You are on page 1of 1

Magandang hapon sa lahat ng mga nag-gagandahang dilag at mga matipunong kalalakihan.

Nais
kong ibahagi sa inyo kung ano at gaano kalawak ang aking kaisipan tungkol sa isang napakaimportanteng
bagay na naging dahilan upang matawag natin ang bansa bilang sariling atin, ang Wikang Filipino.

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop ata malansang isda.", mga
salitang binitawan ng ating pambansang bayani na nagbigay sa atin ng inspirasyon tungo sa wika. Ang
wika ang sumisimbolo sa atin na tayo ay nag mamay-ari sa bansang ginagalawan natin. Ito rin ang
simbolo ng ating pagkalaya mula sa mga kastila na minsan nang sumakop sa atin. Malaya na tayong mga
Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang Pilipino.
May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika…
ang Wikang Filipino.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang kadalasang wikang ginagamit
nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika?
Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa isa’t isa. Sa kalagayan
ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumalabas na parang wala
pa tayong wikang sarili sapagkat ginagamit natin ang mga wika ng ibang bansa o di kayay wikang
banyaga.

Kaya para sa akin, dapat nating bigyang halaga ang wikang pambansa sa pamamagitan ng pag
gamit nito sa pang araw araw nating pamumuhay. Ating pagyamanin ang sariling atin. Magandang
hapon sa inyong lahat at maramig salamat sa pakikinig.

You might also like