad ng mga ebidensiya,
patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang
argumento. Kailangan din maging responsable sa
pagkilala sa mga hanguan ng impormasyong
kanyang ginamit.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
KATANGIAN
Sa mga katangiang natalakay ay
maidaragdag ang mga sumusunod na mula
naman sa http://www.vsm.sk.

MALINAW NA LAYUNIN
MALINAW NA PANANAW
MAY POKUS
LAHIKAL NA ORGANISASYON
MATIBAY NA SUPORTA
MALINAT AT KUMPLETONG EKSPLANASYON
EPEKTIBONG PANANALIKSIK
ISKOLARLING ESTILO SA PAGSULAT
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
MALINAW NA LAYUNIN
Layuning matugunan ang mga tanong
kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong
na ito ang nagbibigay ng layunin.

MALINAW NA PANANAW
Ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya
at saliksik ng iba, ang layunin ng papel ay
maipakita ang sariling pag-iisip hinggil sa
paksa. Ito ay tinatawag na sariling punto de
bista ng manunulat.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
MAY POKUS
Bawat pangungusap at bawat talata ay
kailangang sumusuporta sa tesis na
pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi
kinakailanagan, hindi nauugnay, hindi
mahalaga at taliwas na impormasyon.

LOHIKAL NA ORGANISASYON
Ang pagsulat ay may sinusunod na istandard na
organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan ng
akademikong papel ay may itroduksiyon, katawan
at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na
nauugnay sa kasunod na talata.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
MATIBAY NA SUPORTA
Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat
at kaugnay na suporta. Ito ay maaaring
kapalooban ng facts, figures, halimbawa,
deskripsiyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto
at siniping pahayag.

MALINAW AT
KUMPLETONG EKSPLENASYON
Bilang manunulat kailangang matulungan ang
mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng
paksa ng papel at magiging posible lamang ito
kung magiging malinaw at kumpleto ang
pagpapaliwanag sa bawat punto.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
EPEKTIBONG PANANALIKSIK
Karamihan ng akademikong papel,
kailangang gumamit ng napapanahon,
propesyonal at akademikong hanguan ng
mga impormasyon. Dahil dito,
napakahalaga ng pananaliksik sa
akademikong pagsulat. Kaugnay nito,
mahalagang maipamalas ang intelektwal
na katapatan sa pamamagitan ng
dokumentasyon ng lahat ng hinangong
impormasyon o datos.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
ISKOLARLING ESTILO
SA PAGSULAT
Kakaiba ang estilo sa akademikong
pagsulat, kaysa iabng uri ng pagsulat, tulad
halimbawa sa maikling pagsulat. Iskolari ang
estilo ng pagsulat ng akademikong papel
dahil sinisikap dito ang kalinawan at
kaiiklian. Kailangan ding maging madaling
basahin ang akademikong papel, kung
kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga
pagkakamali sa gramatika, ispeling,
pagbabantas at bokabularyo sa pagsulat.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
LAYUNIN
Layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at ang
mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng
isang akademikong papel. Ang karaniwang layunin
ng akademikong papel ay

MAPANGHIKAYAT
MAPANURI
IMPORMATIBO

(http://www.vsm.sk)
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN
Layunin ng manunulat na mahikayat
ang kanyang mambabasa na maniwala
sa kanayang posisyon hinggil sa isang
paksa.
Kung kaya upang maisakatuparan
ang layunin na ito, pumipili siya ng
isang sagot sa kanyang tanong,
sinusuportahan iyon gamit ang mga
katwiran ebidensya, at tinatangkang
baguhin ang pananaw ng mambabasa.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
MAPANURING LAYUNIN
Inatawag din itong analitikal na pagsulat.
Layuning ipaliwanag at suriin ang mga
posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang
pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat,
madalas iniimbestigahan ang mga sanhi,
ineeksamen ang mga bunga o epekto, sinusuri
ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng
paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-ugnay ang
iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento
ng iba.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
IMPORMATIBONG LAYUNIN

Layuning ipaliwanag ang mga


posibleng sagot sa isang tanong
upang mabigyan ang mambabasa
ng bagong impormasyon o
kaalaman hinggil sa isang paksa.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
TUNGKULIN O GAMIT
Ang akademikong pagsulat ay isang
pangangailangan. Walang nakakakumpleto ng
bawat baitang sa mga mataas na paaralan at
kolehiyo nang hindi nagsusulat ng mga
akademikong papel. Lalo na sa antas-gradwado.

Maraming dahilan kung bakit isang


pangangailangan ang akademikong pagsulat sa
lahat ng antas ng pag-aaral. May mga tungkuling
ginagampanan ang gawaing ito na lubhang
mahalaga. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng kahusayan sa wika.
Sa apat na makrong kasanayang
pangwika, pagsulat ang pinaka huli.
Pagsulat ang pinakahuling natutuhan ng
isang tao at ang pinakamahirap linangin.
Hindi sapat ang mataas na antas ng
kasanayang pangwika sa Pakikinig at
Pagbasa. Kailangang matapatan ang mga
ito ng mataas ding antas ng kasanayan sa
Pagbasa at Pagsulat, at nalilinang ito sa
akademikong pagsulat.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
Ang akademikong pagsulat ay
tinitignan bilang isang proseso, kaysa bilang
isang awtput ito ay maaring kasangkutan ng
pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba
pang mental o pangkaisipang gawain.
Ang isang mahusay na manunulat ay
isang mahusay na mambabasa. Halos
imposibleng makasulat ng isang mahusay
na akademikong papel ang isang manunulat
nang hindi nagbabasa.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang
ng mga pagpapahalagang pantao.

Hindi lamang kaalaman at kasanayan


ang nililinang sa paaralan. Tungkulin din ng
edukasyon ang linangin ang mga kaaya-
ayang pagpapahalaga o values sa bawat
mag-aaral.
Sa pamamagitan ng akademikong
pagsulat nililinang ang katapatan ng bawat
mag-aaral.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang akademikong pagsulat ay
isang paghahanda sa propesyon.
Hindi lamang mga propesyonal na manunulat
tulad ng mga mamahayag at mga awtor ang
nagsusulat. Halos lahat ng propesyon ay
kinasasangkutan ng pagsulat.
Ang akademikong pagsulat sa SHS sa academic
track ay hindi lamang isang paghahanda sa mga mag-
aaral sa mga mapanghamong gawain sa kolehiyo.
Ang SHS ay nagsisilbing tulay upang mapunan
ang dating umiiral na gap sa pagitan ng haysukl at
kolehiyo at layunin ng pagsulat ang paglinang ng global
na kompetetibnes sa mga Pilipinong propesyonal.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Maraming anyo ang akademikong


pagsulat pinakapopular sa mga ito ay ang
reaction paper at term paper dahil sa dalas ng
pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-
aaral.Ang mga anyong ito ay hinati sa tatlong
kategorya.
Ang unang kategorya ay ang mga
karaniwang anyo dahil ang mga ito ang
madalas ipagawa sa mga mag-aaral tulad ng
Sitesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang ikalawang kategorya ay personal


nakatuon ito sa manunulat, sa kanyang iniisip
at nadarama kaugnay ng kanyang paksa,
maging sa kanyang mga personal na
karanasan.
Nakapaloob dito ang Replektibong
Sanaysay, Posisyong Papel, Lakbay-Sanaysay
at Pictorial Essay.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang ikatlong kategorya ay ang iba pang


anyo, walang ibang dahilan ang
pagkakategoryang ito maliban sa residual ang
mga ito. Hindi nabibilang ang mga ito sa una at
ikalawang kategorya.
Nakapaloob dito ang Bionote, Panukalang
Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT

You might also like