You are on page 1of 6

PAGSULAT SA PILING LARANGAN

GAWAIN 1
1. Ano ang abstrak?
Sagot: Ang abstrak ay isang maikling buod na tumutukoy sa kabuuan ng isang natapos ng
layunin ng pananaliksik. Ito rin ay naglalahad ng problema o suliranin, metolohiya at resulta ng
pananaliksik na ginawa. Inilalagaay muna ito bago ang introduksyon.
2. Bakit kailangan ng abstrak?
Sagot: Kailangan ito dahil ito ang siksik na bersyon ng papel. Kahit maikling buod lamang ang
abstrak nakakatulong sya upang magbigay gabay sa mga mambabasa tungkol sa paksa. Dito rin
mas maiintindihan ng isang mambabasa kung anong nais mong iparating o ipunto.
3. Bakit karaniwang inilalagay sa unahang papel ang absrtrak?
Sagot: Inilalagay ang abstrrak sa unahang papel dahil ito ang nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa para mas lalo pa nilang maintindihan ang kanilang binabasa.
4. Ano ano naman ang kaibahan ng impormatibo at deskriptibong abstrak ayon sa
nilalaman?
Sagot: Sa impormatibong abstrak, ipinapahayag nito sa mga mambabasa ang mahahalagang
ideya ng papel. Samantalang ang deskriptibong abstrak naman ay halos parehas lang din ng
impormatibo, ang pinagkaiba lang ay ang pamamaraan ng deskriptibong abstrak para mailahad
ang mahalagang ideya ay gamit ang paglalarawan.
GAWAIN 2 Tanong?
1. Sa iyong palagay, ano ano ang mga kalakasan mo sa pagbasa ng akademikong
teksto?
Sagot: Sa aking palagay ang aking mga kalakasan pagdating sa akademikong pagsulat ay madali
kong naiintindihan ang mga bagay-bagay. Mahusay rin akong mag-organisa ng mga ideya at
magaling akong mangalap n mahahalagang datos. Marunong rin akong magpahalaga sa
orihinalidadna gawa at may inobasyon at may inobasyon at kakayahang gumawa ng isang
sintesis.
2. Ano ang estilo mo sa pagtukoy ng pangunahin o mahalagang ideya ng isang papel
pananaliksik?
Sagot: Pagdating sa pagkalap ng mahahalagang ideya naghahanap ako ng malalapit na salita o
isang salita na may kaugnayan sa pananaliksik. Humahanap rin ako ng isang salita na pwede
kong iugnay sa pananaliksik. Gumagamit rin ako ng isang payak at detelyado na salita na mula
sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon at pinagkunan upang mas lalong maintindihan ng
mga mambabasa.
3. Paano mo matutukoy ang mahalagang bahagi ng papel pananaliksik?
Sagot: Matutukoy ko ang mahalagang bahagi ng pananaliksik sa pamamagitan ng paghahanap
ng kalakasan at kahinaan ng isang paksa.

GAWAIN 3 Subukin ang natutunan


1. Bakit mahalagang basahing muli ang buong papel bago isulat ang buong abstrak?
Sagot: Kailangan munang basahin ng mabuti at unawain ang buong papel ng pananaliksik bago
simulan ang abstrak dahil ito ay bahagi ng isang pananaliksik kung saan inilalagay ang pinaka
buod ng ginawang pananaliksik. Mas mainam na basahin muna at unawain mabuti ang abstrak
bago isulat dahil ito ay magpapaintindi sa magiging takbo , bunga at resulta ng ginawang
pananaliksik.
2. Paano ilalahad sa abstrak ang mga impormasyong nakuha sa papel?
Sagot: Mailalahad ko sa abstrak ang mga impormasyong nakuha sa papel sa pamamagitan ng
paglalagay ng payak na salita upang maintindihan lahat ng mga mambabasa.
3. Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng unang draft ng abstrak?
Sagot: Mahalaga ang pagrerebisa ng unang draft upang makasigurado na walang pagkakamali at
para maiwasan rin ito at para maitama ang mga naisulat sa abstrak.
4. Bakit kailangang gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap sa abstrak?
Sagot: Ang paggamit ng simpleng salita ay nakakatulong para mas lalo pang maintindihan ng
mga mambabasa ang iyong ipinapahayag.
5. Batay sa mga natalakay tungkol sa uri, kalikasan, katangian, halimbawa at mga
hakbang sa pagsulat ng abstrak, handa ka na bang magsulat nito?
Sagot: Opo handa na akong magsulat ng isang pananaliksik.
6. Ano-anong mga paghahanda ang gagawin mo upang makalikha ng isang mahusay
na abstrak?
Sagot: Kung ako ay gagawa ng abstrak magpaplano ako ng mabuti para maisagawa ito ng
maayos. Maghahanda ako ng mga kakailanganin at hindi ko mamadaliil at ieenjoy ko ang
paggawa nito.
7. Paano mo tatayain ang kahusayan ng isusulat mong abstrak?
Sagot: Gagamit ako ng mga katangian ng mahusay na abstrak para maging mahusy rin ako sa
pagsulat nito.
Gawain 4. Paggawa o pagbuo ng sariling abstrak

Isa ka sa pinakamaaasahan at pinakamahuhusay na junior writer sa isang writing consultancy


firm. Sa pagkakataong ito, ikaw ang inatasan ng inyong team leader na gumawa ng mga abstrak
ng mga artikulong ipinadala ng inyong kliyente. Urgent ito. Ang kliyente ay nasa yugto na ng
pananaliksik para sa kaniyang tesis
na tungkol sa multikulturalismo sa pilipinas. nangalap siya ng mga iskolarling artikulo at
humiling siyang gawaan ninyo ng abstrak ang mga ito. Isa sa mga artikulo ang “ Ang balangkas
ng Multikulturalismo at ang pagbubuo ng bansang Pilipino.

ABSTRAK

Maraming mga Pilipino ang nagtaguyod ng kultura at beyurokrato sa pagbuo ng bansang


Pilipinas. Dahil sa tila ang mga Pilipino ay nagiging abala sa kanilang mga ginagawa, ang
kultural ay tila unti- unting nabubura at nawawala. Dahil sa kaakuhan ng maraming pangkat
etniko ito ay nagdulot ng mga samut-saring suliranin, kahirapan at pagdurusa. Tila ito ang
nagiging isa sa mga dahilan kung kaya’t lubos na nahirapan ang mga Pilipino. Gamit ang
balangkas ng Multikulturismo nasusuri ang sanaysay na ito ang mga negatibong aspeto at
kakulangan natin sa ating pagsasabansa. Ginawa ang sanaysay na ito upang ipakita at itatak sa
isipan natin na ang multikultural ay hidi kabaligtaran n gating pagbabansa o pagsasabansa. Hindi
ito hadlang o sagabal bagkus ay may malaki itong naitutulong at naiaambag sa pagtugon natin sa
mga usapin tungkol sa relihiyonalismo, hidwaan ng mga Kristiyano at Muslim, katayuan ng mga
ibat- ibang pangkat, ugnayan ng mga pangkat etnikong nagsasama-sama sa mga malalaking
lungsod, at pati sa pagkakaunawa sa kinabukasan n gating mga pangkat etniko na tiyak na
masasagasaan sa umiiral na monokulturalisasyong dala n gating mga pagsasabansa, ng
modernisasyon at globalisasyon. Sa interpretasyon ng sanysay na ito ang balangkas ng
multikulturismo ay magsisilbing gabay at tagabantay sa katayuan ng mga pangkat etniko at
pagbubuo ng isang mabisang bansang Pilipino.

You might also like