You are on page 1of 8

SULATING

PANANALIKSIK
MGA NEGATIBONG EPEKTO NG
CYBERBULLYING SA MGA MAG-AARAL NA
NASA EDAD 13-19 NG MOTHER OF
PERPETUAL HELP SCHOOL, INC. SA
KANILANG PANG ARAW-ARAW NA
BUHAY

PANGALAN: ABENIDO, JOHN RAFAEL L.

BAITANG: GRADE 11 HUMSS-OPTIMISTIC

PANGALAN NG GURO: MS. SHIELA JANE NAIVE


PAUNANG KAALAMAN O BACKGROUND
Ang pagmamaton sa Internet o "cyber-bullying" ay ang paggamit

ng Internet at iba pang kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na

makasakit ng kapwa tao. Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa

mga kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y

matigil na. Ang katawagang "cyber-bullying" sa Ingles ay nilikha at

binigyang kahulugan ni Bill Besev bilang “paggamit ng teknolohiyang pang-

impormasyon at pangkomunikasyon para suportahan ang sinasadya at paulit

ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang

makasakit ng tao.”

Kinalaunan, ang cyber-bullying ay tinuring na “kapag ginagamit ang

Internet, teleponong selular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga

larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa”. Ang ilan sa mga

mananaliksik ay ginamit ang parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang

nasabing katawagan.

Ang pagmamaton sa Internet ay ang patuloy na pagpapadala ng

mensahe sa isang tao na nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa

likod nito na may kasamang pagbabanta, seksuwal na nilalaman,

nakakainsultong pananalita, panghahamak at pagpapahatid ng mga maling

pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng kahihiyan ng isang tao.


LAYUNIN NG PAG AARAL

Ito ay nagbibigay ng kaalaman at paghahanda sa mga mag aaral na

nakakaranas ng Cyberbullying.Ang mga alituntunin at palatandaan na dapat

gawin kung sila ay mabibiktima nito.Sa paksang ito, tatalakayin natin ang

mga Negatibong Epekto ng Cyberbullying at mga epekto nito sa mga

nabiktima sa mga mag aaral na nasa edad 13-19 ng Mother of Perpetual

Help School, Inc. sa kanilang pang araw-araw na buhay.

PAHAYAG NG TESIS

Maraming epekto ng Cyberbullying sa mga mag-aaral, tulad na lamang

ng pangangamba at kawalan ng tiwala sa sarili.Ang mga ito ay dahilan ng

mga pang-aasar o pangungutya ng mga tao sa mga larawan at mga bidyo

na inilalagay sa social media.


MGA TANONG NA NAIS SAGUTIN NG PAPEL

1.Ano-ano ang mga Negatibong Epekto ng Cyberbullying sa mga Mag-

aaral na nasa edad 13-19 ng Mother of Perpetual Help School sa kanilang

pang araw-araw na buhay?

2.Sino-sino ang mga nabibiktima ng Cyberbullying sa mga Mag-aaral

na nasa edad 13-19 ng Mother of Perpetual Help School?

3.Bakit nabibiktima ng Cyberbullying ang mga Mag-aaral na nasa

edad 13-19 ng Mother of Perpetual Help School, Inc. sa kanilang pang araw-

araw na buhay?

4.Ano-ano ang mga paraan para masolusyunan ang Mga Negatibong

Epekto ng Cyberbullying sa mga Mag-aaral na nasa edad 13-19 ng Mother of

Perpetual Help School, Inc. sa kanilang pang araw-araw na buhay?

5. Paano nakakaapekto ang ng Cyberbullying sa mga Mag-aaral na

nasa edad 13-19 ng Mother of Perpetual Help School, Inc. sa kanilang pang

araw-araw na buhay?
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang

humpay na pagbasa, pag-iisip at paglalapat ng interpretasyon patungkol sa

Mga Negatibong Epekto ng Cyberbullying sa mga Mag-aaral.Lumalawak din

ang eksperyensya ng isang mananaliksik dahil sa pakikisalamuha sa

pagkalap ng mahahalagang datos at paggalugad sa mga kaugnay na

literatura patungkol sa paksa.

LAWAK AT DELIMITASYON NG PAPEL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Mga Negatibong Epekto ng

Cyberbullying sa mga Mag-aaral na nasa edad 13-19 ng Mother of Perpetual

Help School sa kanilang pang araw-araw na buhay na may bilang 20.Ang

mga mag aaral ay binibigayan ng pansin upang malaman ang kanilang

karanasan patungkul dito.


MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Ang mga bata ay nagsisimula ng maging malupit sa isa’t isa kapag

nasa Internet sila, kahit nasa ikalawang baitang pa lamang. Ayon sa

pananaliksik, mas maagang nagpakita nito ang mga batang lalaki kaysa sa

mga batang babae. Ngunit pagtapak sa kalagitnaang baitang, ang mga

batang babae naman ang karaniwang gumagawa ng pagmamaton. Mapa-

lalaki man o babae ang maton, ang layunin nila ay intensiyonal na

magpahiya, guluhin, mang-insulto at magbanta sa isa’t isa. Ang pagbubuling

ito ay nagaganap sa pamamagitan ng elektronikong liham, mabilisang

pagmemensahe at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa mga blog at websayt.

Noong 2008, panahon ng tag-init, ang mga mananaliksik na sina

Sameer Hinduja (Florida Atlantic University) at Justin Patchin (University

of Wisconsin-Eau Claire) ay naglathala ng isang libro na nagbubuod sa

kasalukuyang estado ng mga pag-aaral tungkol sa cyber-bullying. (Bullying

Beyond the Schoolyard: Preventing and Responding to Cyberbullying). Ang

mga dokumento ng kanilang pagsasaliksik ay nagpapakita ng pagtaas ng

kaso ng cyber-bullying sa mga nakaraang taon. Nag-ulat din sila sa kanilang

mga natuklasan mula sa pinakahuling pag-aaral ng cyber-bullying sa mga

estudyante ng kalagitnaang baitang. Gamit ang random sample na mahigit

kumulang 2,000 estudyante mula sa isang malaking distrito ng paaralan sa

Southern United States, halos 10% sa mga tumugon ay sinabing naranasan

nila ang cyber-bullying sa mga nakaraang 30 araw, samantalang mahigit

17% ay nakaranas na minsan sa kanilang buhay. Ang mga ito ay nagpakita

ng bahagyang pagbaba mula sa mga nakaraang pag-aaral. Ngunit ayon kina


Hinduja at Patchin, ang mga naunang pagsasaliksik ay isinagawa kung

saan marami ang nakatatanda. Kaya masasabing ang mga matanda ay mas

madalas gumamit ng Internet at mas maaaring makaranas ng Cyber-

bullying kaysa sa mga bata.

Ang pagbubuling ito ay nagaganap sa pamamagitan ng elektronikong

liham, mabilisang pagmemensahe (texting), at ang pagpapaskil ng mga

sulatin sa mga blog at websayt.Ang isa pang kadahilanan ay ang kawalan ng

kayang paghiwalayin ang isang cell phone mula sa may-ari nito, kaya

nagagawang patuloy na biktimahin ang isang tao. Ang mga gumagamit ay

madalas na kailangan i-on ang kanilang mga telepono para sa lehitimong

mga layunin, na kung saan ay nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga

may masamang intensiyon na patuloy na gumawa ng mga di maganda tulad

ng manggulo sa mga tawag sa telepono o manakot at mang-insulto sa

pamamagitan ng mga kakayahan ngcell phone text messaging.Ang mga

nakakaranas ng cyberbullying ay ang mga kabataang ualang kakayahan na

ipagtangol ang kanilang sarili sa nambubully sa kanila.Bukod pa rito, ang

mga buli ay kayang kayang pagtulungan ang biktima sa electronic pages

kaysa sa tradisyunal na pangbubuli dahil wala namang limitadong bilang ng

taong maaaring sumali at suportahan ang mga pangbubuling pahayag.Isang

posibleng kabutihan naman sa mga biktima ng cyber-bullying kaysa sa

tradisyunal na pangbubuli ay maaari nilang iwasan ang chat room. Ang mga

e-mail address at numero ng telepono ay pwedeng palitan; at isa pa ay

mayroon ng mga serbisyo sa e-mail na salain ang mga mensahe bago pa ito

makarating sa tatanggap.

You might also like