You are on page 1of 3

Reuel A.

Ravanera
ABELS 2-5

Gawain 4

1. Magbigay ng sampung (10) susing salita mula sa binasa at bigyang-pakahulugan.


 Intelektuwalisasyon - Isang proseso ng pagpapaunlad at pagpapalawak ng wika na
layuning iluklok ang wika upang gamitin sa iba’t ibang larangan at disiplina ng talino o
pag-aaral. Ito rin ay proseso upang ang wika ay magamit sa pang-araw-araw na
komunikasyon at maging sa pagtuturo ng iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
 pedagohiya- ang pag-aaral sa kung paano magturo
 Kognitib- numang tumutukoy sa pag-iisip, nauugnay rin ito sa empirikal o paktwal na
kaalaman
 Praxis- praktika ng sining o kasanayan
 Epistemolohiya- sang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan
at saklaw ng kaalaman.
 Domain - grupo o samahan na nagkakaroon ng pagkakabuklod-buklod tungo sa
partikular na mithiin Internasyonalismo-  kalidad ng pagiging internasyonal sa saklaw  na
may doktrinang dapat magtulungan ang mga bansa
 Interdisiplinaryo- ginagamit pag tumutukoy sa mahigit dalawang sangay ng kaalaman
 Bernakular- tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa pakikipag-usap
araw-araw ng karaniwang mga tao sa isang particular na luga
2. Bakit "dapat makatugon sa adhikain ng lipunan, mithiin ng mamamayan at hangarin
ng bayan sa matiwasay at maunlad na pamumuhay" ang ating edukasyon?
 Dahil nagsisimula sa ating edukasyon magiging lagay ng ating bansa sa hinaharap,
dahil lahat nang ito ay magka-konekta. Dapat lang na makatugon sa adhikain ng
lipunan ang hangarin ng bayan sa matiwasay na pamumuhay upang maging
maayos at maging progreso ang ating lipunan
     3.  Bakit nasabi ni Abadilla na ang mangmang sa realidad ng edukasyon at makasarili 
          lamang ang mga propesyunal na nagtatapos sa sistema ng ating edukasyon?
 Makasarli ang mga propesyunal na ginagamit lamang ang karunungang
pagmamay-ari ng lipunan para sa kanyang sarili at mga ekstensyon ng kanyang
sarili imbes na para sa pagpapahalagang pantao, panlipunan, at pambansa.

     4.  Sa kasalukuyan, masasabi mo bang ang lahat  ng inyong napag-aralan  ay lumalapat 


          sa realidad ng lipunan? Balkit? Bakit hindi?
 Oo, halos lahat ay makikita o lumalapat sa realidad tulad ng pagpapayaman sa
wikang Filipino, maraming pilipino ang nagtutulungan upang mas mapaunlad pa
ito sa iba’t ibang paraan . nakatutulong ang aming pag aaral para mas malinawan at
mabigyan ng kasagutan ang aming mga tanong tungkol sa kalagayan ng wikang
Filipino sa bansa.
     5.  Para sa iyo , dapat bang maging magkatuwang ang mga guro at mag-aaral sa edukasyon?
 Sumasangayon ako na dapat maging magkatuwang ang mga guro at mag-aaral
dahil sa Nagbebenepisyo tayong lahat mula sa isang malakas at matatag na sistema
ng publikong edukasyon. Kapag sinusuportahan natin ang ating mga estudyante at
kapag binibigyan natin sila ng mga pagkakataong magtagumpay, gumagawa tayo
ng isang mas mabuting kinabukasan para sa lahat. Ganoon din naman sa mga guro.

     6.  Anong bahagi ng sipi ang pinakamautak sa iyo? Bakit?


 Ang pag pagtutulungan ng guro at mag aaral, dahil mas mabilis na
mapagyayaman ang o mapapayabong ang wikang Filipino kung ang guro at mag
aaral ay magkatuwang mas mabilis na maikakalat ang diskurso para mapaunlad
ang ating bansa.

     7.  "Ang talinong bayan sa diwang Filipinolohiya sa pandaigdiagn talamitan-diwa 


          (salimuhaan ng karunungan sa daigdig ay kilalla at gagalang  sa kalinangan bayan sa
          sa larangan ng heopulitika (relasyon bansa-sa-bansa) na kinasasangkutan 
          ng pandaigdigan kalakalan at diplomasya.?  Mabuti ba ito sa atin? Bakit? Bakit hindi?
 Mabuti ito sa atin dahil makatutulong ang mga impormasyon o kaalaman na
nakasulat sa ibang lengguwahe sa atin dahil pwede naman na ilapat sa wikang
Filipino ang mga kaalamang ito at makakatulong din ito upang mapaunlad ang
wikang Filipino. Mabuti ito dahil pwede tayong makipag palitan o makipag
kalakalan sa mga dayuhang bansa at makakatulong ito sa pag-unlad ng atin bansa.
     8.  Ipaliwanag sa sariling pamamaraan ang paradimo ng Filipinolohiya.
 Ang edukasyon ang sentro ng paradimo ng Filipinolohiya dahil siya ang
magsisilbing tulay upang makapunta sa hangarin na mapaunlad ang wikang
Filipino. Ang edukasyon rin ang susi upang makamit kaunlaran na hinahangad ng
maraming pilipino para sa wilang Filipino.
     9.  Ipakita sa pamamgitan ng Venn Diagram..........
FILIPINOHIYA Intelektuwalisasyon ng Filipino

Instrumento
upang
Mapaunlad ang
wikang
Filipino at
mapagyaman
ito.
FILIPINOHIYA
1. Instrumento sa pag papaunlad ng wikang Filipino
2. makabayan, makamasa, at siyentipikong pedagohiya at
Disiplina.
3. pagpapasigla at pagpapayabong ng wikang Filipino bilang wika ng
Karunungan.
4. Disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan
at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng
karunungang Pilipino,
5. Ang ideya, konsepto, teorya, modelo o paradigm, prinsipyo o pilosopiya na pawang resaresa
(intricacies) ng karunungan—na likha ng epistemolohiyang Filipino—at ginagamit ng
sambayanang Pilipino sa pamumuhay ay tiyak na maghahatid sa Pilipinas ng kaunlaran at
kagandahan sa kalooban ng mga Pilipino.

Intelektuwalisasyon Ng Filipino
1.Instrumento sa pag papaunlad ng wikang Filipino.
2. Ang gawain ng intelektuwalisasyon ng wika ay gawain din sa intelektuwalisasyon ng
mamamayan nang sa gayon ay buong talino at husay ito sa pagsisikhay sa paghubog,
pagpapatatag, at pagpapaunlad ng bansa.

3. Ang intelektwalisasyon ay ang mas mataas na repinadong gamit ng Filipino bilang wika ng
pag-iisip, sining, at kultura.

4. isang proseso ng pagpapaunlad at pagpapalawak ng wika na layuning iluklok ang wika upang
gamitin sa iba’t ibang larangan at disiplina ng talino o pag-aaral. Ito rin ay proseso upang ang
wika ay magamit sa pang-araw-araw na komunikasyon at maging sa pagtuturo ng iba’t ibang
paksa ng pag-aaral.

5. Susi upang maabot ang hangarin sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang Filipino

You might also like