You are on page 1of 46

Mga Batayang Kaalaman sa

Pagdadalumat

Unang Modyul
Dean B. Lapuz
Associate Professor V
A. Kahulugan ng Dalumat,
Pagdadalumat at
Pagdadalumat-salita
1. Dalumat
- Mula sa etymology ng theory:
Gk. theoria “contemplation, speculation, a looking at,
things looked at,”
from theorein “to consider, speculate, look at,”
from theoros “spectator,”
from thea “a view” + horan “to see.”
 (http://www.etymonline.com/index.php?term=theory)
- Sa Ingles na kahulugan,
ayon kay Panganiban (1973)
-very deep thought, abstract
conception.
Paglilirip
- Maingat na pag-iisip
- May pagsusuring sangkot sa
gawaing pag-iisip
Hiraya at Paghihiraya
 hiraya – ilusyon, imahinasyon, bisyon
 

- Anumang inilalarawan sa isip o binubuo sa isip;

- Ang kakayahan ng isip na maging malikhain o maparaan;

- Ang kakayahan ng isip na bumuo ng mga imahen o konsepto ng mga

panlabas na bagay na hindi umiiral o hindi totoo;

- Kakayahan ng isip na bumuo ng mga bagong imahen o ideya sa

pamamagitan ng pagdudugtong-dugtong ng mga dating karanasan


Paghihiraya
Ang kahulugan mismo ng panghihiraya ay
upang maging malikhain ang isang palaisip o
teorista sa kognitibong konstruksyon ng kabuluhan,
kahulugan at kakanyahan ng salita bilang dalumat.
Kung kaya’t pumapasok dito ang lisensiya ng isang
iskolar o teorista na bumuo ng bagong salita sa
dinadalumat na teorya.
2. Pagdadalumat
- tumutukoy sa pagteteorya at
pagbubuo ng mga konsepto o kaisipan na
mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-
bagay sa lipunan.
Samakatuwid;
kung nagdadalumat ang isang palaisip,
nakakapit sa isip niya ang paglilirip, pagsisid sa
kailaliman ng kahulugan/penomenon at
paghihiraya nito. Ibig sabihin dahil sa
imahinasyon, tagakatha’t tagasuri siya sa
pagdadalumat. Hindi lamang TEKSTWAL ito
bagkus, BISWAL din ang saklaw ng
pagdadalumat.
3. Pagdalumat-salita
• Ito ang pagtatangkang teoretikal, alinsunod sa paglikha ng bagong salita at
katuturan nito.

•   Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng


pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga
salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa
malalimang pag-uuri’t paggamit nito. Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng
salitang ugat at ang varyasyon ng mga pagbabanghay ng salita na nagluluwal ng
sanga-sangang kahulugan (Nuncio at Morales-Nuncio 2004: 167).

• Humihiwalay sa lexical o diksyunaryong kahulugan lamang ang salita at


nililirip ito sa antas ng interpretasyon
B. Ilang Paraan ng
Pagdadalumat-salita ng
ilang Kritiko, Teorista, at
Palaisip sa iba’t ibang
Disiplina (Nuncio, 2004)
1. Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong
salita/konsepto:
oPilipinolohiya ni Covar
oPantayong Pananaw ni Zeus Salazar,
oPamathalaan ni Consolacion Alaras,
oSarilaysay ni Rosario Torres-Yu.
2. Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan
ni Isagani R. Cruz
3. Pag-aangkop /
Rekontekstuwalisasyon
o Kasaysayan bilang “salaysay na may
saysay”
o Pantawang pananaw - kapangyarihan ng
tawa na tumuligsa at mang-uyam sa mga
nasa kapangyarihan; ang tawa bilang
kritika
o Sangandiwa -kalikasan ng Araling Filipino bilang multi-
disiplinari ang lapit, multi-kultural at multi-linggwal ang mga
konsiderasyon sa pag-aaral nito.
o Pagsasanga-sanga ng mga talastasang pangkalinangan sa
loob at labas ng bansa na may lalim at lawak. Kaisahan ito ng
pagkakaiba-iba ng diwa at kabuuan din ng maramihang
pakikisangkot tungo sa mapanaklaw at malawakang
kapilipinuhan ng sarili’t bansa
Dalumat-Salita: Mga Salita ng
Taon/Sawikaan, Ambagan, Mga Susing
Salita Atbp.
A. Ang mga Salita
ng Taon / Sawikaan
1. Pagtunghay sa mga awitin bilang
panimulang pagdadalumat
Ang mga awiting Pilipino ay maaari ring
paghanguan ng mga halimbawa ng matalinong
pagdadalumat. Ang sumusunod na awitin ay
kababakasan ng isang matalinong pagdadalumat
na maituturing na mahalaga sa kulturang Pilipino.
Loob
(ni Jess Santiago)
Wika nati’y simpleng-simple/ Pero ubod ng lalim
Para sa hindi Pinoy/Napakahirap sisirin
Ang looban ay sulok ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob
Ang alinlangan ay dalawang-loob/ Ang hinanakit ay sama ng loob
Bituka at atay ay lamanloob/ Mandurugas ay masasamang-loob
Ang katapangan ay lakas ng loob/ Ang natatakot ay mahina ang loob
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Marami tayong katagang/ Iba’t iba’ng kahulugan
Na para sa hindi Pinoy/ Mahirap maintindihan
Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob
Ang kabarkada’y kapalagayang-loob/ Ang kaibiga’y katapatang-loob
Ang taong matatag ay buo ang loob/ Ang nagtitimpi kulo’y nasa loob
Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Kaya ang wika’y dapat pag-aralan/ Kung nais nating magtuloy
Hanggang sa kaloob-loooban/ Ng puso’t utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Hanggang sa kaloob-looban
Ng puso’t utak ng Pinoy
Ambag ng Sawikaan
sa Pagdadalumat
 

Sawikaan (sá·wi·ká·án- png)


Bagong Likha [Modernong Filipino, pangalawa
lamang sa mga korpus ng salitang-ugat (una ang
pilit, sumunod itong wika) na nilapian ng sa+ at +an
na nagpapahayag ng “sa pamamagitan ng”]:
pagbabanyuhay ng salita sa pamamagitan ng wika
(Miclat mula sa Narvaez, 2016)
Sawikaan – simula -2004
• nagsimula hindi bilang isang kumperensiyang pangwika kundi bilang
isang timpalak pangwika
• Perfecto T. Martin- isang aktibong kasapi ng FIT (Filipino Institute of
Translation) ang may ideya nito bilang makabago at kakaibang
pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ayon dito- may nabasa siya (balita)
WOTY (word of the year) ng ADS (American Dialect Society)
• Iminungkahi ito ni Martin sa FIT, (na sinunod agad) na hindi masamang
gawin din ang ganito sa Pilipinas (itataon sa pinakamagandang
panahon-(BWP)na tatawaging “SALITA NG TAON” (SNT)
Sa orihinal na ideya ni P.T. Martin -
Sawikaan- isang makabago at kakaibang paraan ng
pagdiriwang ng BWP na kakawala sa tradisyunal na
sayawan, kantahan, balagtasan, sabayang pagbigkas,
talumpati at iba pa. Dahilan din upang itakda ito tuwing
Agosto ng taon.
• Pambansang Alagad ng Sining-Virgilo S. Almario (Rio
Alma)-pinangalanan itong “Sawikaan: Salita ng Taon
– na naging opisyal na pangalan ng timpalak.
Ang Sawikaan ay isang masinsinang talakayan para
piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso
ng sambayanan sa nakalipas na taon. Samakatwid maaaring
tingnan ang Sawikaan bilang pagtatangka ng FIT na likumin ang
mga salitang naging laganap o sikat ang gamit sa isang
espisipikong taon at pag- usapan ang gamit at pinagmulan nito
(Zafra, 2005, vii).

Sa paniniwala ng FIT, ang ganitong pamimili ng salita ng


taon ay isang malikhain at mabisang estratehiya upang itampok ang
katangian ng Filipino bilang wikang pambansa
b. Papel ng Sawikaan sa Pagdadalumat
Ang kumperensiyang Sawikaan: Mga Salita ng Taon ng
FIT ay itinuturing na mahalagang ambag sa
pagdadalumat-salita. Sa artikulong Tanong- Sagot ukol
sa Sawikaan:Pagpili sa Salita ng Taon na inilathala ng
KWF (2016) ay masinsing tinalakayang pinagmulan at
tinutungo ng Sawikaan (San Juan, 2019).
Binanggit din sa artikulo na “…ang lahat ng itinampok sa
kumperensiya ng Sawikaan ay mga Salita ng Taon dahil naging
laman ito ng diskurso ng lipunang Filipino sa nakalipas na
dalawang taon dahil sa mga kontrobersiya at mahahalagang
usapin sa politika, teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya,
kulturang popular, at iba pa. Nais ng Sawikaan na mamulat ang
madla sa mahahalagang isyu sa lipunan na kinakailangan ng
pagkilos na binubuksan ng mga salitang natatampok sa
Sawikaan.” (San Juan, 2019)
Mga Salita ng Taon
 Mga Katangian ng mga Salitang Napipili sa

Sawikaan
1) Bagong imbento;
2) Bagong hiram mula katutubo o banyagang wika
3) Luma ngunit may bagong kahulugan;
4) Patay na salitang muling binuhay.
Pamantayan sa Pagpili ng Salita ng Taon (FIT)
1) Kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino at/o
pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari
sa lipunan;
2) Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang
retorika o ganda ng paliwanag, at paraan ng
pagkukumbinsi sa mga tagapakining;
3) Paraan ng presentasyon
Paliwanag:
Mga Pamantayan sa Pagpili ng
Magiging Salita ng Taon
a. Bago o lumang salita na pumukaw sa
pambansang kamalayan o nakaapekto nang
malaki sa mga usaping pampolitika,
panlipunan, pang-ekonomiya, at iba pang
aspekto ng pamumuhay ng Filipino sa loob
ng nakaraang isa o dalawang taon
b. Mga naging salita ito na naging popular
o karaniwan at makabuluhang ginagamit ng
mga mamamayan sa iba’t ibang antas ng
pagtukoy at pag-unawa sa kanilang
pansarili at panlipunang karanasan.
Kasalukuyan – 86 na salita ang
nagtampok ng salita sa pitong
Sawikaan (2004-2014) at 60 na
presenter
Buod ng mga Salita ng Taon (2004-2008)

2004 2005 2006 2007


Canvass Huweteng Lobat Miskol
Ukay-ukay Pasaway Botox Roro
Tsugi Tibak/t-back Toxic Friendster
Otso-otso Blog Birdflu Abrodista

Dagdag-bawas Call center Chacha Extrajudicial killing


Dating Caregiver Karir Make-over
Jologs Cono Kudkod Oragon
Kinse-anyos E-vat Mall Party list

Salbakuta Gandara Meningo Safety


Tapsilog Networking Orocan Sutukil
Terorista at terorismo Tsunami Payreted Telenobela
Text Wiretapping Spa Videoke
2010 2012 2014 2016 2018
Jejemon Wang-wang Selfie Fotobam Tokhang
Ondoy Level-up Endo Hugot Fakenews
Korkor Pagpag Filipinas Millenyal Dengvaxia
Tarpo Android Imba Bully Foodie
Ampatuan Fish kill Kalakal Foundling Quo warranto
Emo Impeachment Riding-in- Lumad Federalismo
Load Palusot tandem Meme Dilawan
Namumutbol Pik-ap Peg Netizen Train
Solb SALN Hashtag Tukod DDS
Spam Trending CCTV Viral Troll
Unli Wagas Storm surge Resibo
Wifi PDAF
Bossing
Whistleblower
Ang Ambagan ng FIT
1. Maikling kasaysayan ng Ambagan
 Ang proyektong AMBAGAN ay proyekto ng FIT na
ginaganap tuwing ikalawang taon mula noong 2009. Ang
pinakaunang kumprensiya nito ay ginanap noong ika-5 at 6
ng Marso 2009 na kinatampukan ng mga panayam ng mga
eksperto hinggil sa mga salita mula sa mga wikang Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Ifugao, Kinaray-a,
Magindanaw, Maranao, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog,
Tausug, at Waray.
Kumikilala at tumatalima ang proyektong ito sa
probisyong pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
Konstitusyon ng Filipinas na nagsasabing “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Nagpapanukala ito ng isang estratehiya
sa pagpapayaman ng wikang Filipino -ang
paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo
ng iba’t ibang wika sa Filipinas upang
ilahok sa korpus ng wikang pambansa (
www.panitikan.com.ph mula sa
Buenaventura, 2013).
2. Papel ng ambagan sa pagpapalawak ng wikang pambansa(Filipino)
- -Tulad ng Sawikaan, ang Ambagan ay gumaganap din ng malaking
papel sa pagsulong ng pagdadalumat sa Pilipinas
- Ayon kay San Juan(2019), “ang Ambagan ay proyekto ng
nasyonalisasyon – ang pagiging ganap na pambansa - ng wikang
pambansa, ang pagtiyak na patuloy itong umuunlad batay sa iba pang
wika sa Pilipinas at hindi lamang salig sa Tagalog, bagay na
makatutulong nang malaki upang hindi na muling magkaroon ng
puwang ang mapanghating ideya ng rehiyonalismo.”
3. Pamantayan sa Pagpili ng Lahok sa Ambagan
a. Pagpapasa ng abstrak na hindi lalabis sa 300 salita,
b. Kailangang maghanay ang mananaliksik ng mga salitang may
natatanging kahulugan sa kultura at kasaysayan ng pinagmumulang
etnolingguwistikong pangkat.
c. Kailangang maipaliwanag ang metodong gagamitin sa
pangangalap, pagpapakahulugan at pagbibigay ng halimbawang
gamit sa pangungusap o karaniwang pag-uusap.
d. Kailangan ding mapangatwiranan kung bakit mahalagang maging
bahagi ng korpus ng Pambansang Wika ang mga salitang ito.
C. Ang mga Susing Salita (UP-SWF)
Bukod sa Ambagan ng FIT, namamayani rin ang proyektong
“Mga Susing Salita” na pinangungunahan ng Sentro ng Wikang
Filipino ng UP-Diliman (UP-SWF).
Gaya ng Ambahan, interdisiplinari rin ang dulog ng Mga Susing
Salita.
Ang pangunahing layunin ng palihan ay paunlarin ang mga
inisyal na mga ideyang nakapaloob sa piniling salita at alamin
ang potensyal na ambag nito sa larangan ng pag-aaral at
pananaliksik tungo sa produksyon ng kaalaman.
“Binubuklod tayo ng wika
Tatak ng ating pagiging Malaya
Ipinagmamalaki sa mga banyaga
Yayakapin at iwawagayway hanggang sa huling
hininga”
 
Lapuz, 2020
Maraming salamat sa
mga isip, puso at
kaluluwa na
ipinagkatiwala…

You might also like