You are on page 1of 5

Kahalagahan

Ang Wika ang ginagamit natin sa pakikiag-usap at dahil rito ay napapahayag natin ang ating saloobin o
ang isang kaisipan. Dahil dito ay atin ding nalalaman ang nais ipahiwatig o iparating ng ating kapwa.
Ang Wika rin ang ginagamit ng bawat isa upang magkaintindihan

KAHALAGAHAN NG WIKA SA KULTURA’TPAG-UNLAD NG EKONOMIYA NG BANSA


Sa kasalukuyang panahon, hindi natin maipagwawalang saysay ang kahalagahan ng karunungan sa
pagsasalita at pagsulat ng wikangIngles, dahil itinuturing ito na lenggwahe ng globalisasyon. Mismo ang
ating pamahalaan ang nagsabi ng kahalagahan ng mahusay na paggamit ng Ingles upang tayo ay maging
“competitive” sa buong mundo. Ginagawa natin ito sa pagitan ng patuloy na paggamit saIngles bilang
pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga paaralan at bilang lenggwahe ng pakikipag-ugnay sa ating
mga kababayan.Ang mahalagang katanungan sa ngayon ay kailangan pa bang ipagpatuloy natin ang
hangarin sa paglinang ng Filipino bilang pambansang wika? Kung ating gugunitain, sinimulan ng
Plipinas ang pagbuo ng Tagalog o, sa kalaunan, Filipino, bilang pambansangwika noong dekada 1930 sa
panahon ng pamahalaang Commonwealh. Masakit isipin na hanggang ngayon ay hindi pa
tayonakapagsang-ayon kung ano talaga ang wikang Filipino.Samantala, ang ibang bansa na matagal pa
bago magpataguyod ng paglinang ng pambansang wika ay talagang nagtagumpay sa
kanilanghangarin. Sa kabuuan, ang kanilang mamamayan ay nagsasalita na ng isang lenggwahe. Ito
ang karanasan ng Indonesia at Malaysia.Ang Indonesia na siyang pinakamalaking arkipelago sa buong
mundo at may humigit kumulang mga isang libong lenggwahe aymakapagsasabi na ngayon na meron
silang wikang pambansa, ang Bahasa Indonesia. Ito rin ang nangyari sa Malaysia. Nagtagumpaydin sila
sa pagbuo ng pambansang wika. Lahat na yatang mga bansa sa Asya ay meron nang ginagamit na
pambansang lenggwahe,maliban sa atin.Ang wika ay nakatali sa ating kultura at kung sino tayo. Kaya
lang, ang tinatawag nating “cultural identity” ay malabo na rin dahil samalawakang impluwensya ng
kanluraning kultura. Kung ang lahi naman ang pag-uusapan, ang ating hitsura ay walang kaibahan sa
mgatao sa Myanmar, Kampuchea, Malaysia, Indonesia, at Brunei. Kaya, ang lenggwahe lamang ang
malinaw na batayan ng pagiging isang bansa natin. Kahit na ang Ingles ang “lingua franca” ng buong
mundo, kailangan pa rin natin ang pambansang wika. Ang sariling wikalamang ang makapagpapahayag
ng tunay na niloloob at mga emosyon natin. Halimbawa, iba ang magiging resulta kung ang
isangnakatatawang istorya sa orihinal na wikang sarili ay isasalin at bibigkasin sa Ingles. Dagdag pa,
ang pambansang wika ay makatutulongsa paglinang ng pagkakaisa at ang tinatawag na “sense of
belongingness”. Ang nga Intsik at Hapon ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at pagpapahalaga sa
sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ng kanilang wika. At sila ang mas maunlad na mga bansa kahit
nahindi sila marunong ng Ingles.Tinatanggap natin na dahil sa karunungan natin ng Ingles, libo-libong
kababayan natin ang nakahahanap ng trabaho sa labas ng bansa.Kaya lang, karamihan sa mga gawain ng
mga Pilipino doon ay iyong paninilbihan sa mga dayuhan. Ito ang kalagayan ng ating mga“domestic
helpers”, “caregivers”, “entertainers”, at mga nars. Ito ba ang ideya natin sa “competitiveness”? Sa
aking pananaw, ang tunayna pagiging “competitive” ay kung tayo ay magiging negosyante, kapitalista,
mangangalakal, teknisyan, may-ari ng paaralan at tindahan,at tagapagbenta ng ating mga produkto sa
ibang bansa.Ang ating pambansang bayani, si Jose Rizal, ay nagpahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa
bansa sa pamamagitan ng pagmamahal sawikang Filipino. Sinabi pa niya na “ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda!” Hindimaituturing na makabayan ang
isang tao kung ikinahihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat mapagliming mabuti
ngmga kababayan natin na walang pagpapahalaga sa sariling wika, pambansa man
o rehiyunal. Nakakalungkot isipin na sa kasalukuyang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang
higit na humahanga sa mga kababayan nating napakahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa,kapag hindi
marunong mag-Ingles ang isang Pilipino, itinuturing na hindi siya kasinggaling o kasingtalino ng iba na
mahusay mag-Ingles.Lahat ng mga Pilipino ay may tungkulin sa pagmamahal sa sinilangang bayan at,
natural, sa sariling wika. Sa wika na lamang siguronatin maaaring makita ang pagkakaiba natin sa ibang
mga tao sa mundo, lalo na ngayon na maaaring ibahin o baguhin ang kulay ng ating balat, ang anyo ng
ating mukha at kahit na ang hugis ng ating katawan. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng
atingdamdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong bigyan ng kaukulang
pagpapahalaga.

ANALISASYON:
Bawat tao ay may kanya-kanyang reyalidad. Ang totoo para sa’yo ay maaaring hindi totoo para sa iba.
Ang totoo sa iba ay posible rinnaming hindi totoo para sa’yo. Ngunit tayong lahat ay pinagkalooban ng
wika, na nagdudugtong ng mga reyalidad noon at ngayon.

Wika ( Talumpati)
“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata,makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang
ating tanging tanikala.”
            Malaya na tayong mga Pilipino sa pang- aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na
ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at
mayroon pang pambansang wika…ang Wikang Filipino.
            Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
            Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating
bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan
ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa
pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating
edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga
wikang banyaga.
            Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang
malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka-
Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa
panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang-
aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga
manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
            Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
            Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura
ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang
pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.  
            Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
            Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa
pagitan ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa
ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng
kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito
tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating
bansa.
            Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang
pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat?
Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang-
bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay
ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
            Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag-
ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng
tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali
nating maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?
            Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating
bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
            Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa
pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

Wika at Karunungan: Ang Kapangyarihan ng Sambayanan (Papel na binasa sa Pagdiriwang ng


Buwan ng Wikang Pambansa sa PUP San Juan, 08/01/13)
Ayon sa isang Baconian Engineering model, “knowledge is power” o “ang kaalaman ay
kapangyarihan.”  Ika nga ng sikat na tagapag-ulat ng panahon na si Ernie Baron, “kung walang
knowledge, walang power.”
Sa pagsusuri ng Pranses na si Michel Foucault, ang layunin ng kapangyarihan at layunin ng kaalaman ay
hindi maaaring magkahiwalay, sapagkat aniya, “In knowing we control, and in controlling we know.”
Kapangyarihan ngang maituturing ang pagkakaroon ng kaalaman, lalo na sa lipunang laganap ang
kamangmangan na dulot ng iba’t ibang isyung panlipunan partikular na sa sistema ng edukasyon. Sa
lipunang Pilipino, ang pagkakaroon ng degree (batsilyer, masterado o doktorado) ay isang pagtatamo ng
karangalang nagdudulot ng relasyong pangkapangyarihan. Nagkakaroon ng mataas na pagtingin ang
komunidad sa iyo kapag may tinapos ka. Hindi rin nakapagtataka, (sa tingin ko bilang guro) na madalas
matandaan ng guro ang mga mag-aaral na nagpapakita ng kahusayan sa klase na dulot ng kaalamang
naibabahagi niya sa pakikipagtalakayan.
Kung ating babalikan ang kasaysayan, napatunayan ng mga ilustrado sa panahon ng Kastila ang usapin
ng kapangyarihan. Dahil sila’y nakapag-aral sa Europa, at natamo ang kaliwanagan na matagal nang
ipinagkait sa kanila ng mga mananakop, nagkaroon sila ng boses at puwang sa poder ng kapangyarihan
na nagdulot ng repormang panlipunan na humantong sa himagsikan, at sa kabilang banda ay nauwi
naman sa politikal na pakikipagsabwatan ng mga henyong ilustrado sa mga bagong dayuhan. Isang
mahusay na taktika rin sa panahon ng Amerikano ang pagtatayo nila ng pampublikong paaralan na
nilayong mabigyan ang mga Pilipino ng kaalaman sa kabila ng katotohanang, ito’y kasangkapan nila
para makontrol tayo at ganap na masakop ang kamalayan.
Sabi nga sa komersyal ng isang sikat na estasyon sa telebisyon, ”lamang ang may alam.” Nakalalamang
talaga ang may alam, lalo na kung ang pagtatamo ng karununganay nasa wikang madaling maunawaan.

Ang Kapangyarihan ng Wika

Binanggit ni Umberto Eco sa isa niyang sanaysay na, “We must not be amazed then to hear people say
that the given language is power… because outside the given language there is nothing.” Ang kaalaman
bilang kapangyarihan ay dumadaloy sa loob ng wikang lilikha ng puwersa na maaaring mapagbuo o
kaya nama’y mapangwasak.
Noon pa man ay nilinaw na ni Pamela Constantino na ang wika ay instrumento ng pagkontrol at pag-
establis ng kapangyarihan. Inihalimbawa pa nga niya ang relasyon ng boss sa kanyang mga empleyado
sa isang opisina kung saan masisipat ang uri ng wikang kanilang ginagamit. Sa pamamagitan ng wikang
likas sa dila, mas nakapag-iisip at nakadadama ng malaya.
Mas nakadadama tayo kapag sa sariling wika tayo nag-uusap. Madali tayong nagkakaunawaan. Hindi
nahahadlangan ang nais nating sabihin dahil likas ang wikang ginagamit. Sa aking pag-oobserba at
pagtatanong-tanong sa mga estudyante ko sa Retorika, mas masarap daw pakinggan ang “mahal kita”
kaysa sa “I love you.” Ayon sa kanila, sa panliligaw raw o sa mga pangkaraniwang ekspresyon ng
magkasintahan, mas madalas gamitin ang “I love you” Samantalang ang “mahal kita” ay ginagamit daw
kapag mayroong nais patunayan o kaya naman ay kapag mayroong ‘di pagkakaunawaan, lalo na kapag
may nagkakasala sa relasyon. Kapag sa sariling wika, tumatalab ang sumpa ng pag-ibig dahil tumatagos
ito sa damdamin at mas nadarama natin. Ito ay isang simpleng patunay na makapangyarihan ang wika.
Karaniwan nang sabihin na ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon. At sa konteksto ng mga
Pilipino, ito ay nananatili lamang kasangkapan, tulad ng isang upuan sa klasrum na mahalaga sa atin
dahil may pangangailangan tayo sa pag-upo. Dapat maunawaan natin na ang wika (lalo na ang wikang
pambansa) ay hindi lamang simbolo, tulad ng pambansang hayop o pambansang bulaklak. Ang wika ay
malalim na nakaugat sa atin bilang tao na bumubuo sa lipunan, at ito ay kasangkapan din sa paglaya sa
tanikala ng kamangmangan.
Subalit paano ito makakasangkapan sa pagpapalaya kung hanggang sa kasalukuyan, walang tiwala ang
mga Pilipino, lalo na ang mga nasa poder ng kapangyarihan hinggil sa kakayahan ng sariling wika,
partikular ang wikang pambansa, na maging daluyan ng kaalaman lalo na sa agham at teknolohiya?
Hindi mabigyan ng espasyo ang ating wika sa mataas na antas ng diskurso, tulad ng pananaliksik at mga
iskolarling gawain, at maging sa usapin ng batas. Nariyan pa rin ang prestihiyo ng wikang Ingles na
nagpapatindi sa patuloy na pagyakap dito ng mga Pilipino. May mentalidad ang mga Pilipino na kapag
nasa wikang Ingles ay sopistikado, siyentipiko, intelektuwal, at pang-alta sosyedad. Ang lahat ng ito ay
maling kaisipan, sapagkat anumang wika ang gamitin mo ay maaaring maging daluyan ng kaalaman.
Hindi sa Ingles nakaangkla ang anumang pag-unlad. Sabi nga ng manunulat na si Cesario Torres
“matagal na tayong nag-i-Ingles, umunlad na ba tayo?”
Matagal nang napatunayan ang kakayahan ng inang wika o nakagisnang wika sa pagkatuto ng bata. Sa
katunayan, sa isinagawang pag-aaral nina Stephen L. Walter at Diane E. Dekker na pinamagatang The
Lubuagan Mother Tongue Education Experiment (Matsura, 2008) sa lalawigan ng Kalinga, lumalabas na
mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral kapag ang ginagamit sa pagtuturo ay ang unang wika nila.
Mataas ang antas ng pagkatuto nila sa agham, matematika, at maging sa wikang Ingles. Sa kaso nila,
ang wikang Filipino ay inaral nila bilang pangalawang wika na magsisilbing tagapag-ugnay sa
pambansang usapin, at ang wikang Ingles sa global na ugnayan.
Sabi pa ni Pamela Constantino, sa pamamagitan ng katutubong wika, mas mag-iisip (hindi lang
magmememorya gaya ng ginagawa sa Ingles), mas titingin at magsusuri sa kanyang kapaligiran at hindi
mahihiyang magtanong (na simula ng siyentipikong pag-iisip) ang mga bata.
Ang pagkakaroon ng tamang proseso sa pagkatuto ng anumang wika ang siyang sagot sa suliranin sa
pagtatamo ng karunungan ng sambayanan. Sa prinsipyo sa pag-aaral ng pangalawang wika, ang
pundasyon ng bata o mag-aaral ay ang kanyang unang wika o nakagisnang wika. Kaya kung mahina sa
unang wika, malaki ang posibilidad na hindi ganap ang pagkatuto sa pangalawang wika. Ganito ang
nangyari sa mga Pilipinong produkto ng bilingual na sistema ng edukasyon. Kapwa hilaw sa sariling
wika at wikang banyaga.
Dapat ding isaisip na hindi kalaban ng inang wika ang wikang Ingles. Tanggapin natin na kailangan pag-
aralan ang Ingles dahil hindi maitatago ang katotohanan, na ito ang wika sa global na espasyo. Pero
dapat bigyang diin, na ito ay dapat pag-aralan bilang pangalawang wika at hindi bilang pangunahing
wika.
Sa usaping ito, hindi na kailangan pang ihalimbawa ang kaso ng mga maunlad na bansa sa Asya tulad ng
Thailand at Japan, na sariling wika ang gamit sa lahat ng gawain. Patunay lamang na ang pagtatamo ng
karunungan ay magiging epektibo kung nasa wikang likas sa ating dila.
Sa kasalukuyan, epektibo na ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo sa mga paaralan sa bansa sa bisa
ng House Bill 3719. Isa itong magandang hakbang tungo sa pagkakaroon ng tuwid na landas ng
edukasyon sa Pilipinas. Pero kailangan pa rin ang pagtutulungan ng lahat – mula sa akademya,
institusyong pangwika, sambayanang Pilipino, at higit sa lahat, ng mga ahensya ng pamahalaan upang
tiyak na magkaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon.

Ang Karunungang Filipino

Sinabi ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel sa kanyang liham kay J. H. Voss (isinalin ni Ramon
Guillermo):
Pinagsalita ni Luther ang Bibliya ng Aleman, ikaw, pinagsalita mo si Homer sa wikang ito, - ito ang
pinakadakilang handog na maibibigay sa isang bayan; sapagkat ang isang bayan ay nananatiling
barbariko at hindi itinuturing ang mga kahanga-hangang bagay na nalalaman nito bilang tunay na kanya,
hangga’t hindi niya ito nakikilala sa kanyang sariling wika… sa gayo’y gusto kong sabihin hinggil sa
aking nais pagsikapan, na gusto kong subukang turuan ang pilosopiya na magsalita ng Aleman.
Nais ni Hegel bigyang diin na ang mga kahanga-hangang bagay ay dapat makilala sa sariling wika.
Tulad ng ginawa nila (mga Aleman) sa pagsasalin at paglikha ng mga kaalaman gamit ang wikang
Aleman. Kung iuugnay ito sa atin, matagal nang mayroong wikang pambansa – ang wikang Filipino na
katuwang ang iba pang wika sa bansa tungo sa pagbabandila ng karunungang Filipino.
Hindi magiging matagumpay ang paggamit sa nakagisnang wika at wikang Filipino bilang kasangkapan
sa pagtuturo kung walang mga materyales na magagamit. Kailangan natin ng malawakang pagsasalin sa
Filipino at ibang wika sa bansa ng mga aklat sa iba’t ibang larangan. Dapat magtulungan ang mga
alagad ng wika at lahat ng eksperto sa iba’t ibang larangan tungo sa pambansang pagsasalin.
Sa ibang bansa, normal lamang na gawain ng mga eksperto sa bawat disiplina ang pagsasalin ng
kanilang mga akda. Kung ikukumpara natin ang Pilipinas sa Indonesia, napag-iwanan na nila tayo sa
usapin ng iskolarling gawain na nasa sariling wika. Maunlad na nagagamit ang wikang Bahasa
Indonesia sa mga talastasang intelektwal. Sa larangan ng pagsasalin ayon sa UNESCO (mula sa papel ni
Ramon Guillermo, 2013), mula taong 2000 hanggang 2009, 85.8% (aklat bawat taon) ang bilang ng mga
naisalin na aklat mula sa iba’t ibang wika. Samantalang  sa parehong panahon, 7.8% lamang ang aklat
na naisalin patungo sa wikang Filipino.
Samakatuwid, malaki ang ginagampanang papel ng mga guro, iskolar, manunulat, at maging ng mga
mag-aaral sa pagsusulong ng karunungang Filipino. Sa ating pamantasan halimbawa, sa tingin ko, ay
kailangang linangin pa ang kultura ng pananaliksik na nakaangkla sa wikang atin. Hindi ko malilimutan
ang pag-akyat ko sa entablado para tanggapin ang degring masterado sa paaralang gradwado ngating
pamantasan. May mga nagpalakpakan, natuwa, o maaaring namangha, dahil sa pamagat ng aking tesis.
Para akong naiiba sa mga kapwa ko nagtapos (bukod sa katotohanang magkakaiba kami ng disiplina)
dahil lamang sa tesis kong nasa wikang Filipino. Kapansin-pansin sa ating pamantasan na halos lahat ng
pananaliksik (maliban sa aming mga major sa Filipino) ay nasa wikang Ingles.
Alam kong ito ay isang pangarap na hindi madaling abutin ng mga kapwa ko guro ng nasa ibang
disiplina. Subalit palagi namang may simula upang may patunayan at magawa. Dapat, tayong mga nasa
akademya ay nag-uusap o nagdidiskurso upang makabuo tayo ng komunidad ng mga guro at mag-aaral
na pinauunlad ang talastasan sa karunungang Filipino.
Hindi rin sapat na tayo-tayo lamang na nasa akademya ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Tulad
ngayong ipinagdiriwang ang wikang pambansa, hindi ba’t akademya lang naman ang nagdiriwang?
Nakita ba nating ang sambayanang Pilipino ay nagdiwang nito, kahit pa ito’y tinatawag na pambansa?
Patunay lamang na may limitasyon ang konsepto ng pambansa sa kamalayan ng bawat Pilipino.

Kongklusyon
Isang ritwal ang pagdiriwang na paulit-ulit kada taon. Parang kailangan pang gunitain upang ipaalala sa
atin ang kabuluhan ng sariling wika. Sa hindi nalalayong panahon, naniniwala akong darating ang
pagkakataon na hindi na kailangan pang magsagawa ng mga patimpalak sa sanaysay, talumpati,
sabayang pagbigkas, likhang awit, at iba pa, sa ngalan ng pagsunod sa batas na ipagdiwang ang buwan
na ito. Sapagkat sa panahong iyon, nakatatak na sa kamalayan ng sambayanang Pilipino ang sariling
wikang nakagisnan sa kanyang bayan.
Sa aking pananaw, marapat magkaroon ng political will ang mga nasa poder ng kapangyarihan upang
hindi maligaw ang taumbayan sa tunay na daan sa karunungan. Hindi ito dapat natatapos sa talumpati ng
pangulong Aquino na nasa wikang Filipino, o sa mga batas na sumusuporta sa wika at
edukasyon.Kailangan ang progresibo at sustinidong programa ng pamahalaan upang malunasan ang
suliranin sa sistema ng edukasyon.
Ang wika ay hindi lamang tungkol sa salita o wastong pagbaybay nito, at hindi rin lamang tungkol sa
tamang pagbuo ng pangungusap. Dapat nating maunawaan na ang sariling wika ay identidad natin na
dapat nating kilalanin, alamin, at tuklasin. Dahil ang bisa ng kapangyarihan ng wika tungo sa pagtatamo
ng karunungan ay nakasalalay sa pagpapahalaga at pagtangkilik ng sambayanang nag-iisip. Kung
makikilala natin ang sarili, mahahanap natin ang tunay na daang dapat nating tahakin.

You might also like