Professional Documents
Culture Documents
Paunang pagtatanong:
1. Mahalaga ba ang pag-aaral ng wikang Pambansa? Bakit?
Bilang isang mag-aaral mahalagang pag-aralan ang wikang Pambansa. Sapangkat ang wikang Pambansa ay dito tayo
kinikilala ng ibang mga dayuhan. Ang wikang Pambansa ay dapat natin itong bigyan ng malaking pansin dahil dito
natin kinikilala ang ating totoong wika o lingguahi. Dito natin malalaman na tayo ay mga Pilipino, Bilang isang
Pilipino, mahalaga ang pag-aaral ng ating wikang pambansa. Ito ay ang ating sariling wika at magiging kahiya-hiya
tayo kung hindi natin ito alam gamitin ng wasto at mahusay dahil inuuna nating aralin ang wika ng ibang bansa.
Nararapat lamang na alam natin ng maayos ang tamang paggamit ng wikang Filipino kaya mahalaga ang pag-aaral nito.
2. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng indibiduwal ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan?
Nakakatulong ang wikang Pambansa sa bawat isa. Dahil ang wikang Pambansa ay dito tayo kinikilala ng mga tao sa
ating sariling wika. Bilang isang indibidwal na epektibong nagagamit ang sariling wika sa ibat ibang aspeto, isa itong
mabisang paraan upang maging bihasa at mang hikayat ng iba sa hindi direktang paraan. Ito ay mahalaga sa
pagpapaunlad bilang isang indibidwal sapagkat hindi mo lang kinatakatawan ang iyong lahi at bansa, ikaw rin at
nagpapakita ng pagkamakabayan at mabuting mamamayan sa iyong kapwa indibidwal. Nakakatulong din ang wikang
Filipino upang hindi malimutan ng mga nasa bago o dadating na henerasyon ang ating sariling lenggwahe. Ito ay
nakakatulong upang mas mapamalas o mas mapakita natin na ikaw ay may pagmamahal sa bansa. Upang ikaw ay
makilala ng ibang dayuhan o kaya maengganyo sila na ito ay aralin.
Nang sumunod na taon, nagkaroon ng probisyong pangwika na nakasaad sa saligang batas 1935, Artikulo XIV,
Seksyon 3 na nagsasabing:
“Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansag ibabatay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinakda ng batas, ang wikang ingles at kastila ang siyang mananatiling
opisyal na wika.”
Nobyembre 13, 1936- pinagtibay ng pambansang asemblea ang batas komonwelt Blg. 184 na may pamagat na
“Isang batas na nagtatakda ng surian ng wikang pambansa at nagtatakda ng mga
kapangyarihan at tungkulin nito”
-Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa sapagkat isinaalang- alang ang mga
pamantayan.
A. Wika ng sentro ng pamahalaan
B. Wika ng sentro ng edukasyon
C. Wika ng sentro ng kalakalan
D. Wika ng nakararami at pinkadakilang nasusulat na panitikan.
Nang mapagtibay ang kautusang tagapagpaganap Blg. 134 matapos ang dalawang taon, sinimulan nang ituro sa
pampubliko at pribado ang wikang pambansa na batay sa tagalog.
Sa pamamagitan naman ng batas komonwelt Blg. 570, ipinhayag ang pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang
pambansa simula hulyo 4, 1946.
Agosto 13, 1959- pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. mula sa tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang
pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito lumaganap ang
paggamit ng wikanng Pilipino.
Taong 1972-muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa kumbensyong kontitusyonal kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli,
ito ang mga naging probisyong pangwika sa saligang Batas ng 1973, Artikulo XV. Seksyon 3. Blg 2.
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na mapapaunlad at
pormal na mapagtibay sa isang panlahat na wikang pambansa kikilalaning Filipino.”
Taong 1987- ayon sa saligang batas 1987 ay pinagtibay ng komisyong konstitusyon na binuo ni dating pangulong Cory Aquino
ang impementasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na
nagsasabing:
“Ang wikang pambansa ng pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
“…. hanggat hindi pinagtitibay ng batas, Ingles at Kastila ang magpapatuloy bilang mga wikang opisyal”
Wikang Opisyal- Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang
gagamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong pasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensya ng
gobyerno (Almario, 2014).
BE CIRCULAR NO.71, s.1939- ipinag-utos nang noo’y kalihim Jorge Bocobo ng paturuang bayan na gamitin ang mga
katutubong diyalekto bilang mga pantulong na wikang panturo sa primary simula taong panuruan 1939-1940
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263- Noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ng pangulong Quezon ang kautusanat dito’y ipinag-
utos ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Nag-aatasdin ito ng paglilimbag
ng Tagalog- English Vocabulary at isng gramatika na pinamamagatang Ang balarila ng wikang Pambansa.
Bulitin Blg. 26, s. 1940- Naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng isang pitak o seksyon sa Wikang Pambansa sa lahat
ng pahayagang pampaaralan upang mapasigla ang pag-aaral ng Wikang Pambansa sa mataas na paarala, mga paaralang normal
at teknikal na nilagdaan ng Direktor ng pagtuturo na si Celedonio Salvador.
Executive Order No.10- Noong Nobyembre 30, 1943, nagpalabas si. Jose P. Laurel ng Executive Order Blg. 10 na nagsasaad
na ang wikang pambansa ay ituturo sa lahat ng mataas na paaralang pampubliko at pampribado, Kolehiyo at unibersidad na
agad magkakabisa simula taong panuruan 1944- 1945
( Bernabe, 1987; sa Boras- Vega, 2010)
Merandum Pankagawaran Blg. 6, s. 1945-ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon na Nagtatakda ng tentatibong kurikulum
sa elementarya. Sa Kurikulum na ito, ang wikang pambansa ay bibigyan ng araw- araw na pagkaklase, 15 minuto sa primary at
30 minut0 sa intermedya.
Kautusang Pangkagawaran Blg.25- Noong Hunyo 19, 1974, ang kagawaran ng edukasyon at kultura ay naglagda sa
pamamagitan ng kautusang pangkagawarn Blg. 25, S. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang Edukasyon
Bilingguwal. Yon sa panuntunang ito, binibigyan katuturang mgahiwalay na paggamit ng Pilipino a Ingles bilang mga panturo
sa mga tiyak na asignatura , sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar n ito ay kinakailagan.
Kautusang pangkagawaran Blg. 50 s. 1975- Simula sa taong panuruan 1979-1980 isasama sa kurikulum ang lahat ng mga
institusyong tersiyarya ang anim(6) nay unit sa Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987- Ang Filipino at Ingles ay ggamiting mga midyum sa pagtuturo. Ituturo rin ang
dalawang wika bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon para matamo ang bilinguwal na kahusayan.
CHED Memorandum Order(CMO) No. 59, s. 1996- sa animnaput tatlomg (63) minimum na kahingian ng General
Education Curiculum (GEC), siyam (9) na yunit inilaan sa Filipino at siyam (9) din sa Ingles.
CMO No.04, s. 1997- siyam (9) nay unit ng Filipino ang kukunin sa programang Humanities Social Science at
communication(HUSOCOM) anim(6) nman sa di- HUSOCOM.
Kautusang pangkagawaran Blg. 60, s.2008.- ang Filipino at ingles ang mananatiling mga wika sa pagtuturo ang mga local n
wika ay gagamitin bilang mga pantulong na wika ng pagtuturo para sa ormal naedukasyon at alternatibong Sistema ng
pagkatuto.
Kautusang pangkagawaran Blg. 74, s. 2009- ito ay may pamagat na institutionalizing Mother Tongue- based Multilingual
education (MTBMLE). Sa kautusang ito, unang wika ang gagamiting wikang panturo para sa pangunahing literasiya.
CMO No. 20, s. 2013- Dahil sa pagbabago ng Sistema ng edukasyon , sa seksyon 3 ng kautusang ito, ang GEC ay bumaba sa
tatlumput anim (36) nay unit at inalis ang Filipino bilang asignatura, ang GEC ay maaaring ituro sa wikang Ingles o Filipino.
Ayon ky Contreras (2014), sa mga pamantasan ngaon,may mga tunggaliang nangyayari na dulot ng kontrobersyal na kautusan
mula sa Commission on Higher Education (CHED)., Ang CMO 20, n kung saan nawala sa mga kursong ipakukuha sa lahat ng
mag-aaral kolehiyo ang wika, bagama’t ginawang opsyon na ituro ang lahat ng mga kurso sa bagong GE sa Filipino.
CMO No.57, s. 2017- Ito ay kautusang pagdaragdag ng asignaturang Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo bilang bahagi ng
GEC.
Ito ang naging saligan ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Ink.( samahan ng
mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat at interes sa pagtuturo ng/sa wika, sa layuning mapaunlad at mapalaganap ang
wikang Filipino, sa pagmumungkahi na palawakin pa an saklaw ng Filipinasyon ng wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan
ng mandatory na paggmit nito sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum. Makikita ang layunin ng PSLLF ang
kanilang pakikiisa sa hangaring pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa Kanilang Posisyong Papel.
PSLLF- ay isang propesyonal na organisasyong nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino, Pangunahin sa
edukasyon at pananaliksik.
- ay alyansa ng mga tagapagtanggol ng wikang Filipino (Tanggol Wika) na nangunguna sa matagumpay pakikibaka
para mapanatili ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo (https:ppsllf.wordpress.com/)
Isa rin ang National Commission for Culture and the Arts of the Philippines(NCCA) o Pambansang
Komisyon para sa kultura at mga Sining sa mga organisasyon na nagtataguyod sa kahalagahan ng wikang Filipino. Sa
kanilang resolusyon na bahagi ng katitikan ng pulong noong 2014, Isinasaad na sadyang mahalaga ang paggamit ng wikang
Filipino upang mapaigting ang kamalayang pambansa at pagkakaisa ng sambayanan.
Ayon sa misyon ng NCCA, Kailangang makabuo ang ahensiya ng mga polisiya para sa pagpapaunlad ng kultura at
mga sining, makapagpatupad ng mga polisiya sa pakikipagtulungan ng iba pang mga ahensiya at makapagpaunlad at
maipakilala ang kultura at sining ng mga Pilipino
1. Opisyal na wika-
Ito ay ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado ng mga mamamayan na ibig sabihin ay ang wikang
gagamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong pagsulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o
ahensya ng goberno. Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Maraming pag-aaral ang isinasagawa bago maging opisyal ang isang wika. Ito ay para malaman
kung ano ba ang pinakakarapat-dapat na wika para sa bansa.
2. Kautusang tagapagpaganap Blg.
Ang kautusan dito ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado
sa bansa. Nag-aatas din ito ng paglilimbang ng Tagalog-English Vocabulary at isang gramatika na
pinamamagatang ang balarila ng wikang Pambansa.
Gawain 2. Nakakabuo ng time chart ng mga pangyayari sa kasaysayan sa pagkahirang ng wikang pambansa.
Gamit ang timetable, isulat sa kahon ang mga mahahalagang pangyayari batay sa isinasaad ng taon.
Disyembre 30,1937- ay ipinoklama ni pangulong Manuel L. Quezon na ang wikang tagalog
ang batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng surianng wikang Pambansa sa bisa ng kautausang
tagapagpaganap Blg.134.
Agosto 13, 1959- pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. mula sa tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang
pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito lumaganap ang
paggamit ng wikanng Pilipino.
Taong 1987- ayon sa saligang batas 1987 ay pinagtibay ng komisyong konstitusyon na binuo ni dating pangulong Cory Aquino
ang impementasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na
nagsasabing:
“Ang wikang pambansa ng pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”