You are on page 1of 2

Ravanera, Reuel A.

PANGGITNANG
PAGSUSULIT
ABELS 2-5 Enero
15, 2021

Bumuo ng sanaysay upang tugunin ang sumusunod na tanong.

          1.   Ibigay ang kahulugan ng Intelektuwalisasyon  at isa isahin ang proseso kung paano
makakamit 
                ang intelektuwalisadong wika.         
 Ang intelektwalisasyon ay proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay
maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa
mga sopistikadong lawak ng karunungan.
 Ang Proseso ng intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Sa kabuuan, ay ang pagbuo ng
intelektwalisado at makaagham o syentipikong mga teksto (na may iba't ibang antas ng
abstraksyon) at pagkatapos ay pagpapalaganap at paggamit ng mga ito. Una sa lahat, ang
prosesong ito ay nangangailangan ng mga taong susulat ng mga teksto; ikalawa ay mga
taong tatanggap ng mga teksto at gagamit ng mga ito sa pakikipagtalakayan sa mga
paksang intelektwalisado o sa mataas na antas ng karunungan. Pangalawa
Istandardisasyon, isa ito sa pamamaraan kung paano maaaring tanggapin at gamitin ng
nakararaming taong gumagamit ng wika ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o
bokabularyo sa isang tiyak na disiplina ng karunungan. Sa gayon, Maiiwasan natin ang
kaguluhan sa paggamit ng mga salita o katawagan sa alin pa mang disiplina at
karunungan. Pangatlo Desiminasyon, ibibgay ko ang ilang mga dahilan sa
pagpapalaganap 0 pagpapa-intelektwalisa ng ating wika. Gusto ko munang ibigay ang
mga problemang kinahaharap ng ating mga kababayan sa pagkakaroon ng ibang wikang
laganap sa sariling bansa.

          2.   Ilahad ang kasaysayan ng pagiintelektuwalisa sa Wikang Filipino.


 Isinasaad sa kasaysayan ng paglinang ng isang wika na ito ay nagsisimulang gamitin sa
panitikan, lalo na sa larangan ng malikhaing panitikan, halimbawa ay sa mga tulang
liriko, sa prosa, tulad ng kwento at sanaysay. Sa kasaysayan ng maraming lipunan,
mapapansin din natin na halos magkaagap ang dula at tulang liriko. Makikita ang iba’t
ibang anyo ng dula sa larangan ng pananampalataya. Sa simula ay sa paraang may sukat
at tugma at pagkatapos, makaraan ang ilang panahon, ay susundan o mahahaluan na ng
malayang tugma (blank verse).
Sa patuloy na paggamit sa isang wika bilang kasangkapan ng kultura, nagiging higit na
malawak ang gamit nito kapag ito’y ginamit na rin sa pagpapahayag ng mga pagbabago o
pag-unlad ng kabihasnan, partikular sa mga paksang may kinalaman sa agham at
teknolohya, sa mga makabagong pangangailangan at gawain sa pagsulong ng isang bansa
tungo sa industriyalisasyon nito.
Sa larangan naman ng pagsusuri ng diskurso o “discourse analysis” bilang bahagi ng
linggwistika ay binigyan tayo ni M.A.K. Halliday (1975) ng mas malalim na pananaw
tungkol sa tinatawag niyang “textual function”, gayundin sa “ideational function” ng
wika. Ang dalawang gampaning ito ng wika ay inuri niya sa “interactional function” ng
wika.
          3.  Ilahad ang inyong pananaw kung paanong ipinapakita ang intelektuwalisasyon ng
                wikang filipino sa inyong kurso.
 Bagamat ang kinukuha kong kurso ay mas konektado sa Ingles ay masasabi ko na hindi
pa ganon ka intelektuwalisado ang wikang Filipino sapagkat ito ay nasa modernismo pa
lamang. Ang intelektwalisado ay ang mataas na antas ng wika. Modernismo ang wikang
Filipino sapagkat sumasabay ito sa pagbabago, kung ano ang uso, hindi puro. Tulad ng
salitang balbal, jejemon, atbp. Masasabing intelektwalisado na ang wika kapag ito ay
ginagamit o makikita sa larangan ng edukasyon, medisina, korte, batas, at marami pang
iba. Ang edukasyon ang dapat na magsisilbing daan upang mapalalim ang ating pag-
unawa sa suliranin ng ating lipunan ngunit salitang Ingles ang binibigyang prayoridad sa
pagkakaroon ng edukasyon pati sa mundo ng kalakaran. Maraming eskwelahan ang
ginagawa itong midyum sa pagtuturo pati na rin sa pagsasagawa ng mga batas kaya’t mas
iisipin ng karamihan na ito ang dominanteng lenggwahe at lahat tayo ay dapat itong
matutunan. Ito ay isang suliranin na nagdudulot ng hadlang sa pagkakaunawaan ng
maraming Pilipino. Nalilimitahan nito ang kanilang kakayahan na magpahayag ng
saloobin at magkaroon ng radikal na pag-iisip na sana’y makakatulong sa kaunlaran ng
lipunan. Malaki ang epekto ng kolonyalismo sa atin at hanggang ngayon tayo ang
nakakaranas ng suliraning dulot nito na dapat sana ay nagawan ng paraan noon pa.

You might also like