You are on page 1of 2

BALAGTASAN SA WIKA

ANO NGA BA ANG MAS EPEKTIBONG GAMITING WIKA SA PAGTUTURO,

WIKANG FILIPINO BA O WIKANG INGLES?

Jessa: Wika ang mabisang susi sa kaunlaran ng bayan pati na rin sa usaping edukasyon

Wikang Filipino ang dapat gamitin sa lahat ng pagkakataon

Siguradong gaganahang mag-aral ang mga tinuturuan

Nakakalikha ito ng mas interaktibong klase

Dito lumilitaw ang pagkamagiliw ng mga tinuturuan

Dahil alam nila ang wikang tinuturo sa kanila

Mas nakakaya nilang intindihin ng madali

Kung wikang kinagisnan nila ang gagamitin

Walang maiiwan kung lahat ay nagkakaisa sa mabisang paraan ng pag-aaral

Kyra: Hindi kesyo sa pagmamayabang ngunit kung wikang banyaga ang gagamitin ay mas lalong
makikinabang ang lahat

Mas madaling aangat ang bayan dahil nakikipagsabayan tayo sa kung ano ang kaya nila

Walang masama kung ating susubukan ang wala sa atin

Hindi naman ibig sabihin na kung gagamit tayo ng wikang Ingles ay nakakalimot na tayo sa ating
pinagmulan

Sinasabi lang na, mas madaling intindihin sa klase kung ang gamit ay wikang Ingles sa pagtuturo
kung ang mga salita naman ay mahirap sabiahin sa wika natin

Hindi ba’t kay laking bagay ang nagagawa kung susubok ng ibang paraan

Walang mali sa wikang ginagamit hangga’t ito ay nakakatulong

Jessa: Sabihin na lang natin na tama ka pero kay laki naman nito ng pinagbabago

Nakagagawa ito ng agwat sa kung sino ang mas nakakaalam sa hindi

Pansinin mo diba parang may puwang sa pagitan ng mga mag- aaral na mas nakakalamang sila sa
klase kasi sila lang yung may kakayahang gamitin ang wikang Ingles?

Naiiwan ang mga mag-aaral na hindi alam ang ganyan


Wikang Ingles ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagkakawatk- watak

Sila sila lamang ding mga sinasabi nating elitista ang nag- uusap at nagkakaintindihan

Pwera kung ang wikang Filipino ang gaagmitin dahil lahat tayo ay makakaintindi dahil wikang ating
kinagisnan siya ring wika na ating huling mabibigkas

Kyra: Lahat naman ng bagay ay natutunan ganun rin sa wikang Ingles

Ang sinasabi ko lang na maganda gumamit ng wikang Ingles dahil ito ang ginagamit ng mga tao
upang makipagsabayan ngayong panahon, mapa panlipunang usapin man yan o usaping
pangkabuhayan

Sa usaping edukasyon, mas magiging magaling at kayang makipag kumpetensya ng mga mag-aaral

Sa larangan ng matematika, siyensya, at agham na alam nating mahirap ituro sa wikang Filipino

Wikang Ingles ang siyang magpapatunay kung bakit muli sisibol ang magandang kinabukasan ng
mga kabataan

You might also like