i. Pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat na Diskurso Sa midyum na ginagamit Sa pamamaraan sa pagpapatimo ng mga kakintalang iniwan Sa pagiging direkta ng pasalita at indirekta ng pasulat Sa implikasyon ii. Pagkakapareho ng Pasalita at Pasulat na Diskurso Sa pagtataglay ng na kompetens ng mga partisipant o Linggwistik Kompetens (Bachman) – isang gramatikal kompetens na nagsasangkot ng di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at maging sa bokabularyo. o Komunikatib Kompetens (Chomsky) – isang pragmatikong kahusayan ng isang ispiker upang hagilapin at magamit ang akmang barayti ng wika ayon sa isang tiyak na sitwasyong sosyal na hahamon sa kanyang abilidad upang matugunan ang pangangailangan ng pagiging sensitibo sa rehistro ng salita at pagkamaalam sa mga kultural na refens na kinasasangkutan ng pagiging pamilya sa lipunan, pulitika, kung ano ang popular at luting na kultura, kaganapan at istatus ng mga kaganapang panlipunan, at marami pang iba. Dalawang konsepto (Lyle Bachman) na may kaugnay sa Komunikatib Kompetens: 1. Tekstwal Kompetens – kakayanang sumulat nang may organisasyon at kohisyon. 2. Ilusyunari Kompetens – kakayanang maisangkapan ang wika para sa ideasyon (pagsasawika ng ideya), manipulasyon, heuristic (magamit upang maisakatuparan ang pagkatuto), at maging sa imahinasyon. Sa kakintalang iniiwan sa mga taong pinag-uukulan ng mensahe Persepsyong Nakakaimpluwensya sa 2 Nag-uusap: o Persepsyon sa sarili, sa isa’t isa at sa kausap o Ang iniisip na tingin sa kanila ng kanilang kausap o Ang totoong persepsyon ng kausap sa kinakausap Sa pagiging kapwa komunikasyon – proseso ng encoding at decoding Sa paghahatid ng mensahe: Dalawang Uri ng Mensahe sa Proseso ng Komunikasyon: 1. Mensaheng Pangnilalaman – ang sinasabi ng dalubguro at ng mag-aaral 2. Mensaheng Relasyunal o Mensaheng Di-Berbal – ang damdamin at pagtingin ng kausap
II. Mga Tuntunin sa Mabisang Pagpapahayag
i. Mga Dapat Isagawa at Iwasan ng isang Manunulat o Mananalita Mga Dapat Isagawa: o Ang paggamit ng kagalang-galang o marangal na wika o Ang paggamit ng mga salita na makapagbibigay linaw sa kanyang sasabihin o Ang pagkilanlan sa mga salitang may magkaparehong kahulugan o Ang paggamit ng mga salitang komon o gamitin o Ang paggamit ng ispesipiko at kongkretong mga salita sa halip na karaniwan o abstraktong mga salita o Ang paggamit ng bago at orihinal na tayutay o Pagiiba-iba ng pagbabalangkas ng pangungusap at ng talataan o Ang pagsasaayos ng mga pangungusap upang ang kaisipan ay madebelop sa lohikal na pagkakasunod-sunod o Ang pagiging bihasa sa pagbabalanse ng mga pangungusap o Ang pagbibigay ng bigat sa mahahalagang ideya Mga Dapat Iwasan: o Ang pag-iwas sa paggamit ng mga salitang balbal o Ang pag-iwas sa malalabong pahayag o Ang pag-iwas sa mga retorikal na ekspresyon o Ang pag-iwas sa mga simpleng bagay o Ang pag-iwas sa hindi kailangang pag-uulit ng mga salita o parirala ii. Mga Dapat Isaalang-alang ng isang Manunulat at Mambabasa Ukol sa pagsusuri at pagtiyak sa mambabasa o audience o Dapat Isaalang-alang ng Manunulat: Isinaalang-alang ko ba ang kanilang interes? Sinisindak ko ba sila sa paggamit ng mga salita o konseptong mahirap unawain? Angkop ba ang lenggwaheng ginamit ko? Salungat ba ang paniniwala ko sa mambabasa? May kaisahan ba ang kaisipang tinatalakay ko sa una hanggang sa wakas? o Dapat Isaalang-alang ng Mambabasa: Napukaw ba ang interes ko sa binasa? Akma ba ang mga salita/ pangungusap na ginamit sa pagpapaliwanag sa mga konseptong nais ihatid? Angkop ba ang lenggwaheng ginamit ng manunulat? Salungat ba ang paniniwala ng manunulat sa mababasa? May kaisahan ba ang kaisipang tinalakay mula sa una hanggang sa wakas? Ukol sa pagsusuri at pagtiyak sa mga layunin ng manunulat o Dapat Isaalang-alang ng Manunulat: o Dapat Isaalang-alang ng Mambabasa: Ukol sa pagpili ng persona/ punto de vista/ perspektib o Dapat Isaalang-alang ng Manunulat: o Dapat Isaalang-alang ng Mambabasa: Ukol sa pagpili ng mensahe o Dapat Isaalang-alang ng Manunulat: o Dapat Isaalang-alang ng Mambabasa: