You are on page 1of 76

KONSTEKTUWALISADONG

KOMUNIKASYON SA
FILIPINO
GROUP 5
GIL DUMAUA
MARICAR PABON
ANGEL MAE JUNIO
JAY-ANN JUNIO
ANGELINE VISTA
EMMANUEL SORIANO
JONEL MANCERAN
EDRIAN CANERO
JABEZ BALILA
MARCK YANTO
 KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
 TIPO NG KOMUNIKASYON
 ANTAS NG KOMUNIKASYON
 SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON
 Ang Komuniksyon ay napakahalaga na aspeto sa
ating mga tao. Ito ay isa sa mga paraan para
magbuklod at maunawaan ang isa't - isa. Sa
paksang ito ay matutuklasan natin kung ano nga
ba ang komuniksyon at bakit ito mahalaga.
Ano nga ba ang komunikasyon?

 Ang Komunikasyon ay ang proseso ng


paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng
ideya, impormasyon, karanasan, at mga
saloobin.
MAY PITONG KADAHALINAN KUNG
BAKIT MAHALAGA ANG
KOMUNIKASYON:
• Una, nililinang ng komunikasyon ang ating kakayahang
makipag-ugnayab at makipagpalitan ng impormasyon sa
ibang tao.
• Ikalawa, ito ang ginagamit ng tao upang matalakay ang
mga bagay na mayroong kinalaman sa mga suliraning
panlipunan at maipaabot sa kinauukulan upang matugunan
ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
• Ikatlo, sa pamamagitan ng komunikasyon, natutugunan at
nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa
buhay.
• Ika-apat, sa pamamagitan ng mahusay at maayos na
pakikipag-usap at pakikisalamuha, mas lalo tayong
nagkakaunawaan.
• Ikalima, ito ang paraan natin upang makipag- ugnayan para
tayo ay magkaunawaan at magkaintindihan.
• Ika-anim, isa itong paraan upang mas maunawaan at
maintindihan natin ang pananaw at opinyon ng ibang tao; at
• Ikapito, upang maipahayag, maihatid at magbigay ng
impormasyon sa ibang tao
AYON KINA ADLER, ET AL. (2010) MAY
TATLONG DAHILAN KUNG BAKIT
NAKIKIPAG-KOMUNIKASYON ANG
ISANG TAO:
1. Pangangailangan upang makilala ang sarili .
 hindi sapat ang ating sarili para makilala kung sino tayo. Ang
pakikipagkonunikasyon ay nakakatulong din upang mahubog ang ating
pagkatao.
2. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo.
 malinaw na walang relasyong mabubuo ang dalawang indibidwal kung
walang komunikasyong nagaganap sa pagitan nila. Imposible din
magkaroon ng matagumpay na buhay ang isang indibidwal na hindi
man lang siya marunong makihalubilo sa kaniyang kapwa.
3. Pangangailangang Praktikal.
 maraming iba't ibang praktikal na gawain na posibleng hindi
maisakatuparan kung walang komunikasyon.
KONKLUSYON
• Sa kabuuan,hindi mapasusubali ang mahalaga
ang komunikasyon sa buhay ng bawat tao.
Sangkap ito ng buhay na hindi maaaring
mawala upang ang pagkakasundo,
kapayapaan at pag-unlad ay matamo.
TIPO NG
KOMUNIKASYON
VERBAL AT DI- VERBAL
 

 
MGA PARAAN NG PAGPAPABUTI SA
KOMUNIKASYONG VERBAL (VERDERBER, 1987)
1.Gumamit ng eksaktong salita
-kumakatawan
ito sa ating mga ideya at nakatutulong sa
paglinaw ng ating mensahe.
❑ Mura ang bilihin sa La Trinidad Valley
❑ Dapat ang eksaktong salita: mura ang mga gulay
sa La Trinidad Valley
2. Gumamit ng mga tiyak at konkretong salita
-nakapaglilinaw din sa ating mensahe ang
paggamit natin ng mga tiyak sa halip na
panlahat na salita.
❑ Pabili nga ng pansit.
❑ Pabili na ng pansit bihon.
❑ Maasahan talaga sa bahay si Cathy.
❑ Maasahan talaga sa pagluluto si Cathy.
4. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na
may dalawang kahulugan – ang isang
pahayag ay maaring magtaglay ng higit sa
isang kahulugan lalung – lalo na ang mga
salitang patalinghaga.
❑ Tunay na siya ay mahal na tao.
•Kung ang isang tao ay nasa proseso ng
pagdedesisyon sa kanyang sarili tungkol
sa isang bagay na dapat niyang gawin o
lutasin.
• Ito ang komunikasyon na namamagitan
sa dalawang tao o mahigit pa.
• Halimbawa nito ay ang interbyu o
pakikipag – usap sa telepono.
• Nasa antas din ito ang ginagawang
talakayan na kinasasangkutan ng
pangkat, maaring ang pangkat ay
binubuo ng lima o mahigit na mga kasapi.
•Ang pagbigkas ng talumpati o ano
mang pasalitang pagpapahayag sa
harap ng maraming tao tulad ng sa
mga seminar, kumperensiya at mga
kauri nito ay nasa antas na
pampubliko.
• Sa ganitong kaantasan ng
komunikasyon, ang mananalita ay
gumagamit ng mga kasangkapang
pangmasa upang maipaabot ang
mensahe sa napakaraming
tagapakinig.
• Ang halimbawa ng mga kasangkapan
ay telebisyon, radio at pahayag
• Ang antas na ito ng komunikasyon ay
may layuning magpabuti o
magpaunlad ng samahan o
organisasyon.
• Ang halimbawa nito ay ang mga
pagpupulong ng “Faculty Club” ng
mga guro; pagpupulong ng mga
kinatawan at pinuno ng
administrasyon
• Ito naman ang komunikasyong ang mga
mensaheng binibigay ay tungkol sa
kultura.
• Ang mga polyetong pampromosyon ng
mga dulang itatanghal, konsyerto,
“painting exhibit” at iba pa ay may
kaugnay sa kultura. (Agravante)
SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON
Mga layunin:
 Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino sa ibat-ibang antas at larangan.
 Maipaliwanagang kabuluhan ng wikang Filipino bilang
mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
mga komunidad at sa buong bansa.
 Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga
pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad
at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
 Magamit ang wikang Filipino sa ibat-ibang tiyak na
sitwasyong pang komunikasyon sa lipunang Pilipino.
 Makapag pahayag ng mga makabuluhang kaisipan
sa pamamagitan ng tradisyunal at modernong
midyang akma sa kontekstong Pilipino.
 Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
ibat-ibang konteksto.
 Makagawa ng makabuluhanat mabisang materyales
sa komunikasyon na akma sa iba’t-ibang konteksto.
 Mapalalimang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t-ibang antas at
larangan.
 Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng
paggamit ng iba’t-ibang porma ng midya.
 Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong
panlipunan sa pakikipag palitan ng ideya.
 Makapag ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino
bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino,
bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa
mga mamamayan ng ibang bansa.
MGA URI AT HALIMBAWA NG
SITWASYONG PANG
KOMUNIKASYON
 Pangkatang Komunikasyon

• Ito ay tumutukoy sa proseso ng pakikipag-


ugnayan o interaksyon na nagaganap sa
pagitan ng tatlo o higit pang mga tao. Ang
pangkatang Komunikasyon ay mahalaga at
mahalaga sa pag buo ng mga ugnayan sa
pagitan ng mga tao, pamilya, lipunan,
kompanya at pamahalaan.
 PANGMADLANG
KOMUNIKASYON
Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagpasa ng
isang mensahe sa isang malaking grupong
tao sa pamamagitan ng paggamit ng
anumang uri ng midya (maaaring dyaryo,
telebisyon, radio, pelikula, internet, atbp.)
 PAMPUBLIKONG
KOMUNIKASYON
 Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap
sa dalawa o higit pang tao. Ito ay paghahayag sa
sa pamamagitan ng direktang pagsasalita o
pagbibigay talumpati ng isang indibidwal sa
hirap ng mga tagapakinig upang manghikayat,
magbigay kaalaman, o magbigay aliw.
MGA HALIMBAWA NG PANG
KOMUNIKASYON
• LEKTYUR/LECTURE
 Ito ay tumutukoy sa oral na presentasyon o karunungan
na kailangan ng tao para sa isang particular na paksa.
 Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay isang
paraan ng pagtatalakay sa pamamagitan ng walang tigil
na pagsasalita ng dalubguro. Ang nasabing Gawain ay
maaaring one way learning o active learning na
nakadepende sa estratehiya ng guro sa isang klaseng
pang wika kung kaya nabuo ang konsepto na hindi
dapat ikahon sa apat na sulok na lamang ng silid-aralan
ang klase.
MGA MUNGKAHI SA EPEKTIBONG
LEKTYUR/LECTURE:

1. Pagkakaroon ng kahandaan.
2. Pagkakaroon ng Pokus.
3. Pakikilahok ng mga Taga-panood o
Tagapakinig.
4. Pagkuha ng komento o Feedback.
• SIMPASYOM/SIMPOSIUM
 Ito ay isang pormal na pagtitipon sa
akademikong tagpuan kung ang mga
kalahok/miyembro ay mga paham o eksperto sa
kani-kanilang larangan. Dito tinatalakay ang mga
opinion ng mga paham sa isang particular na
paksa na maaaring magkaroon ng malayang
talakayan matapos makapagsalita ang isang
indibidwal.
• PANTAS-ARAL O SEMINAR
 Pormal na akademikong instruksyon na
maaaring ibigay ng isang Pamantasan o
kolehiyo, komersyal o propesyunal o
organisasyon. Tungkulin nitong lipunin ang mga
maliliit na pangkat para sa mahalagang pag-
uusap sa isang paksa. Ang magsasagawa ng
seminar ay lagging handa upang maisiguro ang
pagiging eoektibo ng iniatas na paksa at madla.
• WORKSYOP/WORKSHOP
 Ito ay isang uri ng pagsasanay kasama ang isang maliit na
grupo upang magpalitan ng kuro-kuro, o pag-usapan ang
solusyon sa isang particular na problema. Makikita rin sa
isang worksyop ang ilang aktwal na paghahalimbawa o
mga praktikum para sa isang particular na paksa.
 Ayon kay Jalles (2005), ang training workshop ay
mayroong dalawang anyo: GENRAL WORKSHOP na
ibinibigay sa magkakaibang participant at CLOSED
WORKSHOP na inihanda batay sa pangangailangan ng
espisipikong pangkat ng tao.
PROSESO SA PAGBUO NG WORKSHOP:

1. Pagpaplano- Kabilang rito ang paksa, participant,


bilang ng participant, oras na laan, atbp.
2. Paghahanda- Kabilang na ang lugar ng pagdarausan,
kagamitan sa aktwal na workshop, pagkain para sa mga
participant at tagapagsanaysay, dokumentasyon at
ebalwasyon.
3. Implementasyon- Binubuo ng panimula, nilalaman at
wakas.
• KOMPRESENSYA/CONFERENCE
 Ito ay tumutukoy sa isang pormal na
pagpupulong na kung saan ang participant
ay bibigyan ng pagkakataon na
makapagbigay ng kani-kanilang pagtatakay
sa iba’t-ibang paksa sa iba’ibang larangan.
• ROUNDTABLE DISCUSSION
 Ay isang uri ng akademikong talakayan
kung saan sumasang-ayon ang mga kalahok
sa isang tukoy na paksa upang talakayin ito.
Ang bawat kalahok ay binibigyan ng
pantay na karapatang lumahok, tulad ng
inilalarawan ng isang pabilog na layout na
tinutukoy sa terming bilog na talahanayan.
• VIDEO CONFERENCING
 Ito ay interaksyon sa pagitan ng dalawa o
higit pang taong nasa magkaibang lokasyon
sa pamamagitan ng pagtatawagan na may
kasamang video. Kadalasang ginagamit ito
ng mga kompanya para sa mga satellites sa
ibang lokasyon, mga OFW at sa mga
negosyante.
Marami pang ibang halimbawa ng sitwasyong
pang Komunikasyon. Ito ay ilan lamang sa mga
patunay na ang koomunikasyon ay nagagamit
sa iba’t-ibang paraan at panahon. Sa pag usbong
ng agham at teknolohiya, mas nagkakaroon ng
malawak na lugar ang paghahatid ng
mensahe/impormasyon kasabay nito ang
mabilis na takbo ng komunikasyon hindi lang
sa isang bansa kundi sa buong mundo.

You might also like