You are on page 1of 6

Ilang tala sa estado at direksyon ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino

Ni Galileo S. Zafra

 Isa sa mahahalagang aspekto ng development ng wika ang intelektuwalisasyon nito.


Ipinaliliwanag ng mga lingguwista na dumaraan sa iba’t-ibang proseso ang pag-unlad ng
wika, at may ilang teoretikal na modelo na nag-uugnay-ugnay sa mga prosesong ito. Ang
isa ay nagsasabi na karaniwang nagsisimula ito sa seleksiyon o pagpili ng isang buhay
na katutubong wika bilang batayan ng wikang Pambansa. Kasunod ang diseminasyon
o ang pagpapalaganap ng napiling wika. Sa patuloy na paggamit, lalo sa pagsusulat,
sumasalamin naman ito sa proseso ng estandardisasyon.
 Itinatatakda sa yugyong ito ang unipormadong mga anyo at estruktura sa pamamagitan
ng konsensus o sa pagbuo ng mga patakaran ng pambansang ahensiya na angsasagawa
ng pagpaplanong pangwika.
 Dumaraan ang estandardisadong wika sa kodipikasyon sa pamamagitan ng mga
diksiyonaryo, manwal, at gramatika. Kasunod nito ang kultibasyon na tumutukoy sa
pagbuo ng korpus ng mga sulatin sa iba’t-ibang intelektuwal na disiplina. Sa korpus na
ito ibabatay ang register ng wika, o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa bawat
larang. Ang huling prosesong ito ang saklaw ng intelektuwalisasyon ng wika.
 Sa pahapyaw na pagtingin, napagdaanan at pinagdaraanan ng ating wikang pambansa
ang mga prosesong ito. Pinili na noong 1937 at idineklara noong 1939 ang Tagalog
bilang wikang pambansa, na ginawang Pilipino noong 1959, at Filipino noong 1987
(bagaman may pagbanggit na sa wikang Filipino sa Konstitusyong 1973).
 Sinimulan naman ang estandardisasyon sa pamamagitan ng Balarila ni Lope K. Santos
at ng bilingguwal na word list (1939). Pagkaraan ng Digmaan, ipinagpatuloy ng Surian
ng Wikang Pambansa ang estandardisasyon sa pamamagitan ng paglalathala ng mga
bilingguwal at multilingguwal na word list, popularisasyon ng Balarila, at publikasyon
ng bilingguwal na diksiyonaryo tulad ng kay Vito C. Santos (1978).
 Simula 1976, tatlong beses nireporma ang alpabeto at tuntunin sa ispeling ng wikang
pambansa bunga ng integrasyon ng mga bagong letra sa dating Tagalog na abakada.
Pormal na pinalaganap ang wikang pambansa simula noong 1940, una, sa pagtuturo
nito sa ikaapat na taon sa hayskul at sa mga teacher-training college, at nang sumunod,
sa pagtuturo nito sa lahat ng antas simula 1946 at hanggang sa level ng unibersidad
simula 1978.
 Pinalaganap din ang wikang pambansa bilang wikang panturo sa ilalim ng Patakaran sa
Bilingguwal na Edukasyon noong 1974 at sa Nirebisang Patakaran sa Bilingguwal na
Edukasyon ng 1987.
 Bukod sa larang ng edukasyon, maituturing na pinakamasigla ang diseminasyon sa iba’t-
ibang anyo ng midya tulad ng radyo, telebisyon, pelikula, gayundin sa iba’t-ibang
pahayagan, magasain, at iba pang popular na babasahin. Bahagi naman ng mga unang
hakbang sa kultibasyon ng wikang pambansa ang mga panayam at publikasyon tungkol
sa iba’t ibang aspekto ng wika at panitikang Tagalog na itinaguyod ng Surian ng
Wikang Pambansa simula 1938. Kasama ito sa unti-unting pagpapayaman ng korpus ng
pormal na sulatin sa wikang pambansa.
 MGA PROSESO SA PAGTATAMO NG INTELEKTUWALISADONG WIKA
o Makatutulong sa pag-unawa sa intelektuwalisasyon ang konsepto ng tatlong uri
ng language domain o larang ng wika. Ito ay ang non-controlling domain o
karaniwang larang ng wika, semi-controlling domain o mahalagang larang ng
wika, at controlling domain o napakahalagang larang ng wika.
o Ipinaliliwanag ni Sibayan na sa karaniwang larang ng wika, liberal ang mga
tuntunin sa kaayusan at katumpakan ng gamit ng wika. Ibig sabihin, anumang
wika o varayti nito ay puwedeng gamitin sa pagsasalita o pagsulat. Halimbawa
nito ang larang ng tahanan at ang larang ng lingua franca.
o Ang mahalagang larang ng wika naman ay tumutukoy sa mga larang tulad ng
relihiyon at entertainment o libangan.
o Napakahalagang larang ng wika – sentral na gawain ang pagbasa at pagsulat.
Halimbawa ay ang edukasyon (lalo sa hayskul at unibersidad), pamahalaan,
pagbabatas, hukuman, agham at teknolohiya, kalakalan at industriya, mga
propesyonal na larang tulad ng medisina at abogasya, mass media, literatura.
Nakasentro ang papel na ito sa intelektuwalisasyon ng Filipino sa larang ng
akademya.
o Nakatuon ang intelektuwalisasyon ng wika sa controlling domain o
napakahalagang larang ng paggamit ng wika. Sinasabing ang wika, upang
magamit sa napakahalagang larang, ay dapat na maging intelektuwalisado.
o Ipinapaliwanag ni Gonzales ang ilang proseso ng intelektuwalisasyon ng wika sa
larang ng akademya. Maaring ikategorya ang mga prosesong ito sa dalawa:
lingguwistiko at ekstra-lingguwistiko.
 MGA LINGGUWISTIKONG PROSESO
o Pagdevelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa
pagdevelop ng akademikong diskurso. (Bahagi nito ang pagbuo ng isang
descriptive grammar na magiging batayan naman ng mga pedagogical grammar
na magagamit ng mga guro sa pagtuturo ng wika at sa pagsulat ng mga
kagamitan sa pagtuturo.
o Pagdevelop ng korpora o lawas ng teksto sa iba’t-ibang akademikong larang.
Tinatawag din itong corpus planning ng mga lingguwista. Pagkaraan, ibabatay sa
lawas ng tekstong ito ang pagbuo ng register ng diskursong akademiko.
o Pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa isang larang.
Maaaring magsimula ito sa pagbuo ng teknikal na bokabularyo o set ng mga
termino o katawagan para sa pagtalakay ng mga tiyak na paksa sa isang
akademikong larang. Ipinapaliwanag ni Gonzales ang ilang konsiderasyon tungkol
sa pagbuo ng register:
 Para sa mga post-kolonyal na lipunan, karaniwang nanggagaling ang mga
termino sa Kanluran partikular na sa nanakop na bansa, lalo’t sa pagsakop, ay
may dala-dala na itong isang intelektuwalisadong wika; ang mga terminog ito ay
kailangang maisalin sa katutubong wika na gustong maintelektuwalisa
 May tatlong karaniwang estratehiya para maggamit ang mga teknikal na termino
mula sa ibang wika: ganap na panghihiram, panghihiram nang may pagsasalin, at
paglikha.
 Ang pagbuo ng register ay higit pa sa paglikha ng terminolohiya o katawagan;
sabi ni Gonzalez; “One needs to create an entire register, or a special variety of
the same language, for it is not terms that will realise the register, but the a
whole style of presentation using the intellectualising variety of the language”
(2002,18); tinutukoy rito ni Gonzales ang retorika at iba pang kumbensiyon sa
pagsulat na lampas na sa level ng terminolohiya.
 MGA EKSTRA-LINGGUWISTIKONG PROSESO
 Sosyolohikal na proseso – pinakamahalaga sa mga sosyolohikal na
prosesong ito ang pagkabuo ng isang grupo ng “significant others”
(2002,19) o “creative minority” (2002,20) – mga intelektuwal na disipulo
na magsisimulang gumamit ng mga teknikal na bokabularyo at
terminolohiya, at ng estilo o retorika, at magpapalaganap nito sa
pamamagitan ng pagsulat, paglalathala, at pagtuturo
 Makatutulong din sa intelektuwalisasyon ang pagbuo ng isang patakarang
pangwika, o patakaran tungkol sa wikang panturo, o isang plano para sa
unti-unting paggamit ng sariling wika sa mas maraming larang ng
akademya.
 Binanggit din ni Gonzales na ang tagumpay ng patakaran ay nakabatay sa
estruktura ng paaralan, kapasyahan ng mga guro, pagsang-ayon ng mga
magulang, at resorses para sa pagbuo at pagsasalin ng mga kagamitang
panturo, gayundin ang isang aklatan para sa intelektuwalisasyon ng wika.
 ANG MGA NAGAWA NA PARA SA INTELEKTUWALISASYON NG FILIPINO
o 1938 – mayroon nang panimulang pagsisikap na maintelektuwalisa ang wikang
pambansa. Magpapatuloy ito hanggang sa mga sumunod na dekada, at
maituturing na isa sa mga rurok ang panahon ng aktibismo ng dekada sisenta
(1960) at sitenta (1970).
 MGA NAGAWA KAUGNAY NG ESTANDARDISASYON NG WIKA
o UP Diksiyonaryong Filipino – binubuo ng mahigit sa 100,00 na salita
o 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling (KWF). Nirebisa ang alpabeto
ng wikang pambansa noong 1976 at noong 1987. Pinakahuling rebisyon ay
noong 2001. Ang 2001 Revisyon ay nakasentro sa paggamit ng walong dagdag na
letra na siyang nagdulot ng kumplikasyon sa ispeling ng wikang pambansa.
o Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (Tuon sa Pagbaybay). Inilathala ito ng UP
Sentro ng Wikang Filipino para magamit na gabay ng mga manunulat at editor sa
iba’t-ibang proyektong pampublikasyon nito. (mas komprehensibo kaysa
patnubay ng KWF dahil binuo ang mga tuntunin dito batay sa mga konkretong
karanasan ng mga editor sa iba’t ibang publikasyon ng SWF. Naglalaman ito ng
mga tuntunin tungkol sa iba’t-ibang aspekto at suliranin sa pagbaybay tulad ng:
 Pagbaybay at pagbuo ng salita
 Pagbaybay at gramatika
 Pagbaybay at paghiram ng mga salita
 Pagbaybay ng mga simbolo at daglat, at
 Pagbabantas
o Gramatikang Filipino. Descriptive grammar – sinulat ni Dr. Jonathan Malicsi ng
UP Departamento ng Linggwistiks. Ito ay nakabatay sa kasalukuyang gamit ng
wikang Filipino sa iba’t-ibang larang lalo na sa akademya at midya.
 MGA NAGAWA KAUGNAY NG PAGBUO NG KORPUS NG TEKSTO
 Tesis at Disertasyon sa Wikang Filipino. Nakapagtala si Ocampo ng 6 na disertasyon at
242 tesis sa iba’t ibang larang na nakasulat sa wikang Filipino batay sa parsiyal na
listahan ng Pambansang Aklatan. Bukod pa rito ang 52 disertasyon at 160 tesis sa larang
ng wika at panitikang Filipino. Ang listahan ay sumasakop sa mga produksiyong
akademiko mula 1966 hanggang 2000.
 Aklatang Bayan ng UP Sentro ng Wikang Filipino - pagsulat ng mga teksbuk sa Filipino sa
larang ng arte at humanidades, agham panlipunan, siyensiya at teknolohiya sa iba’t
ibang antas ng edukasyon. Nilahukan ang pagsulat ng mga teksbuk mga guro at iskolar
sa iba’t ibang disiplina. Tumulong naman ang mga manunulat at editor sa Filipino sa
pagsasaayos ng mga manuskrito. Sinuportahan ang paglilimbag ng mga ahensiya ng
pamahalaan tulad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) at NCCA, ilang
maaasahang politiko, at iba pang makawika. Mula nang simulan ang proyekto noong
1994, aabot na sa 100 ang libro sa Aklatang Bayan (sa pamamagitan ng Aklatang Bayan,
natugunan ang pangangailangan sa mga kagamitang panturo ng mga gurong nagsisimula
at nais gamitin ang Filipino bilang wikang panturo.
 Mga Journal sa Wikang Filipino. Naglalathala ang UP Sentro ng Wikang Filipino ng
refereed journal na monolingguwal sa Filipino – ang Daluyan: Journal sa Wikang Filipino.
Mayroon itong dalawang regular na seksiyon: ang una ay para sa mga artikulo tungkol
sa iba’t ibang larang ng aralin sa wika (pagsasalin, pagpaplanong pangwika, estruktura,
pragmatika); ang ikalawa ay para sa mga artikulo sa iba pang larang.
 Paglalathala ng mga Monolingguwal (sa Filipino) at Bilingguwal (sa Filipino at Ingles) na
Journal. Halimbawa nariyan ang Humanities Diliman, Philippine Humanities Review,
Social Science Diliman, Kasarinlan, Diliman Review, at marami pang ibang journal na
nakabase naman sa mga departamento gaya ng Lagda ng Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas. Inilalathala naman ng Pamantasang De la Salle ang Malay. Nariyan
din ang Bulawan, ang journal ng NCCA at Ani ng CCP.
 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Isa sa siyam na yunit ng Filipino sa general education
program ng CHED ay ang Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina. Dito dapat sinasanay ang mga
estudyante sa kolehiyo na gamitin ang Filipino sa kani-kanilang disiplina.
 MGA NAGAWA KAUGNAY NG PAGBUO NG REGISTER NG WIKANG FILIPINO SA ILANG
DISIPLINA
 May malaking proyektong isinagawa na tungo sa pagbuo ng register sa wikang
pambansa. Inisa-isa ito ni Ma. Lourdes Bautista sa kaniyang artikulong “The Parameters
of Intellectualization – Applications to Filipino” (1988). Tinukoy niya rito ang tatlong
kontemporaneong lapit sa intelektuwalisasyon ng Filipino: ang mga lapit na word-
formation, decision-procedure, at discipline-driven.
o Ang lapit na word-formation approach ang isinagawa ng Lupon sa Agham ng
Akademya ng Wikang Pilipino na itinatag noong 1964. Inihanda ang 7500
termino ng may 60 propesor at siyentista mula sa anim na pangunahing larang
ng siyensiya. Nakapaloob ang mga terminong ito sa 1969 publikasyong
nakamimeograph na may pamagat na Maugnaying Talasalitaang Pang-agham,
Ingles-Pilipino.
o Sa pagpapaliwanag ni Gonzalo del Rosario, mahalaga sa lapit na maugnayin ang
pagkakaiba ng pangalan (name) at termino (term). Ayon dito, ang pangalan ng
mga elemento, bagay, kagamitan, hayop, halaman, at iba pang nahahawakan o
nakikita ay arbitraryo at ang anyo at estruktura ng mga salitang kumakatawan
dito ay hindi maipapaliwanag. Karaniwang hinihiram na lamang ang mga ito mula
sa ibang wika kung wala itong katumbas sa sariling wika (hal. Caballoakabayo).
Ang termino ay tumutukoy sa mga prinsipyo, ideya, konsepto, metodo, puwersa
ng kalikasan, at iba pang ugnayan na hindi nahahawakan o nakikita. Ang mga
termino ay nabubuo mula sa mga umiiral na ugat (katutubo o hiram) na
dinurugtungan ng sarili nating panlapi o iba pang elemento sa pamamagitan ng
mga prosesong pinahihintulutan ng gramatika ng ating wika. Ito ang prinsipyo ng
pagkamaugnayin (hal. Mangabayo, mangangabayo, kabayuhan, kabayu-
kabayuhan). Ano-ano ang mga proseso sa pagbuo ng salita na tinutukoy sa lapit
na maugnayin? (1) paglalapi (hal. Talametruhan para sa metric scale,
palametruhan para sa metric system), (2) pagtatambal (hal. “mik” para
magpahiwatig ng liit tulad sa miktinig o microphone, at miksurian o
microanalysis), (3) pagkaltas ng nag-uulit na ugat (hal. Dahan-dahan para sa
carefully at dahan para sa slowness; huna-huna para sa opinions at huna para
sa theory), (4) parsiyal na paghahalo (hal. Tatsulok mula sa tatlong sulok,
parisukat para sa parehong sukat, parihaba para sa parehong haba).
o Ang lapit na decision-procedure ay gumagamit ng algorithm na nadevelop mula
sa mga field test para malaman kung ano ang posibleng tanggaping anyo ng
salita mula sa iba’t ibang pagpipiliang anyo. Halimbawa nito ang ginawang pag-
aaral ni Santiago noong 1981. (naglahok ang 300 respondent (100 estudyante sa
kolehiyo, 100 propesor, 100 praktisyoner). Lumitaw sa pag-aaral ni Santiago ang
sumusunod na hakbang sa pamimili:
 Para sa mga teknikal na termino sa Ingles, tiyakin muna kung may angkop na
termino sa Filipino (precipitationàpamumuo)
 Kung walang angkop na termino, gamitin ang salitang Kastila na binago ang
baybay (microbeàmicrobioàmikrobyo)
 kung hindi angkop ang hakbang, gamitin ang Ingles; baguhin ang baybay kung
madaling makikilala ang resultang baybay (mathematicianàmatematisyan);
panatilihin ang orihinal na baybay kung mahirap nang makilala ang binagong
baybay (dioxide sa halip na dayoksayd).
 Huling alternatibo ang paggamit ng bernakular, likhang salita, o matandang
salitang Tagalog. Ang lapit na discipline-driven ang naglalarawan sa pagbuo
ng mga salita o konsepto sa ilalim ng Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez.
Ang lapit na dsicipline driven ay nagsisimula sa realidad, at pagkatapos
humahanap ng salitang makapagpapahayag ng realidad na ito. (ang lapit na
word-formation at decision-procedure ay nagsisimula sa terminong Ingles na
hinahanapan ng katumbas sa Filipino)
 Bautista: “Translation considers the Filipino language (and culture) as the
target, while interpretaion considers the Filipino language (and culture) as
the srouce” (1988)
 ILANG USAPIN TUNGKOL SA DISKURSO NG INTELEKTUWALISASYON NG WIKA
o Dalawang usaping may implikasyon sa direksyiyon ng pagsusulong sa
intelektuwalisasyon ng wikang pambansa: Una ay may kinalaman sa tunguhin ng
intelektuwalisasyon na masyadong makiling sa pagsasalin ng mga banyagang
konsepto lalo na mula sa wikang Ingles.
o Ipinaliliwanag ni Sibayan, sa pagsipi kay Ferguson, na ang pangunahing
katangian ng isang modernisado o intelektuwalisadong wika ay ang
intertranslatability o ang kakayahang maisalin sa wikang ito ang mga konsepto
mula sa ibang wika. Dalawang uri ng intertranslatability – ang balikan (o two-
way) at isahang daloy (o one-way). Para sa balikang daloy, inihalimbawa ang
mga wikang Ingles, German, French, at Russian. Ang Ingles ay isinasalin sa
German, ang German ay isinasalin din sa Ingles. Sa kaso ng Filipino, isahan ang
daloy ng pagsasalin.

You might also like