You are on page 1of 1

Wikang Atin, Tangkilikin!

Bago ako magsimula, nais ko muna kayong batiin ng isang magandang hapon.
Sana’y ako’y pakinggan ninyo sapagkat alam ko na ang sasabihin ko ay talagang magbibigay
liwanag sa inyong mga kaisipan at makakatulong sa paggawa ng solusyon sa mga problema,
tulad ng problema sa komunikasyon.
Mapapansin naman natin na maraming wika ang ginagamit ng mga tao sa Pilipinas.Ito’y sa
kadahilanang iba’t iba ang wikang ating kinalakihan at nakasanayan.Mayroong nagsasalita gamit
ang wikang Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Muslim, Ingles, Filipino at iba pang wika na naging
dahilan sa hindi pagkakaintindihan ng mga tao.Ngunit masosolusyonan naman ito kapag iisa
lang ang wika na ating gagamitin, ang wikang pambansa na wikang Filipino.
Ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika ay naging hadlang rin sa pag-usbong ng
wikang pambansa.Mula ng napasok ng mga dayuhan ang ating bansa, natuto na ring gumamit ng
ibang lingguahe ang mga Pilipino dahil naiimpluwensyahan sila ng mga ito.Maaring gumamit
parin sila ng wikang Pilipino pero siguradong ang mas ginagamit nila ay hindi ito.Isa ring
hadlang sa pag unlad ng wikang pambansa ang paggawa ng sariling wika dahil sa halip na mas
matutunan ng mg Pilipino ang wikang atin, mas gugustuhin pa nilang gumawa nalang ng sariling
wika kung saan bilang lamang ang nakakaintindi.
Sa panahon ngayon, kaya nagkakagulo ang ibang tao dahil hindi nila nasasabi ng malinaw
ang kanilang mga gustong ipahiwatig.Tulad na lng ng pag-uusap ng dalawang taong magkaiba
ang wikang ginagamit, tiyak na mag-aaway sila kapag hindi nila masasabi o mapaliwanag ng
maayos ang gusto nilang sabihin at sigurado akong kapag hindi tayo matututong gumamit ng
iisang wika, hindi uunlad ang ating bansa.Hanggat hindi tayo gumagamit/matuto ng iisang wika,
may mga tao pa rin ang mananatiling hindi makaintindi sa mga bagay na nais mong ipaalam.
Hindi magandang pakinggan na tayong mga Pilipino ay mas magaling pa sa ibang wika kaysa
sa wikang sariling atin.Oo nga’t mas maganda ang ibang wika kompara nito ngunit kapag ang
wika natin ay bibigyan mo ng halaga at pansin, malalaman mo at maiintindihan mo kung bakit
ito dapat tangkilin.Bakit nga ba dapat natin itong tangkilin? Ito’y dahil ito ang wika na ginawa
para lang sa mga Pilipino.Wikang hindi para sa kanila kundi para atin.
Ang wikang Filipino ay ang opisyal na wika ng Pilipinas.Ito’y isang wika na maaaring
maging daan sa ating pagkakaisa.Hindi ko sinabing bawal kayong gumamit ng ibang wika, ang
gusto ko lang ay matuto tayong tumangkilik sa ating wikang pambansa.Dapat lang na ipatuloy at
ipaunlad ang wikang Filipino dahil kapag ito’y hindi natin mabibigyang pansin, tiyak
magkakawatak-watak pa rin ang mga tao kagaya noon o pati na rin ngayon.Dapat lang na ang
SARILING WIKA, TANGKILIKIN!

You might also like