You are on page 1of 2

Ang Filipino bilang wika ng Akademya

Sa Konstitusyon ng 1987
(Artikulo XIV, sec. 6-9)
malinaw na itinakda ang Filipino bilang
wikang pambansa ng PIlipinas. Kasunod
nito ang pag papagamit sa Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa mga espesipikong asignatura.

Ito ang mga katanungan sa paggamit ng wikang Filipino sa


Akademya
1. Gaano na ba kalawak ang paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng Akademya?
2. Mas epektibo ba ang paggamit ng wikang Filipino kaysa sa Ingles sa pagtuturo?
3. Ano ba ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng wikang Filipino
bilang wikang panturo?
4. May malaki bang papel ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo upang
mahubog ang pagkabansa nasyunalismo sa mga mamamayan?
5. Mapagtatagumpayan ba ng mga nagmamalasakit sa wikang Filipino na ito ay tunay
na malawakang magamit?

Kung pagbabatayan ang sinasabi sa aklat na 'The Philippines': A Unique Nation ni


Sonia Zaide, edisyong 1997, pahina 20, na nagsasaaad na ang gumagamit ng
Filipino sa buong kapuluan ay 23.02%, samantalang ang Cebuano ay 24.38%,
masasabing hindi parin malawak ang paggamit nito sa kapuluan.
Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, hindi pa masyadong malawak ang paggamit
ng Filipino. May mga nagtuturo ng Kasysayan ng PIlipinas sa wikang Ingles at ganun
narin sa pakikipagtalastasan.
Ito\y isang pangyayari kaugnay ng paggamit ng wikang Filipino sa Akademya.
Ayon sa mga guro ng sikolohiya:
 Filipino ang wikang gustong gamitin ng mga bata. Mas higit silang
nakapagpapahayag ng kanilang nasa isip.
 Kapag pinagsasalita sa Filipino, hindi takot ang mga bata na baka sila
magkamali. Kapag Ingles, nag-aaalala sila na baka mali ang kanilang bugkas
gamit ng Ingles. Kaya, kapag nagkamali sila, ayaw na nilang magsalita.
Nagkakaroon sila ng inhibisyon.
 Kung nais ng guro na maging epektibo ang mga bata sa paglahok sa diskusyon,
pabayaan silang magsalita sa Filipino.
 Mas naiintindihan ng mga bata kung Filipino ang gamit sa pagtalakay ng mga
aralin, mas malawak ang interasyon, mas nakakapag-express sila ng sarili nila.

“Nais ko lang po sabihin sa inyo Ma’am Angelica na nagbase lang po ako sa research
sa internet kasi wala po akong pera pambili ng libro. Paumanhin po at maraming
salamat.” - Brix

You might also like