You are on page 1of 10

KABANATA IV

MGA BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA


PANANALIKSIK NA AKMA SA LIPUNANG PILIPINO

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG MGA TEORYA

 Ayon kina Nuncio at Nuncio (2004) , ang teorya ay binubuo ng mga


pagsasapangungusap ng mga ideya at dalumat-salita na nagpapaliwanag sa
relasyon o pag-kakaugnay-ugnay ng mga konsepto tungkol sa kaganapan,
karanasan at phenomenon. Ito ay tumutukoy sa estruktura ng ugnayan sa
pagitan ng realidad at dalumat-salita. Dagdag pa rito, itinuturing na ang teorya
ay isang wika at makawika.

 Mahalaga ang paggamit ng ng sariling wika sa pagbuo ng sariling konsepto ng


teorya.

 Isang wika ang teorya dahil ito ay gumagamit, lumilinang ng mga salitang ‘di
payak at nakikipagtalastasan para maunawaan at mailapat ito sa iba’t ibang
tiyak na panukat, domeyn, at kaligiran ng pananaliksik.

 Samantala, binanggit sa aklat na Talaban: Komunikasyon, Pagbasa at


Pananaliksik na sa paghahanap ng teoryang gagamitin, ipinapayong dapat
itong suriing mabuti ng mananaliksik upang maisaalang-alang ang kaugnayan
nito sa paksa at balangkas ng pag-aaral.

 Tandaang malaki ang magiging epekto nito sa kabuuan ng pananaliksik,


partikular na sa pagsusuri ng mga datos kung maling teorya ang mapipili.
Kaya naman iminumungkahi na dapat maging malinaw ang pagtalakay ng
mananaliksik sa teoryang pinili (Geronimo, et al., 2017).

 Kaugnay nito, sa konteksto ng maka-Pilipinong pananaliksik, hindi uunlad ang


wika ng teorya at pagteteorya sa Araling Filipino kung hindi wiakng Filipino
ang gagamitin, liban na lang sa kung nasa ibang bansa na ibayong pananaw
ang ginagamit o Filipinong nasa Ingles ang kinalululanan nila (Nuncio at
Nuncio, 2004)

TEORYANG MARXISMO TUNGO SA KAPAYAPAANG


NAKABATAY SA KATARUNGAN
 Ang Marxismo ay isang kalipunan ng mga sosyalistang doktrina na itinatag ni
Karl Marx at Friedrich Engels na may matibay na paniniwalang ang kapitalistang
lipunan ang tunay na dahilan ng paghihirap ng mga taong nananahan dito.

 Sa pangkasaysayang konteksto nito, ang isang kapitalistang lipunan ay binubuo


ng mga kapitalista na siyang nagmamay-ari ng kapital o namumuhunan at ng
mga manggagawang gumagawa sa kapakanan at kayamanan ng kapitalista
(Timbreza, 2002).

 Sa ganitong kaayusan, sinasabi ng mga Marxista (naniniwala sa Marxismo) na


dehado ang kalagayan ng mga manggagawa dahil sa kinakasangkapan lamang
sila ng mga nasabing kapitalista habang patuloy sila sa pagkakamal ng salapi at
pagyaman.

 Samakatuwid, nais ng mga Marxista ang isang klasles na lipunang may tunay na
kalayaan, pagkakapantay – pantay at katarungan. Sa lipunang yaon ay wala
nang maniniil ( Timbreza, 2002)
 Ayon pa kay Timbreza (2002), sa konteksto ng lipunang Pilipino, ang Partido
Komunista ng Pilipinas o Communist Party of the Philippines at National
Democratic Front ang mga nagtataguyod ng ilang simulain at pangangaral ng
Marxismo.

 Naniniwala ang mga miyembro ng nasabing organisasyon na ang paghihirap ng


mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon ay produkto ng
kawalan ng pagkakapantay –pantay sa lipunang Pilipino bunsod sa pananaig ng
kapitalismo sa bansa at paghahari ng iilang pamilya.

Bilang teorya, ito ay magagamit sa mga paksang pampananaliksik na may


kaugnayan, sa sumusunod na usapin:
1. Migrasyon at Diaspora
2. Karahasan sa kababaihan
3. Pang-aabuso sa mga manggagawa
4. Kahirapan
5. Globalisasyon at iba pang kaugnay ng mga ito.

SIKOLOHIYANG PILIPINO : SIKOLOHIYANG NAKABATAY SA


KULTURA, KASANAYAN AT WIKANG KATUTUBO
 Ayon kay Dr. Enriquez, ang Sikolohiyang Pilipino ay ang sikolohiyang bunga ng
karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino (Daluyan, 2015). Tuon nito ang
buhayin ang pambansang identidad at kamalayan ng mga Pilipino, pakikisangkot
sa mga isyung panlipunan at gawaing panlipunan, at sikolohiya ng wika at
kultura.

 Sa pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino , mahalagang dukalin at unawain ang


konsepto ng kapwa o shared identity upang ganap na maunawaan ang
pamamaraan ng pag-iisip at pagkilos ng isang Pilipino.

 Samantala, ang Pakikipagkapwa ang pinakamahalagang sikolohiko at


pilosopong konsepto sa Sikolohiyang Pilipino.
Itinuturing kang hindi ibang tao kung ikaw ay marunong ng sumusunod:

1. Pakikitungo / transaksyon/ paggalang (Level of Amenity/Civility)


2. Pakikisalamuha/ interaksyon (level of mixing)
3. Pakikilahok/ Pagsama / Pagsali (level of joining)
4. Pakikibagay/Pagsunod (level of Conforming)
5. Pakikisama/Pakikiayon (level of adjusting)
6. Pakikipagpalagayang-loob/Pagiging Maunawain/ Pagiging katanggap-tanggap
(level of Mutual Trust)
7. Pakikisangkot/ pakikialam (level of getting involved)
8. Pakikiisa/ pagkakaisa (level of Fusion / oneness)
(Enriquez, 1985, 2017)
 Ang mga nabanggit na lebel ay nagpapatunay lamang na upang lubos din
nating malaman ang Sikolohiyang Pilipino, mahalagang suriin ang wika.
Sa katunayan, ang pag-aaral ng wika ay isa sa mga pundamental na
saligan ng Sikolohiyang Pilipino. Patunay rito ang pagkilala sa WIKA
bilang hindi lamang isang mabisang kasangkapan sa komunikasyon kundi
isa ring mayamang mapagkukuhanan ng mahahalagang pag-unawa at
pananaw tungkol sa kultura.

 Kaya naman maituturing ang wika bilang pangunaghing sanggunian sa


pag-unawa ng lawak at lalim ng Sikolohiyang Pilipino.
 Bukod sa pag-unawa ng kahulugan ng mga nabanggit na salita, narito pa
ang ilang patunay na ang wikang FILIPINO ay bukal ng Sikolohiyang
Pilipino.

 Halimbawa, kung susuriin ang salitang hiya, hindi naman ito


nangangahulugan ng shame sa wikang Ingles sapagkat nababago ang
kahulugan nito batay sa kultural na konteksto at pamamaraan ng
paglalapi.
 Halimbawa, iba na ang kahulugan ng salitang nakakahiya, kahiya-hiya,
hiyang –hiya, ikinahiya, ikahiya, hiyain, manghiya, nakahihiya, mahiyain, at
walang hiya.

 Sa pagsusuri, makikita na isa sa mga batayan upang unawain ang


Sikolohiyang Pilipino ay ang pagsusuri ng wikang FILIPINO batay sa
paggamit nito at kultural na pananaw.

 Marami ring sikolohikal na konseptong katutubo ang mga Pilipino na


mahirap tumbasan o isalin sa ibang wika.

 Halimbawa, ang salitang saling-pusa na itinuturing na makabuluhang


konseptong sikolohikal sa Pilipinas na nagpapahiwatig ng mataas na
pagpapahalaga ng mga Pilipino sa damdamin ng isa’t isa kung kaya’t
iniiwasan ang huwad ma pakikipagkapwa.

 Samantalang ang salitang pagkapikon ay nagpapakita lamang na buhay


na buhay sa kulturang Pilipino ang biruan at dahil sa masiglang kulturang
ito ang pagbibiro ay nauuwi sa pagkapikon (Magracia, 1994)

Bukod sa WIKA, mahalagang batayan din ng Sikolohiyang Pilipino ang


kinagisnang sikolohiya:
 Mga aral at ritwal ng mga babaylan at katalonan, mga dalangin, bulong,
kuwentong-bayan, alamat at epiko
 Ang tao at ang kanyang diwa
 Ang panahon ng pagbabagong-isip
 Ang panahon ng pagpapahalaga sa suliranin ng lipunan na tumatalakay sa
pagpapanaog ng mga sikolohistang Pilipino mula sa kanilang toreng gareng
(Enriquez, 1975, 2015).
Samantala, bunsod din ng pagkakatatag ng Sikolohiyang Pilipino ay
nabuo din ang mga maka-Pilipinong metodo sa pangangalap ng datos na
binaggit nina Pe-pua at Marcelino (2002) gaya ng :
 Pagtatanong-tanong (Pe-pua, 1989)
 Pagmamasid-masid (Bennagen, 1985)
 Panunuluyan (San Juan & Soriaga,1985)
 Pakikipagkwentuhan (Orteza, 1997)
 Pagkapa – kapa (Torres, 1992) at
 Ginabayang talakayan (Bennagen, 1985, sa Geronimo, et al., 2017)
Samakatuwid, akmang gamitin ang pananaw sa SIKOLOHIYANG PILIPINO sa mga
pananaliksik sa kasaysayan, kultura at wika ng mga Pilipino na nakatuon sa paraan
ng pag-iisip at pagpapakahulugan ng mga partisipant o saklaw ng pag-aaral.
BATAYANG KAALAMAN SA PANTAYONG PANANAW BILANG
LENTE SA MAKA-PILIPINONG PAG-AARAL NG
KASAYSAYAN

 Ang PANTAYONG PANANAW ay isang maka-Pilipinong lenteng


pangkasaysayan na binuo ni Dr. Zeus Salazar na kinikilala bilang Ama ng
Bagong Kasaysayan.

 Ayon kay Chua (1989), ang Pantayong Pananaw ay ang pag-aaral ng


kasaysayan natin sa ating sariling perspektiba gamit ang mga konsepto/dalumat
at isang wikang naiintindihan ng lahat. Ito ay mula sa salitang tayo. Sa
madaling salita, ito ay ang kwento at kasaysayan ng Pilipinong isinasalaysay ng
mga Pilipino at para sa mga Pilipino.

 Bagama’t pareho ang diwa, kaiba ito sa ginawa ng mga nationalist historians na
katulad nina Jose Rizal, Teodoro Agoncillo, at Renato Constantino sapagkat
sumulat sila sa dayuhang wika. Para sa Pantayong Pananaw, dapat ang
pagkukuwento ay nasa wikang maiintindihan ng halos lahat ng Pilipino – at sa
panahong ito, ito ay ang wikang Filipino.

 Samakatuwid, tumutuukoy ito bilang isang maka-Pilipinong pagtingin sa pag-


aaral ng kasaysayan. Binabasag nito ang kinagisnan nang makadayuhang
pamamaraan ng pagsusuri at pag-aaral ng kasaysayang tuon sa perspektiba ng
mga dayuhan. Dagdag pa rito, mahalagang masuri ang kasaysayan ng Pilipinas
batay sa maka-Pilipinong lente sa tulong ng pagsusuri ng mga Pilipinong Iskolar.

 Sa huli, sinasabing napapaloob ang kabuuan ng Pantayong Pananaw sa


pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan
– kabuuang nababalot at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika. Dagdag
pa ni Salazar, magkakaroon lamang ng pantayong pananaw kapag gumagamit
ang lipunan at kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat
ang kahulugan ng magiging talastasang bayan (Salazar, 1997).

 Samantala, sa paglalapat, magagamit ang diskursong pangkasaysayan


partikular sa mga paksang may kaugnayan sa lokal na kasaysayan,
pambansang kasaysayan, kababaihan at kasaysayan, kasaysayan ng
manggagawa at paggawa sa bansa, kultura at kasaysayang Pilipino at iba pang
paksang kaugnay ng mga ito.

INTERSECTIONALITY: TEORYANG FEMINISMO


 Batay sa tala, ang Intersectionality Theory ay isang feminismong sosyolohikal
na teoryang nabuo noong 1989 ni Crenshaw, isang critical legal scholar na
Amerikano.

 Ang terminong ito ay unang binanggit ni Crenshaw sa kanyang malamang


sanaysay na pinamagatang Demarginalizing the Intersection of Race and Sex:
A Black Feminist Critique of Antidiscrimination Doctrine, Feminist Theory and
Antiracist Politics. Ito ay ginamit na ng ilang mga iskolar bilang teoritikal na
balangkas sa iba’t ibang pag-aaral sa loob ng ilang dekada. Sa katunayan, ito
ay kalimitang ginagamit bilang teorya, metodolohiya, paradigma at suriin ang
kalagayan ng mga babae sa Estados Unidos partikular na ang kalagayan ng
Black Women ( women of color).
 Para kay Crenshaw, ang teoryang Intersectionality ay naglalarawan kung
paano ang iba’t ibang paraan ng diskriminasyon ay nararanasan o kung
paanong ang ay bunsod ng magkakaiba subalit magkakaugnay na
elementong bumubuo sa tao o lipunan.

 Sa katunayan, ayon sa mga eksperto, ang teoryang ito ay tumutukoy sa kung


paano ang iba’t ibang sangay ng identidad gaya ng lahi, kasarian abilidad,
sekswal na oryentasyon, relihiyon at grupong kinabibilangan at mga kaugnay
nito ay nagiging ugat ng opresyon/pagmamalupit at pagmamaliit sa lipunan o
pribelehiyo.

 Sa kabuuan, layunin ng teoryang ito na tugunan ang rasismo, patriyarkang


lipunan, opresyon ng lahi, at iba pang uri ng diskriminasyong lumilikha ng ‘di
pantay na pagtingin sa kababaihan.

 Sa kabilang banda, ayon kay Dr. Olena Hankivsky, ang Intersectionality bilang
teorya ay nakabatay sa paniniwalang ang buhay ng tao ay multi-dimensyonal
at komplikado. Ang malay na karanasan ay nahuhubog ng iba’t ibang salik at
sangkap panlipunan. Kaugnay nito, sinabi rin ni Symington na ito ay nag-ugat
sa prinsipyong ang tao ay nabubuhay sa multiple layered identities na
nagmula sa pakikipag-ugnayan (social relations) at nakaugat sa kasaysayan.

 Gayundin,, ipinaliwanag ng teroyang ito na ang tao ay bahagi ng higit pa sa


isang komunidad ( tahanan, trabaho, organisasyon) na maaaring makaranas
ng pribelehiyo o opresyon/ pagmamalupit nang magkasabay. Sa katunayan,
dahil sa multiple identities na nakakapit sa isang babae, nauuwi ito sa labis na
diskriminasyon at pagmamalupit samantalang ang iba ay nauuwi sa maayos
at maswerteng posisyon.

 Subalit nililinaw ng teoryang ito na ang pagkakaroon ng kombinasyon ng mga


identidad ay hindi isang pahirap o di dapat ituring na problema, bagkus ito ay
dapat ituring na tagapagbigay ng iba’t ibagn karanasan.

 Samakatuwid, sa pagsusuri ng intersectionality bilang isang teorya, layunin


nito na ipakita ang mas makahulugang pagkakaiba at pakakatulad ng bawat
tao upang malagpasan ang diskriminasyon upang tunay na maramdaman ang
karapatang pantao. Sa kabuuan, ipinapaliwanag ng Intersectionality Theory na
ang opresyon o pagmamaliit sa isang tao partikular na ang mga kababaihan
ay bunga ng iba’t ibang magkakaugnay na kadahilanan.

 Kung gayon, magagamit ang teoryang ito sa pananaliksik na umiikot sa


kalagayang babae sa iba’t ibang setting.

PANTAWANG PANANAW: TAWA BILANG KRITIKA

Ang Pantawang Pananaw ay produkto ng kritikal na isipan at malikhaing


imahinasyon nina Dr. Rhoderick Nuncio at Elizabeth Morales-Nuncio (2004). Ito ay
nangangahulugang tawa bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan. Ang
pantawa bilang pang + tawa ay pag-angkin at pagtukoy sa kakanyahan ng tawa
bilang kritika.

Ganito ang paglalarawan nina Nuncio at Nuncio(2004) sa konsepto ng tawa at


pananaw:
Ang tawa ay reaksyong pandamdam. Isang mekanismo ng damdamin na
nagbibigay ng laman sa puwang o guwang sa damdamin ng isang taong
malungkutin o taong naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Kaya’t mahihinuha sa
sikolohiya ng tao ang paglikha ng iba’t ibang pamamaraan (maaaring bagay,
persona, o mga pangyayarihang nagiging tampulan ng katatawanan) na
magpapaaliw sa kanya.
Tumutukoy ang pananaw sa pag-iisip ng tao. Pinagninilayan o pina-iisipan ng tao
ang pagkakaroon ng pananaw. Sa pagbuo ng pananaw, inaabot ng tao ang
kahalagahan o kabalintuan ng isang pangyayari. Kung isang interpretasyon ang
pananaw, maituturing ito bilang kritika--- na tumutukoy sa pagbasa ng karanasan,
teksto, at kultura na inuunawa sa perspektiba ng kamalayan. Samakatuwid, ang
pananaw ay kritikal na pagbasa na nakaugat sa kontekstong panlipunan.

Ang pantawang pananaw ay may limang mahahalagang elemento. Ang mga ito ay
ang:
1. Midyum
2. Konteksto o anyo
3. Aktor
4. Manonood

(Nuncio at Nuncio 2004)


Ang midyum ay daluyan kung saan nagiging laganap ang pantawang pananaw . Ito
ay maaaring entablado, kalye, radyo, panitikan, o telebisyon. Samantalang,
nakapaloob sa midyum na ito ang iba’t ibang anyo/nilalamang kinabibilangan ng
kwentong-bayan, sainete, drama, bodabil, dulang panradyo at impresyonasyon
bilang palabas sa telebisyon. Ang mga nagsiganap/aktor ay ang tinaguriang mga
puso,aktor, komedyante, at impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na
tumatahak sa sosyal at politikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa konteksto
ng Pantawang Pananaw.
Samantala, may limang katangian ang Pantawang Pananaw:

UNA, ito ay isang pagbasang kritikal. Gaya ng nabanggit, ang pananaw na ito ay
hindi lamang pagtawa nang walang konteksto. Ito ay isang kritikal na pagbasang
tumatarok sa kamalayan at kaisipang Pilipino.

PANGALAWA, ito ay subjective na pagbasag sa imahe at katawan. Isa itong


pagkwestyon sa katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusang panlipunan bilang
object ng tawa at pagtuligsa. Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang
imahe ng kawalang kapangyarihan.

PANGATLO, ang pananaw na ito ay may kasaysayan. Sa katunayan, nakatuon ito sa


pangyayaring historikal – ang pagkukuwestyon sa imahe o katawan ng
kolonyalismo o komersyalismo. Nagpapabago ng kahulugan ang Pantawang
Pananaw sa tayo o poder ng karanasang kolonyal o komersyal.

PANG-APAT, ito ay intersubjective. Tumutukoy ito sa pangangailangan ng kapwa


subject na direktang babasa at magsusuri gamit ang Pantawang Pananaw. Sa
ganitong katangian, katumbas nito ang walang humpay na pagbabasa ng
manonood, tagapakinig o sino man upang makapagbigay ng kritikang nakabatay sa
nagaganap sa lipunan.

PANLIMA at panghuli, ang Pantawang Pananaw ay kapwa intersekswal at


repleksibo. Ito ay pagiging bukas sa ilang teksto upang magamit sa
pagpapakahulugan at pagkatuto sa mensahe ng diskurso. Hindi lamang ito
nakatuon sa iisang genre ng panitikan (maaari ring comic strip sa pahayagan)
sapagkat nakabukas din ito sa iba pang anyo at daluyan ng karanasang Pilipino.
Subalit, dapat na, maunawaan na tuon lamang ng Pantawang Pananaw ang pag-
aaral ng konsepto at praktika ng pagtatanghal at palabas (Nuncio at Nuncio, 2004).

Sa pagsusuri, masasabing isang diwa mula sa karanasang Pilipino ang


Pantawang Pananaw . Nakapaloob ito sa karanasan ng tawa bilang kritika, bilang
pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan ng lipunan na mababakas mula pa sa
oral na tradisyon hanggang sa paglaganap ng mass media ngayon.
Sa paglalapat, magagamit ang teoryang ito bilang lente sa pag-aaral o pagsusuri
ng mga dulang panteatro (komedya at sarswela), dulang panradyo (kwentong
kutsero), kwentong bayan, (Kwento ni Matsing), awit, sayaw, pelikula, programa sa
telebisyon, stand-up comedy, at iba pang may elemento ng pagpapatawa tungo sa
pagbasang kritikal.

TEORYANG DEPENDENSIYA

 Noong 1960’s nang maging tanyag ang Teoryang Dependensiya. Ito ay


ipinakilala ni Raul Prebisch na noon ay direktor ng United Nations Economic
Commission for Latin America. Ayon sa kanyang pagsusuri,kapalit ng
patuloy na pagyaman ng mga mayayaman nang mga bansa sa mundo ay
ang patuloy na paghihirap ng mga maliliit, mahihirap at walang kalaban –
labang mga bansa bunsod ng mga ‘di makatarungang polisiyang pang-
ekonomiyang nararanasan mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon.

 Sa katunayan, batay sa teoryang ito, ang mga gawain at polisiyang pang-


ekonomiya ng mayayamang bansa ay direktang nakakaapekto sa mga
mahihirap nang mga bansa sa negatibong pamamaraan. Patunay rito ang
kabalintunaang ginawa ng mga mayayamang bansa. Halimbawa, ang mga
paso at lumang mga teknolohiya mula sa mahihirap na bansa, dagdagan pa
ang pang-aabuso sa likas na yaman ng mga bansang mahihirap. Sa
ganitong anggulo, makikita ang panibagong pamamaraan ng opresyon sa
mga mahihirap na bansa na nagtatago sa mapagkunwaring konsepto ng
pagtulong ng mga mayayamang bansa.

 Ang Teoryang Dependensya, minsa’y tinatawag ding Dependensya sa


Dayuhan, ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagkabigo ng mga ‘di
industriyalisadong bansa. Ang sentral na argumento ng teoryang ito ay ito:
Labis ang ‘di pagkakapantay-pantay ng ekonimiyang pandaigdig sa
distribusyon ng kapangyarihan at yaman bunga ng kolonyalismo at
neokolonyalismo. Ito ang naglalagay sa maraming bansa sa posisyon ng
dependent o umaasa (Crossman, 2018).

 Katulad ng nabanggit na, kaugnay ng teoryang ito ang konsepto ng


kolonyalismo at neokolonyalismo. Ayon kay Crossman (2018), inilalarawan
ng kolonyalismo ang abilidad at kapangyarihan ng mga industrialisado at
nangungunang bansa na epektibong manakawan ng mahahalagang
resorses ang kanilang mga kolonya, tulad ng lakas-paggawa at mga natural
na elemento at mineral. Sa kabilang banda, ang neokolonyalismo ay
tumutukoy sa pangkalahatang dominasyon ng mga makapangyarihang
bansa sa mga bansang ‘di mauunlad kasama ang kanilang mga kolonya, sa
pamamagitan ng mga panggigipit sa ekonomiya at opresibong rehimeng
politikal.

 Bagama’t naglaho na ang kolonyalismo matapos ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig, hindi nito binura ang dependensya. Sa halip, pumalit ang
neokolonyalismong sumikil sa mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng
kapitalismo at pananalapi. Maraming mga umuunlad na bansa ang nabaon
sa utang sa mauunlad na bansa at nawalan ng risonableng pagkakataong
makatakas sa pagkakautang at umunlad.

 Sinasabi nga ng Teoryang Dependensya na hindi tiyak na ang mga


umuunlad na bansa ay magiging industriyalisadong bansa kalaunan kung
sila’y susupilin ng mga pwersang panlabas na epektibong nagpapatupad ng
dependensya sa kanila kahit pa sa mga batayang pangangailangan sa
buhay. Halimbawa nito ang Africa na tumanggap ng bilyong dolyar na utang
mula sa mayayamang bansa mula 1970 hanggang 2002. Nagkapatong-
patong ang interes ng kanilang mga lupain, may bilyong utang pa rin ang
Africa sa interes. Kakaunti, kung hindi man halos walang nang resorses ang
Africa sa interes. Kakaunti, kung hindi man halos wala nang resources ang
Africa upang mamuhunan sa kanyang sariling ekonomiya at pag-unlad ng
tao. Malabo nang umunlad pa ang ang Africa liban na lang kung patatawarin
ang interes ng mga makapangyarihang bansang nagpautang upang tuluyan
nang mabura ang utang ng Africa (Crossman, 2018). Hindi ba parang
pamilyar sa atin ang kwento ng Africa?

You might also like