Professional Documents
Culture Documents
MGA TIYAK NA
SITWASYONG G. Charles Melbert S. Navas
PANGKOMUNIKASYON Guro
Email Address:
charlesmelbertnavas@gmail.com
Tagal ng Modyul:
Nobyembre 15 – Disyembre 11, 2021
PAGTATAKDA NG MODYUL
Ang modyul na ito ay para sa dalawang linggo. Kung saan ay maaaring magsama-sama sa isang klase upang
matalakay ito gamit ang mga minumungkahing pamamaraan
- Zoom - Messenger Video Chat
- Facebook Live - Iba pang Video Conferencing
Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga mag-aaral gamit ang mga gawaing nakalakip.
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:
mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino sa iba’t ibang antas at larangan;
maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad
at sa buong bansa;
magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Filipino;
makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong
Filipino;
mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba’t ibang antas at larangan;
makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggalit ng iba’t ibang porma ng midya.
PAGLALAYAG NG KAALAMAN
Pasalitang Pag-uulat
Ang pasalitang pag-uulat ay isang gawaing sumasaklaw sa pagtatalakay ng isang tiyak na paksa sa maliit at malaking pangkat
na karaniwang natatapos sa loob lamang ng labinlima hanggang dalawampung minute. Isa tong paraan upang tasahin ang kaalaman
ng isang indibidwal hinggil sa isang piling paksa at isa itong mahusay na gawain upang tayahin ang kasanayan sa pasalitang
pagpapahayag. Sa isang pangkat na may lima hanggang sampung katao o kaya sa malaking pangkat na binubuo ng labinlima hanggang
dalawampu’t limang katao ay tinatalakay ng piling tagapagsalita ang paksa. Layunin nito na maipakita ang pagkakaiba-iba ng kahusayan
ng bawat tagapagsalita na nakatuon sa kaalaman sa paksa, sa kasanayan at sa pamamaraan ng pagtalakay.
Ang mga nalilinang sa pasalitang pag-uulat ay ang malawak na pagkakaroon ng kaalaman sa paksa/nilalaman. Tumutukoy ito
sa maayos na paglalahaf sa mga detalye ng paksang tinatalakay. Ang kaugnayan ng mga halimabawa ay nabibigyan ng kaukulang
pansin sapagkat ito ang tuon ng talakay. Nalilinang din nito ang kasanayan sa pagsasalita. Naisasaalang-alang dito ang kaisipan na ang
komunikasyon ay isang tambingang kilos kung saan may ugnayan sa pagtatalakay ang nagsasalita nakukuha gayundin, matagumpay
ang mga nakikinig kung ang mga impormasyon na nailahad ng tagapagsalita ay kanilang nauunawaan.
Dapat tandaan na sa pagsasagawa ng pasalitang pag-uulat, ang tagapagsalita ay dapat maalam sa paksang kaniyang
tatalakayin. Kailangang handa ang tagapagsalita sa alinmang taning na maaaring ipukol sa knaiya pagkatapos ng pag-uulat.
Nakatutulong din ang kahusayan sa pagsasalita at ang kalinawan ng pagbigkas ng mga ito. Maging mabuti sa pagsagot sa mga tanong
at iwasan ang pakikipag-argumento sa mga nagtatanong. Maging magalang sa mga kasamahan at maging wasto at makatwiran sa
pakikibahagi sa anumang talakayan.
Seminar
Ito ay isang uri ng instruksyong akademiko na karaniwang isinasagawa ng iba’t ibang pribado at publikong organisasyon.
Layunin nito ang pagtalakay sa mga natatangi o piling paksa ayon sa natukoy na pangangailangan ng isang pangkat. Ito ay ginagamit
bilang isang paraan ng pagtuturo upang matalakay ang napapanahon at mahahalagang paksa na makakatulong sa pagtamo ng mga
bagong kaalaamn sa iba’t ibang larangan at paraan din upang mailahad ang mga kaalaman mula sa mg isinasagawang pananaliksik at
pag-aaral.
Ang seminar ay maaaring uriin sa dalawa. Ayon sa pangkat ng nagsasagawa nito at ayon sa saklaw. Ang ayon sa pangkat ng
nagsasagawa ng seminar ay mauuri sa tinatawag na tutor facilitation at student facilitation. Ang tutor facilitation ay tumutukoy sa seminar
na pinamamahalaan ng eksperto na siyang namumuno sa daloy ng talakayan at ang student facilitation naman ay tumutukoy sa seminar
na pinamamahalaan ng mag-aaral.
Ang ayon sa saklaw ng seminar naman ay maaaring mini, major, pambansa at pandaigdaig na seminar. Ang mini seminar ay
sumasaklaw lamang sa mga paksang tiyak at di-gaanong malawak. Hindi rin Malaki ang bilang ng pagdalo sa seminar na ito, madlas na
sampu hanggang dalawampu lamang. Ang uring ito ay nauugnay sa pag-uulat sa maliit na pangkat kung saan maaaring maisagawa sa
loob ng klasrum o kaya ay isang silid na maaaring ang interaksyon ay di na nangangailangan ng paggamit ng mikropono. Ang mini
seminar ay isang mahusay na pagsisimula bilang paghahanda sa mga seminar na may maliit na saklaw ng pagdalo tulad ng seminar ng
isang departamento. Ang major seminar nam ay iyomg mga isinasagawwa ng isang institusyon o ng isang departamento na may higit
na bilang ng pagdalo kaysa sa mini seminar. Ang halimbawa nito ay ang mga seminar na maaaring daluhan ng mga guro at mag-aaral
upang talakayiin ang mga paksa na mahlaga sa larangan ng pagtuturo. Sa mga institusyong pribado, maaaring ang major seminar ay
maisagawa upang talakayin ang mga layunin, tunguhin at mga gampanin ng mga miyembro ng institusyon. Isa pang uri ayon sa saklaw
ay ang pambansang seminar. Ito ay isinasakatuparan ng mga samahan, pangkat o organisayon na ang pagdalo ay hindi lamang mula
sa isang relihiyon kundi pagdalo ng mga sangkot na indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa ganitong uri ng seminar, isang
tiyak na paksa ang inilalatag upang tatalakayin ng mga pili at kuwalipikadong tagapagsalita. Ang pandaigdigang seminar ay tumutukoy
sa mga seminar na isinasakatuparan na dinadaluhan ng mga organisasyon mula sa iba’t ibang dako ng daigdig. Higit na malawak ang
saklaw ng seminar na ito na karaniwang global ang tinatalakay.
May apat na mahahalagang elemento ang seminar. Ito ay ang papel, presentasyon, talakayan at kongklusyon.
3|Page
PAPEL
SEMINAR
KONGKLUSYON PRESENTASYON
TALAKAYAN
Ang nabanggit na element ng seminar ay nagkakaugnay-ugnay at nakakatulong-tulungan para sa kaayusan nito. Ang papel ay
tumutukoy sa maayos na paghahanda ng sipi na naglalaman ng paksang tatalakayin. Kasama rito ang paghahanda ng programa at
poster na karaniwang pasulat. Ang presentasyon ay ang pamaraan, estilo, kahisayan at kawilihan ng tagapagsalita sa paglalahad ng
paksa. Sa presentasyon naipapakita ang kahusayan at kasanayan ng tagapagsalita sa pagtatalakay ng papel na inihansa. Ang talakay
ay kumakatawan sa mga pagpapaliwanag ng mahahalagang kaisipan kasama na ang pagsagot sa mga tanong hinggil sa paksa at ang
kongklusyon ay tumutukoy sa pagbuo ng mga bagong kaalaman mula sa mga pagtalakay.
Lektyur
Ang lecture ay kasingkahulugan ng panayam. Ito ay isang pamamaraan ng pagtalakay sa isang tiyak na paksa na maaaring
karaniwang gawain, isang kalakaran o pamaraang nakaugalian. Isa itong proseso ng pagtalakay sa paksa na ngangailangan ng mga
estratehiya, pamaraan at dulog na iniaayon sa nga katangian ng tagapakinig. Sa katunayan, ang lecture ay nauugnay sa seminar
sapagkat ang mga ito ay magkatulad sa pamamaraan ng pagtalakay. Naiiba lamang ang seminar sa lecture sapagkat ang lecture ay
maaaring isakatuparan ng isang eksperto (hinggil sa paksa) anumang oras at araw na naisin para sa mga tiyak na tagapakinig
samantalang ang seminar ay nangangailangan ng ibayong paghahanda at isinasagawa ito ayon sa pangangailangan. Halimbawa, ang
lecture ay maaaring isagawa araw-araw ng isang guro sa harap ng kaniyang mga mag-aaral at tinatalakay ang mga konsepto ng isang
aralin allinsunod sa kaniyang inihandang silabus. Ang seminar naman ay isinasagawa ng isang tagapanayam na eksperto sa isang tiyak
na larangan hinggil sa napagkasunduang paksa, sa napagkasunduang araw at lugar sa harap ng mga tagapakinig na may magkakatulad
na katangian at hangarin.
Apat na bahagi na dapat maisaalang-alang sa pagsasagawa ng lecture. Una ay ang malawak na kaalaman ng paksa at kkung
bakit ang paksa ay kailangang talakayin. Ang tagapagsalita ay nararapat na magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksa at naiuugnay
ang kahalagahan nito sa iba pang larangan. Ang mga bagong usapin, isyu, siyentipiko at panlipunang pagkakaugnay ng paksa ay
nararapat maipaliwang upang maunawaan nang husto ang paksa at maiaangkop sa sarili ang kahalagajan nito. Ikalawa ay ang
kahusayan at kasanayan sa pagsasalita. Kung ang kaalaman sa paksa ay mahlaga, higit na mahalaga ang kasanayan sa pagsasalita
dahil anumang kaalaman mayroong ang tagapagsalita kung hindi naman nito maihahatid nang maayos ay wala ring halaga sa mga
tagapakinig. Lalong-lalo na kung ang mga tagapakinig ay maraming tanong ukol sa paksang tinatalakay sapagkat ang pagtatanong at
pagsagot ay nakadaragdag at nakapagpapalawak ng pag-unawa sa paksa. Ikatlo ay ang kkasanayan sa pamumuno. May kakayahan
ba ang tagapagsalita na pamunuan ang pangkat upang siya ay pakinggan? Nakahihikayat ba ang tagapagsalita na making ang mga
dumalo? Ang mga katangian tulad ng pagkakaroon ng mahusay na pagpapasya, pagkukusa, pagtitiyaga, pagkamalikhain at kasanayan
sa pakikibagay sa mga dumalo ay ilan lamang sa dapat taglayin ng tagapamuno. Ikaapat ay ang mga katangian at ugaliin ng pangkat
ng tagapakinig. Kung ang tagapagsalita ay may kakayahang magpatawa sa panayam, nahihikayat nito ang kalooban at pakikibahagi ng
mga dumalo. Samakatwid, ang tagumpay ng isang lecture ay nakasalalay sa apat na bahaging ito.
Worksyap
Ang workshop ay isang pagpupulong o pagtitipon ng mga indibidwal na may iisa o iba-ibang katangian ngunit may iisang
tunguhin. Ang mga indibidwal na kasangkot ay binibigkis ng layuningmakapagsagawa ng detalyadong pagtatalakay sa isang paksa na
susundan ng masinsin o matinding pagsasanay para sa pagbuo ng isang proyekto. Ang worshop ay kasingkahulugan at nauugnay sa
salitang pagsasanay o training. Dalawa ang mahalagang layunin ng pagsasagawa ng workshop—maglahad at makapagbigay ng mga
impormasyon ukol sa piniling paksa at magsanay ng mga indibidwal upang maisakatuparan ang isang proyekto. May kabutihan ang
pagsasagawa ng workshop dahil sa pamamagitan nito’y nakapagsasanay ang mga delegado na bumuo ng mga plano at magdisenyo
ng mga proyekto bukod sa natatamo rin ang mga kaalamang kinakailangan ng pangkat.
Hindi tulad ng seminar at lecture na dinadaluhan ng mga indibidwal na may magkakatulad na katangian, ang workshop ay
maaaring daluhan ng pangkat na may iba-ibang katangian o heteregenous group. Gayunpaman, tulad ng seminat at lecture, ang
workshop ang tumutungo sa isang layunin na maunawaan ang isang tiyak na paksa. Lamang, ang workshop ay higit na nakatuon sa
maaaring maging magkaroon ng tuwirang interaksyon ang mga facilitator at mga dumalo kaya napanatili at napagtitibay ang ugnayan
4|Page
ng bawat isa. Dahil dito, napapamahalaan nang mabuti ang mga pagtatalakay, ang mga halimbawa at ang mga pagsasanay kaya
natatamo nang may pagpapahalaga ang mga layunin.
Seminar, workshop, lecture at training, ano ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba? Katulad ng nabanggit na, ang seminar, lecture
at workshop ay magkakatulad sa dahilang ang ilan sa mga layunin ng mga ito sa mga pamamaraan ng pagsasagawa. Halimbawa, ang
workshop ay maaaring nakapaloob lamang sa isang seminar at hindi ito maaaring makapag-isa sapagkat pangangailangan ang
pagtatalakay. Nangangahulugan na tuon nito ang pagtamo ng mga kasanayan samantalang ang workshop ay nakatuon sa kaalaman at
pagtamo ng kasanayan. Ang proseso ng workshop ay ang pagkakasunod ng pagtalakay sa paksa, pagsasanay at pagbuo ng output. Sa
training, ang proseso ay maaaring magkasabay na pagtalakay ng paksa at pagbuo ng output.
KUMPERENSIYA AT SIMPOSYUM
Pangunahing sagabal sa proseso ng komunikasyon ang pagkakaroon ng suliranin sa wika. Wika ang nagsisislbing midyum
uoang maihatid ang mensahe sa kapwa. Ito rin ang nagsisilbi midyum upang maintindihan ng nakikinig ang mensaheng nais ipaabot sa
kanya. Bagamat may mga komunikasyong di-berbal o kaya’y hindi ginagamitan ng wika, pangunahin pa rin ang paggamit ng wika. Ang
hindi ganap na pagkaunawa o pagkaalam sa paggamit ng wika ay nagsisilbing hadlang sa mabisang komunikasyon.
Maraming dapat isaalang-alang sa larangan ng komunikasyon upang mapagtagumpayan ang mahusay na pagsasagawa nito.
Kadalsan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika (Halimbawa, ang mga tagapagsalita na Tagalog ang unang wika ay tinatawag
na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging natural lamang o hindi na kailangan pag-isipan ang paggamit ng naaangkop na pahayag
ayon sa sitwasyon. Gayunpaman, para sa hindi taal na tagapagsalita, dapat niyang matutunan kung paano “lumikha at umunawa ng
wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may pagsasaalang-alang sa mga salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng
iinteraksyon, at itinatakdang kumbensyon ng interaksyon” (Freeman, 2004).
Nakalikha at nilinaw ng sosyolinggwistang si Dell Hymes (1974) ang modelo na maaaring isaalang-alang sa pag-aanalisa ng
mga diskurso sa loob ng bawat komunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon. Ang mga ito ay mahalagang salik sa lingguwistikong interaksyon
na tinawag niyang SPEAKING Model.
Setting and Scene (Saan nag-uusap?). Tumutukoy ito sa panahon at lugar na maaaring kinaganapan ng diskurso.
Participants (Sino ang nag-uusap?). Sino ba ang taapagsalita at sino ang tagapakinig? Isa ito sa dapat isaalang-alang sa
mabisang komuniksyon. Sa kultura ng mga Pilipino, isang normal na tagpo na kapag matanda ang kausap ay
gumagamit ng po at opo ang nakababata sa pagsagot o pagsang-ayon sa kanila.
Ends (Ano ang layunin ng pag-uusap?). Napakahalagang isaalang-alang ang isan mananalita ang kaniyang layunin sa
pakikipag-usap bago magsalita. Sa kabilang dako naman ay kinakailangan ding magtalaga ng layunin ang tagapakinig
kung bakit siya makikinig. Higit na mapagpaplanuhan an mga salitaat paraan ng pananalita kapag malinawanag ang
nilalayon sa pagsasalita.
Act Sequence (Paano dumadaloy ang usapan?). Ito ang pagkasunod-sunod ng pangyayari habang nagaganap ang
komunikasyon.
Keys (Kabuoang tono o kaanyuhan ng pagsasalita). Hindi kapani-paniwala sa isang nagagalit ang nakangiti habang
nagpapahayag ng saloobbin. Kinakailangang bumagay sa tono ng pananalita ang mga katagang lumalabas sa bibig.
Kinakailangang katanggap-tanggap at akama ang mga kilos, pananamit at tono ng pananalita sa bawat okasyon.
Instrumentalities (Anyo at estilo ng pananalita). Sa usapang pangmedisina, may mga angkop na register ng wika na dapat na
gamitin; gayundin sa usapang legal o kaya’y teknikal. Halimbawa na lamang ang salitang jumper, kapag terminong ito
ay ginamit sa IT ay nangangahulugang maikling kable o kaya’y optical fiber na ginagamit upang makalikha ng halos
permanenteng koneksyon sa pagitan ng mga circuit sa distribution frame o patch panel. Samantala, sa usaping
pananamit, ito ay walang manggas na damit na karaniwang ipinapatong sa blusa. Sa basketbol ay tumutukoy ito sa
player na tumatalon kapag tumitira ng free throw. Sa elektrisidad naman, ito ang illegal na koneksyon na ginagawa
uoang makapagnakaw ng kuryente. Kinakailangang isaalang-alang nang maigi sa estilo ng wikang gagamitin nang sa
gayon ay magkaroon ng tamang pagkakaunawa sa mga katagang binibitawan ng nagsasalita.
Norms (Pinakaangkop o pinakakatanggap-tanggap na kilos o gawi sa paksang pinag-uusapan). Kung pambabae ang usapin,
hindi kinakailngang makisawsaw ang mga lalaki, gayundin, ang mga bata ay hindi dapat nakikisabat sa usapan ng
matatanda. Dapat lamang na umakto nang naayon sa paksa at katayuang ginagampanan sa bawat usapin.
Pinakaangkop na modelo nito ang panonood ng mga dula na bawat actor ay may kani-kaniyang papel na
ginagampatan, at nakasalalay sa kawstuhan ng kanilang pagganap ang katagumpayan ng dula. Ganito rin sa loob ng
komunikasyon, hindi magiging matagumpay ang komunikasyon kung hindi umaangkop ang gampanin ng nakikinig.
Genre (Uri ng Pagpapahayag). Umiikot sa apat na genre ng anumang uri ng pagpapahayag. Maaaring ito ay nasasalaysay,
naglalarawan, naglalahad o kaya’y nangangatwiran. Mahalagang mabatid ng nagsasalita ang genre ng kaniyang
kausap nang sa gayo’y maiayon niya ang genre na kaniyang gagamitin.
Symposium
Ang symposium ay isang interaksyon o talakayang pangkatan hinggil sa isang tiyak at napapanahong isyu. Mauuri ito sa dalawa,
pormal at di-pormal na symposium. Kadalasan, pormal ang gamiting anyo ng symposium lalo na sa mga paaralan o unibersidad
(Pasturan, 2015).
Ito’y tinatawag ding “pagpupulong bayan.” Isang pangkat na karaniwa’y binubuo ng apat hanggang anim na dalubhasang
tagapagsalita na inanyayahan upang talakayin ang iba’t ibang aspektong ng ilang mahahalagang isyung pampubliko. Bawat isa’y
naghahanda ng sariling talumpati hinggil sa isang aspekto ng paksa na inilaan ayon na rin sa larangang kanilang pinagdalubhasaan.
Ang tserman o tagapangulo ang nagsasaayos sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga tagapagsalita nang hindi maguluhan ang mga
tagapakinig. Bawat tagapagsalita ay ipinakikilala ng tagapamagitan o moderator at bawat pagtatalumpati ay may takdang haba ng oras.
Ang talumpati ay maaaring harapang binabasa, o kaya’y may balangakas na sinusulyap-sulyapan lamang. Ang inihandang
talumpati kung minsan ay ipinapakopya o ipanamimigay bago magsimula ang sesyon nang gayo’y masundan ng mga tagapakinig ang
inihahayag ng tagpagsalita lalo na’t kung mahina siyang magsalita o mahina ang abot ng tinig (kung may diperensya ang mikropono).
5|Page
Ito’y nakatutulong din sapagkat pagtapos ng sesyo’y muli itong mababasa ng kalahok pagdating sa kanilang bahay at/o maaari ding
gawing sanggunian (Fernando, et al. 1997). May talakayan ang mga tagapagsalita at mga tagapakinig matapos ang mga talumpati.
Kumperensya
Ayon kay Shah (2018), ang kumperensya ay isang sitwasong pangkomunikasyon kung saan ang tagapagsalita o eksperto sa
piling larangan ay inanyayahan upang magbahagi ng kaniyang mga pananaw sa iba’t ibang mga paksa sa mga delegado. Ito ay nakikita
rin sa konsultasyon o talakayan sa pagitan ng mga estudyante at ng kanilang tagapayo.
Ang kumperensya ay tumutukoy sa isang pormal na puong kung saan ang mga kalahok ay nagkakaroon ng pagbabago sa kani-
kanilang pananaw sa iba’t ibang paksa. Maaari itong maganao sa iba’t ibang larangan kaya maaaring magkaroon ng kumperensya ng
mga guro, magulang, doctor, mga atleta at sa anumang larangan ng pampalakas, mga mangangalakal, mamamahayag, mga iskolar sa
pananaliksik at iba pa.
Rountable Discussion
Ito ay kadalasang isang impormal na talakayan na karaniwang binubuo ng mula lima hanggang sampung tao. Ito ay
pinamumunuan ng isang tagapangulo subalit aktibong lahat ang mga kalahok kaya hindi nasasarili ng tagapangulo ang pagsasalita.
Mabisa ang pamamaraang ito upang bumuo ng mga estratehiya, tukuyin ang mga pagkilos at tuklasin ang mmga solusyon na
win-win sa halip na win-lose (Day, et al. 1998).
Sa roundtable, ang mga kalahok, maging sila aya nasa larangan ng negosyo, empleyado, lokal na awtoridad, environmentalist,
miyembro ng mga organisasyong nakabase sa komunidad, lahat ay magkakapantay-pantay sa estado (Day, et al. 1998). Walang pinuno
sa pamamaraang ito ngunit may isang facilitator upang maging maayos at magaang proseso ng pagsasagawa.
6|Page
Kaugnay nito, humingi ng kumpirmasyon ng pakikilahok; maaaring kasama sa kumpirmasyon ang pangalan o organisasyon ng
mga kinatawan at impormasyon ng contact para sa mga update dissermination. Ang imbitasyon na ipapadala 3-4 na lingo bago ang
takdang araw ay naglalaman ng sumusunod na elemento:
Nakikilala ang pinanggalingan
Mga layunin ng proyekto / roundtable
Agenda: paksa ng roundtable
Oras, haba at petsa, lokasyon ng gaganapin na roundtable
Mga tiyak na inanyayahan
Oras ng pagsisimula ng roundtable
Address ng hosting institution
Mga detalye ng pagkontak
Kumpirmasyon ng follow-up
Maglakip ng karagdagang impormasyon tulad ng polyeto hinggil sa proyekto/paksa
2.5. Mga Tauhan. Kailangan ng tagapamagitan (facilitator) lalo na sa mas malaking grupo upang masubaybayan ang proseso.
Kung inanyayahan ang mga pandaigdigang panauhin sa roundtable, isipin ang posibleng pangangailangan para sa pagsasalin.
2.6. Pag-promote at pagsasagawa ng pagpupulong. Tiyakin na mayroong nakumpirmang petsa, oras at lugar bago simulang
itaguyod ang pagpupulong. Maaaring gumagamit ng media para sa pag-aanunsyo ng diskursyon / pulong tulad ng:
Advertisement o mga anunsyo sa lokal na radio / telebisyon
Postcard, leaflet o poster sa mga pampublikong lugar
Post sa mga blog / twitter ng mga tao na maaaring interesado sa mga kinalabasan ng pagpupulong
Pag-set up ng isang pangkat/pahina sa facebook upang doon i-post ang mga balita, agenda ng pagpupulong, atbp
Anyayahan ang mga lokal na mamamahayag na talakayin ang hinggil sa layunin ng pagpupulong
2.7. Mga Kagamitan. Ang mga handout at mga visual na material ay kapaki pakinabang. Depende sa agenda, maaaring ihanda
ang mga kagamitang ito bago ang pagpupulong.
4. Pagtapos ng Roundtable
Gumawa ng isang ulat hinggil sa pagpupulong at magbigay ng follow-up na gawain kauganay nito (ng isinagawang
pagpupulong). Sulatan ang mga kalahook; pasalamatan sila sa pagdalo at ibahagi sa kanila ang ulat. I-publish anng pagpupulong at ang
mga isyu na tinalakay.
7|Page
Mga Elemento ng Pulong na Dapat Isaalang-alang
Ang pagpupulong ay dapat magkaroon ng sumusunod na element:
1. Mga layuning legal. Anumang pagpupulong ay dapat na may mga legal na layunin. Ang mga pagpupulong na labag sa batas o di
etikal ay hindi balido sa mata ng batas.
2. Naghahatid ng tamang pauanawa sa tamang panahon.
3. Ang pagpupulong ay dapat na pangunahan ng tagapangulo na itinalaga o pinili ng mga miyembro.
4. May tiyak na agenda. Nararapat na may tiyak na agenda ang pagpupulong, sa agenda iikot ang diskusyon at talakayan.
5. Mga korum. Bago ang pagsisimula ng pagpupulong, kinakailangan may korum o sapat na bilang ng kalahok.
6. Pagsisimula at Pagtatapos
Isang malinaw na tanda ng paggalang kung sisimulan at tatapusin ang pagpupulong ayon sa itinakdang oras. Mainam sa
mangunguna ng pulong na maglaan ng limang minute para sa set up. Kung hindi kakayaning masakop ang lahat ng mga aytem sa
agenda, mag-iskedyul ng isa pang pulong.
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang
pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal. Obhetibo at komprehensibo o nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang detalyeng tinatalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagpatibay sa susunod na pagpupulong, ito ay
nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa
mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na mga pagpaplano at pagkilos.
Higit na nagpapatibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at naisulat. Kaya naman
napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado, obhetibo at sistematikong katitikan ng pulong. Ito ay hindi
lamang gawain ng kalihim ng samahan o organisayon, ang bawat kasapi o miyembro ay maaaring maatasan gumawa nito lalong-lalo na
kung wala ang kalihim (Julian, et al.,2017).
Ayon kay Garcia (2017) na binanggit nina Mangahis at Villanueva (2015), nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay
ang katitikan ng pulong. Mahalaga ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at
kailangan pang talakayin muli mula sa pagpupulong na naganap na. dito makikita ang mga pagpapasya at mga usaping kailangan pang
bigyan-pansin para sa susunod na pulong, at maging ng tala ng mga dumalo at hindi dumalo ang katitikan ng pulong.
1. Bago ang pulong. Kung naatasan o nagboluntaryong magsulat ng katitikan ng pulong, siguraduhing hindi ang sarili ang pagunahin
o pinakaimportanteng kalahok dito. Mahahati lamang ang iyong atensyon. Lumikha ng isang template sa pagtatalaga upang mapadali
ang pagsulat. Maglaan ng maraming espasyo.
Bago pa man magsimula ang pulong, basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang magiging daloy
ng mismong pulong. Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa.
Maaaring magtanong sa namamahala sa pulong at sa mga dumalo. Sa pamamagitan nito, hindi na mahihirapang unawain kung ano ang
nangyayari sa pulong. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop, o tape recorder.
2. Habang nagpupulong. Hindi kailangan itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Hindi iyon ang kahingian ng pagsusulat ng
katitikan ng pulong. Nagsusulat nito upang ibigay balangkas ng mga nangyayari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sabihan ng mga
kalahok. Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtalaga ng mga desisyon o rekomendasyon. Itala ang mga aksyon habang
nangyayari ang mga ito, hindi pagtapos.
8|Page
3. Pagkatapos ng pulong. Repasuhin ang isinulat. Kung may mga bagay na hindi naintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos ng
pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo. Gawin ito habang sariwa pa sa isipan ng lahat ang mga impormasyon. Kapag tapos
nang isulat o i-encode ang katitikan ng pulong, ipabasa ito sa mamumuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon. Mas
mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na
pulong. Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng mga salita, bantas, at iba pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa
pulong sa oras na matatapos ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya sakaling may humiling na repasuhin ito sa hinaharap.
Video Conference
Isang bahagi lamang ng paggamit ng social mediqa ang video conference. Binanggit ni Rouse (2015) na ang video conference
ay isang live at koneksyong indibidwal sa pagitan ng isang tao o higit pa mula sa magkaiba at magkalayong lugar na ang layunin ay
makipag-ugnayan at makipagtalakayan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng full motion video kasabay ng paglalahad ng
mga teksto, larawan at video upang talakayin o pag-usapan ang piling paksang napagkasunduan. Ayon sa investopedia, ang video
conferencing ay paggamit ng teknolohiyang angkop at magkatulad sa pagitan ng dalawang tao o higit pa upang gampanan ang katulad
na sitwasyong ‘face to face’. Karaniwang isinasagawa ito sa mga opisina, edukasyon, politika, negosyo at kalakalan o kaya ay sa pagitan
ng dalawang tao sa magkaibang lugar.
Naiiba ang video conference sa teleconference at video calling. Ang video conference ay isang live link na ginagamit ng
komunikasyong audio at video samantalang ang teleconference ay isa namang live link naginagamitan lamang ng audio. Iba rin ang
video conferencing sa video calling dahil ang video calling ay sa pagitan lamang ng dalawa hanggang tatlong katao at karaniwan itong
impormal na komunikasyon.
Ang video conferencing ay ang kakayahan at kasanayan ng isang tao na magsasagawa ng talakayan kasama ang iba pang
indibidwal (participants, viewers). Upang maging matagumpay ang video conferencing, kinakailangang may koneksyon at link na
magagamit upang maita at marinig ang mga kasama sa conference at matalakay ang isang paksa kahit na nasa magkaibang lugar.
9|Page
GAWAING PANGKAISIPAN:
(para sa mga online at modyular na mag-aaral)
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:
A. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ang paggamit ng wikang Filipino ay
pangangailangan. Batay sa mga inilahad na sitwasyon, ano sa mga nabanggit na sitwasyong pangkkomunikasyon ang maari
mong gawiin upang maitupad ang layunin? Isulat ang sagot sa patlang.
_______________ 1. Naatasan ka ng iyong guro na talakayin sa harap ng mga kamag-aral ang paksa tungkokl sa ugnayan ng wika at
kultura.
_______________ 2. Bago pa magpasukan, natukoy mo ang suliranin ng departamento na kailangang mailahad ang mga pagbabago
sa kurikulum.
_______________ 3. Nais mong maglahad ng mahalagang impormasyon tungkol sa epektong social media sa tao sa iyong tagapakinig
na nasa iba-ibang bansa.
_______________ 4. Hindi lahat ng iyong empleyado ay mahusay sa paggawa ng powerpoint presentation. Kaya nais mong linangin
ang kanilang kasanayan sa pagbuo ng powerpoint presentation.
_______________ 5. Nais mong maging mahusay ang kaalaman ng mga out of school youth sa paggawa ng online marketing. Nais mo
ring pagkatapos ng talakayan ay makabuo sila ng kani-kanilang halimbawa.
Tukuyin kung anong uri ng sitwasyong pangkomunikasyon ang binabanggit sa mga pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
_______________ 6. Sitwasyong pangkomunikasyon na karaniwang nakapaloob lamang sa isang seminar at hindi makapag-isa
sapagkat pangangailangan ang pagtatalakay sa paksa bago ang pangsasanay at pagbuo ng output.
_______________ 7. Pagtalakay sa loob ng 15-20 minuto hinggil sa isang tiyak na paksa sa maliit at malaking pangkat.
_______________ 8. Kasingkahulugan ito ng panayam at isang pamaraan ng pagtatalakay ng tiyak na paksa na maaaring karaniwang
gawain, isang kalakaran o pamaraang nakaugaliang.
_______________ 9. Ginagamit sa pagtuturo uoang matalakay ang napapanahon at mahahalagang paksa na makatutulong sa pagtamo
ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan.
_______________ 10. Ito ay isang pagsasanay na nakatuon sa pagtamo ng mga kasanayan.
B. Gawin: Basahin ang kasunod na sanaysay at gawin ang ipinagagawa sa ibaba nito.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Halaw mula sa: http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07sanaysay-tungkol-sa-edukasyon.html
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo
sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natututunan sa apat na sulok ng ating mga paaralan at/ unibersidad. Bagama’t kasama ito sa mga pangunahing element upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat
na piloting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan na bunga ng mga pormal na pag-aaral hinggil
sa Mathematics, Science, Langguage at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay nang maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga
mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para
sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ang siyang magadadala sa kanila sa inaasam
na mgamithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa
hinaharao at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapawa ng
isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at mga magagandang pangayayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang
kinabukasan. Ang kanilang kabataan ay siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay
na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan ng isang tao upang magkaroon
ng mga kaalaman hinggil sa kaniyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungi sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin
nito.
Nararapat na ang kabataan ay magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karansan at pormal na
programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang sasandatahin upang matagumpay na malampasan ang mga hamon ng buhay
na kanilang haharapin. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin ang karampatang edukasyon na kailangan nila
upang maabot ang mga pangarap na nais nilang tuparin–para sa kanilang sarili, para sa kanilang mga mahal sa buhay, at higit sa lahat…
para sa bayan!
Ibuod ang mga kaisipang mahahalaw sa teksto sa pamamagitan ng sanaysay sa isang buong papel. Gawing gabay ang
sumusunod na tanong. Binubuo dapat ito ng hindi kukulangin sa tatlong talata at kada talata ay hindi kukulangin sa limang pangungusap.
1. Hinggil saan ang binasang sanaysay?
2. Ano-ano ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay?
3. Ipaliwanag ang pahayag na Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan.
4. Isa-isahin ang mga kaisipan/ aral na maaaring mapulot mula sa sanaysay.
5. Bilang kabataan, paano mo mapapakinabangan ang mga kaisipan/ aral na ito?
6. Bakit sinasabing sandata ng mga kabataan ang edukasyon?
8|Page
Pamantayan sa Pagsasagawa
Miyembro KASANAYAN Kahusayan sa NILALAMAN kaayunan ng PAKIKIBAHAGI Kontribusyon Kabuuan
pagtatalakay ng paksa (10) pagtatalakay sa paksa (10) sa talakayan (5) (25)
C. Pagpupuno sa Patlang. Gamit ang dayagram sa ibaba, ibigay ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng Symposium at
Kumperensya.
Pagkakaiba Pagkakatulad
________________
________________
________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
__________ __________ ________________
________________
D. Pasanaysay. Talakaying may katalinuhan kung ano ang hinihingi sa bawat aytem.
E. Pasulat: Talakayin sa loob ng 3-5 pangungusap ang paksang mababasa sa bawat aytem.
1. Symposium
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
2. Kumperensya
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
3. Roundtable Discussion
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
9|Page
4. Small Group Discussion
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
PAGTATAYA
(para sa mga online at modyular na mag-aaral)
A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, at modyular (low connection) ang gagamitin ay ang Google Form.
Para sa mga mag-aaral na modyular (no connection) ay may ilalakip na mga talatanungan sa huling bahagi ng modyul na ito.
B. Panuto: Bumuo ng pangkat. Pumili ng isa sa mga paksang loob ng kahon at talakayin. Gumawa ng isang Powerpoint
presentation tungkol sa mga sumusunod:
PAGLALAHAT
(para sa mga modyular na mag-aaral)
Sa modyul na ito, natutunan kong _________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
TAKDANG-ARALIN
(para sa mga modyular na mag-aaral)
A. Panuto: Gumawa ng isang islogan na kaugnayan sa alinman sa isa sa mga kasalukuyang programa ng pamahalaan. Gawin ito sa
isang bondpaper at lagyan ng paliwanag sa likod.
SANGGUNIAN
Carada, Imelda G. et.al. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino: Intramuros Manila, Mindshapers Co. INC.
San Juan, David Michael M. et.al. (2018) PIGLAS-DIWA (Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino): Malabon City, Mutya
Publishing House.
Aguilar, Hermiline B, (2017) “Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino”, Jenher Publishing House.
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2015. The ASEAN Secretariat Jakarta ASEAN www.asean.org
RMN News Nationwide: The Sound of the Nation
https://www.slideshare.net/ARALPANG/mga-hakbang-na-ginagawa-ng-pamahalaan-para-sa-kaunlaran
Laya at Galileo Garcia, in-edit ni Arcy Garcia para sa PAKISAMA mula sa panulat ni Jenina Joy Chavez, Philippine Program Coordinator, Focus on
the Global South Editor: Ma. Estrella A. Penunia. AFA at suportado ng Agriterra-Loyola Heights, Quezon City, Philippines. Vol 3 No. 1
February 2008.
www.asianfarmers.org: afa@asianfarmers.org
10 | P a g e
TASAHIN
Pangalan : _____________________________________________________________ Puntos : _______________
Kurso at Taon : _________________________________________________________ Petsa : ________________
I. Pagtatapat-tapat. Itapat ang mga kaisipan/konsepto na mababasa sa Hanay B sa mga katawagang mababasa sa Hanay A. isulat ang letra ng
iyong sagot sa laang patlang.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Ends A. Sino ang nag-uusap?
_____ 2. Keys B. Anyo at estilo ng pananalita
_____ 3. Setting and Scene C. Paano dumadaloy ang usapan?
_____ 4. Norm D. Bakit ito ang pinag-uusapan?
_____ 5. Participants E. Ano ang layunin ng pag-uusap?
_____ 6. Instrumentalities F. Uri ng Pagpapahayag
_____ 7. Kumperensya G. Kabuoang tono o Kaanyuan ng Pagsasalita
_____ 8. Genre H. Isang pormal na pulong ng mga tao
_____ 9. Act Sequence I. Saan nag-uusap?
_____ 10.Symposium J. Bakit nag-uusap?
K. Pinakaangkop o pinakakatanggap-tanggap na kilos
L. Isang pormal na pagtitipon sa akademikong gawain
II. MODIPIKONG TAMA O MALI. Isulat ang TAMA bago ang bilang kung ang pahayag ay tumpak. Sa kabilang banda, kung mali ang nasalungguhitang
pahayag, isulat ang TAMANG SALITA O PARIRALA para ang pahayag ay maging wasto. (20 pts.)
_____1. Ang Roundtable Discussion ay isang pampublikong pagpupulong.
_____2. Ang Roundtable Discussion ay naglalayong lumikha ng sitwasyong win-win sa halip na win-lose.
_____3. Kailangang magtalaga ng facilitator upang maging maayos ang prsoseso ng roundtable discussion.
_____4. Ang two-way discussion ay laging mas malikhain kaysa sa indibidwal pagpapahayag.
_____5. Kakailanganin ng hindi bababa sa anim na lingo upang ihanda ang roundtable discussion.
_____6. Sa Roundtable Discussion ay maaaring sumagot at magbigay ng kaisipan nag hindi na kinakailangan tawagin pa ng tagapanguna.
_____7. Isang pangangailangan na maging aktibo ang lahat ng kasapi sa maliit na talakayan o small group discussion.
_____8. Ang ingay sa talakayan ay hindi binibigyang pansin sa small group discussion.
_____9. Dapat na makinig at magsalita ang mga kasali sa pangkatang talakayan.
_____10. Huwag gawing masyadong mahaba ang talakayan sa small group discussion.
III. Isulat sa patlang ang salita o grupo ng mga salita na tinutukoy sa bawat aytem.
__________ 1. Ang uri ng video conference na karaniwang ginagamit ng mga indibidwal na naglilipat-lipat ng luar ng tarabaho.
__________ 2. Isang live at koneksyong biswal sa pagitan ng isang tao o higit pa mula sa magkaiba at magkalayong lugar na ang layunin ay makipag-uganayan at
makipagtalakayan.
__________ 3. Isang paraan ng paghahatid impormasyon sa pamamagitan ng mga tunog at visual images na napapanood sa mga screen.
__________ 4. Uri nng video conference na sangkot ang higit sa dalawang sites.
__________ 5. Isang live link na ginagamitan lamang ng audio.
__________ 6. Komunikasyong online na ang layunin ay magkaroon ng interaksyon, kolaborasyon at pagbabahagi ng mga kaalaman gamit ang iba’t ibang channel o
website.
__________ 7. Uri ng video conference na laan para sa maraming pangkat na nagsasagawa ng pulong na may isang cetral system o lokasyon.
__________ 8. Paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng transmisyon, emisyon at resepsyon ng mga wave, frequency at band.
__________ 9. Tumutukoy ito sa indibiwal na pinanggagalingan ng mensahe o bumubuo ng mensahe.
__________ 10. Tawag sa mga mensahe, larawan o video na ipinapaskil sa social media sites.
__________ 11. Isang uri ng virtual na komunikasyon na may dalawa hanggang tatlong kato na sangkot at karaniwang impormal.
__________ 12. Tawag ito sa koneksyong nalilikha sa pagitan ng isang tao sa isa pang pangkat na hindi ginagamitan ng personal o ‘face to face’ na komunikasyon.
__________ 13. Isa itong mahalagang pangangailangan sa video conference upang magkaroon ng koneksyon sa kausap.
__________ 14. Video conference na ginagamitan ng life-size simulation.
__________ 15. Kinakatawan ng salitang ito ang mga salitang coder at decoder.
1|Page