You are on page 1of 4

GUAGUA NATIONAL COLLEGES Inc.

Guagua, Pampanga
Senior High School Regular
Academic Year 2021 – 2022, 2nd Semester

Pagbasa at Pagsusuri ng
iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Tekstong Impormatibo:
Pagsusuri sa Cyberbullying

Isinumite ni:
Manalang, Zyra Jones D.
GRADE 12 ABM 2 – Jerusalem
Taong Pampanuruan 2021-2022

Isinumite kay:

Bb. Andrea C. Manacmul


Guro

Page 1 of 4
Tekstong Impormatibo; Pagsusuri Cyberbullying
I. Panimula
a. Ano ang Tekstong Impormatibo?
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng sulatin na kung saan naglalahad o
nagpapaliwanang ito ng mga mahahalagang impormasyong o datos patungkol sa
isang paksa. Isang teksto na kung saan lahat ay maaaring maging mambabasa at
bagong kaalaman tungkol sa isang bagay ay makikita mo rito.
Ayon kay Duke, isa itong ‘di piksyon na teksto dahil ang nilalaman nito ay
makatotohanan at hindi kathang isip lamang.

II. Pagsusuring Pangnilalaman:

a. Ano ang Cyberbullying?


Sa panahon ngayon naging parte na ng ating pang-araw-araw na buhay ang mga
gadgets kung kanilang tawagin. Mga elektronikong kagamitan na ating ginagamit
sa maraming bagay tulad ng pagkonekta sa ating malalayong kamag-anak,
panonood ng mga video pampa-alis buryo at iba. Subalit sa kabila ng mabubuting
epekto nito, ito ay naging paraan na rin at naging pugad ng pang-aapi at pang-
aabuso ng kapwa na tinatawag na” Cyber Bullying”.

Batay sa Techopedia, ang cyberbullying ay pagliligalig ng isang tao o maaaring


grupo sa kapwa gamit ang internet na kadalasan ay mga kabataan ang biktima.
Isang uri ng pangungutya, pananakot at pagpapahiya sa kapwa sa pamamagitan ng
maraming paraan. Maaring sa paraan ng pagpapadala ng mga mensaheng
naglalaman ng masasamang salita at panghahamon ng away o pagpopost ng mga
kahiya-hiyang imahe o bidyo ng biktima. Pagpapangap bilang iba, pakikilahok sa
mga video shamer sa comment box and pagrerepost ng mg post sa social media
tungkol sa pang-aapi ay mga uri rin ng cyberbullying.

Ayon naman kay Bill Belsey (2011), ang cyberbullying ay maituturing na isang
gawaing bullying o pagmamaton. Ang pagmamato ay isang uri ng pang-aapi o
panunupil, na isa ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong o agresyon
na kinakitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa o koersiyon
upang maapektohan ang ibang tao.

Nagbigay ng ilang rekomendasyon ang National Crime Prevention Council


(NCPC) para sa mga biktima ng cyberbullying.

◦ Iblock ang mga cyberbullies sa mga social media sites.


◦ Ipaalam sa mga administrator ng website ang mga cyberbullies.
◦ Iwasan ang pagbabahagi ng personal na impormasyon.

Page 2 of 4
Tekstong Impormatibo; Pagsusuri Cyberbullying
b. Paano nakakaapekto ang cyberbullying sa mga nagiging biktima nito?
Ang paghihirap ng mga biktima ng cyberbullying ay hindi lang nagtatapos
pagkatapos ng pag-uulat nito sa kaukuluyan, mayroong itong epekto na dadalhin
nila sa kanilang buhay. Ayon kay Sherri Gordon, pagkabalisa, depresyon at
pagkakaroon ng mababang tingin sa sarili ay ilan lamang sa mga ito. Ang
pakiramdam ng takot at pagkalantad ay hindi na mawawala dahil sa mga kumalat
na impormasyon tungkol sa kanila. Pag-kukuwestiyon sa kanilang halaga dahil
ang kanilang kahinaan ang tinarget ng mga cyberbullies. Ang iba ay dinidistansya
ang sarili sa iba dahil natatakot sila na maulit ang naranasan na pang-aapi. Subalit
ang pinakanakakatakot na epekto ay ang kagustuhan na magpakamatay, dahil sa
sakit at pagkasira ng sarili na natamo, humihina ang kanilang kalooban at naiisip
na pagtapos sa buhay ang mainam na susi sa pagwakas ng delubyong kanilang
kinahaharap.

c. Ano-ano ang katangian ng tekstong binasa? Paano mo ito mapapatunayan na ito


ay isang tekstong impormatibo?
Ang tatlong sulatin na aking nabasa ay mga uri ng tekstong impormatibo sapagkat
ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa cyberbullying at lahat ng
datos dito ay kaganapan sa totoong buhay at hindi kathang isip lamang.

III. Pagsusuring Pangkaisipan:

a. Reaksyon
Tunay nga na sa kahit anong aspekto ng ating buhay, may mga taong pipiliin at
pipiliin pa rin ang paggawa ng mali tulad ng mga cyberbullies na nagtatago sa
likod ng mga elektronikong kasangkapan. Hindi ko wari maisip kung paano nila
nasisikmura na magsabi ng masasamang salita o gumawa ng bagay na makakasira
sa kapwa. Pero sa tingin ko iba sakanila ay bunga rin ng pang-aabuso o maaaring
kulang sa pansin ng pamilya ngunit hindi pa rin ito sapat na rason upang mang-
agrabyado ng kapwa sa internet.

Maraming epekto ang cyberbullying na dapat nating isaisip bago gawin ito sa
kapwa. Kung tayo ang nasa sitwasyon ng biktima siguradong mahihirapan tayong
tumuloy sa buhay kung kaya’t hanggat maaari, piliin ang makakabuti sa sarili at
kapwa. Kung sa tingin mo isang simpleng laro lamang ang pagliligalig sa iba,
maaari mo nang ibahin ang takbo ng utak mo. Sari-saring krimen ang kahaharapin
ng mga suspek kaya’t kung ikaw ay isang biktima, huwag kang matakot
magsumbong sa awtoridad. Kapayapaan ng isip at buhay mo ang nakataya rito.

Page 3 of 4
Tekstong Impormatibo; Pagsusuri Cyberbullying
IV. Sanggunian

a. Ano ang cyberbullying? - kahulugan mula sa techopedia - Pag-blog - 2022


(theastrologypage.com)

b. 6 Mga Uri ng Cyberbullying (drafare.com)

c. Ano ang mga Epekto ng Cyberbullying? (drafare.com)

d. (DOC) Mga Epekto ng Cyberbullying sa Mag-aaral ng | Jomar Axel Yambao - Academia.edu

Page 4 of 4
Tekstong Impormatibo; Pagsusuri Cyberbullying

You might also like