You are on page 1of 30

RETORIKA: GNED

MASINING NA
PAGPAPAHAYAG 13
Ano ang Retorika ?
• Badayos, et al., 2007
• Rhetor
• Isang tagapagsalita sa publiko.
◦ ARISTOTLE “Retorika ang pakulti ng pagtuklas ng lahat ng
abeylabol na paraan ng panghihikayat sa ano mang particular na
kaso.”

◦ PLATO “Retorika ang art of winning soul sa pamamagitan ng


diskurso.”

◦ CICERO “Ang retorika ay pagpapahayag ng disenyo upang


makapanghikayat.”

◦ QUINTILLAN “Ang retorika ay sining ng mahusay na


pagsasalita.”
◦ DOUGLAS EHNINGER “Ang retorika ay disiplinang nakatuon sa
pag-aaral ng lahat ng mga paraang ginagamit ng mga tao upang
makaimpluwensya ng pag-iisip at gawi ng iba sa pamamagitan ng
estratedyik na paggamit ng mga simbolo.”

◦ GERALD A. HAUSER “Ang layunin nito ay impluwensyahan ang


pagpapasya ng mga tao hinggil sa mga ispesipikong bagay na
nangangailangan ng agarang atensyon.”

◦ C.H. KNOBLAUCH “ Ang retorika ay proseso ng paggamit ng


wika upang mag-organisa ng karanasan at maikomunika iyon sa
iba. Ito ay isa ring pag-aaral ng paraan ng paggamit ng wika ng tao
sa pag-oorganisa at pagkokomunika ng mga karanasan.”
◦ CHARLES BAZERMAN “ Ang retorika ay isang pag-aaral kung
paano ginagamit ng tao ang wika at iba pang simbolo upang
isakatotohanan ang mga layuning pantao, ito ay isang praktikal na
pag-aaral na nagbibigay sa tao ng matinding control sa kanilang
mga simbolikong gawain.”

◦ THE ART OF RHETORICAL CRITICISM “Ang retorika ay isang


estratedyik na paggamit ng komunikasyon, pasalita o pasulat,
upang makamit ang mga tiyak na layunin.
Pahapyaw na Kasaysayan
KLASIKAL NA RETORIKA
 Homer- Ama ng Orotaryo.

• Orotaryo ay isang pampublikong pagsasalita na nagpapakita ng


kahusayan sa pagsasalita na nagbibigay ng epekto sa madla.

Sophist- tawag sa isang pangkat ng mga guro.

Protagoras- kauna-unahang Sophist na nagsagawa ng isang


pagaaral sa wika.
 CORAX- ang nagtatag ng retorika bilang isang agham noong
ikalimang siglo at ang may akda ng unang handbuk hinggil sa
sining ng retorika.

ANTIPHON- Ten Attic Orators; Teorya at praktika ng retorika.

ISOCRATES- nagpalawak sa sining ng retorika.

GORGIAS- akda ni Plato

RHETORIC- akda ni Aristotle

CICERO AT QUINTILLIAN- tinaguriang dakilang maestro ng


retorika at praktikal na retorika.
RETORIKA SA GITNANG PANAHON/MIDYIBAL AT
RENASIMYENTO

MGA PANGUNAHING MIDYIBAL NA AWTORIDAD SA


RETORIKA:

1. Martianus Capella
2. Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus
3. San Isidore
MODERNONG RETORIKA

Lectures on Rhetoric (1783) ni Hugh Blair


Philosophy of Rhetoric (1776) ni George Campbell
Rhetoric (1828) ni Richard Whately
MGA KANON
NG RETORIKA
1. Imbensyon
2. Pagsasaayos/Arrangement
3. Istayl/Estilo
4. Memori/Memorya
5. Deliberi/Paghahatid
 Imbensyon- ay mula sa salitang Latin na invenire na
ang kahulugan ay to find.

Halimbawa: sanhi at epekto


komparison at iba pang ugnayan

 Pagsasaayos- ay nakatuon sa kung paano


pagsusunud-sunurin ang isang pahayag o akda.
 Ganito ang karaniwang pagsasaayos ng isang
klasikong oratoryo:

a. Introduksyon (exordium)
b. Paglalahad ng mga katotohanan (narratio)
c. Dibisyon (partitio)
d. Patunay (confirmatio)
e. Reputasyon (refutatio)
f. Kongklusyon (peroratio)
 Estilo- ay nauukol sa masining na ekspresyon ng
mga ideya. Kung ang imbensyon ay nauukol sa ano
ang sasabihin, ang estilo ay nauukol sa paano iyon
sasabihin.

Wika nga ni MacLuhan, the medium is the message.


 Memori- ay may kaugnayan sa mnemonics o
memory aids na tumutulong sa isang orador na
sauluhin ang isang talumpati.

 Deliberi
◦ (kasama ang memori) ay madalas na hindi
natatalakay sa mga tekstong retorikal, ang kanong ito
ay napakahalaga sa retorikal na pedagohiya.
RETORIKA
BILANG ISANG
SINING
a. Isang Kooperatibong Sining.
Hindi ito maaaring gawin nang nag-iisa. Ito ay ginagawa
para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng
kaganapan. Sa pamamagitan nito, kung gayon, napagbubuklod
ang tagapagsalita at tagapakinig o ang manunulat at mambasa.

b. Isang Pantaong Sining.


Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat.
Dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng tao, ang
retorika ay nagiging eksklusibo ring sining ng tao at para sa tao.
c. Isang Temporal na Sining.
Ang retorika ay nakabatay sa panahon.

d. Isang Limitadong Sining.


Marami itong kayang gawin. Maaari nitong paganahin ang
ating imahinasyon at gawing possible ang mga bagay na
imposible sa ating isipan.
e. Isang May-Kabiguang Sining
Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika.
Marami sa atin ang limitado lamang ang kaalaman at
kasanayan sa wika. Idagdag pa rito na ang wika ay likas na
komplikado.

f. Isang Nagsusupling na Sining.


Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.
Halimbawa: ang isang manunulat ay nagsisimula sa isang ideya
at isipan at nagsusupling ng isang akda.
RETORIKA BILANG
PANSIBIKONG
SINING
• Ang mga nagtuturing naman sa retorika bilang isang
pansibikong sining ay naniniwala na ang retorika ay
may kapangyarihang humubog ng mga komunidad,
humubog ng karakter ng mga mamamayan,
magbigay-hugis sa opinyon ng madala at makagawa
ng impak sa pasibikong buhay.
ANG SAKLAW
NG RETORIKA
◦Pinag-aralan ng mga retorisyano ang mga diskurso
ng napakarami at iba’t ibang domeyn :

Panlipunang agham Piksyon


Fine art Kasaysayan
Relihiyon Kartograpiya
Pamamahayag Arkitektura
Digital media Politika at batas
◦ Ilan sa mga modernong propesyong ang-eempleyo ng mga
retorikal na praktisyoner ay ang mga sumusunod:

 Public relations
 Lobbying
 Law
 Marketing
 Professional and technical writing
 advertizing
◦ Ayon kay James Boyd White (sa Wikipedia.org),
“ang kultura ay muling nalilikha sa pamamagitan ng
wika. Naiimpluwensyahan ng wika ang tao kung
paanong naiimpluwensiyahan din ng tao ang wika. Ang
wika ay nalilikha ng lipunan at nakabatay ito sa
kahulugang inilalapat ng mga tao sa wika. Dahil ang
wika ay dinamiko at nagbabago depende sa sitwasyon,
ang pangunahing gamit ng wika ay retorikal.”
MGA
GAMPANIN NG
RETORIKA
a. Nagbibigay-daan sa Komunikasyon.
◦ Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari
nating ipahayag sa pasalita o pasulat na paraan upang
maunawaan ng ibang tao.

b. Nagdidistrak.
◦ Dahil sa pakikinig natin sa iba o sa pagbabasa natin
ng mga akda, maaaring nadidistrak ang ating isipan sa
mga masasakit na realidad sa ating lipunan.
◦ c. Nagpapalawak ng Pananaw.
◦ Sa tuwing tayo’y nakikinig o nagbabasa, maaaring
may natututunan tayong bagong kaalaman na
mahalaga. Hindi nga ba’t sinasabing ang retorika ay
isang sining na nagsusupling at nagpapasa ng mga
kaalaman?

◦ d. Nagbibigay-ngalan.
◦ Ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay dumating o
ipinanganak nang walang label.
e. Nagbibigay-kapangyarihan.
Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging
prominente at makapangyarihan. Ang mga politico,
halimbawa, ay nahahalal dahil sa kanilang husay sa
pananalumpati.

You might also like