You are on page 1of 1

Magandang araw po sa inyong lahat ako po si at narito po ako sa inyong harapan upang

magbigay ng isang opinyon o pananaw hinggil sa kaugnay na napakinggang pagtalakay


tungkol sa wikang pambansa

Nakakalungkot isipin na bago pa man natin makuha ang ating sariling wika ay
maraming mga Pilipino ang naghirap para lang makamit ang ating kalayaan at an gating
sariling pambansa. Habang tinatalakay ni maam itong paksa nato bigla kong naisip si Dr
Jose Rizal. Kung matatandaan natin mayroong sinabi si Dr Jose Rizal tungkol sa atin g
wika. Ang kanyang sinabi ay “ Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay higit pa sa
mabaho at malansang isda” Dito pa lang sa pagsabi nya sa linyang ito alam na nating
sobra nyang pinahahalagahan ang wika. Ayon sa aking pagkakaintindi sa kasabihang ito
ang taong walang pagmamahal at pagpapahalag sa sariling wika ay daig daig pa ng
mabaho at malansang isda na wala namang wika. Hindi natin naiintindihan ang isda at ng
iba pang hayop at hindi natin alam kung anong gusto nilang sabihin dahil wala naman
silang wika na katulad ng sa atin. Kaya dapat ang mga tao ay mahalin at pahalagahan ang
wika sapagkat dito tayo nagkakaintindihan at nagkakaunawaan. Malaki ang nagging hirap
ng mga Pilipino para makamit an gating sariling wika. Kaya marapat lamang na
pahalagahan at pagkaingatn natin ito. Pinaghirapan itong makamit ng mga ninuno nating
Pilipino. Ang ating wika ang syang nagbubuklod buklod sa atin at ito rin ang dahilang
kung bakit tayo nagkakaunawaan at nagkakaintindihan. Siguro kung hindi naghirap o
walang ginawa ang mga ninuno natin at ng ibang tao mananatili tayong nanghihiram ng
wika sa ibat-ibang bansa. Sunod alam natin na maraming mga Pilipino ang gumagamit ng
ibat-ibang wika .Okay lang at hindi masama gumamit ng ibang wika nna galling sa ibang
basta wag mo lang kakalimutan ang iyong sariling wika dahil sa oras na gumamit ka ng
ibang wika at nagustuhan mong gamitin ito kaysa sa ating sariling wika mawawalan ng
saysay ang ginawa ng mga Pilipino para makamit an gating wikang pambansa. Sana sa
oras na mapakinggan ng sino man ang aking video maalala nya sa kanyang puso at isipan
na mahalin ating sariling wika at pahalagahan gaya ng ginagawa ni Dr Jose Rizal.
At muli ako po si Lady HASMIN I MAGSINO at ito ang aking opinyon tungkol sa
wikang pambansa.
,jnuhnj

You might also like