You are on page 1of 19

UNANG BAHAGI

ANG PAGBASA
SA IBA’T IBANG
DISIPLINA
Gng. Fermin

?
ALMA CHERRYL
ANG PAGBASA AT ANG
KAHALAGAHAN NITO
Ayon kina Lapp at Flood (1983) ang katuturan
ng pagbasa ay nakapailalim sa dalawang
kategorya:
- ang pagbasa ay isang proseso ng pagdedekowd
ng mga salitang binubuo ng mga salitang
nakalimbag
- ang pagbabasa ay isang proseso ng pag-unawa
sa kahulugan ng mga konseptong inihahatid
ng mga nakalimbag na salita.
Sa madaling sabi, ang pagbasa ay
hindi lamang sumasaklaw sa
kakayahang kumilala sa mga titik,
salita at pangungusap na bumubuo
sa tekstong binabasa kundi
sumasaklaw din sa pag-unawa sa
mensaheng nakapaloob sa teksto sa
tulong ng dating kaalaman at
karanasan ng bumabasa.
• Kung babalikan natin sina
Alma at Cherryl na nabanggit
sa unahan, sino sa dalawa ang
may kakayahang bumasa?
• May (1986) - ang pagbasa
ay walang iba kundi ang
pag-unawa.
• Rubin (1983) – kung hindi
naunawaan ang binasa,
walang naganap na
pagbasa.
Bakit kaya mahalaga ang pagbasa?

• Ayon kay Villamin (1999), ang pagbasa


ay isang susing nagbubukas ng
pintuan tungo sa pagtatamo ng
kaalaman tungkol sa iba’t ibang
larangan bukod sa ito’y nagbibigay din
ng kasiyahan.
• Ang pagbasa ay may kahalagahang
pang-ekonomikal, panlipunan,
pampulitikal at maging pampersonal
(Harris at Sipay, 1985). Sa pag-unlad
ng siyensya at teknolohiya, maraming
bagong kaalaman sa iba’t ibang
larangan ang lumalaganap.

• Ang mga taong walang kakayahang


bumasa ay lagi nang nasa
disbentaheng kalagayan.
Ang Iskemata at ang Teoryang
Iskema
• Ang tungkulin ng dating kaalaman sa
pag-unawa ang naging batayan ng
tinatawag na teoryang iskema
(Barlett, 1932; Rumelhart, 1980).
Ipinakilala ng teoryang ito kung
paanong iniipon ng isang individual
ang mga impormasyon sa kanyang
utak (iskema o iskemata sa
pangmaramihang anyo) at kung
paanong ang kanyang mga dating
kaalaman ay nakatutulong sa kanya
upang magtamo ng bagong kaalaman
(Reutzel at Cooter, 1999)
Ayon sa teoryang iskema, ang
isang teksto, maging ito’y
pasalita o pagsulat, ay walang
taglay na kahulugan sa kanyang
sarili. Binibigyan lamang nito
ang nakikinig o bumabasa ng
direksiyon kung paano niya
bibigyang-kahulugan ang teksto
sa pamamagitan ng paggising sa
kanyang mga tinamo nang
dating kaalaman na nakaimbak
sa kanyang utak.
• Ayon kay Rumelhart (1980) ang
iskema (o iskemata) ay naglalaman ng
ating kaalaman tungkol sa mga tao,
mga bagay-bagay, mga sitwasyon,
mga pangyayari mga aksyon o serye
ng mga aksyon kaugnay ng ating mga
dating karanasan.
• Marami sa ating iskemata ang
nabubuo habang tayo ay
tumatanda at nadadagdagan ang
ating kaalaman sa mundo.
Ang Interaktibong Proseso ng Pagbasa

• Ang isa sa mga nalinang na pinakabagong


modelo sa pagbasa ay ang tinatawag na
interaktibong modelo na nilinang ni Rumelhart
(1977).
• Binibigyan-diin ng modelong ito na nangyayari
ang pag-unawa sa pamamagitan ng interaksyon
ng teksto at ng bumabasa. Ito’y
nangangahulugan na nagkakaroon ng pag-unawa
sa pamamagitan ng pag-iinterak ng mga
impormasyon mula sa dating kaalaman ng
bumabasa at ng kaalamang matatamo niya mula
sa teksto.
Sa madaling sabi, ang mga dating kaalaman ng
bumabasa na nakaimbak sa kanyang utak (o
iskemata) ay gumaganap ng mahalagang
tungkulin sa pagproseso ng mga impormasyong
nakapaloob sa teksto. Ginagamit ng bumabasa
ang kanyang mga dating kaalaman pati na rin ng
kanyang mga dating karanasan sa pagbubuo ng
mga hinuha tungkol sa mga impormasyong
nakapaloo sa teksto.
Ano ang Proseso ng Pagbasa?
• Ayon kina Bosco at Buchner (2004) ang
pagbasa ay isang proseso kung saan ang
mambabasa ay naghahanap at bumubuo
ng kahulugan mula sa teksto. Ito ay
nangangahulugan na ang mambabasa ay
aktibong partisipant sa proseso ng pagbasa
sapagkat dinadala niya ang kanyang wika,
mga kaisipan, karanasan, at kaalaman sa
teksto. Inuugnay niya ang mga bagong
kaalamang kanyang natamo mula sa teksto
sa kanyang mga dating kaalaman at
karanasan. Nakikipag-interak siya sa mga
salitang nakalimbag sa teksto upang
maunawaan niya ang mensahe ng awtor.
Ang pagproseso ng pagbasa ay binubuo ng
tatlong hakbang:
• Bago bumasa
• Habang bumabasa
• Pagkatapos bumasa
Pagbasa ng mga Tekstong Akademik
Tekstong Pang-Agham – Panlipunan
-sa pagbasa ng mga tekstong pang-Agham-Panlipunan,
mahalagang malinang sa mambabasa ang kanyang
mapanuring pag-iisip upang matiyak niya kung ang
mga ipinakilalang mga pangyayari ng sumulat ay mga
katotohanan o mga propaganda lamang. Dapat na
maging alerto ang mambabasa sa pagsusuri ng lahat
ng anggulo ng mga iprinesentang impormasyon sa
teksto upang makapagsagawa siya ng tamang
paghuhusga sa katotohanan ng mga impormasyon ito.
Tekstong Pang-agham
- Ang kahuasayan sa pagbasa ng mga akdang pang-
agham ay humihingi ng mga kasanayang tinataglay
ng mga siyentipiko. Tulad ng mga siyentipiko, ang
mambabasa ng mga akdang pang agham ay
kinakailangang mahusay na palaisip at marunong
maghinuha. Dapat siyang magtaglay ng kakayahang
kumuha ng mga impormasyon mula sa mga
pahiwatig na ibinigay ng sumulat at gamitin ang mga
impormasyong ito sa pagbuo ng mga paglalahat.
• Tekstong Panghumanidades
- Naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa mga
sining na biswal tulad ng musika, arkitektura,
pintura, sayaw, dula, at panitikan. Sa
pamamagitan ng mga tekstong ito, naipapahayag
ng sumulat ang kanyang nadarama, adhikain,
pangarap, pag-asa o pangamba. Bilang
mambabasa ng mga tekstong humanidades,
kinakailangang magkaroon ka ng kakayahang
sumuri sa mensaheng ipinaaabot ng may-akda sa
pamamagitan ng kanyang teksto.
• Tekstong Profesyunal
- Mga babasahing may kinalaman sa iba’t ibang
uring profession tulad ng inhiryerya, pagtuturo,
medisina, agrikultura, arkitektura, abugasya at
iba pa. Layunin ng mga may-akda ng mga
tekstong profesyunal ang magbigay ng mga
impormasyon tungkol sa mga larangang kanilang
kinabibilangan na magiging kapaki-pakinabang sa
mga mambabasa.

You might also like