You are on page 1of 10

PULONG

 Ito ay isang gawain kung saan ang


grupo ng mga tao ay nagtitipon sa isang
lugar sa takdang oras upang mag-usap
tungkol sa mga bagay-bagay o gumawa
ng pasya tungkol sa mga isyu.
HALIMBAWA

 Pagpupulong sa Barangay
Halimbawa: Pag-uusapan ang budget ng barangay
 Pagpupulong sa Paaralan
Halimbawa: 1. Pagpupulong para sa darating na
Teachers’ Day Celebration
2. Pagpupulong ng mga magulang at guro
ukol sa peformance ng mga estudyante sa larangan ng
akademik
PAG-OORGANISA NG PULONG

 Ang pag-oorganisa ng pulong ay


mahalaga upang ito ay maging epektibo
at mabisa. Kailangang alam din natin
ang mga elemento sa pagbuo ng isang
organisadong pulong upang maging
maayos ang daloy nito.
APAT NA ELEMENTO NG ISANG
ORGANISADONG PULONG:

1. Pagpaplano
-magkaroon ng malinaw na layunin kung bakit dapat
may pagpupulong.
Layunin:
 Pagpaplano para sa organisasyon
 Pagbibigay impormasyon
 Konsultasyon
 Paglulutas ng problema o solusyon
 Pagtatasa
2. Paghahanda
-gumawa ng imbitasyon (letter, text o verbal) kung saan
nakasaad dito ang mga taong dapat dumalo sa pulong,
kung kailan, saan, at ano ang agenda na tatalakayin .
Mga mahahalagang papel sa pulong:
 Pinuno - tinatawag ding “facilitator” tagapatnubay, o
“meeting leader”
 Kalihim - tinatawag ding recorder, minutes-taker, o
tagatala
 Mga kasapi sa pulong - sila ang mga aktibong miyembro
o kalahok sa pulong.
MAGHANDA SA PULONG

 Ihanda ang lugar, (mesa, upuan, pagkain kung


kinakailangan, palikuran, kasiguruhan o security at
iba pa)
 Ang mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk or
pentel pen at iba pa)
 Pag-aralan (research) ang mga topic na tatalakayin,
kung kinakailangan magtalataga (assign) ng taong
mas higit na nakakaalam sa usapin.
3. Pagpoproseso
Ang ilang mahahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang tungkol
sa mga dumalo (attendance) at pagsasagawa ng desisyon:
 Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na
dapat dumalo para maging opisyal ang pulong.
 Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan
kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa
pulong.
 Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan
kinakailangan ang 50% + 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o
hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.
 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan
kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-
ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
4. Pagtatala
-pagsulat ng minutes o tala sa pulong
Mga bahagi ng Minutes
 Simula
 Atendans
 Talakayan
 Pagtatapos
 Paraan ng pagsulat ng katitikan o minutes ng pulong
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSUSULAT
NG MINUTES O KATITIKAN NG PULONG

 Pag-uusapan/talakayanin
 Pagbubukas ng pulong
 Pagbabasa at pagsang-ayon sa katitikan ng
nakaraang pulong
 Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa
nakaraang pulong
 Pinakamahalagang pag-uusapan
 Ibang paksa
 Pagtatapos ng pulong
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG

 Malabong layunin sa pulong


 Bara-bara sa pulong
 Pagtatalakay sa napakaraming bagay
 Pag-atake sa indibidwal
 Pag-iwas sa problema
 Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa
 Masamang kapaligiran ng pulong
 Hindi tamang oras ng pulong

You might also like